50
SI EBA AY SI ADAN, SI ADAN AY SI EBA: ISANG PAG-AARAL PATUNGKOL SA BUHAY ESTUDYANTE NG MGA TAONG NABIBILANG SA 3 RD SEX Isang Tesis na isinumete kay G. Raffy S. Aganon Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan Tarlac State University Bilang katugunan sa isa sa mga pangangailangan sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik Nina: Rizan I. Capinpin Elden R. Javier Kathleen T. Limbana Rowena A. Millo Francis Felipe B. Pagaduan Camille Blessie N. Ringor Erika Jane J. Teel

Si eba ay si adan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

rtghjhkjjhkfhhgjgk

Citation preview

Page 1: Si eba ay si adan

SI EBA AY SI ADAN, SI ADAN AY SI EBA:ISANG PAG-AARAL PATUNGKOL SA BUHAY ESTUDYANTE NG

MGA TAONG NABIBILANG SA 3RD SEX

Isang Tesisna isinumete kay G. Raffy S. Aganon

Kolehiyo ng mga Sining at Agham PanlipunanTarlac State University

Bilang katugunan sa isasa mga pangangailangan sa Filipino 2

Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik

Nina:

Rizan I. CapinpinElden R. Javier

Kathleen T. LimbanaRowena A. Millo

Francis Felipe B. PagaduanCamille Blessie N. Ringor

Erika Jane J. TeelRose Ann S. Tubay

Ikalawang Semestre, 2012-2013

Page 2: Si eba ay si adan

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Sa panahon ngayon ay napakarami ng tao na nabibilang sa 3rd sex ang nagkalat

sa ating lipunan. Marahil, ay isa na nga itong senyales na tanggap na ng ating mga

kapwa mamamayan ang pagkakaroon ng ikatlo at marahil ay ikaapat pang kasarian na

sadyang lumihis sa kanilang mga landasin ang bakla at tomboy.

Nasusulat sa Genesis 2 berso 21-22, “Kaya’t pinatulog ng PANGINOONG

Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at

pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae,

at dinala niya ito sa lalaki.” Ipinahayag ng banal na bibliya na tanging babae at lalaki

lamang ang nilikha ng Diyos. Kaya naman, gayon na lamang ang pagsuka ng mangilan-

ngilang tao sa mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang pangungutya at diskriminasyon sa mga taong

nabibilang ditong yaong mga indibidwal na lantaran ang pagkadisgusto sakanila.

Bagama’t hindi na isang kahihiyan ang magladlad ay sadyang isa paring dagok ang

mapabilang dito.

Page 3: Si eba ay si adan

Habang patuloy na dumadami ang mga taong nabibilang dito ay patuloy din ang

pagdami ng problemang kinakaharap nila. Una na sa listahan ay kung ano ang

magiging pakikitungo ng kanilang mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat ay ang

kanilang pamilya, sa kanilang oras na ilabas nila ang kanilang nagkukubling pagkatao

at iwaksi ang kanilang huwad na personalidad na siyang pumipigil upang makaalpas

ang tunay nilang anyo. Ikalawa ay ang magiging tingin ng ibang tao sakanila at kung

paano sila tatanggapin at husgahan ng lipunan. Marahil isa pa sa kanilang magiging

suliranin ay kung paano nila maipapahayag ng wasto ang kanilang mga damdamin at

kung paano sila maiintindihan ng isang normal na indibidwal.

Paglalahad ng Suliranin

Ang riserts na ito ay nagnanais na masuri ang kasalukuyang buhay ng mga

taong nabibilang sa 3rd sex bilang estudyante at kung paano lubos na mauunawaan ang

kanilang kalagayan sa lipunan. Sa kabuuan, sinikap ng pagaaral na ito na masagot ang

mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga problemang kinakahaarap nila?

Sa pamilya

Sa mga kamag-aral/ paaralan

Page 4: Si eba ay si adan

Sa lipunan

Sa mga kapwang nabibilang sa 3rd sex.

