28
REHIYON-I

Panitikan Rehiyon I (Cancionan, paniniwala at kaugalian sa R-I)

Embed Size (px)

Citation preview

REHIYON-I

Mga Nilalaman Cancionan (Pangasinan)

Mga Kaugalian sa Pag-aasawa

Mga Paniniwala sa Burol

Paniniwala tungkol sa Paglilibing sa Silong ng Bahay

Mga Kaugalian sa Panganganak

Upang Mapadali ang panganganak

Pagpapausok sa Ina

Mga Kaugalian sa Pagbibinyag

Cancionan (Pangasinan

)

CANCIONAN (PANGASINAN)Ito ay debate sa musika at panulaan. Ang cancionan

ay nilalapatan ng tama at wastong himig sa isang pagtatanghal. Hindi ito laging inaawit.

Ang lumang cancionan ng Pangasinan at binubuo ng iba’t ibang bahagi:

A. Pansatabi- sa simulang bahagi ay ang pagtanggap at pati ng mga “cancionista”; ang pasasalamay sa isponsor/tagapagtaguyod at ang walang hanggang pasasalamat sa Dakilang Lumikha.

B. Pangangarapan- nais malaman ng kababaihan/babae ang kalagayan sa buhay/tirahan at mga gawain ng lalaki.

C. Pangkabataan- ang lalaki ay magsisimulangmaningalang pugad, ang mga babae ay magbibigay ng mga tanong tungkol sa Banal na Kasulatan at ang lalaki ay papatawan din ng mahihirap na gawain.

D. Cupido- sisikapin ng lalaki na makuha ang matamis na oo (pag-ibig) ng babae sa pamamagitan ng pagtugtog ng instrumentongpang-musika at gayundin sa pagsasalita.

E. Balitang- ito ang huling bahagi na kung saan ay maaaring atasan ang lalaki na umakyat at sumalo sa kanya sa tanghalan- palatandaan ng pangtanggap o kaya naman ay hayaang manatili na lang sa ibaba na tanda ng pagtanggi.

MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA

1. Kasunduan sa Pag-aasawa- ang mga magulang ay nakikipagsundo para sa paglalagay sa tahimik ng kanilang anak. Ito ay ginagawa sa lalawigan ng Tarlac; sa Natividad, Pangasinan. Kung minsan ay nagkakaroon ng matandaan (mga magulang ang nagkakasundo) kapag hindi tiyakang nagkakaibigan ang dalaga at binata.

2. Panunuyo- Sa Binmaley, Pangasinan ay ginagawa ito na kung saan ang lalaki ay nagkakaloob ng paglilingkod sa kanyang nililiyag.

3. Pagkatapos ng Kasal- Inihahatid ng banda ang bagong kasal bilang pagbugaw/pagtaboy sa masasamang pangitain sa kanilang magiging buhay. Finagawa ito sa Pidid, Ilocos Norte.

4. Regalo sa Magandang Kapalaran- Karaniwang kaugalian ito sa ilocos Sur na partikular na sa Cabugao. Bago ang kasalan, ang puso ng isang baka o kaya’y kalabaw o dili kaya’y baboy ay inihahatid sa bahay ng mga babaeng ikakasal. Ang mga sinauna ay naniniwala na ang paghahandog ng pusong isang hayop ay sagusag ng pag-ibig at katapatan ng lalaki sa kanyang magiging kabiyak.

MGA KAUGALIAN SA BUROL

1. Ang bigas o asin ay isinasabog sa iba’t ibang panig ng bahay upang ang masasamang ispiritu ay lumayo. Ginagawa ito sa isang lugar sa Buang, La Union.

2. Sa Paoay, Ilocos Norte nagsisiga sila (namatayan) sa harap ng bahay ng yumao mula sa araw ng pagkamatay hanggang sa paghahatidsa huling hantungan.

Paniniwala Tungkol sa

Paglilibing sa Silong ng Bahay

Sa Ilocos Norte, inililibing nila ang patay sa ilalim ng kusina na kung saan madalas na napagtatapunan ng tubig. May paniniwala na ang namatay ay nagnanais maligo ng malamig.

MGA KAUGALIAN SA PANGANGANAK

Kalimitan, ang hilot ay isang babae, ngunit sa La Union, karamihan ng mga nagpapaanak ay lalaki.

Ang mga hilot ay umaasa lamang sa mga dahon-dahon, halamang-gamot at sariling lakas sa pagpapaanak. Habang ang mga babae ay naghihirap at nasasaktan, inuutusan ng hilot ang kanyang asawa o sinumang miyembro ng pamilya na kumuha ng ganitong dahon o damo. Kapag hindi makalabasa nag bata ay pinupwersa ng hilot.

