15
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) Teacher’s Guide

1 Mtb_tg Tag q3 w21

Embed Size (px)

DESCRIPTION

1 Mtb_tg Tag q3 w21

Citation preview

Page 1: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

Mother Tongue-BasedMultilingual Education (MTB-MLE)Teacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 21)

Page 2: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

1Mother Tongue - Based Multilingual Education

(MTB-MLE)

Teacher’s Guide

Tagalog(Unit 3 – Week 21)

Department of EducationRepublic of the Philippines

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by educators from public and private schools, colleges, and/or universities. We encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the Department of Education at [email protected].

We value your feedback and recommendations.

Page 3: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 21)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 

Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things, impose as a condition the payment of royalties.

The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz

Printed in the Philippines ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600

Telefax : (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address :[email protected]

Development Team of the Teacher’s Guide

Consultant : Rosalina J. Villaneza

Author : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Grace U. Salvatus

Editor : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. Hinampas

Graphic Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno

Layout Artist : Anthony Gil Q. Versoza

Page 4: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-21 Linggo

I. Layunin:

Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan

2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat

3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan

4. Nakababasa nang pabigkas sa tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto

5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang -unang baitang

6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan7. Nakababaybay nang wasto ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at

bagay8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento

na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan

9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa

10. Nakatutukoy ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan

ayon sa tunay na karanasan12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat,

pangyayari/usapin/kalalagayan/pahayag sa radyo/at lokal na balita sa paaralan, at pamayanan

13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula, at alamat

14. Nakatuturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong

15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal

16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwento

II. Paksa

A. Tema:

1. Pabigkas na Wika:Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan.

1. Pagkilala ng Salita: a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng

dagdag na dahon ng aklat. b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling kuwento

na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag-aralan.

1

Page 5: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

2. Katatasan:a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa

antas na 60 salita bawat minuto.b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong

tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang -unang baitang.

3. Pagbaybay:a. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga salitang natutuhan.

b. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.

4. Pagsulat:Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, talata, at kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa talata at may kaayusan.

5. Pagkatha:Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.

6. Kamalayan sa Gramatika:Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.

7. Talasalitaan:Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan nang pagbibigay kahulugan ayon sa karanasan.

8. Pag-unawa sa Binasa:a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento,

pabula, at alamat. b. Pagturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang

makita ang wastong sagot sa payak na tanong. c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang

sitwasyon, sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal.

a. Pagpahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan nang pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwento.

B. Sanggunian:- K to 12 Curriculum- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)

- Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010)

- Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines MTB-MLE Consultants

C. Kagamitan: - Larawan, tsart, flashcard, patpat, graphic organizer

D. Paksa:Ang ating katutubong sayaw.

2

Page 6: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

III. Gawain sa PagkatutoUnang Araw

A. Gawain bago bumasa

1. Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng larawana. Patimpalak( Gumuhit ng larawan ng batang lalaki at batang babae na

sumasayaw ng Subli sa stage. Ang stage ay may nakasulat naPatimpalak)

b. Sublian (Gumuhit ng mga batang lalaki at mga batang lalaki na sumasayaw ng subli at mga batang naglalaro ng palasebo)

c. Sumbrero(Gumuhit ng larawan ng sumbrero na gawa sa buli)

2. Pagganyaka. Magpakita ng larawan ng isang lalaki at babaeng sumasayaw.

(Tanungin kung ano ang masasabi nila sa larawan).

b. Film Viewing – Ipapanood sa mga bata ang Sublian Dance.

Itanong: Ano ang nais ipabatid ng sayaw na ito?Sabihin: Marami tayong katutubong sayaw na nagpapakita ng kaugalian,

tradisyon, at pinagmulan ng isang lugar.Itanong: Ano pang katutubong sayaw ang alam ninyo?

3. Pangganyak na tanongAno ang Subli? Paano ito isinasayaw?

4. Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa

B. Gawain habang nagbabasaBabasahinng guronang malakas ang lathalaing nakasulat sa

tsart nang may tamang bigkas at tono.Babasahin ulit ng guro ang lathalain. Magtanong pagkatapos

basahin ang bawat talata upang mataya ang pang-unawa ng mga mag-aaral.

Ipabasa sa mga bata nang may tamang bigkas at tono nang pangkatan, dalawahan, at isahan.

Ang Sublini Nida C. Santos

Ang Subli ay isa sa mga kilalang sayaw sa Pilipinas at paborito ng mga taga-Batangas. Ang sayaw na ito ay isang seremonya na itinatanghal bilang paggalang sa Mahal na Poong Santa Krus. Ang banal na krus ang sentro ng sayaw na Subli.

Nagmula ito sa baryo ng Dingin, Alitagtag, Batangas. Ang salitang Subli ay mula sa dalawang salitang Tagalog na subsob at bali. Ang mga mananayaw ay gumagamit ng isang paa at nakasubsob na may sumbrero. Sa Batangas ay may Sublian Festival, isang patimpalak sa pagsayaw ng Subli at palaro ng lahi.

Layunin ng Sublian Festival na buhayin ang mga larong kinalakihan ng ating mga magulang.

Ikalawang Araw

C. Gawain pagkatapos bumasa

1. Ugnayang Gawain

Pangkat I:Kilalanin Natin!

3

Page 7: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

Bumuo ng ‘Concept Map’ na tumatalakay sa Subli gamit ang mga flashcard.

Pangkat II:Gumuhit TayoGumuhit ng malaking krus sa isang kartolina. Isulat sa ilalim

nito ang, ‘Ang banal na krus ang sentro ng sayaw na Subli.’

Pangkat III:Gawin Natin Gawin ang pangunahing galaw ng Subli.

2. Pagtalakay

a. Anong lathalain ang ating binasa?b. Ano ang sayaw na ito?c. Ano-ano ang mahalagang detalye tungkol dito? Pakinggan

natin ang ulat ng Pangkat I. d. Ano ang sentro ng sayaw na ito?Tingnan natin ang ginawa ng

Pangkat II.e. Ano ang pangunahing galaw ng Subli?Panoorin natin ang

Pangkat III.

3. . Karagdagang Gawain Sublian Festival

a. Panoorin NatinPanoorin kung paano sayawin ang Subli.

b. Sundan NatinSundan ang guro kung paano sayawin ang Subli.

c. Sayawin NatinPagpapakitang sayaw ng bawat pangkat.

Basahin ang sumusunod na pangungusap:a. Nakapagpapalakas ng katawan ang pagsayaw.b. Maipakikita ang kultura natin sa pamamagitan ng iba’t ibang

sayaw.

Ikatlong araw

Kasanayang Pangwika

1. Balik-aralAno ang sayaw na ating napanood at pinag-aralan?Saan nagmula ang Subli?Sino-sino sa kamag-aral mo ang nagpakita ng galing sa pagsayaw ng subli?Ano ang isinusuot ng mga babae sa sayaw na ito?(Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.)

2. PagganyakItanong: Paano ninyo isinusulat ang unang letra ng inyong pangalan?

4

Subli

Page 8: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

Sabihin: Ating alamin kung paano nagsisimula ang mga salitang nakasulat sa pisara.

3. PaglalahadIpabasa sa mga bata ang mga salitangnakasulat sa pisara.

Halimbawa:

Karen Dingin Baro’t SayaDanilo AlitagtagBen Batangas

4. PagtalakayPag-usapan ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay na nasa tsart.Ipabasa sa mga bata.Itanong:

Ano ang tinutukoy ng mga salitang nasa Unang hanay? Ikalawang hanay? Ikatlong hanay?

Ano ang napapansin ninyo sa unang letra ng bawat salita sa hanay ng ngalan ng tao, sa ngalan ng lugar, sa ngalan ng bagay?

Pagbigayin ang mga mag-aaral ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay. Ipagamit ito sa pangungusap.

5. PaglalahatKailan natin masasabi na tiyak ang ngalan ng tao, lugar, at bagay?Paano natin isinusulat ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay?

Ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay ay nagsisimula sa malaking letra.Halimbawa: Nicole, Batangas, Adidas

Ikaapat na araw

6. Pinatnubayang Pagsasanaya. Usapan ng magkapareha/diyalogo

(Hihikayatin ng guro ang mga bata na magbigay ng ngalan ng bagay na nasa loob ng bag. Pag-usapan ang mga bagay na ito.)

b. ‘Partner Talk’ Pag-usapan Natin

Unang Bata: Karpintero ang tatay ko. Ramon ang pangalan niya.Pangalawang Bata: Pulis ang tatay ko. Nestor ang pangalan niya.Unang Bata: Mabait si tatay Ramon. Kasama ko siya sa paglalaro.PangalawangBata: Pareho pala tayo. Mabait din ang tatay Nestor ko.

c. Mahiwagang Kahon (Magic Box)(Naglalaman ang kahon ng mga bagay na may tiyak na ngalan)

Itanong: Ano-ano ang bagay na nasa loob ng mahiwagang kahon?Ano ang tiyak na ngalan ng bawat bagay na iyong nakita?Bigkasin at isulat sa pisara ang sagot ng bata.Ipagamit sa pangungusap ang ngalan ng bagay na nakita ng bata sa mahiwagang kahon.

5

Page 9: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

7. Malayang Pagsasanay

(Sumulat ng mga tiyak na ngalan sa flashcard.)Sabihin: Basahin ang mga salita sa inyong flashcard at isulat ito sa tamang kahon.

Ikalimang araw

8. Paglalapat“Gumalaw at Sumayaw”Igalaw ang katawan at sumayaw sa saliw ng nilikhang ritmo ng inyong pangkat.Ipakita ang inyong “lame steps”.

9. PagtatayaTingnan at pag-aralan ang larawan. Sagutin ang mga tanong upang mabuo ang mga pangungusap.

1. Ano ang pangalan ng simbahan?________________ ang pangalan ng simbahan.

2. Ano ang pangalan ng lapis?________________ ang pangalan ng lapis.

3. Ano ang pangalan ng batang lalaki.Si ________________ ang batang lalaki.

4. Ano ang pangalan ng batang babae.Si ________________ ang batang babae.

5. Ano ang pangalan ng sapatos?_________________ang pangalan ng sapatos.

6

Ngalan ng tao

Ngalan ng lugar

Ngalan ng bagay

Pasig Catholic ChurchMaykee shoes

Page 10: 1 Mtb_tg Tag q3 w21

ISBN: 978-971-9981-69-5

For inquiries or feedback, please write or call:

DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division

2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347

E-mail Address: [email protected], [email protected]