2. Ano ang kanilang nararamdaman sa pakikitungo ng kanilang:

Kamag-aral

Magulang

Kabarangay

Guro at iba pang

estudyante

3. Sa paanong paraan sila nakakaranas ng diskriminasyon.

Pisikal

Emosyonal

Sosyal

Mental

4. Paano nila kinakaharap o binigyang solusyon ang kanilang mga problema?

5. Ano ang kanilang maipapayo sa kanilang mga kapwa na nabibilang sa 3 rd sex

pagdating sa kanilang pagaaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa buhay ng mga taong nabibilang sa

ikatlong kasarian bilang isang estudyante. Nasasakop nito ang pagsusuri ng buhay ng

Page 5: Si eba ay si adan

mga estudyanteng kabilang sa 3rd sa mababa at mataas na paaralan at gayundin sa

kolehiyo, ang kanilang suliraning kinahaharap, at ang kanilang mga ginawang aksiyon

upang masolusyunan ang mga ito. Labing limang piling estudyante ang sasagot sa

talatanungang aming inihanda.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng isang buwan(Pebrero hanggang

Marso 2013) sa kolehiyo ng Edukasyon ng Tarlac State University.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang klase ng buhay na

mayroon ang mga taong kabilang sa 3rd sex bilang isang estudyante. Nais ng

mananaliksik na bigyan ng kaalaman ang mambabasa sa hinaharap ng tesis na ito ukol

sa kasalukuyang estado ng mga 3rd sex sa ating lipunan. Naglalayon itong maipahayag

ang iba’t ibang punto de bista ng mga taong nabibilang dito upang sila’y lubos na

maunawaan ng nakararami.

Sa pamamagitan din ng riserts na ito ay maisasatinig ng mga taong nabibilang

sa 3rd sex ang kanilang suliranin na kinakaharap bilang isang estudyante.

Mahalaga rin ito upang labis na maunawaan ng pamahalaan ang hinaing ng mga

taong nabibilang sa 3rd sex.

Page 6: Si eba ay si adan

Gayundin ay mamumulat ang mga magulang sa pagkalinga at paggabay na

kailangang mapag-ibayo ang kanilang pag-aaral

Kabanata 3

PAMAMARAAN

Upang makalap ang mga kinakailangang datos sa riserts na ito, ang mga

sumusunod na hakbang at pamamaraan ay isinagawa ng mga mananaliksik. Gayundin,

ang paraan ng pagpili ng mga kalahok at kung paano susuriin ang mga makalap na

datos ay ilalahad.

Disenyo ng Pananaliksik

Kinalap ang mga datos ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey.

Binalangkas ang isang talatanungan sa isang lohikal at maingat na paraan na siyang

nagsilbing kagamitan sa pangangalap ng mga kinakailangang impormasyon.

Pagpili ng Kalahok

Page 7: Si eba ay si adan

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng labin-tatlong taong

nabibilang sa 3rd sex na piniling pasumala mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng

pura. Ang mga kalahok ay maaaring bakla o tomboy na nasa elementarya, sekondarya

o kaya nama’y kolehiyo. Ang mga kalahok ay ang mga nasa edad na labing dalawa

hanggang dalawampu’t-apat.

Instrumento

Kinakailangang gumamit ng mga mananaliksik ng iba’t ibang instrumento upang

maisakatuparan nila ang minimithing pag-aaral. Siniguro ng mga mananaliksik na ang

mga instrumentong ginamit ay makakapagbigay ng tiyak, maayos at makabuluhang

datos. Gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik bilang instrumento. Ang

talatanungan ay naglalaman ng mga tanong na makatutulong sa mga mananaliksik

upang tiyak na mapag-aralan ang buhay ng mga taong nabibilang sa 3rd sex. Gayundin,

ay gumamit ng camera ang mga mananaliksik upang masubaybayan ang bawat

pangyayari sa riserts na ito.

