42

Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo

Embed Size (px)

Citation preview

Pagpapahayag ng Ideya sa

Matalinghagang Istilo

Sa usaping pampanitikan napakahalaga ang mga pagpapahayag ng ideya sa matalinghagang istilo sapagkat mas binibigyan nito ng kahusayan ang isang akda kaya’t ito ay masasabing isang sining. Gumagamit ang mga manunulat ng Idyoma, Tayutay at Alusyon.

IDYOMA

Ang mga idyoma ay mga di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag ng gusting sabihin na may kahulugang patalinghaga.

Ang kahulugan ng idyoma ay malayo sa literal o denotibong kahulugan ng salita.

Ang mga idyoma ay tinatawag ding idyomatikong pahayag o sawikain sa ating wika.

Halimbawa ng Idyoma sa ating wika:

a) Mababaw ang luha ng guro namin. (madaling umiwak)

b) Hindi sya sanay na maglubid ng buhangin. (magsinungaling)

c) Matuto kang magbatak ng buhangin. (magtrabaho)

Iba pang halimbawa ng Idyoma:1. butas ang bulsa - walang pera2. ilaw ng tahanan – ina3. alog na ng baba - tanda na4. alimuom – mabaho5. bahag ang buntot - duwag6. ikurus sa noo – tandaan7. bukas ang palad – matulungin8. kapilas ng buhay – asawa9. nagbibilang ng poste - walang

trabaho10..basag ang pula - luko-luko

11. ibaon sa hukay - kalimutan12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan13. buwayang lubog - taksil sa kapwa14. pagpaging alimasag - walang laman15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli16. pantay na ang mga paa - patay na17. mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip18. maitim ang budhi - tuso19. balat-sibuyas - mabilis masaktan20. pusong bakal - di marunong magpatawad

TAYUTAY

Ang pag-aaral ng mga talinghaga o mga nakataling hiwaga.(BISA:Retorika:Para sa Mabisa at Masining na Pagsulat,1999)

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

1. Kasangkapang Panretorika sa Paglikha ng Tunog o Musika

1. ALITERASYONPag-uulit ng mga tunog –katinig sa inisyal na bahagi ng salita. (pag-ibig, pananampalataya atpag-asa)(lungkot at ligaya)(masama at mabuti)Halimbawa:*Mababakas sa mukhang isang mabuting mamamayanang marubdobniyang pagtatangi mahalniyang bayan.*

2. ASONANSPag –uulit ng mga tunog –patinigsa alinmang bahagi ng salita.(hirap atpighati) (salamat at paalam)(buhay na pagulung -gulong)Halimbawa:*Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason*

3. KONSONANSKatulad ng aliterasyon, pag –uulit ng mga katinigsa pinal na bahagi(kahapon at ngayon) (tunay na buhay)(ulan sa bubungan)Halimbawa:*Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamotsa isang pusong wasak.*

4. ONOMATOPIYASa pamamagitan ng tunogo himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahuluganHalimbawa:

*langitngit ng kawayan*lagaslas ng tubig

*dagundong ng kulog*haginit ng hangin

2. IBA PANG URI NG TAYUTAY BATAY SA PAG –UULIT

1. ANAPORAPag –uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.Halimbawa:Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating inang bayan. Kabataan ang sanhi ng pagsisikap g bawat magulang. Ngunit kabataandin ba ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa?

2. EPIPORAPag –uulit sa huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.Halimbawa:Ang Konstitusyon o Saligang Batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayanat mula sa mamamayan.

3. ANADIPLOSISPag -uulit sa unaat huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.Halimbawa:(mula sa tula ni Juseng Sisiwo Jose Dela Cruz)“Mata’yko man yatang pigili’t pigilinpigilinang sintang sa puso’y tumiim;tumiimna sinta’y kung aking pawiin,pawiinko’y tantong kamatayan ko rin.”

3. IBA PANG URI NG TAYUTAY

1. PAGTUTULAD o SIMILIHindi tuwirang paghahambingng magkaibang bagay, tao o pangyayaripagkat gumagamit ng mga pariralangtulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng.Halimbawa:Tumakbo sing tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na kaaway.

2.PAGWAWANGIS o METAPORATuwirang paghahambing sapagkat hindi gumagamit ng mga parirala.Halimbawa:Isang bukas na aklatsa akin ang iyong buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.

