24
Alternative Learning System

Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Alternative Learning System

Page 2: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Maaring ang ating pag-aaralan ay maymga ideya at paniniwalang iba sa iyo. Kungmaaari, isaisang-tabi muna ang anumangpalagay mo habang pinag-aaralan ang aralingito. Magkaroon ng malakwak na kaisipan. Itonaman ay para lamang sa inyong pag-aaral.Makakaya mo ba ito? Kung kaya mo,magaling! Magpatuloy na tayo.

Page 3: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

1. Kristiyanismo ang pinakamalaki at pinakamalaganap na relihiyon sa buong mundo.

2. Gumagamit ng magkakatulad na bibliya ang mgaHudyo, Kristiano at Muslim.

3. Sa Paniniwala ng mga Hudyo, si Yahweh ang nag-iisa at walang kamatayang Diyos.

4. Naniniwala ang mga Hindu hindi lamang sa isangmakapangyarihang nilalang, kundi sa marami.

5. Sa paniniwalang Budismo, si Shiva ang kanilangkataas-taasang diyos.

Page 4: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Mga Relihiyon sa BuongDaigdig

Aralin 1

Page 5: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Mag grupo kayo ng lima. Ayon sa bilang sa ibaba ang nakatoka sa inyo. Sa isang papel, isulat ang pinagsama-samaninyong ideya, kaalaman, mga narinig na paniniwala ngmga relihiyon na naka toka sa inyo. Pumili ng isang liderna mag-uulat sa mga pinag sama-samang nakalap naimpormasyon o kaalaman sa relihiyon na naka toka sainyo. Walang magbubuklat ng aklat o mag internet, ito’ybase lamang sa inyong mga nalalaman o maaring narinig. Pagkatapos nito, ating iisa-isahin ang mga paniniwalangito.

1. Islam2. Kristianismo3. Budismo4. Judaismo5. Hinduismo

Page 6: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ito ang pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sabuong daigdig. Tinatayang 1.7 bilyon ang bilang ng mgaKristiyano ngayon o 33% ngpopulasyon sa daigdig.

Sumusunod sa mga turo at kwento tungkol kayHesukristo ang mgaKristiyano.

Bibliya ang batayangaklat ng mga Kristiyano.

Page 7: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Nagsimula bilang isang sektang Hudyoang Kristiyanismo. Pagkatapos mamatay niHesus, ipinahayag ng Kanyang mga tagasuno o mga disipulo ang kanyang turo. Noong ika apatna siglo A.D., ang Kristiyanismo ay nagingopisyal na relihiyon ng imperyong Romano. Muladito, nagsimula itong kumalat sa maramingbahagi sa daigdig.

Dito nabuo ang tatlong pangunahing grupong mga Kristiyano: Romanong Katolikongsimbahan, mga simbahang Eastern Orthodox at mga Protestanteng simbahan.

Page 8: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Maibubuod sadalawang utos angmga turo ni Hesus.

“Mahalin mo

ang Diyos ng

higit sa

lahat.”

“Mahalin mo ang

iyong kapwa

katulad ng

pagmamahla mo

sa iyong sarili.”

Mga paniniwala ng mga Kristiyano:• Nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang unang lalaki at babae na

sina Adan at Eba.• Tinukso ni Satanas sina Adan at Eba na huwag sundin ang ipinag-

uutos ng Diyos. Ang paglabag na ito ang nagdulot ng kasalanansa mundo na minana ng sangkatauhan.

• Si Hesus ang nag-iisang anak ng Diyos na nagkatawang taoupang iligtas tayo.

• Ang mga grupong naniniwalang Diyos si Hesus ay naniniwala sakonsepto ng tatlong persona: ang Diyos Ama, Diyos Anak at DiyosEspiritu Santo.

• Naniniwala ang halos lahat ng Kristiyano na may kaligtasan. Umaayon sila na may buhay na walang hanggan.

• Muling nabuhay (resurrection) si Hesus, at babalik muli pagdating• ng katapusan ng daigdig.

