16
MEDIAMAN PCOO kaisa ng bawat Pilipino sa patuloy na laban sa COVID-19 CODE Team inilunsad ang ‘Mask Para sa Masa’ sa QC ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 2 BLG. 5 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • OKTUBRE 2020 MMC bayanihan kontra COVID-19 MMC bayanihan kontra COVID-19 Palasyo umapela sa testing laboratories na ibaba ang singil sa COVID-19 test 2 M. LADISLA 2 R. CABUGWANG 6 R. CABUGWANG Mahigit 10K Mahigit 10K contact tracers, contact tracers, aprubado aprubado na ng DILG na ng DILG Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_gov bcs.gov.ph bcs_gov 2 M. LADISLA 6 M. LADISLA 3 DOJ pinag-iingat ang publiko sa banta DOJ pinag-iingat ang publiko sa banta sa seguridad dulot ng online classes sa seguridad dulot ng online classes MMC bayanihan kontra COVID-19 MMC bayanihan kontra COVID-19 METRO MANILA MAYORS, METRO MANILA MAYORS, INIREKOMENDANG INIREKOMENDANG IPATUPAD IPATUPAD ANG ANG GCQ HANGGANG DISYEMBRE GCQ HANGGANG DISYEMBRE METRO MANILA MAYORS, METRO MANILA MAYORS, INIREKOMENDANG INIREKOMENDANG IPATUPAD IPATUPAD ANG ANG GCQ HANGGANG DISYEMBRE GCQ HANGGANG DISYEMBRE

2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

M E D I A M A N P C O O k a i s a n g b a w a t P i l i p i n o s a p a t u l o y n a l a b a n s a C O V I D - 1 9

CODE Teaminilunsad ang‘Mask Para saMasa’ sa QC

ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 2 BLG. 5 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • OKTUBRE 2020

MMC bayanihan kontra COVID-19MMC bayanihan kontra COVID-19

Palasyo umapela sa testing laboratories na ibaba ang singil sa COVID-19 test2 M. LADISLA

2 R. CABUGWANG

6 R. CABUGWANGMahigit 10KMahigit 10Kcontact tracers,contact tracers,aprubadoaprubadona ng DILGna ng DILG

Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

2 M. LADISLA6 M. LADISLA

3

DOJ pinag-iingat ang publiko sa bantaDOJ pinag-iingat ang publiko sa bantasa seguridad dulot ng online classessa seguridad dulot ng online classes

MMC bayanihan kontra COVID-19MMC bayanihan kontra COVID-19METRO MANILA MAYORS, METRO MANILA MAYORS, INIREKOMENDANGINIREKOMENDANG IPATUPAD IPATUPAD ANGANG

GCQ HANGGANG DISYEMBREGCQ HANGGANG DISYEMBREMETRO MANILA MAYORS, METRO MANILA MAYORS, INIREKOMENDANGINIREKOMENDANG IPATUPAD IPATUPAD ANGANG

GCQ HANGGANG DISYEMBREGCQ HANGGANG DISYEMBRE

Page 2: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

2Oktubre 2020 BalitaBalita

METRO MANILA MAYORS,METRO MANILA MAYORS,INIREKOMENDANG IPATUPAD INIREKOMENDANG IPATUPAD ANG GCQ HANGGANG DISYEMBREANG GCQ HANGGANG DISYEMBRE

Ni Monica N. Ladisla

LOW COST — Hiniling ng Malacañang na ibaba ng testing facilities sa bansa ang halaga ng kanilang COVID-19 swab tests matapos ang rekomendasyon ng Department of Health kay Pangulong Rodrigo Duterte. (Photo credit: Department of Transportation)

Mahigit 10K contact tracers, aprubado na ng DILGNi Monica N. Ladisla

Nagkaisa ang 17 alkalde na parte ng Metro Manila Council (MMC) na irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases na patuloy na ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region hanggangDisyembre 31.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jose Arturo Garcia, nagkasundo ang mga alkalde na irekomenda sa IATF na panatilihin sa GCQ ang buong Maynila sapagkat aniya, “it is easy to adjust gradually while under GCQ.”

Dagdag pa niya, “Mas mahirap na i-Modified General Community Quarantine or MGCQ na 100 percent tsaka mo babawasan, magkakaroon ng resistance iyan, mahirap i-control. Unlike GCQ tayo tapos

gradually tayo nag-a-adjust ng mga capacity. This is the better move para tumakbo ang ekonomiya natin.”

Samantala, inirekomenda rin ng MMC na baguhin ang itinakdang oras ng curfew sa buong Maynila mula 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. at gawin itong 12 a.m. to 4 a.m. Sang-ayon din dito ang economic team at inaasahang makatutulong ang rekomendasyong ito sa pagbangon ng ekonomiyang bansa.

“This is for our economy, for our establishments to earn more. More people are expected to dine at restaurants due to the change in the curfew hours. All the mayors agreed to this. Of course, health protocols must be strictly observed at such establishments,” saadni Garcia.

Bukod pa rito, inirekomenda rin na payagan

nang makalabas ang may edad 18 hanggang 65 taong gulang.

“Our mayors pointed out that individuals aged 18 are the ones who are allowed to work, therefore, they are not out of their houses for leisure. Those below the said age are more prone to go out of their houses just for leisure,” pahayag ni Garcia.

Nilinaw naman ni Garcia na kasalukuyang wala pang desisyon ang MMC tungkol sa pagdaraos ng “Simbang Gabi” at aniya, maaaring sa katapusan ng buwan ng Nobyembre pa ilabas ang panuntunan para rito.

“There are recommendations to adjust the curfew during the start of ‘Simbang Gabi’ to 12 a.m. to 3 a.m. But this is not yet final. It is too early to talk about this. We will release a guideline by the end of November,” paglilinaw ni Garcia. ■

Nanawagan ang Malacañang noong Setyembre 22 sa mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing laboratory sa bansa na ibaba ang kanilang singil.

Ito ay matapos ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng executive order na magtatakda ng price ceiling upang makontrol ang presyo ng swab tests.

“Napakadaming laboratories, gobyerno po ang nag-donate o kaya pribadong sektor ang nag-donate ng makina at mga test kit. Ibaba niyo po ang mga presyo,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isangvirtual briefing.

Nauna nang sinabi ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na napansin nila ang pagkakaiba sa presyo ng COVID-19 swab test sa iba’t ibang mga laboratoryosa bansa.

“Nakapag-submit na kami sa Office of the President ng recommendation for an executive order issuance dahil napansin natin ‘yung differential pricing across the different labs in the country,” paglalahad ni Usec. Vergeire.

Ayon pa sa tagapagsalita ng DOH, isinusulong nila ang nasabing executive order dahil hindi kasama ang diagnostic at professional fees sa kasalukuyang umiiral na batas ukol sa presyo ng mga gamot sa bansa.

Samantala, iprinisenta naman ni Spokesperson Roque ang listahan ng testing centers na nagsasagawa ng abot-kayang COVID-19 swab tests na nagkakahalaga

lamang mula P1,750 hanggang P2,000. Kabilang dito ang mga sumusunod:• Philippine Children’s Medical Center• Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital• Jose B. Lingad Memorial General Hospital• Perpetual Help Medical Center - Las Piñas• National Kidney and Transplant Institute• Lung Center of the Philippines• Western Visayas Medical Center - Iloilo• Vicente Sotto Memorial Medical City - Cebu• University of Cebu Medical Center - Cebu• Eastern Visayas Regional Medical Center - Tacloban, Leyte• Baguio General Hospital and Medical Center• Zamboanga City Medical Center• St. Paul’s Hospital - Tacloban, Leyte• Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital - Negros Occidental• Cebu Molecular Laboratory

Ang nabanggit na testing facilities ay may kakayahang magsagawa ng individual at pooled testing, at kayang maglabas ng resulta ng kanilang pagsusuri sa loob ng 48 oras.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo, nasa trial period na ang pooled testing — isang uri ng COVID-19 test kung saan nagsasagawa ng iisang laboratory test sa pinagsamang respiratory samples ng iba’t ibang indibidwal — at sa oras na magkaroon na ng malawakang implementasyon nito ay bababa pa aniya ang presyo ng swab tests nang mula P550 hanggang P1,000. ■

Mula sa 55,000 na aplikante, pasok na ang 10,136 na indibidwal na pinili ng Department of the Interior and Local Government upang maging first batch ng contact tracers (CTs).

Sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo M. Año noong Oktubre 1, agaran ang ginawang hiring process upang mapunan ang kinakailangang 50,000 contact tracers na itatalaga sa iba’t ibang parte ng bansa. Dagdag pa niya, umabot na sa 47,000 applications ang natapos nang maproseso mula sa iba’t ibang DILG offices sa buong bansa.

“The hiring of CTs is being expedited as time is of the essence in our fight against COVID-19. Ngayon, higit sa 10k na ang ating na-hire, and we intend to hit our commitment to employ the 50k CTs prescribed in the Bayanihan 2 Law before the end of this month,” pag-uulat ni Año.

Ikinalugod din ni Año ang positibong pagtanggap ng publiko sa inisyatibang ito at aniya, inaasahan nilang madadagdagan pa ang mga aplikante sa mga susunod pang araw.

Binigyang-linaw din ng DILG na isasantabi muna nila ang paglalagay ng deadline para sa hiring ng contact tracers at sa halip ay tuluy-tuloy na tatanggap ng mga aplikante upang agarang mapunan ang natitirapang pwesto.

“What’s important to us is to fill up the slots, and recruit the most number of CTs as provided in the Bayanihan 2 Law, so those who met the deadline set earlier are now being processed. But we will continue to accept applications until we have met our targets,” paliwanag ni DILG Usec. Jonathan Malaya.

Samantala, kasalukuyan nang sumasailalim sa training ang first batch ng contact tracers bago sila tuluyang ipadala sa mga komunidad kung saan sila nakadestino.

“Hindi naman po natin sila isasabak nang basta-basta ng walang training,” paglilinaw ni Malaya.

Patuloy pa rin ang pagtanggap ng DILG sa mga nais maging contact tracer. Pasok ang mga may edad 21 hanggang 45 taong gulang na mayroong Bachelor’s degree o umabot sa kolehiyo. Prayoridad ang mga nakapagtapos ng

‘CONTACT TRACERS’ — Nagsimula na ang pagsasanay ng 10,136 newly-hired contact tracers na pinili ng Department of the Interior and Local Government upang makatulong sa laban ng bansa kontra COVID-19. (Photo credit: Philippine News Agency) ( ▶ 12 )

Page 3: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

Security, at 98 Virtual Presser ng DOH Beat COVID-19.

Naglunsad ang PCOO ng tatlong information websites para sa mabilis na access ng pampublikong impormasyon tungkol sa COVID-19: covid.19.gov.ph , laginghanda.gov.ph at ang wehealasone.gov.ph. Sa tala noong Setyembre 26, 2020, umabot na sa 2.3 milyon ang bumisita sa mga nabanggit na website.

Sa aming online media portals, ang PCOO ay araw-araw na nagbibigay ng mga impormasyon at nakapag-livestream na ng 25,111 broadcast news at 5,600 live broadcast interviews. Nakapagpalabas na rin tayo ng 15,128 informational videos at 7,361 public service announcements at infomercials katuwang ang Philippine News Agency at Philippine Information Agency. Samantala, umabot na sa 34,182 news items at feature reports at 23,566 photo releases ang nailabas ng aming tanggapan.

Umabot na rin sa 151 ang PCOO media releases at 136 statements na nailabas. Bukod rito, mayroon na tayong 1,497 local pressers at Kapihan forums ng IATF at ilang mga ahensiya ng gobyerno, at halos 28,415 social media cards at infographics naang na-publish.

Nagkaroon ng initiative ang PCOO na magpalabas ng mga dokumentaryo, ang We Heal as One Laging Handa: COVID-19 Special Documentary na may tatlong episodes, ang Laging Handa Dokyu Series kasama ang ating Assistant Secretary at

OGMA Chief na si JV Arcena na ngayon ay

nasa ikalawang episode na, at ang Face Mask Mini Documentary na tungkol sa Face Mask Para sa Masa program ng ating pamahalaan.

Nakapaglabas na rin ang PCOO ng 36 Balita Central Digital Tabloid at apat na PIA Bulletin Online, at patuloy pa rin ang pag-po-produce at

pamamahagi ng mga Laging Handa

information material na umabot na sa 16,372.

Aktibo rin ang PCOO sa paglulunsad ng Virtual Town Hall Meetings para

sa ating mga youth leader sa buong bansa, pati

na rin ang pitong Youth For Truth Online Dialogues

( ▶ 4 )

EditoryalEditoryal 3Oktubre 2020

EDITORIALBOARD

MA. FLORINDAPRINCESS DUQUE

Editor-in-Chief

EILEEN CRUZ-DAVIDManaging Editor

VANESSA LANDIGAssociate Editor

JOAN ALCANTARAIVY ATOMPAG

RAIZA CABUGWANGMONICA LADISLA

Writers / Researchers

DAVID VERIDIANOPhotographer

KEVIN LARANANGArt Director / Cartoonist

ENREL TAN Layout Artist

CAROLINA TONGKOProduction Manager

ARLENE BARRIENTOSCirculation Manager

BALITA CENTRAL is published bimonthly by the Bureau of

Communications Services with office address at PCS Bldg. 310 San

Rafael St. San Miguel Malacañang Complex, Manila 1005.

BALITA CENTRAL is freelydistributed by the Bureau of

Communications Services. Anyperson caught selling copies of

the tabloid will be penalized.

