Click here to load reader

Kabihasnang Greek

  • View
    892

  • Download
    12

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Hello Friends. :) Please watch and Pa-Comment naman please. #FS4

Text of Kabihasnang Greek

  • 1. Ang Panahong Hellenic (800 B. C. E. 338 B. C. E. ) Hellene Katawagan ng mga Greek sa kanilang mga saril Hango ito sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece.
  • 2. Panahong Hellenic Ang panahon ng kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B. C. E.
  • 3. Ang Polis Polis Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece na itinuturing na lungsod-estado o city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan ang bawat-isa at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa iisang lungsod.
  • 4. Acropolis Ang pinakamataas na na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang kanilang mga templo.
  • 5. Agora Isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao.
  • 6. Athens: Isang Demokratikong Polis Athens at Sparta Dalawang malakas na lungsod-estado na kalaunan ay naging tanyag sa Greece. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens samantalang ang Sparta naman ay sinakop ang mga karatig na rehiyon nito.
  • 7. Oligarkiya o Oligarchy Isang uri ng pamahalaan na binuo ng mga taga-Athens kung saan ang pamumuno ay hindi sentralisado at sa halip ay binubuo ng isang lupon ng mga dugong-bughaw upang palitan ang hari.
  • 8. Oligarkiya o Oligarchy Mula 594 B. C. E., pinalawig nina Solon, Pisistratus at Cleisthenes ang pamahalaan ng nakararami o democracy. Council of 400 Binubuo ng tig-100 kinatawan mula sa apat na pangunahing tribu ng Athens na nilikha ni Solon.
  • 9. Ostracism Sinimulan ang sistemang ito sa panahon ni Cleisthenes. Pinahintulutan ng sistemang ito ang mga mamamayan an palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib sa Athens.
  • 10. Direct Democracy Sistema ng pamamahala kung saan direktang kabahagi ang mga taga-Athens sa pagpili ng kinatawan at maaari rin silang manungkulan.
  • 11. Pericles Sa panahon niya naranasan ng Athens ang tugatog ng demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.
  • 12. Sparta: Isang Mandirigmang Polis Higit na binigyang halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at magagaling na sundalo. Nanatili rin ang Sparta sa pagkakaroon ng pamahalaang Oligarkiya.
  • 13. Ang Banta ng Persia Cyrus the Great Noong 546 B. C. E., sinalakay niya ang Lydia sa Asia Minor. Humalili sa kanya kalaunan ang anak niya na si Darius I.
  • 14. Ang Digmaang Graeco Persian (499 B. C. E. 479 B. C. E. ) Xerxes Anak ni Darius tinangkang pabagsakin ang Athens. Noong 480 B. C. E., tinalo ng kanyang hukbo ang pwersa ng Sparta sa Thermopylae.
  • 15. Ang Digmaang Peloponnesian (431 B. C. E. 404 B. C. E. ) Delian League Isang malawak na pederasyon ng mga lungsod-estado sa Greece na pinagbuklod sa pangunguna ng Athens.
  • 16. Noong 431 B. C. E., sumiklab ang Digmaang Peloponnesian. Dito, nagsama-sama ang mgfa lungsod-estado sa Peloponnesus. Pinili nila ang Sparta upang pamunuan sila laban sa Athens.
  • 17. Noong 404 B. C. E., tinalo ng Sparta ang Athens. Nagpatuloy ang alitan sa ibat ibang lungsod- estado at bumagsak ang pamumuno ng Sparta sa Labanang Leuctra noong 371 B. C. E. Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na mahina at watak-watak.
  • 18. Imperyong Macedonian (336 B. C. E. 263 B. C. E. ) Philip II Hari ng Macedonia na nagnais na pag-isahin ang ang mga lunsgod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala.
  • 19. Alexander the Great Naging tanyag na lider ng Macedonia na anak ni Philip II. Noong 334 B. C. E., pinangunahan niya ang isang hukbo na lumusob sa Kanlurang Asya.
  • 20. Prepared by: Ms. Anne Rose M. de Asis