Lesson 10 Ang mga Patay ba ay Tunay na Patay?

Preview:

Citation preview

Ang mga Patay

ba ay Tunay na

Patay?

Lesson 10

1. Paano tayo napunta rito nang

pasimula?

“At nilalang ng Panginoon Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.”

Genesis 2:7

2. Ano ang

mangyayari

kung ang isang

tao ay

mamamatay?

• “At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya

ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios

na nagbigay sa kaniya.”

Ecclesiastes 12:7

4. Ano ang

Kaluluwa?

“At nilalang ng Panginoon Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.”

Genesis 2:7

5. Ang mga kaluluwa ba ay

namamatay?

• “Ang kaluluwa na nagkasala, mamamatay.”

Ezekiel 18:20

• “At bawa’t kaluluwang may buhay, samakatuwid ay nangasa dagat ay nangamatay.”

Apocalipsis 16:3

6. Ang mga mabubuti bang tao ay

pumupunta sa langit pagkamatay?

• “Ang lahat ng nangasa libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig.” Juan 5:28,29

• “Si David na siya’y namatay at inilibing at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.” Sapagka’t hindi umakyat si David sa mga langit.” Gawa 2:29,34

• “Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay.”Job 17:13

7. Gaano karami

ang nalalaman o

naiintindihan ng

isang tao

pagkamatay?

“Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: ngunit hindi nalalaman ng patay ang ano mang bagay na mayroon pa man silang kagantihan; sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at gaya ng kanilang

• pananaghili ay mawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.” “Sapagkat walang gawa, ni katha man na iyong pinaparunan.”

Eclesiastes 9:5,6,10

8. Ngunit maaari bang

makipagugnayan ang

mga patay sa mga

buhay, at kanila bang

nalalaman ang mga

ginagawa ng mga

buhay?

“Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay nawala, sila’y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.” “Ang kaniyang mga anak ay nagtatalay ng karangalan, at hindi niya nalalaman;

at sila’y ibinababa, ngunit hindi niya nahahalata

sila.” Job 14:12,21.

“Na wala man silang anomang bahagi pa na

magpakailan man sa ano mang bagay na

nagawa sa ilalim ng araw.” Eclesiastes 9:6

9. Tinawag ni Jesus ang walang malay na

kalagayan ng patay bilang “tulog” sa Juan 11:11-14.

Gaano katagal ang kanilang pagkakatulog?

• “Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay nawala”

Job 14:12

• “Darating ang araw ng Panginoon…na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam.”

2 Pedro 3:10

10. Ano ang mangyayari sa mga

nangamatay sa matutuwid sa pangalawang

pagdating ni Cristo?

“Narito ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.”

Apocalipsis 22:12

“Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw…at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubujay na maguli…at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman.”

1 Tesalonica 4:16,17

“Ngunit tayong lahat ay babaguhin sa isang sangdali, sa isang kisap-mata,…at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan…sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan.”

1 Corinto 15:51-53

11. Ano ang

unang ginawang

kasinungalingan

ng diablo?

• “At sinabi ng ahas sa babae, tunay na hindi kayo mamamatay.”

Genesis 3:4

• “Ang matandang ahas ang tinawag na diablo at Satanas.”

Apocalipsis 12:9

13. Tunay bang gumagawa ng mga

kababalaghan ang mga diablo?

“Sapagka’t sila’y mga espiritu ng mga demonio.”

Apocalipsis 16:14

“Sapagka’t may magsisilitaw ng mga bulaang Cristo, mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw kung maaari pati ng mga hirang.”

Mateo 24:24

14. Bakit hindi malilinlang ang bayan ng

Dios?

“Sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.”

Gawa 17:11

Kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.”

Isaias 8:20

15. Sa pagbabalik tanaw sa kapanahunan ni

Moses, ano ang iniutos ng Dios na gawin sa

mga taong nangangaral na ang mga patay ay

buhay?

“Ang isang

lalake rin naman

o kaya’y isang

babae na

inaalihan ng

masamang

espiritu, o

mangkukulam

ay papatayin na

walang pagsala,

sila’y babatuhin

ng mga bato.”

Levitico 20:27

16. Ang mga matutuwid bang mga tao na

bumangon sa pagkabuhay na maguli ay muling

mamamatay?

“Datapuwa’t ang mga

inaaring karapatdapat

magkamit ng

sanglibutang yaon, at

pagkabuhay na maguli

sa mga

patay,…sapagka’t hindi

na sila maaaring

mangamatay pa.”

Lucas 20:35,36

“At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon ng dalamhati; o panambitan man, o hirap pa man; ang mga bagay nang una ay naparam na.”

Apocalipsis 21:4

17. Ang paniniwala sa “reincarnation”

ay mabilis na lumalawig sa ngayon. Ang

pangaral bang ito ay naayon sa Biblia?

“Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay; ngunit hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay…na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailanman sa anomang bahay na nagawa sa ilalim ng araw.”

Eclesiastes 9:5,6

Para sa karagdagang pag-aaral,

paglilinaw o mga katanungan,

Magpost lamang sa group

timeline at bibigyan po namin

kayo ng kasagutan.

Recommended