16
Layunin: Nakkilala ang payak, tambalan at hugnayang pangungusap. Nakabubuo ng

Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Layunin:

Nakkilala ang

payak, tambalan

at hugnayang

pangungusap.

Nakabubuo ng

payak, tambalan

at hugnayang

pangungusap.

Page 2: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Mga bata….

Ako si Chloe! Maaari n’yo ba akong

tulungang makapunta sa mama at

papa ko?

Samahan naman ninyo ako sa aking

masayang paglalakbay patungo sa

kanila. Na kung saan ang mga anyo

ng pangungusap ang magsisilbing

gabay sa ating paglalakbay patungo

sa kanila.

Page 3: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Teka! Teka! Magdahan-dahan ka.

Paalala bago ako gamitin, maayos

mo itong sundin:

1. Linisin ang mga kamay bago ako

hawakan.

2. Iwasang mabasa at mapunit ang

aking pahina.

3. Huwag din akong susulatan o

sisirain.

4. Higit sa lahat ibalik ako sa

lugayrna pinagkuhanan.

Page 4: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Kamusta ka na?

Handa ka na ba?

Halina’t samahan ako sa

aking paglalakbay at alamin

natin ang iba’t ibang

kayarian ng pangungusap.

Tara na!

Page 5: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

PRE-TEST:

Andito ako ngayon sa Lolo at Lola ko. Wala sin Papa at Mama,

malayo sila kailangan nila akong iwan dahil sa trabaho. Alam ko mahal

na mahal ako nila, para sa akin naman kasi yun. Bihira kami magkita-

kita…miss na miss ko na sila. At gusto ko isorpresa ko sila sa aking

pagdating. Maari mo ba akong tulungan?

Kailangan mo lang lumikha ng pangungusap gamit ang sumusunod

na kayarian.

a. Payak na pangungusap

b. Tambalang pangungusap

c. Hugnayang pangungusap

Page 6: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Natukoy mona ba ang kanilang

kayarian?

Kung gayon heto ang maaring

kasagutan.

a. Nagpunta sina Alma at Dang sa

bahay-tindahan ng mga Bicolano

b. Pupunta sa gitna ng bilog ang

bagong pareha at sila naman ang

sasayaw

c. Pagkatapos na magsayaw ang

pareha, kumuha sila ng ibang

pareha.

Page 7: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Ngayon, nakakasiguro na ako na handa ka nang

matutunan kung paano malalaman ang mga kayarian

ng pangungusap. Kung ito ba ay payak, tambalan o

hugnayan.

Ang payak na pangungusap ay nakapag-iisa. Ito

ay malayang sugnay na may simuno at panaguri

ngunit iisa pa rin ang diwa.

Halimbawa:

Nagpunta ang mga mag-aaral sa silid-aralan.

Page 8: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Paano mo naman malalaman kung kung ang

pangungusap ay tambalan? Narito basahin at pag-

aralan mo ang mga ilang halimbawa kung paano.

Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang

inilalahad. Ito ay ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit at o bilang

pang-ugnay sa dalawang payak na pangungusap.

at – ginagamit kung magkasimpantay o sing-halaga ang mga ideya ng

dalawang malayang sugnay.

Halimbawa: Umaawit ang mga dalaga’t binata at sumasayaw sila ng

Lubi-Lubi.

ngunit – ginagamit kung magkasalungat o di-paris ang ideya.

Halimbawa: Mahilig sa pagsasaya ang mga Bicolano ngunit may

panahon din sila sa kanilang mga gawain.

o – ginagamit kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang

nakalahad.

Halimbawa: Sasayaw k aba o await ng “Lubi-Lubi?”

Page 9: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Narito naman kung paano ninyo

makikilala ang hugnayang

pangungusap.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo

ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit

pang sugnay na di-nakapag-iisa. Ginagamit

na pang-ugnay ng mga sugnay ang mga

pangatnig na kung, kapag, pag, nang,

upang, dahil sa, sapagkat.

Halimbawa:

Magbabakasyon ako sa Baguio kung

sasama ka.

Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.

Page 10: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Siguro naman, kayang kaya mo na ngayong

kilalanin ang iba’t ibang kayarian ng mga

pangungusap.

Simulan natin dito:

Ano ang kayarian ng pangungusap sa bawat

bilang?

1. Masigla kaming naglalaro nang biglang

bumuhos ang ulan.

2. Hindi gaanong matalino si Marie ngunit

matiyaga siyang mag-aaral.

3. Nalilibang si Totoy sa paglalaro.

4. Siya ang nagpapasaya sa amin.

5. Ako ang magtatanim at ikaw ang

magdidilig.

Page 11: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Tapos mo na bang sagutan ang

mga katanungan? Tingnan

natin kung tama ang iyong

sagot.

1. hugnayang pangungusap

2. tambalang pangungusap

3. payak na pangungusap

4. payak na pangungusap

5. tambalang pangungusap

Page 12: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Yehey!!!...Malapit ko nang makita sina Papa at

Mama……

Isa pang pagsubok kaibigan….

Kailangan mo lamang suriin ang sumusunod na

tambalang pangungusap. Ibigay ang dalawang sugnay

na nakapag-iisa na bumubuo sa pangungusap.

Halimbawa:

Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.

Sagot: a. Mabilis ang sayaw.

b. Masigla ang lahat.

Simulan na natin kaibigan.

1. Masasaya ang mga bata at masisigla silang naglalaro.

2. Matataas ang puno ng saging at mahahaba naman ang

dahon ng punong abaka.

3. Maraming isada ang nahuhuli sa Albay ngunit

maraming alimango at sugpo sa sorsogon.

4. Sagana sa puno ng niyog ang Quezon at bihira doon

ang pili at abaka.

5. Bibili ba kayo ng matamis na pili o maglalaro kayo ng

lutu-lutuan?

Page 13: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Tingnan para malaman ang kasagutan.

1. Masasaya ang mga bata.

Masisigla silang naglalaro.

2. Matataas ang puno ng saging.

Mahahaba naman angdahon ng punong

abaka.

3. Maraming isda ang nahuhuli sa Albay.

Maraming alimango at sugpo sa

sorsogon.

4. Sagana sa puno ng niyog ang Quezon.

Bihira roon ang pili at abaka.

5. Bibili ba kayo ng matamis na pili?

Maglalaro kayo ng lutu-lutuan?

Ayan malapit ko na kong makarating

kina Papa at Mama….

Page 14: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Post-Test:

Heto na ang huling pagsubok kaibigan upang

marating ko ang kinaroroonan nina Papa at

Mama.

Galingan mo ang pagsagot kaibigan.

Kailangan mo lamang isulat sa patlang ang P kung payak

ang pangungusap, T kung tambalan at H kung hugnayan

ang pangungusap.

___ 1. Ang mabuting mamamayan ay laging sumusunod

sa batas.

___ 2. Ikaw ba ay mag-aaral o maglalaro lamang?

___ 3. Matalino si Cecil subalit natalo siya ni Juliet sa

“contest”.

___ 4. Gusto ko sanang sumama sa iyo subalit natatakot

ako.

___ 5. Hindi na muna ako pupunta sa inyo.

Page 15: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

Tingnan ang sagot:

1. P

2. T

3. H

4. H

5. P

Page 16: Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)

S

Ang galing mo naman!

Dahil matagumpay mong nalampasan

ang mga pagsubok, maaari ko nang

marating ang kinaroroonan nina Papa

at Mama!!!

Maraming Salamat!

Hanggang sa muli kaibigan…….

Paalam!!!!