Pagsusuri sa mga Datos

Ang mga sagot sa talatanungan ang siyang naging basehan ng mga

mananaliksik sa paggawa ng konklusyon ukolsa kalagayan ng mga taong nabibilang sa

ikatlong kasarian. Ang mga konklusyong itoay ang maglalahad ng mga tagong lihim

Page 8: Si eba ay si adan

tungkol sa mga taing nabibilang sa ikatlong kasarian at ang paraan ng mga pakikitungo

ng mga taong nakapaligid sa kanila. Mailalahad din ng mga sagot ng mga kalahok ang

ilang tulong na maibibigay ng pananaliksik na ito sa mga taong makababasa ng riserts

na ito sa hinahaharap at higit sa lahat ay mauunawaan ngmga tao sa lipunan ang

kalagayan ng mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian

Kabanata 4

PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay maglalahad ng mga nakalap na datos ng mga

mananaliksik. Dito ay maipapakita ang resulta ng ginawang riserts.

Ang mga susunod na talahanayan ay maglalahad ng mga problemang

kinakaharap ng mga taong nabibilang sa 3rd sex sa kanilang pamilya,kamag-

aral,lipunan at mga kapwa nabibilang sa ikatlong kasarian.

Page 9: Si eba ay si adan

Talahanayan 1. A

Problemang Kinakaharap ng mga 3rd sex sa kanilang Pamilya

Problemang Kinakaharap sa Pamilya

Kasarian Edad

E X 14A X 13E X 12E Y 13B Y 13A Y 15E X 21E X 14E X 13E X 13E X 14E X 13E X 13

Legend:

X – Bakla Y - Tomboy

Page 10: Si eba ay si adan

A – Hindi kayang tanggapin D – Kawalan ng tiwala

B – Madalas sinasaktan E – Wala sa mga nabanggit

C – Ikinakahiya

Dalawa sa labing tatlong taong nabibilang sa 3rd sex na sumagot sa sarbey ang

nagsabing hindi sila kayang tanggapin ng kanilang pamilya.Mayroong isang natatanging

estudyante nabibilang sa 3rd sex asng nagsabing madalas siyang sinasaktan ng

kaniyang pamilya.Sa kabilang banda, walang sumagot sa mga kalahok na ikinahihiya

sila at hindi si pinagkakatiwalaan.Sampu naman sa labing tatlong estudyanteng

nabibilang sa ikatlong kasarian ang sumagot na wala silang problema pagdatring sa

kanilang pamilya

Talahanayan 1.B

Problemang Kinakaharap ng mga 3rd sex sa kanilang Paaralan

Problemang Kinakaharap ng mga 3rd sex sa kanilang

Paaralan

Kasarian Edad

A X 14A X 13B X 12W Y 13A Y 13W Y 15A X 21W X 14

Page 11: Si eba ay si adan

W X 13C X 13W X 14W X 13W X 13

Legend

X – Bakla Y - Tomboy

A – Madalas binubuli W - Wala

B – Ayaw

C – nahihirapang humanap ng kaibigan

Anim sa labintatlong (13) taong nabibilang sa third sex na sumagot sa

sarbey ang naglahad na mayroon silang problemang kinakaharap sa paaralan.

Apat doon ay madalas binubuli at ang isa nama’y ayaw isali sa mga grupo-grupo.

Sa kabilang banda,ang isa auy nahihirapang humanap ng kaibigan at ang mga

natira ay sumagot na wala silang problema sa paaralan.

Talahanayan 1.C

Problemang kinakaharap sa Lipunan ng mga 3rd sex

Problemang kinakaharap sa Lipunan

Kasarian Edad

D x 14D X 13A X 12B Y 12

Page 12: Si eba ay si adan

W Y 13W Y 15W X 21W X 14W X 13W X 14W X 14W X 13W X 13

Legend

X – Bakla A. Hindi nila ako tanggap

Y – Tomboy B. Madalas sinasaktan

C. Pinandidirihan

D. Pangit ang tingin

Apat sa labingtatlong(13) taong nabibilang sa 3rd sex na sumagot sa

sarbey ang naglahad na mayroon silang problemang kinakaharap sa lipunan.

Dalawa (2) ang sumagot ng hindi sila tanggap at siyam ang nagpahayag ng wala

silang problema sa lipunan.

