Panitikan ng Pilipinas

  • Upload
    rhold

  • View
    2.342

  • Download
    21

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Naipakikita ang ibat-ibang uri ng Panitikan sa Pilipinas.

Citation preview

  • 1. Sinaunang Panitikan sa Pilipinas Panitikan sa Pilipinas

2. Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. ubalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito. Alibata ang kadalasang ginagamit Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat. 3. alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan, sawikain, at bugtong. uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas 4. Alamat kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay; halimbawa na ang Ang Alamat ng Pinya Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di- kapani-paniwala. 5. Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. hal. Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid. Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. Sawikain mga kasabihang walang natatagong kahulugan. Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Bugtong maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan. Halimbawa: Isang tabo, laman ay pako. Ang sagot ay "langka". 6. ALAMAT 7. Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat. Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong. Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan. ALAMAT NG MAKOPA 8. Kwentong bayan 9. Ang Punong Kawayan Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta. 10. LABAW DONGGON NG HILIGAYNON Ang epikong ito's tungkol kay Labaw Donggon na masasabing mahilig sa magagandang babae. Anak siya isang diwatang si Abyang Alunsina at ng isang karaniwang nilalang. Kapatid niya sina Humadapon at Dumalapdap. Kasisilang pa lamang nila sa saigdig ay nakapagsasalita na sila. ang dumating ang panahon ng pagnanais ni Labaw Donggong mag-asawa na, nagpaalam sa ina upang tumungo sa Handog, isang malayong pook. Sa may paanan ng Ilog- Halawod ay may nakatirang napagandang babaing si Anggoy Ginbitinan. Nagpaalam si Labaw sa ina upang magtungo roon. Laban man sa kalooban ng ina na umalis si Labaw Donggon dahil sa napakabata pa nito'y napilitan din itong pumayag. Binigyan niya ng damit na may engkanto ang anak. Lumipad ito sa ibayo ng ulap na dala-dala ng hangin. Nakalagpas ito sa pagsubok ng ina ng dalaga. Kaya nagtagumpay siya kay Anggoy Gibitinan. lang linggo lamang silang nagsama, nabalisa na naman si Labaw Donggon. Nais naman niyang puntahan ang isang magandang babaing siyang patnubay ng ilog at bukal. Nakatira ito sa ilalim ng lupa. Ito si Anggoy Doronoon. Hindi siya napigil ng asawa sa pagtungo sa ilalim ng lupa. Nakamit din niya si Anggoy Doronoon. Nagsama sila ng ilang panahon. Pagkatapos, muling bumalik si Labaw Donggon kay Ginbitinan. Nagsama silang muli. Nabalisa na naman si Donggon pagkalipas ng ilang panahon. May magandang babae sa paanan ng tagpuan ng dagat at langit si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan. Nais niyang mapangasawa ito. Humingi si Donggon ng pahintulot sa dalawang asawa upang puntahan si Nagmalitong Yawa. Ayaw man nila, wala silang nagawa. Hindi naging madali para kay Donggon na makamit si Nagmalitaong Yawa sapagkat may asawa na ito. Naglaban sila ni Saragnayan. Inilubog ni Donggon nang pitong taon sa tubig si Saragnayan, ngunit hindi niya ito napatay. Binayo na niya ito nang binayo, wala pa ring nangyari. Pinaikut na niya nang pinaikot sa mga ulap si Saragnayan, hindi pa rin ito namamatay. Siya na ang sumuko sa pagod pagkalipas ng maraming taon. Nang mapagod na si Donggon at saka nanlaban si Saragnayan. Sa gayo'y naitali niya si Donggon at naikulong sa isang kulungan ng baboy, sa ilalim ng kanilang lutuan. amantala, nanganak naman si Doronoon. Isang lalaki. Si Buyung Baranugun. Nakapagsalita at nakatindig agad ang bata pagsilang sa maliwanag. Hinanap na ang kanyang ama. Si Ginbitinan man ay nanganak din. Isang lalaking pinangalang Asu Mangga. Naghanap din ng ama. Nagkasalubong ang dalawa sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugun at lulan ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang palikerong ama. Nakarating sila sa Lupang Sinisikatan ng Araw. Sumangguni sila sa kanilang bolong kristal. Napag-alaman nilang nakakulong sa ilalim ng lutuan ang kanilang ama.Kahit na mga bata pa sila, nakipaglaban sila kay Saragnayan. Ngunit wala silang magawa. Hindi nila mapatay si Saragnayan. Pinuntahan ni Baranugun ang kanyang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Sinabi nitong mapapatay lamang ito kung mapapatay ang baboy-ramong kinatataguan ng hininga nito. Dapat diong kanin ang puso ng baboy-ramo. Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramong at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na ang naging wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata siya napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang daigdig at nagdilim. Iyon ang unang lindol at unang gabi. 11. Ngunit hindi nakita ng magkapatid ang ama sa pinagkulungan dito. Tumulong na rin sina Humadapnon at Dumalaplap sa paghahanap kay Donggon. Pagkalipas ng maraming araw, natagpuan din nila sa loob ng isang lambat sa pampangin ng maybahay ni Saragnayan. Nawala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Donggon dahil sa labis na paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang dalawaang babae. Ngunit hindi pa rin tumigil si Donggon. Sinabi niya sa dalawang asawa na nais niyang mapangasawa si Malitong Yawa. Nagsiklab sa galit ang dalawang babae, ngunit ipinaliwanag ni Donggon na pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal at kinakailangan sa matapang na kawal ang magkaroon ng maraming babae. Ipinagdasal pa ng dalawang babaing lumakas muli si Donggon. Nagbalik naman ang dating kakisigan at lakas nito. 12. AWITING BAYAN 13. MGA URI NG AWITING BAYAN * Kundiman - awit ng pag-ibig. * Kumintang - awit ng pakikidigma. * Dalit o Imno - awit sa mga diyos- dyosan ng mga bisaya. *Oyayi o Hele - awit sa pagpaptulog ng bata. * Diona - awit sa kasal. * Suliranin - awit ng mga manggagawa. * Talindaw - awit ng pamamangka. * Dungaw - awit sa patay 14. Ang Kundiman ay awit sa pag-ibig. Noong unang panahon nanliligaw ang mga binata sa pamamagitan ng harana. umaawit sila ng punung-puno ng pag-ibig at pangarap. Hal. Manang Biday ng ilokano No nababa, dimo gaw-aten No nangato, dika sukdalen No naregreg, dika piduten Ngem labaslabasamto met laeng Daytoy paniok no maregregko Ti makapidut isublinanto Ta nagmarka iti naganko Nabordaan pay ti sinanpuso Alaem dayta kutsilio Ta abriem 'toy barukongko Tapno maipapasmo ti guram Kaniak ken sentimiento Manang Biday, ilukatmo man 'Ta bintana ikalumbabam Ta kitaem 'toy kinayawan Ay, matayakon no dinak kaasian Siasinnoka nga aglabaslabas Ditoy hardinko pagay-ayamak Ammom ngarud a balasangak Sabong ni lirio, di pay nagukrad Denggem, ading, ta bilinenka Ta inkanto 'diay sadi daya Agalakanto't bunga't mangga Ken lansones pay, adu a kita 15. a Ang Kumintang - awit sa pakikidigma Hal. Awit ng kabataan ng rivermaya 16. Natatawa sa atin kaibigan At nangangaral ang buong mundo Wala na raw tayuong mga kabataan Sa ating mga ulo Kung gusto niyo kaming sigiwan Bakit hindi niyo subukan? Lalo lang kayong hindi maiintindihan CHORUS: Ang awit ng kabataan Ang awit ng panahon Hanggang sa kinabukasan Awitin natin ngayon Hindi niyo kami mabibilang At hindi rin maikakahon Marami kami ngunit iisa lamang Ang aming pasyon CHORUS: Ang awit ng kabataan Ang awit ng panahon Hanggang sa kinabukasan Awitin natin ngayon At sa pag-tulog ng gabi Maririnig and dasal Ng kabataang uhaw Sa tunay na pagmamahal Nawawala,nagtatago Naghahanap ng kaibigan Nagtataka, nagtatanong Kung kailan kami mapakikinggan Kung gusto mo akong subukan Bakit hindi mo subukan Subukan mo akong pigilan Subukan ninyo kami 17. CHORUS: Ang awit ng kabataan Ang awit ng panahon Hanggang sa kinabukasan Awitin natin ngayon Kabataan... Panahon... Kabataan... Ngayon na ang ating panahon 18. Ang Dalit o Imno - ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba. Hal. DALIT (HIMNO) of Mabini town (Batangas, Philippiness) to its Patron, St. Francis of Paola. PATRON NAMIN, SAN FRANCISCO, KAMIY TURUAM MO PAGKILALA, PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA DIYOS. 19. 1. Mahal na Patrron, sinilang ka muting bayan ng Paola. Mga dukhang magulang mo gumabay sa iyo. 2. Isang kuwebang tiniman mo Banal na ermitanyo nag-franciscano ka at binuo sangay ng Minimo. 