View
18.444
Download
10
Category
Preview:
Citation preview
Politeknikong Unibersidad ng PilipinasKolehiyo ng Pagnenegsyo
Sta. Mesa, Maynila
“EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-
AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG I.T. SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD
NG PILIPINAS TAONG PAMPAARALAN 2010-2011”
Bilang pagtugon sa kahingian sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik.
(FILI 1023)
Mga Mananaliksik
Bernales, RachelConde, Joan
Crisologo, LacelEscalera, Angelique
Gonzalbo, MaybellynMacayanan, Nathaniel Angelo
Maňalac, MarjorieVillasin, Jennifer Joy
Viray, Kevin
BSBA-HRDM 1-6N
Bb. Mayluck A. Malaga
Marso 2011
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pasasalamat
Paghahandog
Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN
Panimula
Kaligirang Kasaysayan
Balangkas Teoretikal
Balangkas Konseptual
Paglalahad ng Suliranin
Hipotesis
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Katuturan ng mga Salitang Ginagamit
Kabanata II MGA KAUGANAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Banyagang Literatura
Banyagang Pag-aaral
Lokal na Literatura
Lokal na Pag-aaral
Kabanata III PARAANG GINAMIT
Pamamaraang Ginamit
Populasyon at bilang nito
Paraan ng pagpili ng kalahok
Instrumentong gagamitin
Paraan ng pangangalap ng datus
Uri ng gagamiting estastika
Kabanata IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAHALAGA SA MGA
DATOS
Kabanata V PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT
REKOMENDASYON
MGA TALAHANAYAN
1. GAMIT NA WALA SA LOOB NG INYONG KOMPYUTER LABORATORYO
2. KABUUAN KOMPYUTER SA LABORATORYO
3. BIALNG NG BAGONG KOMPYUTER SA LABORATORYO
4. PAGGAMIT NG KOMPYUTER (ISNG MAG-AARAL SA ISANG
KOMPYUTER)
5. BILANG NG NAGHAHATI SA KOMPYUTER
6. PAGKAKAROON NG TEKNIKAL NA PROBLEMA SA MGA KOMPYUTER
7. EPEKTO NG KAKULANGAN NG KOMPYUTER
8. DAHILAN NG KAKULANGAN NG KOMPYUTER SA INYONG
LABORATORYO
9. KAHALAGAHAN NG KOMPYUTER SA LOOB NG LABORATORYO
10. KAHALAGAHAN NG KOMPYUTER SA PAG-AARAL
PASASALAMAT
Ang pag-aaral na ito sa mga “EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA
PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG I.T. SA
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS” ay hindi posibleng magawa at
matapos ng wala ang tulong ng mga sumusunod at suporta ng mga sumusunod na tao na lubos na
pinasasalamatan ng mga mananaliksik.
Una, ang Panginoong Diyos na syang nagbigay ng kalakasan at kaalaman sa bawat
mananaliksik at siyang gumabay sa bawat mananaliksik bago at pagkatapos ng pananaliksik na
ito.
Pangalawa, sa bawat magulang ng mga mananaliksik; Kay G. at Gng. Bernales, G. at
Gng. Conde, G. at Gng. Crisologo, G. at Gng.Escalera, G. at Gng. Gonzalbo, G. at Gng.
Macayanan, G. at Gng. Maňalac, G. at Gng. Villasin, G. at Gng. Viray, na siyang sumagot sa
pinansyal na pangangailangan ng bawat mananaliksik matapos lamang itong pananaliksik, ganun
din ang suporta at nahikayat sa bawat mananaliksik na tapusin ang pananaliksik na ito.
Kay Bb. Mayluck A. Malaga, na siyang tumulong at gumabay sa bawat mananaliksik
bago at matapos ang pananaliksik na ito.
Sa bawat kapatid ng mananaliksik na tumulong at nagbahagi ng mga kaalaman sa upang
lalong mapaganda at maayos ang pananaliksik na ito.
Sa mga mag-aaral sa kagawaran ng I.T. ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na
nagsilbi bilang mga tagatugon sa ginawang surbey ng mga mananaliksik.
Maraming Salamat sa inyong lahat, sa oras na inilaan para sa mga mananliksik.
PAGHAHANDOG
Ang pananaliksik na ito tungkol sa “Epekto sa pag-aaral ng kakulangan sa pasilidad ng
mga mag-aaral sa unang taon ng kursong I.T. sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas” ay
inihahandog ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na tao na siyang naging dahilan at
inspirasyon sa bawat mananaliksik upang magawa ng mabuti ang pag-aaral na ito.
Una, sa Panginoong Diyos nating lahat na laging nandyan, nagbigay kalakasan at
kaalaman sa bawat mananaliksik. Gumabay sa bawat hakbang na gagawin ng mga mananaliksik.
Pangalawa, sa bawat pamilya ng mananaliksik na nagbigay ng suporta hindi lang
pinansyal maging pisikal at emosyonal na pangangailangan.
Kay Bb. Mayluck A. Malaga, na siyang gumabay sa bawat mananaliksik ay sya ring
tumulong at nagbahagi ng kanyang kaalaman upang lalong maayos at mapaganda ang
pananaliksik na ito.
Sa kapwa mag-aaral ng mga mananaliksik na lubusang nagsisikap at nagsusunog ng kilay
sa pag-aaral.
Sa mga mag-aaral ng I.T. sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagsisikap kahit
na may kakulangan sa mga pasilidad sa kanilang kagawaran.
KABANATA I
PANIMULA
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “EPEKTO SA PAG-AARAL NG
KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG
KURSONG I.T. SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS” ay naglalayong
alamin ang epekto sa kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral ng I.T. negatibo man o positibo
ang mga ito.
Isa sa mga tunay na ipinagmamalaki ng kurso ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
(PUP) ang kursong Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) na sakop sa
kagawaran ng I.T. Sa pag-aaral ng kursong ito kailangan talaga ng mga laboratoryo ng
kompyuter. Ang kursong ito ay sadyang sensitibo, sa kursong ito papasok ang pag-poprogram sa
kompyuter, kung walang kompyuter, walang I.T., at kung walang I.T. walang kompyuter. Isa
ding dahilan kung kaya’t maraming mag-aaral na nahuhumaling na pasukin ang kursong ito,
dahil sabi nga “in demand” ang kursong nabanggit.
