View
226
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
1/14
MY SWEET, INNOCENT, LOVELY BRAT
P RECIOUS H EARTS R OMANCES
NOELLE ARROYO
T E A S E R
PERSONAL bodyguard ni Carla si Eric Torrellaza at sa klase ng backgroundmeron ito, he was the best protector anyone could ever want. Unfortunately, hewas also incredibly good-looking, a gentleman, intelligent, and the bestboyfriend any woman would wish for. At ang pilit niyang itinatanggi sa kanyangsarili ay ang totoong nararamdaman niya para rito shes in love with him. Andhe must never know it or she would just die.
ALAGA ni Eric si Carla, isang klase ng spoiled brat na hindi niya kayang hindihangaan. Shes beautiful, mature, smart, independent, capable, disciplined andthe most stubborn brat he ever knew. Alam din niyang she has a big crush onhim. Hes her brateven if she didnt know it. And she mus t never find it outbecause the minute she knew he wasnt actually seeing her as a pigtailed littlekid anymore, he would be in trouble.
But Carla was in danger, and when he almost lost her he realized that hewould much rather get in big trouble than go through that again.
Kaya ang personal bodyguard, naging personal na lang.
All too personal.
C ATC H L INE
Carla ungol din nito. I dont know where this is going, but I cant
control myself anymore. I cant
F I R S T P AGE
A professional writer is an amate ur who didnt quit. Richard Bach
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
2/14
P R O L O G U E
NAG-VIBRATE ANG CELLPHONE ni Carla. Nakangiti pa naman siya noong
dinampot niya iyon sa ibabaw ng mesa dahil sa kung anong sinabi ni Sidney,
isa sa mga kaibigang kasama niya ng mga sandaling iyon sa fastfood na iyon.
Nang mabasa ang mensahe sa kanya nang kanyang daddy, napasimangot siya.
Im sorry, girls. I have to get home now.
Maingay na protesta ang agad na narinig mula sa kanyang mga kaibigan.
Hindi siya madalas makasama ng mga ito these days. Nagmumukmok pa siya
sa bahay dahil na nangyari sa kanya recently lang.
Zach dumped her.
Technically, she wasnt really dumped. Hindi pa kasi niya ito sinasagot.
Pero noong ginawa nito ang ginawa nito, pakiramdam niya ay ganoon na rin
ang nangyari. Nasaktan siya. Muntik na kasi niya itong sinagot. Muntik na
muntik na.
Hindi niya inakalang ganoon ito kababaw.
You cant leave. Ang aga -aga pa, o, sabi ni Sidney.
Oo nga. Its not even dark yet.
Im sorry. May bago na kasi akong curfew. Hindi ako pwedeng nasa labas
pa or at least, hindi pa on the road before dark. Naiinis na nga rin ako pero
kung hindi ako susunod, mag- aalala si Dad.
Ang daddy mo, o ayaw mo lang suwayin yung bago mong super hunk at
super gwapong bodyguard? tudyo sa kanya ni Phoebe.
Namula siya at naghagikhikan ang mga ito.
Totoo nga. Super hunk at super gwapo ang kanyang bagong hired na
bodyguard. Ang laki ng pagkakaiba nito sa naunang tatlong na-hire a month
ago, mula nang magsimulang makatanggap ng death threats ang daddy niya.
Pero hindi man niya sinasabi, nakakaasiwa kay Carla na meron siyang mga
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
3/14
bodyguards. Inabutan pa niya iyong panahon na hindi pa sobrang yaman ng
daddy niya. Hindi rin mahirap, pero hindi sobrang yaman na may susunod-
sunod sa kanyang mga bantay na parang si Chris Aquino.
Namimilog naman ang mga mata nang tatlo na mas gustong may
bodyguards kahit para simple lang may tagadala ng shopping bags ng mga ito.
