18
Kalagayang Pangkabuhayan sa Ilalim ng Pananakop ng mga Amerikano Babasahin 4 ng Aralin 1 Ika-apat na Kwarter University of the Philippines Integrated School Araling Panlipunan VI Ito ay kopya ni: ______________________________

Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Kalagayang Pangkabuhayan sa Ilalim ng Pananakop ng mga AmerikanoBabasahin 4 ng Aralin 1

Ika-apat na Kwarter

University of the Philippines Integrated SchoolAraling Panlipunan VI

Ito ay kopya ni: ______________________________

Seksyon: ______________________________

2

Sa panahon ng kolonyalismong Amerikano, umunlad ang ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino. Subalit ito ay ekonomiyang palaasa (dependent) sa Amerikano. Ang pag-unlad sa pamumuhay ay nakita sa mga elite subalit hindi sa mga ordinaryong mamamayan. Ang elite din ang nagsilbing tagapagdala at tagapagsalin ng kulturang Amerikano sa bansa, nang dahil na rin sa maling edukasyon at pagkagapos nila sa kaisipang kolonyal. Paunti-unting kumalat ang impluwensiya ng kulturang Amerikano sa kulturang Pilipino mula sa paggamit ng Ingles sa edukasyon hanggang sa panonood ng mga pelikulang kanluranin.

Maraming imprastraktura at institusyon ang itinayo ang mga Amerikano sa bansa para diumano sa pagpapatupad ng white man’s burden na gawing sibilisado ang mga Pilipino. Nang dahil dito, maraming Pilipino hanggang ngayon ang tumatanaw ng utang na loob sa mga Amerikano. Nararapat iwasto ang kaisipang ito dahil ang salaping ginugol ng mga Amerikano sa pagpapatupad ng mga proyektong ito ay nagmula mismo sa mga Pilipinong nagbayad ng buwis sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.

Bukod dito, ang mga patakarang pang-ekonomikong itinatag ng U.S. sa Pilipinas ay sumasalamin sa sariling interes ng mga Amerikano na may malaking kaugnayan sa mga pamilihan ng yaring produkto (manufactured products) at pinagmumulan ng mga hilaw na materyal (raw materials). Malayang nakinabang ang mga Amerikano sa yamang likas at sa pagbukas ng pamilihan ng bansa na nagsilbing bagsakan ng mga produktong surplus mula sa U.S.

Malalim ang naging ugat ng mga ibinungang suliranin ng imperyalismo na patuloy nating kinakaharap sa kasalukuyan. Ang lipunang dati’y may

Halimbawa ng epekto ng diwang kolonyal sa pag-iisip ng karaniwang Pilipino.

3

kusa at lakas na itaguyod ang kamalayang makabayan o nasyonalismo upang mabuklod at mapag-isa ang bansa ay unti-unting nagapos at nabulag ng diwang kolonyal.

Narito ang pagpapaliwanag ni Gob. Hen. William Howard Taft sa prinsipyo na pumapaloob sa “pagtulong” ng mga Amerikano sa mga Pilipino:

Gawain: Ipaliwanag sa sariling salita ang ideyang nakapaloob sa pahayag ni Gob. Hen. Taft.

Sinasabi ni Gob. Hen. Taft na _______________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

“The promotion of their material and intellectual welfare will

necessarily develop wants [of Filipinos] for things which in times of

poverty they regard as luxuries, but which, as they grow more

educated and as they grow wealthier, become necessities…

promoting the welfare, material, spiritual, and intellectual of the

people of these Islands is the one course which can create any

market here among the people for American goods and American

supplies that will make the relation of the United States to the

Philippines a profitable one for our merchants and manufacturers.”

Magsaliksik Tayo! Hanapin ang kahulugan ng sumusunod:

tariff________________________________________________________________________________________

export________________________________________________________________________________________

import________________________________________________________________________________________

4

Malayang Kalakalan

Napasimulan ang malayang kalakalan o free trade noong 1909 nang ipinasa ng Kongresong Amerikano ang Payne-Aldrich Tariff Act. Sa ilalim ng batas na ito, ang mga produktong iniluluwas ng U.S. sa Pilipinas ay walang babayarang buwis at wala ring itatakdang dami o quota. Samakatwid, malayang makapapasok ang anumang produktong nagmula sa U.S. sa mga pamilihan ng Pilipinas.

