Click here to load reader

Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

  • View
    189

  • Download
    2

Embed Size (px)

Text of Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

ARAW NG MGA BULDOSER AT DAPITHAPON NG ISANG BANGKANG PAPEL SA BUHAY NI ATO Jun Cruz Reyes

ARAW NG MGA BULDOSER AT DAPITHAPON NG ISANG BANGKANG PAPEL SA BUHAY NI ATOJun Cruz Reyes

Talambuhay ng AwtorSi Jun Cruz Reyes (Pedro Reyes Jr.) ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-27 ng Hulyo 1974. Isa siyang manunulat ng piksyon, makata at pintor. Anak siya nila Pedro Reyes at Teofila Cruz. Nakuha niya ang kanyang Bachelor of Arts sa Political Science sa University of the East at Bachelor of Science sa Foreign Studies Lyceum of the Philippines. Nakapagturo siya sa Philippine Science High School, Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle University at sa Polytechnic University of the Philippines. Nalimbag ni Reyes ang: Utos ng Hari at iba pang kwento, 1981; Tutubi-tutubi Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe, 1987 isang nobela; Negros, 1988, isang aklat ng mga kwento, tula at sanaysay; mga Daluyong , at mga Unos sa Panahon ni Rolando Olalia, 1989. Gumawa rin siya ng Dokumentaryo, 1983, at nagsagawang mga eksibit ng kanyang mga pininta noong 1982 at 1989. Dalawa sa kanyang aklat, ang Utos ng Hari at Tutubi, ang nanalo sa National Book Awards for fiction mula sa Manila Critics Circle noong 1981 at 1987.

Tumanggap rin siya ng maraming parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Cultural Center of the Philippines at ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang mga kwentong nanalo ng Palanca ay ang mga sumusunod: Isang lumang kwento, ikatlong parangal, 1973; Mula kay Matandang Iskong Basahan, Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng Isang Bangkang Papel sa Buhay ni Ato, ikalawang parangal, 1977, Utos ng Hari, ikatlong parangal, 1978; Mga kwentong kapos, ikatlong parangal , 1979; Syeyring ikalawang parangal , 1986. ang iba pa niyang nakatanggap ng Palanca ay: grand prize para sa kanyang nobelang Tutubi, 1982; ikatlong parangal para sa kanyang koleksyon ng tula; Syeyring at iba pang Tula, 1986; pangalawang parangal naman sa sanysay na Ilang Talang Luma Buhat sa Talaarawan ng Isang may Nunal sa Talampakan, 1980; ikatlong parangal sa isang tala II, 1986. ang kanyang dokumentaryong, Dumagat-Ibong Lagalag, ay nanalo sa Catholic Mass Media Awards. Dalawa sa kanyang mga tula ang nanalo ng parangal sa Talaang ginto ng surian: Ang Isang Tula Para sayo, 1976, at Paano Ba Humabi ng mga Pangarap? 1987. (Galang,1994)

Pinagkunan ng Maikling Kuwento

Piling Maikling Kwento ng Huling (50 Taon) ni Genoveva Edroza Matute

Kaligirang Pangkasaysayan at Kaugnayan sa Kuwento

Nasulat ang maikling kuwentong ito noong 1981. noong 1981 rin naitala ang isa malalakas na bagyo na nagsalanta sa pamamagitan ng pinakamalalakas na hangin nito 260kph max. Ito ang bagyong Anding na tumama noong Nobyembre ng 1981.May kaugnayan sa kuwento sapagkat ang kuwento ay sinulat tungkol sa mga taong nasalanta ng bagyo, nailahad ang kanilang paghihirap at pagtitiis makaraos lamang sa buhay.

MISISAng nagbibigay ng mga pagkain sa mga nasalanta ng bagyong Didang. Laging naiinis sa mga taong nagsisiksikan at hindi binibigyan ang mga mamamayang wala sa listahan niya.LAPAD Sapagkat mula sa simula pa lamang ng kuwento ay hindi niya iniisip ang mga taong hindi nabibigyan ng pagkain ang sa kanya lang ay magawa ang tungkuling ibigay ito sa mga taong nasa listahan.NANA TESANGIsa sa mga taong hindi nabigyan ng pagkain dahil wala sa listahan. Ina siya nina Ato, Neneng, Bodyok, Bengbeng at Popoy.LAPADSa simula pa lang ng kuwento ay iniisip na niya ang kapakanan ng mga anak na hindi pa kumakain hanggang sa wakas ay inaalala niya ang kanyang mga anak.

