View
4
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
DRIVING DRIVING DRIVING DRIVING SCHOOL MANUALSCHOOL MANUALSCHOOL MANUALSCHOOL MANUAL
PARA SA PARA SA PARA SA PARA SA
MECHA UNITS PILOTSMECHA UNITS PILOTSMECHA UNITS PILOTSMECHA UNITS PILOTS
Published by Tabletop Systems Ltd. Art Directions: Christian Bruni, Davide Coletti, Francesca Terranova, Massimo Raspanti. Game design and development: Christian Bruni, Massimo Raspanti, Ferlini Filippo, Diego Padovani, Ronald Lee Odenthal III, Sean Wood. Scenery design: Liliia Sitalio. Editor: Tabletop Systems Ltd. Translation: Davide Coletti, Ronald Lee Odenthal III Graphic: Liliia Sitalio. Playtesters: Christian Bruni, Massimo Raspanti, Ferlini Filippo, Diego Padovani, Giacomo Mazzanti, Matteo Poletti, Francesca Terranova, Erika Biondi, Mirko Parenti, James Gifford, Peter Reid, William Sutton, Tony Tinker, Marck Cook, Adam Duncan, Brian West, Emily Ledford, Meredith Latham, Joshua Inton, Mike Finley, Herbert Hancks, Martines Gualda, Josè Andrés Vidal.
Espesyal na pasasalamat kina: Bruna Betti, Gabriele Coletti, Valeria Lanzoni, Silvia Ribezzi, NASA at STScI (para sa larawan ng Carina Nebula) at lahat ng mga miyembro ng online community na sumuporta sa amin ng kanilang sigasig at init sa mga panahon tungo sa paglabas ng MechaTop.
Copyright © Tabletop Systems Ltd. All rights reserved. Walang bahagi ng lathalang ito ang maaaring kopyahin, ibahagi o ipadala sa anumang anyo o paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa publisher. Na-print sa China sa pamamagitan ng LongPack Ltd. Magrehistro sa sitewww.MechaTop.com I-follow kami:
www.facebook.com/MechaTop
Twitter.com/Gunplatop1
Instragram.com/MechaTop_tabletop_system
https://www.youtube.com/channel/MechaTop
Mga Nilalaman:
Panimula: Maligayang pagdating pilot!
Pilot 1
Mga Pilot Skills 1.1
Mga Pilot Skills ng Nuclear Progeny__ 1.1.1
Mga Pilot Skills ng Builder 1.1.2
Mga Pilot Skills ng Leader 1.1.3
Mecha Units at Vehicle Units 2
Mecha Unit Card, Vehicle Unit Card at Support Unit Card 2.1
Mga Card na Pang-upgrade 2.2
Arc of View at Arc of Fire 2.3
Sequence ng Paglalaban 2.4
Mga Button Tokens 2.5
Pag-attack 2.6
Mga Sagabal sa Pag-asinta 2.6.1
Iba pang mga Uri ng Pag-attack 2.6.2
Posibleng Mga Resulta ng Hit Roll 2.6.3
Paggalaw 2.7
Iba pang mga Uri ng Paggalaw 2.7.1
Pagkontrol sa Weapons 2.8
Mga Nuclear Progeny Pilot Skills 2.9
Mga Espesyal na Katangian ng Mecha Units at Vehicle Units 2.10
Weapons 3
Weapons Range 3.1
Mga Uri at Epekto ng Mga Weapons 3.2
Mga Uri ng Damage 4
Structure Damage 4.1
Collateral Damage 4.2
Mga Collateral Damage Card 4.2.1
Stun Damage 4.3
Mga Scenic Elements 5
Game Turn 6
Paghahanda Para sa Paglalaro 6.1
Instinct Phase 6.2
Initiative 6.3
Alternating activations 6.4
Mga Game Mode 7
Paggawa ng Stat Card 8
Maligayang pagdating sa Mecha Units Piloting School; sa training na ito malalaman mo ang paggamit ng mga
cockpit buttons at ang mga pagkakaiba at mga epekto ng mga weapons. Kasama rin sa iyong pagsasanay ang
impormasyon sa iba't ibang mga lugar kung saan maaari kang makipaglaban, ang mga phases ng game turn at
ang mga basic tactics na dapat ma-master ng bawat mahusay na piloto.
Maging masipag at magsanay nang mabuti at, sa maikling panahon, magiging handa ka nang maranasan ang
excitement ng pag-piloto ng isang Mecha unit!!!
INTRODUCTION
MGA KONDISYON
Ang mga Mecha models at action figures na gagamitin sa laro ay dapat fixed o nakadikit sa isang octagonal base na
may diameter na 150 mm.
Ang mga vehicles, depende sa kanilang mga sukat, ay maaaring idikit sa octagonal base o sa isang square na base na
may sukat ang isang gilid ng 60 mm.
Six-sided dice lamang ang ginagamit sa paglalaro.
DISCLAIMER
Ang MechaTop ay na-inspire sa mga pinakasikat na Mecha Suit universe ng huling 50 taon.
Ang mga larawan na ginamit dito ay kuha noong panahon ng playtest gamit ang mga biniling regular at customized
na mga models.
Ganunpaman ang MechaTop ay nilikha na pwedeng gamitin ang anumang uri ng model kit o action figure (maaari ka
ring maglaro gamit ang cardboard cutouts). Ang paggamit ng mga model sa mga larawan ay upang magsilbing
representation lang at hindi nito nililimitahan ang laro sa isang partikular na universe o franchise ng Mecha.
1 PILOT
Ito ang mga pilot class na maaaring gamitin, bawat isa ay may unique at iba't ibang skills, piliin ang iyong
class.
Nuclear progenyNuclear progenyNuclear progenyNuclear progeny BuilderBuilderBuilderBuilder LeaderLeaderLeaderLeader Kasama sa category na ito ang
mga clones at mga taong may
nuclear mutations dulot ng
radiation.
Sila ang aces ng labanan: Taglay
nila ang pinalakas na reflexes at
mental abilities para pangunahan
nila ang kahit anong team.
Ang bawat dagdag na skill sa
pilot class na ito ay
nagkakahalaga ng multiple of
125 experience points:
1st skill - 125 XP
2nd skill - 250 XP
3rd skill - 500 XP
4th skill - 1,000 XP
...
Dito sa category na ito kasama
ang mga manufacturers,
mekaniko, engineers, at mga
electrician.
Mahusay silang support para sa
pag-aayos ng mga Mecha unit at
combat vehicles.
Ang bawat dagdag na skill sa
pilot class na ito ay
nagkakahalaga ng multiple of
100 experience points:
1st skill - 100 XP
2nd skill - 200 XP
3rd skill - 400 XP
4th skill - 800 XP
...
Ang category na ito
kinabibilangan ng mga
commander, leader, at mga
taong may espesyal na charisma.
Tungkulin nila ang combat
planning at pag-coordinate ng
bawat team member sa
pakikipaglaban.
Ang bawat dagdag na skill sa
pilot class na ito ay
nagkakahalaga ng multiple of 75
experience points:
1st skill - 75 XP
2nd skill - 150 XP
3rd skill - 300 XP
4th skill - 600 XP
...
Kunin ang pilot card na naaayon sa napiling pilot class at i-fill-up ng iyong data.
PILOT NAME: Ang pangalan ng iyong piloto.
RANK: Ang military rank ng iyong piloto.
ALIAS: Ang palayaw ng iyong piloto o battle name.
STATUS: Ito ang level ng Stun Damage na tinamo ng iyong piloto. Sa bawat Stun Damage na natamo sa labanan,
tanggalin ang isang star. Pagkatapos ng bawat turn, bago isagawa ang susunod na Instinct Phase, maaaring bawiin
ang isang star sa pamamagitan ng pag-roll ng isang die at makakuha ng 5+. Kung ang iyong driver ay nagtamo ng 4
na Stun Damage, maliban kung makabawi siya ng hindi bababa sa isang star, siya ay knocked out sa laro at hindi
maaaring mag-plan o gamitin ang kanyang Mecha unit. Kapag ang iyong piloto ay na-knock out, ang pag-hit roll ng
isang 3+ ay sapat na para magdulot ng Cockpit Explosion Collateral Damage gamit ang anumang ATK o AMS weapon.
PILOT EXP: Ang experience points (XP) na naipon ng iyong piloto; pwede itong gamitin para magkaroon ng bagong
mga skills.
SKILLS: Listahan ng iyong pilot skills
1.1 Mga Pilot Skills
Ang bawat pilot class ay may basic skills na maaaring magamit mula sa unang labanan sa lahat ng game
modes, at mga special skills na maaaring makamit gamit ang mga experience points na maiipon lang sa
Campaign Mode. Kapag bumili ng mga special skills, dapat bilhin muna ang naka-highlight na special skill
bago ka makakabili ng mga skills sa ilalim nito.
1.1.1 Mga Nuclear progeny pilot skills
Ang basic skill ng Nuclear progeny pilot ay pinapahintulutan siyang gamitin ang Button token para
maisagawa ang kanyang basic abilities:
- DISTRACTION: Alisin ang isang random na Button token mula sa isang kalabang unit saanman sa
field of play.
- TELEKINESIS: Ilipat ang isa sa iyong mga remote control weapons sa maximum distance na
katumbas ng Short Range value at paganahin ito (open fire). Maaari ring i-call up ang isa sa iyong
mga remote control weapons kahit saan sa field of play.
Kapag bibili ng bagong special skills, magbayad ng 125 XP para sa unang dagdag na skill, 250 XP para sa
pangalawa, 500 XP para sa pangatlo, 1,000 XP para sa pang-apat, atbp. Ang mga special skills ay nahahati
sa special attack, defense, o mental skills na makikita sa mga sumusunod na table:
ATTACK:
IMPROVED AIM
Magdagdag ng +1 sa lahat ng iyong hit roll. CRITICAL EXPERT
Kapag nagdulot ka ng collateral damage, ang
kalaban ay kukuha ng karagdagang card, piliin
kung aling effect sa nakuhang card ang i-a-apply.
MIND NIGHTMARE
+
Nagdulot ka ng isang Stun Damage sa isang
kalabang piloto saanman sa battlefield. Ito ay
isang mental attack.
DEFENSE:
FAST REFLEXES Magdagdag ng +1 sa lahat ng iyong dodge roll.
INNER ENERGY AURA Isang beses bawat laro ay huwag pansinin ang
isang attack na magdudulot ng hanggang 6 na
Structure Damage.
SELF CONTROL Ang iyong piloto ay immune sa anumang mental
attack (Distraction, Mind nightmare, etc...).
MENTAL POWER:
MULTIPLE DISTRACTION
+
Alisin ang 2 random Button tokens sa 2 kalabang unit (isa kada unit). Ito ay isang mental attack.
