View
283
Download
3
Category
Preview:
Citation preview
Gami�n ang mga Kaalaman na ito upang
Tulungan ang inyong Komunidad sa
Pagharap ng Bandalismo
Ang Pederasyon ng mga Komunidad sa Calgary
Virtual Resource Centre
calgarycommuni es.com/our-services/building-safe-
communi es/ p-sheets-and-resources/
Sa Palibot ng Bloke: Tayo ay Maglakad!
Mahalin kung saan Ka Naka�ra: Maging Punong-Abala
sa isang Salu-Salo sa inyong Bloke
Bandalismo
Lungsod ng Calgary (City of Calgary)
3-1-1
calgary.ca/311
Serbisyo sa Bandalismo at Mapagkukunan ay Bukas
para sa mga taga Calgary (Graffi� Services and Re-
sources Available to Calgarians)
calgary.ca/graffi
Ang Pederasyon ng mga
Komunidad sa Calgary
(403) 244 4111 ext. 225
(403) 244 4129
calgarycommuni es.com
bsc@calgarycommuni es.com
Federa on of Calgary
Communi es
@FedYYC
Photo A*ribu�ons from
Flickr Crea�ve Commons
Page 1:
Broken Window - Les Cha0ield
Sea Monster Graffi - Dierk Shaefer
Page 2 and 3:
Graffi Wall - James Badger
Train Graffi - Darryl
Walking Group - Gareth Williams
Fence Pain ng - Public Informa on
Office
Page 4 and 5:
Calgary Sunset - Michael Gil
Wall with flower bushes - Caroline
Art Under Bridge - Thank you for
visi ng my page.
Page 8:
Bridge Art - Thank you for visi ng my
page.
PUKSAIN ANG BANDALISMO
Ang Teoriya ng Basag
na Bintana
Ipinapahayag ng Teoriya ng
Basag na Bintana na kung ang
mga lugar ay nag-uumpisang
magmukhang hindi maganda
dahil sa isang basag na bintana
na hindi naaayos o mga bandal-
ismo na hindi nalilinis, ang lugar
ay patuloy na pumapangit. Ito
ay lumilikha ng ilusyon ng
pagkawalang-bahala na umaakit
sa mga kriminal at hindi
kanais-nais na kilos.
Sa pamamagitan ng panana li
sa anyo ng komunidad at pag-
alis ng bandalismo sa tuwing
ito ay lilitaw, ang komunidad ay
bumabanaag ng pagmamalaki
at pagmamay-ari at pinapahina
nito ang bandalismo.
Ang bandalismo ay tungkol sa
kung ano ang nakikita, upang
hindi na matukso ang mga
gumagawa nito na ilagay ang
kanilang likha sa isang lugar.
Ang bandalismo ay parehong subculture at anyo ng sining. May
mga kilalang mga tao sa larangan ng sining sa buong mundo at
maraming mga teoriya ang nabuo tungkol sa bandalismo at kung
bakit ito lumalabas. Ito ay puwedeng magamit na nakaplanong
sining sa iyong komunidad dahil may mga paraan upang
magamit ito upang maging mas maaliwalas at nakakahalina ang
inyong komunidad. Ngunit kung ang bandalismo ay hindi ito
gusto at hindi ito hinihingi, ito ay nakakayamot.
Ang bandalismo ay isang suliranin sa maraming
magkakapitbahay sa buong bansa. Maliban sa ito ay hindi
magandang ngnan at nakakainis linisan, ang bandalismo ay
isang problema na pwedeng magdulot ng samut-saring mga
suliranin sa mga komunidad.
Bahala na ang mga may-ari ng mga propyedad na alisin ang
bandalismo sa kanilang mga ari-arian at ito ay isang napakahirap
na gawain para sa karamihan ng mga may-ari at mga naka-upa.
Ang polyetong ito ay nagbibigay ng mga iba’t ibang paraan
upang ang mga komunidad ay pwedeng magkaisa sa pagtulong
sa kanilang mga kapitbahay upang linisin ang bandalismo.
SUGPUIN ANG BANDALISMO
Pagkupkop ng Bloke
(Adopt a Block)
Ang isang madaling paraan
upang mapana li ang
pasumbong sa bandalismo ay
ang pagkupkop ng mga
residente ng isang bloke.
