21
WELCOME!!! TO OUR PRESENTATION…

Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Panahon ng Bato Panahon ng Metal

Citation preview

Page 1: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

WELCOME!!!TO

OURPRESENTATION…

Page 2: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHON NG

PALEOLITIKO,

NEOLITIKOAT

METAL..

Page 3: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

-Paano nabuhay ang mga tao sa Panahong Paleolitiko? Neolitiko?

Metal?

Page 4: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

3 Panahong Ebolusyon

* Paleolitiko

* Neolitiko

* Metal

Page 5: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

Paleolitiko

Page 6: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG PALEOLITIKO

Tumagal mula higit dalawang milyong taon hanggang 8,000 B.C ang pahanahong ito.

( Mababa, Gitna at Mataas na Paleolitiko)Sa Asya ang pinakamatandang halimbawa ng

Mababang Paleolitiko ay natagpuan sa Kwebang Zoukoudian (Choukoutien) na malapit sa Beijing, Tsina.

Upang makagawa ng isang kasangkapang bato, pinupukpok lamang nila ito kapag nabasag maari na itong gamitin ang natapyas basta’t may talim ang mga ito. Tinatawag nila itong flaked stone stool o tinapyas na kasangkapang bato. Karaniwang mga hand axe at chopper tool ang kanilang ginagamit.

Sa timog-kanlurang Asya nama,Gitnang Asya at Tsina naging laganap ang teknolohiya ng Gitnang Paleolitiko.

Page 7: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG PALEOLITIKO

Ito ay binubuo sa paggawa ng tinapyas na bato mula sa inihandang upang sadyang tapyasin.. Ikinakabit ang tinapyas sa kahiy at ikinakabit sa sibat.

Ang mga labi ng Mataas na Paleolitiko ay matatagpuan sa kabuuan ng Asya kabilang na dito ang Siberia at Pilipinas. Kasabay nito ang pagkabuhay ng mga Tabon sa Pilipinas.

Karaniwang naninirahan ang mga ito sa mga kweba o rock shelter.

Natuto silang gumamit ng palakol, paet, pana at sibat makalipas ang maraming taon. Nabuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda at pangangalap ng pagkain.

Page 8: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG PALEOLITIKO

Natutunan din nila ang pag-ukit, pagliilok, at pagpinta. Ito ay ginamit nila sa pagguhit ng dingding ng kweba at paggawa ng talim ng sibat, kutsilyo at iba pang kagamitan yari sa bato. Sa relihiyon ang mha taong Neanderthal na naipamalas sa pag-aalay ng sakripisyo, pagkain at mga palamuti sa patay.

Sa Tsina, hinihinala ng mga antropologo na maaaring unang patunay ang ritwal ang hematite. Ginagamit na pangkulay sa mga labi ng namatay.

Ang paglilibing sa mga namatay kasama ang kanilang kasangkapan ay isa nang indikasyon na may paniniwala na sa kabilang buhay ang mga taong Neanderthal.

Page 9: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG PALEOLITIKOKaugnayan ng Kapaligiran sa

PamumuhayPaleolitikoMalaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa mga

taong nabuhay sa panahong ito. Kailangang maiangkop ng mga tao ang kanilang sarili sa uri ng klima, kapaligiran, at sa paraan ng kanilang pamumuhay. Simple lang ang pamumuhay ng tao noon, nakatira sa yungib na lugar, mga ligaw na hayop ang pagkain sa araw-araw.

Ang pagsamba sa kanilang pinaniniwalaang makapangyarihan sa kanila, ang kalikasan. Itinuturing nilang sagrado ang ganitong mga bagay.

May mga palatandaan sa hilagang India na ginagamit sa gawaing panrelihiyon ang mga kwebang sinaliksik ng mga antropologo.

Page 10: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG PALEOLITIKO

Matatgpuan ang mga Homo Ertectus hindi lamang sa Aprika kundi sa malalamig na lugar sa Tsina, Europa, at Siberia.