CONFUSION
+
Pumili ng isang area na 45x45 cm sa playing field. Ang
mga units sa area na iyon ay hindi pwedeng gamitin
ang Button token na NUCLEAR PROGENY hanggang
matapos ang turn. Ito ay isang mental attack.
PREMONITION
Tingnan ang mga Button token ng isang kalabang
unit na sakop ng Long Range value ng iyong unit.
I-reposition ito nang nakatakip sa field.
1.1.2 Mga Builder pilot skills
Ang basic skill ng Builder pilot ay nagpapahintulot sa kanyang mag-assign ng 3 upgrade cards sa kanilang
unit imbes na 2 at, isang beses sa bawat laro, na gumamit ng isa lang sa mga sumusunod na skills:
- FIELD REPAIR: + Maaari mong alisin ang isang Collateral Damage card (maliban sa
Mounted Weapon at Cockpit Explosion card) na naka-assign sa isang katabing unit.
- FRAME REPLACEMENT: + Magtamo ng 2 Structure Damages at alisin ang 5 Structure
Damages mula sa isang katabing unit.
Kung nais bumili ng bagong special skills magbayad ng 100 XP para sa unang dagdag na skill, 200 XP para sa
pangalawa, 400 XP para sa pangatlo, 800 XP para sa pang-apat, atbp. Ang mga special skills ay nahahati sa
modifications, repairs, at performance at mababasa sa mga sumusunod na table:
MODIFICATIONS
ADAPTING PARTS Mag-assign sa iyong unit ng anumang upgrade card mula sa ibang unit kahit hindi ito compatible.
OVER-UPGRADED Maaari kang mag-assign ng hanggang 4 na
upgrade card sa iyong unit.
SECRET SHIELD-COAT
Sa halagang 100 � points maaari mong
dagdagan ng isa ang shield value ng iyong Mecha
unit (Ex: ang value na 4 dice magiging 5 dice).
REPAIRS
ADVANCED FIELD REPAIR
+
Isang beses bawat game maaari mong alisin ang 2 Structure Damages mula sa iyong unit.
JUST A SCRATCH! Kapag nagtamo ng Collateral Damage kumuha ng
isang karagdagang card, at piliin kung aling effect
ang mag-a-apply. Kung ang unit na nagtamo ng
Collateral Damage ay Mass-Produced, walang
epekto ang parehong ability at sa gayon kumuha
ng isang card at i-apply ang kaukulang effect.
ARM REPLACEMENT
+
Alisin ang isang Collateral Damage card sa isang
friendly unit sa loob ng Zero Range at ilagay ito
sa iyong unit.
PERFORMANCE
MECHA UNIT EMPATHY Isang beses kada game, sa Instinct Phase, maaari kang magdagdag ng Button token sa iyong unit.
TOTAL SHOT
+
Isang beses bawat game maaari mong itira (open
fire) ang lahat ng M-weapons at equipped
weapons nang sabay-sabay.
AUTO-DODGE
Isang beses bawat game pwede kang automatic
na umiwas nang hindi ginagamit ang MOVE
Button o i-roll ang dice.
1.1.3 Mga Leader pilot skills
Ang basic skill ng Leader pilot ay nagpapahintulot sa kanyang gamitin ang Button token upang palitan
ang isang hindi pa nabubuksan na Button token sa isang friendly unit. Isang beses kada game, ang Leader
pilot ay maaari ring gumamit ng basic skill:
- INSPIRE: + Isang beses bawat game, hanggang matapos ang turn, lahat ng kakamping unit
ay may dagdag na +1 sa kanilang hit roll.
Para magdagdag ng mga bagong special skills magbayad ng 75 XP para sa unang dagdag na skill, 150 XP
para sa pangalawa, 300 XP para sa pangatlo, 600 XP para sa pang-apat, atbp. Ang mga special skills ay
nahahati sa tactics, leadership, at coordination at makikita sa mga sumusunod na table:
TACTIC
AMBUSHER Pwedeng hindi mo i-deploy ang iyong unit sa simula ng laro. Sa mga susunod na rounds, bago ang
Instinct Phase, magtatamo ka ng 4+ at maaari mong i-deploy ang iyong unit sa laro sa position katabi
ng anumang perimeter side ng battlefield.
ACTION SCHEME
Isang beses kada game maaari mong i-activate
agad kasunod ng isang kakamping unit ang unit
na pina-pilot mo.
COORDINATE FIRE
+
Isang beses sa bawat game ang lahat ng
kakamping units ta-target-in ang isang unit na
pinili mo.
LEADERSHIP
SOLDIER LOYALTY
Isang beses bawat game ay mai-re-redirect mo ang isang attack sa iyong unit sa isang kakamping unit
na nasa loob ng Close Range value.
OUR LEADER IS DOWN!
Kung ang iyong unit ay natamaan, ang iyong mga
kakampi ay makakakuha ng +1 sa kanilang hit roll
hanggang sa matapos ang turn.
BRING IT DOWN!
Isang beses kada game gamitin ang skill na ito
para magdagdag ng +2 sa hit roll ng isang friendly
na piloto, sabihin ito bago niya i-roll ang dice.
COORDINATION
RADIO ORDERS
Sa turn mo, palitan ang 2 Button tokens ng isang kakamping unit.
HEAR ME!
Sa turn ng kalaban, palitan ang isang Button
token ng kakamping unit sa battlefield.
ENCOURAGE
+ Isang beses kada game ay alisin ang hanggang 3
Stun Damage mula sa isang kakamping pilot sa
battlefield.
2 MECHA UNIT AT VEHICLE UNIT
Sa training na ito ay hindi lang pagmamaneho ng Mecha unit ang pwede mong matutunan, kundi bibigyan
ka rin ng theoretical at practical basics para makapag-drive ng iba’t ibang vehicle units (eroplano, tangke
...) na pwedeng magbago ng takbo ng labanan.
2.1 Mecha unit card, Vehicle unit card at Support unit card
Ang Mecha card, vehicle unit card, at ang support unit card ay may pare-parehong statistics, gaya ng
nakalista sa ibaba. Pero di gaya ng Mecha, ang mga sasakyan at support units ay mas kaunti ang kargang
weapons at, dahil wala silang shield, armor lang ang nagsisilbing proteksyon. Ang mga support units ay
tumutulong sa mga Mecha units sa iba't ibang paraan: Pwede nilang dalhin nang mabilis ang mga ito sa
gitna ng labanan o magdala ng mga weapons at dagdag na mga components.
❶ Pangalan ng Mecha unit at initial.
❷ Button tokens: Bilang ng mga action na pwedeng gawin ng iyong unit.
❸ Mecha unit special feature.
❹ Flag ng kinabibilangang Faction.
❺ Mecha unit battle cost.
❻ Movement value.
❼ Summary ng shield at armor structure points ng Mecha unit.
❽ Limitasyon: ang ilang mga Mecha unit ay hindi maipanlalaban sa space o sa lupa.
❾ Rarity ng Mecha unit (Unique, Rare, Uncommon at Common). Depende sa game mode maaari kang mag-deploy ng bilang ng mga Mecha units ayon sa sumusunod na table:
Rarity Duel Tournament Skirmish Campaign
Unique 1 1 1 1
Rare 1 1 1 2
Uncommon 1 1 2 3
Common 1 2 3 4
❿ Pangalan ng weapon.
⓫Tinutukoy kung ang weapon ay naka-mount sa mga frame ng unit (palagi ito para sa mga sasakyan) o kung nahahawakan (para lang sa Mecha unit).
⓬Range ng weapon.
⓭Damage na kayang ibigay ng weapon sa bawat attack die na nakaka-score.
⓮Bilang ng dice na kailangan kapag ginagamit ang weapon.
⓯Tinutukoy kung ang weapon ay dapat i-reload pagkatapos gamitin.
⓰Mga katangian ng weapon.
⓱Bilang ng dice na kailangan para salagin ang attack gamit ang shield o armor.
⓲Bilang ng structure points ng shield at armor (itala ang natamong damage sa sleeve ng card).
2.2 Mga Upgrade Card
Sa preparation phase ng laro, habang binubuo mo pa ang team na ide-deploy sa field, pwede kang mag-
customize ng iyong unit sa pamamagitan ng pag-assign ng dalawang upgrade cards (kung ang piloto ay
Builder class maaari kang mag-assign ng tatlong upgrade cards sa iyong unit).
Ang mga upgrade card ay may � point cost (na dumadagdag sa � cost ng napiling mga unit at ang
kabuuan ay dapat hindi lalampas sa limit ng napiling game mode) na pwedeng magbigay ng dagdag na mga
weapons o skills sa mga unit kung saan sila i-assign.
Narito ang ilang mga halimbawa ng mga upgrade cards:
• Karagdagang Beam Saber;
• Command Unit;
• Battle Damaged;
• Cockpit Escape System;
• Smoke Launcher;
• ...
2.3 Arc of View at Arc of Fire
Ang arc of view ay ang space na nakikita ng isang piloto sa labas ng unit na kanyang minamaneho mula sa
kanyang posisyon sa loob ng cockpit. Ang Mecha unit ay maaaring lang umiwas o sanggain ng shield ang
isang attack na saklaw ng arc of view nito. Sa mga pinaka-lipas na mga models ang arc of view ay limitado
sa 135°, samantalang ang mas bagong models na may technological evolution ay may 360° arc of view na.
Ang arc of fire, sa kabilang banda, ay ang area kung saan pwedeng isagawa ng isang specific weapon ang
pag-atake. Sa maraming pagkakataon, ang arc of view at arc of fire ay nagtutugma sa 135°. Ang exception
dito ay ang mga Turret 360° weapons at at ang mga weapons na naka-mount sa gilid o likod ng Mecha unit.
2.4 Fight Sequence
Ang Fight Sequence ay binubuo ng mga sumusunod:
Nag-roll ang Attacker at nagtagumpay na matamaan ang Target;
Maaaring pigilan ng Target ang turn ng Attacker gamit ang isang reaction:
Step 1: isang dodge o isang counterattack; kapag nabigo ito, pumunta sa Step 2.
Step 2: gumamit ng ability na Inner Energy Aura, kung available. Kung hindi, tumuloy sa Step 3.
Step 3: i-block gamit ang shield, kung available (ang sumobrang damage na tinamo ng isang shield ay
sinasalo ng armor sa sandaling masira ang shield). Kung hindi, magpatuloy sa Step 4.
Step 4: i-block gamit ang armor. Kung ang lahat ng mga steps na ito ay nabigo, dumerecho sa Step 5, kung
hindi, ang pag-atake ay na-block.
