30
Unang Digmaang Pandaigdig

Unang Digmaang Pandaigdig

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Digmaang Pandaigdig

Unang Digmaang Pandaigdig

Page 2: Unang Digmaang Pandaigdig

MGA SALIK NG DIGMAAN Umigting ang kumpetisyon at tunggalian

sa pagitan ng mga bansang Kanluranin. May mga bansang Europeo, partikular ang Germany, na ninais higitan ang ang kaunlaran at kapangyarihan ng mga nangungunang bansang Europeo bago ang ika-20 siglo tulad ng Great Britain

Umigting ang damdaming nasyonalismo ng mga bansang Europeo na naglayong iangat ang karanglan ng kani-kanilang bansa sa aspektong ekonomiko, militar at politikal

Page 3: Unang Digmaang Pandaigdig

Pagbuo ng mga Alyansa Dulot ng hangaring nasyonalistiko at

imperyalistiko ng mga bansang Europeo, nabuo ang mga alyansa. Dalawang makapangyarihang alyansa ang nabuo noong panahong ito: ang Triple Entente at Triple Alliance.

Noong 1882, itinatag ng Germany ang Triple Alliance kasama ang Austria-Hungary at Italy. Noong 1887, naging kasapi rin ng alyansa ang Russia. Sa pagbuo ng Triple Alliance, nilayon ng Germany, ilalim ng pamunuan ni Otto von Bismark, na patatagin ang Germany at bukurin ang katunggalin France upang maiwasan ang sagupaan sa pagitan nila…

Page 4: Unang Digmaang Pandaigdig

Nang maging kaiser si Wilhelm II, hinayaan niyang mawakasan ang kasunduan sa Russia, at nagsimulang palakasin ang hukbo ng Germany upang makamit ang ambisyong maging higit na malakas na bansa kaysa sa Great Britain.

Ikinabahala ng Great Britain ang hakbang na ito ng Germany dahilan upang noong 1904 a itatag nito ang Triple Entente kasama ang France at Russia

Kalaunan, ang Triple Entente ang magiging Allied Forces at ang Triple alliance ang magiging Central Powers. Tunghayan sa Larawan ang mga kasaping bansa ng Allied Forces at Central Powers.

Page 5: Unang Digmaang Pandaigdig

Central Powers / Allied Forces

Page 6: Unang Digmaang Pandaigdig

PAGSIKLAB NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Noong ika-28 ng Hunyo 1914 sa Sarajevo, kapital ng Bosnia Herzegovina, pinaslang ang tagapagmana ng trono ng Austria-hungary na si Archduke Franz Ferdinand at kanyang asawang si Sophie. Ang salarin ay si Gavrilo Princip, isang Serbian at kasapi ng Black Hand, isang samahang naglayong palayain ang Bosnia-Herzegovina mula sa Austria. Ang pangyayaring ito ang nagsilbing mitsa ng Unang Digmaang Pandaigdig

Page 7: Unang Digmaang Pandaigdig

Gavrilo Princip

Archduke Franz , Ferdinand

Page 8: Unang Digmaang Pandaigdig

DEKLARASYON NG DIGMAAN

Sa udyok ng Germany, pinanagot ng Austria ang Serbia, Nagbigay ito ng ultimatum na nabigong tuparin ng Serbia. Dahilan ito upang magdeklara ang Austria ng digmaan laban sa Serbia. Bilang paghahanda, nagpadala ang kaalyadong Russia ng Serbia ng hukbo sa Austria at Germany. Itinuring ng Germany ang hakbang na ito bilang isang deklarasyon ng digmaan, dahilan upang magdeklara ito ng pakikidigma sa Russia. Hindi na rin hinitay ng Germany na kumilos ang kaalyadong France ng Russia, Nagdeklara na din ito ng digmaan sa France.

Page 9: Unang Digmaang Pandaigdig

Sa deklarasyong ng Germany ng digmaan laban sa France at Russia, naganap ang iniwasang sitwasyon ni Bismarck--- Naharap ang Germany sa isang digmaan sa pagitan ng magkabilang panig nito: France sa Kanluran at Russia sa Silangan……….