For any inquiries, you maycontact us through the following:

Phone: (02) 8734-2117E-mail: [email protected]

Facebook: bcs.govWebsite: www.bcs.gov.ph

PCOO kaisang bawat

Pilipino sa patuloy na laban sa COVID-19

MEDIAMANNi Martin M. Andanar

Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pagpapakalat ng mahahalagang balita at impormasyon ukol sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa gitna ng napakaraming impormasyon sa Internet at social media, katuwang ng gobyerno ang PCOO sa paghahatid ng mga agarang pagtugon at mga programang ipinatutupad ng administrasyong Duterte upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Nangunguna sa mga programang ating binuo ang “Laging Handa” upang magbigay ng platform sa publiko para sa mas maayos at mas mabilis na paghahatid ng mga nap ap ana hong balita sa milyun-milyong Pilipino, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Naglunsad din tayo ng C O V I D - 1 9 w e b s i t e , covid19.gov.ph at ng

nationwide broadcast ng COVID-19 radio. Sa PTV-4 naman, napapanood ang ating mga programa tulad ng Public Briefing, Network Briefing News, Cabinet Report: A COVID-19 Special, Laging Handa Dokyu series, Alerto: COVID-19, The Virtual Presser, Virtual Townhall Meetings, at iba pa.

Sa datos ng aming ahensiya ngayong taon mula Enero hanggang Agosto, matagumpay na naaabot ng aming pagbabalita ang 62.11 milyong indibiwal at mayroon namang 4.02 milyong engagement sa social media. Nitong Abril, naabot natin ang 125.6 milyon indibidwal at 7.8 milyong engangements sa PCOO social media pages.

Layon ng PCOO na ma-institutionalize ang Laging Handa upang mapadali ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng gobyerno, national government, at Local Government Units (LGUs) sa pagpapalabas ng impormasyon sa panahon ng kalamidad at anupamang krisis na dumating sa bansa, kahit matapos na ang termino ni Pangulong Duterte.

Gabay ng PCOO ang National Action Plan (NAP) Phase I at II sa bawat hakbangin ng aming ahensiya sa pagpapakalat ng pangunahing mensahe ng administrasyong Duterte na national government-enabled, LGU-led at people-centered response laban sa COVID-19.

Sinisiguro ng ating gobyerno, kasama ang PCOO, ang tagumpay natin sa health crisis na ito at sa pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa at ito ay nakabatay pa rin sa whole-of-nation approach ng national government na Prevent, Detect, Isolate, Treat, at Reintegrate (P.D.I.T.R).

Tuluy-tuloy ang pagpapalaganap ng impormasyon ng PCOO ukol sa mga ginawang pagtugon ng gobyerno sa pandemya. Mula Mayo 17 hanggang Setyembre 27, 2020, umabot na sa 214 milyon ang aming social media reach, at katulong natin ang mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ilang mga pribadong media upang maipakalat pa sa telebisyon at radyo sa buong bansa.

Habang ang buong sambayanan ay nasa kani-kanilang tahanan upang makaiwas sa virus, pinag-igi ng PCOO ang paggamit sa iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram. Batay sa datos namin nitong taon sa aming mga nai-livestream na programa katuwang ang Radio Television Malacañang (RTVM), mayroon nang naipalabas na 29 episodes ng Alerto, 122 episodes ng Network Briefing News, 26 episodes ng Cabinet Report: A COVID-19 special, 143 episodes ng Laging Handa Public Briefing, 67 na Press Briefing ng Presidential Spokesperson, 16 NTF Against COVID-19 Virtual

Presser, 35 Virtual Presser ng DSWD uSAP Tayo,

41 Virtual Presser ng Task Group on Food

Page 4: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

4Oktubre 2020

EditoryalEditoryalUGNAYANNi Ma. Florinda Princess E. Duque

Laban sa COVID-19, marami na ang nagbago Samu’t sari ang naging

reaksyon at emosyon ng bawat Pilipino sa naging tugon ng Gobyerno sa pandemyang dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa kabila ng lahat, patuloy ang pagsusumikap ng Gobyerno upang tugunan ang kinakaharap na krisis. Marami na nga ang nagbago simula noong Enero kung kailan unang nakapagtala ng kaso ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa tingin ko, una na rito ang pag-aalis ng political will sa sistema ng gobyerno. Bagama’t maaaring may pagkakaiba-iba sa mga opinyon ng bawat miyembro ng gabinete, ngunit dahil sa liderato ng ating Presidente Rodrigo Duterte na kumukumpas sa bawat galaw at desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at National Task Force (NTF) Against COVID-19, nakita natin na sa huli ay patuloy na nagkakaisa ang lahat upang masugpo ang pagkalat ng virus habang unti-unting sinisikap na buksanang ekonomiya.

Pangalawa, mas napaigting ang pagtutulungan ng local government units (LGUs) at ng private sector para magbigay ng solusyon sa kaliwa’t kanang problema na dulot ng COVID-19 mula sa public health concerns, pagkagutom, edukasyon, transportasyon, labor, at iba pa.

Ang LGUs ay talaga namang hindi matatawaran ang mga isinagawang aksyon para tugunan ang health crisis sa kani-kanilang mga nasasakupan. Ating nasaksihan sa Coordinated Operations to

Defeat Epidemic (CODE) visits sa pamumuno ng National Task Force Against COVID-19 ang kooperasyon ng national at local governments para tumugon sa pangangailangan ng kani-kanilang komunidad upang masawata ang pagkalat ng COVID-19.

Pangatlo, ang pamumuhay ng bawat Pilipino ay nagbago. Marami ang nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo, ngunit marami rin namang umusbong na mga online business. Makikita rin natin ang nagkalat na mga good samaritan na tumutulong upang tiyaking walang maiiwang gutom o hindi maaalagaan.Napakagandang tingnan ang bayanihan ng ating bayan na sana ay mapanatili natin kahit tapos na ang pandemya.

Pang-apat, mas naparami at napalawak natin ang ating mga testing laboratory, mula sa iisang testing lab, mayroon na tayong 107 licensed RT-PCR laboratories at 33 licensed GeneXpert laboratories habang patuloy pa ring umaakyat ang kaso natin.

Panglima, ang nakasanayang pisikal na klase para sa mga bata ay ginawang home-based upang mapanatili ang kanilang kaligtasan. Sanib-pwersa ang Department of Education at Presidential Communications Operations Office para gawin ang lahat at maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga estudyante sa pamamagitan ng telebisyon at radyo. Ang state-owned channels na IBC-13 at Philippine Broadcasting Service ay gagamitin upang mas mapalawak at maipaabot

ang mga aralin at impormasyon sa mga mag-aaral.

Panghuli, nagkaroon din ng shift sa cashless payment system ang iba’t-ibang mga establisyimento para iwas contact sa COVID-19. Pati ang transportasyon ay magiging cashless na sa pamamagitan ng beep cards.

Marami na ang nagbago bunsod ng COVID-19 at sigurado na marami pang pagbabago ang darating. Ang importante ay patuloy tayong magsumikap na mapabuti ang ating buhay ngayong #NewNormal.

Kailangang magtuluy-tuloy ang pag-unlad natin. Tanggapin na nandito ang COVID-19, at ito ay bahagyang magiging bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang importante, alam natin ang dapat gawin upang maprotektahan ang ating mga sarili at pamilya.

Mask. Hugas. Iwas. #BidaDisiplina muna dahil tayo lang din ang #BidaSolusyon sa pandemyang ito.

Patuloy rin tayong makiisa sa mga plano ng gobyerno sapagkat ginagawa nito ang lahat ng makakaya para tugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa. Sa katunayan, si President Rodrigo Duterte ay nakakuha ng grado na 91% mula sa masa ayon sa Pulse Asia. Patunay lamang na ang serbisyo ng gobyerno ay nararamdaman ng bawat Pilipino.

Basta tayo ay sama-sama, siguradong dire-diretso ang pagbangon natin mula sa pandemya. Stay safe!

#WeRecoverAsOne ■

bilang bahagi ng webinars ng PCOO, at ang walong episode ng Parangal, Bayanihan at Samahan, We Heal As One Concert para magbigay ng entertainment sa mga mamamayan na patuloy na lumalaban sa gitnang pandemya.

Kaisa sa pagsugpo sa COVID-19

Sa ating pakikipaglaban sa COVID-19, tuluy-tuloy ang pagtutulungan ng national government at mga LGU para sa iisang adhikaing mailigtas ang lahat ng Pilipino mula sa panganib na dulot ng pandemya. Kaagapay ang PCOO ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kasama ang National Task Force (NTF) Against COVID-19, at ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE), upang palaganapin ang best practices ng bawat LGU sa lahat ng sulok ng bansa.

Sa paglagda ni Pangulong Duterte sa Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover As One, mas makatutulong tayo sa mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng COVID-19.

Tungkulin ko rin ito na mag-engage sa ground and grassroots levels sa mga rehiyon at probinsya bilang Cabinet Officer For Regional Development and Security (CORDS) for Region 10. Bukod sa araw-araw na pagbabalita na hatid ng aming ahensya, tumutulong kaming ipakalat sa buong bansa ang best practices ng bawat LGU na aming pinupuntahan kaagapay ng C.O.D.E team at NTF. Nakasuporta rin tayo sa utos ng national government na bantayan at parating i-monitor ang health system performance, critical care capacity, at stringent compliance in surveillance, isolation, and treatment protocols ng bawat siyudad na aming nabibisita.

Naitalaga rin akong ‘big brother’ ng probinsya ng Laguna sa ilalim ng IATF Resolution No. 62 (Series of 2020) upang tumulong at sumuporta sa pagko-coordinate at mapabilis ang pakikipag-ugnayan ng national government doon. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng PCOO sa pag-inform sa publiko ukol sa mga nangyayari at progreso sa Laguna matapos itong maging hotspot ng COVID-19, at nangailangan ito ng agarang atensyon ng national government upang mabilis na matulungan ang mga tao roon, pati na rin ‘yung mga nasa kalapitnitong probinsya.

PCOO kaisa ng bawat Pilipino mula sa pahina 3

Nang mabisita ko ang Northern Mindanao, humanga ako sa whole-of-province approach ng mga LGU doon. Pinangungunahan ng Northern Mindanao Task Force (NMTF) for COVID-19 ang mabilis na pagtatayo ng dagdag na testing laboratories sa iba’t ibang ospital sa kanilang rehiyon upang mapabilis ang contact tracing at treatment sa mga nagpositibo sa COVID-19. Sa pakikipagtulungan ng CORDS-X at ng PCOO, kasama ang attached agencies nito na Philippine Information Agency (PIA), Philippine News Agency (PNA), at Radyo Pilipinas, patuloy kaming nagdo-donate ng medical supplies tulad ng face masks at face shields. Kasama sa nabigyan ang medical frontliners sa NorMin Medical Center upang matiyak na hindi sila magkakasakit habang tumutulong silang sugpuin ang COVID-19 sa bansa.

Patuloy na laban kontra fake news

Naniniwala ang PCOO na ang involved public is an informed public. Ito ang dahilan kaya hindi kami titigil at hindi kami mapapagod na magpalaganap ng impormasyon tungkol sa responses, actions, at programs ng administrasyong Duterte.

Mabilis kumalat tulad ng COVID-19 ang fake news, lalo na sa social media at sa ngayon ay wala pang batas para rito. Ito rin ang naging dahilan upang paigtingin pa natin ang pagpapalabas at pagpapakalat ng tamang balita, lalo pa’t aktibo ang bansa sa paggamit ng social media. Umabot rin sa 250 ang fake news na nabigyang-linaw ng aming ahensya nito lamang huling tatlong buwan.

Isang dahilan rin ng pag-maximize namin sa paggamit ng social media platforms ay upang mas mabilis na masagap ng bawat Pilipino ang mga balita tungkol sa pagtugon, aksyon, at mga kautusang ipinapatupad ng pamahalaan, kahit pa nasa loob ng bahay upang makaiwas sa bantang COVID-19.

Malaki rin ang sakripisyo ng mga kasamahan ko sa PCOO upang makapaghatid ng napapanahong mga balita na kailangan ng bawat isa upang maging ligtas habang patuloy ang ating pakikipaglaban sa pandemya. Lubos ang aking pasasalamat sa dedikasyon at paglilingkod ng bawat isa. ■

Page 5: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

Oktubre 2020EditoryalEditoryal 5

On IATF Resolution No. 79

From the Deskof Spokes

Ni Presidential Spokesperson Harry RoqueSIBOL

Ni Vanessa R. Landig

Balik Probinsya, Balik Pag-asaThe Inter-Agency Task

Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) on Thursday, October 15, 2020, approved the adjustment of age-based stay-at-home restrictions. Persons from 15 to 65 years of age are now allowed to go out. Local government units (LGUs) may impose a higher age limit for minors, depending on the COVID-19 situation in their respective jurisdictions.

The IATF likewise made more specific the definitions of interzonal movement and intrazonal movement. Interzonal movement is defined as the movement of people, goods and services between provinces, highly urbanized cities, and independent component cities under different community quarantine classification. Intrazonal movement, meanwhile, refers to the movement of people, goods and services between provinces, highly urbanized cities and independent component cities under the same community quarantine classification, without transiting through an area placed under adifferent classification.

Related to Interzonal and Intrazonal Movement, the IATF considered health and emergency frontline services personnel, government officials and government frontline personnel, duly-authorized humanitarian assistance actors, persons travelling for medical or humanitarian reasons, persons going to the airport for travel abroad, and anyone crossing zones for work or business permitted in the zone of destination and going back home as Authorized Persons Outside TheirResidences (APOR).

The IATF likewise updated their list of APOR, which now includes returning or

repatriated overseas Filipino workers and overseas Filipinos returning to their places of residence and other persons transported through the efforts of the national government upon observance of the necessary quarantine protocols with the concurrence of the receiving LGUs.

The interzonal movement of persons not authorized outside of residences (non-APOR) between areas placed under general community quarantine (GCQ) or modified general community quarantine (MGCQ) for any purpose shall be permitted, subject to the reasonable regulations imposed by the LGU concerned, or in the case of Boracay Island, subject to those imposed by the Boracay Inter-AgencyTask Force.

