21
Tri-essay on Rizal@150 by: Marian A. Caampued Mabuhay (Lingguhang Pilipino sa Bulacan) ISSN-1655-3853 Papparappappap, Joe Ko’to 04-10 May 2012 v. 35 # 19 Rizal, Magulang ng Bayan 27 Apr. – 03 May 2012 v.34 # 18 JPR, Piso na Lang 20-26 Apr. 2012 v. 33 #17 1 Pap parap pap pap … JOE ko ‘to! Huli sa Tatlong Bahagi MABUHAY Lingguhang Pilipino sa Bulacan 04-10 Mayo 2012 v. 35#19 ISSN – 1655- 3853 Marian A. Caampued Isa sa mga kontemporaryong aklat hinggil sa ating mga bayani ang Love, Passion and Patriotism (Sexuality and the Philippine Propaganda Movement, 1882-1892, Raquel G. Reyes, 2009). Sa

Tri-essay on Rizal@150 by

Embed Size (px)

Citation preview

Tri-essay on Rizal@150

by: Marian A. Caampued

Mabuhay (Lingguhang Pilipino sa Bulacan)

ISSN-1655-3853

Papparappappap, Joe Ko’to 04-10 May 2012 v. 35 # 19

Rizal, Magulang ng Bayan 27 Apr. – 03 May2012 v.34 # 18

JPR, Piso na Lang 20-26 Apr. 2012 v. 33 #17

1

Pap parap pap pap … JOE ko ‘to!Huli sa Tatlong BahagiMABUHAY Lingguhang Pilipino sa Bulacan04-10 Mayo 2012 v. 35#19ISSN – 1655- 3853

Marian A. Caampued

Isa sa mga kontemporaryong aklat hinggil sa ating mga bayani ang

Love, Passion and Patriotism (Sexuality and the Philippine

Propaganda Movement, 1882-1892, Raquel G. Reyes, 2009). Sa

librong ito, pinagtagumpayan ni Reyes ang suriin ang konteksto ng

ating mga bayani sa kilusang propaganda batay sa tago at di pa

masusing napag-aralan, ang pag-ibig at sekswalidad. Sa buong

libro, mahahagip natin ang ating mga propagandista bilang mga

ordinaryong kalalakikihan; malayo sa kanilang mga pormal na

sulatin at mga naging kontribusyon sa bayan – nagkakagusto, may

kakulitan, napapahamak. Sa dalawang huling tsapter, may pagpokus

si Reyes kay Jose Rizal at sa maaring posisyon nito hinggil sa

pangkalusugang pangreproduksyon. Dito bubulaga sa atin ang isang

nakakabagabag na saloobin ni Jose - ang pananahimik niya sa mga

bagay-bagay na may kinalaman sa reproduksyon liban pa sa

pagpapasubali niya sa paghingi ng abiso ng kanyang mga kapatid na

babae hinggil dito.

Pangkalahatang mga tinatanong sa kanya at pag-uusisa ng

pangatlong kapatid na si Narcisa kung may nalalamang gawin ang

mga bayang napupuntahan niya sa pag-iwas sa sunod-sunod na

panganganak at ang maaaring lunas sa pagkamatay ng maraming babae

dahil dito. Maaalalang maging ang kanyang pang apat na kapatid

na si Olympia ay namatay sanhi ng panganganak nung 1887. Mayroong

ipinapalagay si Reyes hinggil sa pananahimik na iyun. Mayroon

ding pagbatikos. Maaari, aniya, na ayaw ni Jose o hindi maganda

para kay Jose ang pagmumuwestra sa mga kapatid dahil sa paggalang

sa tumatayong doktor ng mga ito. Kumbaga, di etikal para sa kanya

ang pangingialam sa kapwa manggagamot at ang pagkunsulta ng mga

kapatid dito ay mas nakabubuti dahil sa siya naman ang

sumusubaybay sa kanila. Para kay Reyes din, hindi maaaring hindi

interesante si Jose sa isyu (dumadalo siya sa mga Kumperensiyang

may kinalaman sa paksa; iyun ay panahon kung kalian, dinedebate

sa publiko ang pakikipagtalik bilang measure sa sibilisasyon at

kabilang ang mga paksang may kaugnayan tulad nito ang pinag-

uusapan). Hindi din maaaring wala siyang alam tungkol doon pagkat

marami sa kanyang pagpapaliwanag hinggil sa pokus ng kanyang

pinag-aaralan sa medisina ay nakabatay sa kasarian. Hindi lang

niya talaga ito tipo. Di niya nakikitang nakakawil sa mga

pangkalahatan nilang ipinaglalaban at sa tingin niya’y hindi

ginagawang diskurso. Maliit na bagay para sa kanya ang

reproduksyon.