Gaano nga ba kahalaga ang kompyuter at maayos at kompletong pasilidad ng isang
unibersidad para sa mga mag-aaral ng I.T.? Sa pananaliksik na ito nais ng mga mananaliksik na
alamin ang mga kakulangan sa pasilidad at ang mga epekto nito sa bawat mag-aaral sa
kagawaran ng I.T. sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sapat nga ba ang Budget ng
Gobyerno para sa mag-aaral ng nasabing kagawaran.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay naitatag noong 1904 at unang tumanggap
ng akreditasyon noong 1900. Ang kasalukuyang pangulo ay si G. Dante G. Guevara, ito ay
nagsimula bilang Manila Business School (MBS) noong Oktubre taong 1904 at ang mga
naunang naituro ay Typing, Bookkeeping, Stenography, at Telegraphy. Marami sa mga naging
mag-aaral nito ay galing sa mga probinsya kung kaya ang MBS ay ginawang isang pambansang
paaralan at noong taong 1908 ito ay pinalitan bilang Philippine School of Commerce (PSC),
taong 1904, ang pagiging isang pamantasang pang-komersyo nito ay tumawag sa pansin ni
pangulong Manuel L. Quezon na nangakong ipaparating sa Pambansang Kapulungan (National
Assembly) ang nais nitong magkaroon ng isang gusali para dito. Naaayon sa Presidential Decree
1341, ang kolehiyo ay pinangalanang Polytechnic University of the Philippines (PUP) at naging
udyok upang mas pagibayuhin ang mga tinuturong kaalaman at kasanayan.
(www.wikipedia.com)
Taong 1997 ng pasimulan ang PUPWebsite Project na kinilala naman ng pangulong
Fidel V. Ramos. Ang proyektong ito ay nagsimula lamang bilang isang pag-aaral ng grupong
Abyss Creative Group. Ito ang panahon na napalitan ang kursong Bachelor in Information
Technology (BIT) bilang Bachelor of Science in Computer Science at ang Bachelor in Data
Computer Processing and Management (BDCPM). Ang PUPWebsite Project ay pinalitan bilang
PUPWebsite at nailunsad noong Enero 27 taong 1998 sa Geocities.com. (www.google.com)
Ang Information Technology Center ay itinatag sa pamamagitan ng tulong ng pangulong
Joseph Estrada na ngayon ay itinuturing na Implementing Program ng IT21 Project ng
Pamahalaang Nasyonal. “Marami pong mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas ang nangako sa
PUP ngunit si Pangulong Estrada po lamang ang siyang tumugon upang maisakatuparan ang
aming ICT Center, na naging income generating project ng Unibersidad sa pamamagitan ng
mga kontrata nito sa Philhealth at iba pang sangay ng pamahalaan”, ayon kay Dr. Guevara.
(www.pup.edu.ph)
Sa kasalukuyang panahon isang suliranin ang kinahaharap ng ilang mga mag-aaral ng
kursong I.T. ito ang kakulangan ng mga pasilidad. Sa patuloy na paglipas ng panahon patuloy
din ang pagdami ng mga mag-aaral na gustong makapag-aral sa PUP na kumukuha ng kursong
I.T. kaya maaaring naging dahilan din ito kung bakit unti-unting hindi nagiging sapat ang mga
pasilidad para sa ilang mga mag-aaral ng kursong I.T., at isa pa sa higit na dahilan ang kawalan
ng badyet para magkaroon ng sapat na ma pasilidad.
Niyanig ng mag Iskolar ng Bayan ang kahabaan ng Shaw building, kinalampag ang
opisina ng Commission on Higher Education (CHED) upang iparating sa mga miyembro ng
Board of Regents (BOR) ang galit at pagtuligsa na mga mag-aaral sa Anti-estudyanteng
patakaran at olisiya ng Administrasyong Guevara. Hinda pa dito nagtatapos ang laban ng mga
Iskolar ng Bayan. Hinding-hindi maaayos ang mga pasilidad ng PUP kung hindi ito ipaglalaban.
Kailangang manindigan at ipanawagan ang mas mataas na budget ng PUP at sa sector ng
edukasyon.(www.pup.edu.com)
Dahil sa suliraning ito na kinahaharap ng ilang mga mag-aaral ng I.T. na kakulangan ng
mga pasilidad ang mag mananaliksik ay handang tumulong at gumawa ng mga hakbangin kung
paano mareresulbahan ang ganitong isyu.
BALANGKAS TEORETIKAL
HERZBERG TWO FACTORY THEORY
Ang Herzberg Two Factory Theory ay nagmula kay Frederick herzberg. Tulad ng ilang
mga tao ay wala siyang sapat na edukasyon pero humanap siya ng ibang paraan para makamtan
niya ang karanungang inaasam. Libro, iyon ang paraan niya. Dahil sadyang matalino ay nakilala
siya. At ayon sa kanya ay may dalawang motibasyon na tumutulong sa kanya. Ito ang kanyang
teorya na tinaguriang Herzberg Two Theory Factory.
INTRINSIC MOTIVATION- direktang motibasyon ng kaisipan o damdamin na tinataglay ng
mga taong kulang sa mga kinakailangang bagay. Dulot nito, mas lalo niyang itinatatak sa isipan
niya na kailangan niyang magsikap para magkaroon siya ng ganoong bagay.
EXTRINSIC MOTIVATION- motibasyon na nagmula sa motibasyon ng intrinsic motivation.
Ngunit dito isinasakilos ng isang tao ang inaasam niyang pangyayari. Humahanap siya ng mga
bagay na katumbas ng kulang na bagay na ito para matugunan ang kanyang mga ikinakailangan.
Sa ilalim naman ng Extrinsic motivation ay ang trabaho na ayon sa sarili,
resposibilidad at pagsulong. Ayon sa paraan na ginamit dito ng isang tao para makahanap ng
katumbas na bagay na gusto niya ay iyong naayon sa kanyang sarili. Itinuturing din niya itong
resposibilidad para patunayan sa lahat na kahit salat sa maraming bagay magtatagumpay siya
patungo sa pagsulong. (Essential of Human Behavior in Organization – Samuel Mejia Salvador
at Ellinor Fua-Geronimo)
BALANGKAS KONSEPTUAL
Ang kakulangan ng pasilidad ng kompyuter ay lubhang nakakapekto sa
kasanayan ng isang mag-aaral. May ilang napapasama sa pag-aaral, mayroon din namang mas
mapapabuti. Sa Herzberg Two Theory ay napapabuti ang isang mag-aaral dahil sa kakulangang
nararanasan niya.
HERZBERG TWO THEORY FACTORY
EXTRINSICINTRINSIC
ADVANCEMENTRESPONSIBILITYRECOGNITION ACHIEVEMENTS
WORKITSELF
POSSIBILITY OF GROWTH
KAKULANGAN NG PASILIDAD
SATISFACTION
Sa Treoryang ni Herzberg ay may anim na sanhi ang motibasyon. Ang tatlo na
nasa ilalim ng intrinsic motivation ay ang pagkilala, tagumpay at posibilidad ng pag-unlad. Ito
ang mga emosyong sumusukob sa atin. Ang kagustuhan nating makilala sa pamamagitan ng
pagsisikap, tagumpay na inaasam ng bawat isa at ang posibilidad ng paglaki natin hindi lamang
sa pisikal na aspeto kundi maging sa emosyonal at sosyolohikal. Ang pinakapuno’t dulo nito ay
ang makamtan natin ang mga bagay na ating inaasam kahit pa kulang tayo sa mga material na
tumutulong sa ating edukasyon.
Sa ilalim naman ng Extrinsic motivation ay ang trabaho na ayon sa sarili,
resposibilidad at pagsulong. Ayon sa paraan na ginamit dito ng isang tao para makahanap ng
katumbas na bagay na gusto niya ay iyong naayon sa kanyang sarili. Itinuturing din niya itong
resposibilidad para patunayan sa lahat na kahit salat sa maraming bagay magtatagumpay siya
patungo sa pagsulong.
Kapag nagsama ang dalawang motibasyon na ito ay mapupunuan kung ano ang
mayroon na pagkukulang. Matatamasa natin ang kalugod-lugod na kalagayan. (Essential of
Human Behavior in Organization – Samuel Mejia Salvador at Ellinor Fua-Geronimo)
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito na tumatalay sa mga “EPEKTO SA PAG-AARAL NG
KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG
KURSONG I.T. SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS” ay nais lamang
talakayin ang mga sumusunod na katanungan mula sa mga mananliksik na nababalot sa
kagawaran ng I.T. sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
a. Ano nga ba ang mga kakulangan ng gamit ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
na tunay na mahalaga at pangangailangan ng isang mag-aaral sa nasabing kagawaran?
b. Paano nakakaapekto ang kakulangan ng kompyuter sa inyong laboratoryo?
c. Bakit mahalaga ang kumpletong pasilidad sa loob ng inyong kompyuter laboratoryo?
d. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa inyong laboratoryo?
Ang pananaliksik na ito ay umiikot lamang sa mga nasabing katanungan upang
makapagsagawa ang bawat mananaliksik ng isang malalim at malinaw na pagkaunawa ng
karampatang pag-sasaayos at sagot sa mga suliraning nabanggit sa kagawaran ng I.T. ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
HAYPOTESIS
Napakalaking papel ang ginagampanan ng mga kagamitan pangteknolohiya sa mga mag-
aaral ng PUP kaya malaki ang epekto ng kakulangan ng kagamitan pang teknolohiya nito sa mga
pasilidad nito sa mga mag-aaral, lalo na sa mga mag-aaral na kumukuha ng degree sa I.T.. Dahil
sa kakulangan ng mga kagamitan pang-teknolohiya tulad ng kompyuter sa mga pasilidad nito ay
hindi masyadong nagkakaroon ng aktwal na aplikasyon ang mga mag-aaral sa mga paksang
tinatalakay nila hinggil sa kanilang kurso, kung kaya mahirap matiyak kung talagang alam ng
lahat ng mga magaaral ng kolehiyong ito kung paano gawin ng aktwal ang kanilang natutunan.
Nagpapababa ito ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng mga kaalaman pang-
teknolohiya. Pinapabagal din nito ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang
espesyalisasyon. Malaki ang pagkakaiba ng nababasa lamang sa aktwal na aplikasyon .
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay tungkol sa mga “Epekto sa pag-aaral ng
kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong I.T. sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas” ay nais lamang isa-isahin at alamin ang mga problemang bumabalot at
pinagdadaanan ng mga mag-aaral ng Information Technology sa Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas. Sinasabi ngang isa ito sa mga mahirap na kurso na dapat tutukan talaga, ngunit paano
nga ba matatawag na I.T. expert ang isang mag-aaral ng kursong ito kung sa kanyang apat na
taon ng pag-aaral ay mararanasan nila ang kakulangan ng pasilidad ng kanilang Departamento.
Malaki ang kinalaman ng Teknolohiya sa kursong ito. Nakadikit nga ang salitang Teknolohiya sa
kurso nilang Information Technology. Gaano nga ba kahalaga sa isang mag-aaral ng I.T. ang
maayos at kumpletong pasilidad para sa kanilang pag-aaral. Sa pananaliksik na ito, nais lamang
ng mga mananaliksik na alamin at pag-aralan ang buhay ng mga mag-aaral ng I.T. Idagdag na
din ang posibilidad na lalo pang maayos at mapaganda ang pasilidad ng kagawaran para sa mga
mag-aaral ng Information Technology sa Politeknikong unibersida ng Pilipinas.
Sa mga Mananaliksik
Sa pananaliksik na ito na pinamagatang "EPEKTO NG KAKULANGAN SA
PASILIDAN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KAGAWARAN NG I.T.
SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG PAMPAARALAN
2010-2011 " ay nakangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik na nagsilbi upang lalo
pang madagdagan ang kaalaman ng bawat isa at maintindihan ng lubos ang mga mag-aaral ng
kagawaran ng I.T., at ang tunay na kahalagahan ng kumpleto at maayos na pasilidad para sa
nasabing kurso.
Sa mga Mag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang imulat ang bawat isipan ng mga mag-
aaral sa tunay na kahalagahan ng edukasyon at ng kahalagahan ng maayos at kumpletong
pasilidad para sa mga mag-aaral at nang sa gayun ay makapag-bahagi rin ang mag-aaral sa
kapwa nila mag-aaral tungkol sa maayos na pasilidad at gayun na din sa kagawaran ng I.T.
Sa mga Magulang
Ang pag-aaral na ito ay para din sa mga magulang ng bawat mag-aaral lalo ang mga mag-
aaral sa kagawaran ng I.T. Upang magabayan at lubos na maipaunawa ng bawat magulang sa
kanilang mga anak ang tunay na kahalagahan ng Ed ukason upang lalo pang magsumikap ang
mga mag-aarala sa sa kanilang pag-aaral sa kabila ng kakulangan ng pasilidad ng kanilang
kagawaran.
Sa mga Guro
Ang pananaliksik na ito ay upang makatulong ang bawat guro ng uniersidad sa bawat
estudyante sa pamamagitan ng pagtuturo ng maayos at lalo pa nilang pagbutihan ang pagbigay
kaalaman sa bawat mag-aaral at upang maipaunawa sa bawat mag-aaral ang kahalagahan ng
Edukasyon upang lalo mag-0sumikap pa sa bawat mag-aarala sa kabila ng kakulangan ng
pasilidad ang kanilang kagawaran.
Sa PUP
Ang pag-aaral na ito ay upang makatulong sa komunidad ng PUP at upang lalo pang
pagandahin at ayusin ng Administratibo ng unibersidad ang bawat kagawaran sa bawat kurso ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas upang lalo pang makilala ang unibersidad sa magandang
kalidad ng Edukasyon sa kabila ng mababang matrikula.
SAKLAW AT LIMITASYON
Saklaw ng pananaliksik at pag-aaral na ito ang pangangalap ng impormasyon at kaalaman
na pumapaksa sa mga epekto ng kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan pang- teknolohiya
sa mga computer room sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa mga mag-aaral lamang ng
I.T. taong 2010-2011, sa lahat ng antas (piling estudyante lamang).
Saklaw din ng pananaliksik na ito ang mga nakalimbag na kaalaman sa aklat ng
sociology at psychology, at mga piling libro tulad ng ; “College and University Facilities”,
“Planning and Managing School Facilities 2nd Edition” , “Sociology: Focus on the Philippines”,
at maging ang mga impormasyon at kaalaman nakuha at sinaliksik sa loob ng internet.
Saklaw din ng pananaliksik na ito ang mga personal na kaalaman, damdamin, saloobin at
pahayag ng mga mag-aaral ng I.T.,sa lahat ng antas (piling estudyante lamang). ito ay nakuha at
nailimbag sa pamamagitan ng mga pinasagutan survey questionaire sa mga mag-aaral ng I.T., na
tinipon at pinagsamasama.
KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT
Sarbey- paraan ng pagnognolekta ng mga inpormasyon sa iba’t-ibang tao.
Kompyuter- isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na
maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal.
Laboratoryo- ay isang pasilidad na nagbibigay ng mga kontrol na kondisyon na pang-agham na
pananaliksik, mga eksperimento, at pagsukat sa maaring maganap
Teknolohiya- ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at
paglapat ng mgakasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng
mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa
sa agham at inhinyeriya.
Information Technology-
Unibersidad- isang institusyon ng may mas mataas na edukasyon at pananaliksik, na nagbibigay ng
akademikong antas sa isang iba't ibang mga paksa. Unibersidad ay isang korporasyon na nagbibigay
ng parehong mga undergraduate na edukasyon at postgraduate edukasyon. Ang mga salita sa
unibersidad ay nagmula mula sa Latin magistrorum universitas et scholarium, halos ibig sabihin
"komunidad ng mga guro at iskolar”.
Pasilidad- ay isang material na bagay na makikita sa loob at labas ng bahay. Yulad ng
kompyuter, aircon, ilaw at T.V. Monitor.
Pananaliksik- ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong
sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-
alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng
hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok
sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong
mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo).
Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan,
dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang
bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
KABANATA II
BANYAGANG LITERATURA
Ayon sa nalimbag na aklat “College and University Facilities” ni David J. Hueman
noong 2003 bawat pasilidad sa isang paaralan o unibersidad ay mahalaga. Malaki ang
naitutulong nito para mas madebelop ang mga kakayahan ng bawat mag-aaral. Tinalakay din dito
na dapat angkop ang disenyo ng bawat gusali para mas maging kaaya-aya sa paningin ng mga
mag-aaral, kasama narin ang tibay ng mga ito.
Isa rin sa mahalaga at nakakaapekto sa pagkakaroon ng magandang pasilidad ay ang mga
tinatawag na “State Regulators”, na binaggit sa librong “Planning and Managing School
Facilities 2nd Edition ni Teodore J. Rowalski.noong 2003. Ang mga State Regulators ang unang
gumawa ng mga hakbangin para sa pagpaplano sa mga unibersidad at eskwelahan, halimbawa
nito ang kagawaran ng Edukasyon at Commision on Higher Education (CHED). Ayon pa kay
Kowalski malaki ang nagiging epekto nila sa pagkakaroon ng maganda at maayos na pasilidad ng
isang unibersidad dahil ang mga State Regulators na ito ang isa sa mga may hawak ng badyet
para sa mga unibersidad at paaralan.