Dahil sa kakayahan ng mga sumunod na taong Paleolitiko na tiisin ang lamig, nagawa nilang manatili at mamuhay sa malalamig na lugar. Pinagdugtong ang pinatuyong mga balat ng hayop at ginawa itong balabal o damit laban sa lamig.

Sa pagkakatunaw ng yelo bunga ng init, lumitaw ang malalawak na lupain sa hilaga. Lumitaw ang maraming mapagkukunan ng pagkain. Nanirahan ang mga taong paleolitiko.

Natuto silang maghanap ng makakain at sa halip na malalaking kasangkapang bato ang gamitin, gumamit sila ng blade na kanilang pinagdurugtong upang makalikha ng bagong kagamitan.

Page 11: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

NEOLITIKO

Page 12: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG NEOLITIKONagsimula ang panahin ng bagong bato o Panahong

Neolitiko noong 8,000 B.C.Lumaganap sa maraming bahagi ng mundo ang

produksyon ng pagkain. Kabilng na dito ang mga butil, (wheat, barley, millet) at iba pang halaman, gayundin ang paghahayupan o pag-aalaga ng hayop tulan ng tupa, kambing at baka.

Sadya ang paghugis at pagkinis ng mga taong Neolitiko sa mga batong gamit sa samu’t sari at malilikhang gawain.

Lumitaw ang busog at pana, gayundin ang iba pang gamit sa pagtatanim at pag-aani ng mga butil. Bumilis ang paggawa ng mga palayok at pagtatayo ng mga kamarin na taguan ng mga ani.

Bunga ng pagdami ng tao at pagliit ng panustos ng naani sa iba’t ibang kadahilanan, sinubukan na magtanim ng butil (trigo o barley) sa mababang lugar sa kabundukan.

Page 13: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG NEOLITIKOBunga ng pagdami ng panustos ng pagkain, lalong

lumaganap ang pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Nakabuo sila ng nayon. Bumilis ang pagdami ng populasyon. Nagsimulang magkaroon ng simpleng sistema ng pamamahala lalo na sa pagpapalitan ng produkto.

Unti-unting humiwalay sa karaniwang gawain ang mga espesyalista sa mga gawaing ritwal. Lalong sumigla ang pagpapalitan ng kalakal.

Bunga ng pagbabagong ito gayundin ang pagkakatuklas sa metal bilang materyal sa paggawa, lumitaw ang mga estadong lungsod at ang tonawag na buhay-lungsod o sibilisasyon.

Lumaganap sa Taiwan, Pilipinas at Indonesia hanggang sa pulo ng Pasipiko sa silangan at sa Pulo ng Madagascar sa may Aprika sa Kanluran.

Page 14: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG NEOLITIKO

Kaugnayan ng Kapaligiran sa Pamumuhay Neolitiko

Bumilis ang ginawang pagbabago ng tao sa mga likas na anyo ng mga bagay sa kapaigiran at sa kapaigiran mismo. Natuto silang magsaka sa mga lugar na dating tirahan ng maiilap na hayop. Nangangaso at nangingisda habang nag-aantay ng anihan.

Pinakamalaking pagbabago sa kapaligiran ang nagawa ng pamumuhay na Neolitiko. Pati ang pagdaloy ng ilog ay pinakialaman upang malagyan ng tubig ang mga lugar na dati ay iang.

Higit na mabilis ngayon maunawaan ng mga taong Neolitiko ang kanilang kapaligiran. Bukod sa marami na silang panahon upang magmasid sa kalikasan, may marunong din sa pagbibigay-kahulugan sa pahiwatig ng kalikasan.