Naaalala ko tuloy ang isa sa lumang linya sa malawak na kilusan

sa pagbabago ng lipunan. Sinasabi doon, lalaya lang ang

kababaihan sa pagkakalaya ng sambayanan kung kaya’t kailangang

kumilos sa pagbabago ng lipunan dahil makakasigurong susunod ang

kagalingan ng kababaihan kapag nagbago ito. Sa wari ko, nasa

ganitong kamalayan nga si Jose. Bagamat nakita natin sa kanyang

mga isinulat ang ibayong suporta at pagtangkilik sa kagalingang

pangkababaihan (tingnan ang Liham sa Malolos), hindi maiiwasang

pansinin ang mga kakulangang nakatuon sa kababaihan sa kaniyang

aktuwal na buhay. Pinapasublian niya ang hiling ng mga kapatid na

babae o tinitingnan itong mababaw, di importante, trivial.

Maging sa pakikitungo/ relasyon sa mga iniibig, masasabing

‘pangalawa’ lamang kay Jose ang pakikipagrelasyon sa mga

kababaihang na-involved sa kanya. Malinaw na mas matingkad sa

kanya ang kasunduan nila ni Paciano (isa lamang ang mag-aasawa,

isa ang lubos na gagampan sa gawaing bayan) na naging ubod ng

kaniyang pagkilos at paggampan ng mga tungkulin sa bayan kaysa

ang mag-komit sa sinuman sa mga babaeng ito. Nakakalungkot lang

na tulad niya, naging kontrobersiyal din tuloy ang dalawang

babaeng naging pinaka-malapit sa kanya – sina Leonor Rivera at

Jospehine Bracken. Si Leonor dahil sa pagkakahalintulad sa kaniya

kay Maria Clara kung saan puro ka-kimian na lamang ng babae ang

napapatampok. Kamakailan na lamang nagsulputan ang paglilislis ng

saya ni Maria Clara kung saan may pagpapakita ng kanyang ibang

katangian liban sa pagiging martir at kimi. Gayunpaman, may

nakapagpatampok na ba sa sakripisyo at rebelyon ni Leona? Isa sa

mga nakakatanging rebelyon niya matapos siya’y sapilitang

ipakasal ng kanyang ina ay ang habang buhay na niyang hindi pag-

awit at pagtipa ng piano. Isang bagay ito na sa tingin ko ay

sakbibe ng kabangisan at kapighatian para sa kanyang mga magulang

at sa institusyong kanilang mas kinakasaya sa halip na ang

kaligayahan ng kanilang nag-iisang anak.

Samantala, sinapit naman ni Josephine ang kaapihan sa dalawang

mukhang naiukit tungkol sa kanya sa ating kasaysayan – isang kiri

at abusadang humalina sa bayani at isang espiya’t kalaban ng

rebolusyon. Kiri dahil sa napakabata nito (19 anyos at siya pang

nakipag-live in kay Jose sa Dapitan). At kalaban ng rebolusyon

dahil sa iba-iba ang tala na kaniyang kinahinatnan lalo na sa

pagkamatay ni Jose. Kung diretsahang napasublian ni Jose si

Leonor, banayad naman ang naging pagpapasubali kay Josephine.

Kundangan, mahirap na nga itong hanapin lalo’t dominante pa din

hanggang sa kasalukuyan ang mga moral na pamantayang ipinataw sa

kaniya noon. Si Josephine para sa akin ang pinaka-dehado sa lahat

ng babae sa buhay ni Jose. Ito ay sa dahilang nakastigo na si

Josephine sa kanyang abang kinahinatnan noon pa man. Siya kasi

kumbaga ang palay na lumalapit na sa manok kung kaya’t kahit pa

may sinabi sana siya sa pagiging huling babae at muntikan nang

naging asawa ni Jose, hindi niya nakuha ang pagkilalang iyun.

Salimbayan ang mga pangyayaring nagtulong-tulong sa hindi niya

pagkamit ng kaukulang pagkilala. Liban sa kawalan niya ng mga

dokumentong magpapatunay ng pagkilalang iyun, iba-iba din ang

naging gatla ng mga naiwan ni Jose sa kanya. Higit pa, si Jose

mismo ay walang kongkretong pagkilala sa kanya liban sa isang

liham sa ina na siya (si Josephine) ay isang taong ayaw niyang

(Jose) makitang napabayaan. Walang ispesyal para sa akin ang

alayan si Josephine ng tula pagkat lahat naman ay inaalayan nito

ni Jose. Mas may magiging saysay sana kung nagawan paraan ni Jose

papasukin si Josephine sa kanyang mundo - sa simpleng mabanggit

sa pinakatumatayong politikal na kaibigan nito, si Blumentritt,

sa pormal na pagpapaunawa sa kaniya ng mga bagay-bagay na

pinagkakaabalahan niya, sa sakripisyong maaari niya (Josephine)

suungin bilang kasintahan. Paano nga ba maipapaliwanag ang bigat

ng hinihingi sa kaniya (Jose) kapalit ng pagpapakasal nilang

dalawa? Paano gagawing simple ang isang kumplikadong bagay tulad

ng retraksyon sa isang 19 anyos na kasintahan? Sa hindi niya pag-

alintana ng mga ito, nawalan ng maaaring pang-hawakan ni

Josephine, ng lakas na maipagtanggol din ang sarili sa harap ng

dumadagundong na pagbatikos ng mga kalaban. Kundangan, binigyan

sana ni Jose ng huling habiling nakasulat si Josephine, iniwan

itong parang Mi Ultimo Adios sa kanyang lampara. Disin sana’y

hindi nagmistulang break/ parausan si Josephine sa karimarimarim

na pagkakabinbin niya sa Dapitan; hindi naging tampulan ng mga

anti-babaeng pang-uusig at politikal na paghamak.