At syempre, nakakabawas kaba rin kapag may nababalitaan silang nakidnap na
rich heir sa bansa. That, or may napahamak dahil sa holdupper or worse of
allmay na-rape.
Bahagya siyang kinilabutan sa naisip. It was a nightmare to even think
about it to even think it was possible to happen to her or to anyone else.
Mabuti na lang at hindi nababalitang kidnapan o iyonang dahilan kung bakit
siya merong mga bodyguards kundi iyon ngang death threats na natatanggap
nang kanyang daddy na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuklasan ng mga pulis kung kanino nanggagaling. Walang nakaaway ang kanyang ama ang
pinaka-sweet at pinakamabait na lalaking nakilala niya sa personal o
propesyonal nitong buhay bilang imbentor o kahit bilang businessman. Ayon
dito, the investigators just couldnt come up with anyone.
Nakita ng mga ito ang bahagya niyang pag-shudder at agad na napalitan
ng pag-aalala ang panunudyo sa mukha ng mga kaibigan niya.
May bago bang nangyari? tanong ni Anya sa mas mahinang tinig.
Umiling siya habang muling napapasulyap sa kanyang cp. This time, ang
bago nang bodyguard si Ericang nabasa niya sa screen. At hindi lang ito
nag-text kundi tumatawag na. They werent telling me anything, aniya habang
nakatiim ang bagang sa biglang salakay ng frustration. Hunk ang beautiful he
may be, pero mas kinabahan siya ngayong nadagdag si Eric Torellaza sa
kanyang security. Dahil hindi lang ito machong katawan at gwapong mukha
nakakatakot ang background nito.
Galing ito sa Afghanistan, iyon ang bago niyang nalaman. Myembro ng U.S.
Army ang kanyang bagong bodyguard.
Sinong hindi matatakot?
Arent you going to answer that? tanong ni Anya tungkol sa cellphone na
walang tigil sa pag-vibrate.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
4/14
Nagbuntunghininga siya at tiningnan lang ang cp. The man was putting
havoc to her once very simple life. Bagong scheds, bago at mas mahigpit na
security measures, at hindi siya pwedeng makipagkita sa ibang mga tao
maliban sa kanyang closest friends ang tatlong childhood friends niyang sina
Anya, Sidney at Phoebe na kasama nga niya all afternoon. If only her motherwas still alive, things would be easier. Kahit papaano, may makakausap siya
tungkol sa kanyang mga kinatatakutan. At may makakaunawa sa
nararamdaman niyang pagkasindak minsan sa kalagayan ng kanyang daddy
dahil pareho sila nito!
Pero kahit hindi sinagot ang tawag, tumayo na siya. I really gotta go.
Okay, halos sabay-sabay na sabi ng mga ito, hindi na nagpoprotestang
parang mga bata. At halata niyang medyo kinakabahan na rin ang mga ito.
Tiyak niyang mamayang gabi, tatawagan rin siya ng kanyang mga titas mommies ng tatlo na matalik na mga kaibigan din ng kanyang Mommy noong
buhay pa ito para kumustahin siya. Para na ring anak ang turing ng pamilya
ng mga kaibigan niya sa kanilang mag-ama.
Nagpangakuan silang magtatawagan pagdating sa bahay bago niya nilisan
ang mesa. Dala ang kanyang mga pinamili, nag-igting na naman ang kanyang
mga ngipin nang makitang nasa bukana na ng fastfood resto si Eric para
sunduin na siya. Bakit hindi ito makapaghintay? Naiinis siya sa mga pagbabago
pero kailan siya nag-disobey?
Nakakainsulto. At hindi siya manhid. Hindi niya gustong natatratong parang
bata. Hindi matatawag na mahina ang kanyang utak kahit hindi siya genius
gaya ng daddy niya. In fact, she often has to take care of her father. Sa
sobrang talino nito, hindi na nito minsan naiisip ang mga trivial things gaya ng
vitamins, home cooked meals at kung magkapareha ba ang socks na suot nito.
