31
Pag-unlad ng Panitikan (Pahapyaw na pagtatalakay)

Pag unlad ng panitikan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pag unlad ng panitikan

Pag-unlad ng Panitikan

(Pahapyaw na pagtatalakay)

Page 2: Pag unlad ng panitikan

Mga Pamantayang Pangnilalaman

• Nabibigyang-halaga ang kasaysayan ng pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas.

• Nabibigyang linaw ang iba’t ibang katangian ng panitikan sa bawat panahong hinati-hati angkasaysayan ng pag-unlad nito.

• Naiisa-isa ang pagkakaiba-iba sa paksa sabawat panahon sa kasaysayan ng pag-unlad ng panitikang Pilipino.

• Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga pinag-daanang karanasan ng mga manunulat sa iba’tibang panahon.

Page 3: Pag unlad ng panitikan

Panahong Pre-Kolonyal

• Ang ating mga ninuno ay may sarili nang

panitikan bago pa dumating ang mga

Kastila dito sa Pilipinas. Ngatataglay ang

panitikang ito ng kasaysayan ng ating

lah, mga kwentong bayan, alamat, epiko,

kantahing bayan, salawikain, kasabihan,

bugtong, palaisipan at iba pa.

Page 4: Pag unlad ng panitikan

Nag-aangkin din ang ating mag ninuno

ng sariling baybayin o alpabeto na kaiba

sa kasalukuyang alpabeto Romanong

dala rito ng mga kasitila.

Page 5: Pag unlad ng panitikan

Ang katutubong Abakada na tinawagna Alibata

Page 6: Pag unlad ng panitikan

Sinaunang Panitikang Pilipino

Katulad ng maraming mga banyagang

kabihasnan, mayroon nang panitikan sa

Pilipinas noong unang mga kapanahunan.

Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa

sari-saring mga lipon at pangkat ng mga

taong dumating sa mga kapuluan nito. May

pagkaka-agwat-agwat na dumating sa

sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga

Indones, at mga Malay.

Page 7: Pag unlad ng panitikan

• Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibayna mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhannagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat napanitikang katha ng sinaunang mga tao saPilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibangnaisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mgahalaman.

Page 8: Pag unlad ng panitikan

Panahong Kolonyal

• 1521- dumating ang mag kastila sa Pilipinas. Anglayunin nila’y hindi lamang pananakop bagkusmapalaganap ang kristiyanismo sa mga unangPilipino.

• Ginamit ng mga kastila sa panulat ang alpabetongRomano bilang kapalit ng abakadang Alibata o baybayin.

• Limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas-kinilalang kauna-unahang limbagan sa Pilipinas.

Page 9: Pag unlad ng panitikan

Katangian ng Panitikan

Tatlong anyo ng panitikan ang lumaganap noongpanahon ng Kastila. Ito’y ang mga sumusunod:

Patula- berso, awiting-bayan, dalit, dasal, pasyon, awit at korido

Tuluyan- nobena o talambuhay ng mga santo, mahahabang salaysay at kwento

Dula- (a)dulang panlansangan

(b)dulang pantanghalan o entablado

(c) dulang Pantahanan

Page 10: Pag unlad ng panitikan

Propaganda at Himagsikan

• Ang mga katutubong panitikan ng mga Pilipino ay nabihisan ng kulturang Kastila at paksaingpanrelihiyon

• Mahigpit na gumapos ito sa puso’t diwa ng mgaunang Pilipino hanggang tuluyang sakupin at umabuso sa kapangyarihan ang mga nandayuhan

• Sa ganitong kalagayan, ang mga Pilipinong may isip at mulat sa katotohanan ay hindi matanggapang kawalan ng karapatan at kalayaan ng kanyangmga lahi

Page 11: Pag unlad ng panitikan

• Ginamit ng mga Pilipino angpanukat bilang sandata upangmaipahatid sa kapwa Pilipino ang tunay na kalagayan ng bansa

• Ang mga ito’y isinulat sawikang Espanyol sa pagnanaisna mabaho nila ang kastila.

