18
ARALIN 1.6 PRODUKSIYON

Mga gawain sa aralin 1.6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga gawain sa aralin 1.6

ARALIN 1.6

PRODUKSIYON

Page 2: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 1. INPUT → OUTPUTIsulat sa loob ng kahon input ang mga bagay na kailangan

Upang mabuo ang produktong makikita sa output na nasa susunod napahina.

1. Flour2. Water3. Yeast4. Salt5. Sugar6. margarine

1. Hardwood2. Hammer and

nails3. Hand saw4. Chisel5. Paint6. Sandpaper

1. 1. Fabric2. Rubber3. Leather4. Canvas5. Plastic6. Wood

Page 3: Mga gawain sa aralin 1.6

Pamprosesong Tanong:

1. Nahirapan ka ba sa pag-iisip ng mga input o sangkap na kailangan para sa output? Bakit?Medyo nahirapan po ako sa pag-iisip ng

mga sangkap na kailangan para sa output sapagkat hindi ako gaanong pamilyar sa mga wastong katawagan sa mga sangkap at limitado lamang ang mga nalalaman kong sangkap.

2. Sa iyong palagay, ano ang ugnayan ng mga sangkap na nasa kahon ng input at ang larawan na nasa kahon ng output?Ang mga sangkap na nasa kahon ng input

ay pinagsama-sama upang nang sa gayon ay mabuo bilang resulta ang larawan na nasa kahon ng output.

3. Ano ang katawagan sa proseso na nag-uugnay sa kahon ng input sa kahon ng output?Sa aking pagkakaalam, ang proseso na

Page 4: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 2. TRAIN MAP

Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakabuo ng produkto. Ilagay ang bilang ng larawan sa mga kahon sa ibaba.

Page 5: Mga gawain sa aralin 1.6

Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong palagay, paano nagkakaugnay-ugnay ang mga larawan?Ang mga larawan ay nagkakaugnay-ugnay

sapagkat ang mga ito ay ang nagpapakita ng isang proseso ng pagprodyus ng isang bagay at ito ay ang isang wooden dining table.

2. Ano ang naging batayan mo sa pagsasaayos ng larawan?Ang aking naging batayan sa pagsasaayos

ng larawan ay kung ano ang ipinapakita sa mismong mga larawan.

3. Ano ang tawag sa prosesong naganap mula sa una hanggang ikaapat na larawan?Ang tawag sa prosesong naganap mula sa

una hanggang ikaapat na larawan ay PRODUKSIYON o PAGPOPRODYUS. Ang unang larawan hannggang sa ikaapat na larawan (1, 4, 3, 2) ay nagpapakita ng isang proseso o hakbang patungo sa

Page 6: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 3: IRF Chart

Ano ang naging karanasan mo sa pagsagot sa mga naunang gawain? Paunang gawain pa lamang ang iyong sinagutan, sa mga susunod na gawain ay inaasahang matutuklasan mo ang mga tamang kasagutan. Pagkatapos ng mga gawain ay maaari mong balikan at itama ng iyong sagot.

Magpatuloy ka. Sagutin ang IRF Chart. Isulat mo sa hanay I – initial ang kasagutan sa tanong na ano ang produksiyon? Ano-ano ang salik nito at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ang dalawang natitirang hanay ay sasagutan mo sa mga susunod na bahagi ng pag-aaral mo sa paksa.

IRF ChartI – nitial Answer Ang produksiyon ay ang

proseso o hakbang na isinasagawa sa input (sangkap) upang mabuo ang output (resultang bagay).

Para sa aking initial na kaalaman, ang mga salik ng produksyon ay ang input at output na kung saan ang input ay ang mga sangkap na kinakailangan upang maisagawa ang output, ang resultang bagay mula sa mga pinagsama-samang input.

Ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ay ang mga bagay na ginagamit natin sa araw-araw ay may isang prosesong pinagdaanan. Hindi lahat ng ito ay nagawa

Page 7: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 4. CONCEPT MAPPING

Punan ng angkop na salik ng produksiyon ang concept map na nasa susunod na pahina. Isulat sa loob ang kahalagahan ng bawat isa sa prosesong produksiyon. Sagutan ang tanong na nasa kahon.MGASALIKNGPRODUKSIYON

Page 8: Mga gawain sa aralin 1.6

ANO ANG KAHALAGAHAN NG PRODUKSIYON AT NGA MGA SALIK NITO SA ATING PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY?

Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo

upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Nangangailangan ng mga materyal at kagamitan ang anumang

paggawa ng isang bagay o kalakal upang magkaroon ng produksyon.