Hindi siya helpless. Hindi nga niya gusto ang ideya na mas marami siyang
gwardya kaysa daddy niya gayong ito ang nakatatanggap ng threats at hindi
siya.
Kung hindi lang sana sobrang gwapo nang isang ito. Sobrang gwapo na
kahit hindi siya madaling maakit sa gwapong mga lalaki, sa halip ay sa maturity
ng mga ito, ay hindi pa rin niya mapigilan minsan mag-wonder kung
napapansin kaya nito na maganda siya. O na hindi siya spoiled gaya nang
karamihan sa mga anak mayamang unica hija. O na hindi siya maere.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
5/14
Naiisip niya ito kahit, at the moment, he didnt deserve it. No man except
her father deserved her attention. Ganoon ang perspective niya ngayon dahil
katatapos lang siyang ma-betray nang isang lalaking akala niya talaga ay dapat
hangaan!
Sinesermunan niya ang sarili niya habang nilalampasan ito nang hindi man
lang ito pinapansin o kinakausap. Wala itong kasalanan sa kanya, alam niya.
Ginagawa lang nito ang trabaho. Kung meron man ngang killer kung saan na
gusto silang saktan ng kanyang daddy, aminado siya na mahihirapan ito
ngayong narito na si Eric. Terorista ang nilabanan nito sa Afghanistan. Mas
nakatatakot ang mga ito these days kaysa mga kidnappers at mga senders ng
death threats.
Pero naiinis pa rin siya. Pakiramdam niya ay napaka-helpless niya at
walang kwenta. Ni hindi niya pwedeng basta dalawin ngayon ang daddy niya sa opisina nito kahit halata niyang masama ang pakiramdam nito kaninang umaga
para siguruhing uminom ito ng gamot sa tamang oras o kaya ay kumain ito ng
tama. Siya na sarili nitong anak! Naisip niya sanang tumakas sa mall para
silipin ang daddy niya tutal ito ang pupuntahan niya at hindi siya gagawa nang
kahit anong kabalbalan. Hindi kaya siya pinalaki ng mommy niya na isang
delinquent!
Pero nakabantay ang mga gwardya niya sa kanya na parang uwak lalo na
ang isang iyon. Kahit nga nakatalikod siya, nararamdaman niya ang tingin nito
sa likod ng kanyang ulo.
Gaya na lang ngayon na alam niyang kasunod lamang niya ito kahit hindi
niya naririnig ang yabag ng paa nito. Kahit sa aspalto, parang naglalakad ito sa
carpet. There were many things that she at once noticed in her new
bodyguard. At kinaiinis niya minsan na masyado niya itong napapansin kahit
naiirita na siya talaga dito.
Dahil sa inis at sa malalim na pag-iisip, walang napapansing iba si Carla sa
kanyang paligid. Noong narinig niya bigla ang tawag ni Eric sa kanyang
pangalan ay nagulat siya nagulat dahil sa kakaibang tono sa baritono nitong
tinig. Imboluntaryo siyang napalingos dito. Pero bago niya iyon makumpleto,
bigla siyang nahawakan sa bisig at malakas na nahila nang isang lalaking
sumulpot na lang mula sa kung saan patungo sa isang nakabukas na van.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
6/14
Napairit si Carla. Pero naputol iyon dahil tinakpan nito ang bibig niya.
nagbagsakan at nagtal sikan ang mga dala niya sa kanyang paglaban
hanggang sa naramdaman niya ang malamig na bakal na dumikit sa kanyang
leeg.
Pakiramdam ng dalaga ay literal na nag-freeze ang kanyang dugo.
Carla! narinig niyang tawag ni Eric sa kanya. Napaungol siya sa ilal im ng
kamay na mahigpit na nakahawak sa bibig niya. Hindi niya alam kung alin ang
mas matimbang sa kanya ang mailigtas siya nito o na huwag na itong
sumunod. May baril ang may hawak sa kanya. Baka mapahamak ito.