Step 5: Ang iyong unit ay mababawasan ng structure points na katumbas ng damage ng weapon na ginamit
laban dito at mararanasan ang mga kasamang effects nito.
Ang game mechanics ng bawat step na ito ay ipinaliwanag sa angkop na mga section ng manual na ito.
2.5 Mga Button tokens
Ang mga Button tokens ay ang pangunahing tools ng bawat piloto sa loob ng kanyang cockpit. Kung ang
isang Mecha ay may Self-Existing Unit na ability, ang mga Button token ay itinuturing na mga Input Token
na kumakatawan sa mga choices na ginagawa mismo ng unit. Sa pamamagitan ng mga Button tokens
maaari mong i-control ang iyong unit at planuhin ang iba't ibang mga action na gagawin nito sa loob ng
turn. Ito ang mga buttons na maaari mong gamitin:
ATTACK para sa pag-atake sa kaaway, MOVE para sa paggalaw at pag-dodge, CHANGE para sa mga pagkilos
ng kamay tulad ng pag-equip ng weapons o pag-reload at HOLD, na nagbabago sa mga pagkilos na ito sa
mas advanced na mga option.
ATTACK MOVE CHANGE HOLD
Kung ang iyong piloto ay kabilang sa Nuclear progeny class, magkakaroon ka rin ng NUCLEAR PROGENY
Button token para magamit mo ang Nuclear progeny basic at special skills.
Sa Instinct Phase, bago masiguro ang initiative, ang bawat player ay sabay-sabay na maglalagay ng dalawa
sa available na Button token (na ayon sa mga action na gusto niyang gawin ng kanyang unit), nakatakip,
katabi mismo ng base ng unit.
BABALA !! Ang mga Button token ay maaari ring i-activate sa turn ng kalaban upang magsagawa ng mga
pag-atake at pag-dodge. Sa kasong ito ang player, upang ma-activate ang mga ito sa turn ng kanyang
kalaban, ay dapat mag-roll ng isang dice at makuha ang value na makikita sa sumusunod na table:
2.6 Attack
ATTACK : Umatake gamit ang isa sa iyong mga equipped weapons laban sa isang kalabang unit na
sakop ng iyong line of sight at saklaw ng range o abot ng weapon na gagamitin. Ang score kapag tumama
ang attack ay naka-depende sa kinalalagyan ng ginamit na weapon, ayon sa table na ito:
Equipped WeaponEquipped WeaponEquipped WeaponEquipped Weapon Required RollRequired RollRequired RollRequired Roll
M, L, RCM, L, RCM, L, RCM, L, RC 4+4+4+4+
RRRR 3+3+3+3+
L+RL+RL+RL+R 2+2+2+2+
M: Weapon na naka-mount sa frame ng unit.
L: Weapon na hawak ng kaliwang kamay ng Mecha unit.
RC: Remote control weapon (ina-activate ng Nuclear progeny Telekinesis ability).
R: Weapon na hawak ng kanang kamay ng Mecha unit.
L + R: Weapon na hawak ng parehong mga kamay ng Mecha unit.
Maaaring subukan ng iyong kaaway na iwasan ang iyong pag-atake sa pamamagitan ng pag-dodge. Dapat
niyang ipakita Button token at makakuha ng 5+.
Pwede rin niyang subukan na salagin ito ng shield kung mayroon siya nito (applicable lang kung ang gamit
niya ay Mecha unit at kung ang attacking unit ay tanaw o nasa line of sight) o gamit ang armor: sa kasong
ito dapat siya mag-roll ng dice na katumbas ng bilang na nakalagay sa card at makakuha ng value na equal
o higit pa sa value na nakuha sa pag-atake.
EX: Ang Attacker ay nag-roll ng 3 dice at nakakuha ng 4-5-5 gamit ang Vulcan Guns, ang defender nag roll
ng 4 dice at nakakuha ng 6-4-4-1. Ang 6 ay naka-block sa 5 at ang 4 nag-block sa 4, ang 5 ay hindi nasalag
kaya nagtamo ng isang Structure Damage ang inatakeng unit.
2.6.1 Aim Interference
Ang mga scenic elements tulad ng mga building o sira-sirang spacecraft ay nakakasagabal sa pag-asinta ng
iyong unit. Para sa bawat object o Mecha unit (ang mga sasakyan ay hindi ganoon kalaki para maging
sagabal) na nakatayo sa pagitan mo at ng iyong target ang iyong hit roll ay mababawasan ng -1 modifier.
Halimbawa, kung susubukan mong asintahin ang Mecha unit sa likod ng isa pang MS gamit ang iyong
kanang kamay, kailangan mong makakuha ng 4 (3 para sa kanang kamay +1 = 4).
Kung katabi naman ng isang kakamping unit o scenic element ang penalty ay walang bisa o effect:
2.6.2 Iba pang mga Uri ng Pag-attack
REACTIVE ATTACK (3+) or (2+): Kapag ang isang kalabang unit ay pumasok sa range o abot ng
isa sa iyong mga equipped weapons, pwede mong gamitin ang ATTACK Button token para ma-activate ang
reactive attack sa pamamagitan ng pag-roll ng 1 die at makakuha ng 3+. Kung ang iyong piloto ay isang
Nuclear Progeny class pwede ring isagawa ang reactive attack gamit ang NUCLEAR PROGENY Button token
at makakuha ng 2+. Kung tagumpay ang iyong roll ay naantala mo ang turn ng kalaban at kailangan mo ng
isang hit roll (tingnan ang Attack section). Kapag na-resolve ang reactive attack, magpapatuloy ang turn
unless tuluyang nasira ang unit ng kalaban.
EX: Pumasok ang kalabang unit sa range ng iyong Beam Rifle. Nagpakita ka ng isang ATTACK Button token,
nag-roll ng die at nakakuha ng 3+. Sandaling matitigil ang turn ng kalaban at mayroon kang pagkakataon na
umatake. I-roll ang dice, tukuyin ang anumang damage at pagkatapos ang iyong kalaban ay magpapatuloy
sa paglalaro.
COUNTERATTACK (3+) or (2+): Sa pag-atake ng kalaban maaari kang gumamit ng ATTACK
Button token para ma-activate ang counterattack sa pamamagitan ng pag-roll ng 1 die at pagkuha ng 3+.
Kung ang iyong piloto ay Nuclear Progeny class pwede ring isagawa ang reactive attack gamit ang NUCLEAR
PROGENY Button token at pagkuha ng 2+. Kung tagumpay ang roll ay mapipigilan ang turn ng kalaban at
mag-roll ulit para ma-hit (tingnan ang Attack section). Kung ang roll to hit ay matagumpay din maaaring -
calculate ang kinalabasan ng counterattack ayon sa sumusunod na table:
Sword vs Sword Beam vs Beam RFR vs XPL
Ang parehong player ay dapat
mag-roll ng bilang ng dice na
katumbas ng bilang ng pinsala o
damage na makikita sa statistics
ng kanilang weapon at ikumpara
ang total result sa kanilang
kalaban.
Kung ang isang player ay maka-
score ng 5+ sa resulta ng kanyang
kalaban ay makukumpleto niya
ang kanyang attack.
Kung may difference ng 4 o mas
mababa pa sa pagitan ng
dalawang total, ang parehong
pag-atake ay ituturing na walang
bisa o effect.
Ang parehong player ay dapat
mag-roll ng bilang ng dice na
katumbas sa bilang ng damage na
makikita sa statistics ng kanilang
weapon at i-compare ang total
result sa kanilang kalaban.
Kung ang isang player ay maka-
score ng 5+ sa resulta ng kanyang
kalaban ay makukumpleto niya
ang kanyang attack.
Kung may difference ng 4 o mas
mababa pa sa pagitan ng
dalawang total, ang parehong
unit ay tatanggap ng damage
(hindi ito maba-block o dodge) na
katumbas ng total ng damage na
dulot ng dalawang weapon.
Magagamit lang ito laban sa
mga XPL attack na required ang
ilang dice roll (EX: Sabay-sabay
na missile pero hindi laban sa
mga bazooka).
Ang bawat counterattack die
na tumama ay mawawalan ng
bisa ang isang attack die.
Kung nabigo ang counterattack
na tapatan ang lahat ng
umaatakeng dice, ang
advanced na dice ay makaka-
score.
EX: Inatake ka ng 3 missiles 4-5-6, ipakita ang ATTACK Button token at dapat makakuha ng 3+. Hihinto ang
turn ng kalaban at mayroon ka ngayong pagkakataon na pigilan ang mga missile. Ginamit mo ang Vulcan at
nakakuha ng 4-4-4, lahat ng mga roll ay tumama, samakatuwid napigilan mo ang lahat ng mga missile.
AIMED ATTACK + : Umatake gamit ang isang equipped weapon at muling i-roll ang dice na nag-
fail.
DOUBLE ATTACK + : Gumawa ng dalawang attack gamit ang dalawang magkaibang equipped
weapon. Pwede ring gamitin ang double attack sa dalawang magkaibang target.
2.6.3 Posibleng Mga Resulta ng Hit Roll
1. Hindi maka-hit ang unit kahit na naabot nito ang value na kailangan para tumama sa pamamagitan ng pagdagdag
ng iba't ibang mga bonus.
2. Weak shot: Kung ang iyong Mecha unit ay gumamit ng weapon na pang-dalawang kamay, ang attack ay
matagumpay pero mataas ang posibilidad na masalag ito ng armor ng kalaban.
3. Isa pang weak shot: Kung ang iyong Mecha unit ay gumamit ng isang weapon na hawak ng kanang kamay ang
attack ay pupuntos pero mataas ang posibilidad na mapigilan ito ng armor ng kalaban.
4. Good shot: Makaka-score palagi ang attack at hindi magiging madaling iwasan ito, lalo na kung ang iyong unit ay
gumamit ng mga ATK o AMS weapons.
5. Bull's-eye! Kailangang galingan ng kalabang unit para mapigilan ang attack!
6. Masterstroke! Kung nabigo ang kalabang unit na salagin o iwasan ang attack, magtatamo ito ng Collateral Damage
dagdag sa Structure Damage na dulot ng pag-atake.
2.7 Paggalaw
Para magamit ng mga players ang kanilang mga models sa gusto nilang scale o laki, hindi numerical units
ang ginamit para masukat ang value ng distance sa playing field: ang pagkilos ay maaaring Tank, Slow,
Average, Fast, o Jet.
Batay sa napiling scale (1/48 - 1/100 - 1/144 - 1/200 - 1/400 +) tingnan sa sumusunod na table ang
katumbas na mga sukat sa inches o centimeters.
