2
Noong unang panahon , may isang pamayanan na matatagpuan sa pagitan ng dalawang bundok. Simple at masaya nilang ipinagdiriwang ang bawat oras na lumipas. Nakagawian na nilang gawin ang mangaso, mangisda, magtanim, magluto, magsibak ng kahoy at maglinis ng pamayanan. Dito umiikot ang kaninalang buhay. Isang araw, habang abala ang lahat ay may biglang nagsisigaw na tila wala ng bukas. Lahat sila'y nagulantang ; kanilang pinaikutan ang isang Ginang na malapit na palang manganak. Sa kanilang pamayanan ang panganganak ay sariling sikap lamang. Kaya naman, idinala ang Ginang sa isang komportableng lugar at doon hinayaang manganak. Bawat batang isinilang ay inaabangan ng lahat. Sila'y sabik sa unang pag-iyak ng bata. Halos ilang oras na rin ang nakalipas ngunit wala padin silang naririnig na iyak. Nagtataka ang lahat kaya't may tatlong babaeng naglakas loob na silipin ang Ginang. Nagulat sila dahil karga na pala ng Ginang ang sanggol. Sanggol na singlikot ng uod ngunit hindi man lang umiyak. Naging palaisipan sa lahat ang kondisyon ng sanggol. Simula din nito'y naging atraksyon na nila ito. Halos kanilang dalawin araw-araw upang makgibalita kung ano ang lagay nito. Sa paglipas ng panahon ang batang naging atraksyon ay unti-unting nakapaglakad at kung saan-saan na nakakaikot sa loob ng pamayanan. Ngunit may isa pading problema sa kanya, ito'y ang hindi pagsasalita kahit anumang tunog. Ang mga magulang niya kasama ang lahat ng tao ay takang- taka sa kung anong kondisyon mayroon siya. Wala silang magawa dahil ang tanging mga nakasanayang gawain lang naman ang kanilang alam. Sa kalaliman ng gabi, ang buong pamayanan ay mahimbing na natutulog. Walang anumang liwanag na nakikita. Punung-puno ng katahimikan ng biglang may mga grupo ng mababangis na hayop ang napadpad sa loob ng pamayanan. Ang lahat ay nabulabog at hindi alam ang gagawin. Lahat ng kalalakihan ay pinrotektahan ang kanilang pamilya.Hindi maitatanggi ang lubos nilang takot lalo sa pamilya ng batang atraksyon. Sinimulang puksain ang mga hayop, lalong naging mabagsik ang mga ito. Biglang sumugod ang isang baboy ramo sa Ginang kung saan hawak niya ang kanyang anak. Napahiga siya. Napatapon na tila basura ang kanyang anak. Hanggang sa sila'y may narinig na isang malakas na tinig na " A,A,A,a,a,a". Ang lahat ay napahinto, maging ang mga mababangis na hayop ay nakuha ang atensyon. Walang tigil sa pagsasalita ang bata na ang tanging lumalabas ay "A,A,A,a,a,a". Nagulat ang lahat ngunit bingyang pansin muna nila ang

Alamat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alamat

Noong unang panahon , may isang pamayanan na matatagpuan sa pagitan ng dalawang bundok. Simple at masaya nilang ipinagdiriwang ang bawat oras na lumipas. Nakagawian na nilang gawin ang mangaso, mangisda, magtanim, magluto, magsibak ng kahoy at maglinis ng pamayanan. Dito umiikot ang kaninalang buhay.

Isang araw, habang abala ang lahat ay may biglang nagsisigaw na tila wala ng bukas. Lahat sila'y nagulantang ; kanilang pinaikutan ang isang Ginang na malapit na palang manganak. Sa kanilang pamayanan ang panganganak ay sariling sikap lamang. Kaya naman, idinala ang Ginang sa isang komportableng lugar at doon hinayaang manganak. Bawat batang isinilang ay inaabangan ng lahat. Sila'y sabik sa unang pag-iyak ng bata. Halos ilang oras na rin ang nakalipas ngunit wala padin silang naririnig na iyak. Nagtataka ang lahat kaya't may tatlong babaeng naglakas loob na silipin ang Ginang. Nagulat sila dahil karga na pala ng Ginang ang sanggol.Sanggol na singlikot ng uod ngunit hindi man lang umiyak. Naging palaisipan sa lahat ang kondisyon ng sanggol. Simula din nito'y naging atraksyon na nila ito. Halos kanilang dalawin araw-araw upang makgibalita kung ano ang lagay nito.