Pero bago niya maisip kung alin sa dalawa, sumulpot si Eric sa kabilang
dulo ng van.
At doon na talaga nagsimulang bumilis ang mga pangyayari.
Nakita niya ang mukha nito, nakatiim sa determinasyon. Nakita niya ang
mga mata nito, matiim at malamig.
Tapos, nakarinig siya ng putok.
Sa isang putok na iyon, akala niya ay nalagot na ang kanyang hininga.
Kasabay nang eksaktong sandali na batid niya kahit hindi niya alam kung
bakit na lagot ang lalaking nagtatangkang dumukot sa kanya.
Hindi niya alam kung paano niya nasiguro na patay na ito. May isang
sandali na naramdaman niyang parang tumigil ang lahat dito. Ni hindi ito
nanigas, sa halip ay nanlambot ito. Nahila pa nga siya nang bumagsak ito.
Natutulala, narinig niya nang magsara ang pinto ng van at ang ingay niyon
nang tumakas. Pero hindi siya makalingos. Hindi siya makagalaw.
Nakatingin lang siya sa nakamulagat na mga mata ng kidnapper habang
nakatihaya ito sa harapan niya.
Carla? tawag ni Eric. Naramdaman niya ang hawak nito sa kamay niya,
ang hawak nito sa bisig niya. Carla? Are you alright?
Noon lang niya namalayan na nakalupasay pala siya sa sementadong
parking lot. Noon din lang niya napansin ang ingay sa paligid. Pakiramdam
niya ay nagising siya mula sa isang masamang bangungot. Ginising siya ni
Eric, iniligtas siya nito.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
7/14
Pero naroroon pa rin ang bangkay ng kidnapper.
Umiling siya. Narinig pa niya ang tinig niya. Parang nagmumula iyon sa
malayo. No I dont think Im
Pagkatapos ay nagdilim na ang lahat.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
8/14
C H A P T E R O N E
NINE MONTHS LATER.
Naiinis si Carla sa daddy niya. Biglang bigla, out of the blue ay
pinagbawalan siya nitong lumabas ng bahay. Ni walang eksplanasyon na pinag-
utos lang nito iyon. At naiinis siya dahil sa dinami-rami naman ng mga araw,
itong araw pang ito ang pinili nito para biglang mag-istrikto.
Importante ang araw na ito para sa kanya. Kung hindi siya lalabas, hindi
sila magkikita ng mga kaibigan niya at hindi sila makadadalo sa after-tea party
ng Lola ni Janna. Therefore, hindi niya makikita si Zach. The revenge that she
had been planning for weeks would be for nothing, nanggigigil niyang naisip.
Nakakainis talaga dahil hindi na nga ito nagbigay ng eksplanasyon ay hindi
pa siya nito personal na kinausap. Pinasabi lang nito ang utos kay Eric. Her
Dad knew she could get through anyone including him but not through
Jericho Torrellaza.
Takot siya rito. Well, not actually takot na terrorized or scared.
More like totally awestruck.
It has been months since hed killed one of the men whod attempted tokidnap her. Sa kabila niyon, hindi pa rin siya lubos na nakakabawi. Hindi yata
hanggang mamatay siya, kinikilabutan niyang naisip.
Ang feelings niya rito ay magkakahalong extremes. Sobrang
pagpapasalamat, respeto, pagtitiwala at iyon, awestruck. Kung meron mang
pagkakataon na naisip niyang parang sobrang unfeeling naman nito na nagawa
nitong makapatay nang ibang tao kahit kwestyonable ang pagkatao ng taong
iyonat na sinubukan siya nitong barilin sa pagkataranta pagkakita kay Eric na
malapit na malapit na ay nawala nang maalala ang sobrang pag-aasikasongginawa nito matapos magbalik ang malay niya, noong dinadala siya nito sa
ospital, na sobra siyang sindak para mairita na tinatrato siya nitong hindi lang
isang bata kundi isang imbalidong bata. Pero noong mga sandaling iyon, o ang
alaala ng mga sandaling iyon ay nagpatunay sa kanya na hindi ito lubusang
manhid.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
9/14
Hindi na nga lang iyon naulit.