The same applies with the intrazonal movement of non-APORs across areas placed under GCQ or MGCQ and the interzonal movement of non-APORs between areas placed under MGCQ and theNew Normal.

Related to this is the issue of curfews. The IATF enjoined LGUs not to cover workers, APORs, and necessary establishments in the application of their curfew ordinances, to coordinate between and among each other and standardize curfew rules, and relax curfew hours.

As part of the gradual reopening of the economy, the IATF authorized the Department of Trade and Industry (DTI) to adjust the permissible on-site operational capacities of all business establishments and/or activities underGCQ or lower.

Also, business establishments and malls may hold activities to spur consumer and economic

activity, subject to the DTI guidelines in the operations of malls and shopping malls.

The Department of Tourism (DOT), meanwhile, is given authority to determine the allowable operational capacity for accommodation establishments as well as the ancillary establishments within their premises.

In addition, the IATF revised the 48-hour-prior-to-the-date-of-arrival negative RT-PCR requirement to those traveling to Boracay Island contained in IATF Resolution No. 74. The Test-Before-Travel requirement now stands not earlier than 72 hours prior to the date of travel.

In the same 79th meeting, the IATF lifted the restriction of non-essential outbound travel of Filipinos effective October 21, 2020. They may be allowed to leave the country subject to the submission of confirmed roundtrip tickets and adequate travel and health insurance for those traveling in tourist visas, execution of an immigration declaration acknowledging the risks involved in traveling and a negative Antigen result taken within 24 hours before departure, subject to the Department of Health (DOH) guidelines. Outbound Filipino travelers shall likewise follow the Guidelines of the National Task Force (NTF) for returning overseas Filipinos.

Also approved, subject to conditions, are the holding of a beach volleyball tournament by the Philippine Super Liga under a “sports bubble concept,” operation of off-track horse race betting stations under GCQ or lower, and operation of licensed cockpits and the conduct of cockfighting activities in areas under MGCQ or lower. ■

Natigil man pansamantala ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program na isinulong ni Senator Christopher “Bong” Go at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng pandemya noong Mayo 6, marami pa ring kababayan natin ang naghihintay sa pagbabalik nito.

Katunayan, pinaplantsa na ng Eastern Visayas Regional Development Council (RDC) ang kanilang regional action plan na target makumpleto sa Nobyembre dahil sa dami ng nagpahayag ng kanilang intensyon na bumalik sa Region 8 sa ilalim ng BP2 program. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Eastern Visayas Assistant Regional Director Annielyn Costiniano noong Setyembre 23, kasalukuyan nang nasa proseso ng pagbuo ng plano ang kanilang tanggapan.

Napaaga ang pagbuo ng RDC sa action plan dahil sa taas ng bilang ng aplikasyon na natanggap ng National Housing Authority (NHA) papuntang Eastern Visayas. Nanguna ang nasabing rehiyon sa destinasyon para sa mga nais bumalik sa kani-kanilang probinsya. Ayon sa tala noong Setyembre 1, umabot na sa 21,365 na aplikante na naninirahan sa Metro Manila ang nagparehistro para makabalik sa mga lalawigan ng Leyte at Samar.

Sa ginanap na virtual meeting noong Setyembre 4 sa pamumuno ni Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) for Eastern Visayas Secretary Eduardo Del Rosario, tiniyak ng kanilang tanggapan na maglalaan ng oportunidad ang pamahalaan para sa kabuhayan at pagkakakitaan ng mga benepisyaryo upang hindi na muli pa silang bumaliksa Maynila.

Matatandaang isinulong ni Senator Go ang BP2 program upang matulungan ang ating mga kababayang nagnanais bumalik sa kani-kanilang lalawigan at makapagsimulang muli dahil na rin sa krisis na dala ng COVID-19 pandemic. Naging bahagi rin ito ng hakbang ng pamahalaan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila na nagtala ng pinakamataas na kaso dahil na rin sa laki ng populasyon dito.

Hinikayat din ni Senator Go ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na kasapi ng BP2 Council na magtulung-tulong upang mabigyan ng kabuhayan ang mga benepisyaryo. Nariyan ang Department of Agriculture na tutukan ang pag-alalay sa mga magsasaka at

mangingisda sa pamamagitan ng pagsusulong ng agricultural training at mga programang may kinalaman sa agri-preneurship.

Ayon pa sa Senador, nakasuporta rin ang Department of Trade and Industry at Department of Social Welfare and Development na handang magbigay sa mga benepisyaryo ng livelihood assistance.

Noong Mayo 20, matagumpay na naihatid ang unang batch ng mga benepisyaryo ng BP2 sa lalawigan ng Leyte sa pamumuno nina Senator Go at Executive Secretary Salvador Medialdea na siyang itinakdang chairperson ng BP2 Council.

Humarap man sa maraming batikos ang programa, nanatiling bukas ang pamahalaan sa pagpapatuloy ng adhikaing matulungang makauwi ang ating mga kababayang stranded dito sa Metro Manila sa kani-kanilang probinsya nang makapagsimulang muli at makabangon mula sa matinding epekto ng pandemya.

Sa katunayan, malaking bahagi ng mga nakalinyang proyekto sa imprastruktura sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ng Bayanihan to Recover As One Act ay may kaugnayan sa BP2 program. Patunay na tuloy ang programang sinimulan ng gobyerno na nagkabisa sa ilalim ng Executive OrderNo. 114.

Nawa’y maisulong nang matagumpay ang BP2 program sa mga susunod na taon at nang maipagpatuloy nito ang layunin nitong masolusyunan ang mga matagal ng isyu at suliranin sa urban at rural areas nang sa gayo’y maging bahagi ito ng balanseng pag-unlad ng ekonomiya sa bawat rehiyon ng bansa.

Samantala, upang masolusyunan ang tumataas na bilang ng locally stranded individuals (LSIs) sa Metro Manila na nais umuwi sa kani-kanilang probinsya, binigyang-prayoridad muna ng pamahalaan ang Hatid Tulong Program. Layunin ng programa na tulungang makauwi ang LSIs na lubhang naapektuhan ng ipinatupad na lockdown at travel restrictions sa Kamaynilaan.

Ayon sa report ng Department of Transportation nitong Oktubre 16, umabot na sa 257,492 overseas Filipino workers ang natulungan ng nasabing programa sa pamumuno ng Office of the President at National Task Force Against COVID-19. ■

Page 6: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

6Oktubre 2020

BalitaBalita

DOJ pinag-iingat ang publiko sa banta sa seguridad dulot ng online classes

Ni Raiza F. Cabugwang

CODE Team inilunsad ang‘Mask Para sa Masa’ sa QC

Ni Monica N. Ladisla

Mga ospital na lalahok sa‘solidarity trial’, tinukoy ng DOST

Ni Monica N. Ladisla

Natukoy na ang 13 na ospital na lalahok sa gaganapin na solidarity trials para sa potensyal na bakuna para sa COVID-19 ayon sa ulat ng Department of Science and Technology (DOST).

Sa ulat ni DOST Secretary Fortunato dela Peña noong Setyembre 22, tinanggap na

Kasabay ng pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan noong Oktubre 5, naglabas ng public advisory ang Department of Justice (DOJ) bilang tugon sa banta sa seguridad na maaaring idulot ng online classes sa gitna ng pandemya.

“While video conferencing services open doors to new opportunities that make access to education easy, application of information and communications technology in the conduct of online classes can cause many security risks,” pahayag ni DOJ Office of Cybercrime (DOJ-OOC) Officer-in-Charge Charito Zamora sa naturang advisory.

Ayon kay OIC Zamora, kabilang sa maaaring maging banta sa seguridad ng mga mag-aaral ay ang pagkawala ng “confidentiality, availability, and integrity of computer data”, at maging ang posibleng exposure ng mga estudyante sa pang-aabuso ng mga indibidwal na hindi nila kakilala at sa mga mapanganib na online content.

Upang maproteksyunan ang kapakanan ng mga mag-aaral, pinayuhan din ng opisyal ang school administrators na iwasang ibahagi sa publiko ang meeting room credentials, kabilang ang ID at password.

“Every effort shall be exerted to promote the welfare

Inilunsad ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team noong Agosto 29 sa lungsod ng Quezon ang proyektong “Mask Para sa Masa” upang paigtingin ang kampanya laban sa COVID-19.

Layunin ng inisyatibang ito na makapamigay ng 30 milyong domestically manufactured washable face masks para sa mga mahihirap na pamilya.

Bukod pa rito, target din na masuportahan ang mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) gayundin ang ilang benepisyaryo ng Social Amelioration Program na apektado ng kasalukuyang pandemya.

Kabilang sa mga dumalo sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Department of Health Secretary Francisco Duque III, National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim. Naroon din mula sa Department of the Interior and Local Government sina Undersecretary Ricojudge Janvier Echiverri at Assistant Secretary Manuel Felix.

Ayon kay Mayor Belmonte, bukas ang pinto ng Quezon City para sa inisyatibang ito ng pamahalaan at mananatili aniya ang suporta ng lungsod sa mga adhikainng pamahalaan.

Hinimok naman ni DILG Asec. Felix na magkaisa ang taumbayan sapagkat hindi aniya kakayanin mag-isa ng gobyerno ang laban na ito.

“The keyword here is malasakit. It begins within ourselves, within our homes and communities,” ani Asec. Felix.

Ibinahagi rin ni Dr. Teodoro Herbosa, special

aniya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga inirekomendang ospital na mangangasiwa sa walong trial zones kung saan isasagawa ang solidarity trial.

Tinukoy ng Kalihim ang 13 health facilities kabilang na ang Philippine General Hospital; Manila Doctors Hospital; San

Lazaro Hospital; Lung Center of the Philippines; St. Luke’s Medical Center - Quezon City; Research Institute for Tropical Medicine; Makati Medical Center; The Medical City; St. Luke’s Medical Center - Bonifacio Global City sa Taguig; Vicente Sotto Memorial Medical Center; Chong Hua Hospital sa Cebu; De La Salle Health Sciences Institute sa Cavite; at Southern Philippines Medical Centersa Davao.

Ayon pa kay dela Peña, may kasunduan aniya ang bansa sa limang COVID-19 vaccine developers na maaaring pagkuhanan ng clinicaltrial data.

Nakatakdang simulan ng World Health Organization ang solidarity trials sa buwan ng Oktubre at inaasahang matatapos ito sa second quarter ng 2021. ■

SOLIDARITY TRIAL – Inanunsyo ni DOST Secretary Fortunato dela Peña ang 13 na ospital na lalahok sa isasagawang solidarity trial ng World Health Organization para sa COVID-19 vaccine. (Photo credit: TASS Russian News Agency)

of children and enhance their opportunities for a useful and happy life,” saad ni Zamora.

Inirerekomenda rin sa school administrators na siyang mamamahala sa online classes na isa-isa lamang tanggapin ang kahilingan ng mga sasali sa meeting o klase, maglaan ng standard naming instruction para sa mga kasali, at simulan ang meeting nang naka-off ang video ng mga kasali. Dapat ding may password ang bawat indibidwal na kasali sa meeting, naka-mute ang audio nang mga ito sa oras na sila ay sumali na sa meeting,

at naka-disable ang desktop o screen share sa mga kasaling hindi nakatalaga bilang host sa virtual meeting room.

Hinikayat din ng DOJ-OOC ang mga paaralan na nagsasagawa ng online learning na huwag pahintulutang maunang makapasok sa virtual meeting room ang mga kasali bago ang host, at ipagbawal din ang pagpapalit ng pangalan ng mga kasali, pagpapadala ng mensahe sa isa’t isa, pagpapalit ng background, at screen sharing.

Dagdag pa rito, pinayuhan din ng DOJ ang

adviser ng National Task Force Against COVID-19, ang istratehiya ng pamahalaan na “national government-enabled, local government-led and people-centered approach”.

Sa kanyang ulat, ipinakita niya ang mga inisyatiba ng gobyerno katuwang ang lokal na pamahalaan upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa Cebu City.

Ipinaalala naman ni Health Secretary Duque ang kahalagahan ng wastong pagpaplano upang matukoy ang mga polisiyang angkop laban sa COVID-19.

Aniya, kailangang suriin at araling mabuti ang mga polisiyang ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan upang matukoy kung alin sa mga ito ang higit na makatutulong upang mapababa ang localized transmission.

“Kaya andito po kami, ang IATF, NTF Code Teams para umalalay at hindi para dumikta, gumabay, kung paano po natin mararating ang ating mga goals and objectives of cutting down the chain of transmission,” paliwanag ni Sec. Duque.

Kaugnay nito, inilunsad din sa pamumuno ng DILG ang Barangay Disiplina Brigades upang masiguro na nasusunod ang minimum health standards sa bawat barangay at isinagawa ang oathtaking ng mga ito bago magtapos ang programa.

Layon ng CODE Team na magbigay tulong sa mga lokal na pamahalaan na may limitadong kakayahan at resources upang makontrol ang localized transmission ng COVID-19 sa komunidad sa pamamagitan ng enhanced surveillance strategy at expanded testing capacity. ■

ONLINE SECURITY – Nagbabala ang DOJ sa publiko laban sa posibleng mga kaso ng paglabag sa seguridad na maaaring mangyari sa oras na magsimula na ang online classes. (Photo Credit: Kevin Gatchalian/Valenzuela City PIO)

PARA SA MASA – Target ng CODE Team sa pangunguna ni Health Sec. Francisco Duque III na makapamahagi ng 30 milyong face masks at masuportahan ang apektadong MSMEs sa bansa sa paglulunsad ng “Mask Para sa Masa” noong Agosto 29. (Photo Credit: Quezon City Government Twitter)

( ▶ 12 )

Page 7: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

BalitaBalita 7Oktubre 2020

Mas pinaigting na police visibility sa mga terminal,ipatutupad sa pagbabalik ng provincial bus routes Ni Monica N. Ladisla

Mga sementeryo, saradosa darating na Undas

Ni Monica N. Ladisla

IATF: Mild, asymptomatic COVID-19patients, dapat mag-quarantine sa aprubadong pasilidad ng gobyerno

Ni Raiza F. Cabugwang

POLICE VISIBILITY – Matapos aprubahan ng LTFRB ang pagbalik-pasada ng ilang provincial bus routes, naglabas ng utos ang JTF COVID Shield na paigtingin ang police visibility sa bus terminals upang mapanatili ang kaayusan at disiplina ng mga biyahero. (Photo credit: Gil Calinga - PNA)

Iniatas ng hepe ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na paigtingin ang seguridad at implementasyon ng health protocols sa mga terminal ng bus ngayong inaprubahan na ang pagbiyahe ng 12 provincial bus routes simula Setyembre 30.