Pinahihintulutan ding makapasok sa mga pamilihan ng U.S. ang produktong iniluluwas ng Pilipinas nang walang binabayarang buwis subalit may nakatakdang dami o quota tulad ng quota sa produktong asukal at tabako ng bansa. Samantala, ang bigas mula sa Pilipinas ay hindi pinayagang makapasok sa U.S. at nagtakda rin na nararapat umayon sa mga hilaw na materyal na kailangan ng industriyang Amerikano ang mga iniluluwas na produkto ng Pilipinas. Samakatwid, ang kaunlaran ng Pilipinas, kung mayroon man, ay nakabatay sa mga kondisyon na maaaring hingin ng U.S. sa kanyang kolonya.

Noong 1934, naipasa naman ang Tydings-McDuffie Law. Kilala ito bilang batas na nagsaad ng pagbibigay ng kalayaan sa bansa mula sa U.S. subalit taglay din nito ang isang probisyon para sa pagpapatuloy ng malayang kalakalan sa panahon ng pamahalaang Commonwealth. Maliwanag ang pagnanais ng mga Amerikanong mapanatili ang kanilang impluwensiya sa ekonomiya ng Pilipinas kahit pa mabigyan ng kasarinlan ang bansa.

Resulta ng Malayang Kalakalan

5

Porsyento ng mga produktong agrikultural sa kabuuang export:

Interpretasyon: tumaas ang dami ng mga produktong agrikultural na iniluluwas ng Pilipinas; ipinapakita nito ang pagtugon ng bansa sa pangangailangan ng U.S. sa hilaw na materyal

Taon Export Balance of Trade

Kalagayan

1900-1909 P60.9M +Pagpasok ng Espanya ng mga produkto sa bansa batay sa Kasunduan sa Paris

1910-1914 P94.7M +

Payne-Aldrich Tariff Act1914-1918 P177.3M -1919-1924 P234.7M +1925-1930 P297.9M +1930-1935 P213.2M +

Interpretasyon: sumigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng malayang kalakalan

Sa pagitan ng 1910-1912, ang produktong iniluwas ng U.S. sa Pilipinas ay lumaki nang halos 437% samantalang ang produktong iniluwas ng Pilipinas sa U.S. ay tumaas nang halos 213%. Mula 11% ng mga ine-export at ini-import na produkto sa U.S. noong 1900 tumaas ito hanggang 72% noong 1935. Samakatwid, natali ang ekonomiya ng Pilipinas sa U.S samantalang nanatiling malawak ang ekonomiya ng U.S. na nakipagkalakalan sa marami pang bansa bukod sa Pilipinas.

Ginamit ang kitang nalikom mula sa kalakalan sa pagpapaayos ng mga tulay at kalsada na mahalaga para sa mabilis na transportasyon ng mga produkto tungo sa mga daungan. Nagbunga ito sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng ilang mga Pilipino. Kung susuriin ang datos makikitang sumigla ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kolonisasyong Amerikano subalit maraming Pilipino ang tumutol dito. Alamin natin kung bakit!

23.7%(1899-1908)

62.9%(1916-1925)

71.4%(1926-1935)

6

Ang mga produktong asukal at tabako ay maaaring ma-monopolisa ng isang pamilihan lamang. Kapag ang pamilihan ay humina, lubhang maaapektuhan ang mga prodyuser ng asukal at tabako. Sa ganitong sitwasyon umaasa na lamang ang Pilipinas

sa U.S. Ang mga panginoong maylupa o landlord at malalaking kumpanya lang na nangingibabaw sa komersyo, industriya at agrikultura ng bansa ang tanging nakikinabang sa sistemang ito. Dagdag pa rito, dahil sa pag-export sa mga produkto kaysa ibenta sa lokal na pamilihan nagdudulot din ito ng kakulangan sa lokal na suplay.

Naipagpaliban din nito ang pagkamit ng kasarinlan sa bansa. Ang mga yumayamang Amerikanong kumpanya sa Pilipinas ay maaaring pilitin ang pamahalaang U.S. na huwag bitiwan ang kolonya o patagalin ang pananakop dito. Maging ang mga

mayayamang Pilipino na nakinabang sa sistema ay magdadalawang isip sa pagsulong ng kalayaan.

Nababawasan ang maaaring kitain ng pamahalaan mula sa pangongolekta ng buwis sa mga produktong inaangkat at iniluluwas sa bansa. Ang kitang ito ay maaari sanang gamitin sa pagsasagawa ng mga proyekto at programang panlipunan.

Hindi lahat ng Pilipino ay nakinabang sa malayang kalakalan. Yumaman ang mga may-ari ng lupa habang tumanggap lamang ng maliit na sahod ang mga tunay na nagsasaka sa lupa.Hindi lumakas ang kakayahang industriyal ng bansa dahil kapalit ng mga hilaw na materyal, iniluwas ng U.S. sa Pilipinas ang mga produktong gawa na o manufactured goods. Bagaman naglipana ang mga pagawaan at pabrika ng sigarilyo, asukal, mantika, alak, sardinas at iba pa sa Maynila at karatig-pook, mas maraming maliliit na industirya tulad ng mga yaring-kamay o handicraft ang naapektuhan. Bumagsak ang industriya ng paghahabi ng tela sa Batangas, Iloilo, Bulacan, at Ilocos. Dahil sa mataas na kompetisyon mula sa malalaking kumpanya at imported goods, humina ang pagbenta ng mga produktong gawa sa ating bansa. Dahil na rin dito, unti-unting kumiling ang panlasa at kaisipang Pilipino sa mga gawang stateside. Natuto ang mga tao na magustuhan at tumangkilik sa mga imported kung kaya’t lumala ang kaisipang kolonyal (colonial mentality) ng mga Pilipino.

1

2

3

7

Gawain:Iugnay ang kasaysayan sa kasalukuyan. Sa iyong palagay, lumaya na ba ang mga Pilipino mula sa colonial mentality? Maaaring gamitin ang larawan sa pagpapaliwanag.

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

Nagdulot din ng pagkasira sa yaman ang patakarang pang-ekonomiya ng U.S. Paunti-unting naubos ang mga punongkahoy ng bansa dahil sa paglakas ng industriya sa pagmimina at paglaki ng negosyo sa konstruksyon ng mga opisina, bahay, daan at tulay. Ang mga minahan ang sumuporta sa pangangailangan ng U.S. para sa chromium, copper, at manganese na ginamit sa paggawa ng mga kagamitang pandigma noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

8

Higit Pa sa Kalayaan

Hindi naging pantay ang epekto na dulot ng malayang kalakalan sa masa at elite kaya’t nag-iba ang kalayaang minimithi ng mga anakpawis sa mga mayaman at edukado na naghangad makamit ang autonomiya. Ipinamalas ng masa sa pamamagitan ng mga welga, pag-aalsa, at pagkilos noong dekada 1920-1940 ang mithiin nila para sa kalayaan na may kasamang pagbabagong panlipunan.

Umusbong ang mga militanteng kilusang manggagawa mula sa patuloy na pakikidigma ng mga gerilya para sa kalayaan laban sa mga mananakop na Amerikano. Noong 1902, mula sa mga grupong tinaguriang bandido ng kinauukulan, natatag ang unang pederasyon ng mga manggagawa ang Union Obrera Democratica (UOD) sa pamumuno nina Isabelo delos Reyes at Hermenigildo Cruz. Naglunsad ang UOD ng mga welga at makabayang dula na bumatikos sa pananakop ng mga Amerikano. Kahit sinupil ng kolonyal na pamahalaan, nagpatuloy ang kilusang manggagawa sa pangunguna ni Dominador Gomez na namuno sa Union Obrera Democratica Filipina (UODF). Sa kasamaang palad, naakit si Gomez at de los

9

Reyes nang pumaloob sila sa sistemang kolonyal nang pasukuin nila sina Macario Sakay at lumahok sa politika.