3. Kaya lalo kang dinayo lapit sama mga katoto sa pagsaksi mo kay Kristo sa simpleng buhay mo. 20. Ang Uyayi - ito'y awiting bayan para sa pagpapatulog ng bata, ito rin ay naglalaman ng bilin. Hal. Matulog ka na, bunso, Ang ina mo ay malayo At hindi ka masundo, May putik, may balaho. Hal. Dandansoy ng mga taga Bisaya (orihinal na nasulat sa Ilonggo) Dandansoy, bayaan ta ikaw Pauli ako sa payag Ugaling kung ikaw hidlawon Ang payag imo lang lantawon. Dandansoy, kung imo apason Bisan tubig di magbalon Ugaling kung ikaw uhawon Sa dalan magbubon-bubon. Kumbento, diin ang cura? Munisipyo, diin justicia? 21. Ang Diona - Awit sa pag ibig Ang payong koy si inay Kapote ko si itay Sa maulan kong buhay -Raymond Pambit Aanhin ang yamang Saudi, O yen ng Japayuki Kung wala ka sa tabi -Fernando Gonzales Kung ang aso hinahanap Pag nagtampot naglayas Ikaw pa kaya anak. - Ferdinand Bajado Lolo, huwag malulungkot Ngayong uugod-ugod Ako poy inyong tungkod - Gregorio Rodillo 22. Ang Suliranin - awit ng mangagawa. Hal. Mayo Uno http://www.youtube.com/watch?v=brG0bW0RIS4 Talindaw - awit ng pamamangka. Hal. Sagwan, tayo'y sumagwan Ang buong kaya'y ibigay. Malakas ang hangin Baka tayo'y tangayin, Pagsagwa'y pagbutihin. Dungaw - awit sa patay. Ang Dungaw o Dung-aw ay isang makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano. Isa itong tulang inaawit. Ito ay inaawit bilang panaghoy sa isang taong namatayan. Hal.http://www.youtube.com/watch?v=lTSdyJo-7UU 23. Ang mga salawikain[1][2], kawikaan[1], kasabihan[1], wikain[1], o sawikain[1] ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw- araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.[3] Mga nilalaman [itago] 1 Ang Salawikain ng Pilipino 2 Paggamit 3 Piling mga halimbawa 4 Mga kawing panlabas 24. Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad. Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - Nobody who spits upward does not spit on his face. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - Of what use is the grass when the horse is already dead. Maraming salita, kulang sa gawa. A man that talks too much accomplishes little. Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. --Spend lavishly and you end up with nothing. Habang may buhay, may pag-asa. - - - While there is life, there is hope. Ang lalagyang walang laman ay maingay. - - - An empty container makes a lot of noise. Ang lakas ay daig ng paraan. - - - Strength is defeated by strategy. Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan. - - - Anything that is heavy can be light if we put our resources together. Lahat ng gubat ay may ahas. - - - In every forest , there is a snake. Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin. - - -Before you point out others people's shortcomings, correct your own first. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. - - - Whatever you do, think it seven times. 25. Mga piling halimbawa 26. Sawikain Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa: idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. salawikain, mga kasabihan o kawikaan. 27. Bugtong Angbugtong,pahulaan,opatuturanayisangpangungusapotanong namaydobleonakatagongkahulugannanilulutasbilangisang palaisipan(tinatawagdingpalaisipanangbugtong).[1]Maydalawang uriangbugtong:mgatalinghaga(oenigma,bagamantinatawagding enigmaangbugtong),mgasuliraningipinapahayagsaisangmetapora oma-alegoryangwikananangangailanganngkatalinuhanatmaingat napagninilay-nilayparasakalutasan,atmgapalaisipan(o konumdrum),mgatanongnaumaaasasadulotngpatudyonggamitsa tanongosasagot. SapanitikangPilipino,nilalarawannitoangpag-uugali,kaisipan,pang- araw-arawnabuhayatkatutubongpaligidngmgaPilipino.Bilang isangmaiklingtula,madalasitongnagigingisangpalaisipansatuwing naglalaroangmgabata 28. Halimbawa ng mga bugtong 29. Mga Halimbawa ng Bugtong[baguhin] Buto't balat lumilipad Sagot: Saranggola Dalawang bangyasan, naghahagaran. Sagot: Binti Tubo sa punso, walang buko. Sagot: Buhok Limang puno nang niyog; isa'y matayog. Sagot: Daliri Dalawang balahibuhin masarap pagdaitin. Sagot: Mata at kilay Isang bayabas pito ang butas. Sagot: Mukha 30. MARAMING SALAMAT PO!!! Inihanda ni: Gerold Gabo Sarmiento