56
WELCOME PRE-CANA SEMINAR INIHANDA NI: BRO. JOEMER V. ARAGON

KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

WELCOMEPRE-CANA SEMINAR

INIHANDA NI:BRO. JOEMER V. ARAGON

Page 2: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

PAKSA: PANALANGIN ayon kay santa Teresa ng Avila,

“Personal na pakikipag-usap sa Diyos” ito ay oxygen ng ating kaluluwa Personal na pagbaling sa Diyos - sa

pagdarasal personal tayong tumutugon sa panawagan ng Diyos na ibigin siya.

Pagbubukas ng ating isipan at puso sa Diyos

Personal at buhay na pakikitungo ng mga anak ng Diyos sa Kanyang Ama.

Page 3: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Bakit kinakailangan nating manalangin o magdasal?

ADORATION- upang magpuri o magpugay sa Diyos na makapagyarihan at tagapaglikha

CONTRITION- upang humingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan bunga ng mga kahinaan.

THANKSGIVING-upang magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap sa araw-araw

SUPPLICATION-upang magsumamo / humingi ng tulong na bigyan ng mga pangangailangan sa buhay, lakas na maiwasang magkasala at makasunod sa kanyang kalooban

Page 4: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Uri ng Pananalangin

Mental Prayer- mga panalangin na sa isip lamang

Vocal Prayer- mga panalangin na binibigkas ng ating mga labi.

Page 5: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Mga Pangunahing Panalangin na dapat alam ng isang Katoliko

Tanda ng Krus Ama Namin Aba Ginoong Maria Luwalhati Sumasampalataya

Page 6: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Tanda ng Krus

Ito ay dakilang simbolo / tanda /tatak ng ating pagiging kristiyanong Katoliko. Ito ang pagkakakilanlan (identitiy) natin bilang mga binyagan katoliko. Kaya tayo, bilang mga binyagang katoliko ay nag-aantanda ng Krus upang ipahayag na tayo ay Anak ng Diyos Ama, kapatid ni Jesus at pinapatnubayan / pinababanal ng Espiritu Santo

Page 7: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Tanda ng Krus Ang krus ay tanda ng dakilang

pag-ibig ng Diyos sa tao. nang dahil sa pagmamahal ay ipinagkaloob ng Diyos Ama ang kanyang Anak na si Jesukristo (na nagkatawang-tao sa kapangyarihan ng Espiritu Santo)

Page 8: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Tanda ng Krus Tanda ng ating kaligtasan. na kung saan higit na

ipinahayag ni Jesus ang wagas na pagmamahal sa tao. Ito rin ay kapahayagan ng ating pagsamba /pagkilala sa

iisang Diyos na tatlo ang pagkapersona. Ang Diyos Ama na Siyang Tagapaglikha; ang Diyos Anak, si Jesukristo na Siyang Tagapagligtas; at ang Diyos Espiritu Santo na Siyang Tagapagpabanal at gumagabay. Ito ay ang pagpapagahay ng pinakamataas at pinakabanal na katotohanan ng ating pananampalataya. ng pagsamba sa Bnal na Santatlo habang ating inaalaala ang ginawang pagliligtas sa atin ni Jesukristo.”

Page 9: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo

Page 10: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

AMA NAMIN Ito ay huwaran o kumpletong

panalangin sapagkat nakaloob rito ang A-C-T-S

Ang Ama Namin tinatawag na Panalangin ng Panginoon sapagkat ito ang panalanging itinuro ng ating Panginoong Jesukristo sa kanyang mga apostol noong lumapit sila sa kanya at nagpaturong manalangin

Page 11: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ano ang ipinahihiwatig kapag sinasabi nating ‘Ama Namin’

Nagpapahayag ito nang isang bagong pakikipag-ugnayan, nang malinaw na pagtanggap at pagpapahayag ng ating relasyon sa isa’t-isa

Ito ay pagsamba sa Diyos bilang atimg Amang Maylikha

Page 12: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ano ang nilalaman ng panalanging ito?

ito ay binubuo ng pitong kahilingan Ang unang tatlong kahilingan ay nakatuon sa

Diyos at sa kanyang kaluwalhatian. Ang “kahilingan- Mo” na para sa pagsamba sa Diyos Ama.