Page 9: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ang pinakabata sa mga pangunahing relihiyonsa buong mundo. Pinaniniwalaang naitatag itonoong 600 A.D. kung kailan binasa ng anghel nasi Jibreel (Gabriel) ang unang pagpapahayag kaypropetang Mohammed. Gayunpaman, naniniwala ang marami sa mga tagasunod nitona mayroon na ang Islam bago pa man isinilangsi Mohammed. Ang mga Muslim ay may bilangna 1.2 bilyon o 22% ng populasyon ng daigdig.

Ang Kanilang propeta ay si Mohammed at ang kanilang kinikilalang diyos ay siAllah, salitang Arabo na ang ibig sabihinay “ang Nag-iisang Tunay na Diyos.”

Ang Koran (Qur’an) ang banal na aklatng mga Islam. Itinuturing din ng mgaMuslim ang Hadith, isang koleksyon ngmga gawa at kasabihan ni Mohammed, bilang mahalagang aklat.

Page 10: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Tinatawag na Muslim ang tagasunod ng Islam. AngMuslim ay isang salitang Arabo na tumutukoy sa isang taona sumasailalim sa Kagustuhan ng Diyos.

Tinatawag din na Moslem ang mga Muslim. Ngunit alammo ba na kadalasang napagkakamalang salitang Araboang Moslem na nangangahulugang “ maniniil?”. Kaya higitna gusto ng mga Muslim na huwag silang tawagin saganitong pangalan.

Narinig nyo na ba ang salitang Jihad? Karaniwang inaakalang mga di-Muslim na nangangahulugan itong “banal nagiyera,” na pinapayagan ang mga Muslim na makipag-away-sa mga di-Muslim bilang pagtatanggol sa Islam. Peropara sa maraming Muslim, pinatutungkulan ng Jihad angpakikipaglaban sa sarili. Maaari itong pakikipaglabanupang maabot ang isang minimithi, katulad ng pagkamitng isang propesyon, kalinisan ng sarili, o kaya’y iba pangdakilang hangarin.

Page 11: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ang mga tungkulin ng isang Muslim ayon sa pagkakalarawan sa

Limang Haligi ng Islam ay:1. Ang pagbigkas ng shahadah. Isang pagpapahayag ng paniniwala ng

mga Muslim. Ayon dito: “Walang ibang Diyos kundi si Allah, at siMohammed ay Kanyang Propeta.” Inuulit ito ng karamihan sa mgaMuslim nang kahit isang beses sa isang araw.

2. Ang pagsasagawa ng salat (dasal) limang beses isang araw. Ginagawa ito habang nakaharap sa Mecca, ang lugar napinanganakan ng propetang si Mahammed. Ginagawa ito tuwingumaga bago sumikat ang araw, sa tanghali, sa gitnang-hapon, paglubog ng araw at bago matulog.

Ang Ka’aba, isang

dambanangMuslim sa

Mecca

Page 12: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

3. Karaniwang Pagbibigay sa kawanggawa sa pamamagitan ngzakat, isang buwis na pangkawanggawa na katumbas ng2.5% ng suweldo ng isang Muslim. Hinihikayat ding magbigay sa mga nangangailangan ang isang Muslim kapag ginusto niya.

4. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Pinaniniwalaangito ang buwan kung kailan natanggap ni Mohammed angunang pahayag ng Koran mula kay Allah.

5. Ang pagsasagawa ng kahit isang hajj (pilgrimage) o isangpaglalakbay sa banal na Mecca, kung kaya ngpangangatawan o pananalapi.

Page 13: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ang nag-iisang pangunahing relihiyon nawalang nag-iisang tagapagtatag, tiyak nasistema ng paniniwala, nag-iisang sistema ngmoralidad, o sentrong samahang panrelihiyon. Lumaganap ito sa India noong 1500 B.C. Mayroon itong 762 milyong tagasunod na 13% ng buong populasyon ng daigdig.

Ang mga Veda ang mahalagangkasulatanng mga mga Hindu. Mgabanal na kasulatan ito na tungkol saiba’t ibang paksa, tulad ng pagsamba saDiyos.

Sumasamba rin sa iisang Diyos ang mgaHindu. Ang Diyos na ito, na tinatawag naBrahman, ay ang kalahatan at matatagpuansaanman.

Page 14: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ang kanilang bathalang si Brahman ay kilala sa tatlong katauhan:

Brahma, ang tagapaglikha at patuloyna lumilikha ng mga bagongkatotohanan (reality).

