13
1 Modyul 4: Batas Militar:Banta sa Demokrasya Mga Paksa: 1. Deklarasyon ng Batas Militar 2. Kawalan ng Karapatang Pantao 3. Pagtutol sa Batas Militar Tema: D.Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala Bilang ng oras: Anim (6) Alignment Matrix Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang nakapaloob sa sanggunian? Saang gawain makakamit ang kakayahan? Anong level of assessment nakapaloob ang gawain? Bilang ng Oras 1. Deklarasyon ng Batas Militar Larawan ni Pang. Marcos ng ideklara ang Batas Militar Sipi ng Proklamasyon ng 1081 Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “In his own words: Marcos on martial law” Mga Bahagi ng Saligang Batas ng 1973 at 1987 Ilang Mahalagang Probisyong ng Saligang Batas ng 1973 at 1987 1. Naipapaliwanag ang ibat ibang pananaw ukol sa dahilan at layunin ng pagdeklara ng batas militar 2. Nakapagtataya ng kabisaan ng mga pananaw ukol sa dahilan at layunin ng paghayag ng batas militar 3. Nailalarawan ang pagbabago sa pamamalakad at patakaran ng gobyerno sa ilalim ng batas militar 4. Natutukoy ang epekto ng mga pagbabagong ito sa kalayaan ng bayan 5. Nakapagtataya sa paraan ng paggamit ng kapangyarihan ng gobyerno noong batas militar Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4 Knowledge Knowledge/Skills Process Knowledge and Skills Process 2 2. Kawalan ng Karapatang Pantao Mga Imahe ng Batas Militar Desaparecidos 6. Naipaliliwanag ang kalagayan ng karapatang pantao sa panahon ng batas military sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay 7. Naiuugnay ng karapatang pantao Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7 Knowledge and Process Process and Understanding Understanding 2

4th qtr module 4 tg

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 4th qtr module 4 tg

1

Modyul 4: Batas Militar:Banta sa Demokrasya Mga Paksa:

1. Deklarasyon ng Batas Militar 2. Kawalan ng Karapatang Pantao 3. Pagtutol sa Batas Militar

Tema: D.Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala

Bilang ng oras: Anim (6) Alignment Matrix

Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang nakapaloob

sa sanggunian?

Saang gawain makakamit ang

kakayahan?

Anong level of assessment

nakapaloob ang gawain?

Bilang ng Oras

1. Deklarasyon ng Batas Militar

Larawan ni Pang. Marcos ng ideklara ang Batas Militar Sipi ng Proklamasyon ng 1081 Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “In his own words: Marcos on martial law” Mga Bahagi ng Saligang Batas ng 1973 at 1987 Ilang Mahalagang Probisyong ng Saligang Batas ng 1973 at 1987

1. Naipapaliwanag ang ibat ibang pananaw ukol sa dahilan at layunin ng pagdeklara ng batas militar

2. Nakapagtataya ng kabisaan ng mga pananaw ukol sa dahilan at layunin ng paghayag ng batas militar

3. Nailalarawan ang pagbabago sa pamamalakad at patakaran ng gobyerno sa ilalim ng batas militar

4. Natutukoy ang epekto ng mga pagbabagong ito sa kalayaan ng bayan

5. Nakapagtataya sa paraan ng paggamit ng kapangyarihan ng gobyerno noong batas militar

Gawain 1

Gawain 2

Gawain 3

Gawain 4

Knowledge Knowledge/Skills Process Knowledge and Skills Process

2

2. Kawalan ng Karapatang Pantao

Mga Imahe ng Batas Militar Desaparecidos

6. Naipaliliwanag ang kalagayan ng karapatang pantao sa panahon ng batas military sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay

7. Naiuugnay ng karapatang pantao

Gawain 5

Gawain 6

Gawain 7

Knowledge and Process Process and Understanding Understanding

2

Page 2: 4th qtr module 4 tg

2

sa kalayaan at demokrasya

3. Pagtutol sa Batas Militar

Talambuhay ni Jovito Salonga Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar

8. Naipaliliwanag ang pagtutol sa batas militar tungo sa malaya at demokratikong pamamalakad

9. Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa tungkulin ng gobyerno at ng bawat isa na ipatupad ang karapatang pantao

10. Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula sa ibat ibang primaryang sanggunian

Gawain 8

Gawain 9

Gawain 10

Gawain 11

Understanding

Understanding

Understanding

Understanding

2

Pagganyak: a. Gaganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng isang sitwasyon na

ipagpapalagay ng mga mag-aaral na kanilang gagampanan. Ito ay ilalahad sa paraang patanong.