Bawat isa na interesado sa
programa ay pangangasiwaan
ang isang lugar kagaya ng bloke
sa lungsod, sa kanilang
komunidad at isumbong ang
anumang naglalabasang
bandalismo. Ang mga
boluntaryo ay pwede ring
magbigay ng mga impormasyon
tungkol sa Programa ng Pagpigil
sa Bandalismo (Abatement
Program) o mga Paba d sa
Pagtanggal ng Bandalismo
(Graffi Removal Tips).
Ang solusyon ayon sa mga
pagpapasimuno ng mga
residente sa komunidad ay iulat
at tanggalin kaagad ang
bandalismo.
Ang Pag-iwas sa Bandalismo sa
Pamamagitan ng Pangkapaligirang Disenyo
Ang Pag-iwas sa Krimen sa Pamamagitan ng Pangkapaligirang
Disenyo (Crime Preven on through Environmental Design-CPTED) ay
isang kalipunan ng mga estratehiya na nagdadagdag sa kaligtasan sa
pamamagitan ng pag-impluwensya sa pisikal na disenyo ng
kapaligiran upang makahikayat ng posi bong pakikisalamuha sa
lipunan.
Marami sa mga estratehiyang ito ay nakatuon patungo sa ak bong
pagtanggal ng interes sa bandalismo. Ang ideya dito ay kunin ang
mga lugar na madalas na binabandalismo at gawin itong mga lugar
kung saan ang mga residente ay nag pon at nagkakaroon ng
angkop na kasiyahan. Gami�n ang mga estratehiya sa susunod na
pahina upang mahikayat ang paggamit ng posi�bong espasyo para
sa mga residente sa komunidad.
Pagplano ng Araw ng Pagpuksa sa Bandalismo
Maging punong-abala sa inyong komunidad sa Araw ng Pagpuksa ng
Bandalismo upang maisali ang mga residente sa pag-lilinis at
pagsusumbong. Upang maumpisahan ang Araw ng Pagpuksa sa
Bandalismo:
• Kausapin ang samahan ng komunidad upang malalman kung gusto
nilang sumali.
• Pumili ng petsa at umpisahang ianunsyo ito sa pahayagan ng
komunidad, pamamalita, mga poster, at iba pa.
• Tipunin ang mga boluntaryo upang matukoy ang mga may-ari ng mga
nabandalismong propyedad. Ang pagkuha ng pahintulot bago ang Araw
ng Pagpuksa sa Bandalismo ay makakatulong upang maisagawa ang
pangyayari na maayos.
• Mag-umpisang mangolekta ng mga kagamitan sa pantanggal ng
bandalismo at mga paba d. Siyasa n ang website ng Lungsod ng
Calgary: Calgary.ca/graffi .
• Siguraduhing nakunan ng litrato ang lahat ng bandalismo bago
tanggalin ang mga ito. Importanteng isumbong lahat ng bandalismo
bago ito tanggalin.
• Sa Araw ng Pagpuksa sa Bandalismo, magkaroon ng grupo ng mga
boluntaryo upang linisin ang mga bandalismo sa mga pribadong ari-
arian o mga propyedad ng samahan ng komunidad na may pahintulot
mula sa mga may-ari.
Kapag tapos na ang maghapon, magplano ng selebrasyon upang
ipagdiwang ang pagsisikap ng bawat-isa at ang pagkakaroon ng bagong
komunidad na napalaya na sa bandalismo. Ito ang pinakamabisang paraan
upang pasalamatan ang lahat na sumali at naglaan ng oras upang matanggal
ang bandalismo.
Siyasa n ang Mahalin kung saan ka Naka ra: Magpasimuno ng Salu-salo sa
inyong Bloke, ang a ng gabay sa pagbuo ng salu-salo sa Virtual Resource
Centre.
Ang Pag-
sumbong sa
Bandalismo
Itala ang
impormasyon
kasama ang mga
larawan ng
bandalismo. Ito ang
magbibigay daan sa
Lungsod ng Calgary
at sa Serbisyo ng
Kapulisan ng Cagary
upang matukoy ang
mga “hot spots” at
matulungan ang
mga pulis sa pag
imbis ga sa mga
nagbandalismo.