MOVEMENTMOVEMENTMOVEMENTMOVEMENT 1/48 scale 1/48 scale 1/48 scale 1/48 scale
(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)
1/100 scale1/100 scale1/100 scale1/100 scale
(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)
1/144 scale1/144 scale1/144 scale1/144 scale
(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)
1/200 scale1/200 scale1/200 scale1/200 scale
(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)
1/400+ 1/400+ 1/400+ 1/400+
scalescalescalescale
(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)(inch/cm)
Tank 12 / 30 6 / 15 4 / 10 3 / 7.5 1,5 / 3,75
Slow 16 / 40 8 / 20 6 / 15 4 / 10 2 / 5
Average 24 / 60 12 / 30 8 / 20 6 / 15 3 / 7,5
Fast 36 / 90 18 / 45 12 / 30 9 / 22 4,5 / 11,25
Jet 60 / 150 30 / 75 20 / 50 15 / 37.5 7,5 / 18,75
MOVEMENT :Igalaw ang unit pabalik o sa isa sa tatlong direksyon na tugma sa iyong line of sight. Sa
loob ng maikling panahon, makakabisado mo ang mga movement values at hindi na kailangang tingnan sa
table.
2.7.1 Iba pang mga Uri ng Paggalaw
ROTATION :Habang gumagalaw gamitin ang bahagi ng movement value para pumihit ang unit.
Gumamit ng one inch (o 2.5 cm) ng paggalaw at pihitin ng 45° ang base ng iyong unit.
DODGE (5+) or (4+): Mag-roll ng isang die. Kung makakuha ka ng 5+, igalaw ang iyong unit ng
kalahati ng movement value nito sa anumang direksyon at huwag pansinin ang pag-atake. Kung ang iyong
piloto ay Nuclear progeny class maaaring gumamit ng NUCLEAR PROGENY Button token upang umiwas at
mag-roll ng 4+. Matapos umiwas, ilipat ang iyong unit sa anumang direksyon sa battlefield (kabilang ang
direksyon kung saan galing ang attack) nang kalahati ng movement value nito.
BOOST + : Doblehin ang inyong movement value at igalaw sa anumang direksyon ayon sa iyong
line of sight, nang hindi pinapansin ang anumang mga hadlang. Ang boost ay pwede lang isagawa sa isang
tuwid na linya, at hindi maaaring pa-curve o may pagpihit. Kung ang labanan ay ginaganap sa space,
kailangang isaalang-alang ang effect ng inertia: sa susunod na round ang unit ay magkakaroon na ng
Aircraft trait (sa turn nito, ang unit ay dapat gumalaw pa-forward sa value na katumbas ng Close Range.
Kung gumamit ng MOVE Button token ay maaari itong igalaw sa anumang direksyon katumbas ng full
movement value).
PUSH + : Ang paggalaw na ito ay maaaring isagawa lang ng mga Mecha unit. Igalaw ang iyong
Mecha unit at isang katabing unit ng kalaban (Mecha unit o sasakyan) sa parehong direksyon ng pag-atake
nang value katumbas ng iyong movement value. Kung, bilang isang resulta ng paglipat na ito, ang kalaban
na unit ay tumama sa isang stage element gaya ng building o sa ibang unit, pareho sila (ang itinulak na unit
at ang stage element) ay magtatamo ng Structure Damage at may dagdag pa na Stun Damage. Matapos
ang paggalaw, ang iyong Mecha unit ay dapat nasa posisyon na hindi naka-encroach o sumasakop sa space
na inookupahan ng iba pang mga unit o stage element.
CHARGE + : Ang paggalaw na ito ay maaari lang gawin ng mga Mecha units. Igalaw ang iyong
Mecha unit sa isang tuwid na linya patungo sa unit ng iyong kalaban (Mecha unit o sasakyan) nang
hanggang 2 times ng iyong movement value. Kapag natapos ang paggalaw, pwede kang magsagawa ng
extra attack gamit ang CRG weapon (Ex. Isang shield).
2.8 Pagkontrol sa Weapons
CHANGE WEAPON : Baguhin ang configuration ng mga equipped weapons sa mga kamay ng iyong
Mecha unit. Ang skill na ito ay hindi maaaring gamitin ng mga vehicle o sasakyan.
RELOAD : Mag-reload ng RLD weapon.
TOTAL RELOAD + : Mag-reload ng TRL weapon.
SPECIAL RELOAD + : Mag-reload ng SRL weapon (kung ang unit ay may Energy Siphon trait).
2.9 Mga Nuclear Progeny Pilot Skills
DISTRACTION : Alisin ang isang random na Button token mula sa isang kalabang unit saanman sa
field of play.
TELEKINESIS + : Igalaw ang isa sa iyong mga remote control weapons sa maximum distance na
katumbas ng Short Range value at paganahin ito (open fire). Maaari ring i-call up ang isa sa iyong mga
remote control weapons kahit saan sa field of play.
BABALA !!! Maraming mga actions na magagamit, subukang tandaan ang mga ito: ang tamang kilos sa
tamang pagkakataon ay pwedeng magbago ng takbo ng laban!
2.10 Mga Espesyal na Katangian ng Mecha Units at Vehicle Units
Ang ilang mga unit ay may mga espesyal na katangian kung kaya’t naiiba ang mga ito at ginagawang hindi
madali ang pagtukoy o unpredictable ang kalalabasan ng isang laban. Kabilang sa mga katangiang ito ay:
PASSIVE TRAITS Permanenteng katangian ng unit, palaging
gumagana.
ONE-USE TRAITS Mga katangian na maaaring magamit ng isang
beses lamang sa bawat match.
DEPLOY TRAITS Mga katangian na maaaring ma-activate lang sa
preparation phase ng match.
NUCLEAR PROGENY TRAITS
Mga katangian na pwede lang ma-activate kung
ang unit ay pinapaandar ng isang Nuclear Progeny.
A.I Artificial Intelligence [Passive]. Ang mga sasakyan at drone na nilagyan ng teknolohiyang ito ay hindi nangangailangan ng patnubay ng
isang piloto.
Ang unit na ito ay maaari lang maglagay ng isang Button token.
Aerodynamic Form (Transformable sub-trait) [Passive] Ang mga unang transformable models ng Mecha ay dinisenyo na maging sasakyang panghimpapawid.
Nado-doble ang movement value ng unit at nagkakaroon ito ng Aircraft trait. Aim Jammer [Passive] Sa isang labanan, natuklasan ng ilang sundalo na ang ilang mga frequency ng sonar ay maaaring
makagambala sa targeting system ng mga kalapit na unit.
Ang lahat ng mga unit sa loob ng Short Range value mula sa unit ay dapat makakuha ng 5+ para makatama
nang independent sa mga values sa table sa Section 2.6.
Aircraft [Passive] Tanging ang pinakamahusay na mga piloto lang ang maaaring matantiya ang inertia ng kanilang
sasakyang panghimpapawid at gamitin ito para makalamang sa kalaban.
Hindi taglay ng unit ang advantage na dulot ng aim interference. Sa turn nito, ang unit ay dapat gumalaw
nang pa-forward ng value katumbas ng Close Range. Kung gumamit ng MOVE Button token ay pwede itong
igalaw sa anumang direksyon nang full movement value.
All Around View [Passive] Ang ebolusyon ng teknolohiya ay umabot sa pinakamataas na level sa cockpit na nagbibigay sa piloto ng
halos 360° na pananaw.
Ang arc of view ng unit na ito ay 315°, hindi dapat malito sa arc of fire na nananatiling 135°.
Ambusher [Deploy] Ang ilang mga unit ay master sa pagtatago ng kanilang mga sarili sa kapaligiran at pagkatapos ay
umaatake sa tamang pagkakataon.
Ang unit na ito ay maaaring maglaro sa mga susunod na rounds. Bago ang Instinct Phase mag-roll ng die,
kung nakakuha ka ng 4+ maaari mong ilagay ang model saanman sa perimeter ng playing field (isang side
ng base ng model ay dapat nasa perimeter ng playing field).
Amphibious [Passive] Ang mga unit na ito ay dinisenyo na maging mahusay sa pakikipaglaban sa tubig o mga bakawan o marsh.
Kapag nakikipaglaban sa tubig o bakawan ay nagkakaroon ang unit ng Ambusher trait at, kapag
nagsasagawa ng Boost, nagiging quadruple o 4 times ang movement value imbes na doble.
Anti-Laser Coat[Passive] Isang makabagong materyal na nilalagay sa labas ng unit at bahagyang sinasalag ang mga laser beam na
tumatama dito.
Nababawasan ng isa ang Structure Damage na tinatamo ng unit mula sa AMS weapons, minimum value 1.
Big Shield [Passive] Ang ilang unit ay gumagamit ng napakalaking shield na nagbibigay ng proteksyon tulad ng isang building.
Ituring ang unit bilang “repaired” sa likod ng isang stage element. Kung ang isa pang unit ay nagtatago sa
likod ng isang unit na may Big Shield ang una ay may bonus ng 2 shelters (ang mga kalaban ay
magkakaroon ng -2 malus sa tira para tamaan). Ang iyong kalaban ay pwedeng magpasya na direktang
target ang Big Shield sa kanyang pag-atake.
Car-form (Transformable sub-trait) [Passive] Ang ilang mga unit ay maaaring mag-transform bilang kotse at makibagay sa mga sasakyan sa daan.
Dinoble ng unit ang movement value nito.
Cockpit Escape System [Passive] Ang cockpit ng Mecha ay isang independent unit na maaaring humiwalay sa isang emergency.
Kapag tuluyang nasira ang unit (umabot ng ZERO structure points) alisin ito mula sa laro at ilagay ang
katumbas na cockpit unit sa value ng Close Range mula sa posisyon ng sumabog na unit. Pwede mo lang
gamitin ang primary weapon ng cockpit unit at isang beses lang kada game.
Combiner-Style [One use] Ang ilang Mecha ay kombinasyon ng iba't ibang mga unit.
Isang beses kada game, maaari mong alisin ang unit na ito mula sa laro at ilagay sa battlefield ang mga
individual units na bumubuo nito sa loob ng Close Range value ng tinanggal na unit. Hatiin ang anumang
Structure Damage sa tinanggal na unit nang ayon sa gusto mo sa mga units na pumasok sa field of play.
Component Calls[Passive] Ang ilang Mecha ay nakakapagdagdag ng weapons, kung kinakailangan, gamit ang mga support teams.
Sa simula ng game ang Mecha unit na ito ay taglay ang mga punches weapon sa parehong mga kamay.
Para mabago ang mga weapons kailangan gamitin ang CHANGE + HOLD Button tokens sa halip na CHANGE
Button token.
