28
Monday June 21,2015 Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako! I.Layunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at palatastas na nabasa o narinig. II.Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking) Mga Kagamitan: sagutang papel/malinis na papel, kuwaderno, larawan ng dart board, ginupit na hugis puso Integrasyon: Media Literacy III.Pamamaraan: A.Pagganyak: Sinu-sino dito ang nakinig sa balita? Anong balita ang napakinggan ninyo? B.Paglalahad: Suriin ang larawan.Ano ang ginagawa ni Tatay? -Iparinig ang kuwentong : “Ang Balita ni Tatay Nato” C..Pagtatalakay: Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa? b. May pagkakataon bang hindi ka naniwala sa balitang iyong narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan? Ipaliwanag ang dahilan. c. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag. d. Naranasan mo na ba na mali ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa. 1 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV-Del Pilar 6:00-6:20

Lp ko ngayong june 22 26,2015

Embed Size (px)

Citation preview

Monday June 21,2015

Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!I.Layunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at palatastas na nabasa o narinig.II.Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)Mga Kagamitan: sagutang papel/malinis na papel, kuwaderno, larawan ng dart board, ginupit na hugis puso Integrasyon: Media LiteracyIII.Pamamaraan:A.Pagganyak: Sinu-sino dito ang nakinig sa balita?Anong balita ang napakinggan ninyo?B.Paglalahad:Suriin ang larawan.Ano ang ginagawa ni Tatay?

-Iparinig ang kuwentong :

“Ang Balita ni Tatay Nato”C..Pagtatalakay: Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa?b. May pagkakataon bang hindi ka naniwala sa balitang iyong narinigsa radyo o nabasa sa pahayagan? Ipaliwanag ang dahilan.c. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag.d. Naranasan mo na ba na mali ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa.e. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa balita niyang napakinggan? Ipaliwanag. 4. Pagpapahalag: Pag-usapan ang kanilang mga kasagutan. Sa bahaging ito ngpagtalakay, maging sensitibo sa kanilang mga kasagutan.5. Paglalapat: Magbigay ng inyong mga karanasan tungkol sa kuwento.IV.Pagtataya:

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOIV-Del Pilar 6:00-6:20

Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang : a. Magagawa ko ito. b. Okay, ngunit kailangan ko ng karagdagang pag-eensayo. c. Hindi ko kayang gawin ito sa kasalukuyan. Isulat ang titik ng iyong sagot sa mga nakalaang puwang. _______1. Matutukoy mo ba ang hindi tama o hindi sapat na impormasyon? _______2. Matutukoy mo ba ang hindi kompletong impormasyon? _______3. Sinusuri mo bang mabuti ang impormasyong natatanggap mo at ibinabahagi mo sa iba? _______4. Matutukoy mo ba ang mga maling impormasyon? _______5. Agad ka bang naniniwala sa mga impormasyong nabasa at narinig?

Layunin1. Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalaman sa klima ng bansaII.Paksang AralinPaksa :

Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng BansaKagamitan : globo, thermometer, malaking mapang pangklima ng Pilipinas (ilagay sa manila paper), at larawan ng takbo ng hangin kapag may bagyoSanggunian : Learner’s Material, pp. 27–37K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8III.PamamaraanA. Panimula1. Pagbalik-aralan ang nakaraang aralin tungkol sa “Ang Pilipinas ayBansang Tropikal.”a. Gamit ang globo, ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas.b. Ipasabi sa mga bata ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas samundo.c. Sabihin sa mga bata na magbigay ng patunay na ang Pilipinas ayisang bansang tropikal.2. Maghanda ng na thermometer na ipagagamit sa bawat pangkat.Itanong:a. Ano ang temperatura ng silid-aralan? ng silid na may electric fan? sa labas ng silid-aralan? b. Mataas ba ito o mababa?c. Ano ang nadarama kapag mataas ang temperatura?

2

Araling PanlipunanIV-Del Pilar 6:20-7:10IV-Bonifacio 7:10-8:00

IV-Mabini 8:00-8:50IV-Jacinto 9:40-10:30IV-Rizal 10:30-11:20

d. Ano ang nadarama kapag mababa ang temperatura?3. Magpabalita sa harapan ng klase tungkol sa klima ng bansa. Iugnayang mga kasagutan ng bata sa aralin.B. Paglinang1. Paglalahad: Itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang iba pang salik namay kinalaman sa klima ng bansa. 2.Pagtatalakay: Talakayin at pag-usapan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa:a. Temperaturab. Dami ng ulan3.Paglalahat: Ano ang mga salik na maykinalaman sa klima sa bansa? Ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa:a. Temperaturab. Dami ng ulan4.Paglalapat:Paano nagkakaroon ng bagyo sa Pilipinas?IV. Pagtataya:Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang letrang sagot.1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?A. Napakainit sa Pilipinas.