Page 10: Unang Digmaang Pandaigdig

MGA PANGYAYARI BAGO ANG DIGMAAN

Hunyo 28, 1914 - Pagpaslang kay Franz Ferdinand

Hulyo 28, 1914 – Pagdeklara ng Austria ng , Digmaan sa Serbia

Agosto 1, 1914 – Pagdeklara ng Germany ng

Digmaan sa Russia Agosto 3, 1914 – Pagdeklara ng Germany ng Digmaan laban sa

France Agosto 4, 1914 – Pagdeklara ng Great

Britain ng Digmaan laban sa

Germany

Page 11: Unang Digmaang Pandaigdig

SCHLIEFFEN PLANIsinagawa ng Germany ang paglusob nito

gamit ang Schkueffen Plan na inihanda ni Heneral Alfred Grag vo Schlieffen. Sa planong ito, unang sasalakayin ng hukbong German ang France sa kanlurang panig ng Germany. Pagkatapos magapi ang France, mabilis na sasalakayin naman ng hukbong German ang Russia.

Page 12: Unang Digmaang Pandaigdig

Heneral Alfred grag VonSchlieffen

Schlieffen Plan

Page 13: Unang Digmaang Pandaigdig

LABANAN SA KANLURANG PRONTERA

Sa pananalakay sa France, pinlano ng Germany na dumaan sa hilaga nito, sa Belguim. Nang bigong matanggap ang pahintulot ng Belgium, sinalakay ito ng Germany. Ikinagalit ng Great Britain ang pananalakay sa bansang neutral at kaalyadong Belgium. Sa puntong iyon, lumahok na rin ang Great Britain sa digmaan.

Page 14: Unang Digmaang Pandaigdig

MGA PANGYAYARI SA KANLURANG PRONTERA

Setyembre 5, 1914 – Battle of the Marne: Sinalubong ng Allied Froces ang hukbong German sa lambak ng Ilog Marne, malapit sa Paris France.

Setyembre 13, 1914 – Napaatras ng Allied Forces ang hukbong German nang may 97 kilometro. Ito ang nagtakda sa pagkabigo ng Schlieffen Plan.

Unang bahagi ng 1915 – Trench Warfare: Naghukay ang magkabilang kampio ng trenches, bilang proteksiyon sa katunggaling hukbo. Mula sa trenches, sumugod ang mga sundalo

Page 15: Unang Digmaang Pandaigdig

Pebrero 1916 – Battle of Verdun. Naglaban ang pinagsamang pwersa ng mga British at French laban sa mga German malapit sa Verdun. Napaatras ng mga German ang Allied Forces nang may pitong kilometro.

Hulyo 1916 – Naglaban amg pinagsamang puwersa ng British at French laban sa mga German sa lambak ng Ilog Somme. Napaatras ng Allied Forces ang mga German nang may walong kilometro.

Page 16: Unang Digmaang Pandaigdig

LABANAN SA SILANGANG PRONTERA

Sa silangang prontera, sa hangganan ng Germany at Russia, patuloy din ang naging sagupaan sa pagitan ng Allies at Central Powers.

Noong Agosto 1914, napaatras ng hukbong German ang mga Russian sa Battle of Tannenberg. Sa labanang ito, nabawi ng Germany ang silangang Prussia at nagkamit ng baril at mga kabayo mula sa mga nagaping. Russian. Nagkamit naman ng dalawang tagumpay ang mga Russian laban sa mga Austrian noong Setyembre 1914. Ito ay bago sila tuluyang nagapi ng mga Austrian noong Disyembre 1914.

Page 17: Unang Digmaang Pandaigdig

Sa taong 1916, humina na ang puwersa ng Russia. Sa kahabaan ng digmaan, lumiit ang suplay ng kagamitang pandigma at pagkain ng bansa. Sapagkat kontrolado ng Central Powers ang Mediterranean Sea, hindi makapagpadala ang Allied Forces sa Tulong ng Russia.

Page 18: Unang Digmaang Pandaigdig

PAGLAGANAP NG DIGMAAN

Page 19: Unang Digmaang Pandaigdig

Lumaganap maging sa Asya-Pacific ang digmaan. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang naging isang pandaigdigang digmaan ang tunggalian sa pagitan ng Allied Forces at Central Powers

Nagsimulang salakayin ng Allied Forces, pangunahin ng Japan, ang mga kolonya ng Germany sa Africa at Asya. Sa panahong ito, napasabak na rin sa digmaan ang mga kolonyang Asyano ng mga French at British