Ang produksyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya. Dito nililikha ang mga bagay o produktong

kailangan ng mga mamamamyan. Kailangan din sa pag-ikot ng ekonomiya ang pagpapalitan o distribusyon at ang pagkonsumao. Batay rito, masasabing

isang sistema ng patuloy na produksyon, palitan, at pagkonsumo ng

mga kalakal at serbisyo ang ekonomiya.

Page 9: Mga gawain sa aralin 1.6

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang salik ng produksiyon? Ipaliwanag ang ginagampanan ng bawat salik sa proseso ng produksiyon?

May apat na salik sa pagbuo ng isang produkto. Hindi mabubuo ang isang produkto kung mawawala ang alinman sa mga salik na ito. Kabilang sa mga salik na ito ang lupa, lakas-paggawa, puhunan o kapital at kakayahan ng entreprenyur.

Lupa Bilang Salik ng Produksyon

Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at hindi mapapalitang yaman ng kalikasan. Halimbawa nito ang matatabang lupang pinagtatamnan, ang mga lupang pastulan, lupa sa lungsod at iba pa. Nadaragdagan ang kapakinabangan ng lupa habang nalilinang ito.

Maaaring gamitin ang lupa sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasaka, pabahay, pagtatayuan ng mga tanggapan, pagawaan at iba pa. Walang hanggan ang maaaring gamit ng lupa. Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na tinatawag na upa.

Lakas-Paggawa Bilang Salik ng Produksyon

Ang lakas-paggawa ng pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na lakas-paggawa ng lakas-tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay. Ang kalikasan ang nagbibigay ng mga hilaw na sangkap o likas na yaman ngunit nakasalalay sa kamay ng tao ang paglinang nito upang maging kapaki-pakinabang ito.

Sa salik na ito umiiral ang kontribusyon ng lakas ng tao upang mabuo ang isang produkto. Hindi sapat na may mga hilaw na sangkap upang makabuo ng isang produkto sapagkat kailangan pang dumaan sa isang proseso ang mga hilaw na sangkap upang mapakinabangan ng tao ayon sa kanyang nais. Dito pumapasok ang lakas-paggwa. Sa pamamagitan ng pag-iisip at talento ng tao, nabubuo ang isang

Page 10: Mga gawain sa aralin 1.6

Ang Kapital o Puhunan Bilang Salik ng Produksyon

Ano ang maaring mangyari sa produksyon at pangangalakal kung walang kapital? Marahil, ang mga pangunahing pangangailangan lamang ang magagawadahil walang mamumuhunan sa produksyon ng kagamitan, mga pampaginhawa sa buhay at bagong teknolohiya.

Kahalagahan ng Kapital

May malaking bahagi sa produksyon ang puhunan. Magiging kapaki-pakinabang lamang ang lupa kung gagamitan ng puhunan. Mahalaga rin sa paggawa ang puhunan upang matugunan ang pangangailangan. Nagiging maunlad ang industriyang pinaglalaanan ng malaking puhunan.

Ang Kakayahang Entreprenyur Bilang Salik ng Produksyon

Isang entreprenyur ang nagtatatag ng negosyong makapagbibigay ng malaking kapakinabangan sa mga mamamayan. Siya ang nasa likod na produksyon. Sa kanyang matalinong pagpapatakbo nakasalalay ang paglago ng isang negosyo. Siya ay tinaguriang tagapamahala, superbisor, innovator, at risk bearer sa produksyon.

2. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon? Pangatwiranan.

Sa aking palagay, ang salik na pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon ay ang Lakas-Paggawa Bilang Salik ng Produksyon sapagkat dito umiiral ang kontribusyon ng lakas ng tao upang mabuo ang isang produkto. Hindi sapat na may mga hilaw na sangkap upang makabuo ng isang produkto sapagkat kailangan pang dumaan sa isang proseso ang mga hilaw na sangkap upang mapakinabangan ng tao ayon sa kanyang nais. Ang lakas-paggawa ng pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na lakas-paggawa ng lakas-tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay. Ang kalikasan ang nagbibigay ng

Page 11: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 5: IKOT-NAWAIN

Surrin at unawain ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot na daloy ng produksiyon.

Lupa Pagsasama-sama Produkto o Paggawa ng mga input ng serbisyongKapital produksiyon pangkonsumo;Entrepreneurship Produkto o

serbisyo na gamit sa paglikha ngibang produkto

MGA KABAYARAN SA SALIK NG PRODUKSIYON upa, sahod, interes, at kita

Pamprosesong Tanong:1. Ano ang inilalarawan ng dayagram?