Mahalagang wariin ang mga aktuwal na pagturing ni Jose sa mga

kababaihan sa kanyang paligid dahil dito lubos na matitimbang ang

pakay at sinseridad ng kanyang mga sulatin at lagay o posisyon

hinggil sa kababaihan. Isa sa direktang mababanggit dito ang

kanyang Liham sa mga Kababaihan sa Malolos na isang pagsuporta sa

ikinilos nitong humiling ng night school. Sa inisyal na pagbasa,

tunay na kahanga-hanga ang ginawang ito ni Jose. Hindi lamang

nagtanghal, pinaunawa rin niyang papel ng babae sa buhay ng kapwa

anak at bayan. Gayunpaman, kung wawariing mabuti, alam nating

iniatang lamang ni Jose ang tungkulin ng pagpapalaking may

pagmamahal sa bayan ang mga anak sa mga ina o kababaihan.

Kumbaga, pinagyaman na naman ang dikotomiya ng babae -loob ng

bahay - at lalaki - labas ng bahay - at winalang bahala ang dapat

sanang magkatuwang na pagpapamilya.

Kung ang kababaihan naman sa kanyang likhang sining pag-uusapan,

inisyal na pagtatala sa mga ito ang mga mahihinang katangian ng

babae lalo na ang pagigigng submissive, martir sa punto ng

kabaliwan, bungangera, puta. Inisyal ang mga ito dahil sa sa

kasalukuyan, katulad ng pagbanggit ko kay Maria Clara sa itaas,

mayroong mga bagong pagbasa/g (pagbabasa o pagbabasag sa imahe)

sa kababaihang ito sa kanyang mga kuwento. Halimbawa, kay Maria

Clara. Itinatanghal ni Christine Bellen (Diliman Review, 1998)

ang imbis na kahinhinan ay ang kakulitan o kalandian pa nga kapag

may pagbanggit sa kanyang nobyo – kinikilig, assertive sa pisikal

na kontak tulad ng paghalik at mainisyatiba sa pagpapahayag ng

damdamin. Labas sa usapin ng sekswalidad, ipinapansin din ni

Bellen ang tunay na katapangan at kalakasan ng loob ni Maria

Clara sa pagbanggit ng kanyang desisyong alamin ang katotohanan

sa kanyang buhay at ang rebelyong harapin ang tunay na ama at

papiliin ito ng isang bagay na pareho namang ikasasama ng loob.

Maaalalang ang kanyang tunay na ama ay si Padre Damaso mismo nang

sapilitan siyang ipakasal ni (Padre Damaso) kay Llinares, sinabi

niya (Maria Clara) na kumbento o kamatayan lang ang kanyang

pagpipilian.

Gayundin ang lagay ng ibang kababaihan sa kanyang kuwento.

Bagaman sa unang pagbasa, negatibo o magandang hulwaran ang

ipinapakita ng/sa mga ito, ang mga pagturing sa kanila ng mga

dalubhasa sa kasalukuyan ay eksaltasyon at pagtataas ng puri. Si

Donya Consolacion, halimbawa na siniyasat ni E. San Juan, Jr.

(Kritika Kultura, akses Abril 2012) sinasabi niyang totoong

mapang-alipin, mapanghamak sa punto ng pananakit at pambubugbog

(kay Sisa). Gayunpaman, maaaring ipinapahayag dito ang hindi

pagbatay sa kanyang pagkababae kung kaya’t ganun na lamang siya

kasama bagkus ang iba pang makalalaking batayan ng kanyang

karahasan – kabilang sa mataas na uri ng lipunan, maybahay ng

kolonyalisador at opisyal sa kanilang komunidad. Samantala, sa

argument ni Dr. Erestain (Ideya, 2007) ipinakita niyang ang

katauhan ni Donya Victorina na mapanggaya sa gawi ng mga Kastila

at mapanglait sa gawi ng ‘indiyo’ na isang repleksyon, tumatayong

kritik sa mismong kolonya na ginagaya niya. Nasa kanyang

panggagaya, kahit na nga magmukha siyang katawa-tawa sa kapal ng

pulbos (make-up) at trying hard (sa pagpapaputi), ang kahinaan

at kawalang sensibilidad ng mga ito.