B. Napakalamig sa Pilipinas.C. Malamig at mainit sa Pilipinas.D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas.2. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas natemperatura?A. Lungsod ng TuguegaraoB. Lungsod ng TagaytayC. Lungsod ng BaguioD. Metro Manila3. Saang lalawigan nakapagtala ng pinakamababang temperatura?A. Baguio C. BukidnonB. Tagaytay D. Atok, Benguet4. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperatura ng isang lugar?A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas.B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan.D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa temperatura.5. Saan nagmumula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa?A. Dagat Kanlurang PilipnasC. Dagat Celebes B. Karagatang Pasipiko

3

D. Dagat Luzon

I. LAYUNIN: 1. Naiisa-isa ang matatagumpay na entrepreneur sa ating bansa II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Matagumpay na mga Entrepreneur sa Ating Bansa (Lucio Tan, Eduardo “Danding” Cojuangco, Lolita Hizon, Cecilio Pedro, Alfredo Yao) Sanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan: larawan ng mga entrepreneur sa ating bansa III.PAMAMARAAN: A. PAGGANYAK Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga matatagumpay na entrepreneur. Kilala ba ninyo ang mga nasa larawan? Alam ba ninyo kung ano ang kanilang mga negosyo? B. PAGLALAHAD Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo. Bawat pangkat

ay pipili ng isang entrepreneur na tatalakayin.C.Pagtatalakay: Sinu-sino ang mga matatagumpay na entrepreneur ng bansa? Anu-ano ang kanilang mga negosyong itinayo?D. PAGLALAHAT Sinu-sino ang mga matatagumpay na negosyante/ entrepreneur ng bansa? Ang ilan sa mga matatagumpay at kilalang negosyante/ entrepreneur ng bansa ay sina Lucio Tan, Eduardo “Danding” Cojuangco, Lolita Hizon, Cecilio Pedro, Alfredo YaoE.Paglalapat: Nais mo na magtayo ng isang negosyo anu-ano ang mga dapat mong tandaan?VI. PAGTATAYA: Ang sumusunod ay mga Pilipinong naging matagumpay sa buhay sa kabila ng kanilang kahirapan. Isulat ang pangalan ng mga Pilipinong naging matagumpay sa patlang na inilalarawan sa bawat pangungusap.a.Henry Sy c.Socorro Ramosb.Manny Villar d.Tony Tan Caktiong e.Lucio Tan

4

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-Jacinto 9:00-9:40IV-Del Pilar 11:20-12:00

_________1.Namatay ang ama ni Alfredo Yao nang 12 taon pa lamang siya. Dahil siya ang panganay sa anim na magkakapatid, kailangan niyang tumulong sa ina na isang sidewalk vendor._______2. Nagmula sa mahirap na pamilya kaya’t nang bata pa lang ay tumutulong-tulong na siya sa kanyang ina at lola para magtinda ng suka, saging, bakya, at iba pa sa palengke ng Sta. Cruz, Laguna. Noong nag-aaral pa siya, kapag bakasyon ay pumapasok din siya sa iba’t ibang uri ng trabaho. Tony Tan Caktiong _______3.Pinakamayamang negosyanteng Pilipino na nagmamay-ari ng Asia Brewery, Allied Bank, Philippine Airlines, at Fortune Tobacco. Siya ay galing sa mahirap na pamilya mula sa Amoy, Fujian, China. Siya ay nagtrabaho habang nag-aaral upang masuportahan ang kaniyang pamilya. ______4. May-ari ng Jollibee. Tinaguriang Best Filipino Entrepreneur. Ipinanganak siya sa Davao. Sa tatay niyang tagaluto natutuhan ang masarap na pagkain at pagiging mapagkumbaba. ______5. Nanggaling sa mahirap na pamilya. Nagtinda

sa palengke upang mapag-aral ang sarili. Nagnegosyo sa real estate na nagbebenta ng murang bahay para sa mahihirap. Siya ang may-ari ng Camella Homes. V.Takda: Magtala ng iba pang matatagumpay na entrepreneur sa ating bansa.