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagpasada ng 12 modified provincial bus routes papuntang Metro Manila mula Pampanga, Batangas, Laguna, at Cavite.

Sa pahayag ni JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, malaking tulong umano ang presensya ng kapulisan sa mga bus terminal upang maging disiplinado ang mga biyahero.

“We need to ensure that both the bus company employees and the passengers will observe the minimum health safety standard protocol especially on the aspects of wearing face masks and face shields and the observation of physical distancing inside the passenger buses, ” paliwanag ni Eleazar.

Dagdag pa niya, may direktiba rin si PNP Chief Police General Camilo Cascolan sa mga kapulisan na panatilihin ang kaayusan sa pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya. “Our presence in bus terminals and other possible bus stops is not only for peace and order purposes but also in compliance with the mandate given to us to protect as many

people from coronavirus infection by strictly implementing the quarantine rules.”

Nanawagan naman si Eleazar sa publiko na maging mapagmatyag lalo na sa mga lalabag sa quarantine protocols sa loob ng bus terminals at pampasaherong sasakyan.

Maaaring magpadala ang publiko ng e-mail sa [email protected] at sa [email protected] o makipag-ugnayan sa PNP Helpline sa numerong 16677, 0998-849-0013 para sa Smart subscribers, 0917-538-2495 para sa Globe subscribers, at sa PNP-Highway Patrol Group Hotline sa numerong 0926-225-5474. ■

Nilagdaan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Setyembre 24 ang Resolution No. 74 na nag-uutos sa lahat ng kumpirmadong mild at asymptomatic COVID-19 patients na pansamantalang manatili sa quarantine facilities na aprubado ng pamahalaan para makapagpagaling.

Gayunpaman, hindi kasama sa obligadong mag-quarantine sa mga nasabing pasilidad ang mga itinuturing na vulnerable na miyembro ng lipunan, o iyong mga bata, buntis, matatanda, mga may nauna nang iniindang karamdaman, at iba pang may komplikasyon sa kalusugan.

Sa ilalim ng Annex F ng inilabas na Joint Administrative Order No. 2020-0001 ng Department of Health (DOH) at ng Department of the Interior and Local Government

Magmula nang ianunsyo ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso noong Setyembre 8 na suspendido ang selebrasyon ng Undas sa siyudad sanhi ng COVID-19, sumunod na rin ang ilang lungsod at nakatakdang maglabas ng kani-kanilang Executive Order upang gawing pormal ang naturang kautusan.

Ipatutupad ang kautusan sa mga lungsod ng San Juan, Valenzuela, Mandaluyong, Pateros, at Malabon. Sa mga lungsod naman ng Mandaluyong at Valenzuela, nakatakdang ipatupad ang kautusang ito mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3. Samantalang sa lungsod ng Pateros, nakatakda itong maging epektibo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Samantala, pinag-aaralan pa ng ibang lungsod ang pagsunod sa naturang kautusan. Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, maaaring magpatupad na lamang ang kanilang lungsod ng regulatory mechanism upang makontrol ang dagsa ng tao sa sementeryo.

“Baka hindi nga pumunta dahil nakasara, pero dumagsa sa ibang araw. Pinag-iisipan namin na people can still access the cemetery, pero regulated ang bilang nila dapat,” paliwanag ni Teodoro.

(DILG), sa oras na ang mga nabanggit ay maging apektado rin ng virus, maaari silang sumailalim sa home isolation.

Hindi rin kasali sa Resolution No. 74 ang mga kumpirmadong mild at asymptomatic COVID-19 patients na nasa mga lugar kung saan umabot na sa full capacity ang isolation centers na rekomendadong pamahalaan.

Ang nasabing pagbabawal sa home quarantine para sa mga pasyente ng COVID-19 ay nauna nang iminungkahi ni DILG SecretaryEduardo Año.

Sinang-ayunan naman ni COVID-19 National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez, Jr. ang hakbang na ito dahil sa aniya’y magandang resulta na nakita sa mga lugar na nagpapatupad ng “no homequarantine” policy. ■

Ayon sa inilabas na Executive Order No. 38 ni Mayor Isko Moreno Domagoso, bawal pumasok sa mga pampubliko at pribadong sementeryo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3. Sa mga araw na ito aniya dumadagsa ang mga tao sa sementeryo upang bumisita sa puntod ng kanilang mga kamag-anak.

Dagdag pa niya, minabuti niyang ianunsyo nang maaga ang kautusang ito upang magkaroon ng sapat na oras ang publiko bago ipatupad ang naturang kautusan.

“Kaya ko po ito ginagawa ngayon, para mabigyan kayo ng sapat na panahon ng humigit-kumulang dalawang buwan na mabisita ang inyong mga mahal sa buhay na nahihimlay sa mga pribado at pampublikong sementeryo,” paliwanag ng alkalde.

Sang-ayon din ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsasara ng sementeryo ngayong Undas.

Hinimok ng CBCP ang mga Katoliko na sa bahay na lamang magbigay respeto sa mga yumao at lumahok na lamang sa isasagawangonline mass.

“They can also light candles even in the confines of their own homes,” ani Fr. Jerome Secillano, Tagapagsalitang CBCP. ■

Page 8: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

COVID-19: 'Occupational hazard' o 'workplace disease'?Ni Joan Alcantara

Ang COVID-19 ay isang “workplace disease”, paglilinaw ni Dr. Valeriano Timbang, Jr. ng Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health (DOH) sa ginanap na webinar ng National Task Force Against COVID-19 kamakailan na patungkol sa pagtataguyod ng “safe spaces” sa lugar ng trabaho gawa na rin ng virus.

Pero “partly” occupational para sa ating healthcare professionals dahil may posibilidad din na makuha

ang virus nang labas na sa kanilang trabaho.

Anong ibig sabihin sa mga boss at empleyado?

Kinakailangang paigtingin ang administrative controls o policies sa lugar ng pinagtatrabauhan, tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, pinaigting na awareness campaign sa pamamagitan ng paglalagay ng poster o signage, training, alternative work arrangement, remote working, at physical distancing. Ito’y sa kadahilanang kumakalat

ang virus sa palagiang pakikisalamuha sa iba.

Bukod sa administrative controls, mayroon ding engineering controls na kailangang sundin sa lugar ng trabaho upang mabawasan ang panganib ng exposure, gaya ng pagtatayo ng physical barriers upang paghiwa-hiwalayin ang mga empleyado at paglalagay ng directional markings sa sahig.

At siyempre, hindi dapat kalimutan ang paggamit ng personal protective equipment gaya ng face shield

at face mask. Kasama na rito ang paninigurong nasusunod nga ito.

Parte ng Phase II ng National Action Plan (NAP) Against COVID-19 ng gobyerno na magkaroon ng istratehiya sa pagkontina ng virus sa mga lugar ng trabaho. Nitong Setyembre, tumutok ang pamahalaan sa pagpapanatili ng low fatality rate at pagbawi sa ekonomiya.

Sa kasalukuyan, para sa mga pribadong kumpanya, mayroong DOLE-CSC-DOH Joint Memorandum Circular

No. 1 s.2020, DTI-DOLE Joint Memorandum Circular No. 20-04-A s.2020, at DOH Administrative Order 2020-2015 na sinusunod. Samantala, mayroong DOLE-CSC-DOH Joint Memorandum Circular No. 1 s.2020, CSC Memorandum Circular 10 s.2020, at ang ilalabas ng DOH na Department Memorandum Guidelines on the Occupational Safety and Health in the Workplace during the COVID-19 Pandemic ang mga ahensya ng gobyerno.

Bagama’t aminado ang DOH na hamon ang planong magkaroon na lamang ng isang operational framework sa hinaharap dahil sa iba-iba ang mga industriya, mayroong mga aspeto gaya ng testing, isolation, lockdowns, reporting, at treatment na maaaring standardized sa pamamagitan ng prevent, detect, isolate, treat, and recovery (PDITR) strategy kung saan nakaangkla ang Phase II ng NAP.

Pokus sa istratehiya ang prevention at containment na sasagot sa pangangailangang paigtingin pa ang mga nabanggit nang administrative controls at policies sa lugar ng trabaho. Target ngayong Oktubre na makatawid na sa new normal ang bansa. ■

‘KUMAIN Webinar Series’ layong wakasan ang gutom sa bansaNi Monica N. Ladisla

PHOTO CREDIT: NTF COVID-19

Hinikayat ni Inter-Agency Task Force on Zero Hunger Chairperson Karlo Nograles ang stakeholders at partner agencies na makiisa sa kanilang layunin na wakasan ang gutom at malnutrisyon sa bansa sa ginanap na unang episode ng Kasapatan at Ugnayan ng Mamamayan sa Akmang Pagkain at Nutrisyon (KUMAIN) webinar series noong Setyembre 16.

Ayon kay Nograles, ang naturang webinar series ay bahagi ng pagtalima ng gobyerno sa Sustainable Development Goals (SDG)

No. 2 ng United Nations 2030 na naglalayong wakasan ang gutom at tiyakin ang seguridad sa pagkain.

Iginiit din niya sa mga lumahok sa webinar ang kahalagahan ng agarang pagpapalawak ng zero hunger programs sa bansa gayundin ang pagpapaigting ng access sa ligtas at masustansyang pagkain.

“We want to prioritize people’s nutrition, especially the children who suffer the long-term effects of food inadequacy,” ani Nograles.

Layon ng webinar series na ito na himukin ang partisipasyon ng micro, small and medium enterprises, lokal na pamahalaan, pribadong sektor, civil society organizations, at state universities at colleges upang aktibo silang maging kabahagi ng pamahalaan sa pagwakas ng gutom alinsunod sa nakasaad sa SDG No.2.

“On account of the limited number of technology adaptors at present, the Task Force on Zero Hunger has decided to ramp up promotional activities aimed at introducing and popularizing the use of food products and technologies to as many stakeholders as possible,” paliwanagni Nograles.

Natalakay din ang lumabas na datos mula sa Social Weather System National Mobile Survey nitong Hunyo kung saan 20.9 porsyento o tinatayang 5.2 milyong Pilipino ang nakaranas umano ng involuntary hunger ng hindi bababa sa isang beses sa nakaraang tatlong buwan.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng pag-aaral ang Task Force sa anim na Key Results Areas habang nilalatag ang National Food Policy ng bansa.

“We’re drafting a robust policy and implementation framework with the COVID-19 crisis fully in mind. It’s part of our Zero Hunger roadmap which our six technical working groups are working double time on,” saad ni Nograles.

Inaasahan na sa tulong ng webinar series na ito, mas lalong iigting ang pagtutulungan ng iba’t ibang stakeholders na kabilang sa Task Force Zero Hunger sa paglikha ng bagong paraan upang masolusyunanang kagutuman.

Ilan sa mga hakbang na ito ay: (1) dagdagan ang kaalaman ng mga kalahok sa adhikain ng IATF-Zero Hunger gayundin ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) banner program nito; (2) palawigin ang kaalaman tungkol sa food and nutrition implementors kaugnay ng bagong teknolohiyang inilunsad ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) tungkol sa food fortification; at, (3) tukuyin ang pilot areas para sa linkage ng EPAHP at FNRI adaptors upang maayos na maisagawa ang First 1000 Days programs, Supplementary

Feeding Program, at School-Based Feeding Program sabuong bansa.

Bago magtapos ang programa, nagkaroon ng ceremonial signing of manifesto ang mga lumahok sa naturang webinar upang makiisa sa pagtapos ng kagutuman sa buong bansa.

Nagpakita ng suporta sa unang episode ng webinar series sina Usec. Blesilda Lantayona ng Department of Trade and Industry (DTI); Executive Director Azucena Dayanghirang ng National Nutrition Council; Mr. Jaypy De Juan mula sa DOST-FNRI; Dir. Jerry Clavesillas ng DTI; Mr. Rocky Doctor of Nutridense Food Manufacturing Corporation gayundin ang mga kinatawan ng Task Force partner agencies mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Department of Education, at iba pang stakeholders.

“Let’s all be part of this life-changing effort. Think of our children’s future. Nakasalalay sa ating mga kamay ang kaligtasan ng susunod na henerasyon. No cause is more important and noble than ensuring a bright, nutritious, and properly-fed future for all Filipinos,” paghihikayatni Nograles. ■

Page 9: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

“If you or someone you know may be experiencing feelings of sadness, don’t hesitate to talk about it.”

Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) sa joint statement na inilabas kasabay ng paggunita ng World Suicide Prevention Day nitong Huwebes, Setyembre 10.

Anila, ang unang hakbang tungo sa paggaling ay nagsisimula sa tahanan kung saan hinihikayat ang pagiging bukas sa naturang usapin at paghingi ng payo sa medical professionals.

Base sa datos ng National Center for Mental Health (NCMH), lumobo ang bilang ng dumudulog sa kanilang hotline kada buwan hinggil sa kaso ng depresyon nang ideklara ang lockdown sa bansa. Mula sa dating 80 tawag kada buwan ay umakyat ito ng halos 400 noong mag-lockdown.