Dagdag pa dito, nakapang-iwan si Jose ng mga tauhang kababaihang

potensiyal na nagpapakilala ng kanyang mas tapat na saloobin at

mas progresibong pagtingin hinggil sa atin. Bagaman hindi hayag/

diretso, kailangang sumuri ang kanyang mga mambabasa, ginawa

niyang ispesyal at di makakalimutan ang lahat ng kababaihan sa

kanyang Noli Me/ El Fili. Tatlo sa mga ito sina Maria Clara, Sisa

at Salome. Asertiba si Maria Clara, mapagpahayag ng kanyang mga

nararamdaman sa kasintahan at matapang sa kanyang mga pagpili at

nasa (may pagtalakay na sa itaas). Samantala depiksyon si Sisa ng

isang marunong, isang babaeng may matayog na kaalaman na bagaman

nabaliw nga dahil sa kawalang katarungang nangyari sa kanyang mga

musmos ay nakapagpahayag sa lenggwaheng kalikasan na ang

nakakaintindi at hindi na sa lebel ng tao. Sa isang banda, ang

pagkakatapyas sa Kabanata kung saan ikinukwento ang pag-iibigan

nina Elias at Salome, ang siya pang nakapagdulot sa atin na

manghinuha hinggil sa katauhan ng babaeng ito. Mapag-aalamanan

nating nabubuhay mag-isa si Salome sa kagubatan, malayo sa patag

kung saan sentro ng pamamahalang Kastila. Ulilang lubos,

nakayanan ni Salome na manirahan sa pusod ng kagubatan mag-isa.

Alam natin na noong mga panahon na iyun ang mga naninirahan

malayo sa sentro ay kadalasan ang mga ayaw magpa-ilalim sa

kolonyang Kastila at ito nga ay realidad kay Salome sa pagiging

mangingibig ni Elias. Higit pa, maaaring isang babaylan si Salome

o inapo ng mga babaylan. Maaalalang ang mga babaylan ay inagawan

ng pamunuan at pinalitan ng pagkilala (mula manggagamot at lider

pamayanan tungo sa pagiging mangkukulam) noong panahon ng mga

mananakop kaya naman malaki ang pakiwari kong ibinatay ni Jose

ang katauhan ni Salome sa mga ito. Liban diyan, mahihinuha din

nating si Salome katulad ni Maria Clara ay nagpasya ding

isakripisyo ang pag-ibig kay Elias sa pag-uwi nito sa Mindoro na

bagaman nais niyang isama ay nagpasiya ring maiwan upang wakasan

ang sa akala niya’y paulit-ulit na kamalasan ng kanyang lahi.

Hindi ba’t ang Mindoro noon na napiling papuntahan ni Jose sa

kanyang tauhan ay lugar ng mga ipinatapon dahil sa marubdob na

pakikipaglaban sa pamahalaang Kastila. Sa madaling salita, mga

exhilo. Dito mas lalo nating mapapalakas na si Salome ay mula sa

mga mulat at patriotiko angkan ng ating bayan. Mulat at

kinikilala ni Jose ang tradisyong ito ng ating bayan at

kababaihan. Dahil kung hindi, natural na hindi niya ito isasama

sa kanyang akda at hindi bibigyan ng kaukulang pagkilala.

Sa paglalagom, masasasabing kinikilala ni Jose ang kababaihan

ayon sa kanyang pag-iimahe sa mga ito sa kanyang nobela bilang

asertib at mapagpahayag ng kanilang sarili, mapa-isyu man sa puso

at buhay; malawak ang kamalayan at matayog ang karunungan;

matapang; nagsasarili o kayang magsarili; at may sarili pasya o

kakayahang magpasya para sa sarili.

Sa huling salita at magkagayon, hindi man maipaglapat ang mga

prinsipyo sa aktuwal na buhay at mga politikal na pagpapahayag ni

Jose, hindi pa din matatawaran ang kanyang mga pinangunahan at

mga naiambag sa bayan. May kakulangan man at hindi narating sa

maikli niyang buhay, dapat pa din siyang gawing hulwaran sa

madaming aspekto ng ating buhay bilang mga Pilipino tungo sa

pagpanday ng prinsipyong buo at may dignidad – makababae,

makakalikasan, maka-katutubo. Sa sama-sama at patuloy nating pag-

angat sa ibayong antas ng pagpapahalaga kay Jose, maihahantong at

tunay na masasabing may transpormadong Jose sa bawat isa sa atin.

Ngayon pa man may galak at may pagmamalaki ko pa ding maiuugnay

ang sarili sa kanya … siya pa din .. . pap pa rap pap pap … ang

love ko . . . akin ‘to . . . Joe ko ‘to.

2

RIZAL, (hindi lang Haligi kundi) Magulang ng Bayan

Ikalawa sa Tatlong BahagiMABUHAY Lingguhang Pilipino sa Bulacan27 Abril – 03 Mayo 2012 v. 33 #17ISSN – 1655- 3853

Marian A. Caampued

Karaniwang bati lamang ang mga ginagawa ko sa pagsimula ng mga klase.Magandang umaga o magandang hapon, tama na. Kadalasan nakakalimutan kopa ang magbukas sa isang maikling panalangin lalo’t hindi itorequirement sa mga kolehiyong pinapasukan ko. Gayunpaman, bagamathindi ko gaanong natututukan ang pagbati sa pagsisimula ng klase,sinisigurado ko namang maging dramatiko at titimo sa bawat mag-aaralang pagtatapos nito at aking pamamaalam. Naging effective, wika ngadahil sa high spirited ang mga istudyante at masisigurado mong hindisila liliban sa susunod na pagkikita.

Nang maging popular ang lumang tulang Tagala sa ibaba dahil sa ginamitito sa isang inspiriational speech sa UP graduation noong mga unangtaon ng dekada 2000, sinakyan ko ito at ginamit bilang pang-huling

salita sa pagsasara ng aking mga klase sa PI 100 o Rizal ng isangbuong semestre sa pagtuturo ko sa UP Baguio.