Sa paglipas ng panahon ang batang naging atraksyon ay unti-unting nakapaglakad at kung saan-saan na nakakaikot sa loob ng pamayanan. Ngunit may isa pading problema sa kanya, ito'y ang hindi pagsasalita kahit anumang tunog. Ang mga magulang niya kasama ang lahat ng tao ay takang-taka sa kung anong kondisyon mayroon siya. Wala silang magawa dahil ang tanging mga nakasanayang gawain lang naman ang kanilang alam.

Sa kalaliman ng gabi, ang buong pamayanan ay mahimbing na natutulog. Walang anumang liwanag na nakikita. Punung-puno ng katahimikan ng biglang may mga grupo ng mababangis na hayop ang napadpad sa loob ng pamayanan. Ang lahat ay nabulabog at hindi alam ang gagawin. Lahat ng kalalakihan ay pinrotektahan ang kanilang pamilya.Hindi maitatanggi ang lubos nilang takot lalo sa pamilya ng batang atraksyon. Sinimulang puksain ang mga hayop, lalong naging mabagsik ang mga ito. Biglang sumugod ang isang baboy ramo sa Ginang kung saan hawak niya ang kanyang anak. Napahiga siya. Napatapon na tila basura ang kanyang anak. Hanggang sa sila'y may narinig na isang malakas na tinig na " A,A,A,a,a,a". Ang lahat ay napahinto, maging ang mga mababangis na hayop ay nakuha ang atensyon. Walang tigil sa pagsasalita ang bata na ang tanging lumalabas ay "A,A,A,a,a,a". Nagulat ang lahat ngunit bingyang pansin muna nila ang pagtataboy sa mga hayop. Matapos ang kaguluhan ay napatigil nadin ang bata at kanyang hinagkan ang mahal na ina.

Kinabukasan, matapos ang pangyayari ay naging normal ang lahat maliban sa kanilang pag-aantay sa paglabas ng bata. Kanilang ikinatuwa ng nakita nila ito at walang humpay na binibigkas ang tunog na "A,A,A,a,a,a" . Ang bata ay makulit at hindi mapakali. Hanggang kanila itong binansagang si "A".

Page 2: Alamat

"A" na ang naging tawag ng karamihan sa kanya dahil ito lang ang kaya niyang bigkasing tunog sa murang edad. Isang nakakatuwang bagay na si A ay itinuring ng bawat isa na ispesyal bagkus ng kanyang kalagayan.Sinanay si A sa mga nakagawiang gawain ng pamayanan magmula sa pangangaso,pagtatanim,pagsibak ng kahoy at iba pa. Sa lahat ng gawain ay may napapansin silang kakaiba dahil gumuguhit siya ng tatak matapos ang isang gawain. Ang kanyang tatak ay pagdikit ng dulo ng dalawang patabinging linya sa taas sabay guguhit ng linyang pahiga sa gitna nito. Muli niyang bibigkasin ang tunog na "A". Ang lahat ay natutuwa sa ginagawa ni A. Halos mapuno na ng simbolong A ang kanilang pamayanan.

Sa pagiging ispesyal ni A ay naging simbolo ito ng kanilang pamayanan. Si A ang nagbigay sa kanila ng daan sa kung paano nila maiguguhit ang kanilang simbulo. Walang sinuman sa pamayanan ang may alam sumulat. Basta ang kanilang alam ay sulatin ang kanilang simbulong "A" at bigkasin ang tunog nitong "A". Naging tanyag ang kanilang simbolo na umabot pa sa kabilang pamayanan.