Ayon kay Lyod et al noong 1987 karamihan sa mga babaeng mag-aaral
ay hindi tiwala sa kanilang abilidad sa paggamit ng kompyuter kumpara sa
mga kalalakihan, ayon ito sa aklat na “Education, Technology, Power” nila
Hank Bromley at Michael W. Apple, nalimbag noong 1998. Mas maraming
lalaki ang nagsasabi na madali lang ang paggamit ng kompyuter. Tinalakay
din ang tinatawag na “computer anxiety” o takot sa pagkatuto at paggamit
ng kompyuter. Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Campbell noong 1988
mas maraming babae ang may computer anxiety kumpara sa mga lalaki.
LOKAL NA LITERATURA
Ang edukasyon ay tinutukoy bilang isang paghahanda para sa epektibong pakikilahok sa
panlipunang relasyon. Ito ay malinaw na ang edukasyon ay pangunahing kadahilanan para sa
paglago ng ekonomiya. Ito ay ayon sa “Sociology: Focus on the Philippines” ni Isabel Procopio
at Adelisa Raymundo. Tinalakay din dito na sa pamamagitan ng internet nauugnay ang bawat
kompyuter sa buong mundo, dahilan ito para magkaroon ng epekto sa impormasyong
teknolohikal. Ito ay tumutulong upang mabilis na makakuha ng mga akademikong impormasyon.
Ayon sa aklat na “Education Psychology” nila Gaudencio V. Aquino at
Perpetua U. Razon na nilimbag noong 2000, malaki din ang ginagampanang
papel ng mga guro at dalubguro para sa pagkatuto ng nga mag-aaral.
Kailangan na maging bukas ang mga guro sa kanilang mga mag-aaral para
mas madali silang magkaintindihan. Mas mainam din kung ang mga guro at
dalubguro ang mangunguna sa paggamit ng mga teknolohiya sa pagtuturo
mas nakadaragdag ito ng kaalaman at mas nagiging malinaw sa mga mag-
aaral ang kanilang pinagaaralan
Sa aklat naman na “Educational Psychology: textbook for college
students in psychology” ni Adelaida C. Gines et al. na nilimbag noong 1998,
na ang mga aktibidad na ginagawa sa isang paaralan ay nakadaragdag o
nakakapagdebelop ng abilidad ng isang mag-aaral. Tinalakay din dito na ang
paggamit ng mga teknolohiya sa pag-aaral ay nakakabuti sa mag mag-aaral,
mas nabibigyan sila ng mga realistikong imahe.
KABANATA III
PARAANG GINAMIT
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "EPEKTO NG KAKULANGAN SA
PASILIDAN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KAGAWARAN NG I.T.
SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG PAMPAARALAN
2010-2011 " ay gumamit ng random sampling sa pag-sarbey sa mga mag-aaral sa kursong
Information Techology (I. T.) at Computer Science (ComSci) ng kagawaran ng College of
Computer Management in Information Technology (CCMIT).
Populasyon at Bilang nito
Ang mga mananaliksik ay pipili ng 100 respondente sa unang taon ng kursong
Information Technology (I.T.) at Computer Science (ComSci) sa kolehiyo ng CCMIT na silang
magsasagot ng mga mga inihandang katanungan paras a sarbey.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng random sampling sa pagpili ng mga respondente
na pinili sa kursong Information Technology (I.T.) at Computer Science (ComSci) sa kolehiyo ng
(CCMIT).
Diskripsyon n kalahok
Ang pag-aaral na ito ay pumili ng 100 na mag-aaral sa kagawaran ng I.T., kinabibilangan
ng kursong Information Technology (I.T.) at Computer Science (ComSci) sa Unang Taon.
Limangpung (50) ng Unang taon sa I.T. at limangpung (50) mag-aaral ng Unang Taon ng
Comsci.
INSTRUMENTONG GAGAMITIN
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "EPEKTO NG KAKULANGAN SA
PASILIDAN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KAGAWARAN NG I.T.
SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG PAMPAARALAN
2010-2011 " ay gumamit at naghanda ng talatanungan na ipapasagot sa mga mag-aaral ng
Information Technology at Computer Science upang matiyak ang mga tunay na kakulangan na
pasilidad sa kagawaran ng I.T.
PARAAN NG PANGANGALAP SA DATUS
Ang mga mananaliksik ay nakapangalap ng mga datus paras a pananaliksik na ito sa
tulong ng mga libro at iba pang uri ng pananaliksi sa silid aklatan ng Ninoy Aquino Library Sa
loob ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at sa National Library sa Maynila upang
magamit at makadagdag s kaalaman ng mga mananaliksik tunkol sa kahalagahan ng mga
pasilidad paras a mga mag-aaral.
URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA
Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "EPEKTO NG KAKULANGAN SA
PASILIDAN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KAGAWARAN NG I.T.
SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG PAMPAARALAN
2010-2011 " ay gumamit ng isang uri ng Estadistika na tinatawag na Frequency Distribution.