May bagyo ma’t may rilim

Ang ola’y titigisin

Ako’y magpipilit din

Aking paglalakbayin

Tuluyin kong hahanapin

Diyos na ama namin.

Subalit upang maging bukod tangi, may ilang salita at linya akongbinago

may bagyo ma’t madilim/

ang ola ko’y titigisin/

ako’y hahayo pa din/

sarili’y papaglilingkurin/

sa bayang mahal na magulang natin

Ginamit ko ang dilim upang ipakita na bagamat magkatumbas ang letrang’d’ at ’r sa lumang ortograpiyang Tagalog, mas popular at opisyal nangayon ang paggamit ng ‘d’ sa halip na ‘r’ sa maraming salita saFilipino. “May bagyo ma’t madilim”. Samantala, nangangahulugang‘sakripisyo’o ‘paghihirap’ ang ’ola’ sa ikalawang linya na dapattigisin o paglabanan habang ‘nagpupumilit’ sa orihinal na teksto at saaki’y paghayo o pagsulong. Paglabanan ang mga sakripisyo habang‘humahayo’ o ‘sumusulong’, magpumilit man o hindi, kailangang

magpatuloy sa buhay. Sa orihinal, tila aktuwal na paglalakbay sa isanggabing madilim ang tinuturan ng makata/ persona bagamat katulad nga ngmalalimang pagbasa dito, maaari itong isang pangadyi o pahayag ngpananampalataya ng isang taong naninimdim o nasa isang sitwasyongproblematiko na patuloy na pinaglalabanan ang mga suliranin habanghindi bumibitaw sa pagtitiwala sa Maykapal. Babanggitin ko na din nauna,ang pagmamahal sa Maykapal ay maaaring maipakita sa iba’t ibanganyo tulad ng bayan. Pangalawa, na ang dati nating pagtingin saMaykapal ay parehong babae at lalaki (Bathala; babae at lalakingpinag-ugnay sa kabanalan).

Babalikan ko ang inspirational speech sa graduation, ginamit ang tulasa paghamon sa mga magsisitapos noon na balikan at paglingkuran angbayan. Idinagdag ko lang dito ang konsepto na ang ‘bayan’ ay magulangnatin. Hindi lang ina (inang bayan) kundi ama din (at hindi namanpopular sa atin ang amang bayan/ fatherland).

Sa kasalukuyang iwinawasiwas na mga bandilang may kaugnayan sa Rizal @150, nahahamong muli ang pagdadalumat ko sa bayan bilang magulang satekstong ikinabit dito: Rizal, Haligi ng Bayan. Sa unang muwestra lalona sa isang kritikong hubog sa pagkapantay-pantay, sexist kaagad parasa akin ang banner text na ito. Isang bagay na napag-ingatan sananatin sa tagal ng panahong ginugol natin sa pagsasapraktika ng atingmga katutuhan sa akademiya, nakakuha man tayo ng Gender Sentsitivity ohindi. Natural na mahalaga ang tekstong ito dahil ito ang mauukit sakamalayan ng masa at ng mga kabataang kahihinatnan ng lahat ng atingpagpupunyagi (pagtuturo sa klase, pagsusulat na adbokasiya,pagtangkilik sa kaunlaran, atbp). Ito ang gigiya sa mga diskursongpanlipunan at pangkasaysayan. Gayundin, nasa rurok ng ating mgaadhikain katulad nito ang pagsasamalay ng mga prinsipyo natin sapolitikal at holistikong lebel.

Madaling tanggapin mula sa tradiysong pinaghuhugutan natin ng pahayagay ang itinuro sa ating metapora para sa mga ama. Haligi ng tahanan si

tatay. Samantala, ilaw naman si nanay. Hindi ko sinasabing gawinnating bading (at bakit naman hindi?) si Rizal. Kundangan, hindi ba’tmas mahusay na gawin natin siyang simbulo ng magkatumbas na katangianng ating mga nanay at tatay? Hindi ba’t mas makapangyayari kung buoang pagtingin natin sa ating Pambansang Bayani katulad ng kanyang mgaisinulong at pinagpasakitan? Rizal, hindi lang haligi, ilaw din ngbayan. Rizal, Magulang Natin. Magulang ng Bayan.

Naging pundasyon si Rizal sa maraming usapin sa kaakuhan (identidad)at lipunang Pilipino. Sa iba’t-ibang pagkakataon, sa iba’t ibangsulating malikhain at istrakturalisado, itinayo ni Rizal ang mgahaligi sa ating pagkasino sa pamamagitan ng parehong pagtatanghal ngmga tapat at wastong impormasyon at pagtututuwid ng miskonsepsyon atbaluktot na pahayag. Isa sa mga popular na nahuhulog sa ganitongsulatin ang La Indolencia de los Filipinos o ang Katamaran ng mgaPilipino. Dito ipinaliwanag niya ang konsepto ng katamaran batay sapagiging bunga ng kolonisasyong Kastila. Ang kalikasan ng pagigingliksi, masikap at maagap ng mga Pilipino ay talaga namang tinabas saating mga ninuno ng Kastila mula sa praktikal ng pakikitungo hanggangsa ideolohiyang pagturing nila sa atin. Manapa, makikita sa artikulongito ang pagkawing ng kasalukuyang pagkilala sa Filipino time natin nakaiba sa popular na paniniwala na ang mga Pilipino ay likas na kundion time ay maaga pa nga. Kapansin-pansin din ang kanyang pagsulat ngSobre La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala kung saan binigyangdeskripsyon niya ang wikang Tagalog at nakapaghanay ng maraming usapinhinggil sa ating dating Wikang Pambansa.