5

Tuesday June 22,2015

Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!I.Layunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at palatastas na nabasa o narinig.II.Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)Mga Kagamitan: sagutang papel/malinis na papel, kuwaderno, larawan ng dart board, ginupit na hugis puso

Integrasyon: Media LiteracyIII.Pamamaraan:A.Pagganyak:Anu-ano ang mga balita na inyong napakinggan ngayong araw?B.Paglalahad: Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Upang matukoy ng mga mag-aaral kung ano ang kaibahan ng mga balita, ipaliwanag muna sa kanila ang kahulugan ng magandang balita at mapanghamong balita Ang magandang balita ay ulat ng mga positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mabatid at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig o nanonood. Ang mapanghamong balita naman ay tungkol sa mga pangyayaring may

6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOIV-Del Pilar 6:00-6:20

karahasan, droga, seksuwal na hindi angkop sa batang nanonood o nakikinig.C. Pagtatalakay: Ano ang mga balitang tumataksa inyong isipan noong nagdaang araw na masasabi ninyong Magandang Balita o Mapanghamong Balita.D.Paglalahat:Ano ang kaibahan ng magandang balita mapanghamon na balita?E.Paglalapat:1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong nagdaang araw na masasabi mong Magandang Balita o Mapanghamong Balita?IV.Pagtataya; Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan at ekis (x) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel. ______ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo. ______ 2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa Pilipinas.

______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan. ______ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo. ______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita. V.Takda;Makinig ng balita sa radio

Layunin1. Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalaman sa klima ng bansa2. Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapangpangklimaII.Paksang Aralin Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng BansaAralin : Mga Uri ng Hanging na may Kinalaman sa Klima ng BansaKagamitan : globo, thermometer, malaking mapang pangklima ng Pilipinas

7

Araling PanlipunanIV-Del Pilar 6:20-7:10IV-Bonifacio 7:10-8:00

IV-Mabini 8:00-8:50IV-Jacinto 9:40-10:30IV-Rizal 10:30-11:20

(ilagay sa manila paper), at larawan ng takbo ng hangin kapag may bagyoSanggunian : Learner’s Material, pp. 27–37K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8III.PamamaraanA. Panimulang Gawain:1.Balitaan:2. Pagganyak:Anong uri nag panahon ang nararanasan natin ngayon? Bakit?3.Balik-aral:1.Balik-aralan ang nakaraang aralin tungkol sa “Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal.”a. Gamit ang globo, ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas.b. Ipasabi sa mga bata ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo.c. Sabihin sa mga bata na magbigay ng patunay na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.B.Panlinang na Gawain:1.Paglalahad Itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang iba pang salik namay kinalaman sa klima ng bansa. 2. Talakayin at pag-usapan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng

bansa:a. Temperaturab. Dami ng ulan3. Ipakita sa mga bata ang malaking mapang pangklima ng Pilipinas. Talakayin ang mga panandang ginamit sa mapa.3.Pangkatang Gawain: Gumawa ng mapang pangklima sa tulong ng pangkulay. Kulayan ng pula ang mga bahaging kabilang sa unang uri. Kulayan ng dilaw ang mga bahaging kabilang sa ikalawang uri. Kulayan ng asul ang mga bahaging kabilang sa ikatlong uri. Kulayan ng berde ang bahaging kabilang sa ikaapat na uri.5.Paglalahat:Ano ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa? Ang temperatura at dami ng ulan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa.• Ang hanging monsoon ay ang paiba-ibang direksiyon ng ihip ng hangin kung saan mainit o malamig ang lugar.• Ang hanging amihan ay malamig na hangin buhat sa hilagang-silangan.• Ang hanging habagat ay mainit na hangin buhat sa timog-kanluran.6.Pangkatang Gawain:

8

Gumawa ng mapang pangklima sa tulong ng pangkulay. Kulayan ng pula ang mga bahaging kabilang sa unang uri. Kulayan ng dilaw ang mga bahaging kabilang sa ikalawang uri. Kulayan ng asul ang mga bahaging kabilang sa ikatlong uri. Kulayan ng berde ang bahaging kabilang sa ikaapat na uri.IV.Pagtataya:Isulat sa patlang ang tamang sagot. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon

Climate change hanging amihanHanging habagat hanging monsoon temperatura

____ 1. Hanging mainit buhat sa timog-kanluran.____2. Ang hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan. ____ 3. Malamig na hangin buhat sa hilagang-silangan amihan____ 4. Paiba-ibang direksiyon ng ihip ng hangin na nakabatay kung saan ang mas mainit o malamig na lugar____ 5. Tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar.