Dash [Passive] Ang backpack na ito ay nagbibigay-kakayanan sa Mecha na gumalaw nang mabilis na parang dumudulas
sa yelo at panatilihing derecho ang pag-asinta nito.
Ang unit na ito ay pwedeng mag-shoot kahit habang gumagalaw. Itigil ang paggalaw, shoot, at pagkatapos
ay magpatuloy sa paglipat ng posisyon.
Double-Neural Connection[Passive] Sa laki ng mga Mecha na binuo upang harapin ang kaiju ay kailangan nilang kontrolin ng 2 mga piloto na
naka-synchronize sa pamamagitan ng isang neural connection.
Ang Mecha unit na ito ay dapat paandarin ng dalawang piloto. Bago ang bawat Instinct Phase mag-roll ng
isang die para ma-check ang neural connection sa pagitan ng dalawang piloto:
1 Maglagay ng isang Button token lang;
2-3 Maglagay ng 2 Button token;
4-5 Maglagay ng 2 Button token pero maaari mo ring gamitin ang NUCLEAR PROGENY Button token;
6 Maglagay ng 3 Button token, maaari mo ring gamitin ang NUCLEAR PROGENY Button token.
Energy-Field Generator [One use] Ang mekanismong ito ay ang pinakamabisang defense system: maaari nitong pigilan ang anumang attack.
Isang beses kada game ay walang bisa sa unit ang isang attack na magdulot ng hanggang 6 Structure
Damage.
Energy Syphon [Passive] Ang ilang mga Mecha unit ay nagtataglay ng internal power generator na nagbibigay sa kanila ng
kakayanan namag-recharge kahit na ang pinakamalaking weapons.
Kapag ang base ng unit ay katabi (may contact) sa base ng isang SRL weapon maaari mo itong i-reload
gamit ang mga CHANGE + HOLD Button token.
Fast Fighting Unit [Passive] Isang special operating system na nagbibigay sa Mecha na walang baril ng dagdag na mga pagkilos.
Ang Mecha unit na ito ay hindi pwedeng magkarga ng mga weapons na may range na katumbas o mas
mataas kaysa sa value ng Short Range at, sa Instinct Phase nito, ay maaaring gumamit ng 3 Button token sa
halip na 2.
Flash Light [One use] Ang pambubulag sa iyong kalaban ay maituturing na pandaraya, pero walang bawal sa digmaan!
Isang beses kada game ay pwedeng alisin ng unit ang lahat ng Button token mula sa kalaban na unit sa loob
ng Short Range value at arc of view nito. Maiiwasan ng kalaban ang epekto nito sa pagkuha ng 5+.
Force Field [Passive] Pinoprotektahan ng isang misteryosong energy field ang mga unit mula sa karaniwang mga pag-atake.
Ang unit ay hindi maaaring masira ng ATK o RFR weapons kundi sa pamamagitan lang ng AMS weapons.
Heavy Plate [Passive] Ang ilang Mecha ay nagtataglay ng rounded frame na dalawang beses ang kapal sa normal. Ang ganitong
uri ng frame ay pinakamabisangproteksyon ng Mecha mula sa mga explosive attack.
Nababawasan ng isa ang Structure Damage ng Mecha unit na natamo (minimum 1) mula sa XPL weapons.
Jutte Beam System [Passive] Ang ilang mga laser rifle ay binago upang kontrolin ang paglabas ng beam para, kung kinakailangan,
maaari silang magamit bilang mga lightsaber.
Ang Mecha unit ay pwede palaging mag-counterattack (sword vs sword) o reactive attack kahit na hawak
nito ay laser rifle sa halip na sword.
Liquid-Psycho Sync [Passive]. Para makontrol ang ilang mga hybrid creatures (mechanical at biological) ang mga scientists ay gumawa
ng lalagyan ng sub-neural liquid kung saan ang piloto ay nakalubog, upang i-synchronize ang kanyang isip
sa colossus.
Ang unit ay maaaring ma-activate kahit na ang piloto nito ay KO.
Bago ang bawat Instinct Phase mag-roll ng isang die at magdagdag ng modifier +1 sa resulta para sa bawat
Stun Damage ng iyong piloto:
1-2 Maglagay ng isang Button token;
3-4 Maglagay ng 2 Button token;
5-6 Maglagay ng 3 Button token;
7+ Berserker Mode: Mayroon kang 3 Button token at dagdag na +1 kada shot para maka-hit at bawat
attack ng unit ay magdudulot ng isang dagdag na Structure Damage.
Magnetized Coat [Passive] Isang pintura na may dagdag na secret ingredient na tuluyang nag-aalis ng spatial friction.
Kapag ang unit ay nasa space field ay triple ang kilos nito.
Mass Produced Unit [Passive] Ang unit na ito ay laganap na at alam ng lahat ng piloto ang mga kahinaan nito.
Kapag nagtamo ang iyong unit ng Collateral Damage kumuha ng 2 kard, pipili ang iyong kalaban kung alin
ang mag-a-apply ang effect.
Mobile Armor [Passive] Ang Malalaking Mecha ay karaniwang nilagyan ng amor na napakakapal at mabigat na pinoprotektahan
nito ang piloto mula sa mga side effects ng mga pagsabog.
Nababawasan ng isa ang damage (minimum 1) mula sa mga XPL weapons. Hindi mo mararanasan ang XPL
side effect.
MS Transport[Deploy] Upang mabilis na maabot ang gitna ng labanan ay ginusto ng ilang mga piloto na dalhin ang kanilang
Mecha sa pamamagitan ng mga sasakyang lumilipad.
Sa simula ng laro maaari mong ilagay ang card ng isang Mecha unit sa ilalim ng card ng unit na ito. Ang
Mecha unit ay ituturing na nasa labas ng laro (hindi pwedeng ma-target ng mga pag-atake) hanggang ang
unit ay gumamit ng CHANGE Button token. Pagkatapos ay ilagay ang transported Mecha unit sa battlefield
sa loob ng Close Range value sa unit na nagdala nito.
Kung ang unit na nagdala ay napasabog, ang dinadalang Mecha unit ay tuluyang masisira rin.
N.T.D. (Nuclear progeny Destroy System) [Passive]. Isang device na nag-a-activate sa presensiya ng Nuclear progeny pilot na nagpapataas sa performance ng
Mecha.
Automatic na nag-a-activate ito kapag ang piloto ng Mecha na naglalaman ng N.T.D. nagtatamo ng isang
Stun Damage o kapag ang NUCLEAR PROGENY Button token ay ginamit ng isang unit sa loob ng maximum
distance na katumbas ng Medium Range value mula sa Mecha na may N.T.D. trait.
Maaaring pigilan ng driver ang automatic na activation o deactivation ng N.T.D. sa pamamagitan ng manual
na paggamit ng CHANGE Button token at pagkuha ng 3+.
BONUS:
- +3 sa lahat ng attack dice roll (maximum na 6);
- Maaari kang maglagay ng isang dagdag na Button token;
- Pwede mong kontrolin ang isang remote control weapon ng kalabang unit at makakuha ng 4+.
MALUS:
- Sa pagtatapos ng turn kung saan active ang N.T.D. ang piloto ay magtatamo ng Stun Damage.
Panoramic Cockpit [Passive] Ang bagong henerasyon na mga Mecha ay may camera system na nagpapalawak ng arc of view at
nagbibigay sa piloto ng kakayanan na makita ang mga gilid ng kanyang unit.
Ang arc of view ng Mecha unit na ito ay 225°, hindi dapat malito sa arc of fire na nananatiling 135°.
Parachute Jump [Deploy] Ang ilang mga piloto ay pinipiling mag-parachute, kasama ang kanilang Mecha, sa gitna ng labanan.
Ang unit ay hindi muna ilalagay sa battlefield sa simula ng laro. Bago ang Instinct Phase, magpasya kung
ilalabas ito kahit saan sa field. Mag-roll ng isang die, kung nakakuha ka ng 5+ ay maglagay ng 2 Button
token, kung hindi, isang Button token lang ang ilalagay.
Psycho Frame System [Nuclear progeny only] Isang psycho-reactive material na nakapaloob sa Mecha frame na nagbibigay-kakayanan sa piloto na
kontrolin ang Mecha gamit ang kanyang isip, nang hindi gumagamit ng mga cockpit controls.
Maaaring palitan ng piloto ang isang Button token na inilagay na ng kanyang unit kapalit ng isang Stun
Damage.
Psycho Control Machine [Nuclear progeny only] Ang pinakabagong henerasyon ng Mecha ay maaaring sakupin ang control system ng kalabang Mecha at
kontrolin ang mga ito.
Gamit ang Button token CHANGE hanggang sa katapusan ng turn kinokontrol mo ang isang kalabang unit
na may Psycho Frame System. Ang piloto ng kalabang unit ay maiiwasan lang ang effect nito sa
pamamagitan ng dodge.
Recon [Passive] Sinisipat ng unit na ito ang battlefield upang maiwasang matambangan ng kaaway.
Para sa bawat unit na may Recon trait sa loob ng battlefield ang iyong kalaban ay mayroong malus -1 sa roll
para makapasok sa field ang lahat ng kanyang mga unit na may Ambush trait.
Regeneration [Passive] Ang unit na ito ay maaaring ayusin o pagalingin ang sarili
Sa dulo ng bawat turn makukuha ng unit ang isang structure point. Gamit ang Token Button CHANGE
makaka-recover ng 3 structure points o, bilang kahalili, alisin ang isang Collateral Damage na natamo ng
unit. Gamitin ang CHANGE + HOLD Button token para makabawi ng 5 structure points.
Removable Frames[Passive] Ang Mecha, kapag nagtamo ito ng pinsala, ay maaaring kalasin ang taglay nitong armor frame. Ang frame
lang ang magkakaroon ng damage nang hindi naaapektuhan ang panloob na bahagi ng Mecha.
Kapag ang unit na ito ay tumanggap ng 3+ Structure Damage mula sa isang solo attack mag-roll ng isang
die: kapag makakuha ng 5+ mababawasan ng 2 ang damage na matatamo nito.
RG Core-Unit [Nuclear progeny only] Isang operating system na nag-synchronise ng fighting spirit ng piloto at ng Mecha.
BONUS
Gamit ang NUCLEAR PROGENY Button token ang driver ay may +1 sa lahat ng dice roll. Gamit ang CHANGE
+ HOLD Button token ay nag-aalis ng 1 hanggang 3 Structure Damage (1-2 recover 1 Structure Damage, 3-4
recover 2 Structure Damage, 5-6 recover 3 Structure Damage) mula sa unit.
MALUS
Kapag ang unit ay tumanggap ng pag-atake na nagbigay ng hindi bababa sa isang Structure Damage ang
piloto ay magtatamo ng isang Stun Damage. Mananatiling activated ang feature na ito hanggang muling
gamitin ng piloto ang NUCLEAR PROGENY Button token.