Ang apat na huling kahilingan naman ay mag pagsusumamo / paghingi ng tulong sa Diyos Ama ng awa dahil sa ating karukhaan at mga hangarin. “Kahilingan- Namin” para sa kabutihan ng mga nananalangin

Page 13: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

1.Sambahin ang ngalan Mo. 2.Mapasaamin ang kaharian Mo;3.Sundin ang loob Mo dito sa lupa para

nang sa langit,4.Bigyan Mo kami ngayon ng aming

kakanin sa araw-araw.5.At patawarin Mo kami sa aming mga

sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.

6.At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso

7.At iadya Mo kami sa lahat ng masama

Page 14: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Aba Ginoong Maria ito ay panalangin kay Santa Maria. kinikilala natin si Maria bilang ina ni Jesus. ipinagdalang tao niya si Jesus sa

pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (Lk. 1:35). Siya ang gumabay kay Jesus hanggang siya ay magsimula na sa kayang misyon (Lk 2:39-40)

Itinanghal din siya bilang ating Ina (spiritual mother), tagapagtanggol at katuwang, huwaran bilang mapagkumbabang lingkod ng Panginoon at bilang banal at may kabutihang asal

Page 15: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay suamasaiyo

bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen

Page 16: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Luwalhati ito ay isang doxolohiya na nangangahulugang

maikling awitin/ panalangin ng pagpupuri/ pagsamba sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo sa lahat ng panahon.

Isang panalanging nagpupuri at kumikilala sa Diyos bilang Diyos.

Ang nais ipahayag sa atin ng panalanging ito una, ang pinakamataas na doktrina / katotohanan ng ating Simbahan; ang Banal na Santatlo (Iisang Diyos sa tatlong Persona- Ama, Anak, at Espiritu Santo). Ikalawa, ang nararapat na papuri at pagsamba na dapat ilaan sa Diyos sa lahat ng panahon, habang tayo ay nabubuhay. Siya ang nagkakaloob ng lahat ng biyaya.

Page 17: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

SUMASAMPALATAYASumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na ________ ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos___________. Nagkatawang- tao Siya ________ng Espiritu Santo, _____________ ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni ________, ipinako sa krus, namatay, inilibing, _______________sa kinaroroonan ng mga yumao; ________________, nabuhay na mag-uli, _________ sa langit, ____________ sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; doon __________ paririto at huhukom sa ____________ at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa ___________, sa Banal na Simbahang Katolika; sa _____________ ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga _____________, sa pagkabuhay na muli ng ____________, at sa buhay na walang hanggan. Amen

Page 18: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

SUMASAMPALATAYA Ito ay tinatawag na ‘kredo’ Ito ay panalanging nagpapahayag ng kabuuan ng mga

katotohang pinaniniwalaan/ sinasampalatayanan ng mga Kristiyanong Katoliko.

Ito ay summary of our faith, of what we believe (buod ng ating pananampalataya, na ating pinaniniwalaan.)

Ito ay simbolo ng ating pananampalataya. Sa panalanging ito tinipon / pinagsamasama ang mga katotohanang itinuturo ng Simbahan at siyang nagbubuod ng mahahalagang katotohanang ating pinaniniwalaan.

Ito ay santatluhan (Trinitarian). Patungkolsa iisang Diyos sa tatlong Persona (One God in three divine person.)

Ito ay may tatlong bahagi na, patungkol sa Diyos Ama, Ikalawa patungkol sa Diyos Anak at Ikalto patungkol saDiyos Espiritu Santo.