IV.Takda: Magdala ng mapang pangklima ng Pilipinas.

I. LAYUNIN: 1. Naiisa-isa ang matatagumpay na entrepreneur sa ating bansa II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Matagumpay na mga Entrepreneur sa Ating Bansa (Socorro Ramos, John Gokongwei Jr. , Tony Tan Caktiong, Manny Villar,Henry SY, David Consunji,) Sanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan: larawan ng mga entrepreneur sa ating bansa III.PAMAMARAAN: A. Balik-aral:

9

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-Jacinto 9:00-9:40IV-Del Pilar 11:20-12:00

Sinu-sino ang mga kilalang entrepreneur n gating bansa na napag-aralan na natin? B.Pagganyak: Kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo ano ang negosyo na nais mong itayo at bakit?B. Paglalahad: Ipakita ang iba pang mga larawan ng mga kilalang entrepreneur ng bansa.Pag-usapan ang mga ito.C.Pagtatalakay: Sinu-sino ang mga matatagumpay na entrepreneur ng bansa? Anu-ano ang kanilang mga negosyong itinayo?D. PAGLALAHAT Sinu-sino ang mga matatagumpay na negosyante/ entrepreneur ng bansa? Ang ilan sa mga matatagumpay at kilalang negosyante/ entrepreneur ng bansa ay Socorro Ramos, John Gokongwei Jr. , Tony Tan Caktiong, Manny Villar,Henry SY, David Consunji.E.Paglalapat: Mayaman lang ba ang nagtatagumpay sa buhay o sa larangan ng negosyo? Para tayo ay maging matagumpay ano ang dapat nating gawin? VI. PAGTATAYA:

A. Isulat sa papel ang titik ng wastong sagot. 1. Nagsimula ang National Bookstore sa isang barong- barong, sa pamumuno ni___. a. Henry Sy c. Socorro Ramos b. Andrew Tan d. Lucio Tan 2. Ang negosyong niyang Pampanga’s Best ang nangunguna sa pagbebenta ng tocino at iba pang produktong gawa sa karne.a. Lolita Hizon c. Tony Tan Caktiong b. Alfredo Yao d. Manny Villar 3. Sinasabing isa sa mga matagumpay na negosyante sa Pilipinas. Siya ang nagmamay-ari ng Hapee toothpaste. Ang kaniyang pagiging malikhain sa paggawa ng panlinis ng ngipin ang naging susi sa kaniyang pagiging maunlad. a. Manny Villar c. Cecilio Pedro b. Tony Tan Caktiong d. Socorro Ramos 4. Siya ang punong tagapamahala ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng pagkain, inumin at iba pang produkto na may mga tanggapan pa sa China,

10

Indonesia, Malaysia, Thailand, at Vietnam. a. David Consunji c. Henry Sy b. Socorro Ramos d. Danding Cojuangco 5. Siya ang nagmamay-ari ng Philippine Airlines na pangunahing paliparan sa bansa. Siya rin ang nasa likod ng Asia Brewery at Fortune Tobacco. a. Danding Cojuangco c. Henry Sy b. Lucio Tan d. Andrew TanV.Takda:Magtala ng iba pang kilalang entrepreneur ng bansa.

Wednesday June 23,2015

Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!

Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!I.Layunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at palatastas na nabasa o narinig.II.Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)Mga Kagamitan: sagutang papel/malinis na papel, kuwaderno, larawan ng dart board, ginupit na hugis puso

11

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOIV-Del Pilar 6:00-6:20

Integrasyon: Media LiteracyIII.Pamamaraan:A.Balik-aral;Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga balitang kanilang napakinggan, ipatukoy kung ito ay magandang balita o mapanuring balita.B.Pagganyak:Paano mo nasabi na ang isang balita ay magandang balita o kaya ay mapanghamong balita?C.Paglalahad: Pagsasagawa ng mini presscon. Magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan tungkol sa simpleng pagbabalita. Pagtatanghal Ipakita ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.D.Pagtatalakay:1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa pagbabalitang isinagawa sa unahan ng unang pangkat? 2. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng kanilang loob sa pagtatanghal? Patunayan. 3. Pansinin naman natin ang ikalawang pangkat na sumulat