Kung ikaw ang pangulo ng bansa, ano ang iyong gagawin kung laganap ang kaguluhan

sa iyong nasasakupan bunsod ng mga malawakang kilos protesta ng iba’t ibang sektor ng lipunan at mga rebeldeng grupo? Ang sitwasyong naibigay sa mag-aaral ay nahahawig sa kinaharap ni dating Pang.Marcos na nagbigay daan sa paghahayag nito ng Batas Militar.

b. Magbibigay ang mag-aaral ng limang mungkahing solusyon ukol dito gayundin ang maaaring epekto nito. Ilalahad nila ang kanilang sagot sa pamamagitan ng chart.

c. Sasali ang mga mag-aaral sa grupo at ibabahagi ang kanyang mga nabuong kasagutan. Bubuo ng kaisahan mula sa kanilang mga naging kasagutan. Ibabahagi sa klase ang kanilang mga napagkasunduang sagot.

Inaasahang Sagot:

Suliranin

1. Malawakang kilos protesta ng ibat ibang sektor ng lipunan

Mungkahing Solusyon

Mahinahong

pakikipag-usap sa mga lider na

nagkikilos protesta

Positibong Epekto

Pagkakasundo

Negatibong Epekto

Page 3: 4th qtr module 4 tg

3

Pagtalakay sa Panimula:

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimula. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong na titiyak sa kanilang pag-unawa sa binasa.

b. Magbigay ng maikling pagsusulit pagkatapos ng talakayan.

Pagsuri sa mga Sanggunian:

Deklarasyon ng Batas Militar Sanggunian 1:

a. Ipabasa ang Sanggunian 1 – Proklamasyon 1081. b. Bigyang-diin ang mga salita na nasa glosari. c. Ipasagot ang Gawain bilang 1,2, 3, at 4.

Gawain 1: Kuha Mo?

1. Ipabuod sa mga mag-aaral ang kanilang binasang sipi sa pamamagitan ng pagbuo nila sa 3-2-1

Chart na kanilang pupunan.

Paggamit ng mga

kapulisan upang tapusin/mapigilan

ang protesta

Mapipigilan ang

pagiging marahas ng mga nagpoprotesta

Maaaring may mga

masaktan sa hanay ng mga nagpoprotesta

2. Rebeldeng grupo

Pagdaraos ng Peace Talk

Pagtugis sa mga rebeldeng grupo

Mapakikinggan ang mga hinaing ng mga

rebelde na magbibigay daan sa

pagkakasundo

Paghina ng pwersa ng mga rebeldeng

grupo

Pananatili ng suliranin sa kapayapaan

Mungkahing Gawain sa Pagganyak:

A. Ipagawa ang gawain sa small group discussion na iiuulat din sa klase pagkatapos.

B. Gumamit ng mga larawan kaugnay sa mga suliraning tinukoy upang higit itong

maunawaan ng mga mag-aaral.

Page 4: 4th qtr module 4 tg

4

2. Ipaalala sa mga mag-aaral na mayroon silang laya na maglahad sa bawat kolum ng chart ng kahit

ilan sa kanilang nais o nalalaman.

3. Ang gawain ay maaaring ipagawa ng pangkatan.

4. Bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral o pangkat na maipaliwanag ang kanilang panig sa mga

kasagutan na inilahad sa 3-2-1 chart habang sila ay nagbabahagi sa klase.

5. Tiyakin na ang mga katanungan na nananatili sa kanilang isipan ay mabibigyan ng kasagutan.

Hayaan ang mga kamag-aral nito na makapagbigay ng kasagutan sa mga tanong na ito. Maging

alerto sa pagtugon sa mga binigay na sagot ng klase gayundin sa mga di kayang sagutin ng klase.

Inaasahang sagot sa Pamprosesong Tanong:

1. Paglakas ng pwersa ng mga rebeldeng grupo sa bansa, malawakang mga kilos protesta,

paglaganap ng krimen, at kaguluhan sa Mindanao.

2. Ang deklarasyon ng batas militar ay legal sapagkat ito ay nakasaad sa Article VII, Section

10,Paragraph 2 of the 1935 Constitution.