Page 19: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

1. Ang Diyos Ama bilang makapangyarihan at maylikha ng lahat2. Si Hesukristo bilang iisang Anak ng Diyos at Panginoon3. Siya ay ipinaglihi lalang ng Espiritu Santo at ipinanganak ni

Santa Mariang Birhen4. Siya ay pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus,

namatay, inilibing;5. Siya ay nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao at nabuhay na

mag-uli sa ikatlong araw6. Siya ay umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Diyos

Amang makapangyariahan sa lahat;7. Doon (sa langit) magmumulang paririto si Hesus sa

kaluwalhatian upang hukuman ang nangamatay at nangabubuhayna tao;

8. Ang pagsampalataya sa Diyos Espiritu Santo9. Pagsampalataya sa Banal na Simbahang katolika;10.Pagsampalataya sa kapatawaran ng mga kasalanan11.pagsampalataya sa muling pagkabuhay ng mga nangamatay na

tao; at12.Pagsampalataya sa buhay na walang hanggan.

Page 20: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

PagsisisiO Diyos ko, ako’y nagsisisi nang buong puso, sapagkat ako’y nagkasala sa Iyo. At kinapopootan ko ang lahat ng kasalanan ko sapagkat natatakot akong di ko makamtam ang langit at maparusahan sa impiyerno. Subalit higit sa lahat, sapagkat nilapastanganan Kita, O Diyos ko, gayong napakabuti Mo at dapat kang ibigin ng buo kong puso. Nagtitika akong matibay sa tulong ng iyong grasya, na ikumpisal ang mga kasalanan ko, magpakasakit at magbagong- buhay. Amen

Page 21: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

Ano ang pamantayan o batas? ito ay isang atas ng katwiran na

itinakda ng may kakayahan, may kapangyarihan para sa kapakanang panlipunan.

Ipinapahayag ng mga moral na pamantayan, batay sa isang moral na pananaw

Page 22: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ganito ang nakasulat sa Bibliya

Katesismo Opisyal

1. Ako ang Panginoong mong Diyos: huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos maliban sa Akin

Ibigin mo ang Diyos nang higt sa lahat

2. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoong Diyos nang walang kabuluhan

Igalang mo ang Ngalan ng Diyos

3. Alalahanin mo ang araw ng Sabat upang pabanalin ito

Mangilin ka sa mga araw na pinangingilinan

4. Igalang mo ang iyong ama at ina.

Igalang mo ang iyong ama at ina.

5. Huwag kang papatay Huwag kang papatay6. Huwag kang makikiapid Huwag kang gagawa ng mga laban

sa kalinisan7. Huwag kang magnanakaw Huwag kang magnanakaw8. Huwag kang sasaksi ng di totoo laban sa iyong kapwa

Huwag kang sasaksi ng di totoo laban a ioyng kapwa

9. Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong kapwa

Huwag kang sumang-ayon sa mga isipin at pagnanasang laban sa kalinisan

10. Huwag nanasain ang ari ng iyong kapwa

Huwag mong pagnasaan ang ari-arian ng iyong kapwa

Page 23: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

UNANG UTOS

Ako ang Panginoong mong Diyos: huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos maliban sa Akin / Ibigin mo ang Diyos nang higt sa lahat

Page 24: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

IKALAWANG UTOS

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoong Diyos nang walang kabuluhanIgalang mo ang Ngalan ng Diyos

Page 25: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

IKATLONG UTOS

Alalahanin mo ang araw ng Saba upang pabanalin ito / Mangilin ka sa mga araw na pinangingilinan

Page 26: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

IKA-APAT NA UTOS

Igalang mo ang iyong ama at ina.

Page 27: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

IKA-LIMANG UTOS

HUWAG KANG PAPATAY.

Page 28: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

IKA-ANIM NA UTOS / IKA-SIYAM NA UTOS

HUWAG KANG MAKIKIAPID. / HUWAG MONG

PAGNASAAN ANG HINDI MO ASAWA

Page 29: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

IKA-PITONG UTOS / IKA-SAMPU NA UTOS

HUWAG KANG MAGNANAKAW /.