P = F/n x100
P- bahagdan
F- bilang ng sumagot
n- kabuuang bilang ng respondente
100- kbuuang bahagdan
Baryabol Bilang ng Respondente Bahagdan
Kabuuan 100 100%
KABANATA IV
TALAHANAYAN
Talahanayan blg. 1
Gamit na wala sa loob ng kompyuter laboratoryo
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. Aircon 52 52%
B. ilaw 0
C. Upuan 3 3%
At iba pa
Kompyuter 35 35%
Intrenet 2 2%
Projector 4 4%
TV monitor 1 1%
Outlet 1 1%
Hub 1 1%
Switch conector 1 1%
Kabuuan 100 100%
Talahanayan blg. 2
Kabuuan kompyuter sa laboratoryo
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. 10-20 piraso 64 64%
B. 20-35 piraso 7 7%
C. 35-50 piraso 5 5%
At iba pa
10 pababa 24 24%
Kabuuan 100 100%
Talahanayn blg. 3
Bialng ng Bagong kompyuter sa laboratoryo
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. 5-10 piraso 53 53%
B. 10-20 piarso 7 7%
C. wala sapagkat walang
pondong pambili37 37%
At iba pa
10 pababa 1 1%
20-30 1 1%
1-2 1 1%
Kabuuan 100 100%
Talahanayan blg. 4
Paggamit ng kompyuter (isng mag-aaral sa isang kompyuter)
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. Oo 1 1%
B. Hindi 94 94%
C. Hindi 5 5%
Kabuuan 100 100%
Talahanayan blg. 5
Bilang ng naghahati sa kompyuter
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. Dalawa sa isang
kompyuter11 11%
B. Tatlo sa isang
kompyuter52 52%
C. apat sa isang
kompyuter22 22%
At iba pa
Per batch 10 10%
Kabuuan 100 100%
Talahanayn blg. 6
Pagkakaroon ng teknikal na problema sa mga kompyuter
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. sa tuwing kami ay gagamit 22 22%
B. Isang beses pa lamang 35 35%
C. Hindi pa, dahil hindi namn
kami gumagamit4 4%
At iba pa 61%
Minsan 39 39%
Kabuuan 100 100%
Talahanayan blg. 7
Epekto ng kakulangan ng kompyuter
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. Hindi magawa ang mga
gawain sa tamang oras60 60%
B. Naghahati lang kami sa
kompyuter20 20%
C. Hindi magamit ng isahang
kompyuter sa isang mag-aaral20 20%
Kabuuan 100 100%
Talahanayan blg. 8
Dahilan ng kakulangan ng kompyuter sa inyong laboratoryo
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. kakulangan sa Pondo 73 73%
B. Tinitipid ng kagawaran
ang mga kompyuter
laboratoryo
16 16%
C. Ayaw nilang dagdagan 11 11%
Kabuuan 100 100%
Talahanayan blg. 9
Kahalagahan ng kompyuter sa loob ng laboratoryo
Baryabol Bialng ng sumagot Bahagdan
A. nakakatulong ito para
mapadali ang isang gawain81 81%
B. Para maraming
nakalagay sa kompyuter
laboratoryo
8 8%
C. Para s inspeksyon ng
ibang paaralan0 0%
At iba pa
Nangunguna sa kurso naming 1 1%
Para makapag program 1 1%
Matuto maiigi ang mag-
aaral
1 1%
Kailangan sa kurso 8 8%
Kabuuan 100 100%
Talahanayan blg. 10
Kahalagahan ng kompyuter sa pag-aaral
A. Mapadali ang ga gawain 60 60%
B. Hindi mahihirapang
maghanap ng mga
takdang aralin sa silid-
aklatan
20 20%
C. Hindi mapapagod
magsulat para sa mga
sanaysay na susulatin at
mapapaganda
8 8%
At iba pa
Kailangan sa sabyek 10 10%
Para sa hand-on exam 4 4%
Nakakatulong sa pag-
aaral8 8%
Kabuuan 100 100%
PAGLALAGOM
Ang pag-aaral na ito ay may titulong "EPEKTO NG KAKULANGAN SA PASILIDAN
NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KAGAWARAN NG I.T. SA POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG PAMPAARALAN 2010-2011 " ay naglalayong masagot
ang mga inilalahad na suliranin
a. Ano nga ba ang mga kakulangan ng gamit ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na
tunay na mahalaga at pangangailangan ng isang mag-aaral sa nasabing kagawaran?
b. Paano nakakaapekto ang kakulangan ng kompyuter sa inyong laboratoryo?
c. Bakit mahalaga ang kumpletong pasilidad sa loob ng inyong kompyuter laboratoryo?
d. Gaano kahalaga ana pagkakaroon ng kumpletong pasilidad sa inyong laboratoryo?
Gumamit ang mga mananaliksik ng Random Sampling sa pangangalap ng datos na
binigyang interpretasyon sa pamamagitan ng talahanayan.
Samantalang sa pagkuha ng aktwal na sample ng mga respondente, ang mga
mananaliksik ay gumamit ng random sampling hanggang sa makuha ang akmang bilang na 100
na respondente gamit ang Frequency Distribution.
NATUKLASAN
Batay sa sagot ng mga respondente, natuklasan ang mga sumusunod:
1. 52% ay aircon ang may pinakamalaking bahagdan na gamit na wala sa loob ng
kompyuter laboratoryo at pumapangalawa dito ay 3% bahagdan ay sa ilaw
2. 64% na may sagot na 10-20 pirasong kompyuter ay ang may pinakamalaking
bahagdan na kung saan bilang ng kanilang kompyuter at pumapangalawa dito ay
7% na bahagdan ay 20-35 na piraso ng kompyuter.
3. 53% na may sagot na 5-10 piraso na kung saan ito ang may pinakamalaking
bahagdan at pumapangalawa ay 37% na bahagdan ang may sagot na wala,
sapagkat walang pondong pampili.
4. 94% na ang may pinakamalaking bahagdan na may sagot na hindi, dahil kulang
ang mga kompyuter sa laboratoryo at pumapangalawa ay 5% na bahagdan na may
sagot na hindi, dahil hindi sila gumagamit ng kompyuter.
5. 57% ang may sagot na tatlo sa isang sa isang kompyuter ang naghahati sa isang
kompyuter at ito ay ang pinakamalaking bahagdan, pumapangalawa ditto ay 22%
bahagdan na apat sa isang kompyuter.
6. 35% ang may pinakamalaking bahagdan kung saan na isang beses pa lamang
nagkakaroon ng teknikal na problema sa mga kompyuter at pumapangalawa ay
22% na tuwing sila ay gagamit.
7. 60% na may pinakamalaking bahagdan na kung saan hindi nila magawa ang
gawain sa tamang oras at pumapangalawa ay 20% bahagdan na naghahati ng
kompyuter at hindi magamit ng isahang kompyuter sa isang mag-aaral.
8. 73% ang may pinakamalking bahagdan na kung saan kaya nagaganap an gang
kakulangan ng kompyuter ay dahil sa kakulangan sa pondo at pumapangalawa ay
16% bahagdan na sinasabing tinipid sila ng kagawaran ng I.T.
9. 81% ang may pinakamalaking bahagdan na nakakatulong ang kompyuter para
mapadali ang isang gawain at 8% bahagdan na kung saan sinasabing para marami
ang nakalagay sa kompyuter laboratoryo.