• Ang ilang halimbawa sa mgapahayagang pampropagandaay ang Diariong Tagalog natinatag ni Marcelo del Pilar at ang La Solidaridad

Page 12: Pag unlad ng panitikan

• Ang taltong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora ay pinabitay ng mgaKastila sa pamamgitan ng ‘garote’ sa salangpamumuno sa mga propagandista at paglabagsa batas ng mga kastila.

• Sumiklab ang pulitikal at literaturangpaghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyangtinuligsa ang mga Kastila

Page 13: Pag unlad ng panitikan

Katangian ng Panitikan

- Nanatili ang mga anyo ng Panitikan mula sapatula hanggang sa tuluyan sa panahon ng propaganda at himagsikan. Ang tanging nagbagosa panitikan sa panahong nabanggit ay anglayunin ng mga manunulat sa pagbubuo ng bawat akdang pampanitikan at mga paksainginamit nila.

Page 14: Pag unlad ng panitikan

Layunin ng mga Manunulat

Mamulat ang mga Pilipino sa :

• Katotohanan

• Kaabusuhang ginagawa ng mga dayuhan

• Maling paniniwala sa relihiyon at mganamumuno nito

Nanguna sa pagsulat ng Makabayang Panitikan

Jose Rizal

Marcelo H. Del Pilar

Graciano Lopez Jaena

Page 15: Pag unlad ng panitikan

Panahon ng Americano

• Agosto 13, 1898 – lubusang pinaubaya ng Espanya salahat ng kanyang karapatan sa Pilipinas sa bansangAmerika sa halagang $20,000,000

• Sa kabila ng paggamit ng lakas ng America upangmapasuko ang mga manghihimagsik ay pinagaralan din nila ang sanhi ng paghihimagsik ng mga katutubo labansa nakaraang pamahalaan

• Sinasabing ang pinakamahalagang ambag ng mgaAmerikano sa Pilipinas ay ang edukasyon

Page 16: Pag unlad ng panitikan

• Ang pagdating ng mga Thomasites angnagbibigay-daan sa pagkakaroon ng pampublikong edukasyon kung saan ipinasok angkurikulum ng pagtuturo sa Ingles

• Unti unting nanamlay ang wikang Kastila dahil sapagpasok ng wikang Ingles

• Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwangtumatalakay sa paksang romantisista

• Maramdamin ang mga manunulat na dulot ng nakaraang karanasan.

Page 17: Pag unlad ng panitikan

Katangian ng Panitikan1. Namayani ang diwang makabayan o

nasyonalismo2. Naging maramdamin ang mga manunulat dulot

ng nakaraan3. Pagpasok ng ROMANTISISMO ; namayani ang

damdaming pagibig

Tatlong Uri ng Manunulat• Ginagamit ang wikang Kastila• Ginagamit ang wikang Tagalog• Ginagamit ang wikang Ingles

Page 18: Pag unlad ng panitikan

Panahon ng Hapon

Mula nong 1935-1941 ay ang biglang pagdating ng mga Hapones.

Nagsara ang mga palimbagan maging Ingles at Tagalog. Subalit pagkalipas ng ilang buwan, pagkatapospumasok ng mga hapones, pinahintulutan ding buksang muli ang lingguhang magasing Liwayway. Sumunod na ring buksan ang Pahayagang Taliba.

Haikku- higit na maikli kaysa tanaga. Binubuo ito ng 17 pantig na ikinalat sa tatlong taludtod na 5-7-5. Angtanaga’y nabuhay na muli . Ito’y may apat na taludtodna ang bawat taludtod ay may pitong pantig.

Page 19: Pag unlad ng panitikan

Katangian ng Panitikan

Naging Paksain ang mga katutubong ugali sa bukid at pakikipagsapalaran sa lungsod bunga ng pagpapalaganap ng simulaing dinala rito ng Hapon na ang Asyano ay para sa Asya.

Nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong manunulat napumaimbulog sa larangan ng panitikan, sumulat ng kahit naanong paksa maliban sa pulitika at sasang-ayon sapanuntunan ng Censor- Ang Manila Shimbun-sha.