Page 15: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG NEOLITIKO

Sa timog-silangang Asya, ang pagtaas ng dagat simula 6000 B.C ay napalitaw ng iba’t ibang uri ng kapaligiran kung kaya umayon dito ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

Natutuhan ng mga taga-Timog-silangang Asya ang paglikha ng mga sasakyang-dagat na may iba’t ibang disenyo. Humusay rin sa kanilang kakayahan sa nabigasyon o paglalakbay-dagat. Natutuhan nila ang iba’t ibang anyo ng alon, ang paggamit sa mga bituin at hangin bilang gabay sa paglalakbay.

Noong 5000 B.C., sinimulan ng mga nagsasalita ng wikang Austronesyano ang pagtawid sa dagat. Lumaganap sila sa Taiwan, Pilipinas at Indonesia hanggang sa mga Pulo na Pasipiko sa silangan at sa pulo ng Madagascar sa may Aprika sa kanluran.

Page 16: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

Metal

Page 17: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG METAL

Tinataya ng mga Arkeologo na ang panahon ng metal sa Timog-kanlurang Asya ay nagsimula noong ikapitong milenyo B.C. May tallong uri ng meta na ginamit ang mga tao bilang materyal sa paggawa ng kasangkapan – tanso, bronse (halo ng tanso at tin) at bakal. Nagsimula ang paggamit sa tanso bilang kasangkapan noong 6250 B.C, sa bronse noong 3000 B.C at sa bakal noong 1000 B.C.

Maagang namulat sa mga tao ang mga metal na ito. Ngunit matagal bago nila natuklasan ang paggamit sa mga ito bilang materyal sa paggawa ng kasangkapan.

Nauna na ginamit ang bronse kaysa baka kahit kilala na at maraming mapagkukunan itong huli.

Page 18: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG METAL

Ang Catal Huyuk sa Turkey ang isa sa mga kinatagpuan ng mga unang gumamit ng tanso bilang kasangkapan. Nakatagpo rito ng mga karayom na yari sa tanso na hinihinalang kanilang ginamit sa paghahabi ng kanilang damit.

Ginamit naman ito sa Chaldea sa paggawa ng mga luhuan, kubyertos, at palamuti noong ikaapat na milenyo B.C.

Isa sa mga natuklasang materyal ang mga arkeologo ay ang bronse na pinaghalong tanso at tin. Kung tutuusin, higit na matigas ang bronse sa tanso. Subalit higit na mabilis matunaw ang bronse kung kaya naging madali para sa mga sinaunang taong ihulma ito sa iba’t ibang hugis. Hindi ito basta basta masisira ng kalawang.

Page 19: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG METALSa hilaga-silangang Thailand at hilagang Vietnam, may

mga natagpuang patunay ng paggawa ng bronse noong papatapos ang 3000 B.C.

Kung ihahambing sa gamit na gawa sa bato, higit na matibay, matigas at matalas ang mga kasangkapang yari sa metal. Madali pa itong ihulma sa iba’t ibang hugis at gamit, nang matutuhan at mapaunlad ng mga sinaunang tao ang agham at sining ng metalurhiya ng metal.

Sa paggamit ng meat bilang materyal sa paggawa ng kasangkapan, higit na bumilis ang produksyon ng pagkain na nagpagaan sa buhay ng marami.

Sa pagdami ng pagkain, bumilis ang pakikipagkalakalan sa ibang bayan.

Page 20: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

PANAHONG METAL

Malaki ang naitulong ng metal sa urbanisasyon. Dahil may labis na produksyon ng pagkain, maraming tao ang nagkaroon ng pagkain, maraming tao ang nagkaroon ng maraming oras, kung hindi man nalibre sa pagsasaka, upang paunlarin ang kanilang kalaaman sa paggawa ng iba sa paghahayupan, mayroon sa pagpapanday, ang ibang tao sa konstruksyon, ang ilan sa gawaing administrasyon.

Lahat ng ito ay nabuo sa tulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga tao na sanhi ng paggamit ng tanso, bronse, at baka bilang mga materyal sa paggawa ng kanilang kasangkapan.

Page 21: Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

THE END