3. Mahalaga ang ginampanan ng Armed Forces of the Philippines ( AFP ) sa panahong pinairal

ang batas militar sapagkat sila ang naging instrumento ng pamahalaan sa pagpapanatili ng

kaayusan at kapayapaan sa bansa.

4. May laya ang mga mag-aaral dito na magpasya batay sa kanyang pananaw. Mahalagang

mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang batayan upang matiyak na katanggap-tanggap ang

kanyang pinaniniwalaan.

Gawain 2: Alam ko at Dama Ko.

1. Gamit ang Thinking at the Right Angle Chart itatala ng mga mag-aaral ang 10 datos na

kanilang natutuhan mula sa sangguniang binasa. Ito ay maaaring terminolohiya,

pangalan ng tao at lugar, petsa at iba pa.

2. Kaugnay ng mga datos na kanilang napili, ilalagay din nila sa chart ang katumbas na

saloobin nila sa bawat isa.

3. Pabigyang paliwanag sa mag-aaral ang kadahilanan ng kanilang mga naging kasagutan sa

chart.

4. Sa pagtatapos ng gawain, mahalagang magabayan ang mga mag-aaral sa pagpapasya

kung tama ba o mali ang pagpapairal ng batas militar ni Pang. Marcos.

Sanggunian 2:

1. Ipabasa ang Sanggunian 2 – Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “ In His Own

words: Marcos on Martial Law

Page 5: 4th qtr module 4 tg

5

2. Pabigyang puna sa mga mag-aaral ang mahahalagang kaganapan sa bawat araw ng

diary sa pamamagitan ng pagtatala sa kanilang kwaderno mahahalagang

impormasyon.

Gawain 3: Pag-isipan Natin

1. Pangkatin ang klase at atasan silang pag-usapan at sagutin ang Tri-Dimensional

Question batay sa kanilang binasang sanggunian.

2. Ilahad ng bawat pangkat ang kanilang mga naging kasagutan sa tanong.

Inaasahang Sagot:

1. Ang mga pangyayaring naging batayan ni Pang. Marcos sa pagdedeklara ng Batas

Militar ang kaguluhang hatid ng mga rebeldeng grupo, mga kilos protesta at pag-

ambush kay Sec. Juan Ponce Enrile.( Bigyan ng laya ang mga mag-aaral na

pangatwiranan kung sapat ba o hindi ang mga ito para sa naging pasya ng dating

pangulo.)

*Paalala: Bigyan diin at paliwanag di ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa bago

inihayag ang Batas Militar.

2. Si Sen. Aquino ng Liberal Party ay nakipag-isa sa Communist Party ni Jose Maria

Sison.Tumanggi rin ang senador na makipagpulong sa dating pangulo para sa

kapakanan ng sambayanang Pilipino. (Bigyan ng laya ang mga mag-aaral kung sang-

ayon ba sila o hindi sa nakasaad na ito sa diary ni Pang.Marcos.)

*Paalala: Ilahad at ipaunawa sa mga mag-aaral ang mahalagang ginampanan ni

Sen. Aquino sa panahon ng Batas Militar.

3. Hayaang magkaroon ng malayang kalakalan ang mga mag-aaral sa matalinong

pagsubaybay ng guro.

Sanggunian 3:

1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Mga Bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas

1973 at 1987

2. Tiyaking mabibigyang - puna ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng bawat

saligang batas at probisyon nito kaugnay sa Sangay Tagapagpaganap at

Tagapagbatas.

3. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang pagbabago sa balangkas at

kapangyarihang taglay ng Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas.

Page 6: 4th qtr module 4 tg

6

Gawain 4: Kayang-Kaya Ko Ito!

1. Paghahambingin ng mga mag-aaral ang Saligang Batas 1973 at 1987 gamit ang

Compare and Contrast Diagram na kanilang pupunan.

2. Matapos buuin ng mga mag-aaral ang diagram ay kanila itong ihahayag sa klase

para sa talakayan.

Inaasahang Sagot:

Pagkakatulad: Nagtataglay ang saligang batas na halos magkatulad na bilang

mga artikulo at mga pamagat

Kaugnay sa:

Binubuo ng 17 artikulo Mga Bahagi Binubuo ng 18 Artikulo

Sangay Tagapagpaganap

Ang pangulo ay halal ng mga

kagawad ng Pambansang

Asamblea.

(Paraan ng Paghalal)

Ang pangulo at pangalawang

pangulo ay halal ng mga

kwalipikadong botante.

Pangulo, Prime Minister,

Gabinete

(Bumubuo) Pangulo, Pangalawang Pangulo,

Gabinete

Walang tiyak na taning ang

panunungkulan

(Katangian) May tiyak na taning ang

panunungkulan

Pangulo: Simbolikong puno ng

estado

Prime Minister:Pinuno ng

pamahalaan, may

kapangyarihang tagapagpaganap

sa tulong ng gabinete,

commander-in-chief ng

(Kapangyarihan) Pangulo: Pinuno ng estado,

tagapagpaganap at commander-

in-chief ng sandatahang lakas

Page 7: 4th qtr module 4 tg

7

sandatahang lakas, may control

sa ministry, humirang ng

kawanihan ng sandatahang

lakas, suspindihin ang pribilehiyo

ng writ of habeas corpus,

ipailalim sa martial law ang

bansa, magkaloob ng amnesty sa

pagsang-ayon ng pambansang

Asamblea

Sangay Tagapagbatas

Halal ng taumbayan (Paraan ng Paghalal)

Halal ng taumbayan

Pambansang Asamblea (Bumubuo) Senado at Kapulungan ng mga

Kinatawan

Isang Kapulungan (Katangian) Dalawang Kapulungan

Paggawa ng batas, pagbubuwis,

pagpasa ng laang gugugulin,

pagbawi sa kompiyansa sa Prime

Minister, paghayag ng

pagkakaroon ng kalagayang

digma

(Kapangyarihan) Paggawa ng batas, pagbubuwis,

paglalaan ng gugugulin ng

pamahalaan, pagpapahayag ng

pagiral ng kalagayang digma

*Paalala: Gabayan ang mga mag-aaral na makita at maunawaan ang pagkakaiba sa balangkas ng Sangay

Tagapagpaganap at Tagapagbatas ng Saligang Batas 1973 at 1987. Ipaunawa din ang epektong hatid ng

pagkakalikha ng Saligang Batas 1973 sa panunungkulan ni Pangulong Marcos.

Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong:

1. Artikulo VII at VIII ng Saligang Batas 1973 na katumbas naman ng Artikulo VI at VII ng Saligang

Batas 1987.

2. Nabago nito ang balangkas ng pambansang pamahalaan at napalawig ang kanyang termino ng

pamamahala.

3. Hayaan ang mga mag-aaral na makapagpasya kung alin sa dalawang Saligang Batas ang sa

palagay nila ay mahusay. Tiyakin lamang na ang mga ito ay makapaglalahad ng mga suporta sa

kanilang sagot batay sa sanggunian.

Page 8: 4th qtr module 4 tg

8

Kawalan ng Karapatang Pantao

Sanggunian 4:

1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang sanggunian- Mga Imahe ng Batas Militar.Ito ay nagpapakita ng

ilan sa mga larawang kuha noong umiiral ang batas militar sa bansa.

2. Inaasahang makabubuo ng paglalarawan ang mga mag-aaral buhat sa kanilang sinuri.

Gawain 4: Picture Talk

1. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang interpretasyon mula sa larawan.

Inaasahang sagot:

Larawan A: Ito ay pahayagan na nagpapakita ng pangunahing balita ng pagdeklara ni

Pang.Marcos ng Martial Law. Ang saloobin ay maaaring pagkalungkot bunsod ng mga

sumunod na epektong dulot nito.

Larawan B: Isang babaeng dinadakip na posibleng mamamahayag.Ang saloobin ay maaaring

pagkalito at pagkalungkot sa posibleng dahilan ng ginawang pag-aresto.

Larawan C: Isang sugatang lalaki na buhat ng mga pulis. Ang saloobin ay maaaring

pagkaawa bunsod ng tinamong hirap at sugat ng lalaki.

Larawan D: Kilos protesta para sa katarungan kay Ninoy at sa mga biktima ng political

repression at military terrorism.Ang saloobin ay pagkaawa sa mga biktima at poot para sa

mga militar.

Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong:

1. Maaaring nakadama ng pangamba ang mga mamamayan sapagkat di nila batid ang tiyak

na mangyayari matapos ipahayag ito.

2. Marahil ang mga mamamahayag ay patuloy na naglalahad ng mga balita na di naiibigan

ng pamahalaan.( Ang pagsang-ayon o hindi ng mga mag-aaral sa usaping ito ay batay sa

kanilang panuntunan sa buhay.Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral na

maunawaan ang kondisyon ng bayan noong panahong iyon .)