Ayon naman sa WHO, ang mga may edad 15 hanggang 29 taong gulang ay ang mga kadalasang nakararanas ng depresyon. Dagdag pa nito, ang problema sa mental health ay pangalawa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa nasabing age group.

“The importance of mental health initiatives is just as crucial as those for the containment [of the] COVID-19 pandemic. Now more than ever, we need to promote holistic health, where we are caring for the body, the mind, and even the spirit,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sinabi naman ni WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na batid ng kanyang organisasyon ang hirap na dulot ng kasalukuyang krisis.

“I know how difficult it has been for Filipinos enduring

WHO, DOH sa publiko: Pangalagaan angmental health sa gitna ng pandemya

Ni Monica N. Ladisla

the setbacks brought about by the COVID-19 pandemic and of the quarantine to prevent [its] further transmission. Many people haven’t been able to work or have lost their jobs, some may have had difficulty going back to their home provinces or are impacted by the loss of loved ones or are separated from loved ones. Someone in your community, workplace, family or circle of friends, or even you may be feeling hopeless, isolated, and feeling they have no reason to live,” saad ng kinatawan ng WHO.

Dahil dito, mahalaga aniya na pangalagaan ang isa’t isa sa gitna ng hamon na ito.

“We are not facing this alone. With compassion and understanding for others, we can recognize the signs and educate ourselves how to access help. We all have a critical role in preventing suicide by socially connecting with affected people and connecting people to mental health services or medical care,” pagpapatuloy ni Dr. Abeyasinghe.

Kaugnay ng usaping ito, inilabas ng DOH at ng WHO ang sumusunod na mga patnubay para sa mga may kamag-anak o kaibigan na may kinakaharap na isyu o pagsubok sa kanilang mental health:

• Iparamdam sa kanila ang iyong pagmamalasakit at pag-aaruga at ipaalam na hindi sila nag-iisa. Maaaring sabihin ang ganito, “Hindi ko alam kung gaano kasakit o kahirap ito para sa iyo, pero hangad kong maunawaan ang iyong pinagdaraanan.”• Huwag silang husgahan, batikusin, o sisihin.• Ipakita sa kanila na ikaw ay nakikinig sa pamamagitan ng pag-uulit ng impormasyong kanilang ibinahagi sa iyo. Sa tulong nito, mas

• Hikayatin silang mas bigyang-pansin ang kasalukuyan sa halip na alalahanin ang hinaharap. Magboluntaryong tulungan sila na makahanap ng gabay mula sa mental health professional. Kung kinakailangan, mag-alok na samahan sila sa kanilang pagbisita sa isang lisensyadong therapist.• Tuparin ang iyong ipinangako o ang inyong napagkasunduan.• Siguruhing may kasama sila kung sila ay nasa gitna ng panganib.• Kung hindi mo sigurado kung paano sila

matutulungan, humingi ng tulong at gabay mula sa medical professionals.

“Remember that you don’t need to find an answer, or even to completely understand why they feel the way they do. Listening to what they have to say will at least let them know you care,” payo ng DOHat WHO.

Maaaring sumangguni o dumulog ang publiko sa crisis hotlines ng NCMH na 1553, 09178998727 (USAP), o sa 7-989-8727 (USAP). ■

masisigurong nauunawaan mo sila.• Tanungin at makinig sa kanilang sagot kung bakit gusto nilang mabuhay o mamatay. Mas alamin ang mga detalye kung bakit gusto pa nilang mabuhay.• Tanungin sila kung nakaramdam na ba sila ng ganito noon, at kung oo, tanungin kung paano nabago ang kanilang nararamdaman noon.• Tiyakin sa kanila na ang ganoon nilang nararamdaman ay hindi panghabang-buhay.

PHOTO CREDIT: World Health Organization Western Pacific Region

FEATUREIsang paracetamol

Ni Joan AlcantaraTaktika na ng grupong

CPP-NPA ang magsagawa ng “mercy mission” matapos makipagsagupa sa pwersa ng militar dahil sa gawa-gawang isyung makikipagpatayan ang komunistang grupo para sa mga diumano’y “taggutom” na mga magsasaka at katutubo.

Habang nakikipagbarilan ang mga rebeldeng komunista sa kabundukan, pwersahan namang nangangamkam ng bigas ang mga organisado nilang magsasaka at katutubo sa DSWD ng lungsod.

At upang pukawin ang mga sawing biktima sa lugar ng bakbakan, magsasagawa

ang mga ito ng medical missions at mamimigay ng “paracetamol”.

“Kapag nakapagbigay ng isang paracetamol ang NPA doon sa masa, sabihin mabuti pa ang NPA nagbigay ng paracetamol, ang gobyerno hindi nagbigay. Isang tableta lang iyan naka-propaganda, na-ganyan kami noon, mga Sir, mga Ma’am,” testimonya ng dating tagapagsalita ng CPP-NPA na si Datu Joleto. Kalaunan ay napagtanto rin ng IP youth leader na hindi niya nanaising mapabilang sa pugad ng mga komunistang pumapatay kahit pa sarili nilang mga kasama.

“Meron pa pong mga pinatay ang NPA na iyong pamilya nila hindi nagsumbong sa gobyerno kasi natatakot. Bakit ko po alam iyong mga iyan? Dahil nandoon po ako sa mga panahon na iyon,” pagsisisi ng IP lider. “Kaya nga ako, nag-isip-isip po doon — bakit ako sumali? Para bang nakasama ko na ang mga mamamatay-tao, kasi alam ko kung paano mag-execute ng parusa ang NPA. At alam ko po na iyong Hukuman ng Bayan wala pong bilangguan doon — ang presohan po talaga roon six feet below the ground.”

Napakatindi ng makinarya ng CPP-NPA pagdating sa propaganda, ayon sa commander ng AFP Southern Luzon Command na si Lt.

Gen. Antonio Parlade, Jr. Sang-ayon naman si Datu Joleto dahil maging mga estudyante at mga magulang ay napaniniwala ng mga ito.

“Ang programa talaga ay 300 na mga scholar na [magiging] mga teacher ang maka-graduate para i-deploy sana doon sa mga eskwelahan na naipatayo ng mga CPP-NPA. Iyong mga magulang

po ng mga scholar, tuwang-tuwa sa NPA. Sabi nga nila, mabuti pa ang NPA kasi nakagawa ng libreng paaralan, libreng scholar. Pero hindi nila alam na taktika iyon para magkaroon ng teacher sa Salugpungan school na isang instrumento para insultuhin iyong government natin,” pagsisiwalat ng dating recruit. ■

PHOTO CREDIT: Philippine News Agency

Page 10: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

BalitaBalita10Oktubre 2020

PRRD inalis ang deployment ban sa healthcare workers na mayroong kumpletongdokumento mula pa Agosto 31

Ni Raiza F. Cabugwang

Pagtaas ng sahod ng nurses samga pribadong ospital, isinusulong

Ni Raiza F. Cabugwang

Mas maraming benepisyo para sahealthcare workers, hatid ng Bayanihan 2

Ni Raiza F. Cabugwang

Sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 11, P53.48 bilyon o halos kalahati ng P165.5 bilyong nakalaang pondo para sa panukalang-batas, ang nakatalaga upang alalayan ang healthcare workers sa bansa sa gitna ng giyera kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Health (DOH), ang alokasyong ito ay sapat upang madagdagan ang benepisyong pwedeng matanggap ng healthcare workers habang nasa serbisyo.

Inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Setyembre 2 na sa ilalim ng “Bayanihan 2”, ang medical frontliners na mahahawaan ng nasabing virus at magkakaroon ng mild o moderate na sintomas ay makatatanggap ng P15,000 mula sa gobyerno.

Makakatanggap pa rin ng pinansyal na ayuda na P100,000 ang healthcare worker na may severe case ng COVID-19, at P1 milyon pa rin ang makukuha ng pamilya ng medical frontliner na sumakabilang-buhay dahil sa nasabing virus.

Dagdag pa ni Usec. Vergeire, ang lahat ng healthcare workers sa ilalim ng emergency hiring program ng gobyerno ay pagkakalooban ng life insurance at libreng matutuluyan, pagkain,at transportasyon.

Bukod pa rito, ang mga naitalaga rin sa mga posisyon sa DOH ay makakakuha ng hazard pay sa loob ng apatna buwan.

Magkakaroon din ng buwanang special risk allowance ang lahat ng DOH healthcare workers, local government medical facilities, at 30% ng hospital workers sa mga pribadong ospitalsa bansa.

“Dati wala tayo masyadong benefits for private healthcare workers pero ngayon, sinigurado ng batas na Bayanihan 2 na mayroon na both public and private. All of them will be provided as long as they directly cater to COVID-19 patients,” paglalahad ni Usec. Vergeire na tagapagsalita rin ng DOH.

Sa inilaang budget para suportahan ang healthcare workers ng bansa sa gitna ng krisis pangkalusugan, P4.5 bilyon ang nakalaan para sa temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, at sa pagpapaigting

ng kapasidad ng mga ospital sa bansa. Kasama na rito ang P180 milyong nakatabi para sa pagbabayad ng mga dormitoryo para sa healthcare frontliners.

Ilan pa sa mga p i n a k a m a h a h a l a g a n g paglalaanan ng naturang budget ay ang procurement ng face masks at iba pang personal protective equipment na may alokasyong P3 bilyon, at iba pang health-related resources na paglalaanan naman ng P13.5 bilyon.

“Bayanihan 1 was a call to both our public and our medical communities to unite in a common vision to bring healing to our coronavirus-besieged sectors. Bayanihan 2 takes the next steps forward in consolidating that healing through recovery, which is made possible by strengthening our health system structures while heeding the call of our HCWs (healthcare workers) for assistance and provisions,” paliwanag ni Usec. Vergeire.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng DOH na hindi pwedeng matigil ang suporta para sa healthcare workers. Pinakaimportante aniya ang pagtutulungan ng lahat sa gitna ng krisis na kinakaharap. ■

MORE BENEFITS – Sa ilalim ng “Bayanihan 2”, madaragdagan ang mga benepisyo na matatanggap ng healthcare workers na nangunguna sa laban sa COVID-19 sa bansa. (Photo credit: Geemartine Photography)

Pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apela ng medical workers na sila ay payagan nang makaalis ng bansa upang makapagtrabaho matapos alisin ang deployment ban sa healthcare professionals na may ligal na kontrata at kumpletong papeles noon pang Agosto 31 ng taong ito.

Ayon sa Department of Labor and Employment, nasa 1,500 nurses at iba pang healthcare workers ang makikinabang sa nasabing hakbang na ginawa ng Pangulo.

Inilahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ginawa ng Pangulo ang naturang desisyon upang isaalang-alang ang overseas Filipino health workers na gumugol na aniya ng malaking halaga para maproseso ang kanilang mga dokumento upang makapaghanapbuhaysa ibang bansa.

Bago pa ang desisyong ito ni Pangulong Duterte,

ang overseas health workers lamang na may overseas employment certificates mula sa Philippine Overseas Employment Administration at ligal na kontrata noon pang Marso 8 ang pinapayagang mangibang-bansa.

Ang naturang suspensyon sa paglabas ng bansa ng healthcare workers ay ginawa upang maprotektahan ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa gitna ng banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at upang masigurong may sapat na bilang ng medical professionals sa bansa na tutulong sa laban kontra sa pandemya.

Samantala, ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, wala pa aniyang desisyon ang Presidente tungkol sa tuluyan nang pag-aalis ng deployment ban sa bansa.

“Wala pa pong desisyon sa total lifting, pinagbigyan lang

“They must not be allured to endure outrageously low salaries and wages.”

Ito ang naging pahayag nina Deputy Speaker at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Drivers United for Mass Progress and Equal Rights - Philippines Taxi Drivers Association Partylist Rep. Claudine Diana Bautista, at Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Partylist Rep. Eric Go Yap, na kasalukuyang itinutulak ang pagtataas ng minimum wage ng nurses sa mga pribadong ospitalng bansa.

Sa ilalim ng House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector

Act of 2020” inaatasan ang National Wages Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pakikipagtulungan ng Department of Health, Philippine Nurses Association, Inc., Philippine Board of Nursing, at iba pang stakeholders, na magtakda ng minimum wage para sa nurses ng mga pribadong ospital upang ang sahod ng mga ito ay maging kapantay sa ibinibigay sa mga nasa pampublikong ospital.

Ayon sa Bureau of Local Employment ng DOLE, ang nurses sa mga pribadong ospital ng bansa

( ▶ 12 )

( ▶ 12 )

SALARY INCREASE – Nais ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas ang sahod ng mga nurse sa pribadong sektor sa ilalim ng House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020”.

Page 11: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

BalitaBalita 11Oktubre 2020

Baguio, Boracay bukasnang muli sa mga turista

Ni Raiza F. Cabugwang

Hepe ng Ermita Police Station, sinibak matapos ang pagdagsa ng tao sa Manila Bay

Ni Monica N. Ladisla

Sinibak sa puwesto ni PGen. Camilo Cascolan si Ermita Police Chief PLt. Col. Ariel Caramoan matapos mabigong kontrolin ang pagdagsa ng mga tao sa “white sand” beach sa baywalk ng Manila Bay.

Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang Joint Task Force COVID Shield na sang-ayon ito sa ginawang pagtanggal sa pwesto sa hepe ng Ermita Police Station (PS-5). Aniya, dapat pinagplanuhan at istriktong ipinatupad ni Caramoan ang health safety measures sa naturang lugar.

Ayon pa sa task force, bigo rin umano si Caramoan sa pagsunod sa utos na bantayan at agarang gumawa ng aksyon sa mga paglabag sa quarantine protocols na nag-viral din mismo sa social media.