Pero marami pa siyang natutunan tungkol dito na naging dahilan kung bakit
lalong tumaas ang respeto niya rito. Wala pa itong ginawa na naka-turn off sa
kanya kahit kailan. Achievement iyon. Sobra siyang kritika, grabe. Hindi rin ito
madaldal. E di sana, natuklasan niya kung anong weakness nito gaya nang
ibang lalaki. God only knew how desperate she was in finding fault in him. But
he barely talked when on duty, and hes always rigidly contr olled.
Lagi itong immaculately groomed although kung papasok siguro itong
rugged, baka lalo pa siyang mataranta. Sa bibihirang mga pagkakataong
ngumingiti ito madalas kapag akala nito wala siya sa paligid ay ang sexy ng
ngiti nito. Kahit kailan ay hindi niya ito naalalang na-late sa trabaho o um-
absent dahil nagkasakit. As in wala siyang maipintas dito maliban kung ang
kaperpektuhan ay isang fault.
Hes just so perfect. Yep, that was his fault.
Hindi gaya ni Zach, bitter niyang naalala.
Noong nanligaw ito sa kanya, naging paborito niya ito agad sa mga
manliligaw niya. Taglay kasi nito lahat ng qualifications ng isang trophy
husband gwapo, mataas ang pinag-aralan, mula sa old money ang angkan na
pinaghandaan niya sa buong buhay niya at pinangarap ng Mommy niya para
sa kanya. Maraming nainggit at syempre, nanlait. Hindi mula sa old money ang
pamilya ni Carla. Yumaman sila dahil magaling na imbentor ang kanyang ama
nang pangmasang mga imbensyon. Ayon sa isat kalahating mga ignoramus
niyang kaklaseng elitista at sosyal noon sa school, that didnt mean theyre real
rich. Theyre just rich. Ayon sa mga bobita, malaki raw ang kaibahan niyon.
Hindi madaling magalit si Carla. Unang una, alam niyang naiinggit ang mga
ito kasi kahit hindi siya real rich ay nanliliga w ang mga cool guys sa school
sa kanya. Tapos, matalino siya kung natutuwa ang mga teachers sa kanya.
Hindi siya nagsisimula ng gulo dahil crass para sa kanya ang pakikipag-away at
boring sa kanya ang kompetisyon at dahil hindi nga siya nakikipagkompetisyon,walang pagkakataon na natatalo siya ng mga ito sa larangan nang mababaw
na soplahan, palibhasa nga hindi siya matalo basta sa loob ng classroom.
Pero kapag inapi kahit sino sa mga mahal niya sa kahit anong paraan,
lumalabas ang mga pangil niya. Nangangagat siya.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
10/14
She was proud of her fathers inventions. They were practical and ingenius.
May na-develop itong klase ng fluid mula sa natural resources walang
kahalong crude oil na naka-improve sa pagtakbo ng makina ng mga sasakyan
at iyon ang unang nakilala sa komersyo. May auto shops na noon ang mga
magulang niya kaya advantageous iyon dahil na-recruit nitong suki sa fluidlahat ng mga customers nila. Sumunod nitong naimbento ay makina na
nagpapadali ng pagre-recycle ng anumang klase ng papel sa mga households
like anyone could recycle paper at home now na resulta nang pagiging
environmentalist nito. Na-improve rin ng daddy niya ang incubator sa mga
ospital kaya mas tipid iyon sa kuryente at may kung anu-ano pang features na
mas conducive sa mabilis na recovery ng mga babies. Ginawa nito iyon dahil
sa laki ng respeto nito sa nag-imbento nang unang mag incubators na
ginagamit sa mga ospital na isang Filipina Inventor.