Ang inilalarawan ng dayagram sa itaas ay ang tungkol sa proseso ng produksiyon.

2. Batay sa dayagram, paano nauugnay ang input sa output? Ipaliwanag.

Sa pamamagitan ng proseso ng pagsasama-sama ng mga input ng produksiyon, naiuugnay ang input sa output.

3. Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng dayagram sa iyong pang-araw-araw na buhay?

Nakatutulong ito upang maging organisado ang paglikha ko ng produkto na tiyak na makatutulong sa pang-araw-araw kong buhay.

INPUT PROSESO OUTPUT

Page 12: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 6: S P G – (SANGKAP sa PRODUKSIYON i-GRUPO)

A.Ilista ang mga bagay na ginamit sa paggawa ng sumusunod na produkto. Ihanay ang sumusunod kung ang salik ay lupa, lakas-panggawa, kapital, o entrepreneurship. Gamitin ang talahanayan sa ibaba sa pagsagot.

Produkto Mga ginamit sa pagbuo ng produkto

Klasipikasyon ng Salik ng

Produksiyon1. Glass2. Metals3. Plastic4. Silicon Oxide5. Aluminum Oxide6. Platinum 7. Tungsten8. iron

1. Lupa2. Lupa3. Lupa4. Lupa5. Lupa6. Lupa7. Lupa8. Lupa

1. Sugar2. Water3. Cream4. White distilled

vinegar5. Candy oils6. Food coloring

1. Lupa/Kapital2. Lupa/Kapital3. Lupa/Kapital4. Lupa/Kapital5. Lupa6. Lupa/Kapital

1. Panadero2. Flour3. Eggs4. Yeast5. Sugar6. Salt7. Cheesecloth

1. Lakas-panggawa2. Lupa/Kapital3. Lupa/Kapital4. Lupa/Kapital5. Lupa/Kapital6. Lupa/Kapital7. Kapital

-LUPA-LAKAS-

PANGGAWA-KAPITAL-ENTRE

PRENEURSHIP

-LUPA-LAKAS-

PANGGAW

-ENTREPREN

EURSHIP

-LUPA-LAKAS-PANGGA

WA-ENTR

EPRENEURSHIP

Page 13: Mga gawain sa aralin 1.6

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang naging batayan mo sa klasipikasyon ng iba’t-ibang sangkap na ginagamit sa produksiyon?

Ang aking naging batayan sa klasipikasyon ng iba’t-ibang sangkap na ginagamit sa produksiyon ay ang mismong mga sangkap at kagamitang kinakailangan upang maisagawa ang produksiyon at ang mga katangian ng bawat salik ng produksiyon.

2. Ipaliwanag ang bahaging ginagampanan ng iba’t-ibang salik ng produksyon sa pagbuo ng produkto at serbisyo.

Lupa – kasama rito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. Ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.

Lakas-Panggawa – kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Tumutukoy ito sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.

Kapital – ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Ang kapital ay maaari ring iugnay sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong.

Entrepreneurship – ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ito ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makakaapekto sa produksiyon.

Page 14: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 7: IRF Chart

Sa pagkakataong ito, sagutan mo na ang IRF Chart. Kung iyong natatandaan ay isinulat mo ang iyong I-initial na kasagutan sa tanong na “Ano ang produksiyon? Ano-ano ang mga salik nito at implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?” Ngayon naman ang iyong pagkakataon na baguhin o i-revise ang naunang kasagutan. Isaayos mo ang mga konsepto na taliwas sa iyong napag-aralan. Isulat ang iyong kasagutan sa bahagi ng revised.

IRF Chart

I – nitial Answer R – evised Answer Ang produksiyon ay

proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.

Ang mga salik ng produksiyon ay ang lupa, lakas-panggawa, kapital at entrepreneurship.

F – inal Answer

Page 15: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 8: NEWS ANALYSISBasahin at pag-aralan ang balita na may pamagat na “Hataw sa

Rice Production, Pararangalan” Pagtuunan ng pansin ang nilalaman, organisasyon, mensahe, pagkamalikhain, at kapakinabangan ng binasang lathalain. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.

Hataw sa Rice Production, PararangalanPosted by Online Balita on Mar 15th, 2013

CABANATUAN CITY – Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture (DA) ng Agri-Pinoy Rice Achievers Award ang mga lalawigan, bayan, at indibidwal na malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng pamahalaan na staple self-sufficiency. Sinabi ni DA Regional Executive Director Andrew Villacorta na kabilang ang Nueva Ecija at Bulacan sa sampung top performing provinces sa buong bansa.