Vishnu o Krishna, angTagapagpanatili, na nagpapanatili ngmga bagong likha.

Siva o Shiva, ang Tagapagsira, nasiyang sumisira upang makalikha ngmga bagong bagay.

Maraming pang higit na mabababang diyos at diyosa angsinasamba ng Hindu. Maaring magkaroon ang bawat tao ngkaniyang personal na diyos o diyosa, hangga’t naiintindihanniya na an mga ito’y iba’t ibang aspeto ng Diyos na bumubuosa lahat. Dahil sa pilospiyang ito, higit na mapahintulot saibang relihiyon ang mga Hindu.

Page 15: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ito ang relihiyon ng mga Hudyo o mga Israelita. Isa ito sa Abramikong relihiyon na kinabibilangandin ng mga Kristiyanismo. Umugat ang mgarelihiyong ito noong panahong nagtatag ng banal na kasunduan ang Diyos ng mga Israelita kasamasi Abraham. Tinatayang mayroong 18 milyonHudyo sa buong daigdig.

Naniniwala ang mga Hudyo na ang Diyos anglumikha ng lahat ng nandito sa daigdig. Siyalamang ang nag-iisa, walang katawan, at angdapat sambahin bilang panginoon ngsansinukob.

Tinatawag na Tanakh ang banal na aklat ngmga Hudyo. Napapaloob dito ang mgasalita at utos ng Diyos, pati na rin angkasaysayan ng mga Hudyo

Page 16: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ang Tanakh ang banal na aklat n mga Hudyo ay binubuong tatlong grupo ng mga aklat:1. Ang Torah, na binubuo ng aklat ng Exodus, Leviticus,

Numbers at Deuteronomy. 2. Ang Nevi’im, na binubuo ng aklat ng Isaiah, Amos at iba

pang mga propeta.3. Ketuvim, na kabilang aklat ng Kings, Chronicles, at

marami pang iba.

Sinagoga o synagogue – tawag sa lugar na

sambahan ng mga Hudyo.

Rabbi – ang tawag sa kanilang tagapagturo na maalam sa

mga batas at tradisyon ng mga Hudyo.

Page 17: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Paniniwala

•Naniniwala ang mga Hudyo na mas mahalaga ang paggawa at pagkilos kaysa sa pananampalataya at paniniwala.

•Hindi sila naniniwala sa uanang kasalanan (ang paniniwalangnaman ng lahat ng tao ang kasalanang ginawa nina Adan at Eba)

•Naniniwala sila ang mabuti ang daigdig at ang mga tao ritosapagkat likha ng Diyos ang lahat ng mga ito.

•Naniniwala rin sila na hindi kailangan ng tao ang tagapagligtas o tagapamagitan na magpapalapit sa kanila sa Diyos.

•Ang sinuman ay maaaring mapalapit sa Diyos at maaaring magingbanal ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsunod samitzvot, o ang banal na utos ng Diyos.

Hindi tumutukoy ang Messiah ng Hudyo sa tagapagligtas namaglalapit sa kanila sa Diyos. Tumutukoy ang salita sa isanghari na magbubuklod sa mga Hudyo pabalik sa kanilang lupainsa Israel.

Page 18: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang maraming pista kung saangumagawa sila ng mga ritwal, kasama na ang pag-aayuno at pagpipinintensiya. Narito ang ilan:

Passover - ginagawa taon-taon upang maalala ang paglaya ng mgaHudyo sa pagkakaalipin nong 1300 B.C.

Hanukkah - O pista ng mga ilaw. Ipinagdiriwang ito tuwingDisyembre pag-alala sa digmaang nilabanan ng mga Hudyo upangmakamit ang kanilang kalayaang pangrelihiyon.

Rosh Hashanah - ito ang taon ng mga Hudyo. Kinakatawan nito anganibersaryo ng pagkabuo o pagtapos ng paglikha, na tinataya ngmga Hudyo na nangyari 5,760 taon na ang nakalipas.