Hindi ko na iisa-isahin pa ang kanyang mga malikhaing sulatin na hindilamang nagbigay pundasyon sa estetika ng tula at tuluyan magmula nangsiya ay bata pa lamang (may dalawang ulit siyang nagwagi sa LiceoArtistiko Literario de Manila para sa tulang, A La Juventud Filipinoat dulang, El Consejo de Los Dioses) kundi pati na din sa mgakaisipang ipinauunawa niya sa mga ito. Ako na lamang mismo, sa akingisang dekadang pagtuturo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, tila

hindi maubos-ubos ang parehong mga idea at lunsarang maaaringutilisahin sa bawat klase.

Haligi ding hindi matatawaran ang mga kawnter–naratibong (counternarratives) pinag-ukulan ng panahon ni Rizal. Sa kanyang pagbasa sadokumentasyon ni Pigafetta at mga anotasyong isinagawa ni Blumentrittdito; kanyang sariling anotasyon kay Morga (Sucesos delas IslasFilipinas) at samu’t saring artikulo at liham sa loob at labas ng LaSolidaridad, mahihinuhang kapantayan sa mga dayuhang eksperto atiskolar ang isang itinuturing na imperyor at kabilang sa isa sapinakamamabang lahi ang ginawang asersyon ng Pambansang Bayani.Tinutunghay nga ni Mojares (Waiting for Mariang Makiling, 1993), sinonga naman ang indiyong itong nakikipag-taasang-ihi (akin ang salita)sa mga diyoses ng akademiya. Kung kaya nga’t ganun na lamang talagaang pagtaas ng kilay ng mga sinaunang mananakop. Ganun na lamang angpagka-usog sa kanilang mga ego sa punto na kamatayan lamang ni Rizalang maaaring makaibsan sa kanilan galit at siphayo.

Sa anong perspektiba nagiging ilaw o liwanag si Rizal?

Sa pagiging haligi ni Rizal, nagkakaroon tayo ng reference sa atingpagkatao. Nakakatayo tayo nang tuwid. At hindi nangangailangan ngsaklay. Sa kanyang pagiging ilaw tayo nakakasulong nang malaya,malinaw at may paninindigan.

Isteryotipikal man kung wawariin subalit maraming katangian atmakikitang huwaran si Rizal na ma-i-a-atribyut sa pagiging ilaw ngtahanan. Unang-una na, ang ibayong pagpapakasakit. Bata pa lamang,nasadlak na siya sa mga sitwasyong nagluluklok sa kanyang pagingmapag-isa at malungkutin. Talos natin na nahiwalay siya sa pamilyaupang mag-aral sa Ateneo nung 1872, na-engkwentro ni Rizal ang labisna hapis sa pag kakakulong sa ina noong 1873. Alam nating liban sa mgapampamilyang kalungkutan tulad nito, nasaksihan din ni Rizal ang

lunggati ng kalungkutan (at kaapihan) ng ating mga ninunong kababayansa pagkakabitay sa Gomburza nitong siya ay labing-isang gulang palamang. Kasabay pa nito ang impluwenisya ng kapatid sa kanyangpagyakap at pagtugon sa pambansang tungkulin. Sa kanyang biglaang pag-alis, ang pagpapasakit ni Rizal ay nagkalaman sa udyok ng kanyangkapatid. Maaalala nating ginising niya nito isang madaling araw noong1882 sa isang simpleng pahayag ni Paciano, “wala ka nang inisip kundiang iyong sarili?”

Sa Europa, nagbigay liwanag si Rizal sa mismong mga kababayang mag-aaral nang masaksihan niyang marami sa mga ito ay nagpapakasaya lamangat winawaldas ang perang pinampapaaral ng kanilang mga magulang.Bilang aktibistang-ilustrado (termino ni Schumacher), nagingkasangkapan siya sa pagmumulat sa mga ito sa mga mas nakahihigat panggampanin para sa bayan. Inorganisa niya ang bawat isa ayon sa kanilangkasanayan at nagmungkahi ng mga dapat gawin. Marami ang naliwanagan sailaw na ito ni Rizal sa pagkakatatag ng La Solidaridad. Sila mismo angnaghatid ilaw sa kanilang pamamaraan at nagluningning ang kilusangpropagandang malaon nang nagagapi-gapi ang ilaw. Mayroon din namangmay katagalan sa pagproseso ng adhikaing ito sa kanilang sarili. Inakoni Rizal ang ilan sa kanilang mga gawain isang pagkilos na ang mgailaw lamang ng tahanan ang higit na nakagagawa.