ng balita. Tama ba at nasa ayos ang kanilang isinulat na balita? Patunayan. 4. Paano naman nasuri ng ikatlong pangkat bilang manonood na ang kanilang nasaksihang balita ay may positibo o negatibong epekto sa mga manonood? Patunayan.E.Paglalahat:Ano ang dapat tandaan sa mga pagsusuri ng isang balita? May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o nakikinig. Subalit mayroon din naman sa paraang paninirang puri. Ang ganitong klase ng pagkakasulat o paglilimbag ay itinuturing na isang libelo.F.Paglalapat: Ngayon alam na ninyo ang pagiging mapanuri sa impormasyong narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan. Narito ang dart board, saang numero mo mailalagay ang iyong sarili sa pagiging mapanuri? Lagyan ng puso ang napiling numero. Gamitin ang inihandang larawan ng guro.

12

1-5 Hindi nasuri nang maayos ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan 6-10 Medyo nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan 11-15 Nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan 16-20 Nasuri nang buong puso at pag-iisip ang mga balita na narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan

I.Layunin1. Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalaman sa klima ng bansa2. Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapangpangklimaII.Paksang Aralin Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa

Aralin : Mga Uri ng Ulan na may Kinalaman sa Klima ng BansaKagamitan : globo, thermometer, malaking mapang pangklima ng Pilipinas(ilagay sa manila paper), at larawan ng takbo ng hangin kapag may bagyoSanggunian : Learner’s Material, pp. 27–37K to 12 – AP4AAB-Ie-f-8III.PamamaraanA. Panimulang Gawain:1.Balitaan:2. Pagganyak:Anong uri nag panahon ang nararanasan natin ngayon? Bakit?3.Balik-aral: Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng hanging na nagiging sanhi ng pabago-bagong klima?B.Panlinang na Gawain:1.Paglalahad: Ipakita ang mapang pangklima ng bansa.Pag-aralan at pag-usapan ang mapang pangklima ng Pilipinas.2.Pagtatalakay: Ano ang isa pang salik na may kinalaman sa klima ng bansa? Anu- ano ang apat na uri ng ulan na nararanasan sa bansa?

13

Araling PanlipunanIV-Del Pilar 6:20-7:10IV-Bonifacio 7:10-8:00

IV-Mabini 8:00-8:50IV-Jacinto 9:40-10:30IV-Rizal 10:30-11:20

Anu-anong mga lalawigan ang nakakaranas ng unang uri ng pag-ulan, kalahating taon ng tag-araw at tag-ulan? 3. Paglalahat?Ano ang apat na uri ng ulan ang nararanasan sa bansa? May apat na uri ang klima sa Pilipinas ayon sa dami ng ulan.Unang Uri kalahating taon ng tag-araw at tag-ulanIkalawang Uri umuulan sa buong taonIkatlong Uri nmaulan at may maikling panahon ng tag-arawIkaapat na uri-pantay pantay ang dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon.4. Paglalapat;Bakit may mga lalawigan sa bansa na nakararanas ng maulang klima sa buong taon? Nais mo bang manirahan sa lugar na ito? Bakit?IV.Pagtataya;Isulat sa patlang kung anong uri ng klima ang nararanasan ayon sa dami ng ulan._________1. – may anim na buwan ng tag-araw at anim na buwan ng tag-ulan_________2. – umuulan sa buong taon_________3. – maulan at may maikling panahon ng tag-araw_________4 pantay-pantay ang dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon.

_________5.Saan kadalasan nagsisimula ang mga bagyong nararanasan sa Pilipinas?

I. LAYUNIN: 1. Naiisa-isa ang matatagumpay na entrepreneur sa ating bansa II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Matagumpay na mga Entrepreneur sa Ating BansaSanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan: larawan ng mga entrepreneur sa ating bansa III.Pamamaraan:A.Panimulang Gawain:A. Balik-aral: Balik-aralan ang mga matagumpay entrepreneur ng bansa. B.Paglalahad:Pag-usapang muli ang mga naging matagumpay na entrepreneur ng bansa.C.Pagtatalakay: Sinu-sino ang mga matatagumpay na entrepreneur ng bansa?