HUWAG MONG PAGNASAAN ANG DI MO

PAG-AARI

Page 30: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

IKA-WALONG UTOS

HUWAG KANG SUMAKSI NG WALANG

KATOTOHANAN LABAN SA IYONG

KAPWA.

Page 31: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

ANG LIMANG UTOS NG SIMBAHAN1.MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG MISA KUNG

LINGGO AT PISTANG PANGILIN.2.MANGUMPISAL MINSAN MAN LAMANG SA

ISANG TAON.3. TUMANGGAP NG BANAL NA KOMUNYON

LALO NA SA PANAHON NG MULING PAGKABUHAY.

4.MAG-AYUNO AT MANGILIN SA MGA ARAW NA ITINAKDA.

5.MAG-ABULOY PARA SA PANGANGAILANGAN NG SIMBAHAN.

Page 32: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

SAKRAMENTO

Banal na tanda na itinatag ni Kristo na kung tatanggapin ng mga pananampalataya ay nagkakaloob ng biyaya,

Page 33: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Sa binyag- Ang pagsilang sa buhay ng Diyos

Sa kumpil- katatagan sa buhay kabanalan

Sa eukaristiya- pagkain ng kaluluwa Sa pakikipagkasundo-gamot sa

kaluluwa Sa pagpapahid ng Langis sa may

sakit- kalusugan ng katawan at kaluluwa

Sa pagpapari- ang mga pinuno sa Simbahan

Sa kasal- mga mamamayang Kristiyano

Page 34: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Pakikipagkasundo (Jn 20:21-23)

Ang pakikipagkasundo ay isang malaking bahagi ng buhay ng tao; kung may nasirang ugnayan, kailngan ang pakikipagkasundo. Bahgi ng Sakramentong ito ang pagpapatawad sa ating kapwa; ang karanasan ng biayaya ng pagpapatawad ng isang mapagmahal na Diyos ay along malaking bahagi ng Sakramentong ito.

Inaanyayahan tayo ni Jesus na magsisisi at magkaroong ng pakikipagkasundo upang maging makabuluhan ang pagtanggap nating ng sakramentong ito.

Page 35: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Hakbang sa mabuting pangungumpisal PAGSUSURI NG BUDHI- humingi ng liwanag upang maalala ang

kanyang mga kasalanan mula sa huling kumpisal. Isip-isipin ang mga kasalanang nagawa

PAGSISISI NG TAOS SA PUSO SA MGA NAGAWANG KASALANAN- Ang pagsisis ang siyang pinakamahalaga sa mga humihingio ng kapatawaran. Ito’y pagsisisi ng kaluluwa at isang pagtitikang lalayuan ang kasalanan at di na magkakasala uli. Kung nagmumula sa pag-ibig sa Diyos na minamahal ng higit sa lahat, ng pagsisisi ay tinatawag na “ganap ng pagsisisi” (pagsisising pag-ibig).

PAGKUKUMPISAL O PAGSABI NG KASALANAN-lalapit sa pari upang isabi ang mga nagawang kasalanan. Ang pagtapat ng mga kasalanan sa pari ay bahaging pangunahin ng sakramento ng kumpisal: dapat isa-isahin ng mga magkukumpisal ang lahat ng kasalanang mortal na kanilang nababatid pagkatapos ng masusing pag-uusisa ng budhi.

TUPARIN ANG PARUSANG IGINAWAD NG PARI AT MANGAKONG MAGBABAGONG BUHAY-pagkatapos magkumpisal gawin agad ang ipinagagawa ng pari na kaparusahan at iiwasan ang mga bagay na maaaring ipagkasala uli.

Page 36: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

SAKRAMENTO NG KASAL Ang sakramento ng kasal

ay ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae ayon sa batas upang bumuo ng di mapaghihiwalay na buhay.

Page 37: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ang kasal ay tinawag na sakramento sapagkat malinaw na naglalarawan ito ng pagmamahal ng Diyos sa tao.