Ang huli nitong imbensyon ay home-building materials na mas matibay at
mura nang higit sa kalahating porsyento kaysa nabibili dati sa mga hardware
stores. Eco-friendly pa dahil mula sa recycled products iyon. Pumasok iyon sa
market last year lamang at mabilis na naging in demand sa mga kompanya ng
real estate developers.
Noong pursigido pa sa panliligaw sa kanya si Zach, kung sinong moron ang
nagkalat ng balitang magde-declare ng bankruptcy ang kanyang Daddy. Bigla
na lang naging masungit ang ina nito at ang kasunod ay ang pagtigil ni Zac sa
panliligaw. Hindi siya makapaniwalang naniwala ang mga ito sa tsismis atnasaktan siya pero hindi niya pinagtanggol ang sarili niya o ang daddy niya.
Ang nasa isip kasi niya, lalabas din ang totoo.
Pero nagalit siya noong nalaman niyang nilait ng Mommy ni Zach ang
pananamit ng daddy niya sa degrading na paraan sa isang party kung saan
hindi siya nito kasama.
Nang mabalitaan niyang sina Zach at Fiona na, nahulaan niya kung sinong
nagkalat ng tsismis. Si Fiona at barkada nitong mga A-list bullies ay mga former
classmates na madalas niyang makabanggaan noon dahil sa pagkakalat ngmga ito nang mapanirang mga tsismis tungkol sa kanya. Pero bago siya
makaganti kay Fiona, ang family nito ang biglang naghirap. Matagal na palang
lulong ang daddy nito sa pagka-Casino. Isinama ang pobre ng ina nito sa
pagtatago habang hinaharap ng daddy nito ang mga creditors. Naawa pa tuloy
siya sa mga ito dahil nagkasakit na nang malubha ang daddy nito sa kalaunan.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
11/14
Natuon kina Zach at Mommy nito ang galit niya kaso lumipad naman ang
mga ito pa-America. Malamang ay para mag-lie low. Ang ginawang basta pag-
iwan ni Zach kay Fiona ay nagkaroon ng negatibong epekto sa reputasyon nito.
Tapos alam nang karamihan na bigla siya nitong iniwan noong akala ay
naghirap sila. Hayun, nagtago muna.
Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit matapos lamang ang siyam
na buwan ay mabango na ulit ito. Either airborne na ang selective amnesia
ngayon o tama ang mga abno na ang mga normal na tao ang tunay na abno.
Gaya nang sabi ng Mommy niya noong nabubuhay pa, nabibili ng salapi ang
pagkatao, pero hindi ang katinuan.
Bumalik na ang mag-ina at sa naririnig nila sa mga bubwit, interesado na
naman ito sa kanya. Unfortunately for them, wala siyang amnesia. Alam niya
ang dahilan ng change of heart.
Mula nang umalis ang mga ito ay lalong yumaman ang daddy niya.
Naparangalan pa ito ng mga premyadong organizations sa bansa at na-offer-an
ng mga posisyon na tinanggihan nito dahil wala itong interes sa mga iyon.
Hindi sana na niya gustong pag-aksayahan ng panahon si Zach pero hindi pa
rin niya makalimutan ang ginawa ng mommy nito sa daddy niya. Galit pa siya
sa Mommy nito.
At ngayon sana siya makakaganti kung hindi siya biglang pinagbawalang
lumabas ng kanyang daddy.
Nagbuntunghininga siya at bumangon sa kama saka nagtungo sa bintana
para tumanaw sa labas.
Matapang siya pero mabait siyang anak. She could seethe in silence pero
hindi siya sumusuway. Wala siyang magagawa kundi maghintay nang ibang
pagkakataong ituloy ang kanyang balak.