14

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-Jacinto 9:00-9:40IV-Del Pilar 11:20-12:00

Anu-ano ang mga ginawa nila upang sila ay maging matagumpay?D.Paglalahat?IV.Pagtapat-tapatin: Paghambingin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno. Hanay A Hanay B 1. Danding Cojuangco A. Aklatan 2. Socorro Ramos B. Konstruksiyon at power plant 3. Lucio Tan C. Sa pananalapi, kemikal na galing sa petrolyo 4. Henry Sy D. Panlinis ng ngipin 5. David Consunji E.Pinakanangungunang bangko sa bansa 6. Tony Tan Caktiong F. Juice 7. Alfredo Yao G. Kainan hango sa Bee 8. Cecilio Pedro H. Produkto gawa

sa karne 9. John Gokongwei Jr. I. Pinakamalaking korporasyon ng pagkain 10. Lolita Hizon J. Pinakaunang kompanya ng eroplano

Thursday June 24,2015

15

Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!I.Layunin: Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at palatastas na nabasa o narinig.II.Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)Mga Kagamitan: sagutang papel/malinis na papel, kuwaderno, larawan ng dart board, ginupit na hugis puso Integrasyon: Media LiteracyIII.Pamamaraan:A.Pagganyak: Ano ang maaring mangyari sa iyo kung ikaw ay magkakalat ng mapanirang balita?B.Paglalahad:-Ipaliwanag ng guro ang nilalaman ng Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas.-Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, ang mga elemento ng libelo ay ang: 1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa iba;

2. paglalathala ng mga bintang; 3. pagkakakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at 4. pagkakaroon ng masamang hangarin.C.Pagtatalakay: Anu-ano ang nilalaman ng Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas? D.Paglalahat: Ano ang maaring mangyari sa mga taongnagsusulat, naglalathala naglalalathala, nag eeksibit ng mga mapanirang balita? Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit, o maging sanhi ng anumang paninira ay magiging responsable.E.Paglalapat:May narinig ka na isang mabalita agad mo ba itong paniniwalaan? Bakit?IV.Pagtataya:Lagyan ng tsek (P) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan at ekis (û) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel. ______ 1. Agad kong pinaniniwalaan ang mga balitang aking naririnig.. ______ 2.Hindi na ako nakikinig

16

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOIV-Del Pilar 6:00-6:20

sa mga balita dahil lahat naman ay walang katotohanan. ______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan. ______ 4. Agad kong ipinagkakalat ang isang balita na aking narinig kahit wala akong sapat na basehan kung ito nga ba ay totoo o hindi______ 5.Hindi ko naisasagawa ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.V.Takda: Humanda sa isang maikling pagsusulit

I. LAYUNIN: 1. Naiisa-isa ang matatagumpay na entrepreneur sa ating bansa II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Matagumpay na mga Entrepreneur sa Ating Bansa (Socorro Ramos, John Gokongwei Jr. , Tony Tan Caktiong, Manny Villar,Henry SY, David Consunji,) Sanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan:

larawan ng mga entrepreneur sa ating bansa III.PAMAMARAAN: A. Balik-aral: Sinu-sino ang mga kilalang entrepreneur n gating bansa na napag-aralan na natin? B.Pagganyak: Kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo ano ang negosyo na nais mong itayo at bakit?B. Paglalahad: Ipakita ang iba pang mga larawan ng mga kilalang entrepreneur ng bansa.Pag-usapan ang mga ito.C.Pagtatalakay: Sinu-sino ang mga matatagumpay na entrepreneur ng bansa? Anu-ano ang kanilang mga negosyong itinayo?D. PAGLALAHAT Sinu-sino ang mga matatagumpay na negosyante/ entrepreneur ng bansa? Ang ilan sa mga matatagumpay at kilalang negosyante/ entrepreneur ng bansa ay Socorro Ramos, John Gokongwei Jr. , Tony Tan Caktiong, Manny Villar,Henry SY, David Consunji.E.Paglalapat: Mayaman lang ba ang nagtatagumpay sa buhay o sa larangan ng negosyo?