Naging malaya ang lahat ng manunulat sa punto ng porma, teknik ng pagsulat at anyo bagama’t naging maingat sapagsanggi sa pagmamalabis ng bagong nandayuhan.

Page 20: Pag unlad ng panitikan

Ginawang tagapag-agdong buhay lamang ang pagsulat kung kaya’t karamihan sa mga akda ay huwad lamang at kapos sa lalimng tunay na pagpapakahulugan sa buhay gayon din sa makatasna daloy ng pananagalog.

Bagma’t may mangilan-ngilang akdang nakalusot sa sensor nanaglalarawan ng tunay na kalagayan sa buhay ng panahong iyon, ang mga katanungan walang katapat na kasagutan tungkol sapatuloy na paglambong ng kanilang hinaharap ay naroon pa rin.

Muling pinabuksan ang SundayTribune Magazine, noong 1943. Naglathala ng mga tula, kuwento at mga unang lathalain saniponggo. Ang mga paksain ay pawang pumupuri sa kadakilaanng mga Hapones.

Pinahintulutang buksan ang mga pahayagang na sumasang-ayon sa panuntunan ng Censor gaya ng Liwayway, Taliba, Philippine Review, Filipiniana, shim Siete, Bagong Araw-New Day at Pillars.

Page 21: Pag unlad ng panitikan

Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)

Bunga ng mga nagaganap na malawakang kilos protesta ng iba’t-ibang samahan at ang masigasig naaktibismo ng mga kabataan noong Panahon ng Isinauling Kalayaan, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.

Paano napaunlad ang wikang Pilipino sa panahongito?

Inilunsad ang bagong palatuntunan ng ministri ng Edukasyon at Kultura, ito ay ang bilinggwalismo. Ito ay ang pagtuturo ng dalawang wika: sa Pilipino at Ingles.

Page 22: Pag unlad ng panitikan

Tatlong mahalagang layunin ng bansa sa ilalimng Bagong Lipunan:

Kaunlarang PangkabuhayanKaunlarang PanlipunanKaunlarang Pangkalinangan

Peace and Order (Kapayapaan)Land Reform (Reporma sa Lupa)Economic Reform (Reporma sa PangkabuhayanDevelopment of Moral Values (Paglinang ng Kahalagahang Pantao)Government Reform (Repormang Pampamahalaan)Educational Reform (Repormang Pampaaralan)Social Reform (Repormang Panlipunan)

Page 23: Pag unlad ng panitikan

Katangian ng Panahon

• Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar anfpansamantalang pag papahinto ng publikasyon ng mga pahayagan, angsirkulasyon ng mga ito, pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabasng mga panooring pantelebisyon at pagtatanghal ng mga pelikula. Pansamantalang ntigil ang mga programa saradyo .

Page 24: Pag unlad ng panitikan

Unang Ginang Imelda Marcos

Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahongito ang dula na nagkaroon ng pangunahingtagapagtaguyod sa katauhan ng noon ay UnangGinang ng bansa na si Imelda Marcos.

Sa kanyang masugid na interes at pagtataguyod ay pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaannoong panahon ng Bagong Lipunan. Pangunahingnakatulong sa pagpapasigla ng anyong ito ng panitokan ang pagpapaayos ng lumang tanghalangaya ng Metropolitan Theatre.

Page 25: Pag unlad ng panitikan

IsloganIsa sa mga bagay na laging maaalala sa panahon ng Bagong Lipunan ang malaganap na popularidad ng mgaislogan.

Halimbawa:Hinggil sa Kahalagahang pantao:Sa ikauunlad ng bayan,Disiplina ang kailangan.

Hinggil sa Programang pangkabuhayan:Magplano ng pamilya,Nang buhay ay lumigaya

Tayo’y magtanimUpang mabuhay

Page 26: Pag unlad ng panitikan

Mga babasahin:

Napalitan ang mga negatibong balita ng mga balitatungkol sa pangkaunlaran, pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura at iba pa.