Self-Destruction System [One use] Ang ilang mga piloto ay isasakripisyo ang kanilang buhay para manalo sa isang labanan ...
Gamit ang Button token CHANGE + HOLD alisin ang unit at ang piloto nito mula sa laro at bigyan ng
Structure Damage na katumbas sa kalahati ng natitirang structure point ng tinanggal na unit (rounded up)
ang lahat ng mga unit (parehong kakampi at kaaway) sa loob ng radius katumbas ng Close Range value.
Ang mga unit na naapektuhan ng pagsabog ay apektado din ng XPL weapons (1 additional Structure
Damage at 1 Stun Damage para sa piloto).
Ang mga unit na naapektuhan ng Self-Destruction System ay maiiwasan lang ang pinsala sa pamamagitan
ng pag-dodge.
Self-Existing Unit [Passive] Ang mga unit na ito, na karaniwa’y alien, ay mga sentient Mecha na may pagkatao at kamalayan.
Ang unit na ito ay maaaring maglagay ng 3 Button token ngunit sa bawat pagkakataon na magtamo ito ng
Stun Damage ay aalisin nito ang isang random na Button token. Kung wala itong Button token na aalisin,
magtatamo ito ng isang karagdagang Structure Damage. Ang ganitong uri ng Mecha ay immune sa mga
mental powers ng mga piloto na Nuclear progeny (Distraction, Multiple Distraction, Confusion at
Premonition).
Shield 360° [Passive] Shields na inilapat sa 60% ng surface ay pinoprotektahan ang unit.
Maaaring magamit ng unit ang shield para ma-block ang mga pag-atake mula sa anumang direksyon.
Smoke Launchers [One use] Ang ilang mga old school na piloto ay mahilig gumamit ng smoke bombs para maitago ang kanilang
paggalaw.
Ang unit na ito ay hindi mata-target ng mga unit na nasa layo na mas malaki kaysa sa Close Range value.
Ang skill na ito ay pwede lang magamit nang isang beses sa bawat laro.
Spinal-Psycho Sync [Passive] Isang neural connection system na nag-uugnay ng spinal nerve ng piloto sa Mecha mismo para sa matibay
na koneksyon.
Sa gitna ng turn maaari kang magbigay ng isang Stun Damage sa iyong piloto upang makakuha ng +2 bonus
sa resulta ng isang die roll. Matapos ma-resolve ang mga epekto ng bonus na ito, ganunpaman, ang iyong
unit ay magtatamo ng isang Collateral damage.
Stealth Unit [Deploy] Ang unit na ito ay kinabitan ng electronic camouflage system para hindi makita sa 80% radar.
Ang unit ay maaaring ma-deploy sa battlefield gamit ang Ambusher trait o maaari itong ilagay sa battlefield
mismo sa unang turn ng laro (sa huling kaso ang unit ay maaaring ilagay nang malayo sa simula sa
maximum distance na katumbas ng Short Range value). Ang mga kalabang unit ay makakatanggap ng isang
malus -1 para matamaan ang unit kung ang unit ay nasa layo na mas malaki kaysa sa Medium Range value
mula sa kanila.
Sub-Arms [Passive] Ang ilang Mecha ay may mga nakatagong mechanical arms, na mabilis lumalabas kung kinakailangan.
Ang Mecha unit ay pwede palaging mag-counterattack o reactive attack kahit na walang close combat
weapon na taglay ang mga kamay nito.
Tank Form (Transformable sub-trait) [Passive]. Marahil ito ang pinakamalakas sa lahat ng transformable na Mecha.
Ang unit ay may Turret 360 ° at Heavy Plates na katangian.
Telekinetik WCS [Nuclear progeny only] Isang telekinetic control system para sa maliit na mga laser weapons.
Igalaw ang isa sa iyong mga remote control weapons sa maximum distance na katumbas ng Short Range
value at itira ito (open fire). O i-call up ang isa sa iyong mga remote control weapons kahit saan sa
battlefield. Kung ang remote control weapon ay fragmented maaari mong ilipat ang multiples of 5 o 6
Weapon fragments depende sa kanilang total na bilang. Ex: Ang ilang Mecha ay may kakayahang
pakawalan ang kanilang mga kamay at gamitin ito bilang mga remote control weapons. Ang bawat kamay
ay naglalaman ng 5 laser weapons kaya ang Mecha ay maaaring makontrol ang isang kamay o katumbas ng
5 Weapon fragment anumang oras.
Tough Mecha Unit [Passive] Ang mga Mecha na ito ay nilagyan ng napakalakas na double layer ng armour.
Ang katangiang ito ay para lang sa mga Mecha units. Walang matatamong Collateral damage sa first half
ng structure point ng Mecha unit.
EX: Kung ang armor ng Mecha unit ay may 16 structure points walang Collateral damage na matatamo sa
unang 8 structure points. Kapag ang Mecha unit ay may 8 structure points na lang na natitira, ang
Collateral Damage na natamo mula sa puntong iyon ay mapapabilang na sa score.
Transformable [Passive] Ang pagdating ng second level ng Mecha technology ay kasabay ng pagpapakilala ng nakapagpapabagong
device na ito.
Gamit ang Button token CHANGE ang Mecha unit ay makakagamit lang ng weapons na may markang *.
Nagkakaroon ang unit ng katangian na Aerodynamic Form o Tank Form o Weapon Form o Car Form
depende sa uri ng pagta-transform.
Turret 360° [Passive] Ang mga Sasakyan at Mecha ay maaaring kabitan ng mga weapons na naka-mount sa turrets o kaya
naman ay umiikot.
Ang unit na ito ay may 360° arc of fire.
Very Large Target[Passive] Ang malalaking Mecha at mga sasakyan ay madaling ma-target.
Dehado ang unit pagdating sa aim interference. Ang mga kalabang unit ay makakakuha ng +1 sa roll para
ma-hit (Ex: Ang isang naka-mount na M weapon ay makakatama sa 3+ sa halip na 4+).
Weapon form (Transformable sub-trait) [One use] Ang ilang Mecha ay nagta-transform sa sandata para i-concentrate ang kanilang buong lakas sa isang
mapanirang tira.
Ang transformable Mecha unit ay gumagamit ng CHANGE Button token para mag-transform sa isang
weapon.
Ang isang katabing Mecha unit ay gumagamit ng CHANGE Button token para magamit ang weapon (kahit
hindi nito turn). Doble ang Structure Damage na binibigay ng main AMS weapon ng transformable unit.
Isang beses lang ito magagamit kada match. Matapos tumira ang transformable unit ay automatic na
babalik sa Mecha form nang hindi na kailangang gumamit ng anumang Button token.
BABALA !!!Alalahanin ang mga katangiang ito sa panahon ng match, maaari silang maging malaking tulong
kapag gipit na sa sitwasyon.
3 WEAPONS
3.1 Weapons Range
Para magamit ng mga players ang kanilang mga model sa kanilang gustong scale, hindi numerical units ang
ginamit para sa range value kundi Zero, Close, Short, Medium, Long at Very Long.
Tingnan ang table sa ibaba para makita ang katumbas na units ng inches o centimeters ayon sa napiling
scale (1/48 - 1/100 - 1/144 - 1/200 - 1/400 +).
RANGERANGERANGERANGE
1/48 scale1/48 scale1/48 scale1/48 scale
(inches and (inches and (inches and (inches and
cm)cm)cm)cm)
1/100 scale1/100 scale1/100 scale1/100 scale
(inches and(inches and(inches and(inches and
cm)cm)cm)cm)
1/144 scale1/144 scale1/144 scale1/144 scale
(inches and (inches and (inches and (inches and
cm)cm)cm)cm)
1/200 scale1/200 scale1/200 scale1/200 scale
(inches and (inches and (inches and (inches and
cm)cm)cm)cm)
1/400+ 1/400+ 1/400+ 1/400+
scalescalescalescale
(inches and (inches and (inches and (inches and
cm)cm)cm)cm)
Zero 8 - 20 4 - 10 3 - 7.5 2 – 5 1 - 2,5
Close 16 - 40 8 - 20 6 – 15 4 – 10 2 - 5
Short 32 - 80 16 – 40 12 - 30 8 – 20 4 - 10
Medium 64 - 160 32 – 80 24 - 60 16 – 40 8 - 20
Long 96 - 240 48 - 120 36 - 90 24 – 60 12 - 30
Very Long 128 - 320 64 - 160 48 - 120 32 - 80 16 - 40
3.2 Mga Uri at Epekto ng Mga Weapons
AGV Anti-Gravity
Ang ganitong uri ng weapon ay lumilikha ng anti-gravity field sa paligid ng
kalaban, na pumipigil sa anumang paggalaw.
Binibigyan ng 3 additional Structure Damage ang mga yunit na may
Aircraft tract. Kapag ang weapon na ito ay nagbigay ng hindi bababa sa
isang Structure Damage, ang nasirang unit ay hindi makakagawa ng
anumang pagkilos hanggang magsagawa ito ng isang Boost. Saka lang ito
makakakilos muli nang normal.
AMS Anti-Mecha Suit
Mga weapons na kayang tumagos sa armor ng Mecha.
Ang bawat dice ay dapat tablahin na may +2 kapag kinumpara sa resulta
na nakuha sa pag-atake. 5 ay tinabla ng 66; 6 ay tatablahin ng 666.
ATK Anti-Tank
Ang mga weapons na ito ay maaaring tumagos sa armor ng tangke.
Ang bawat dice ay dapat tablahin ng +1 kapag kinumpara sa resulta na nakuha sa
pag-atake. 5 ay matatabla ng 6; 6 ay tablado ng 66.
BLD Blade
Mga short range weapons na nakamamatay na tuwing sila ay gagamitin ay
nagdudulot din sila ng isang Collateral Damage sa unit.
Kapag ang weapon na ito ay nagbigay ng hindi bababa sa isang Structure
Damage, ang apektadong unit ay magtatamo ng isang Collateral Damage.
CRG Charge
Ang weapon na ito ay maaaring magamit sa pagsugod o charge.
Ang attack na ito ay naisasagawa nang libre pagkatapos ang Boost. Ang mga
Charge attacks ay maaari lang iwasan (dodge) o salagin ng shield at hindi ng
armor.
ELE Electric
Mga weapons na lumilikha ng malakas na electric shock na kayang ma-stun pati
ang piloto ng unit.
Kung tumama ang attack na ito, kahit na walang natamong Structure Damage
ang unit, ang piloto ay nagtatamo ng isang Stun Damage.
GRB Grab
Mga higanteng kamay, latigo, anti-gravity ray ... pare-pareho nitong pinaparalisa
ang kalaban.