Nagbigay-babala naman si PLt. Gen. Guillermo Eleazar sa ibang hepe na huwag tularan si Caramoan at maging alisto sa pagresponde upang hindi na maulit pa ang nangyari.

Nakatakdang palitan ni PLt. Col. Alex Daniel si Caramoan bilang officer-in-charge ngErmita PS-5.

Samantala, bilang tugon sa pangyayaring ito, iniatas ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Manila Police District na dagdagan ang kapulisan sa lugar upang masiguro na nasusunod ang minimum health standard.

“We have to deploy more policemen there to enforce

(health protocols) and the Manila City government has to deploy more marshalls. I instructed the MPD to coordinate and discuss with Mayor Isko Moreno Domagoso on how to establish rules, regulations, and protocols to ensure the observance of minimum health standards,” paliwanag ni Sec. Año. ■

TO HEAL AS ONE – Dumagsa ang tao sa kontrobersyal na “white sand” beach ng Manila Bay na nakaalarma sa pamahalaan dahil sa ilang paglabag sa quarantine protocols at walang istriktong pagpapairal ng health safety measures mula sa lokal na awtoridad. (Photo credit: Avito Dalan - PNA)

Handa nang muling tumanggap ng mga turista ang Baguio City at Boracay, ilang buwan makalipas suspendihin ang turismo sa nasabing mga lugar bunsod ng banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gayunpaman, may mga panuntunan na inilatag ang pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at mamamayan sa itinuturing na dalawa sa pinakadinarayong pook-pasyalan sa bansa.

Ayon pa kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, “The DOT will work closely with the IATF and the local governments to ensure that health and safety protocols will not be compromised as we slowly but surely open up tourism for domestic visitors in destinations.”

Sa Baguio City, umiiral ang tinatawag na “travel bubble” kung saan bukas lamang ang kanilang turismo sa mga piling lugar tulad ng Ilocos provinces, La Union, at Pangasinan.

Bago payagang makabiyahe patungo sa itinuturing na summer capital ng bansa, ang turista ay kinakailangang bumisita sa visita.baguio.gov.ph at i-upload ang mga mahahalagang dokumento tulad ng negative COVID-19 test result na dapat ay isinagawa sa loob ng 48 oras bago magtungo sa lugar, hotel booking, at travel itinerary. Kinakailangan ding sagutan ang health form sa website.

Matapos maaprubahan ay bibigyan ang turista ng QR-coded Tourist Pass (QTP) na magsisilbing electronic ID nito habang nasa Baguio.

Pagkarating ng Baguio, kinakailangang ipakita ang QTP sa border police na siya namang maghahatid sa turista patungo sa Baguio Convention Center. Sa convention center ay sasailalim ang turista sa triage para sa karagdagang health screening.

Pagdating ng turista sa hotel, kinakailangang gamitin ang QTP sa pag-check-in upang masigurado ang contactless transaction.

Kinakailangan ding kumuha ng accredited na tour guide ang bibisita sa “City of Pines” upang masigurong sinusunod ng bisita ang kaniyang itinerary. Ipinagbabawal ang pagbisita sa mga lugar na hindi kasama sa nakasaad sa travel itinerary ng turista. Hindi rin maaaring makisalamuha sa mga residente ng Baguio o kaya naman ay magtungo sa kanilang mga kamag-anak ang mga turista.

Bukas ang mga pook- pasyalan sa lugar ngunit ipinagbabawal sa mga turista ang pagtungo sa Baguio Central Market.

Nasa 200 na turista lang ang maaaring makapasok sa lugar sa anumang oras at maaari lamang silang manatili ng hanggang limang araw.

Ibayong pag-iingat din ang ginagawa ng pamahalaan sa gitna ng pagbubukas ng turismo sa Boracay.

Ang mga mamamayan na nananatili sa mga lugar

FEATUREYOUTH FOR TRUTH:

Cybersecurity awareness sa panahon ng pandemya

Ni Wenilyn M. Asuncion

Bilang pag-iingat sa pandemya, patuloy na limitado ang paggalaw ng mga tao kung kaya’t nananatili pa rin ang karamihan sa loob ng kanilang mga bahay. Sa panahong ito, hindi na hiwalay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang paggamit ng Internet at social media upang makapagklase, maka-meeting ang mga katrabaho, m a k a p a g - s h o p p i n g at grocery, makipag-usap sa mga kaibigan, makapaglibang, at kung ano pa.

Napadadali na nga ng Internet at social media ang mga pang-araw-araw na gawain. Ngunit kailangang mag-ingat sa paggamit ng mga ito dahil marami ring gumagamit sa mga teknolohiyang ito para manakot at mambiktima ng mga tao.

Kung kaya’t nagkaroon ng malalimang talakayan tungkol sa cybersecurity at responsible media usage sa nakaraang episode ng Youth for Truth para sa selebrasyon ng National Cybersecurity Awareness Month.

Ayon kay P/Major June Paolo Abrazado mula sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP), ang mga menor de edad na kadalasang nabibikitima ng cybercrimes ay ang mga nasa 12 hanggang 15 taong gulang. Nariyan ang cyberbullying, kasama na rin ang online sexual exploitation, at para sa mga kabataang makararanas ng mga ito, malaking dagok ito sa kanila at lubusang makakaapekto sakanilang sikolohiya.

Dagdag niya, maiging bantayan ng mga magulang ang online activities ng kanilang mga anak. Importante ang paggabay ng mga magulang o ang tinatawag na Digital Parenting upang maiwasan ang mga di kanais-nais na pangyayari. Maaaring ligtas ang mga bata mula sa mga pisikal na panganib habang sila ay nasa loob ng kanilang mga kwarto’t bahay ngayong panahon ng pandemya, ngunit kailangang maging mulat sa mga posibleng peligro online.

Nagpaalala naman si National Privacy Commission (NPC) Chairman Raymund Liboro

sa mga kabataan tungkol sa pangangalaga ng personal data at privacy. Kasabay ng pagpasok ng mga makabagong teknolohiya, maaaring magdulot ito ng kapahamakan sakaling ang personal na datos ay hindi wastong magagamit. Kung kaya’t mahalaga na maging wais sa pag-share ng personal at sensitibong impormasyon.

Sa parte naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ibinahagi ni Deputy Spokesperson Atty. Adrian Echaus ang tungkol sa National Cybersecurity Plan of 2022. Layunin nito na gawing ligtas ang ICT environment sa bansa, pati na rin ang pagtaas sa kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa cybersecurity. Upang maging ligtas online, pinaalalahan niya ang mga kabataan na gumamit ng strong passwords o two-factor authentication sa social media accounts para hindi ma-hack ang mga ito.

Kung nakararanas ng cybercrime, huwag itong sarilinin at ipagbigay-alam kaagad sa awtoridad nang matulungan kayo at mapanagot sa batas ang mga maysala. Seryoso ang batas pagdating dito, ang kaparusahan ay nakapaloob sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Bukas rin ang E-complaint Desk ng ACG para sumangguni sa mga nangangailangan ng tulong.Bisitahin lang ang kanilang website sa acg.pnp.gov.ph o kaya naman ay ang kanilang Facebook page na PNP Anti-Cybercime Group.

Maging maingat at responsableng digital citizen sa panahon ng pandemya.

Ang YFT Radio Program ay mapapakinggan tuwing Biyernes, alas otso ng gabi, sa RP1 738 kHz. Mapapanood din ang kasalukuyan at mga nakaraang episodes sa Facebook pages ng PCOO, PNA, RTVM, PBS, at ng Youth for Truth (https://w w w . f a c e b o o k . c o m /YouthforTruthPH/), pati rin sa IBC TV 13 tuwing Sabado, alas otso ng gabi. Ang mga komento, suhestiyon, reaksiyon, at “creative content” ay maaaring ipadala sa YFT page. ■

( ▶ 12 )

Page 12: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

12Oktubre 2020

BalitaBalita

DOJ pinag-iingat ang publiko mula sa pahina 6

mga eskwelahan na huwag pabayaan ang mga estudyante sa loob ng virtual classroom, at lagi aniyang i-update sa pinakabagong version ang application na ginagamit sa pagsasagawa ng online classes.

Sinabi rin ng Kagawaran na dapat turuan ng mga magulang ng tamang “netiquette” o gawi online ang kanilang mga anak upang maprotektahan ang mga ito laban sa banta

sa kanilang seguridad na maaaring maging kaakibat ng paggamit ng iba’t ibang video conferencing services.

Pinapayuhan ang publiko na i-report ang mga insidenteng maaaring may kinalaman sa paglabag sa seguridad sa gitna ng ipatutupad na online classes.

Maaaring makipag-ugnayan sa Philippine National Police sa pamamagitan ng kanilang email address: acg@

acg.pnp.gov.ph o Facebook account: facebook.com/anticybercrimegroup.

Pwede ring i-email ang National Bureau of Investigation Cybercrime Division sa [email protected] o ang Office of Cybercrime ng DOJsa [email protected] ring mag-iwan ng mensahe sa kanilang Facebook page: facebook.com/OfficeofCybercrimePH. ■

Pagtaas ng sahod mula sa pahina 10

ay nakatatanggap lamang ng average na P9,757 kada buwan — mas mababa pa sa nakukuha ng isang minimum wage earner — samantalang nasa pagitan ng P19,845 hanggang P30,531 ang buwanang sahod ng mga nurse sa mga pampublikong ospital.

“Despite our nurses’ gallant efforts, they are still paid considerably less than their counterparts in the public sector around the globe,” pahayag ng mga nabanggitna mambabatas.

Upang matugunan ang naturang isyu, iminungkahi ng tatlong nagsusulong sa panukalang-batas na

nararapat na isaalang-alang ang mga gastusin o cost of living ng nurses; ang sahod na ibinibigay sa public sector at iba pang mga nag-i-empleyo na nagbibigay ng makatwirang pasahod; lokasyon at bed capacity ng pribadong ospital; at makatarungang balik ng kapital na ginugol ngnag-i-empleyo.

Inaatasan din ng HB 7569 ang NWPC na maglabas ng utos na naglalaman ng aprubadong minimum wage sa loob ng sampung araw matapos ang public hearing sa naturang panukalang-batas.

Kapag naisabatas ito, ang ospital na lalabag sa panukala ay pagmumultahin ng

P100,000 hanggang P1 milyon sa bawat paglabag.

Dagdag pa rito, ang sinumang nurse na magiging biktima ng paglabag sa nasabing panukala ay maaaring makatanggap ng back pay at full payment ng hindi nabayarang benepisyo, at maging ng refund ng bayad sa abogadong tutulong sa nurse sa kaniyang apila.

Base rin sa panukala, ang NWPC at DOLE, sa pakikipagtulungan ng DOH at ng Philippine Board of Nursing, ang nakatakdang bumuo ng implementing rules and regulations ngnasabing panukala. ■

PRRD inalis ang deployment ban mula sa pahina 10

po iyong nakagastos na para sa mga papeles,” paglilinaw ni Spokesperson Roque.

Sa kabilang banda, nagpresenta ang Inter-Agency Task Force (IATF)

for the Management of Emerging Infectious Diseases ng kanilang mga mungkahi upang matulungan ang medical practitioners sa gitna ng deployment ban.

Hinimok naman ni Cabinet Secretary at IATF Co-Chairperson Karlo Nograles ang health workers sa bansa at iyong mga wala pang mga trabaho na magsumite ng kanilang aplikasyonsa gobyerno.

Aniya, nangangailangan ngayon ang Department of Health ng medical frontliners, lalo pa’t mas maraming quarantine facilities ang kasalukuyang itinatayo.

“I hope you will apply for these vacancies so you can help in the fight against COVID-19,” mensahe ng Kalihim. ■

na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine lamang ang maaaring magtungo sa isla.

Ang turista ay kinakailangan ding mag-negatibo sa reverse polymerase chain reaction test na dapat ay isinagawa sa loob ng dalawa o tatlong araw bago ang pagbisita sa lugar.

Hinikayat din ni Tourism Secretary Puyat na manatili sa bahay ang indibidwal na nakatakdang bumisita sa isla matapos itong sumailalim sa swab test upang masigurong siya ay ligtas laban sa virus bago magtungo sa kaniyang destinasyon.

Nararapat ding mayroon nang hotel booking ang bisita bago pa man siya makarating sa isla. Sa check-in counter, ang bisita ay kukuhanan naman ng kaniyang temperatura, at kinakailangang sagutan ang health declaration form.

Ang mga establisyimento ay kinakailangan namang may sanitizing mats. Mayroon din silang COVID-19 hotline upang maging madali ang kanilang pakikipag-ugnayan sa health officials.

Ang Caticlan Airport lamang ang magiging bukas sa publiko at magkakaroon ng isolation facility rito para sa mga kakikitaan ng sintomas ng virus.

Ang mga magkakaroon ng sintomas ay dadalhin sa pinakamalapit na isolation facility at susuriing muli.

Kung sila ay magnegatibo, maaari na silang tumuloy sa kanilang destinasyon. Kung sila naman ay magpositibo, kinakailangang lisanin nila ang lugar.

Dapat ding magsuot ng face mask at sumunod sa iba pang health protocols ang mga bisita tulad ng paghuhugas ng kamay at physical distancing.

Ang mga banyagang turista naman ay maaaring makapasok sa isla basta’t sila ay nasa loob lamang ng bansa.

Hindi naman limitado ang bilang ng maaaring makapasok na turista sa Boracay, at maaari rin silang makabili ng hanggang dalawang baso o bote ng alcoholic drink sa lugar.

Ayon pa kay Sec. Puyat, ang sektor ng turismo ang pinakaapektado ng pandemya. Nasa P1.6 bilyong piso aniya ang luging natamo nito, kaya’t dahan-dahang isinasabuhay ito ng pamahalaan habang ipinapatupad pa rin ang health protocols at iba pang mahahalagang alituntunin para maiwasan ang paglaganap ng virus.