10. 60% ang may pinakamalaking bahagdan para mapadali ang mga gawain sa
isang mag-aaral at 20% bahagdan para hindi mahirapang maghanap ng mga
takdang aralin sa silid-aklatan.
KONKLUSYON
Narito ang mga nabuong konlusyon base sa isinagawang pag-aaral:
Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang kompyuter, projector, at aircon
ang kulang na gamit sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na tunay na
mahalaga at pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral sa nasabing
kagawaran.
Napag-alaman ng mga mananaliksik na sa kakulangan ng kompyuter sa
isang laboratoryo, hindi magawa ng mga mag-aaral ang mga gawain sa tamang
oras.
Napag-alaman ng mga mananaliksik na mahalaga ang kumpletong pasilidad
sa loob ng laboratoryo dahil mas mapapadali ang mga gawain, hindi sila
mahihirapang maghanap ng mga takdang-aralin sa silid-aklatan, kailangan sa kurso
nila at para sa mga hands-on sa kanilang pagsusulit nila.
REKOMENDASYON
Batay sa kabuuang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik at mga
nakalap na datos mula sa sarbey ay inihain ang mga sumusunod na rejomendasyon:
Sa mga Mananaliksik
Sa minumungkahi sa bawat isa na kahalagahan na tunay na kahalagahan ng
edukasyon ay hindi masusukat sa kumpleto at ganda ng isang pasilidad ng
Unibersidad bagkus ito ay nasusukat sa kaalaman ng bawat mag-aaral, kung
kinukulang man tayo ng ilang mga material na bagay, lagi nating tatandaan na may
ilang alternatibong paraan para mapunan kung anuman ang pagkukulang na ito.
Isipin din nalang natin na kung noong unang panahon nga ay walang makabagong
teknolohiya, ay nakakaya ng mga mag-aaral, paano pa kaya ngayon na nabuhay
tayo sa taon ng teknolohiya. Masuwerte tayo dahil kahit hindi sapat sa atin ang
mga bagay na iyon ay mayroon namn tao kumpara sa iba.
Sa mga Mag-aaral
Sa mga mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas minumungkahi
ng mga mananaliksik na mabigyan na maging aktibo sa pakikibahagi sa pagsulong
ng kagamitan sa kompyuter laboratoryo. Dahil batay na din sa datos , lumabas sa
pagsusuri na 94% ang kabuuang bilang ng respondente ang sumagot na hindi sapat
ang mga materyales na ginagamit sa kompyuter laboratoryo, dahil doon malaki ang
apekto ito sa kanilang pag-aaral.
Sa mga Guro
Sa mga guro minumungkahi ng mga mananaliksik, na hindi man sapat ang
kagamitan sa kompoyuter laboratoryo, higit na mabibigyang tuon ang pagtuturo sa
mga mag-aaral.
Sa mga Magulang
Sa mga magulang minumungkahi ng mga mananaliksik, na bigyang pansin
at suporta ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Ipinapaunawa sa kanila na ang
kahalagahan ng edukasyon hindi nasusukat sa kumpleto at magandang pasilidad
bagkus sa kaalaman ng bawat mag-aaral.
Sa PUP
Minumungkahi ng mga mananaliksik na higit na makakatulong kung
kumpleto ang kagamitan sa kompyuter laboratoryo. Mabigyan solusyon ang
kakulangan sa pasilidad upang lalong makilala ang Unibersidad dahil sa
magandang kalidad ng edukasyon ng mababang matrikula.
KURIKULUMBITA
MACAYANAN, NATHANIEL ANGELO PAGALA#46a Lanzones St. Proj. 2, Quezon CityNathanMacayanan@ymail.com09484211293/09053268757
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :16Kasarian :lalakiKaarawan :Hulyo 23, 1994Lugar ng Kapanganakan :Urdaneta, PangasinanRelihiyon :KatolikoStatus Sibil :BinataPangalan ng Ina :Ma. Estela P. Macayanan
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :Anao High School Poblacion Anao, Tarlac 2006 – 2010
Elementarya :Dolores Ongsiako Central Elementary School Poblacion Anao, Tarlac 2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
“Seminar- Leadership Training SSG-JLGU 2010”
SpeakerIka-10 ng Hunyo taong 2010Anao High SchoolAnao, Tarlac
“Seminar- Barangay Newly Elected Official”Ika-17 ng Pebrero taong 2011GreenHouse PaniquiPaniqui, Tarlac
PANG-AKADEMIKONG KAHUSAYAN
3rd Year High School:1st Place Table Setting and Table Skirting (School Based)1st Place Sciene Fair Slogan Contest (School Based)
4th Year High School:3rd Place Table Setting and Table Skirting (School Based)2nd Place Speech Choir (School Based)2nd Place Business Planning (Cluster Level)8th Place Copy Reading and Headline Writing (Division Level)2nd Place Science Fair Slogan Contest (School Based)2nd Place Science Fair Logo Contest (School Based)
GONZALBO, MAYBELLYN GALIT2098 rd. 9 NDC Comp. Sta. Mesa ManilaMGGonzalbo_4N@yahoo.com09057379594
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :17Kasarian :BabaeKaarawan :Agosto 23, 1993Lugar ng Kapanganakan :Urdaneta, PangasinanRelihiyon :KatolikoStatus Sibil :DalagaPangalan ng Ama :Florencio M. GonzalboPangalan ng Ina :Lorelyn G. Gonzalbo
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :St. Blaise Community Academy Poblacion San Luis, Batangas 2006 – 2010
Elementarya :San Luis Central Elementary SchoolPoblacion San Luis, Batangas2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
PANG-AKADEMIKONG KAHUSAYAN
1st Year High School:3rd Place Science Essay Writing
BERNALES, RACHEL MOLINA1283 Int. 7A Tambunting St. Sta. Cruz, Manilaethelicious_atzaka@yahoo.com09309456077
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :16Kasarian :BabaeKaarawan :Abril 15, 1994Lugar ng Kapanganakan :MaynilaRelihiyon :KatolikoStatus Sibil :DalagaPangalan ng Ama :Edgar F. BernalesPangalan ng Ina :Elena M. Bernales
