Kalakalang Panlabas

Preview:

DESCRIPTION

 

Citation preview

PANIMULANG GAWAIN

Panuto:Buuin ang salita gamit ang mga larawan.

K L A L G

A L B A

Kalakalang

Panlabas

Ano nga ba ang Kalakalang Panlabas?

Ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa palitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa. Hindi matatagpuan sa isang bansa ang lahat ng kakailanganin nito. Kailangang makipag-ugnayan ito sa ibang bansa upang makuha nito ang mga produkto at serbisyong kailangan na wala ito.

Eksport/Pagluluwas – Pagpapadala ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa.

Import/Pag-aangkat – Pagbili ng kalakal mula sa ibang bansa.

DAHILAN NG KALAKALANG PANLABAS

Pagkakaiba sa Teknolohiya

May mag bansang may mataas na antas ng teknolohiya sa produksyon ng mga produkto at serbisyo. Dahil sa kanilang teknolohiya, mas episyente ang kanilang produksyon.

Pagkakaiba sa Pinagkukunan

Magkakaiba ang mga likas na pinagkukunan, kasanayan ng lakas paggawa, at istak ng kapital ng mga bansa. Ang mga bansa sa mga rehiyong tropikal ay maaring magluwas ng saging sa mga banang temperate. Ang mga bansang temperate naman ay nakakapagluwas ng ubas at mansanas sa mga bansang tropikal.

Pagkakaiba sa Panlasa

Dahil sa panlasa, nag-kakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa.

Halimbawa: Mas gusto ng mga Norwegian ang karne kaysa isda; mas gusto naman ng Swede ang isda kaysa karne. Kung pareho ang produksyon nila ng isda at karne, maaring magluwas ang mga Norwegian ng isda sa mga Swede; maari namang magluwas ang mga Swede ng karne sa mga Norwegian.

Pagkakaiba sa Halaga ng Produksyon

Maaring bumaba ang halaga ng produksyon ng isang bansa dahil sa economies of scale o malakihang produksyon at dahilan sa subsidy at tax incentive na ibinibigay ito. Ang mga bansang may mababang halaga ng produksyon ay nakapag-luluwas ng mga produkto at serbisyo sa mga bansang mas mataas ang halaga ng produksyon.

MGA PATAKARANG UMAAPEKTO SA KALAKALANG

PANLABAS

A. Taripa: Ang taripa ay buwis sa mga produktong inaangkat.

Maaring ipinipataw ito upang makalikom ng karagdagang pondo ang gobyerno ngunit kadalasan, naka-pagpapataas ito ng presyo at nakapagpababa ng benta ng inaangkat ng produkto. Nagpapataw ng mataas na taripa ang gobyerno upang mapigil ang pagpasok ng dayuhang produktong kalaban ng lokal na produkto.

B. Kota: Maaring kotahan ang pagpasok ng mga kalabang produkto.

Halimbawa: Kung gusto ng gobyernong pangalagaan ang lokal na industriya ng sapatos laban sa mga sapatos na mula sa Italy, maaring kotahan ng gobyerno ang mga sapatos na galing sa Italy. Maaring iutos nito na huwag papasukin sa bansa ang sobra sa 100,000 paares ng sapatos na galing Italy.

C. Sabsidi: Ito ang tulong na ibinibigay ng gobyernoo upang bumaba ang halaga ng produksyon ng mga loka na produkto.

Halimbawa: Kung gusto ng gobyernong tulungan ang industriya ng sapatos, maari nitong babaan ang buwis sa mga lokal na sapatos at bigyan ang mga prodyuser ng sapatos ng maluwag na kredito. Maari rin silang payagang mag-angkat ng mga gamit at materyal nang walang binabayarang taripa.

Ano naman ang Liberalisasyon?

Ang Liberalisasyon ang tawag sa pagbabang taripa at pag-alis ng mga restriksyon sa kalakalang internasyonal. Nagbubunga ito ng ma malayang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang produkto.

Kadalasan, sinasamahan ang liberalisasyon ang deregulasyon. Deregulasyon ang tawag sa pag-alis o pagbabawas ng mga alituntunin at restriksyon na nakaaapekto sa isang pamilihan, industriya, o ng buong ekonomiya. Dahil dito, mas malayang nakapagtatakda ng presyo ang mga kompanyang napailalim sa deregulasyon.

Joanna Toledo

Gesa May Margarette P. Tuzon

Jerica Sitsit

4-1

Recommended