Maaari namang bawiin ang naturang desisyon ng pamahalaan sa oras na may makitang pag-angat sa bilang ng kaso ng COVID-19 bunsod nito.

“Kung mayroong pagtaas, then we have to revisit this decision,” saad ni National Task Force Against COVID-19 Chairman Delfin Lorenzana. ■

Baguio, Boracay mula sa pahina 11

DEPLOYMENT BAN LIFTED – Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na makalabas ng bansa ang ilang healthcare workers matapos tanggalin ang nauna nang idineklarang deployment ban sa mga ito.

TRAVEL LIGHT – Maaari nang bumisitang muli ang mga turista sa Baguio at Boracay simula Oktubre 1, ngunit kinakailangan nilang sumunod sa mga panuntunan na ipinatutupad ng pamahalaan ukol dito. (Photo credit: Philippine News Agency)

Mahigit 10K contact tracers, mula sa pahina 2

kursong allied medical course o criminology subalit maaari ring magsumite ng application ang may ibang kurso.

Ilan sa mga responsibilidad ng isang contact tracer ay ang pagsasagawa ng interview, profiling, at initial public health risk assessment sa mga kaso ng COVID-19 gayundin sa mga kinilalang close contacts nito; isangguni ang mga close contact sa isolation facilities; pagsasagawa ng enhanced contact tracing kaagapay ang ibang ahensya

at pribadong sektor gayundin ang pagsasagawa ng daily monitoring ng close at general contacts sa loob ng 14 na araw; at, pagsasagawa ng iba pang tungkuling may kinalaman sa COVID response.

Kailangan umanong bihasa sa data gathering at may alam sa documentation ang mga nais na magtrabaho bilang contact tracer.

“We are looking for the most fit and qualified individuals for the job dahil very challenging ang kanilang

magiging trabaho for the next 3 months. Their work on the ground is crucial in our battle against COVID-19,” saadni Malaya.

Ayon sa guidelines na ginawa ng DILG, makakatanggap ng hindi bababa sa P18,784 kada buwan ang isang contact tracer.

Para sa mga interesadong aplikante, maaaring makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na DILG Provincial at City Field Offices o bumisita sa kanilang website para sa iba pang detalye. ■

Page 13: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

BalitaBalita 13Oktubre 2020

AFP, hinimok ang Facebook na umiwas sa partisanshipNi Joan Alcantara

55 Abu Sayyaf nalagas sa55 Abu Sayyaf nalagas sapinaigting na operations ng AFPpinaigting na operations ng AFP

Ni Joan Alcantara

Arestado ang isang p i n a g h i h i n a l a a n g miyembro ng Daulah Islamiyah Terrorist Group (DITG) sa isang buy bust noong Setyembre 19 ng pinagsamang pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine National Police Intelligence Group sa Brgy. North Fairview sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang suspek na si Kevin Madriñan a.k.a. Ibrahim Abdullah Madriñan o Ibrahim Khalil Al-Guraba, 33, ng Brgy. Malabanan Biñan, Laguna. Huli si Madriñan sa isang gun entrapment operation bandang 4:50 p.m. sa Atherton Street cor. Burbank Street North Fairview Subd., Brgy. North Fairview.

Nakuha kay Madriñan ang isang unlicensed cal.45 Pistol LAMA S/N 97960030 na may high capacity magazine at pitong live ammunition na tinangka diumano nitong ibenta ng PhP60,000.00 sa undercover na pulis. Kinakitaan din ng isang fragmentation grenade ang suspek.

Si Madriñan na umano’y responsable sa pagkadlong sa mga miyembro ng DITG na nanggagaling Maguindanao at pagpapadala sa Balik-Islam recruits sa Mindanao para sa military training at Jihad exposure ay kakasuhan ng paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives). ■

Miyembro ng DaulahIslamiyah Terror Group,arestado sa buy bust

Ni Joan Alcantara

PHOTO CREDIT: PNP PIO

Kasunod ng report ng pagsara ng Facebook (FB) sa mahigit 100 fake accounts na diumano ay pinapatakbo ng ilang kataong may kaugnayan sa pulis at militar sa bansa, hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang social media giant na suriin ang kanilang proseso upang hindi mapagdudahangmay kinikilingan.

Hiniling din ng AFP sa FB Philippines Policy Team sa naging courtesy

Nakapagtala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 55 patay sa Abu Sayyaf Group mula Enero 1 hanggang Setyembre 30 ngayong taon dala ng pinaigting nitong operasyon laban sa teroristang grupo.

Nakapagpasuko rin ng 78 Abu Sayyaf ang AFP mula Eastern at Western Mindanao, nakapagkumpiska ng 97 high- at low-powered firearms at 7 improvised explosive devices (IEDs), at naka-raidng 9 encampments.

Nito lamang Setyembre 30 ay nailigtas din mula sa kamay ng mga bandido ang isang Filipino-Americankidnap victim.

“The many successes of our operations against the

call ng grupo kay AFP Chief Gen. Gilbert Gapay noong Setyembre 23 na bigyan ng nararapat na pagtingin ang mga paniniwalang ineesposo ng mga nagmamay-ari ng naturang accounts.

Katulad na lang ng FB account ng “Hands Off Our Children” na may adbokasiyang suportado ng AFP ngunit isa sa mga isinarang account ng FB. Kinabibilangan ang grupo ng mga magulang na ang

mga anak ay ni-recruit ng communist terrorist group.

Ipinakiusap ni AFP Chief Gapay na ibalik ang naturang FB page at iba pang account na may kaparehong adbokasiya. Gayunpaman, ikinagagalak ng AFP na nakikibahagi ang FB sa parehong pagkondena sa drug trafficking, child exploitation, at terrorism.

Napaulat na ang naging aksyon ng FB ay dulot ng “coordinated inauthentic behavior” ng mga naturang accounts. Halos lahat ng nilalaman ng diumano’y fake accounts ay bumabatikos sa oposisyon, aktibismo,at komunismo.

Sa kabilang banda, nagdulot ang pangyayari ng pag-review ng AFP sa mga personal accounts ng mga personnel ng Sandatahan.

“I just like to inform everyone that all official social media accounts of the Armed Forces are up

and running, hindi man sila kasama roon sa mga na-take down. But this development also prompted us to review iyong mga personal accounts ng ating mga personnel and remind them of policies natin and etiquette, and dos and don’ts of what to post in social media. Rest assured that AFP does not tolerate the uploading of fake news, of course, and fictitious social media accounts,” paniniguro ng AFP Chief.

Sa dako naman ng mga kapulisan, nais iparating ng Philippine National Police (PNP) na patuloy sila sa pagsunod sa cyber etiquette at decorum sa lahat ng public engagements, kasama na ang social media.

“As far as we’re concerned, the official Facebook pages of PNP and those of lower units remain compliant with the standards,” pahayag naman ni PNP Chief PGEN Camilo Pancratius Cascolan. ■

Abu Sayyaf Group and its affiliate organizations can be attributed to the strong support of the national leadership, interagency cooperation, and the soldiers’ high state of morale,” pahayag ni AFP Chief of Staff Lieutenant GeneralGilbert Gapay.

Bukod sa Abu Sayyaf, mula Enero ay 28 na rin ang napatay mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), 134 ang sumuko, at 20 ang bihag na ng militar. Nakumpiska sa kanila ang 147 firearms, 15 IEDs, at 3 encampments. Samantala, sa panig naman ng Maute Group, 24 na ang napatay, 15 ang sumuko, habang 5 na ang nahuli. Nakuha naman

Negros Occidental No. 1 Most Wanted, tiklo sa kasong rape

Ni Joan Alcantara

Timbog ang No. 1 Most Wanted Person ng La Carlota City, Negros Occidental sa one time, big time operation ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group-Visayas Field Unit noong Setyembre 28 1:10 p.m. sa Balaban Rd. Carles,Iloilo City.

Sa pakikipagtulungan ng mga operatiba ng La Carlota City, huli ang rape suspect na si Antonino Abelita, alyas Bartoloy, sa bisa ng warrant of arrest para sa five counts of rape na inisyu ni Judge Mila Yap-Camiso ng Regional Trial Court Br. 74 6th Judicial Region La Carlota City. Ginahasa diumano ng suspek ang sarili nitong anak sa magkakaibang okasyon noong 2014, 2015, at 2018.

Nagtago ang suspek sa Iloilo City ng tatlong taon na napaulat ding sangkot sa sunud-sunod na robbery, theft, drugs, at motornapping sa Negros Occidental at kalapit na mga probinsya.

Nasa kamay na ng Carles Municipal Police Station si Abelita habang hinihintay ang commitment orderng korte. ■

PHOTO CREDIT: Armed Forces of the Philippines

ang 30 firearms, 31 IEDs, at 17 encampments mula sa grupong ito.

Ang BIFF at Daesh-inspired na Maute Group ay lokal na mgateroristang grupo.

“The AFP with the help of all stakeholders and guided by the National Action Plan to Prevent/Counter Violent Extremism, will sustain its momentum against the terror group ASG and other local terrorist groups. We will not tolerate any attempt to sow violent ideologies and will make use of all available technologies to put an end to the spread of violent extremism,” dagdag pa ni AFP Chief Gapay. ■

PHO

TO C

RED

IT: A

rmed

Fo

rces

of t

he P

hilip

pine

s

Page 14: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

14Oktubre 2020

Kinilala ngayong taon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) bilang pinakahinahangaang lalaki sa Pilipinas, ayon sa taunang survey na isinagawa ng British research at analytics firm na YouGov.

Sa nasabing survey, nakakuha si PRRD ng admiration score na 19.67 percent na resulta ng pinagsama-samang open-ended nominations ng mga panelist mula sa 42 na mga bansa at mga nasasakupan. Bukod sa pangulo, kasama rin sa listahan sina Senator Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na nasa magkasunod na ikalawa at ikatlong puwesto.

Mga ka-Centralians, ano ang masasabi mo sa balitang ito?

PRRD: ‘Most Admired’ Man in the Philippines sa 2020

BalitaBalitaBakuna lang ang sagot kontra outbreaks

Ligtas ba ang inyong mga chikiting sa outbreaks?

Sa mga sakit na nagdadala sa mga bulilit ng malubhang komplikasyon at nakamamatay — tigdas, rubella, at polio — walang gamot kundi bakuna lang ang tanging paraan para maiwasan ang mga ito.

Ito ang mensahe ng United Nations Children's Fund (UNICEF) dahil sa banta ng measles outbreak, pagdami ng kaso ng rubella, at kasalukuyang polio outbreak sa gitna ngCOVID-19 pandemya.

Ang tigdas ay isang malubhang sakit na dulot ng measles virus na sumisira sa daanan ng hininga at mabilis kumalat sa pag-ubo o bahing. Kundi man magdudulot ng pagkabulag, pamamaga ng utak, impeksyon sa tenga, o pneumonia, ay nakamamatay.

Nakahahawa rin ang rubella o german measles sa pag-ubo lang o bahing. Maaaring makunan ang isang buntis o magkaroon ng birth defects ang kanyang sanggol dahil sa sakit na ito.

Sa kabilang banda, dala naman ng polio virus ang habangbuhay na pagkalumpo dahil sa pag-atake nito sa spinal cord at nerves na nakaaapekto sa paggalaw ng muscles, lalo na sa paa. Dahil sa polio, maaaring maparalisa ang diaphragm o breathing muscle ng isang apektado nito na maaari niyang ikasawi dahil sa hirap na paghinga. Naikakalat ang ganitong virus sa pagkain, inumin, at pakikipagkamay.

Kaya naman todo ang kampanya ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng Measles, Rubella and Oral Poliomyelitis Vaccine (MR-OPV) upang hikayatin ang mga magulang na iprayoridad ang bakuna ng kanilang mga anak laban sa mga naturang vaccine-preventable disease. Suportado naman ito ng UNICEF na nagbigay ng 19.2M doses ng MR vaccine at 10M doses ng OPV. Tutulong din ang non-government organization sa pagsiguro na mayroong resources at

tamang instructions ang mga lokal na pamahalaan ukol sa kampanya na ito ng DOH.

Sang-ayon din si DOH Secretary Francisco T. Duque III na mahalaga ang proteksyon ng mga bata laban tigdas, polio, at rubella ngayong panahonng COVID-19.

“We should be vigilant about other diseases that can affect some of our most vulnerable like infants and children, even during the COVID-19 pandemic. The child’s first five years are very formative to his or her health. The illnesses we are vaccinating them against can be very damaging and will have repercussions on their growth and maturity. That is why we are urging parents not to take these conditions lightly, but must vaccinate their children as soon as possible,” ani ng Kalihim.

Ligtas ang mga bakuna na dekada nang ginagamit kontra measles, rubella, at polio. “No child should have to suffer because of them, especially because the vaccines are free,” dagdag pa ng DOH Secretary.

Siniguro rin ng DOH na ipatutupad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, pagsunod sa physical distancing, paghuhugas ng kamay, pagdadala ng alcohol, at pagpapasok ng isang magulang o tagapangalaga lang sa vaccination post o health center upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga klinika.

Ang Phase 1 ng MR vaccination (turok) at

OPV (patak) ay tatakbo mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 25, 2020 sa Regions 1, 2, 4B, 5, at Cordillera Administrative Region. Pareho rin ang schedule ng MR vaccination sa buong Mindanao.