May dalawang elemento kung bakit tinawag ang kasal bilang sakramento.

1. Sakramental na pagdiriwang (seremonya o ritu) nagsisimula ito sa pagtayo ng dalawang ikakasal sa harap

ng Diyos at mga tao upang ihayag na sila’y nagmamahalan, at ito’y malaon na nilang pinaghandaan sa malalim na pagkilala at pagmamahalan sa isa’t isa na handa nilang gawin habambuhay. Ang habambuhay na pagsasamang ito ang mabisang tanda ng mapanligtas na pagmamahal ni Kristo sa kanilang magiging anak at sa komunidad.

2. patuloy na pagsasama ng mag-asawa Ang habambuhay napagsasama ng mag-asawa ay tanda at

daan ng patuloy na pagbibigay ni Kristo ng kanyang sarili sa kanila sa pamamagitan ng walang maliw nilang pagmamahal sa isa’t-isa.

Page 38: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ang kasal ay kasunduan-

tumutukoy ito sa malaya at bukal sa loob na pagpapasiya ng lalaki at babae.

ito’y tipan ng isang lalaki at babae lamang (exclusive)

Page 39: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ang kasal ay pag-iisang dibdib- tinatawag din itong pagtataling puso, pag-

iisang puso at pag-iisang palad. Tumutukoy ito sa pagkakaisa ng mag-

asawa na lumalago sa pagiging bukas nila sa isa’t-isa, sa pagtanggap nila sa katangian, kakayahan, o sa maging sa kahinaan at kakulangan nilang dalawa. Ang nagbubuklod sa pagkakaisang io ay ang kanilang pagmamahal na ang modelo at pinagmulan ay ang pagmamahalan at pagkakaisa ng banal na Santatlo, ang pagmamahal mismo ng Diyos.

Page 40: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ang kasal ay ayon sa batas

sibil at simbahan May mga pamantayan na

dapat sundin, kagaya ng mga papeles na dapat ayusin, mga hinihingi sa simbahan kagaya ng seminar at interview at iba pa

Page 41: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ang itatag ng dalawang ikakasal ay di mapaghihiwalay na uri ng buhay - ito’y habambuhay na pagtatalaga ng sarili.

Page 42: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Ang DIYOS ang may akda ng kasal kaya’t “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” kaya walang puwang ang diborsyo o paghihiwalay ng mag-asawa sa kasal sa Katolikong simbahan

Page 43: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

May mga mahahalagang hinihingi sa mga ikinakasal o mga magiging mag-asawa

Tungkulin ng ikakasal o ng mga magiging mag-asawa ang magmahalan sa isa’t isa at itaguyod ang kanilang magiging supling.

dalawa ang pinakalauyunin ng kasal; ang pagmamahalan sa isa’t-isa (mutual love) at pagkakaroon ng supling (procreation)

Page 44: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

pagmamahalan sa isa’t-isa / Mutual Love

Ang pagmamahalan sa isa’t-isa ang pangunahing kailangan ng mag-asawa, ito’y konkretong ipinapakita sa pagsuportaa sa pangangalangan ng magkabiyak lalao na sa kanilang katandaan.

Ang pagmamahal sa isa’t-isa ay nangangahulugan din ng katapatan. Di lamang ito nangnangahulugan ng pag-iwas sa pangangalunya kundi paglago sa pananampalataya, pagtitiwala at pag-ibig.

Page 45: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

pagkakaroon ng supling (Procreation)

isa sa mahalagang layunin ng kasal. Ito ay pagtupad sa kalooban ng Diyos na maging kamanlilikha Niya subalit ang karangalang ito’y pinagkakaloob sa mag-asawa na nasa grasya ng sakramento ng kasal kaya di ayon ang simbahan sa live-in at trial marriages o kaya pre-marital sex. Ang karangalang ito ng kasal ay may katapat na responsibilidad, hindi lamang sa Diyos kudi sa Simbahan. Ang pagkakaroon ng anak ay tumutugon hindi lamang sa pangangailangang palaganapin at panatilihin ang lahi ng tao sa mundo at ng magkaroon ng taong sasamba sa DIYOS higit sa lahat ng ito, ang pangangailangang lumikha ng banal na miembro ng Sambayanan ng Diyos. Banal na layunin ang pagkakaroon ng supling kaya’y ang pagkitil o paggamit ng mga kontraseptibo para mapigil ang panganganak ay di pinapayagan ng simbahan liban na lamang sa mga pamamaraang itinakda nito gaya ng “Rhythm method at sexual absteninence”.

Ang konkretong pagtaguyod sa mga anak ay ang palakihin sila nang maayos, papag-aralin, turuan ng wastong asal at turuang magmahal at kumilala sa Diyos sa maikling salita, magkaroon ng Kistiyanong mga anak at bigyan ng magandang kinabukasan.

Page 46: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Paano isinasagawa ang sakramento ng kasal?

Sa sakramento ng kasal ang lalaki at babaeng mag-iisang dibdib ay nangangako sa isa’t-isa sa harap ng Diyos at Sambayanan na sila’y magsasama habambuhay.

Page 47: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

(marriages vows)

 O Panginoon kami po ay iyong loobing magkaisa ng kalooba’t damdamin mula ngayon sa kaginhawaan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan sa lahat ng araw ng aming buhay.

Page 48: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Samakatuwid ang ministro o ang nagkakasal ay mismo ang lalaki at babaeng nag-iisang dibdib.

Ang pari ay kinatawan lamang ng Diyos na siyang nagpapatibay at nagbabasbas ng kanilang sumpaan

ang mga ninong at ninang ay kumakatawan sa sambayanan at nangangakong susuporta sa mag-asawa upag manatili silang tapat sa kanilang sinumpaan

Page 49: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Mga tanda sa kasal

Sing-sing Aras

Kordon Belo

Kandila

Page 50: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

SingsingInilalagay sa kanang palasinsingan Kasabay ng pagsuot nito ay babanggitin ang: “(N.) isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.” Ang singsing ay bilog at walang lagot na ang kahulugan ay sagisag ng katapatan at pag-ibig na walang hanggan.

Page 51: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Aras

“(N.) Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan Mo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.”

At kung saan habang tinatanggap ito ng babae kanyang tutugunin ang kanyang esposo: “Tinatanggap ko ang mga ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.”

Page 52: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Kordon

Tanikala ng pag-ibig na bumubuklod sa pagkakaisa ng dalawang pusong humaharap sa dambana. “Sa tali ng matrimonyo o kasal, ang nagbubuklod ay si Kristo”. Sagisag ng pamamalagi sa kabanalan. “Kaya hindi na sila dalawa kundi iisa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” (Mt. 16:6).

Page 53: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Belo-

Sinusunong ng babae at pinapasan ng lalaki. napa-iilalim ang babae sa pagmamahal at kapasiyahan ng lalaki;

ang lalaki’y nakahanda naman magpasan ng pananagutan sa lahat ng pangangailangan at mga bagay na magpapaligay sa asawa at sa buong angkan “Mga babae pasakop kayo sa inyo-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesiya.”

Page 54: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

Kandila- Larawan ni Kristo, ang ilaw ng

daigdig (Jn 8:12). Siya ang tumatanglaw sa buhay ng mga mag-asawang tumatawag sa knya. Ang kandila ay may apoy at liwanag. Ang apoy ay nagpapaalaala na may kaparusahan para sa mga magkabiyak na nagpapawalang kabuluhan sa kabanalan ng kasal; at may liwanag ng kaluwalhatian sa langit ukol sa mga mag-asawang naging wangis at kalarawan ng Diyos sa pamamagitan ng banal na pag-iibigan.

Page 55: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL

DIYOS

Commitment

Communication

Fidelity Love

Page 56: KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL