35
Ang araw na dapat Ipangil

Ang araw na dapat ipangilin

  • Upload
    akgv

  • View
    69

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang araw na dapat ipangilin

Ang araw na dapat Ipangilin

Page 2: Ang araw na dapat ipangilin

Iniutos ngDios

Iniutos ngTao

Page 3: Ang araw na dapat ipangilin

Sa loob ng Israel ay ipinangingilin ang Sabbath. Paglabas sa Israel ay Friday at Sunday na ang pangilin. Bakit hindi Biernes at Linggo ang dapat ipangilin? May araw bang naiiba kaysa ibang araw?

Gen 2:1 At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.

Page 4: Ang araw na dapat ipangilin

Ano ang dahilan kung bakit ang ika-7 araw ay ipangingilin? At bakit hindi maaaring ilipat ang pangingilin na ito sa ibang araw?

Exo 20:8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. 9 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. 10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: 11 Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.

Page 5: Ang araw na dapat ipangilin

Kinilala ba sa Bagong Tipan ang pangingilin ng ika-7 araw?

Heb 4:3 Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan. 4 Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;

Page 6: Ang araw na dapat ipangilin

Ang mga magsisisampalataya ba sa panahon ng Bagong Tipan ay dapat ding mangilin ng sabbath?

Heb 4:9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios. 10 Sapagka't ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa. 11 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.

Page 7: Ang araw na dapat ipangilin

Ano ba ang kaibahan ng Israel sa ibang bansa?

Deu 14:2 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.Deu 4:6 Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan. 7 Sapagka't anong dakilang bansa nga ang may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya? 8 At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?

Page 8: Ang araw na dapat ipangilin

Papaano tayong mga sumampalataya na hindi naman mga Israel?

Eph 2:11 Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay: 12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan. 13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.

Page 9: Ang araw na dapat ipangilin

Bakit lahat ng paniniwala natin ay galing sa Israel?

Rom 3:1 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli? 2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios.

Page 10: Ang araw na dapat ipangilin

Tinatanggap ba ng Dios ang pangingilin ng sabbath ng mga taga ibang bansa na umiibig sa Dios?

Isa 56:6 Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod,bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan;

Page 11: Ang araw na dapat ipangilin

Maaari ba nating piliin na mapasama sa bayan ng Dios?

Ruth 1:15 At sinabi niya, Narito, ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan, at sa kaniyang dios; bumalik kang sumunod sa iyong hipag. 16 At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:

Page 12: Ang araw na dapat ipangilin

Eze 20:20 At inyong ipangilin ang aking mga sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios.

Ano ba ang tanda ng Dios sa kaniyang bayan? Ano ang tatak na inilagay niya sa Israel?

Page 13: Ang araw na dapat ipangilin

Ano ba ang kaugnayan ni Cristo sa sabbath?

Mat 12:8 Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.

Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. 3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

Page 14: Ang araw na dapat ipangilin

Nagpakita ba siya ng halimbawa ng pangingilin ng sabbath?

Luk 4:15 At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila, na niluluwalhati ng lahat. 16 At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.

Page 15: Ang araw na dapat ipangilin

Ano ang katunayan na nangingilin si Cristo ng sabbath?

Mat 5:17 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. 18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. 19 Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.

Page 16: Ang araw na dapat ipangilin

Ano raw si Cristo ayon sa kaniyang mga kaaway?

Joh 9:16 Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila.

Page 17: Ang araw na dapat ipangilin

Papaano ni Cristo ipinagtanggol ang kaniyang sarili sa paratang na ito? Ang pagpapagaling ba niya sa araw ng sabbath ay paglabag sa kautusan?

Luk 6:1 Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay. 2 Datapuwa't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath?

Page 18: Ang araw na dapat ipangilin

3 At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya; 4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang? 5 At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath. 6 At nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay.

Page 19: Ang araw na dapat ipangilin

7 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal. 8 Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo. 9 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?

Page 20: Ang araw na dapat ipangilin

10 At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay. 11 Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.

Page 21: Ang araw na dapat ipangilin

Ang mga alagad ba ni Cristo ay mga Sabadista din? Papaano nila pinahahalagahan ang Sabbath?

Luc 23:50 At narito ang isang lalaking nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid: 51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, na naghihintay ng kaharian ng Dios; 52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.

Page 22: Ang araw na dapat ipangilin

53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang nalilibing. 54 At noo'y araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath. 55 At ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.