Ang mga
sumusunod na
impormasyon ay
dapat na maisama
sa ulat:
- Ang eksaktong
rahan, tanda o
pinakamalapit na
sangandaan at
kung ito ay nasa
pampubliko o
pampribadong
propyedad.
- Isang paglalarawan
sa bandalismo.
Pinaka-mainam
kung isama ang
mga parirala,
kulay, at iba pa.
- Larawan ng
bandalismo.
Maging Punong-Abala sa Paglilibot Maraming mga komunidad ang meron ng mga grupong
naglilibot (walk groups) upang iusad ang pagkakakilala ng
mga magkakapitbahay, ang pagsali ng mga komunidad at
ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay.
Maglaan ng isang paglilibot sa buong komunidad upang
matukoy ang mga bandalismo sa mga pang publiko o
pangpribadong ari-arian. Kung ang iyong komunidad ay wala
pang grupong naglilibot, ito ay madaling umpisahan at ito
ang pinakamabu ng paraan upang masali ang mga
residente. Siyasa n ang Palibot ng Bloke: Tayo ay Maglakad:
Isang gabay sa pag-umpisa ng grupong naglalakad sa
komunidad.
May mga dalawang paraan ng pagsusumbong ng bandalismo
habang nagllilibot o pagkatapos ng paglilibot:
1. Ang bawat isa ay magbitbit ng kamera o clipboard upang
itala ang bandalismo at isumbong online o sa
pamamagitan ng pagtawag sa 3-1-1 sa kalaunan.
2. Gami n ang Calgary 3-1-1 Repor ng App sa kanilang
telepono.
Mahalagang maitala ang impormasyon at siguraduhing
makunan ng mga litrato ang bandalismo. Tukuyin ang mga
“hot spots” na kailangang harapin sa inyong kapitbahayan
kung ito ay maaari.
Bandalismo
Ayon sa Tuntunin ng
Pamantayang
Pangkomunidad sa
Lungsod ng Calgary
5M2004, ang
bandalismo ay
tungkol sa:
− Mga salita
− Mga pigura
− Mga letra
− Mga dibuho
− Mga e keta
(s cker)
Na:
− Nailagay
− Naisulat
− Naiukit
− Naiwisik
− Naikabit
sa isang ibabaw na
walang pahintulot
mula sa may-ari ng
mga propyedad.
Ang Mga Hindi Mailipat na Malalaking Bato,
Maliliit na Halamang Bakod at mga Palumpong
Ang bandalismo ay pwedeng maiwasan sa pamamagitan
ng mga nakakaayang harang upang mapana ling hindi
maabot ng publiko ang mga pader na madalas na maban-
dalismo. Siguraduhin na mapana li ang anumang mga
palumpong, halamang bakod, o mga bulaklak. Kung ang
mga halaman ay naging hindi malinis, maayos at masya-
dong malaki, ang mga ito ay pwedeng makadagdag sa
Teorya ng Basag na Bintana. Ang mga masyadong mala-
laking palumpong ay pwede ring makalikha ng mga naka-
bukod na espasyo mula sa paningin kung saan pwedeng
maganap ang mga hindi kanais-nais na mga kilos.
Ang mga Larawang Nakapinta sa
Pader (Mural) at
Pangkomunidad na Sining
Kung may tanging lugar na palaging
binabandalismo, pag-isipang
magpinta ng larawan sa pader
(mural) o proyektong
pangkomunidad na sining. Ang
mga larawan sa pader ay
nakakaayang solusyon sa
bandalismo dahil ito ay nagbibigay
ng liwanag sa mga komunidad at
nagdadagdag sa kanyang
katangian.
Madalas mayroong respeto sa
pagitan ng mga alagad ng sining na
gumagawa ng bandalismo na
huwag takpan ang gawa ng mga
iba. Siguruhin na mapana li ang
anumang pambublikong gawa ng
sining. Kung ito ay hindi na kaaya-
aya, ang bandlismo ay may
malaking tsansang bumalik ito.