Talahanayan 1.D

Problemang Kinakaharap sa mga Kapwa Nabibilang sa 3rd sex

Problemang Kinakaharap sa mga Kapwa

Kasarian Edad

Page 13: Si eba ay si adan

Nabibilang sa 3rd sex B X 14B X 13W X 12W Y 12W Y 13W Y 15A X 21

A & B X 14B X 13B X 14W X 14W X 13A X 13

Legend:

X – Bakla A. Naiinggit sa akin

Y – Tomboy B. Nagsisiraan

Apat sa labing tatlong (13) taong nabibilang sa 3rd sex ang sumagot sa

sarbey na mayroon silang problemang kinakaharap sa mga kapwa nabibilang sa 3 rd

sex. Lima (5) ang sumagot ng nagsisiraan at tatlo ang sumagot ng naiinggitan ang mga

ito. Sa kabilang banda nama’y lima ang sumagot na wala silang problema sa kapwa

nabibilang sa 3rd sex.

Ang mga susunod na talahanayan ay maglalahad ng mga nararamdaman ng mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian base sa paraan ng pakikitungo sa

Page 14: Si eba ay si adan

kanila ng kanilang kamag-aral,magulang, kabaranggay,mga guro at mga kapwa estudyante.

Talahanayan 2.A

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa Kanila ng kanilang Kamag-aral

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa Kanila ng kanilang Kamag-aral

Kasarian Edad

A X 14B X 13

E,F X 12E,F Y 12F Y 13

Z,W YD X 21

E,F X 14F X 13

B,D,F X 14B X 14

Z,W X 13Z,W X 13

Legend:

X – Bakla A. Nanliliit E. Masaya

Y – Tomboy B. Nahihiya F. Natutuwa

C. Malungkot W. Wala

D. Nahihirapan

Sampu (10) sa labintatlong taong nabibilang sa 3rd sex na sumagot sa sarbey

ang nagpahayag ng kanilang nararamdaman sa paraan pakikitungo sakanila ng

Page 15: Si eba ay si adan

kanilang kamag aral. Anim (6) ang sumagot ng natutuwa dahil naaaliwang iba sakanila,

tatlo (3) ang sumagot ng nahihiya sila dahil pakiramdam nila ay iba sila sa karaniwang

mag-aaral, tatlo (3) ang sumagot ng masaya dahil tanggap sila ng kanilang mga

kaklase, dalawa (2) ang sumagot ng nahihirapan sila dahil iba ang pakikitungo sakanila

at may natatanging sumagot ng nanliliit siya dahil sa pangungutya sakanya ng ibang

kamag-aral at tatlo (3) ang sumagot ng wala silang problema sa paraan ng pakikitungo

sa kanila ng kanilang kamag aral.

Talahanayan 2.B

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa kanila ng kanilang Magulang

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa kanila ng kanilang Magulang

Kasarian Edad

Z,W X 14E X 13

Page 16: Si eba ay si adan

E,D X 12E,D Y 12Z,W Y 13

B Y 15D X 21

E,D X 14D X 13

D,E X 14E X 14W X 13D X 13

Legend:

X – Bakla A. Nanlalait D. Masaya

Y – Tomboy B.Malungkot E. Natutuwa

C. Nahihirapan W. Wala

Sampu (10) sa labintatlong taong nabibilang sa 3rd sex na sumagot sa

sarbey ang nagpahayag ng kanilang nararamdaman sa pakikitungo sa kanila ng

kanilang magulang. Anim (6) ang sumagot ng masaya dahil tanggap sila nito, anim (6)

naman ang sumagot ng natutuwa dahil naaaliwang iba sakanila at isa ang sumagot ng

malungkot dahil hindi siya tanggap.Sa kabilang banda nama’y tatlo ang nagapahayag

na wala silang problema sa paraan ng pakikitungo sa kanilang ng kanilang mga

magulang.