Kapag ang weapon na ito ay nagbigay ng hindi bababa sa isang Structure
Damage, ang nasirang unit ay hindi makakagawa ng anumang pagkilos
hanggang magsagawa ito ng isang Boost. Saka lang ito makakakilos muli
nang normal.
MTG Multi-Target Ang mga weapon na ito maaaring tumama sa iba't ibang target sa iisang attack.
Maaari mong hatiin ang iyong attack sa iba’t ibang mga target.
ONE One-Use Single-shot na armas.
Magagamit mo lang ang weapon na ito isang beses kada laro.
OVL Overloadable
Ang ilang mga weapon ay pwedeng i-overload para mas nakamamatay.
Kung gagamitin mo ang weapon na ito kasama ang + pwede kang
gumawa ng overloaded attack na magdudulot ng 2 additional Structure Damage.
PSH Push
Kung ang ganitong weapon ay tumama sa marka, pwedeng ilihis ang iyong
kalaban.
Kapag ang attack ay nagdulot ng hindi bababa sa isang Structure Damage, itulak
ang apektadong unit sa parehong direksyon ng pag-atake ng distance katumbas
ng Close Range value. Kung ang unit na tatanggap ng push ay tumama sa isang
stage element o iba pang unit, magtatamo ito ng isang additional Structure
Damage at ang piloto ay magtatamo ng isang additional Stun Damage. Ina-apply
nito ang epekto ng push movement type.
RFR Rapid Fire
Mga weapons na tuloy-tuloy ang pagputok.
Mag-roll ng isang additional die para sa bawat die na makakakuha ng 6.
BABALA !!! Ang uri ng weapon na ito ay hindi nagdudulot ng collateral damage.
RLD Reload
Ang ilang ranged weapons ay kailangang ma-reload bago magamit muli.
Pagkatapos gamitin, ang weapon na ito ay kailangan ng para magamit muli.
SNP Sniper
Isang long-range precision weapon.
Kung gagamitin mo ang weapon na ito ay hindi ka pwedeng gumalaw o katatapos
lang gumalaw sa iyong turn. Mag-roll ng 2 dice at kunin ang best na resulta.
STN Stun Napakalakas ng impact ng mga weapon na ito na mismong piloto sa loob nito ay
apektado.
Kapag ang attack ay nagdulot ng hindi bababa sa isang Structure Damage, ang
piloto ay nagtatamo ng isang additional Stun Damage.
TGT Targetable
Mga armas na napakalaki (o nahihiwalay mula sa unit) na pwede sila mismong
maging target.
Ang weapon na ito ay maaaring maging target mismo ng isang attack. Mayroon
itong 2 structure points. Markahan ang Structure Damage na tinatamo ng unit sa
binigay na space.
TRL Total-Reload
Ang pinakamalakas na ranged weapons ay kailangang ma-reload muna bago sila
magamit muli.
Pagkatapos gamitin, ang weapon ay kailangan ng + para magamit muli.
XPL Explosive
Ang mga weapon na ito ay kumilikha ng napakalakas na pagsabog na
nadadamay ang mga unit sa paligid nito.
Kapag tumama ang weapon na ito, nagdudulot ito ng isang Structure Damage at
isang Stun Damage sa lahat ng mga unit at piloto sa distansya katumbas ng Close
Range value. Ang damage na ito ay maiiwasan lang sa pag-dodge. Dagdag pa rito,
kung ang isang unit ay nagtamo ng 4 o higit pang Structure Damage mula sa XPL
weapon, ang piloto ay magtatamo ng isang Stun Damage.
BABALA !!! Sa weapon na ito pwede mong paputukan ang ground o isang stage
element para masulit ang explosive effect.
4 MGA URI NG DAMAGE
4.1 Structure Damage
Kapag nagpasya kang umatake gamit ang isang weapon, i-roll ang bilang ng dice na ipinakita sa card. Para
sa bawat die na maka-score (attack na hindi nasalag o naiwasan), binibigay mo sa kalaban ang bilang ng
Structure Damage na ayon sa ginamit na weapon. Markahan ang protective sleeve ng card gamit ang
erasable marker pen para mabantayan ang Structure Damage na tinamo ng shield at armor. Ang labis na
damage mula sa isang nawasak na shield ay napupunta sa armor.
4.2 Collateral Damage
Kapag inatake mo ang isang kalaban at nakakakuha ka ng 6 (natural 6 o 5 + 1 din), kung ang pag-atake na
iyon ay matagumpay (i.e. hindi natabla o naiwasan) nagtatamo ng isang Collateral Damage ang kalabang
unit, dagdag sa normal na Structure Damage. Depende sa uri ng game na iyong nilalaro, magreresulta ito sa
iba’t ibang epekto:
GAME MODE Duel Tournament Skirmish Campaign
EFFECT
Nagdudulot ito ng
additional Structural
Damage.
Nagdudulot ito ng
additional Structural
Damage.
Kumuha ng isang
Collateral Damage
card.
Kumuha ng isang
Collateral Damage
card.
4.2.1 Mga Collateral Damage Card
Kapag naglalaro ng skirmish o campaign mode, nagdulot ka ng isang Collateral Damage sa isang kalabang
unit, dapat kumuha ang kalaban ng isang Collateral Damage Card. May 8 Collateral Damage cards:
- Weapon equipped
- Weapon mounted
- Damaged boosters
- Cockpit explosion
- Control system
- Reload system
- Left arm cut
- Front cameras
Kung ang kalaban ay nakakuha ng Mounted Weapon o Cockpit explosion card, magtatamo siya ng
kaukulang effect at pagkatapos ay ibabalik ang card sa deck. Kung ang kalaban ay nakakuha ng isa sa iba
pang mga Collateral Damage card ay permanenteng mag-a-assign siya ng card sa apektadong unit at
daranas ng kaukulang effect.
Kung ang card na nakuha ng kalaban ay gumagawa ng isang effect na hindi angkop sa hit unit (e.g .: Ang
Left Arm Cut ay hindi naaangkop kung ang hit unit ay isang sasakyang panghimpapawid) ibalik ang card sa
deck, i-shuffle ito at kumuha ulit ng isang card.
Kung nagdulot ka ng Collateral Damage sa isang Mass Produced unit, ang kalaban ay kukuha ng dalawang
Collateral Damage card at ipapakita ito, at pipiliin mo kung alin ang ia-apply. Ibalik ang card na hindi napili
sa deck at i-shuffle ito.
Tandaan na kung ang iyong driver ay Builder class isang beses kada game pwede mong gamitin ang FIELD
REPAIR skill para alisin ang isang Collateral Damage card na permanenteng naka-assign sa isa sa iyong mga
unit. Ang FIELD REPAIR skill ay walang bisa sa cards na Mounted Weapon at Cockpit Explosion.
4.3 Stun Damage
Ang Stun Damage ay isang pinsalang tinatamo ng piloto sa loob ng cockpit (dagdag sa Structure Damage na
naidulot sa minamanehong unit) kapag ang unit ay tinamaan ng ilang weapon (mga suntok, mga explosive
weapons ...) o mga partikular na kilos (thrust, charge ...).
Para sa bawat Stun Damage na natamo sa labanan, tanggalin ang
isang star STATUS section ng iyong pilot card. Sa pagtatapos ng
bawat turn, bago ang susunod na Instinct Phase, maaari mong ma-
recover ang isang star sa pamamagitan ng pag-roll ng isang die at
pagkuha ng 5+.
Kung ang piloto ay nagtamo ng 4 Stun Damage, hanggang sa
makabawi siya ng at least isang star, ituturing siyang knocked out at
hindi pwedeng magplano o i-activate ang unit.
BABALA !!! Kapag ang iyong piloto ay knocked out, ang iyong mga
kalaban ay kailangan lang ng 3+ kasama ang shot para maka-hit, na
maaaring magdulot ng Collateral Damage Cockpit Explosion gamit
ang anumang ATK o AMS weapon.
5 MGA SCENIC ELEMENTS
Ang mga scenic elements gaya ng mga gusali o pira-pirasong bahagi ng spacecraft ay nakakahadlang sa
pag-asinta ng iyong unit. Para sa bawat scenic element o Mecha unit (ang mga sasakyan ay hindi sapat ang
laki para makasagabal) sa pagitan ng iyong unit at iyong target, ang iyong pagbaril upang maka-hit ay
nagtatamo ng isang -1 modifier, kahit na ang iyong target ay ganap na nakatago.
Halimbawa: Kung susubukan mong tamaan ang Mecha unit sa likod ng isang gusali gamit ang iyong kanang
kamay, kailangan mong makakuha ng 4 (3 para sa kanang kamay, 1 para sa nakaharang sa paningin = 4).
Kung ikaw ay katabi ng isang scenic element o ng ibang unit ay hindi kailangan ang -1 modifier.
Ang ilang mga scenic elements, tulad ng mga gusali, ay maaaring masira. Maliban sa mga RFR weapon, ang
lahat ng iba pang mga uri ng weapons ay pareho ang damage sa mga scenic elements gaya ng effect nila sa
mga unit.
Ang lahat ng mga sibilyang gusali ay may 3d6 na armor value (samakatuwid tablahin ang damage na
tinamo pag-roll ng 3d6) at may structure points depende sa kanilang laki ayon sa sumusunod na table:
Building Skyscraper Hospital N° Structure points 6 8 10
Ang mga bomb bunker ay may 5d6 na armor value at 12 structure points.
Ang iba pang mga scenic elements elemento tulad ng mga bundok, damo, at bahagi ng spacecraft ay hindi
masisira. Sa pagsisimula ng laro, pag-usapan niyo ng iyong kalaban kung paano isasaalang-alang ang bawat
scenic element na gagamitin sa laro (kung alin dito ang mga nasisira at hindi nasisira).
6 GAME TURN
Kapag kumpleto na ang paghahanda para sa match, ang mga players ay maghahalili ng mga turns hanggang
maabot ng isa sa kanila ang mga winning conditions ng napiling mode ng laro. Ang bawat turn ay
nagsisimula sa Instinct Phase, pagkatapos ang initiative ay tinutukoy at ang mga players ay salit-salitan sa
pag-activate hanggang ang lahat ng kanilang mga unit ay activated na. Sa pagtatapos ng turn, kung walang
manlalaro na naabot ang mga winning conditions, isang bagong turn (Instinct Phase, initiative ...) ay
magsisimula muli at ang laro ay magpapatuloy hanggang isa sa mga players ay mananalo.
6.1 Paghahanda Para sa Paglalaro
1) Ang mga players ay pipili ng game mode na nais nilang laruin. Ang bawat game mode ay nagbibigay ng
� score limit na isinasaalang-alang sa pagbuo ng team pero ang mga players ay pwedeng magkasundo
kung dadagdagan o susundan ang limit na ito.
