23
Proyekto sa A.P Ipinasa ni: Clarissa B. Sulit I-Marvelous Ipinasa kay: Ms. Marife Jagto

Pangunahing problema sa aking barangay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Problema sa Barangay! =))

Citation preview

Page 1: Pangunahing problema sa aking barangay

Proyekto sa A.P

Ipinasa ni: Clarissa B. Sulit I-MarvelousIpinasa kay: Ms. Marife Jagto

Page 2: Pangunahing problema sa aking barangay

Pangunahing Problema Sa Aking Barangay.

1. Basura2. Baradong Drainage3. Double park vehicle

4. Askal5. Mga lasing sa kalsada

Page 3: Pangunahing problema sa aking barangay

Basura-ang problema dito ay hindi nakakapasok ang mga truck ng basura dahil sa double park.

• Gumamit ng mas maliit na truck para hindi mahirapan sa pagpasok.

Askal-nagkalat ang mga aso sa kalye. Pabanganib sa mga bata na makagat at nagkalat ang mga dumi nito. Nagiisa lang ang ginagamit na sasakyan sa buong siyudad.

• May sasakyan ang City Government na umiikot sa bawat barangay upang manghuli ng mga asong ligaw upang dalhin sa impounding area sa San Juan.

Page 4: Pangunahing problema sa aking barangay

Baradong Drainage-ang mga drainage ay barado na nagsasanhi ng pagbaha sa ibang kalye. Kadalasan na nakabara ay basura o

plastic.

• Maglinis at iwasan magtapon ng basura kung saan-saan.Double Parking Vehicle-kadalasan sa mga sasakyan ay

naka-double parking na nagiging sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko at nagiging hadlang sa mga truck ng bumbero kapag may sunog.

• Nagkaroon ng Barangay Ordinance na nagbabawal sa pag papark ng doble. At nagbigay din ng color coding sticker sa pampaseherong sasakyan upang maiwasan na magkasabay-sabay ang paglabas sa kalye ng mga ito.

Page 5: Pangunahing problema sa aking barangay

Mga lasing sa kalsada-nagkalat ang mga nag-iinoman sa kalsada na kadalasang nagiging sanhi

ng basag-ulo

• Nagkaroon ng Barangay Ordinance na nagbabawal sa pag-inom sa kalsada. Merong barangay patrol na umiikot sa bawat kalye upang masiguro na walang mag-iinom. Ang mga nahuhuling sumasayaw sa Barangay Ordinansa ay kaagad na dinadala sa istasyon ng pulis sa siyudad.

Page 6: Pangunahing problema sa aking barangay

Sariling Opinyon/Obserbasyon

Page 7: Pangunahing problema sa aking barangay

Basura-naobserbahan ko na ang mga tao ay hindi disiplinado dahil nagtatapon sila ng mga basura,maliliit

na basura at balat ng mga kendi atbp.

Askal-naobserbahan ko na maraming asong nasa kalye at kung saan-saan ito nagdudumi na isa ring uri ng basura. Nakakatakot rin po dahil baka maka-kagat ang mga ito ng mga bata.

Mga lasing sa kalsada-naobserbahan ko na tuwing gabi ay laging may nag-iinuman sa mga kalsada. Meron ring nag-aaway dahil sa hindi pagkakaintindihan dahil naka-

inom.

Page 8: Pangunahing problema sa aking barangay

Baradong Drainage-naobserbahan ko na ang mga drainage ay punong-puno ng mga basura na

nagsasanhi ng pagbaha.

Double Parking Vehicle-naobserbahan ko na ang mga sasakyanay kung saan-saan lng nagpapark. Sila rin ay walang disiplina kasi nagdo-double parking sila o dalawang linya ang kanilang pina-parkan na nagsasanhi ng trapik dahil sa liit ng kalsada.

Page 9: Pangunahing problema sa aking barangay

Rekomendasyon

Page 10: Pangunahing problema sa aking barangay

Basura

• Dapat maging disiplinado ang mga tao na magtapon ng basura sa tamang tapunan o sa basurahan.

• Magtalaga ng mga maglilinis ng isang lugar upang mapanatiling malinis ito.

Page 11: Pangunahing problema sa aking barangay

Askal

• Dapat hinuhuli na kaagad ang mga asong kalye para hindi na ito maka-kagat ng ga tao.

• Dapat dagdagan ang mga truck na panghuli sa mga aso.

• Dapat pag-igihan pa ng mga Barangay Officials ang mga panghuhuli sa mga ito.

Page 12: Pangunahing problema sa aking barangay

Baradong Drainage

• Iwasang magtapon ng mga basura kung saan-saan.