Talahanayan 2.C

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa kanila ng kanilang Kabarangay

Page 17: Si eba ay si adan

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa kanila ng kanilang Kabarangay

Kasarian Edad

W X 14D X 13

A, E, F X 12E, F Y 12

F Y 13W Y 15E X 21

E,F X 14F X 13E X 14W X 14E X 13E X 13

Legend

X – Bakla A. Nanliliit D. Masaya

Y – Tomboy B.Malungkot E. Natutuwa

C. Nahihirapan W. Wala

Sampu (10) sa labintatlong (13) taong nabibilang sa 3rd sex na sumagot sa

sarbey ang nagpahayag ng kanilang nararamdaman sa paraan ng pakikitungo sakanila

ng kanilang barangay. Pito (7) ang sumagot ng masaya sila dahil naaaliw ang mga ito

sakanila. Lima (5) ang sumagot na natutuwa sila dahil tanggap sila ng mga ito. May

isang natatanging sumagot ng nanliliit siya dahil sa pangungutya ng mga iilan

sakanya, .Isa rin ang sumagot ng nahihirapan siya dahil iba ang pakikitungo sakanya ng

Page 18: Si eba ay si adan

kaniyang mga kabaranggay at tatlo ang nagpahayag na wala silang problema sa

paraan pakikitungo sa kanila ng kanilang kabarangay.

Talahanayan 2.D

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa kanila ng kanila ng mga kapwa Estudyante

Kanilang Nararamdaman sa Pakikitungo sa kanila ng kanila ng mga kapwa

Estudyante

Kasarian Edad

W X 14F X 13

A, E, F X 12C,E, F Y 12

E Y 13W Y 15E X 21

E,F X 14E ,F X 13D ,E X 14W X 14W X 13

E , F X 13

Legend

X – Bakla A. Nanliliit D. Masaya

Y – Tomboy B.Malungkot E. Natutuwa

C. Nahihirapan W. Wala

Siyam (9) sa labintatlong taong nabibilang sa 3rd sex na sumagot sa sarbey ang

nagpahayag ng kanilang nararamdaman sa paraan ng pakikitungo sa kanila ng

kanilang guro at kapwa estudyante. Walo (8) ang sumagot ng natutuwa sila dahil

Page 19: Si eba ay si adan

naaaliw ang mga ito kanila.Anim ang sumagot ng masaya dahil tanggap sila ng mga ito.

May natatanging sumagot ng nanliliit siay dahil sa pangungutya sakanya.Mayroon ring

natatanging ay sumagot ng nahihiya siya dahil pakiramdam niya ay hindi siya isa sa

kanila. Mayroon ring isang sumagot ng nahihirapan siay dahil iba ang pakikitungo

sakanyang mga ito.Ang natitirang apat nama’y sumagot ng wala silang reaksiyon sa

paraan ng pakikitungo sa kanila ng kanilang guro at kapwa estudyante.

Ang Talahanayan 3 ay maglalahad ng mga paraan kung paano nakararanas ng

diskriminasyon ang mga taong nabibilang sa 3rd sex sa paraang pisikal,emosyonal at

sosyal na aspeto ng tao.

Page 20: Si eba ay si adan

Talahanayan 3

Paraan kung Paano Nakararanas ng Diskriminasyon ang mga nabibilang sa 3rd sex

Paraan kung Paano Nakararanas ng Diskriminasyon

Kasarian Edad

B x 14A & B, C3 X 13

W X 12B ,C3 Y 12

A & B, C3 Y 13A Y 15B X 21

B , C2, C3 X 14W X 13C2 X 14W X 14C2 X 13C2 X 13

Legend

X – Bakla A. Pisikal (Pananakit)

Y – Tomboy B. Emosyonal ( Pambubuli )

C. Sosyal

C.1 Hindi tanggap

C.2 Nahihirapang makibagay

C.3 hindi alam kung paano makikitungo sa iba

Page 21: Si eba ay si adan

Lahat ng nabibilang sa 3rd sex ay naglahad ng mga paraan kung paano sila

nakararanas ng diskriminasyon. Anim (6) ang sumagot na sila’y binubuli,apat (4) ang

nagpahayg na hindi alam kung paano makikitungo sa iba, Apat ( 4 ) ang sumagot ng

nahihirapan silang makibagay sa kapwa tao, tatlo (3) ang sumagot ng silay nakararanas

ng pisikal na pananakit at tatlo (3) naman sa kabilang banda ang sumagot ng hindi sila

nakararanas ng diskriminasyon

Ang mga susunod na tsart ay maglalahad kung papaano sinusolusyunan ng mga

taong nabibilang sa ikatlong kasarian ang kanilang problemang pisikal,emosyonal at

sosyal.

Talahanayn 4.a

Page 22: Si eba ay si adan

Paraan kung papaano sinusolusyunan ng mga taong nabibilang sa 3 rd sex

ang kanilang pisikal na suliranin.

Page 23: Si eba ay si adan

Legend:

Bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex na nagsabing

dedepensahan nilaang kanilang sarili kapag silay nakakaranas ng

pisikal na problema.

Bahagdan ng mga taong nagsabing hindi nalang nilapapansinin

kung sila man ay makararanas ng pisikal na problema.

Tatlumput-isang bahagdan ang naglahad na dedepensahan nila ang kanilang

sarili kapag sila’y makararanas ng pisikal na problema.Animnaput-siyam na bahagdan

ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang nagsabing hindi nalang nila papansinin kung

sila man ay makararanas ng pisikal na problema.

Page 24: Si eba ay si adan

Talahanayan4.b

Paraan kung papaano sinusolusyunan ng mga taong nabibilang sa 3 rd

sex ang kanilang emosyonal na suliranin

Page 25: Si eba ay si adan

Legend:

Bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang nagsabing ang pagbawi sapamamagitan rin ng pambubuli ang solusyon sa kanilang emosyonal na problema.

Bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex na nagsbing hindi na lamang nila papansinin ang sinumang nambubuli sakanila.

Dalawamput tatlong bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang nagsabing hindi nalang nilapapansinin kung sila man ay makararanas ng pisikal na problema.Pitumput-pito ang naglahad na hindi na lamang nila papansinin ang sinumang nambubuli sakanila.

Page 26: Si eba ay si adan

Talahanayan4.c

Paraan kung papaano sinusolusyunan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang kanilang emosyonal na suliranin

Page 27: Si eba ay si adan

Bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang nagsabing ang pakikisalamuha sa taong kaya silang tanggapin ang solusyon sa kanilang problemang sosyal.

Bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang nagsabing ang hindi pagpansin sa kanilang problemang sosyal ang solusyon dito.

Bahagdan ng mga taong nabib ilang sa 3rd sex ang nagsabing mas nanaisin nilang kausapin ang sinumang umiignora sakanila bilang tugon sa kanilang problemang sosyal.

Lumabas sa pananaliksik na tatlumpu’t isa ang bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang nagsabing ang pakikisalamuha sa taong kaya silang tanggapin ang solusyon sa kanilang problemang sosyal.Limampu’t apat na bahagdan ng mga taong nabibilang sa 3rd sex ang nagsabing ang hindi pagpansin sa kanilang problemang sosyal ang solusyon dito.Labing limang bahagdan naman ng taong nabibilang sa ikatlong kasarian ang mas nanaisin na lamng

Page 28: Si eba ay si adan

kausapin ang sinumang umiignora sakanila bilang tugon sa kanilang problemang sosyal.

Talahanayan 5

Ang Susunod na talahanayan ay maglalahad ng payo ng mga taong nabibilang sa 3rd sex sa kanilang pag-aaral kaugnay ng katayuan nila sa lipunan.

Page 29: Si eba ay si adan

Bahagdan ng mga taong nabibilng sa 3rd sex ang nagsabing dapat ay ignorahin na lamang ang mga taong hindi tanggap ang pagkakaruon ng 3rd sex sa lipunan upang hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral.

Page 30: Si eba ay si adan

Isang daang porsiyento ng mga kalahok ang nagpahayag na dapat ay ignorahin na lamang ang mga taong hindi tanggap ang pagkakaroon ng 3rd sex sa lipunan upang hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral.

Kabanata 5

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 31: Si eba ay si adan

Matapos ang masusing pananaliksik at makalap ang mga kinakailangang mga datos,ang mga sumusunod na Konklusyon at Rekomendasyon ay nabuo ng mga mananaliksik.

Konklusyon

Ang mga sumusunoday pinagtibay mula sa naging bunga ng pagsusuri:

1. Lumabas sa pananaliksik na sa panahong kasalukuyan ay kaunti na lamang sa mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian ang hindi kayang tanggapin ng kanilang mga pamilya.

2. Gayundin,karamihan ay tanggap na ang pagkakaroon ng 3rd sex sa lipunan .

3. Marami sa mga magulang ng mga taong nabib ilang sa 3rd sex ay maayos ang pakikitungo sa kanilang anak.

4. Ayon sa isinagawang pananaliksik ay nagsisiraan ang mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian.

5. Ayon sa isinagawang riserts ay napagtanto ng mga mananaliksik na mayroon paring iilang mga taong nab ibilang saikatlong kasarian ang nakakaranas ng diskrininasyon.

Page 32: Si eba ay si adan

Batay sa resulta ,nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon, upang mapagbuti ang pananaliksik.

Rekomendasyon

1. Gumamit lamang ng mga simpleng salita sa talatanungan upang labis na maunawaan ito ng mga mambabasa.

2. Mas maiging mas marami ang sasagot sa talatanungan upang mas makatotohanan ang isasagawang pananaliksik.

3. Mas mainam kung mas maraming tanong ang ilalahad sariserts. Sa gayong paraan ay mas magiging sistematiko at detalyado ang gagawing pananaliksik.

4. Marapat din na bago sumagot sa talatanungan ang mga kalahok ay maipabati na sa kanila ang kabutihang dulot ng maiaambag nila sa riserts upang sa gayon ay mas pag-iigihan nila ang pagsagot.

Page 33: Si eba ay si adan

Appendices

Page 34: Si eba ay si adan

TALATANUNGAN

Pangalan:-----------------------------

Edad:-----------------------------------

Paaralan:-----------------------------

Kasarian: babae

lalaki

Layunin :

Ang Talatanungang ito ay naglalayong makakalap ng datos ukol sa buhay ng mga taong nabibilang sa 3rd sex.

Panuto :

Lagyan ng check ang kahon ng iyong kasagutan. Lagyan naman ng angkop na kasagutan ang patlang.

1.Ano-ano ang mga problemang kinakahaarap nila?

Sa pamilya

Sa mga kamag-aral/ paaralan

Sa lipunan

Sa mga kapwang nabibilang sa 3rd sex.

Page 35: Si eba ay si adan

2.Ano ang kanilang nararamdaman sa pakikitungo ng kanilang:

Kamag-aral

Magulang

Kabarangay

Guro at iba pang

estudyante

3.Sa paanong paraan sila nakakaranas ng diskriminasyon.

Pisikal

Emosyonal

Sosyal

Mental

4.Paano nila kinakaharap o binigyang solusyon ang kanilang mga problema?

5.Ano ang kanilang maipapayo sa kanilang mga kapwa na nabibilang sa 3 rd sex

pagdating sa kanilang pagaaral.

Page 36: Si eba ay si adan

Dokyumentasyon

Page 37: Si eba ay si adan

Table of Contents

Kabanata 1 :ANG SULIRANIN Panimula

Paglalahad ng Suliranin

Saklaw at Limitasyon

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kabanata 3 :PAMAMARAAN

Disenyo ng Pananaliksik

Pagpili ng Kalahok

Page 38: Si eba ay si adan

Instrumento

Pagsusuri sa mga Datos

Kabanata 4:PAGSUSURI NG MGA DATOS

Talahanayan 1.a

Talahanayan 1.b

Talahanayan 1.c

Talahanayan 1.d

Talahanayan 2.a

Talahanayan 2.b

Talahanayan 2.c

Talahanayan 2.d

Talahanayan 3

Talahanayan 4.a

Talahanayan 4.b

Talahanayan 4.c

Talahanayan 5

Page 39: Si eba ay si adan

Kabanata 5:KONKLUSYON AT REKOMENDASYON