17

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-Jacinto 9:00-9:40IV-Del Pilar 11:20-12:00

Para tayo ay maging matagumpay ano ang dapat nating gawin? VI. PAGTATAYA: A. Isulat sa papel ang titik ng wastong sagot. 1. Nagsimula ang National Bookstore sa isang barong- barong, sa pamumuno ni___. a. Henry Sy c. Socorro Ramos b. Andrew Tan d. Lucio Tan 2. Ang negosyong niyang Pampanga’s Best ang nangunguna sa pagbebenta ng tocino at iba pang produktong gawa sa karne.a. Lolita Hizon c. Tony Tan Caktiong b. Alfredo Yao d. Manny Villar 3. Sinasabing isa sa mga matagumpay na negosyante sa Pilipinas. Siya ang nagmamay-ari ng Hapee toothpaste. Ang kaniyang pagiging malikhain sa paggawa ng panlinis ng ngipin ang naging susi sa kaniyang pagiging maunlad. a. Manny Villar c. Cecilio Pedro b. Tony Tan Caktiong d. Socorro Ramos 4. Siya ang punong tagapamahala ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon

ng pagkain, inumin at iba pang produkto na may mga tanggapan pa sa China, Indonesia, Malaysia, Thailand, at Vietnam. a. David Consunji c. Henry Sy b. Socorro Ramos d. Danding Cojuangco 5. Siya ang nagmamay-ari ng Philippine Airlines na pangunahing paliparan sa bansa. Siya rin ang nasa likod ng Asia Brewery at Fortune Tobacco. a. Danding Cojuangco c. Henry Sy b. Lucio Tan d. Andrew TanV.Takda:Magtala ng iba pang kilalang entrepreneur ng bansa.

Friday June 25,2015

Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!I.Layunin:

18

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOIV-Del Pilar 6:00-6:20

Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan at palatastas na nabasa o narinig.II.Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)Mga Kagamitan: sagutang papel/malinis na papel, kuwaderno, larawan ng dart board, ginupit na hugis puso Integrasyon: Media LiteracyIII.Pamamaraan:A.Pagganyak:Dapat ba ang balita na naririnig ay agad-agad na pinaniniwalaan? Bakit?B.Paglalahad:Bigkasin nang may lakas, sigla, at damdamin ang tula sa ibaba.

Mapanuri AkoMapanuri ako sa aking

pinakikinggan Balita man o sabi-sabi lamang

O anumang pinag-uusapanDapat kong suriin at

pahalagahan.

Hindi ikinakalat ang anumang usapan

Na walang patunay o ebidensiya man ‘Wag nang

ihatid sa iba para di-makasuhan

Upang maayos ang tunay na balitaan.

Ang mabuting pagninilay sa katotohanan

Hatid ay saya at di demanda ang patutunguhan

Kaya dapat lamang na mapanuri sa napakinggan

Tamang impormasyon ilabas nang tuluyan.

Pagkatao mo’y babantayog sa katotohanan

Kung tamang impormasyon ang iyong ipahayag

Mapanuri ako sa bawat minuto at oras Dahil iyan ang salamin ng pusong busilak.

C.Pagtatalakay; Pag-usapan ang nais ipahiwatig ng tula.D.Paglalahat: Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay tumutulong sa atin para makuha, malaman, at maunawaan natin ang tamang impormasyon.E.Paglalapat:Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig na balita sa radyo o nabasa sa pahayagan. Isulat ito sa isang malinis na papel. Halimbawa: Ako, si _______________________ ay

19

nangangako at naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko ito paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa pagkakaaroon ng maayos na pamayanan. Magiging modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang pinapanigan kundi ang katotohanan lamang. Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.

________________ Lagda ng Mag-aaral

V.Takda: Humanda sa isang maikling pagsusulit

I. LAYUNIN: 1. Naiisa-isa ang matatagumpay na entrepreneur sa ating bansa II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Mga Elemento ng TagumpaySanggunian:

Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan: larawan ng mga entrepreneur sa ating bansa III.Pamamaraan:A.Panimulang Gawain:A. Balik-aral: Ipatukoy muli ang mga matagumpay na mga Entrepreneur sa ating bansaB.Pagganyak: Nais mo na magtayo ng isang negosyo, paano mo ito sisimulan? Anu-ano ang mga dapat mong gawin upang ikaw ay magtagumpay?C.Paglalahad:Ipabasa ang mga sumusunod.Ayon kay Dr. Stephen Krauss, dapat nating tandaan ang limang elemento ng tagumpay. 1. VISION – marapat na ating tukuyin kung ano ang gusto nating marating sa buhay. 2. ESTRATEHIYA – upang matupad natin ang ating pangarap sa buhay ay dapat na mayroon tayong malinaw na plano at tutunguhin sa ating pangarap. 3. PAGTITIWALA SA SARILI – kailangan nating magkaroon ng paniniwala sa sarili nating kakayahan. Dapat nating alamin ang magaganda nating katangian na tutulong sa atin

