Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan

Preview:

Citation preview

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.

Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.

Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:

Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa…

Halimbawa:1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.

2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.

Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin

Halimbawa:1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.

1.Sinakop ng mga amerikano ang Pilipinas.2. Laging may pasalubong ang ama kapag umuwi sa tahanan.3. pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay sa ating bansa4. Ang maranhyang pagdiriwang ng pista ay magastos5. Nagdarasal muna ang mga rebeldeng Pilipino bago lumaban sa mga Espanyol

Ang Paninigarilyo              Ang paninigarilyo ay isang kasanayan

kung saan sinusunog ang isang sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ng usok. Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng rituwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at pangunahing ginagawa ng mga pagawaan ngunit maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng kamay.

1. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago patayin ang sunog.

2. May mga taong ang gawain ay magsilbi ng kapwa.

3. Walang magsasakang yumayaman. 4. Ang basurero ang humahakot ng ating

mga basura. 5. Hindi pinapansin ng mga katulong sa

pamayanan ang hirap at pagod sa pagganap ng kanilang tungkulin.

6. Sa initan nagtatanim ang mga magsasaka.

7. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.

8. Ang tatay ay ang lalaking magulang ng isang bata.

9. Matigas ang bato. 10. Mas masarap na kapatid ang babae

kesa sa lalaki 11. Ang isa dagdagan ng dalawa ay tatlo 12. Keso ang paboritong palaman sa

tinapay ni Rea sa paniniwala ko.

13. Ang dugo ay kulay pula. 14. Sa Baguio raw dapat magtayo

ng bahay- bakasyunan. 15 Pinakamagandang libangan ng

isang bata ang paglalaro ng computer games.

Ang Timbre ay isa sa mga elemento ng musika. Ito ay tumutukoy sa uri ng tunog o tinig.

Ang tinig ng mga mang-aawit ay nahahati sa apat: dalawa para sa babae at dalawa para sa lalake.

Ang tinig ng mga babae sa pag-awit ay tinatawag na soprano o alto. Ang soprano ay tinig na mataas at may kaliitan, samantalang ang alto ay mababa at may kalakihan.

Ang dalawang uri ng tinig ng mga lalaki ay ang tenor at baho. Ang tenor ay mataas at medyo matinis. Ang baho naman ay mababa, malaki at kung minsan ay dumadagundong.

Ang uri ng tinig ay nag-iiba dahil sa pagbabago ng mga sankap ng katawan sa pagbibinata at pagdadalaga. Ang tinig ng mga bata ay mataas at maaaring isama sa soprano o alto. Kapag ang mga lalaki ay sumapit na sa wastong gulang, ang kaniyang tinig ay lalaki at lalalim at magkakaroon na siya ng kakayahang umawit ng mabababang himig para sa baho.

-DIVINA E. BUMACAS

Salamat

Recommended