Page 23: Ang araw na dapat ipangilin

Anong ginawa ng kaniyang mga alagad pagdating ng Sabbath?

Luk 23:56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos.

Page 24: Ang araw na dapat ipangilin

Papaano iningatan nina Pablo at ng mga sumasampalataya sa kanilang aral ang Sabbath?Gawa 13:14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa

Antioquia ng Pisidia; at sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.42 At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod. 43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios. 44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.

Page 25: Ang araw na dapat ipangilin

Ano ang katunayan na mahigpit na sinusunod ni Pablo ang kautusan?

Act 23:6 Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay.

Page 26: Ang araw na dapat ipangilin

Papaano ni Pablo iniingatan ang sabbath?

Gawa 17:2 At si Pablo, ayon sa ugali niya ay pumasok sa kanila, at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila sa mga kasulatan,3 Na binubuksan at pinatunayan na kinakailangang si Cristo ay maghirap, at muling mabuhay sa mga patay; at itong si Jesus, aniya, na aking ipinangangaral sa inyo, ay siyang Cristo. 4 At nangahikayat ang ilan sa kanila, at nakikampi kay Pablo at kay Silas; at gayon din ang lubhang maraming mga Griegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga babaing mararangal.

Page 27: Ang araw na dapat ipangilin

Ano ang ginagawa mga unang Kristiano pagdating ng sabbath kung sa lugar nila ay walang kapilya?

Gawa 16:13 At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.

Page 28: Ang araw na dapat ipangilin

Bagong Tipan

Sabbath Sunday

72 verses

8verses

Page 29: Ang araw na dapat ipangilin

Ang Bagong Tipan ba ay nangangahulugan na bagong araw na pangilin? Ano ba talaga ang Bagong Tipan at kanino ito ginawa?

Heb 8:8 Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda. 9 Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon. 10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko:

Page 30: Ang araw na dapat ipangilin

1Jn 5:3 Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Page 31: Ang araw na dapat ipangilin

Ano ang pamanhik sa atin ni Cristo? Papaano natin mapapatunayan ang ating pagibig sa kaniya?

Joh 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

Page 32: Ang araw na dapat ipangilin
Page 33: Ang araw na dapat ipangilin

KUNG BAKIT IBA-IBANG ARAW ANG PANGILIN Alfred M. Vitto

Ang pangilin ay depende sa Diyos na sinasambaAraw ng Sabbath kay Yahweh, Biernes naman ang kay Allah

Ang pangilin nama'y Linggo pag araw ang sinasambaPag ang Dios ay di kilala, ang pangilin ay wala na

Relehiyon ng Kristiano'y nagmula sa mga JudioLahat sila'y Sabadista kasama si Jesu Cristo

Ang lahat ng disipulo pati na nga si San PedroAng kulturang kinagisnan ay mangilin ng Sabado

Page 34: Ang araw na dapat ipangilin

Pangingilin ng Sabado'y nagmula sa Diyos natinIsinulat pa sa bato't baka ito ay limutin

Nang si Cristo'y maging tao, Sabbath ay pinangilin dinMga Judio ay nagalit bakit s'yay nagpapagaling

Kung Linggo ang sinusunod sinong Diyos ang nag-utosMaganda ay patunayan, basahin na para ayos

Ang pangingilin ng Biernes lalong malaki ang gusotPagkat sa banal na Koran Sabado rin ang s'yang utos

Ito kasing pangingilin laging mayrong pinagmulanAng Sabbath sa sampung utos alaala ng paglalang

Pag sinabing ika-7 hindi na pwedeng palitanPag pangili'y naging Linggo lihis na sa kasaysayan

Page 35: Ang araw na dapat ipangilin

Pag Sabado ang pangilin sumusunod ka na sa DiosHindi 'to pagkakamali kundi pagsunod sa utos

Kahit ano ang mangyari utos na 'to'y hindi bugosMababasa sa Biblia, katunayan nga 'tong lubos

Kung sakaling nagkataong ikaw ang s'yang naging DiosBaka ika'y mas mabagsik na magpasunod ng utos

Kung inutos mo ay Linggo't ibang araw ang sinunodBaka tao'y laging gulpi, parusa ay sunod-sunod

Salamat at ang ating Dios sa langit ay sobrang baitSiya'y laging mahabagin banayad pa kung magalit

Maging pagsunod sa utos hindi niya ipipilitPiliin mong sundin siya kaligtasan ang kapalit