16

Tamang proseso

Tags:

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Tamang proseso
Page 2: Tamang proseso

2Peter 1:3-11 1:3 Yamang ipinagkaloob sa

atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;

Page 3: Tamang proseso

1:4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.

Page 4: Tamang proseso

1:5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;

Page 5: Tamang proseso

KagalinganLuke 6:45 Ang mabuting tao ay kumukuha ng

kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng

kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang

bibig.

Page 6: Tamang proseso

KaalamanPro 14:6 Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.

Page 7: Tamang proseso

1:6 At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;

Page 8: Tamang proseso

PagpipigilTit 2:12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin

sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at

matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;

Page 9: Tamang proseso

PagtitiisHeb 6:15 At sa ganito, nang makapaghintay na may

pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.

Heb 10:36 Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang

kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.

Page 10: Tamang proseso

Kabanalan1Th 3:13 Upang patibayin niya ang inyong mga puso,

na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong

Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.

Page 11: Tamang proseso

1:7 At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig.

Page 12: Tamang proseso

1:8 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.

Page 13: Tamang proseso

1:9 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.

Page 14: Tamang proseso

1:10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man:

Page 15: Tamang proseso

1:11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na

si Jesucristo.

Page 16: Tamang proseso

Hebrew 6:12 Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.