Noong dekada 1920, lumitaw ang mga bagong radikal na lider manggagawa sa pangunguna nina Crisanto Evangelista at Antonino Ora bumuo sa Katipunan ng mga Anak Pawis (KAP) na namuno sa mga kilusang welga na naghangad sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mananakop na Amerikano at pag-unlad sa kalagayan ng mga manggagawa. Mula sa kilusang manggagawa nabuo nina Evangelista ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).Bagaman hinuli at pinatapon sa probinsya ang mga lider nito at ipinagbawal ang partido noong 1932, patuloy na namuno mula sa underground ang partido sa mga pagkilos at welga.

Pumaloob naman ang kaisipang sosyalista sa mga kilusang magsasaka nang matatag ang Partido Sosyalista noong 1933 sa pamumuno ni Pedro Abad Santos. Noong 1938, nagsanib ang Partido Komunista at Partido Sosyalista na bumuo sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP). Nabuo nito ang mga militante at malaking seksyon ng mga organisadong manggagawa at magsasaka sa ilalim ng isang partido.

Itinaguyod ng mga samahang magsasaka at manggagawa ang adhikain ng kalayaan ng mga mamamayan. Nakapaloob sa usaping pangkabuhayan ang pag-asam nila sa kalayaan na ang mga katangian ay pagkakapatiran, pagkakapantay-pantay, katarungan, at kaginhawahan.

Pagkamit ng Kalayaan

Mahalaga ang Batas Hare-Hawes Cutting at Batas Tydings-McDuffie sa pagkamit ng kasarinlan ng bansa mula sa mga Amerikano. Hindi malaki ang pagkakaiba ng dalawang batas subalit pinilit ni Quezon na baguhin ang naunang batas upang ibida

Tutol kami dahil hindi ito nagbibigay ng ganap na kalayaan. Dinadaya nina Quezon at Osmeña ang taong-bayan. Pinatatagal lamang nila ang kapangyarihan ng U.S. at pinapanatiling mahirap ang naghihirap.

Partido KOMUNISTA

Habang nananatiling kolonya ang bansa, mananatili ang problema sa kabuhayan. Sa ilalim ng proteksyon ng U.S. tumatag ang interes ng elite. Hahantong lamang sa huwad na kalayaan ang independence mission.

MANGGAGAWATutol kami! Kung mga Kristiyanong Pilipino na ang mamamahala baka masira ang aming kultura at identidad.

muslim

10

ang kanyang sarili at makuha ang pagkapangulo sa Pamahalaang Komonwelt. Narito ang reaksyon ng mga mamamayan sa Batas Hare-Hawes Cutting:

Huling Hirit ng Estados Unidos

Bago tuluyang makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946, ipinasa ng U.S. ang Bell Trade Act na nagsaad ng mga kontrol sa ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng pagkamit nito ng kasarinlan:

□ Pagtakda ng mga taripa na pabor sa U.S.□ Pagtakda ng halaga ng piso sa dolyar□ Pagbigay ng karapatan sa mga mamamayang Amerikano at

kumpanya na kapantay sa karapatan ng mga mamamayang Pilipino na gamitin ang kagubatan, mineral at iba pang likas yaman

Ginamit ng U.S. ang $800M na pangakong pondo para sa pinsalang natamo ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang mapasang-ayon ang mga Pilipinong lider sa panukalang batas.

11

Gawain:Gamit ang larawan, ipaliwanag ang ideya ng neo-kolonyalismo.

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

12

HUKBALAHAPSino ba sila?

Hukbong Bayan Laban sa Hapon armadong hukbo ng Partido Komunista ng Pilipinas na lumaban

sa mga mananakop na Hapones

samahang masa > PKP > HUKBALAHAP > Hukbong Mapagpalaya ng Bayan > New People’s Army

Sanggunian

Boncan, Celestina P., et al. (2005). Kabihasnang Pilipino: Kasaysayan at Pamahalaan. QC: Vibal Publishing House, Inc.

Gripaldo, Eden M. et al. (2003). Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino. QC UP-SWF.