Sila ay makakakuha ng tig-aapat na milyong pisong halaga ng mga proyekto. Kasama naman sa 48 na nagwagi sa municipal category at makakatanggap ng tig-isang milyong pisong halaga ng mga proyekto ang Talavera, Guimba, General Tinio, Llanera, Sta. Rosa, Sto. Domingo, Cuyapo, at Lupao sa Nueva Ecija at maging ang San Rafael sa Bulacan. May kabuuang 87 technicians at opisyal naman sa Gitnang Luzon ang itinanghal na Outstanding Agricultural Extension Workers (AEW) na mag-uuwi ng tig-Php20,0000 halaga ng insentibo. May 350 iba pang AEWs, 10 irrigators’ associations at tatlong mall water impounding system associations sa buong kapuluan ang pagkakalooban din ng naturang pagkilala sa isang seremonya ngayong araw sa Philippine International Convention Center.

Nakapagtala ang Gitnang Luzon ng 138 porsiyentong rice sufficiency level noong nakaraang taon kahit pa sinalanta ito ng matinding pag-ulan dulot ng habagat. Sinabi ni Villacorta na umabot sa 3,220,607 metriko toneladang palay mula sa 675,781 ektarya ang naani, na ang average yield ay 4.77 metriko tonelada kada ektarya. Ang produksiyon noong 2012 ay 23 porsiyentong mas mataas kumpara sa 2,616,083 metriko toneladang naitala noong 2011 at ito ay nakaambag sa 18 porsiyento ng pambansang produksiyon alinsunod sa Food Staple Self-Sufficiency Program.

Ayon sa Regional Agriculture Chief, ang pagsasanib ng mga

Page 16: Mga gawain sa aralin 1.6

Pamprosesong Tanong:

1. Aling mga pangunahing lalawigan at bayan ang nakatanggap ng parangal na Agri-Pinoy Rice Achievers Award?

Ang mga pangunahing lalawigan at bayan na nakatanggap ng parangal na Agri-Pinoy Rice Achievers Award ay ang Nueva Ecija, at Bulacan.

2. Paano natamo ng mga bayan at lalawigang ito ang mataas na antas ng produksiyon sa bigas? Paano kaya makatutulong ang mga salik ng produksiyon sa pagtaas ng produksiyon ng pagkain sa bansa?

Nakatulong ang Food Staple Self-Sufficiency Program upang matamo ng mga bayan at lalawigang ito ang mataas na antas ng produksiyon ng bigas. Itong programa nito ay nakapokus sa seguridad ng mga pagkain partikular na ang bigas.

Ang mga salik ng produksiyon ay makatutulong sa pagtaas ng produksiyon ng pagkain sa bansa sa pamamagitan ng kapag ang mga salik ng produksiyon na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay makalilikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.

3. Ano ang layunin ng “Food Staple Self-Sufficiency Program” ng pamahalaan?

Ang layunin ng ng programang itinaguyod ng pamahalaan na “Food Staple Self-Sufficiency Program” ay ang palakihin ang produksyon at bahagi ng konsumo ng mga ito lalo na sa mga lugar na hindi naman gaanong palakain ng bigas kung saan laganap ang konsumo nito.

4. Paano nakatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mataas na antas ng produksiyon?

Nakatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mataas na antas ng produksiyon sa pamamagitan ng ang bigas ay tinaguriang

Page 17: Mga gawain sa aralin 1.6

Gawain 9: IRF Chart

Muli mong balikan ang IRF Chart. Sa bahaging ito ay isusulat mo na ang iyong Final na kasagutan batay sa iyong pang-unawa sa paksang tinalakay. Inaasahan din na malinaw mo nang masasagot ang mga katanungang: Ano ang produksiyo? Ano-ano ang salik nito at implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? Handa ka na ba? Isulat mo na ang iyong Final na kasagutan.

IRF Chart

I – nitial Answer

R – evised AnswerF – inal Answer Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa

pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.

Ang mga salik ng produksiyon ay ang lupa, lakas-panggawa, kapital at entrepreneurship. Lupa - kasama rito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at

ilalim nito, pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. Ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.

Lakas-panggawa - kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Tumutukoy ito sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.

Kapital - ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Ang kapital ay maaari ring iugnay sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong.

Entrepreneurship - ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ito ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makakaapekto sa produksiyon.

Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksiyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, lakas-panggawa, kapital at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto