33
Ang hindi malirip na pag- ibig ng Dios

Ang hindi malirip na pagibig ng dios

  • Upload
    akgv

  • View
    84

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ang hindi malirip na pag-ibig ng

Dios

Page 2: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Sa tindi ng ating mga kasalanan at pagtalikod, naaalala pa ba tayo ng Dios? Hindi ba natin naiisip minsan kung gaano tayo napalayo sa Dios dahil sa ating mga kasalanan?

Awit 8:3 Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at mga bituin na iyong inayos; 4 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?

Page 3: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ang tanong ni David ay kung naaalaala pa ba at dadalawin tayo ng Dios? Ginawa ba ito ng Dios?

Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.

2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.

14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

Page 4: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Bakit ang Dios ay nagkatawang-tao at tumira sa gitna natin?

Fil. 2:6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, 7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: 8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

Page 5: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Papaano inihayag ang pagibig ng Dios na lampas pa sa ating pagkaunawa?

“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Juan 3:16

Page 6: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

 Papaano ipinalalasap sa atin ang pagibig ng Dios sa araw-araw nating karanasan?

Awit 139:1 Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako. 2 Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo. 3 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad.

Page 7: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

4 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. 5 Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin. 6 Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot.

Page 8: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

May lugar ba na malayo para hindi maabot ng pagkalinga ng Dios? May bansa ba o barangay na hindi niya napaguukulan ng pansin?

Awit 139:7 Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? 8 Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. 9 Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; 10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. 11 Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; 12 Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.

Page 9: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

13 Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. 14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. 15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa. 16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila, 17 Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila! 18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako

Page 10: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Isa 1:18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa,

Page 11: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Papaano niya tayo pinakikitunguhan sa ating mga kasalanan at kahinaan?

Psa 103:8 Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob. 9 Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man. 10 Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.

Page 12: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

11 Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. 12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin. 13 Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya. 14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok.

Page 13: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. Mat. 26:39

Krisis ng Pagibig

Page 14: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Krisis ng Pagibig

Page 15: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ano ba ang laman ng saro na kung may ibang paraan ay ayaw inumin ni Cristo?

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa. - Apoc. 16:1

Page 16: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Dahil hindi pinagbigyan ng Ama ang hibik at pakiusap ng Anak, ano ang ginawa ng Ama sa kaniya?

Isa 53:4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. 5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. 6 Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. 7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.

Page 17: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya. 9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig. 10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

Page 18: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Oh ang aking pasan na lubhang mabigatOh yaong pasaning hindi ko mabuhat

Pagka't ako'y mahina, puso ko'y sugatanAy kinuha ni Jesus, dinala n'yang lahat

Page 19: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Habang hinahampas ng Dios ang kaniyang Anak dahil sa atin, ano naman ang kaniyang ginawa sa buong lupa?

Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam. - Mat. 27:45

Page 20: Ang hindi malirip na pagibig ng dios
Page 21: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ano pa ang siphayo ni Cristo habang nagdurusa sa krus?

At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan? -Mat. 27:40

Page 22: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ano pa ang naging tugon ng Dios sa taghoy ng Anak na siya ay pinabayaan?

At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mgabato; -Mat 27:51

Page 23: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Bakit gayon pinakitunguhan ng Dios ang Bugtong niyang Anak? Ano ang ibig nitong iparating sa makasalanan?

2Co 5:18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo; 2Co 5:19 Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. 2Co 5:20 Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios. 2Co 5:21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.

Page 24: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ano ang pahabol na mensahe sa atin ng Ama?

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Roma 5:8

Page 25: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Papaano natin mapahahalagahan ang hindi malirip na pagibig ng Dios?Masdan ninyo kung gaanong pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito.

- 1 Juan 3:1

Page 26: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.

- Heb. 12:2

Page 27: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Roma 8:31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin? 32 Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay.

Page 28: Ang hindi malirip na pagibig ng dios
Page 29: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Juan3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Page 30: Ang hindi malirip na pagibig ng dios
Page 31: Ang hindi malirip na pagibig ng dios
Page 32: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

SALAMAT SA PAGIBIG MONG HINDI MASAYOD Alfredo M. Vitto

Bakit siya ang sinumpa, binugbog at sinugatanDi ba kami ang may sala't gumawa ng kasamaan?Bakit ang sala ng mundo sa kanya lang ipinasan?Ang saro na sobrang pait sa kanya lang ibinigay

Habang kami ay yakap mo siya namay hinahampasHabang siya'y binubugog ginagamot aming sugatHabang siya'y tinatakwil inaampon kaming sukatPinabayaan mo siya't kami ang iyong tinanggap

"Dios ko, Dios ko" kanyang taghoy, "bakit ako binayaan?"Kahit haplos nitong anghel hindi man lang pinayagan

Para maging Mang-aako ng lahat ng kasalananPait, hirap, madlang sakit minarapat na matikman.

Page 33: Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Puso nami'y binihag mo dahil sa Krus ng KalbaryoAng kaisa-isang Anak ginawa mong sakripisyoHindi namin malilimot tagubiling ginawa mo Na dahil sa sala nami'y namatay si Jesucristo

Ang bigat ng aming sala kung sa amin ipinasanKahit na iisang hakbang hindi namin makayananKung ang saro na mapait ang sa ami'y patitikman

Puso nami'y madudurog buhay namin ay papanaw

Ama pagsinta mo sa 'min mahirap na unawainSa araw na walang bilang ito'y aming nanamnamin

Pagibig mong sobrang lalim kapag ito ay sulatinMaging sa habang panahon, ay hindi kayang tapusin