Sa Brindis kung saang hindi dapat siya ang magpapanayam, unangsinambit ni Rizal ang ilaw ng kapantayan. Sa pagkakakilala kinaHidalgo at Luna, sinabi niyang ‘ang henyo ay sumisibol kahit saan’(basahin, maging sa Pilipinas na tinuturing na bayan ng mga indiyo aybayan din ng mga henyo). At sa Noli Me Tangere na hindi lamang siyaang inatasang magsulat, bumulusok ang kakaibang liwanag ng apoy namagpapaalab sa lahat sa rurok ng ibayong liwanag --- rebolusyon.

Si Rizal ay Tagapayo. SI Rizal ay Manggagamot. Si Rizal ay Guro. Sakanyang kamatayan, alam na nating hindi niya isinuko (hindi nag-

retrak) ang mga ipinaglalaban. May hihigit pa bang atribusyon kundiang pagiging niyang ilaw ng bayan?

Madami pang pagpapalawak at pagpapaalim ang maaari nating dalumatinkay Rizal bilang parehong haligi at ilaw o magulang ng bayan. Batid kodin na hindi lamang sa klasrum nagtatapos ang malawak at malalim napagdadalumat na ito. Alam ko din na sa pagdadalumat nagmumula angibayong pagpapalaya at muling pagpapayaman hindi lamang ng bayan kunding ating daigdig na pinagluluklukan ng buhay. Kung kaya nga’t nawa,may bagyo ma’t madilim, ang ola nati’y palaging tigisin. Humayo’tmaglingkod tayo sa ating bayang mahal na magulang natin.

3Kahalagahan at Pagpapahalagang Rizal: Piso na nga Lang?(Unang Bahagi)MABUHAY Lingguhang Pilipino sa Bulacan20-26 Abril 2012 v. 33 #17ISSN – 1655- 3853

Marian A. Caampued

Sa isang gilid ng MRT 2 makikita ang isang mag-ina: uubo-ubo ang anakna dadalawahin, nanluluhang mga mata, walang saplot pang-itaas. Kalongsiya ng kanyang inang tila bebente anyos, tinatapik- tapik nito anghubad niyang likod; dinuduyan sa dalawang hita upang maiibsan angnararamdaman sa bente minute din biyahe mula Recto hanggang Santolan.

Sa isang pintuan ng SM Mall of Asia ay isang binatilyong inaalog-alogang ulo habang nakatingin sa kalawakan ng Manila Bay. Wala pa mang

tatlong hakbang ang layo, madidinig na sa kanya ang nakababasag tengaat di mawaring tugtugin. Pansinin din ang ang kableng nakakabit mulabulsa ng pantalon hanggang sa tenga. Naka-earphone.

Kagabi lamang, nagpadala ng text message ang isang propesor bilangsagot sa aking pagbati sa ika-150 anibersaryo ng pambansang bayani ---hindi pa daw tayo malaya at ang ika-12 ng Hunyo ay hindi araw ngkalayaan kundi bunga ng kataksilan ni Aguinaldo kay Bonifacio at sataumbayan.

Naka-ambang ibaba at pag-isahin sa Sekondarya ang kursong Rizal mulaKolehiyo na ayon sa tagapagpalaganap ng K to 12 ay tugon sa nakakasawanang dalawang taon sa pag-aaral ng Noli Me Tangere at ElFilibusterismo.

Sa gitna ng mga ideolohiyang kumakatwan sa mga tagpong ito, mas lalokong nabibigyang puwang ang paggugumiit ng kaisipang Rizal at higit nanapapatunayang ngayon higit kailanma’y mas dapat palayain at pag-ibayuhin ang hiyaw na di pi-piso-hin ang katumbas ng kahalagahan atpagpapahalagang Rizal, kailangang-kailangan ito ngayon ng taumbayan atsangkatauhan.

Tinukoy ni Rizal na ang kamangmangan at hindi ng kung anupaman angkanser ng lipunan. Sa kawalan o kakulangan ng kaalaman ng taonagsisimula ang kanyang opresyon dahil sa mabilis siyang sakupin ngmas may nalalaman at sa gayon ay may kapangyarihan. Kamangmangan dinang nagpapanatili sa ganitong estado ng tao, mabilis bumigay, mabilismasupil, mahirap magbago. Kung kaya nga ‘t masigla niyang itinaguyodang edukasyon hindi lamang sa hanay ng taumbayan kundi maging sakanyang kapwa mag-aaral at kabataan. (Matatandaan nating hindi siyanatuwa sa mga kasabayan sa pag-aaral sa Europa sa pagbabale-wala ngmga ito sa pag-aaral at sinabihan pang maawa sa mga magulang nilangnasa Maynila’t nagpapakahirap mapag-aral lamang sila). Kung kaya

nga’t masugid siyang nag-aral, nagpakadalubhasa hindi para sa sarilingpag-angat kundi para tumugon sa iniatang sa kanya (at tinanggap namanniya nang buong puso at pagmamalasakit) na pambansang gawain onational task.

Hindi lamang pormal na edukasyon ang tinutukoy ng pambansang bayanidito kundi ang liwanag ng diwa sa mga ordinaryong sitwasyon atpraktikal na pangangailangan. Ang sukatan kasi sa pagtamo ng kalayaansa mga itinutumbok niyang aral at mga sulatinay nasa pamamagitan ngkatwiran at karangalan ng tao (Recto, 1958). Kumbaga, sa araw-araw nagawain at maliliit na bagay, kung ang mga ito ay nabibigyangkahalagahan at mabuting natutugunan, hindi tayo mahihirapang gumampanng mas mabibigat pang tungkulin n gating bayan at lumahok sa pagbabagoat kaunlaran.

Kumbaga sa sitwasyon ng mag-ina sa MRT 1, alam na nga nitongg inuuboang anak, bakit kailangan pa itong hubaran sa loob ng de-aircon nasinasakyan. Naging kulturang popular na ang paggamit ng earphone kahitpaminsan nakakagulat pa ding makita ang ibang kabataan na biglangnagsasalita sa kalsada o yumuyugyog sa kung saang lugar. Gayundin,nakababahala ang pagputok ng ear drums ng mga ito istudyante-kabataangito. May kapatid akong muntikang hindi nakuha sa trabaho dahil sapagputok ng ear drum. Buti na lang at nasolusyunan pa. Kung malalamanpa lang ng mga kabataang ito na maaaring di din sila makakahanap ngtrabaho dahil sa maliit na problema sa tenga, sila din siguro maiiritasa paggamit nila ng mga ear phone sa pinakamalakas na volume.

Ano ang ipinahihiwatig ko dito? Kung sana noon pa man ay nakinig natayo kay Rizal, noon pa man ay sineryoso natin ang pag-aaral sa kanyaat noon pa man sa ating pagkritik at pagtuligsa kanya sa iba’t ibangpunto at lebel, nagkaroon na tayo ng pagtatagpo at muling siyangkinilala sa ating sariling balangkas ng pagtanggap, madaling- madalina sana sa atin ngayon ang pagmumuwestra sa mga mas seryosong usapinat mga bagay-bagay. Hindi sana tayo nanatili naninimdim sa pagtugon sa

mga praktikal na bagay tulad ng wastong pagmamagulang o tamangpaglilibang.

Ano kaya ang babanggitin ni Rizal ngayon hinggil sa walang katapusangusapin sa kalayaan ng Pilipinas. O ano ba ang marapat na linya ditobatay sa aral at pagpapahalagang Rizal. Hindi ko winawaglit ang mgakakulangan sa kasaysayan. Lalong hindi ko tinatanggap ang mgakataksilang naganap sa masang anakpawis. Gayunpaman, sa tingin ko,hindi na tayo dapat nagpapakulong sa ginawang mainstream sa atingkasaysayan at tuluyan nang sumulong sa muling pagsulat at pagwawastonito. Anotasyon at kawnter-naratibo o alternatibong pagsasalaysay angginawa noon ni Rizal sa artikulo sa artikulo ni Morga (Sucesos delasIslang Filipinas) at sa pinapairal na maling akala hinggil sakatamaran ng mga Pilipino. Kayanin din natin ang pagwawasto muli ngating kalayaan kung may nakikita pa tayong kamaliang di pa naitutuwidhanggang kasalukuyan.

Dapat na din itanghal ang mga nakamit (gains) ng Kalayaangipinagdiriwang natinPilipinas. Dahil kung patuloy tayong maniniwalangdi tayo Malaya, gayun na nga ang magiging transleyson o pagsasalinnatin nito sa aktuwal na sitwasyon. Kinakailangan ng tuloy-tuloy napagmumulat, oo, ngunit kailangan din tayong dumating sa punto ngpagwawaksi at kaganapan. Tapusin na natin ang kinagawiang pag-away-awayin ang ating mga bayani lalo na’t hindi naman natin pinagtatagpo opinagbabati ang mga ito sa huli. Maling huwaran tuloy ang nasasagap ngmga kabataan-istudyanteng napagsasalinan natin ng kamalayan atkaalaman.

At ngayon, sa K to 12 program ng DepEd. Tatanggapin ba natin angdahilang nakakasawa na ang Araling Rizal kung kayat marapat na lamangitong isiksik sa hayskul at wag nang aralin pa sa Kolehiyo. Nakakasawangang talaga ang Noli Me at El Filibusterismo lalo’t pababayaan lamangang mga mag-aaral magbasa ng mga synopsis nito. O kaya hayaan nalamang silang magtanghal nang magtanghal nang hindi ipinapaunawa at

nililinang ang kanilang kakayahan sa mga konsepto, metapora, estetika,ideolohiyang taglay ng dalawang nobela.

Nasa proseso pa lang ng rebisyon ang Batas 1425 na naglalayong aralinang Buhay, Gawain at Ideolohiyang Rizal. Maglalabanan pa rin ba tayosa kahalagahan ng bagay na ito at paggiit nito na ipasok sa kurikulumsa kolehiyo?

Inilagay ang mukha ni Rizal sa Piso upang maabot at maangkin daw ngmaraming mamamayan. Subalit sana hindi sa halagang piso lamang angpagturing at pagpapahalaga natin sa kanya.

(Susunod: Rizal@150: Haligi (nga lang ba?) ng Bayan?)