Page 20: Unang Digmaang Pandaigdig

Samantala, bagama’t noong una ay nanatiling neutral ang US sa kabila ng pagiging kaalyansa nito ang Allied Forces, nakilahok na rin ito sa digmaan noong ikalawa ng Abril 1917, sa utos ni Pangulong Woodrow Wilson ng Us. Ito ay dahil pangunahin sa dalawang pangyayari;

• Pagpapatupad ng Germany ng unrestricted submarine warfare, kung saan pinasabog ang lahat ng sasakyang pandagat malapit sa Great Britain; at

• Pagtuklas ng Zimmerman Note, kung saan nakasaad na tutulungan ng Germany na mabawi ng Mexicoang teritoryo nito mula sa US kung papanig ito sakanila

Page 21: Unang Digmaang Pandaigdig

PAGWAWAKAS NG DIGMAAN Noong Marso 1918, tuluyan nang sumuko ang Russia sa Germany. Sa pag-atras ng Russia sa digmaan, ipinadala ng Germany ang lahat ng lakas-militar nito sa kanlurang prontera. Sa France. Magharap ang hukbong German at hukbong French na pinamumunuan ni Marshal Ferdinand Foch sa ikalawang Battle of Marne. Sinuportahan ng bagong pangkat ng mga bagong pangkat ng mga sundalong Amerikano ang hukbo ni Foch sa paglusob sa Germany

Page 22: Unang Digmaang Pandaigdig

Marshal Ferdinand Foch

Page 23: Unang Digmaang Pandaigdig

Unti-Unting nagapi ng Allies ang mga kasapi ng Central Powers; Bulgaria, Imperiong Ottoman, at ang Austria-Hungary. Sa Germany, nag-aklas ang mga mamamayan laban sa pamahalaan. Bumaba sa katungkulan si Wilhelm noong ikasiyam ng Nobyembre 1918. Matapos ang dalawang araw, lumagda ang Allies at kinatawan ng Germany ng isang kasunduan na tuluyang nagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdig

Page 24: Unang Digmaang Pandaigdig

Epekto ng Digmaan Malaking pinsala ang idinulot ng Unang

Digmaang Pandaigdig. Kabilang dito ang pagkasawi ng may siyam na milyong sundalo at 13 milyong sibilyan

Upang maibalik ang kapayapaan ay nagpulong ang 32 bansa noong Enero 1919 sa tinaguriang Paris Peace Conference. Kabilang sa lumahok ang tinaguriang Big Four ---- Great Britain, US, Italy at France. Ilan sa mahahalagang napagkasunduan ang pagtatag ng League of Nations, pagpapatupad ng mandate system, at ang paglagda ng Kasunduan sa Versailles.

Page 25: Unang Digmaang Pandaigdig

LEAGUE OF NATIONS Itinatag noong 1920, layunin nitong

magsilbing forum para sa mga usaping internasyonal at tagapagtaguyod ng pandaigdigang kapayapaan. Bagama’t US ang nagpanukala ng pagtatag ng liga, hindi ito sumapi sa pangkat

Page 26: Unang Digmaang Pandaigdig

Mandate System Sa pagpapatupad ng Allies ng mandate

system, ipinagkatiwala ang mga kolonya ng mga German at Turk sa Africa at Kanlurang Asya sa mga Allies hanggang sa magkaroon umano ang mga ito ng kakayahan sa pagsasarili

Page 27: Unang Digmaang Pandaigdig

Kasunduan sa Versailles Nilagdaan noong ika-28 ng hunyo 1919

ang Kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Germany at allies. Sa naturang kasunduan, isinisi sa Germany ang pagsisimula ng digmaan. Mhalagang bahagi ng kasunduan ang pagpataw sa Germany ng sumusunod na parusa

Page 28: Unang Digmaang Pandaigdig

pagbabayad sa pinsala ng digmaan at gastusin ng Allies sa digmaan;

Paghahati ng mga teritoryo ng Germany;

Pagkuha ng mga kolonya ng Germany bilang mga mandato ng Allies; at

Paglimita sa bilang ng hukbong German at pagbabawal sa paggawa ng mga armas pandigma.

Page 29: Unang Digmaang Pandaigdig

Samantala, bunsod din ng Unang Digmaang Pandaigding ang paghina at tuluyang pagbagsak ng Imperyong Ottoman at Imperyong Russia; at ang paglaya ng ilang kolonya tulad ng Finland, Estonia, Latvia, at Lithuania….

Page 30: Unang Digmaang Pandaigdig

END