Umabot sa masamang pangyayari noong 1930s at 1940s ang anti-Semitism na ito (ang tawag sa galit sa lahi ng mga Hudyo). Sa mgapanahong ito, isinagawa ni Adolf Hitler at ng Alemang Partidong Nazi ang Holocaust, sa pagtangkang patayin ang lahat ng mga Hudyo saEuropa. Tinatayang mga 6 na milyong Hudyo ang napatay sa isa samga pinakamalalang halimbawa ng pagbatikos sa lahi at relihiyon.

Bumuo ang mga Hudyo ng kilusang Zionist upang labananang mga persekusyon laban sa kanila.

Page 19: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Ang Budismo ang tanging relihiyongumiiwas sa mga dogma (paniniwala o pananalig na dinidikta ng may posisyon, na tinatanggap bilang katotohanan).

Itinatag ito sa India ng Buddhang si Siddharta Gautama. Ipinanganak siya noong 563 B.C. sa Lumbini, na nasakasalukuyang Nepal. Sa edad na 29, iniwan niya ang kanyangasawa, anak at mga kilusang politikal upang hanapin angkatotohanan. Naging isang ascetic o isang taong hindi tinatanggapang mga pisikal na ginhawa at kaligayahan si Siddharta. Ngunithindi niya natagpuan ang ganap na katotohanan sa asetisismo. Naramdaman niya na dapat ding magkaroon ng katotohanan anglahat ng kaligayahan sa buong daigdig. Sumali siya sa maraminggrupo at tinanggihan ang lahat ng ito. Noong 535 B.C., natagpuanniya ang katotohanang hinahanap niya at magmula noon, tinawagna siyang Buddha. “The Enlightened One o ang nakakita sakatotohanan” ang ibig sabihin ng Buddha.

Page 20: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Maraming tao ang naniniwala na nananampalataya kayBuddha ang mga Buddhists. Hindi ito totoo.Nangangahulugan ang titulong Buddha na “ang taongnamulat (one who has awakened)” o ang taong nakakita ngkatotohanan o “one who has been enlightened.” Tumutukoyito sa taong nakakita ng katotohanan. Hindi Diyos si Buddha.Maraming puwedeng maging Buddha. Sa katunayan,maaaring maging Buddha ang sinuman kahit ikaw, kunggugustuhin mo. Hindi sumasamba sa iisang Diyos o sa kahitna sinong Diyos ang mga Buddhist. Naniniwala sila na mayisang pangkalahatang puwersa o supreme universal force.Hindi nangangailangan ang puwersang ito ng pagsasambadahil ito ang lahat ng bagay at nasa lahat ng lugar. Bahagi ngpuwersa ang mga tao. Kahit ang mga puno at bato. Kungsinasamba mo ang puwersa, sinasamba mo na rin ang lahatng iyong nakikita.

Page 21: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Sa paghahanap sa katotohanan, natagpuan ni Siddharta angMiddle Way. Ito ang paghanap ng balanse o pagkakapantay ngkakaunti at sobra. Halimbawa, hindi dapat ganap na tanggihanang mga kasayahan sa daigdig at hindi naman dapat makibahagisa labis na kasayahan.

Nakita ng Buddha na walang permanente sa daigdig. Nakitaniya na ang daigdig at ang sarili (ego) ay mga likhang-isip(illusions) lamang. Naisip niya na ang pagpapahalaga natin samga ilusyon ang dahilan ng paghihirap. Nilikha ng Buddha ang

Apat na Dakilang Katotohanan (Four Noble Truths):

♦ May pagdurusa sa ating daigdig. ♦ May dahilan ang pagdurusa.♦ May katapusan ang pagdurusa.♦ Mayroon landas na humahantong sa

pagwawakas ng pagdurusa

Page 22: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

•Itinuro ng Buddha ang landas patungo sakatotohanan, na tinatawag na ang Eightfold PathBinubuo ito ng1. tamang pag-unawa2. tamang pag-isip3. tamang pagsasalita4. tamang pag-uugali5. tamang paghahanapbuhay6. tamang pagsisikap7. tamang pag-iisip tungkol sa iba8. tamang konsentrasyon

Page 23: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Sumulat ng Sanaysaypatungkol sa iyong

Paniniwala o Pananampalataya

Page 24: Mga pangunahing relihiyon sa mundo

Inihandang Aralin ni: Mirasol C. RolluquiVolunteer – IM

Antipolo National High School