3. Hindi.Sapagkat ang pagsasagawa ng mga kilos protesta ay bahagi ng demokratikong

sistema na kumikilala sa karapatang makapagpahayag ang mga mamamayan.

Oo. Kung ang mga kilos protesta ay nakapagdudulot ng kaguluhan at kapahamakan sa

nakararami.

4. Nasupil ang kalayaan at karapatan ng mga mamamayan noong panahon ng Batas

Militar.

Page 9: 4th qtr module 4 tg

9

5. Oo. May mga kilos protesta pa rin na isinasagawa sa lansangan upang tutulan ang mga

maling gawa ng pamahalaan.

Sanggunian 4:

1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Desaparecidos

2. Bigyang diin ang salita sa glosari.

3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain:

Gawain 6: Usap Tayo

1. Pangkatin ang klase.Hayaan ang mga ito na pag-usapan ang kanilang naunawaan mula

sa sangguniang binasa.

2. Pasagutan sa bawat pangkat ang mga tanong sa chart matapos ang kanilang talakayan.

3. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na mailahad ang kanilang mga kasagutan sa

bawat tanong.

Inaasahang Sagot sa Chart:

1. Buong tapang at tatag ng loob na hinarap ni Cecilia Castellar-Lagman ang pagkawala ng

kanyang anak.Nakipag-ugnayan din siya sa iba pang pamilya na tulad niya ay nawala din

ang mahal sa buhay.

2. Pinalakas ng FIND ang kalooban ng pamilya ng mga desaparecidos.Nagsulong din ito ng

panawagan para sa pagsasabatas ukol sa desaparecidos.

3. Pinatunayan nito na mula sa panahon ni Pang.Marcos hanggang sa kasalukuyang

pangulo ay may mga naitatalang kaso ng desaparecidos.

Paalala: Iugnay sa bilang na ito ang pagkakaroon ng mga tinatawag na extra judicial

killing sa kasalukuyang panahon. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng sanhi ng pagkawala ng mga tao noon sa kasalukuyan.

4. Oo.Sapagkat sila ay nanindigan sa kanilang mga panawagang pagbabago sa pamahalaan

na naging sanhi ng kanilang di maipaliwanag na pagkawala.

5. Hindi.Sapagkat walang tahasang naparusahan at nanagot sa pagkawala ng kanilang mga

kapamilya.

Gawain 7: Maaalala Mo Pa Kaya?

1. Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pakikipanayam (interview) sa mga taong

nabuhay noong panahong umiral ang batas militar.Gagamiting gabay sa panayam ang

katanungan sa modyul. Ang mga kakapanayamin ay maaaring primarya o sekondaryang

Page 10: 4th qtr module 4 tg

10

sanggunian na sa nasabing kaganapan. Hangarin ng gawaing ito na higit pang mapalalim

ang paksang tinalakay sa klase.Ang pagkuha ng larawan, video, voice recording, at lagda

ng kinapanayam ay higit na makabubuti kung papahintulutan nito.

2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang naging karanasan at nakalap na impormasyon

mula sa ginawang panayam.

Pagtutol sa Batas Militar

Sanggunian 6

1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Talambuhay ni Jovito Salonga

2. Bigyang diin ang salita sa glosari.

3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain:

Gawain 8: Siya ang Bida!

1. Ipabuo sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap batay sa kanilang

naunawaan sa nabasang sipi. Sa bawat pangungusap ay bubuo sila ng limang (5) sariling

pangungusap. Dapat matiyak na ang mga idurugtong ng mga mag-aaral sa mga

halimbawang pangungusap ay bubuo sa diwa nito at nababatay sa sangguniang binasa.

2. Ipabahagi sa klase ang mga nabuong halimbawa ng mag-aaral.

Inaaasahang Sagot

Si Senador Jovito R. Salonga noong…..

A. panahong umiiral ang Batas Militar sa bansa ay…hayagang kumontra sa diktador na si Pang.Marcos,tumutol sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, pagsupil sa karapatan sa pamamahayag at kawalan ng proseso ng batas, nagsilbing abogado ni Ninoy Aquino at iba pang bilanggong politikal, nagtatag ng Lingap Ministry, tumulong sa paglaya ng bilanggong politikal.