• Maging mas alerto ang mga Barangay Officials.• Dapat maglagay ng multa sa bawat mahuli ng

Official na nagtatapon sa hindi tamang tapunan.

Page 13: Pangunahing problema sa aking barangay

Double-Parking Vehicle

• Dapat may mga Barangay Official na umiikot sa mga barangay na tumitingin kung may lumalabag sa pag-do-double park.

• Dapat mag “tow” sila ng mga sasakyang hindi sumusunod.

• Dapat sabihan ang mga mamamayan na mag-park lang kung ano ang tapat ng kanilang bahay.

Page 14: Pangunahing problema sa aking barangay

Lasing sa Kalsada

• Dapat pinaparusahan ang mga mahuhuling mga taong umiinom sa kalye.

• Dapat maging mas alerto ang mga tanod sa panghuhuli ng mga umiinom sa kalsada.

Page 15: Pangunahing problema sa aking barangay

Konklusyon

Page 16: Pangunahing problema sa aking barangay

Ang mga barangay ay may sari-saring mga problema na sinusulusyonan.

Ang ating barangay ay parang ating tahanan,dapat tayong makipagtulungan sa mga namumuno dito. Isa sa mga maitutulong natin dito ay ang simpleng pagsunod sa lahat ng mga alintuntunin o ordinansa na pinatututpad nito. Hindi makakaya ng sinumang namumuno kung hindi makikipagtulungan ang bawat residente maging ito’y maliit o malaking barangay. Tungkulin natin bilang isang mabuting mamamayan ang pagsunod sa bawat patakaran ng ating Barangay.

Page 17: Pangunahing problema sa aking barangay

Script

Page 18: Pangunahing problema sa aking barangay

Clarissa: Magandang hapon po Kapitan.Kapitan: Magandang hapon din naman. Ano bng maipaglilingkod ko sainyo.

Clarissa: Ako nga po pala si Clarissa studyante ng JCA. Meron po kasi kaming project tungkol sa iba’t ibang problema ng barangay.Kapitan: Hali kayo pumasok at umupo.

Clarissa: Salamat po. Meron po akong katanungan kung maari lang po ninyong sagutin. Una,ano po ba ang mga pangunahing problema o suliranin sa ating barangay? At ikalawa,Ano po ang naiisip nating sulosyon natin dito.Kapitan: Marami tayong suliranin sa ating barangay kaya tayo ay bumuo ng iba’t ibang committee. Una ang Public Works and transportation. Pangalawa,Health. Pangatlo,Sports. At ang panghuli ,Peace and Order. Sa Road and Transportation,ang pangunahing suliranin natin ay ang maruruming drainage na nagiging sanhi minsan ng pagbaha. Ikalawa,ay ang mga lubak o sira na kalsada. Ikatlo,ay ang trapiko.Pangapat ay ang mga sasakyan na naka-double park. Sa Health Committee isa sa mga problema natin ay ang mga nagkalat na aso. Sa Peace and Order naman isa sa mga tinututukan nating problema ay ang

nagiinuman sa kalsada na kadalasang nagiging sanhi ng basag-ulo at ang curfew ng mga kabataan. Sa Sports naman ay wala tayong nakikitang problemang dahil ito ay seasonal lamang.

Page 19: Pangunahing problema sa aking barangay

Clarissa: Paano naman po ninyo sinusulusyonan ang mga problema ito?Kapitan: Sa mga drainage system,kami ay bumuo ng grupo na tutulong sa

paglilinis ng ga baradong drainage at nagsasagawa rin kami ng information desimination para sa pagbabawal magkalat.Sa mga lubak o sira na

kalsada,kami ay humihingi ng budget appropriation sa ating pamahalaang bayan. Sa trapiko naman,nagbigay ng color coding sticker sa mga

pampasaherong sasakyan para mabawasan ang volume ng jeep. Sa mga double-parking naman,nagbigay ng Barangay Ordinance na nagbabawal sa pagpa-park ng doble. Sa mga aso sa kalye,may mga truck na nanghuhuli sa

mga asong nsa kalye. Ang mga nagiinuman naman sa kalsada , may mga patrol na umiikot at sumisiguro na walang mga umiinom sa mga kalsada at kung sino man ang makita na umiinom sa kalsada ay hinuhuli at dinadala sa

Police Station.Clarissa: Maraming Salamat po Kapitan sa inyong oras.

Kapitan: Maraming Salamat rin

Page 20: Pangunahing problema sa aking barangay

Mga Larawan

Page 21: Pangunahing problema sa aking barangay
Page 22: Pangunahing problema sa aking barangay

Asong nasa kalye.

Baradong Drainage.

Mga Basura.

Page 23: Pangunahing problema sa aking barangay

Double-Parking Vehicle.

Nag-iinuman sa kalsada.