Tauhan

Ato (Jaime Santos)Ang pangunahing tauhan sa kuwento. Anak siya ni Nana Tesang. Patay na ang kanyang ama kung kaya siya ang sumalo sa mga responsibilidad ng yumaong ama.BilogSa simula ay tinitingala niya ang mga taong nasa kabayanan. Naniniwala siya na nasa looban lamang nagaganap ang karahasan, ang pananakot, ang paimbabaw na bait at ang pagsasalita ng masasakit sa kapwa tao. Pero nagbago ang kanyang pananaw nakikita rin pala ito sa labas din ng looban. Kay-rami pala ng mga taong ganito.NenengAnak din ni Nana Tesang at kapatid ni Ato. Tumutulong kay Ato para mapakain ang mas nakababata pa nilang kapatid.LapadSimula pa lang ng kuwento ay handa na siyang tumulong kay Ato hanggang sa wakas ay patuloy niyang tinutulungan ang kapatid.

Ka TebanAng kasama nila Ato sa looban na mayroong hanapbuhay na palayan. Ang nakakaangat sa looban.LapadSapagkat simula pa lang sa kuwento ay nagpapakita ng pagiging makasarili kahit nga nagbigay sila kina Ato pero kulang at di sapat ang mga ito sa mga pinagawa niya kina Ato. Hanggang wakas ganito ang kanyang pag-uugali.ManuelAmain/Tatang ni Ato. Kapatid ni Nana Tesang. Ang kasama niya sa paghahakot sa bahay nina Ka Teban.LapadDahil mula sa simula ng kuwento ay tumutulong na siya kina Ato hanggang sa kahit gipit na rin sila ay nagbibigay pa rin siya.

ASAWA NI KA TEBANAng laging nagpapaala kina Ato na pag-ingatan ang mga gamit na kanilang ililipat sa itaas ng kanilang magarang bahay.LAPADSimula pa lang ng kuwento hanggang sa wakas nagpapakita siya ng pag-alala sa mga bagay kaysa kanyang kapwa.UNYOPinsan ni Ato na tumulong sa kanya para makapunta sa kabayanan. Ito rin ang namumuno para sumakay ng totoong bangka.LAPADAng kanyang katangian na tumutulong sa kanyang pinsang si Ato ay nanatili hanggang sa wakas.

Mrs. LimAng may-ari ng grocery na ninakawan ni Ato.LapadHindi siya nagbago na pinaratangang si Ato na matagal na nag-aaligid sa kanilang grocery kahit hindi naman totoo.Capt. GonzalesAng nagsiyasat kay Ato at hinayaang mabugbog ang kaawa-awang bata.LapadHindi nagbago ang kanyang isip mula sa simula hanggang sa wakas na masamang tao talaga si Ato.

Tatay ni AtoNamatay dahil sa ulcer. Mapagmahal na ama at di nawawalan ng pag-asa sa buhay.LapadSimula pa lang ay lagi na siyang nag-iisip ng mabuting hinaharap hanggang sa wakas ay nasa katangian niya pa rin ang mabuting ama.Mang David Amo ng Tatay ni Ato sa baradero.LapadHindi siya nagbago sapagkat kailanman ay hindi niya binigyan ng halaga ang mga nagtatrabaho sa kanya.

BodyokAng kapatid ni Ato na tumulong din sa paghahanapbuhay ngunit tumigil dahil sa pananakit sa kanya ng among si Chua.BilogSa simula ay hinahayaan niya na inaapi siya ng among Intsik ngunit ng sinasaktan na siya ay itinigil na niya iyon at nanlaban na sa kanyang amo.ChuaAng pinagtatrabahuan ni Bodyok na isang Intsik na laging nagagalit kay Bodyok at pinagmumura niya ito.LapadSiya ay hindi nagbago sa pakikitungo kay Bodyok ito nanatiling masama.Bengbeng at Popoy Iba pang kapatid ni Ato.LapadHindi sila nagbago bilang mga inosenteng kapatid ni Ato.