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :F.G. Calderon High School Hermosa St. Sta Cruz, Manila 2006 – 2010
Elementarya :F.G. Calderon Integrated Elementary School Hermosa St. Sta. Cruz, Manila 2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
PANG-AKADEMIKONG KAHUSAYAN
1st Year High School:8th Honor
2nd Year High School:2nd Honor
4th Year High School1st Place Slogan Making Contest5th Honorable Mention
VIRAY, MARK KEVIN BALOCA646 Del Monte Ave., Quezon CityKevin.Baloca@yahoo.com09092302604
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :18Kasarian :LalakeKaarawan :Nobyembre 29, 1992Lugar ng Kapanganakan :Hospital of San Nicolas PangasinanRelihiyon :KatolikoStatus Sibil :BinataPangalan ng Ama :Henrico Z. VirayPangalan ng Ina :Ruby B. Viray
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :San Nicolas Nationanl High School Patricio St. San Nicolas, Pangasinan 2006 – 2010
Elementarya :East Central Elementary School Patricio St. San Nicolas, Pangasinan 2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
PANG-AKADEMIKONG KAHUSAYAN
1st Year High School:8th Honor
2nd Year High School:6th Honor
3rd Year High School:6th Honor
4th Year High School:4th Honorable Mention3rd Place Hat Weaving (Division Level)3rd Ploce Modulo Art (Division Level)
CONDE, JOAN MANATA2196 Sobriedad Ext. Sampaloc, MaynilaAnjo_conde@yahoo.com7432-2874
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :17Kasarian :BabaeKaarawan :Setyembre 23, 1993Lugar ng Kapanganakan :Panoypoy Camalig, AlbayRelihiyon :KatolikoStatus Sibil :DalagaPangalan ng Ama :Alberto N. CondePangalan ng Ina :Susan M. Conde
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :Panoypoy High School Panoypoy Camalig, Albay 2006 – 2010
Elementarya :Panoypoy Elementary School Panoypoy Camalig, Albay 2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
PANG-AKDEMIKONG KAHUSAYAN
1st Year High School:2nd Honor
2nd Year High School:2nd Honor
3rd Year High School:2nd Honor
4th Year High School:Salutatorian
MAŇALAC, MARJORIE SERPA JUANBlk. 13 Lot 10 Mangosteen St. Dividend Homes Taytay, Rizalmarjorie.manalac@yahoo.com09157864793
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :17Kasarian :BabaeKaarawan :Disyembre 21, 1993Lugar ng Kapanganakan :Taytay, RizalRelihiyon :Born Again ChristianStatus Sibil :DalagaPangalan ng Ama :Rodante D. MaňalacPangalan ng Ina :Adelanda SJ. Maňalac
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High SchoolCabrera Road Kaytikling Brgy. DoloresTaytay, Rizal 2006 – 2010
Elementarya :Muzon Elementary SchoolMuzon Taytay, Rizal
2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
ESCALERA, ANGELIQUE CAMARINO115 Blk. 56 Pipino St. Brgy. Tumana, Marikina Cityangelique_escalera@yahoo.com09261784345/09126269203
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :17Kasarian :BabaeKaarawan : Pebrero 1, 1994Lugar ng Kapanganakan :Concepcion, Marikina CityRelihiyon :KatolikoStatus Sibil :DalagaPangalan ng Ama :Marcino B. EscaleraPangalan ng Ina :Jemina C. Escalera
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :Concepcion Integrated School Secondary LevelJ.P. Rizal St. Concepcion I, Marikina City 2006 – 2010
Elementarya : Concepcion Integrated School Elementary LevelJ.P. Rizal St. Concepcion I, Marikina City2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
PANG-AKADEMIKONG KAHUSAYAN
1st Year High School:3rd Place Essay Writing Contest
VILLASIN, JENNIFER JOY REYES805 Coral St., Dagupan Tondo,ManilaJennyVillasin@yahoo.com09323649041
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :16Kasarian :BabaeKaarawan : Marso 26,1994Lugar ng Kapanganakan :MaynilaRelihiyon :Born Again ChristianStatus Sibil :DalagaPangalan ng Ama :Jesus L. VillasinPangalan ng Ina :Emma R. Villasin
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :Florentino Torres High School J.Luna St., Gagalangin Tondo,Manila 2006 – 2010
Elementarya :Palasinan Elementary School Palasinan Cabiao, Nueva Ecija
2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
CRISOLOGO, LACEL ANNE FRIAS806 R.Mata St. San Cuillermo Morong, RizalCrisologolacelanne@yahoo.com09066798870
KALIGIRANG PANSARILI
Edad :17Kasarian :BabaeKaarawan : Hunyo 15, 1993Lugar ng Kapanganakan :Morong RizalRelihiyon :KatolikoStatus Sibil :DalagaPangalan ng Ama :William F. CrisologoPangalan ng Ina :Cecilia F. Crisologo
KALIGIRANG PANG-EDUKASYON
Kolehiyo :Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila 2010 – Kasalukuyan
Sekondarya :San Guillermo National High School San Guillermo Morong, Rizal 2006 – 2010
Elementarya :San Guillermo Elementary School San Guillermo Morong, Rizal
2000 – 2006
KALIGIRANG PAMPROPESYONAL
“Seminar- HR Convention Summit 2011”Ika-1 ng Marso taong 2011Bulwagang BalagtasPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar-I Dare Human Resource Seminar”Ika-9 ng Marso taong 2011Claro M. Recto HallPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, Maynila
“Seminar- GO Negosyo”Ika-26 ng Setyembre taong 2010World Trade CenterPasay City
PANG-AKDEMIKONG KAHUSAYAN
1st Year High School:4th Honor
2nd Year High School:3rd Honor
3rd Year High School:4th Honor3rd Place Chearleading Competition
4th Year High School:2nd Honorable MentionLeadership Awardee1st Place Quiz Bee Physics (School Based)Journalism (Division Level)
Recommended