3.PAGBIBIGAY-KATAUHANo PERSONIPIKASYON Inaaring tao rin ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitanb ng pagkakapit sa mga ito ng mga kilos ogawi ng tao.Halimbawa:Mabilis na tumakbo ang oraspatungo sa kanyang malagim na wakas.

4.PAGMAMALABISo HAYPERBOLILagpas ito sa katotohanano eksaheradoang mga pahayag kung pakasusuriin.Halimbawa:Sa dami ng inimbitang kababayan, bumaha ng pagkain at nalunod sa mga inuminang mga dumalo sa kasalang iyon.

5.PAGPAPALIT-TAWAG o METONIMIAng panlaping metoay nangangahulugan ng pagpapalito paghahalili(Sebastian)Nagpapalit ito ng katawaganongalansa bagay na tinutukoy.Halimbawa:Malakastalaga siyang uminom, sampung boteay agad niyang naubos nang ganoon na lamang.

6.PAGPAPALIT-SAKLAWo SINEKDOKI Binabanggit dito ang bahagibilang pagtukoy sa kabuuan.Halimbawa:Kagabi ay dumalaw siya, kasama ang kanyang mga magulang upang hingin ang kamay ng dalagang kanyang napupusuan.

7.PAGLUMANAYo EUPEMISMOPaggamit ng mga salitang magpapabawas sa tinding kahulugan ng orihinal na salita.Halimbawa:Magkakaroon na lamang siya ng babae (kabit) ay bakit sa isa pang mababa ang lipad (prostityut).

8.RETORIKAL NA TANONG Isang uri ng pagapaphayag na hindi naman talaga kailangan ng sagotkundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.Halimbawa:Magagawa kaya ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may sakit at nagmamakaawa?

9.PAGSUSUKDOL o KLAYMAKS Paghahanay ito ng mga pangyayaring may papataas na tinig, sitwasyono antas.Halimbawa:Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, muling sumilay ang liwanag ng araw na nagbabadya ng panibagong pag –asa!

10. ANTIKLAYMAKS Ang kabaligtaranngpagsusukdol o klaymaks.Halimbawa:Noon, ang bulwagang iyon ay punung –puno ng mga nagkakagulong tagahanga, hanggang sa unti –unting nababawasan ang mga nanonood, padalang nang padalang ang mga pumapalakpak at ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa kanyang pandinig.

11. PAGTATAMBISo OKSIMORONPaggamit ng mga salita o pahayag na magkasalungat.Halimbawa:Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatwa: may lungkot at may saya, may hirapat may ginhawa, may dusa atmay pag –asa!

12.PAG –UYAM o IRONIYA May layuning mangutyangunit itinatago sa paraang waring nagbibigay –puri.Halimbawa:Kahanga –hangarin naman ang taong iyan, matapos mong arugain, pakainin at damitan ay siya pa ang unang mag –iisip ng masama sa iyo.

13. PARALELISMOSa pamamagitan ng halos iisang istruktura, inilalatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.Halimbawa:Iyan ang disiplinang militari: sama –sang lulusob sa mga kaaway, sama –sama rin kaming mamamatay o magtatagumpay.

ALUSYON

Pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayarinainiingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may pinag-aralan. (Bisa at Sayas,1966)

Limang Uri ng

Alusyon

1. ALUSYON SA HEOGRAPIYA

Halimbawa: Ang Mt. Apo ang itinuturing na

pinakamataas na bundok sa ating bayan kung kaya ito ang Mt.

Everest ng Pilipinas.

2. ALUSYON SA BIBLIYA

Halimbawa: Nagsilbi siyang isang Moises ng

kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay ng mga mapang –

aliping nais na sakupin ang kanilang bayan.

3. ALUSYON SA MITOLOHIYA

Halimbawa:Unang Saknong ng tulang “Felicitacion” (Maligayg Bati) ni Dr. Jose Rizal: Kung si

Filomena ang dila’y may tamisang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip,sa may

kabukira’t bundok na masungit,ang may dalang awit.

4. ALUSYON SA LITERATURA Halimbawa:

Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag –asang

kanyang maililigtas ang kanyang bayan sa isang ideyal na paraan.

5. ALUSYON SA KULTURANG POPULAR

Halimbawa:Kinikilala si Mang Noe bilang Elvis

Prestley ng lungsod ng Davao at ang anak niyang si Liwaybilang Whitney

Houston ng buong Mindanao.