25
Aralin 19 Patakaran ng Pananalapi Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/sirarnelPHhistory Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Aralin 19

Patakaran ng PananalapiInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

Page 2: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)• Ito ay may kinalaman sa pamamahala o

pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tiyakin na magiging matatag ang buong ekonomiya.

• Ang mga institusiyon ng pananalapi ang may malaking pananagutan sa pagpapatupad ng patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Page 3: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)• Ang patakaran sa pananalapi ay isang

sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy.

Page 4: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Expansionary Money Policyaka easy money policy• Kapag ang layunin ng pamahalaan ay

mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary money policy.

• Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang mga negosyo

Page 5: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Contractionary Money Policyaka tight money policy• Layunin nito na mabawasan ang paggasta

ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. • Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan

din ang produksiyon.• Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo

at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya.

• Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang implasyon.

Page 6: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga bilang central monetary authority ng bansa.

• Ito ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi. Ang mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa pananalapi, pagbabangko at pagpapautang ay nagmumula sa BSP.

Page 7: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Institusyon ng Pananalapi

• Ito ang pangunahing institusyon na inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa paglikha, pagsu-supply, pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya.

• Nahahati ito sa dalawang uri; ang bangko at di-bangko.

Page 8: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

A. Bangko• Isang uri ng institusyong

pampananalapi na tumatanggap at lumilikom na labis na salapi na iniimpok ng tao at pamahalaan.

• Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga taong may labis na salapi at mga negosyanteng namumuhunan sa bansa.

Page 9: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Top 10 Banks in the Philippines

1. BDO, Banco De Oro (# 1 in assets, deposits, loans and capital)

2. BPI, Bank Of The Philippine Islands (# 2 in deposits and loans,  #3 in assets and capital,

3. Metrobank ( #2 in assets and capital, #3  in deposits and loans

4. Landbank of the Philippines ( #4 in assets, deposits, loans and capital)

5. RCBC, Rizal Commercial Banking Corp. (#5 in assests, #6 in deposits, loans and capital)

Page 10: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Top 10 Banks in the Philippines

6. PNB, The Philippine National Bank (#7 in assests, deposits, and loans. #10 in capital.)

7. China Bank, Philippines (#5 in deposits and loans. #8 in assests and capital.) 

8. UnionBank ( #5 in capital, #8 in deposits, #9 in assets and #10 in loans.)

9. DBP, Development Bank of the Philippines (#6 in assets and capital. #9 in deposits and loans.)

10. Security Bank (#8 in loans, #9 in capital, #10 in assests)

Page 11: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Mga Uri ng Bangko 1. Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) – ito ay

tinatawag din sa savings bank na humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng kanilang kita. • Savings and Loan Association – nagpapahiram ng salapi

at tumatanggap ng impok na pera ng mga kasapi nito • Private Development Bank – tumatanggap ng deposito ng

mga mamamayan na nagagamit sa pagpaphiram ng mga puhunan sa mga small ang medium scale industries.

• Savings and Mortage Bank – humihikayat din sa tao na mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda sa pangungutang ng puhunan.

Page 12: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

2. Bangkong Komersyal (Commercial Bank) – Ito ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-iimpok at mga negosyante at kapitalista.

3. Bangkong Rural (Rural Bank) – mga bangko na ngalalayong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan.

4. Trust Companies – bangko na nangangalaga sa mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions.

Page 13: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

5. Mga Espesyal na Bangko Land Bank of the Philippines –

itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.

Page 14: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

5. Mga Espesyal na Bangko Development Bank of the Philippines

(DBP) – ito ang nagbibigay tulong pinansyal sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na magpapaunlad ng pangunahing sektor ng ekonomya, ang agrikultura at industriya.

Page 15: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

5. Mga Espesyal na Bangko Al-Amanah Islamic Investment Bank

of the Philippines (Al-Amanah) – Itinatag ito sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Page 16: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay mapakinabangan.

B. Mga Institusyong Di-Bangko

Page 17: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Kooperatiba• Ito ay isang kapisanan na binubuo

ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.

• Para maging ganap na lehitimo ang isang kooperatiba, kailangan itong irehistro sa Cooperative Development Authority (CDA).

• Ang mga kasapi sa isang kooperatiba ay nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan, at iba pang benepisyong mula sa kita ng kooperatiba.

Page 18: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Pawnshop (Bahay-Sanglaan) • Itinatag ito upang magpautang sa mga

taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko. Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahahalagang ari-arian tulad ng alahas at kasangkapan (tinatawag na kolateral) kapalit ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang interes.

Page 19: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Pension Funds

• Pag-IBIG Fund – Pagtutulungan sa kinabukasan – Ikaw, Bangko Industriya at Gobyerno ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito na magkaroon ng sariling bahay.

Page 20: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Pension Funds

• Government Service Insurance System (GSIS) – Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan.

Page 21: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Pension Funds

• Social Security System (SSS) – Ito ang nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong industriya at kompanya.

Page 22: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Pre-Need Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans.

Page 23: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

Insurance Companies (Kompanya ng Seguro) Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.

Page 24: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

• Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok sa

bangko sa buhay ng tao? Paano ito

nakakatulong sa kanyang pag-unlad.

PAGPAPAHALAGA

Page 25: K-12 Aralin 19 patakaran ng pananalapi

References:

• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

• http://www.philippinesplus.com/2013/08/21/top-ten-banks-in-the-philippines/