B. matapos maganap ang Edsa Revolution ay…itinalaga bilang Chairman ng PCGG ni Pang Corazon Aquino,muling naihalal bilang No. 1 Senador noong 1987, nakalikha ng mga mahahalagang batas, binigyang wakas ang pananatili ng mga dayuhang militar sa bansa

C. matapos magretiro sa paglilingkod sa pamahalaan ay…nagtatatag ng Kilos Bayan

Foundation, Bantay Katarungan, Bantayog ng mga Bayani Foundation, naglimbag ng mga aklat tungkol sa kanyang mga karanasan, naging editorial board ng Living News and Good Education.

Gawain 9: Tuklasin Mo: Pagsasaliksik

1. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, aalamin ng mga mag-aaral ang iba pang personalidad

na tumutol sa Batas Militar ni Pangulong Marcos .Alamin ang kanilang mahalagang

Page 11: 4th qtr module 4 tg

11

ginampanan noong panahon ng Batas Militar. Layunin ng gawaing ito na mapalawak pa

ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa pangyayari. Gagamit ang mga mag-aaral ng iba

pang babasahin at internet websites sa gawain.

2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang nakalap na datos sa ginawang pagsasaliksik , gamit ang

napiling graphic organizer.

3. Ilalahad ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang mga gawa bago ipasa sa guro.

Gawain 10: Quotable Quotes:

1. Bibigyan ng paliwanag ng mga mag-aaral ang mga winika ng ilan sa mga personalidad na

nabuhay ng panahon ng Batas Militar.

2. Ilalahad sa klase ng mga mag-aaral ang kanilang mga gawa.

Inaasahang Sagot

1. “The Filipino is worth dying for.”

Hindi nakakapanghinayang ibuwis ang buhay para sa bayan at mga kababayan.

2. “All those years of struggle against Marcos, and most especially during those four historic

days in February, everyone found out that in the Philippines, the line of fire is the place of

honor”

Isang karangalan sa bayan ang mga taong lumaban at di nag paapi kay dating Pang. Marcos

at nakiisa sa makasaysayang EDSA Revolution.

3. “Ngayon ay panahon na ng paglilimi at pag-iisip. Sapat na ang mga hirap na ating dinaranas.

Kaya’t panahon na para magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan! Ang kailangan nang

mangibabaw ay ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN. Ang mga mapag-api at

mapagsamantala ay walang puwang sa lipunang pangarap para sa atin ng Dakilang

Lumikha!”

Dapat manatili ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN palagi at supilin ang mga

mapang-api.

Sanggunian 7

1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – : Halaw sa Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.

2. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain:

Page 12: 4th qtr module 4 tg

12

Gawain 11: Three- Minute-Pause 1. Ipabubuo sa mga mag-aaral ang Three- Minute-Pause Chart mula sa sangguniang

kanilang binasa.

Inaasahang Sagot

Ibuod ang mahahalagang puntos/ kaisipan

Idagdag ang iyong sariling mga saloobin

Magtala ng mga tanong na nangangailangan ng

pagpapaliwanag

Ayon sa talumpati ng

Pangulo Benigno S.Aquino III

hindi naging mabuti

kailanman ang Batas Militar

na pinairal ni dating

Pangulong Marcos.

Maraming mga naging kaganapan noong panahon ng Batas Militar ang hindi naisiwalat sa tao lalo sa kasalukuyang henerasyon.

Paano maituturo nang tama at maayos sa mga kabataan ang tunay na pangyayari ng panahon ng Batas Militar?

2. Ang mga katanungan nabuo ng mga mag-aaral sa kolum 3 ng tsart ay maaaring

pasagutan sa mga kamag-aral nito sa pamamagitan ng pamamatnubay ng guro.

Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong

1. Nais ni Pang. Aquino III na linawin ang mga maling paniniwala noong Batas Militar, nais niya ring hikayatin ang lahat na huwag kalimutan ang aral ng Batas Militar.

2. Oo. Sapagkat ang mga hindi magandang karanasan ng mamamayan sa mga nakalipas na pangyayari ay hindi na dapat pang maulit at sa halip ay kapulutan ng aral.

Produkto/Pagganap. Pagsulat ng Sanaysay.

1. Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang sanaysay tungkol sa Batas Militar at Karapatang Pantao.

2. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang nagawang sanaysay sa isang buong papel.

3. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang gawa sa klase.

4. Mamarkahan ang nagawang sanaysay ng mga mag-aaral gamit ang rubric.

Page 13: 4th qtr module 4 tg

13