24
Ikalawang Digmaang Pandaigdig Noel Rea VIII-Mailer

Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

  • Upload
    reanoel

  • View
    2.088

  • Download
    39

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Noel ReaVIII-Mailer

Page 2: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban.

Page 3: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Dahilan ng Digmaan

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya noong 1918. Naniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan. Sila ay ginamit pambayad ng pera sa Britanya at Pransya na nagwagi sa digmaan.

Page 4: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Ang mga Hapones ay tumulong talunin ang Amerika. Naramdaman nila na karapatan nilang magpalawak ng kapangyarihan sa Asya. Ngunit pinigilan sila ng Pinag-isang Kaharian at Estados Unidos.

Page 5: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Pagsikat ng mga Diktador

Noong mga 1930, sinimulan ng mga pinunong militar ng Hapon ang pananakop sa mga bahagi ng Tsina at iba pang bansang Asyano. Nasakop ng Hapon ang Manchuria noong 1931. Nang malaman ito ng League of Nations, umalis ang Hapon at lumawak ang imperyo sa labas ng bansa.Ang Alemanya ay napasakamay ng partidong Nazis noong 1933.

Page 6: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Ang kanilang pinuno ay si Adolf Hitler. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Jews. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar

Page 7: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Digmaan sa Europa

Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland, isang lugar sa Tseka. Nakipagsunduan rin siya kay Joseph Stalin para magtulungan at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong Setyembre 1,1939, nagdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransya. Ang uri ng digmaang ito ay tinawag na ''blitzkrieg'' o digmaang kidlat dahil sa bilis nito. Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda, at Pransya ay bumagsak sa kamay ng blitzkrieg.

Page 8: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Nanatiling malaya ang Britanya. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa. Noong Agosto 12, 1940, binomba ng Alemanya ang katimugang baybayin ng Inglatera. Pinagsamasama ni Punong Ministro Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensyon, ang radar, na ginamit para malaman kung may hukbong panghimpapawid papunta sa bansa. Di nasakop ng Germany ang Britanya.

Page 9: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Noong Hunyo, 1941, tinapos na ni Hitler ang pananakop sa Britanya para simulan ang pananakop sa Unyong Sobyet. Ayon sa mga historiko, ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler. Gusto niya ng bakanteng lugar para sa mga German at makontrol ang kayamanan ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang pinakamakapangyarihang karibal na si Joseph Stalin.

Page 10: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Umaabot sa tatlong milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga Germans. Nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan.

Page 11: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Noong Hunyo 6, 1944, ang paglumunsad ng mga sundalong Amerikano, Briton at Kanadyano ay nagsimula ng pagsakalay sa Normandy, Pransya ay lumaban ng mga sundalong Aleman. Ang mga puwersang Kakampi sa tulong ng mga sundalong Pranses sa Normandy ay nagsimula ng pagpapalaya sa Pransiya, ang operasyon na ito ay itinawag na D-Day o Operasyong Overlord.

Page 12: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi.

Page 13: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Digmaan sa Asya

Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong Disyembre 3, 1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng giyera laban sa Estados Unidos.

Page 14: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa rin nila ang pag-atake. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at Jorge Vargas.

Page 15: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang USAFFE at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. Wainwright.

Page 16: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Lumakas ang pwersa ng mga Hapon at nasakop lahat ng mga lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, French Indochina, Myanmar, Malaya, Dutch East Indies, at ang Pilipinas.

Page 17: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte.

Page 18: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang Marso 3, 1945 ay nilusob ng magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong Hapones.

Page 19: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945.

Page 20: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Look ng Tokyo, Hapon.

Page 21: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Davies, Norman (2008). No Simple Victory: World War II in Europe, 1939–1945. New York: Penguin Group. ISBN 0-14-311409-3.

http://library.thinkquest.org/10927/sumww2.htm

http://www.history.com/topics/world-war-ii

References:

Page 22: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

Mga Tanong!!!!!!

• 1)Sino ang taong ito?

• Sagot:Adolf Hitler

• 2)Ano ang uri ng digmaang sa Europa?• Sagot: ''blitzkrieg'' o digmaang kidlat dahil sa

bilis nito.

Page 23: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

• 3) Kailan binomba ng Almenya ang katimugang baybayin ng Inglatera?

• Sagot: Agosto 12, 1940• 4)Ilang sundalo ang pinasugod ni Hitler sa

Rusya?• Sagot:Tatlong Milyon• 5) Anong mga lugar ang binomba noong

Setyembre 2, 1945?• Sagot:Nagasaki at Hiroshima

Page 24: Ikalawang Digmaang Pandaigdig "Digmaang Asya"

To download this file, go to:To download this file, go to:

• http://www.slideshare.net/ReaNoel