Mga Ilaw na Nakakapuna ng Galaw Sa halip na gumamit ng mga kamerang pang seguridad
kung saan marami itong mga pribadong kabawalan na
nakapaloob sa paggamit nito, o isang sapat at malaking
pagmumulan ng liwanag upang ilawan ang lugar, pag-
isipang gumamit ng ilaw na nakakapuna ng galaw. Ito ay
upang maba d ng mga tao ang mga kaganapan sa lugar,
ngunit ito ay hindi dapat makakapagbigay ng sapat na
liwanag na kakailanganin sa paggawa ng bandalismo na
nakakabawas sa panganib.
Kung ang pader ay may ilaw at hindi ito lugar na
binabantayan, meron itong mas higit na panganib na
mabandalismo.
Ang mga sumusunod ay mga paba�d at lalang sa pagtanggal ng bandalismo mula sa iba’t ibang uri ng ibabaw.
Pag-isipang tumawag ng serbisyo mula sa
propesyonal na nagtatanggal ng
bandalismo. Ang mga ilang bandalismo ay
mahirap tanggalin kung ito ay naka-ukit na
sa ibabaw.
Ang mga produktong pantanggal ng ban-
dalismo ay mas mabisa kung ang tempera-
tura ay 10oC o mas mainit.
Bago umpisahan ang anumang produktong
pantanggal ng bandalismo, subukan ang
isang tagpi upang masiguro na hindi
magbabago ang kulay ng ibabaw nito.
Ang mga produktong pantanggal ng bandal-
ismo ay hindi pwedeng dumaloy sa mga
daluyan ng baha dahil ito ay nakakapinsa-
lang kemikal.
Ang Programa para sa Pagpigil ng Bandalismo Ayon sa mga Tuntunin ng Pamantayang Pangkomunidad (Community Standards Bylaw), ang mga may-ari ng
mga propyedad ay dapat tanggalin ang anumang mga bandalismo na nakalitaw sa kanilang mga ari-arian.
Kung ito ay isinumbong , ang Serbisyo ng Kapulisan ng Calgary ay pwedeng maglabas ng panlunas na
paunawa at ang mga may-ari ng mga propyedad ay may labing-apat (14) na araw upang tanggalin lahat ang
mga bandalismo. Kung ang may-ari ng mga propyedad ay walang kakayahang tanggalin ang bandalismo sa
kanilang sarili, pwedeng humingi sila ng tulong mula sa Programa para sa Nagkakaisang Samahan sa Pagpigil
ng Bandalismo (Corporate Coordinated Graffi Abatement Program—CCGAP).
Kung gustong mapabilang sa programang ito, isang sulat ng pagpapa-ubaya ang dapat pirmahan upang
pahintulutan ang mga empleyado ng Lungsod o mga kontra sta na pumasok sa inyong propyedad upang
linisin ang bandalismo ng libre. Para sa karagdagang impormasyon, siyasa n ang website ng Lungsod ng
Calgary: Calgary.ca/graffi .
PAGLINIS SA BANDALISMO
Ang mga sumusunod ay mga paba�d at lalang sa pagtanggal ng bandalismo mula sa iba’t ibang uri ng ibabaw.
Pintura
• Gumamit ng panimulang pahid upang maiwasan ang
paglitaw ng bandalismo sa bagong patong nito.
• Kung gagamit ng pinturang latex, maglagay ng
dalawang pahid nito.
• Maglagay ng tagpi kada bloke.
• Siguraduhing gumamit ng parehong kulay. Ang
bandalismo ay babalik kung ang pintura ay hindi
magkapareho.
Aluminyo o Vinyl Siding Gumamit ng kaun ng pantanggal ng bandal-
ismo. Banlawan ng maligamgam na tubig.
Metal Gumamit ng pantanggal ng bandalismo at
iskoba. Banlawan ng maligamgam na tubig.
Estuko (Stucco) Gumamit ng pantanggal ng bandalismo at
panghugas na may pwersa.
Masonerya (Masonry) Kuskusin sa pamamagitan ng iskoba at
pantanggal ng bandalismo. Banlawan ng
maligamgam na tubig.
Kahoy Lihain ang ibabaw upang ma-
tanggal ang bandalismo.
Mga E�keta (S�ckers) Gumamit ng kon ng pantanggal ng
bandalismo at ikuskos ng marahan.
PAGLINIS SA BANDALISMO
Recommended