EntabladoBaryoKasagsagan ng Bagyo o Pagsusungit ng PanahonKalsadang naging Ilog Baryong tabing-ilog o Dulong Baryo o LoobanMagarang Bahay nina Ka TebanKamaligMalabonKabayananPalengkeBodegaAraw ng mga BuldoserSelda

Tagpuan

Uri ng BanghayLinear na BanghayNagkaroon ng pag-uusad ang kuwento mula sa paghingi ni Nana Tesang ng pagkain, tumulong sa paghahakot ng palay si Ato, pag-alala ni Ato sa pagkamatay ng kanyang ama hanggang sinira ang kanilang bahay gamit ang buldoser na ikinalungkot niya at lalong ikinahirap nila. At pagpunta ng kuwento na kung saan napilitang magnakaw si Ato at nagwakas sa pagkakakulong niya.

Bahagi ng Banghay

SimulaNagsimula ang kuwento sa paglalarawan sa katangian ng Misis ng tagapagsalaysay na kung saan siya ang nagbibigay ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyong Didang. Hiningan siya ng pagkain ni Nana Tesang na kanyang tinanggihan dahil wala siya sa listahan. Umuwi sa Nan Tesang na malungkot kasabay niya sa pag-uwi ang anak na si Ato na nagsasagwan ng bangka.

Saglit na KasiglahanGinising si Ato ng kanyang ina para maghakot ng palay kina Ka Teban. Ang kanyang ginawa ay ang pagsalin ng palay sa sako. Tanghali na ng sila ay makatapos. Napagkuwentuhan nila Ka Teban na yon ay kakaibang bagyo.Tunggalian: Tao laban sa KalikasanAng pagsasalanta ng bagyo na nagpalugi sa kabuhayan ng mga taga-looban tulad na lamang ni Ka Teban. At paghihirap na rin ng mamamayan na makakain tulad na lamang nila Ato na madali lamang naubusan ng pagkain.

Tao laban sa kapwaAng pagbigay ni Ka Teban ng pagkaing na hindi katumbas ng hirap na ginawa ng mga nagtrabaho sa kanya.Ang pagkahuli kay Ato na nagnakaw. Bilang parusa siya ay binugbog, hinusgahan at inalipusta na hindi man lamang inalam ang kadahilanan ng kanyang pagnanakaw. Hindi nila inintindi ang kalagayan ni Ato.Tao laban sa lipunanAng pagpapasira ng mga bahay sa looban sapagkat sila ang sinisisi sa pag-umpisa ng baha, pugad ng masasama at para malinis na ang ka-Maynilaan na siyang dinahilan ng makapangyarihang tao.

KasukdulanNaalala ni Ato ang kanyang ama na nagpapalakas ng loob nila na kung saan naniniwala siyang aasenso sila at konting pagpupunyagi na lang ang kailangan. Siya ay hindi nawawalan ng pag-asa. Nakikita sa kanyang ama ang pagpupursigi para mataguyod sila sa pamamagitan ng pagtatrabaho kay Mang David hanggang sa mamatay ito dahil sa ulcer. Ito ang gabing tumapos sa kanilang ambisyon. Dahil sa pagkamatay ng kanyang siya na ang humalili sa mga responsibilidad. Nagtrabaho na siya sa kanyang murang edad katulong ang kanyang kapatid na si Neneng pati ang ina niya.

KakalasanDumating ang araw ng mga buldoser. Sinira ang mga kabahayan ng mga mamamayan sa looban. Hindi nila alam kung saan sila patutungo at nasabi na lang nila na bahala na ang Diyos. Kasabay ng pagkasira ng kanilang bahay ay ang pagsira na rin nila sa pagkatao ni Ato.

WakasNamulat siya sa katotohanan na hindi lamang taga-looban ang masasama kundi pati na rin ang taga-kabayanan. Maraming mga taong hindi umiintindi sa kalagayan ng kanilang kapwa. Kinabukasan, binigyan siya ng agahan na nagpalipas ng kanyang gutom. Buhat sa rehas na kinaroroonan ay makikita niya ang kanyang kapwa bata sa plasa na naglalaro ng bangkang papel at nas