Pero anong gagawin niya rito sa bahay? Shes in too rebellious a mood to
relax by the pool.
The only thing to do was to make sure everyone else was going to have a
day as badly as hers, Carla decided. Makakarating iyon sa kanyang Daddy.
Pretty soon, papayagan na siya nito ulit lumabas.
Kaya lumabas siya ng kwarto, at malas na lang ng katulong na una niyang
nasalubong pagbaba niya sa hagdan.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
12/14
GANON BA? may pag-aalala sa tinig ni Ricardo Mataimtim habang kausap ito
ni Eric sa cellphone. Kare-report lang niya rito tungkol sa estado ng unica hija
nito sa nagdaang dalawang oras mula nang huli silang nag-usap. Ang ibang
katulong ay nabulyawan na nito. Ang ibang mas matalino ay nagtatago. Shes
really angry, isnt she?
Yes, she is, sabi niya habang nangingiti. Alam niya ang dahilan. Sinabi
niya iyon sa matanda.
Ahh, so nakauwi na pala sina Zachary at ang Mommy niyang masungit.
Natawa si Tito Ricky. Hindi alam ni Carla pero noon kasi ay may projects ang
gobyerno na nakuha ng kompanya ko dahil ako ang nanalo sa bidding. Natalo
ang asawa niya kaya nagsungit si Mrs. Tanchoco sa kin. Nagb alik ang pag-
aalala sa tinig nito. Tingin mo ay in love pa rin siya kay Zachary? Alam mo
namang hindi ko gusto ang binatang iyon. Malaki na eh kapit-palda pa rin sa
ina niya.
Napangiti si Eric. Im not sure, Tito. Pero hindi pa niya nakakalimutan yung
ginawa nung ina sa inyo. At sinabi niya rito ang narinig niya sa pag -uusap ng
mga kaibigan kung saan niya iyon nalaman, at tungkol sa plano sana ng anak
nito sa araw na ito.
Ahh. Oo. Mana niya sa Mommy niya iyon, may pagka -Amasona kapag
merong nasaling sa pamilya. At nagbuntunghininga ito.
Carla was feisty and passionate and protective when it came to her dad,
napansin nga niya agad iyon pagkarating na pagkarating niya. Pinaalala nito
lagi sa kanya ang kapatid niyang si Ashley na wala na sa kanila. Isa ito sa libo-
libong mga naging biktima ng nine-eleven tragedy.
Si Ashley ang dahilan kung bakit nag-enlist siya sa army kahit nagsisimula
na siya sa karera bilang baguhang abogado noon, ang dahilan kung bakit
kasama siya sa mga sundalong pinadala sa Afghanistan. Hindi siya pinatahimik
ng alaala nang umiiyak nitong tinig sa telepono habang nagpapaalam ito sa
kanya bago gumuho ang North Tower kung saan ito na-trapped. He was her big
brother and hed always protected her since they were young but he could
not save her then. So hed imagined he could protect her memory by fighting
the enemy with guns.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
13/14
Pero sa Afghanistan, mabilis niyang nakita na masyadong komplikado ang
digmaan para sa simpleng paghawak niya sa alaala ni Ashley sobrang
komplikado at mali. His sister was a victim, pero kung sasali siya sa mas
malaking komplikasyon ay dadami pa ang biktima pero dahil sa mismong mga
kamay niya.
At napabuntunghininga rin siya nang malalim.
This job saved him. Dating magkaklase at magkaibigang matalik noon sa
kolehiyo ang daddy niya at si Tito Ricky. Nag-migrate noong panahon ng martial
law ang pamilya ng daddy niya sa States dahil sa paglaban sa diktadurya at
doon na nito nakilala ang mommy niya, doon na rin nakapag-asawa at
nagkaanak. Sa States sila lumaki ni Ashley pero pinalaki silang taglay pa rin
ang ugaling Pilipino. In fact, Tagalog ang gamit sa bahay nila at sa mga
okasyon ng reunion ng mga Torrellaza kaya bihasa siya sa pagsasalita niyon.