BABALA !!! Sa bawat match at kampanya tanging ang mga models ng parehong size scale lang ang
pwedeng ma-deploy.
2) Ang bawat player ay bumubuo ng kanyang team at sa kalaunan ay nag-a-assign ng mga upgrade card sa
mga unit, na isinasaalang-alang ang napagkasunduang limitasyon sa � score limit.
3) Pumili ng isang angkop na lugar para maglaro. Ang MechaTop ay dinisenyo at nasubok sa isang playing
area na may sukat na 180x90cm (o 6x3 talampakan). Tingnan ang aming neoprene play-mat sa aming
website.
4) Ang bawat player ay nag-a-assign ng isang piloto kada unit sa kanyang team.
5) Ang bawat player ay kukuha ng isang set ng Button tokens para sa bawat unit na bumubuo ng kanyang
team.
Kung ang isang piloto ay Nuclear progeny class ang unit na kanyang minamaneho ay maaaring gamitin ang
NUCLEAR PROGENY Button token.
6) Ang bawat player ay kukuha ng isang twist card na dapat panatilihing nakatakip hanggang sa magpasya
siyang gamitin ito. Kung gamitin ito sa tamang oras pwede nitong baguhin ang labanan. Narito ang ilang
mga halimbawa:
- Instinctive Dodge
- Weapon Jammed
- Stroke of Luck
- Reactor Failure ...
7) Ang bawat player ay magpapasya kung aling mga weapons ang ikakarga nito sa kanyang Mecha sa
kamay nito.
8) Ang mga players ay mag-ro-roll ng isang die at ang player na may pinakamababang score ay ilalagay ang
kanyang mga units sa battlefield (sang-ayon sa mga indikasyon na ibinigay para sa game mode na napili), at
pagkatapos ay ilalagay ng ibang player ang kanilang mga unit.
6.2 Instinct Phase
Sa phase na ito ang mga players ay ika-calculate ang PASS . Ang player na ang team ay binubuo ng
mas kaunting unit ay makakakuha ng PASS Token para sa bawat unit na mas mababa sa team ng kalaban.
Sa pagtatapos ng game, sa susunod na Instinct Phase, ang pamamahagi ng PASS ay muling gagawin, kung
kinakailangan. Matapos nito ang bawat player ay maglalagay ng 2 covered Button token katabi ng bawat
isa sa kanyang mga unit. Kapag nakumpleto na ng lahat ng mga players ang paglalagay ng mga Button
token, mag-roll muli ng die para matukoy ang initiative.
6.3 Initiative
Ang bawat player ay mag-roll ng isang die. Ang player na may pinakamataas na score ay mapapasakanya
ang START Token at mauuna.
Ilapat ang mga bonus na ito sa initiative roll:
• +1 kung sa nakaraang turn nagsimula ang iyong kalaban.
• +1 para sa bawat PASS na iyong nakuha.
6.4 Alternating activations
Ang player na nanalo ng initiative ay unang mag-a-activate ng isa sa mga unit ng kanyang team o maaaring
ipasa ito sa kanyang kalaban sa pamamagitan ng paggamit ng isang PASS token, kung mayroon siya.
Ang player na nag-activate ng yunit ay maaaring magpasya na:
- Gamitin ang parehong Button token.
- Gumamit ng isang Button token lang (at panatilihin ang isa para posibleng magamit sa turn ng kalaban).
- Maghayag ng No Action at panatilihin ang parehong Button token nang hindi ina-activate ang unit sa
kanyang tira.
Sa sandaling matapos ang player sa pag-activate ng kanyang yunit, ang kanyang kalaban naman ang mag-a-
activate ng kanyang mga unit.
7 MGA GAME MODE
DUELDUELDUELDUEL
600 ���� 2 players
15-30 minutes play
STAGESTAGESTAGESTAGE: : : : lungsod (scenic elements sa lahat ng dako ng scenario). MISMISMISMISSISISISION: ON: ON: ON: sirain ang Mecha unit ng kalaban. ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: nagsisimula sa pulang zone na may isang unit lamang ng Mecha. DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: nagsisimula sa asul na zone na may isang unit lamang ng Mecha. EXTRA: EXTRA: EXTRA: EXTRA: kung ang Collateral Damage ay natamo ng isang Mecha unit, sa halip na kumuha ng isang Collateral Damage Card, ang Mecha unit ay magtatamo ng karagdagang Structure Damage.
TOURNAMENTTOURNAMENTTOURNAMENTTOURNAMENT
1800 � 2-6 players
60-90 minutes play
STAGESTAGESTAGESTAGE: : : : space / Planet Earth. MISMISMISMISSISISISION: ON: ON: ON: sirain ang mga Mecha unit ng kalaban. ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: nagsisimula mula sa pulang zone na may tatlong Mecha unit. DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: nagsisimula sa asul na zone na may tatlong Mecha unit. EXTRA: EXTRA: EXTRA: EXTRA: kung ang Collateral Damage ay natamo ng isang Mecha unit, sa halip na kumuha ng isang Collateral Damage Card, ang Mecha unit ay nagtatamo ng karagdagang Structure Damage.
SKIRMISHSKIRMISHSKIRMISHSKIRMISH
1500 1500 1500 1500 ����
2-10 payers
30-180 minutes play
STAGESTAGESTAGESTAGE: : : : space / Planet Earth. MISMISMISMISSISISISION: ON: ON: ON: sirain ang mga unit ng kaaway na katumbas ng hindi bababa sa 70% ng kabuuang � points ng iyong kalaban. ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: nagsisimula mula sa pulang zone na may maximum na 5 Mecha unit. DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: nagsisimula mula sa asul na zone na may maximum na 5 Mecha unit.
CAMPAIGN*CAMPAIGN*CAMPAIGN*CAMPAIGN*
1300 <1300 <1300 <1300 <����< 2500< 2500< 2500< 2500
2-4 players
30-120 minutes play
STAGESTAGESTAGESTAGE: : : : space / Planet Earth. MISSION: MISSION: MISSION: MISSION: sundin ang mga patakaran ng scenario. ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: ATTACKER: sundin ang mga patakaran ng scenario. DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: DEFENDER: sundin ang mga patakaran ng scenario. REWARD: REWARD: REWARD: REWARD: ang nagwagi ay makakakuha ng 50xp, ang natalo ay 25xp. Ang mga experience points ay naiipon sa series ng matches sa kabuuan ng campaign.
BABALA !!! Tandaan na sa Campaign mode lang makakakuha ang iyong piloto ng mga experience points para
makamit ang mga special skills. Ganunpaman, walang pumipigil sa mga players na hamunin ang bawat isa sa iba
pang game modes at pagtatalaga ng mga special skills sa kanilang mga piloto sang-ayon sa mga napagkasunduang
kondisyon.
* Ang mga campaign matches ay nasa isang hiwalay at dedicated na libro para dito.
8 PAGGAWA NG STAT CARD
Matapos punan ang pilot card, piliin ang Mecha unit na nais mong gamitin at gumawa ng stat-card nito. Simple lang
ang step na ito:
1) Alamin ang technological level ng iyong yunit, ayon sa sumusunod na table:
1st Tech Level 2nd Tech Level 3rd Tech Level
Required traits and specials
none Transformable, Remote
controlled weapons,
Combiner-style
Assemble able, NTD,
Anti-Psycho control
2) Pagkatapos ay tukuyin ang mga structure points ng unit na proportional sa aktwal na sukat ng Mecha (o ang haba
ng sasakyan). Mayroong ilang mga exception: ang maraming mga layer ng armor o isang partikular na napakalaking
Mecha ay maaaring umabot hanggang doble ang bilang ng structure point. Piliin din ang materyal na bumubuo sa
iyong unit para matukoy ang defense value ng armor ng iyong unit:
• 1d6 civilian / military aircraft
• 2d6 iron / steel
• 3d6 steel at ceramic alloy
• 4d6 bihirang mga materyales (lunar titanium, space titanium at iba pang mga experimental alloy)
• 5d6 natatanging metal, ang bawat team ay dapat magkaroon ng hindi hihigit sa isa sa mga model na ito.
Ex: ang isang unit na gawa sa mga bihirang materyales (4d6) ay dapat mag-roll ng 4 na dice tuwing sinusubukan
nitong harangan ang isang attack gamit ang armor nito.
Ngayon na natukoy mo ang structure points at ang defense value ng armor maaari mong kalkulahin ang � cost ng
basic structure ng iyong unit.
Maaari kang pumili ngayon upang maglalagay ng shield sa iyong Mecha: depende sa laki nito at ang materyal na
bumubuo dito ay magkakaroon ng iba-ibang gastos. Tandaan na ang shield ay palaging gawa sa mas malakas na
materyal kaysa sa Mecha armor: kung ang armor ng Mecha ay kailangang mag-roll ng 4 dice sa pag-depensa, ang
shield ay dapat gumamit ng 5 dice para mag-roll.
3) Ngayon ay tukuyin naman ang bilis ng paggalaw ng iyong unit. Mayroong 5 iba't ibang uri ng speed: tank, slow,
average, fast at jet. Depende sa bilis na pinili mo at ang sum ng structure points makukuha mo ang � cost ng
napiling movement speed option.
4) Piliin ang mga katangian ng iyong yunit. Mayroong ilang mga limitasyon: ang isang tangke ay hindi maaaring
magkaroon ng Aircraft trait, ang sasakyang panghimpapawid ay dapat may at least Jet speed at iba pa ...
5) Piliin ang iyong mga weapon: lahat ng mga Mecha unit ay may taglay na kamao at shield hit (kung mayroon itong
bitbit na shield). Ang iba pang mga weapon ay may presyo na makakaapekto sa final na � cost sa stat card. Maaari
mong kargahan ang iyong Mecha ng hanggang 11 weapons (naka-mount sa frame at sa mga kamay nito). Tandaan na
kung magkakarga ang iyong unit ng higit sa 7 weapons, ang napiling movement speed ay magkakaroon ng mas
mataas na � cost.
6) Kung hindi mo mahanap ang pinakaangkop na weapon para sa iyong unit maaari kang lumikha ng iyong sariling
weapon (o isang na-upgrade na version ng mga available na options). Sinusuri ng algorithm ang presyo ng iyong
bagong weapon ayon sa ilang mga variable: kung ito ay 1 o 2 kamay ang paghawak, kung ang weapon ay naka-mount
sa frame, ang range ng weapon, ang potential damage (maximum damage na kaya nitong idulot) at ang uri nito (EXP,
AMS, Anti-Tank).
Recommended