Sa Mapandan, Pangasinan, ang hilot ay hindi sinusundo sa kanilang bahay. Ipinupukpok lamang ng isang ama ang pambayo sa giling ng lusong upang makalikha ng ingay na siyang pantawag sa hilot. Ang pamamaraang ito ay hindi lamang nakapagpapagaan ng hirap sa pagsundo sa hilot manapa’y nakakapagtaboy ng mga malignong pag-aabang sa pagluwal ng sanggol.

Upang Mapadali

ang Panganganak

Ang mga asawang lalaki sa ilang baryo ng Binmaley, Pangasinan ay nag-aasal unggoy kapag nahihirapan ang kanilang asawa sa panganganak, inuutusan siya ng hilot na gumapang pababa ng hagdanan na nauuna ang ulo. Sa ibang lugar naman, binibigyan ng hilaw na itlog ang manganganak. Ito’y sa paniniwalang mapapadulas nito ang paglabas ng bata. Pinaniniwalan din sa maraming bahagi ng bansa na nagagabayan ang kinabukasan ng isang bata sa pamamagitan ng pagsasama ng lapis at iba pang kagamitan sa pag-aaral sa pagbabaon ng ama sa inunan ng kanyang anak

Sa halos buong bahagi ng Pangasinan, bago dumanas ang bata sa kauna-unahang niyang pagsususot niya ng damit, inilalagay siya sa isang malaking bilog na basket saka pinupukpok ang magkabilang gilid. Ang paniniwalang ito ayon sa kanila ay nakakapagpatapang at nakakapagpatatag ng desisyon ng isang bata na paglaon ay bagay na maging isang sundalo

PAPAPAUSOK SA INA

Sa mga Iloco, ang isang bagong anak ay pinauusukan sa loob ng 23 hanggang 30 araaw sa loob ng silid na kinukurtinahan ng napakaraming dahon ng saging upang huwag mahanginan o malamigan.

Pinahihiga siya sa isang papag na ang ulunan ay bahagyang nakaangat ng kalahating metro sa paa. Sa tabi niya o malapit sa tiyan ay ang kalan na kung tawagin ay dagupan. Sinisindihan ito buong araw at gabi upang maibalik sa normal ang sinapupunan ng bagong panganak.

MGA KAUGALIAN SA PAGBIBINYAG

ANG KARERA SA PINTUANTulad ng mga Tagalog ang mga taga-Narvacan, Ilocos Sur ay naniniwala rin sa ganitong kaugalian.Pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng binyag, kaagad-agad na tinatakbo ng Nonong o Ninang ang bata patungong pintuan ng simbahan sa paniniwalang ang unang makarating ay magiging malusog, yayaman at hahaba ang buhay o dili kaya’y magiging mahusay na pinuno ng mga kalalakihan.

IKALAWANG BINYAG

Ang Ikalawang seremonya ng binyag ay tinatawag na sirok ti latuk (sa ilalim ng plato) ng mga Ilocano sa paniniwalang ang plato o pinggan ang pangunahing gamit sa mga ganitong seremonya.Ang mga sinaunang halimbawa sa San Nicolas, Ilocos Norte ay naniniwalang nakapagpapagaling o kalimita’y nakapagliligtas sa tiyak na kamatayan ang sakiting bata.

Sa pangalawang binyag ng isang bata ay pinagkalooban siya ng panibagong Ninong o Ninang na dapat ay mas matanda sa kanya. Ang may sakit na bata ay nilalagay sa isang malaking basket saka ito tatakpan at dadalhin sa isang ilang na lugar. Hahanapin ngayon ito ng bagong Ninong o Ninang na kapag natagpuan ay bibihisan ng panibagong damit, pupunitin ang dating damit upang gawing laso at saka ito iuuwi sa kanyang magulang

Sa San Quintin, Pangasinan naman, kakaiba sa ibang lugar ay gumagamit sila ng itlog sa ikalawang pagbibinyag sa bata. Ang mga kapit-bahay ay kanilang aanyayahan sa seremonya at bawat isa’y pinag-iisip ng ipapangalan sa bibinyagan. Bawat isa ay papadyak sa ibabaw ng mesang kinalalagyan ng itlog sa pagkakaalog nito susundin ang naisip niyang pangalan para sa bibinyagan at tuloy siya na ring maging bagong Ninong o Ninang.

INULAT NINA:AGUILAN, ANGEL DIXCEE

L.MATIENZO, LORENE D.