22.Haiku at Tanka (1)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

learning haiku and tanka

Citation preview

HAIKU

HAIKUisang uri ng tula na may lima - pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod.

Mabuting gawaMayroong gantimpalaGaling sa AMA.-Ama sa langitIkaw ngayoy magalitSa malulupit.PANANAMPALATAYA

Mahirap palaAng lima-pito-limaPantig na tula.-Kakaiba nga,Ganitong mga tulaNakakasigla.SINING

Diwa kot puso,Ay para lang sa iyo,Minamahal ko.-Iyong alindogSa akiy tumatagosO, aking irog.PAG-IBIG

Madaling-arawNang umuwi ng bahay,Lasing na naman.-Pag-aasawaDi kaning iluluwa,Kapag ayaw na.PAG-AASAWA

Ang kaibiganIyong malalapitanSa kagipitan.-PakikisamaSa iyong mga kapwaDulot ay saya.KAIBIGAN

Saan tutungoItong buhay ng tao,Sa ibang mundo?-Kabilang buhay,Totoo ba o sablayKapag namatay.KAMATAYAN

TANAGAmga tulang may pitong (7) pantig at apat (4) na taludtod

Ang ulan ay pag-asa,Sa mga magsasakaAt sikmura ng bansa,Bakit tingiy pinsala?WALANG MALAY

Minumura ng ilan,At nilalapastangan,Habagat bang dahilanBaha sa kapatagan?TUNAY NA SAKIT

Nagtampong kalikasanSa kurakot ng bayanAng walang kasalananAng pinaghigantihan.INOSENTE

Putul-putol na ugat,Sa dibdib nitong gubat,Ay nakikipag-usap,Sa nag-iwi ng tabak!ULING

Ang kanyang tinging titig,Sa sintang iniibig,Ay luksong malalagkit,May alab din ng init.NILILIYAG

LAS 22: Tula ng Aking Damdamin!Sa isang buong papel, kopyahin ang sumusunod na katuturan.

Matapos ay bumuo ng tig-isang halimbawa ng Haiku at Tanaga.

Ipasa sa subject monitor.HAIKUisang uri ng tula na may lima - pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod.

Diwa kot puso,Ay para lang sa iyo,Minamahal ko.-Iyong alindogSa akiy tumatagosO, aking irog.PAG-IBIG

TANAGAmga tulang may pitong (7) pantig at apat (4) na taludtod

Ang kanyang tinging titig,Sa sintang iniibig,Ay luksong malalagkit,May alab din ng init.NILILIYAG