Halimbawa ng Pahayagan:1. Bulletin Today 6. Phil. Daily Express2. Times Journal 7. Evening Express3. People’s Journal 8. Evening Post4. Balita5. Pilipino Express

Page 27: Pag unlad ng panitikan

Mga Magasin:

1. Liwayway

2. Kislap

3. Bulaklak

4. Extra Hot

5. Jingle Sensation

Mga Komiks:

1. Pilipino

2. Extra

3. Love Life

4. Hiwaga

5. Klasik

6. Espesyal

Page 28: Pag unlad ng panitikan

Pangkalahatang Pananaw sa Panitikansa Panahon ng Bagong Lipunan

Sa kabuuan, bagaman nagkaroon ng sensura samga paksaing maaring talakayin ang mgamanunulat sa Panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan. Naging mabunga ang panahong ito sa pagpukawsa interes ng mga Pilipino sa mga bagay napangkalinangan na naipahayag sa uri ng mgadulang naitanghal, awitin at musikang naisulatat mga pelikulang naipalabas.

Page 29: Pag unlad ng panitikan

Panahong Kotemporaryo

Pagkaraan ng walong taong pagpapasailalim sa bansa saBatas-Militar at sa paniniwalang nagbalik na ang normalisasyon sabuong kapuluan, ibinaba ng Pangulong Marcos ang isang kautusanna nag-aalis ng Batas-Militar noong Enero 17, 1981. Kasabay nito ay ang pagsilang ng Bagong Republika.

Dahil sa pagtatatag na ito ng Bagong republika, inaasahan anghigit na maunlad na Pilipinas sa darating pang mga taon at angsentro ng pag-unlad ay ang TAO. Inaasahan ang isang mamamayangmay tiwala sa sarili, produktibo lumalahok sa mga gawaingpanlipunan at pampamahalaan.

Sa harap ng ganitong pag-asam inulunsad ang bagongpalatuntunan ng pamahalaan, ang simulaing Isang Bansa, IsangDiwa. Binigyang pansin ang pagbibigay sa bawat Pilipino ng kakayahan, kaalaman at pananaw na teknikal, panlipunan at pampamahalaan.

Page 30: Pag unlad ng panitikan

Katangian ng PanahonNagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalahathala ng mga

akdang likha ng ating manunulat, lalo’t higit iyong mga nagsisimulapa lamang sa larangang ito ng pagsulat. Maging ang mga komiksmagasin ay nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang porma at nilalaman at umayon sa hinihingi ng mga simulain ng bagongRepublika.

Gayundin, ang mga dulang Pilipino ay nagkaroon ng higit naningning sapagkat tuluyang nag-ibayo ang pagtatanghal ng mga ito saiba’t ibang pook-tanghalan mula sa mga paaralan hanggang sa CCP, Metropolitan Theater, Dulaang Raha Sulayman, San Miguel Auditorium, Insular Life, Philamlife at sa pagtataguyod ng BulwagangGantimpala, Teatro Pilipino, Repertory Philippines, at ng mga ibapang tagatangkilik ng mga akdang Pilipino.

Page 31: Pag unlad ng panitikan

Ang nag-aalab na damdamin ng mga manunulat namakalikha ng mga obra-maestra ng kasalukuyang panahonang nagbunsod ng Writers Union of the Philippines (ngayon ay UMPIL na o Unyon ng mga Manunulat sa Pilipino) upangilabas ang Mithi. Ito ay isang magasing inilathala upangmakatugon sa pagkauhaw ng mga mambabasa sa mga akdangtunay na naglalarawan ng buhay-Pilipino sa kasalukuyangpanahon.

Ang Carlos Palanca Memorial Awards ay nagpatuloy sapagkilala sa mga manunulat ng ating bayan sa pamamagitanng patuloy na pagbibigay ng mga gawad taun-taon. Gayundinang ginawa ng Cultural Center of the Philippines at mga ibapang nanatiling patron ng Panitikang Pilipino. Maging sa mgapaaralan, mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo ay nagkaroon ng sigla ang larangan ng panitikan sa pamamagitanng pagdaraos ng mga literary contest.