Ang Phase 2 ng MR vaccination at OPV ay tatakbo mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021 sa Regions 3, 4A, 6, 7, at 8. Susundin ang parehong schedule ng MR vaccination sa National Capital Region. ■

He deserves to be on the top! Sapagkat sa mga nakalipas na buwan, alam naman natin kung anu-ano ang mga ginagawang paraan ng Pangulo para matulungan ang ating bansa sa pagsugpo sa pandemya. Sa totoo lang, makikita mo na sa kanyang mga mata na pagud na pagod na siya ngunit mas pinipili pa rin niyang maglingkod sa bayan sa halip na sumuko. Kasi, alam niya na kailangan siya ng sambayanan. Nagpapakita lamang ito ng malasakit niya sa atin na dapat nating suklian sa pamamagitan ng disiplina. The survey shows na napakaraming Pinoy na patuloy na nagtitiwala sa kanya at nakikita ng mga tao na nagtatagumpay tayo against COVID-19 dahil sa dedikasyon sa sinumpaang tungkulin niya para sa taumbayan. Maraming salamat po sa inyong pamumuno, Pangulong Duterte! Makakaasa po kayo na susuporta kami sa inyo para sa ikabubuti ng ating bansa. Keep safe po palagi at huwag mo pong pabayaan ang iyong sarili.

Kharie Batindaan36, Navotas City

Sang-ayon ako sa resulta na siya ang most admired man in the Philippines ngayong taon dahil napalakad niya nang maayos ang bansa. Marami rin siyang proyekto na inilatag para sa ikabubuti ng bansa. Hindi lang talaga maiiwasan na may mga manira sa kanya, kasi sadyang may mga utak talangka talagang mga tao. Sana ang susunod na papalit sa kanya ay maipagpatuloy ang magagandang proyekto ng Pangulong Duterte para tuluy-tuloy ang pag-unlad ng bansa. Naniniwala rin ako na nararapat sa kanya ang nakuha niyang puntos dahil sa ganda ng mga proyekto niya para sa Pilipinas lalung-lalo na ang Build Build Build projects niya. Ang daming nabigyan ng trabaho sa construction pati na rin ang paglaban niya sa droga sa bansa. Idagdag mo pa ang libreng tuition fee para sa mga mag-aaral ng state universities. Sa mga nagsasabi na hindi katanggap-tanggap ang score ng pangulo, ewan ko na lang sa inyo.

Johnel Salas30, Balanga, Bataan

President Duterte, aka Digong. “Excellent” — isang salitang maibibigay mo sa isang pangulo ng bansa na binago ang Pilipinas

sa mukha ng kahirapan, pagkalugmok sa ipinagbabawal na gamot, at iniaangat ang

taumbayan sa tamang paniniwala. Isang mahusay na pangulo na ipagmamalaki mo kahit saan ka man mapunta. Isang ama na niyakap lahat ng responsibilidad para malagpasan ng kanyang nasasakupan ang pagsubok ng bansa sa panahon ng pandemya. Ipinagmamalaki ko na isa akong Pinoy at proud ako na si Pangulong Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Kahanga-hanga talaga!

Shella Taywan37, Navotas City

Oo, sang-ayon ako para kay Presidente Duterte sa pagiging Top 1 niya sa listahan ng Most Admired Man ng bansa ngayong taon dahil maraming

nagbago at marami rin siyang nagawa para sa ating bansa. Tulad ng mga skyway, ‘yung sa Boracay, ‘di ba

naging malinis? Pati war on drugs, cleaning operations, at pagpapahalaga sa mga senior citizen. Ang masasabi ko lang, malaking bagay ang nanguna siya at talagang deserve niya ‘yun. Magandang balita ito para sa ating lahat kasi mayroon tayong isang tunay na ‘working’ president.

Catarina Briones37, Navotas City

Very good! Magaling naman talaga si PDU30 kaya maraming humahanga sa kanya. Kaya

ako, bilib sa mga nagawa niya at gagawin pa. Iyong latest na pinaganda niya iyong sa Manila

Bay, ‘yung sa Boracay, at iyong may kinalaman sa pagsugpo ng drugs pati iligal na gawain. Isama mo na

rin ang pagkakaso sa corrupt officials at offices, nagawa niyang baguhin. Bilib na bilib talaga ako sa kanya. Keep it up, PDU30. Mas maraming bilib sa kanya kumpara sa hindi. Kaya ganun ang result ng survey — truly admirable!

Evelyn Caratao38, Upper Bicutan, Taguig

Napakagandang balita! Sang-ayon ako sa lumabas na survey para sa ating Pangulong Duterte. Kung tutuusin, dapat maging masaya ang bawat Pilipino at ma-appreciate naman natin ang mga nagawa ng Pangulo sa ating bansa. Siguro, nakikita naman natin ang mga nagawa na niya, ‘di ba? At hindi matatawaran iyon. Sa halip na batikusin natin siya, ipagdasal na lang natin ang kalusugan niya para patuloy pa rin ang magandang adhikain niya sa ating bansa at suportahan na lang natin siya. Sana magkaisa ang bawat Pilipino at gumawa ng kabutihan sa kapwa para naman hindi na madagdagan ang problema ng ating gobyerno at ng Pilipinas sa kabuuan.

Marilyn Ando51, Norzagaray, Bulacan

FREEDOM PARKNi Joan Alcantara

PHOTO CREDIT: Philippine News Agency

Page 15: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

7

5

9 2

3

2

6

2

5 6

3

9

7

9

2

1

38

6

7

4

6

S U D O K US U D O K U

1.

3.

4.

5.

7.

11.

12.

14.

_ _ _ _ _ _ of Communications Services: ang tagapaglathala ng Balita Central

Ang mga pasyenteng may _ _ _ _ illness at walang risk factors ay maaaring i-isolate sa mga itinalagang pasilidad para sa isolation katulad ng community centers o hotels o sa bahay. (Source: covid19.healthypilipinas.ph)

Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Diseases (IATF-EID)

Department of Transportation (dinaglat)

Metro _ _ _ _ _ _ Council (MMC)

Isang tropikal na pulo na itinuturing na isa sa mga sikat na destinasyon sa Pilipinas na kamakailan lamang ay muling binuksan para sa lokal na turismo

National Economic and Development Authority (dinaglat)

Suggested Retail _ _ _ _ _ — nagsisilbing gabay ng mga mamimili upang makatiyak na tapat ang presyo ng produkto sa merkado

PAHALANG

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ , Bagong Pag-asa Program

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ transmission — pagkakapasa ng virus sa isang tao na hindi nakitaan ng kahit anumang sintomas ng COVID-19

Metropolitan Manila Development Authority (dinaglat)

Contact _ _ _ _ _ _ _ —mahalagang hakbang sa pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19 kung saan inaabisuhan ng mga health worker ang mga naging close contact ng isang nagpositibo sa virus.

_ _ _ Normal

Sa Baguio City, umiral ang tinatawag na “travel bubble” kung saan unang nagbukas lamang ang kanilang turismo sa mga piling lugar tulad ng Ilocos provinces, _ _ _ _ _ _ _, at Pangasinan.

Isa sa naging mahalagang pananggalang at proteksyon laban sa mabilis na pagkalat ng COVID-19

Department of Agrarian Reform (dinaglat)

1.

2.

3.

6.

8.

9.

10.

13.

PABABA

11

4

2

13

14

7 8 9

12

10

3

11

5 6

Page 16: 2 M. LADISLA Palasyo umapela sa testing laboratories na

House-to-house feeding program para sa mga mag-aaral, target ng pamahalaan

Ni Raiza F. Cabugwang

Target ng gobyerno na magsagawa ng feeding program sa bahay ng mga “undernourished” na mag-aaral upang masiguro ang kanilang kalusugan sa gitna ng pandemya.

Kasabay ng muling pagbubukas ng klase, layunin ng gobyerno na m a k a p a g b a h a y - b a h a y upang mamahagi ng libre at masustansiyang pagkain sa mga mag-aaral na itinuturing na “undernourished” o iyong mga kulang sa nutrisyon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasama sa nasabing supplemental feeding program ng gobyerno ay ang pamimigay ng iron-fortified na kanin, bagong bersyon ng nutribun, instant laing, pochero, at pinakbet upang mas mapabuti ang kalusugan ng mga kabataan at maiwasan ang pagkabansot ng mga ito.

“We have supplemental feeding program[s] that are entrenched or part of the DepEd (Department of Education) budget and the DSWD (Department of Social Welfare and Development) budget for school-based feeding programs for school children and the DSWD day care children. The challenge is we don’t have face-to-face classes. It won’t be like before wherein children came to school, we cooked them lunch for free, we let them eat and then — a perfect system, right?” pahayag ni Nograles, na pinuno rin ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matuldukan ang mga kaso ng pagkagutom sa bansa.

Dahil sa pagsuspinde ng face-to-face classes bunsod

Layunin ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa fourth quarter ng taong ito na maitala sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) ang limang milyong head of households na nabibilang sa low-income na sektor ng lipunan.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa hangarin ng pamahalaan na maipatupad ang national ID system sa bansa upang mas maging mabilis at maayos ang pag-access ng mga mamamayan sa mga programa, benepisyo, at serbisyong hatidng gobyerno.

Kaugnay nito, nagsagawa na ang ahensya ng pre-registration noong Oktubre 12 kung saan nagkaroon ng house-to-house na pagkolekta ng mga impormasyon upang mas mapadali ang magiging aktuwal na registration process na nakatakda sa Nobyembre 25.

Ayon sa PSA, prayoridad nila ang low-income household heads na makapagrehistro sa national ID system ngayong taon upang ang mga ito ay makapagbukas ng bank account gamit ang kanilang national ID, at makatanggap online ng mga ayuda mula sa gobyerno sa gitna ng kinakaharap na pandemya bunsod ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Target ng PSA na masigurong may kahit isang miyembro ng low-income households na walang identity documentation ang magkaroon ng ID na maaaring magamit sa pagproseso ng pagbubukas ng bank account.

“This strategy aims to ease the opening of bank accounts, so beneficiaries would simply receive their assistance digitally, and to prevent fraud and duplication,” paliwanag ni National Statistician at PSA head Claire Dennis Mapa.

Dagdag pa ng pinuno ng PSA, nakikipagtulungan din ang kaniyang tanggapan sa Department of Social

BalitaCentralLike and follow us :

ng banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante, kinakailangan nang dalhin mismo ang mga pagkaing ipamimigay sa bawat bahay ng mga matutukoy na magiging bahagi ng naturang feeding program.

Bago ang pandemya, inihahatid ng pamahalaan ang mga libreng masusustansiyang pagkain sa day care centers at mga paaralangpang-elementarya.

“Even if there are no hot meals being cooked in the schools and given to the children, we have a bit of better assurance that the food products, since they are high in nutrition, if taken by these children during the implementation of this feeding program, we are assured that they will gain their required nutritional intake to lift them out [of] the undernutrition status,” dagdag pa ng Kalihim.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11037, inaatasan ang gobyerno na magpatupad ng national feeding program para masolusyunan ang mga kaso

5M low-income household heads, target na mairehistrosa PhilSys ngayong 2020

Ni Raiza F. Cabugwang

Welfare and Development sa pagtukoy ng heads ng low-income households.

N a k i k i p a g - u g n a y a n din aniya ang PSA sa Land Bank of the Philippines para sa pagsisimula ng pagrerehistro. Maaari rin daw isagawa ang mobile registration sa piling Land Bank branches para mas maging madali ang proseso sa ID holders na magbubukas ng bank accounts.

Sinabi rin ni Mapa na magpupunta ang mobile registration teams sa mga barangay. Magtatayo rin aniya ng fixed registration centers sa provincial offices ng PSA.

Ayon pa sa PSA, kasalukuyan nang binubuo ang system na mangangasiwa sa bilang ng mga taong maaaring mapaunlakang magparehistro sa mga fixed o mobile registration center.

Sa tulong ng Inter-Agency Task Force at local government units, tutukuyin din ng PSA ang mga probinsyang may mababang posibilidad na magkaroon ng COVID-19 outbreak upang makapagpatayo ng registration venues samga ito.

Sa gitna ng banta ng COVID-19, ipatutupad rin ang registration protocols sa lahat ng registration venues alinsunod sa utos ng Department of Health, kabilang na ang social distancing, pagpapanatiling malinis ng registration areas at mga kagamitan sa pagrerehistro, at ang pagsusuot ng personal protective equipment ng mga registration staff.

Layunin ng PSA na maitala ang 42 milyong Pilipino sa ilalim ng national ID system pagsapit ng 2022. Sa parehong taon ay plano rin ng ahensya na masimulan na ang paglilipat sa mobile IDs magmula sa physical IDs.

Pagdating ng 2023, hangad ng PSA na mairehistro na ang kabuuang populasyon ng Pilipinas at makapagtalaga ng IDs sa pamamagitan ng birth registration. ■

ng kakulangan sa nutrisyon ng mga kabataang nasa public day care, kindergarten at elementary schools.

Kabilang sa feeding projects alinsunod sa nasabing batas ay ang Supplemental Feeding Program (SFP) for Day Care na ipinatutupad ng DSWD, ang School-Based feeding program ng DepEd, at ang Milk Feeding Program na pinangungunahan ng Department of Agriculture.

Sa ilalim ng SFP, namimigay ang DSWD ng isang masustansiyang pagkain sa bawat batang edad tatlo hanggang limang taong gulang na apektado ng kakulangan sa nutrisyon. Ito ay isinasagawa ng hindi bababa sa 120 na araw sa isang taon.

Ganoon din ang layunin ng libreng pakain ng DepEd, ngunit target naman nito ang mga mag-aaral mula kindergarten hanggang ika-anim na baitang.

Isinasama rin ang sariwang gatas at mga milk-based food product sa fortified meals at cycle menu para madagdagan ang sustansiyang taglay ng mga pagkaing ibinabahagi sa feeding programs at upang matulungan ding mapalago ang kabuhayan ng ating local dairy farmers.

Ayon kay Cab Sec. Nograles, halos dalawang milyong kabataan na kulang sa nutrisyon ang nabahagian na ng masusustansiyang pagkain sa tulong ng nasabing school feeding programsng gobyerno. ■

Source: Philippine Statistics Authority

PHOTO CREDIT: Philippine Information Agency