Sa kabila nang paghihiwalay ay may komunikasyon pa rin ang daddy niya at
si Tito Ricky at nang malaman ng daddy niya ang problema ay nagkataon
namang kauuwi lang niya mula sa Afghanistan.
Namalayan na lang niyang pumapayag siya sa suhestyon ng ama na
tingnan ang sitwasyon ng kaibigan nito habang nasa Pilipinas siya. And then
that thing with the kidnapper happened and he was hooked. Nang matapos
niya ang sikretong assignment niya noon sa Mindanao para sa Homeland
Security ng US, naging full-time bodyguard na siya ni Carla. This was supposedto be just a temporary stint, a chance for him to soul-search, while he
remained a conduit of USHS in the Philippines.
Pero napalapit pa siya sa mabait na si Tito Ricky at sa unique nitong spoiled
brat. He couldnt help it. Napakadaling irespeto, hangaan at mahalin ni Tito
Ricky.
Habang ang anak nito ay ibang kaso naman.
Nag-iisang anak at sunod sa luho ng ama, inakala niyang isang classic
spoiled brat ang daratnan niya at ang behavior nito sa kanya sa simula ay
parang tumugma roon. Masungit, palamukmok, palasigaw kapag may
nangyaring hin di ayon sa gusto he did not know at first that she was going
through her very first heartbreak then the one that always cut the deepest.
8/8/2019 Noelle Arroyo - My Sweet Innocent Lovely Brat
14/14
Pero pagkatapos ng attempted kidnapping, naging masunurin itong parang
maamong tupa. Hindi siya nito pinahirapan maliban kung ang paghihigpit niya
ay nakakaapekto sa pag-aalala nito sa ama nito. Pagdating sa ama, hands on
ito. Minsan nga hindi niya masabi kung sino ang nag-aalaga kanino.
He was grateful that she has stopped having nightmares about the shooting,
though.
Hanggang sa nakilala rin niya ang tunay na Carla. She was bratty, yes. Pero
responsable ito, masunurin, mapagmahal at hindi ito matatawag na maluho at
all. She did have the best that money could buy but she knew and protected
whats important to her at hindi iyon salapi kundi ang pamilya. She was fiercely
protective of her father and if her mother hadnt died, mahuhulaan pa rin kung
gaano nito ito kamahal dahil religiously maliban kung may bagyo, every other
weekend ay dumadalaw pa rin ito sa puntod ng ina at nagdadala rito ng mga bulaklak na paborito nito noong nabubuhay pa.
Yes, she was something. Pero hindi niya iyon kailanman pwedeng sabihin.
Ang kanilang relasyon ay strictly platonic. Natakot ito sa kanya noong nakita
nitong kaya niyang pumatay ng tao.
Might as well. Mas nakakatulong ang maging impersonal sa kanyang
trabaho. Alam niyang mahihirapan siya kapag dumating na ang sandali na
kailangan na niyang bumalik sa America. He knew he was going to miss her
when hes back home. Hindi niya gustong lumampas pa iyon sa missing.
Mula noong unang attempt, wala na muling nagtangka nang masama sa
mag-ama. Nasanay nang ligtas si Carla kaya siguro akala lang nito, naghigpit
bigla ang ama dahil ng mga gabi na nitong pag-uwi mula sa mga lakad nito
noong isang linggo. Pero hindi magtatagal ay makakahalata ito.
Hindi natural na mahigpit o istrikto ang daddy nito. Carla could be pretty
smart when she wanted to be, at especially sensitive ito sa ama nito.
Makakahalata rin ito na may tinatago dito si Tito Ricky.
Na sa malas ay totoo.
Bumalik na naman ang mga death threats, at mas nakakatakot ang mga
iyon kaysa huli.
Recommended