20

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-Jacinto 9:00-9:40IV-Del Pilar 11:20-12:00

upang makamit natin ang ating pangarap sa buhay. 4. PAGTITIYAGA – “Kung may tiyaga, may nilaga.” Ito ang kasabihan na dapat nating tandaan. Ang mga kasawian natin sa buhay ay dapat na hindi maging dahilan upang panghinaan ng loob. Ipagpatuloy natin ang pagtitiyaga dahil ito ay susi sa tagumpay. 5. PAGTUTUWID SA PAGKAKAMALI – Kailangang matuto sa mga naging maling hakbang at isagawa ang mga pagtatama sa pagkakamali.D.Pagtatalakay:Anu-ano ang mga elemento na dapat nating tandaan upang tayo ay magtagumpay sa laranmgan ng negosyo na nais nating itayo?E.Paglalahat: Ano ang dapat nating tandaan upang tayo ay maging matagumpay kahit tayo ay mahirap lamang? Hindi sagabal ang kahirapan upang maging matagumpay sa buhay. Maaaring indibidwal o sama-samang pagkilos ang susi sa tagumpay. Ang tagumpay ay hindi batay sa suwerte kundi sa ilang hakbang na maaaring gawin ng indibidwal o grupo.F.Paglalapat:

May mga maidaragdag ka bang elemento na iyong natutuhan sa mga kuwentong iyong nabasa? Magbigay ng tatlo: 1._____________________________ 2._____________________________3._____________________________IV.Pagtataya: A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa malinis na papel. 1. Ito ay tumutukoy sa pagtupad ng ating gustong marating sa buhay. a. Estratehiya c. Vision b. Pagtitiwala sa Sarili d. Pagtitiyaga 2. Ito ang kasabihan na dapat nating tandaan. Ang mga kasawian natin sa buhay ay dapat na hindi maging dahilan upang panghinaan ng loob. Ipagpatuloy natin ang pagtitiyaga dahil ito ay susi sa tagumpay. a. Pagtitiyaga c. Pagtitiwala sa Sarili b. Vision d. Pagtuwid sa Pagkakamali 3. Isang katangiang maganda na tutulong sa atin upang makamit natin ang ating pangarap sa buhay. a. Vision c. Pagtitiwala sa Sarili b. Estratehiya d. Pagtitiyaga 4. Ito ay pagkatuto sa mga maling hakbang at maisasagawa ang mga pagtatama sa pagkakamali. a. Pagtitiyaga c. Pagtitiwala sa Sarili b. Vision d. Pagtutuwid sa Pagkakamali 5. Kailangan nating magkaroon ng paniniwala sa sarili nating kakayahan. Dapat nating alamin ang magaganda nating katangian na tutulong sa atin upang makamit ang ating pangarap sa buhay.

21

a. Pagtitiyaga c. Pagtitiwala sa Sarili b. Vision d. Pagtuwid sa Pagkakamali V.Takda:Humanda sa isang maikling pagsusulit

Friday July 3,2015

I.Layunin:Nasasgutan nang wasto at matapat ang maikling pagsusulitII.Paksang Aralin:Lagumang PagsusulitKagamitan:test notebook

22

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOIV-Del Pilar 6:00-6:20

III.Pamamaraan;1.Pagbasa ng Panuto2.Pagbibigay ng pamantayan3.Pagsusulit4.Pagwawasto

I.Layunin:Nasasgutan nang wasto at matapat ang maikling pagsusulitII.Paksang Aralin:Lagumang PagsusulitKagamitan:test notebookIII.Pamamaraan;1.Pagbasa ng Panuto2.Pagbibigay ng pamantayan3.Pagsusulit4.Pagwawasto

I.Layunin:Nasasgutan nang wasto at matapat ang maikling pagsusulitII.Paksang Aralin:

Lagumang PagsusulitKagamitan:test notebookIII.Pamamaraan;1.Pagbasa ng Panuto2.Pagbibigay ng pamantayan3.Pagsusulit4.Pagwawasto

23

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-Jacinto 9:00-9:40IV-Del Pilar 11:20-12:00

Araling PanlipunanIV-Del Pilar 6:20-7:10IV-Bonifacio 7:10-8:00

IV-Mabini 8:00-8:50IV-Jacinto 9:40-10:30IV-Rizal 10:30-11:20