Upload
liza-alejandro
View
2.412
Download
417
Embed Size (px)
Citation preview
KARD NG TALENTOMahilig kumanta Magaling na lider Mahusay
umarte
Maibigin sa pag-aalaga ng hayop
Mabilis magbilang o magkuwenta(math)
Kilala sa paglalaro ng basketbol
Magaling magsayaw Gumagawa nang nag-iisa
Mahilig sa pagguhit
Tumutugtog ng instrumento
Magaling tumula Palabasa ng kuwento
Ano ang pangngalan?
Pagbabalik-Aral
Pangngalan – tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook.
PANGNGALAN
Pangngalang Tiyak o Pantangi
Pangngalang Pambalana
Jill mag-aaralBb. Verde guroDr. Cruz doktor
Farmer’s Market palengkeNestle Fresh Milk gatas
KAYARIAN NG PANGNGALAN
1. PAYAK- mga salitanng binubuo lamang ng salitang-ugat.
Halimbawa:putol kalat lapis
asal pera isda
KAYARIAN NG PANGNGALAN
2. Maylapi- mga salitang binubuo ng salitang-ugat at panlapi
-matatagpuan ang panlapi sa unahan, sa gitna at sa hulihan ng salita.
PANLAPI- ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.HALIMBAWA: umalis, ipakain
umulan, ipalinis
KAYARIAN NG PANGNGALAN
GITLAPI- mga panlaping inilalagay sa gitnaHalimbawa: sumulat, bumasa
HULAPI- mga panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitaHalimbawa: alagaan
samahan
KAYARIAN NG PANGNGALAN
3. Inuulit- mga salitang inuulit- maaaring kabuuan o bahagi lamang
ng salita ang inuulit2 URI NG SALITANG INUULIT
Ganap na inuulit- buong salita ang inuulitHalimbawa: sama-samasari-sari araw-araw
KAYARIAN NG PANGNGALAN
Di-ganap na Inuulit- bahagi lamang ng salita ang inuulit
Halimbawa:Kasa-kasamakabi-kabila aalis
KAYARIAN NG PANGNGALAN
4. Tambalan- nakabubuo ng isang salita kapag pinagsama ang dalawang salitang magkaiba ang kahulugan.
2 URI NG TAMBALANGanap na Tambalan- kapag ang dalawang salitang pinagtambal ay nagkakaroon ng isang kahuluganHalimbawa: bahaghari, balat sibuyas, pusong mamon
KAYARIAN NG PANGNGALAN
Di-ganap na Tambalan- kapag ang dalawang salitang pinagtambal ay ginagamitan ng gitling.
Halimbawa: anak-pawis anak-mayamanngiting-aso silid-aralan
PANGKATANG GAWAIN
Paramihan ang apat na pangkat ng maitatala na mga halimbawa ng kayarian ng Pangngalan.
Ang matatalo sa gawain na ito ay kinakailangan gamitin sa pangungusap
ang mga halimbawa ng ibinigay ng 3 pangkat.
PAGSANAYAN MOA. Isulat sa patlang kung anong kayarian ng
salita ang mga sumusunod.______ 1. hari______ 2. yupi-yupi
______ 3. tubo ______ 4. sambahayan ______ 5.uurong
PAGSANAYAN MO______ 6. sampay______ 7. patay-gutom______ 8. takip-silim______ 9. pangulong-bayan
______ 10. paris-paris
PAGSANAYAN MOBumuo ng salita gamit ang (Kayarian at
salitang-ugat) sa panaklong at gamitin ito sa pangungusap.
1.(maylapi, ganda)2. (tambalan, puno, kahoy)3. (tambalan, lupa, hampas)4.(payak, lanta)5. (maylapi, kaba)
PAGSANAYAN MO6. (maylapi, kita)7. (payak, kalat)8. (tambalan, kuskus, balungos)9. (maylapi, alipusta)
10. (tambalan, kathang, buhay)
Itala ang mga mababanggit na Pangngalan sa talata.Isang malalim na gabi napagmasdan kita. Hindi ako
makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng kapatid ko. Pinilit kitang hulihin ngunit di ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa akin umaali-aligid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip.
GAMIT NG PANGNGALAN SA PANGUNGUSAP
1.Simuno - Ito ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.Halimbawa:Sina Ranie at Nelia ay nagpunta sa Cebu.Umawit si Sarah ng kundiman.
GAMIT NG PANGNGALAN SA PANGUNGUSAP
2. Kaganapang Pansimuno - Ito ang mga pangngalang nsa bahaging panaguri. Ang simuno at kaganapang pansimuno ay tumutukoy sa iisang tao,bagay,lugar, o pangyayari.
Halimbawa:-Sina Ranie at Neliaay pabaya
na magulang.-Si Sarah ay isang mang-aawit.
GAMIT NG PANGNGALAN SA PANGUNGUSAP
3. Tuwirang layon - Ito ay pangngalang tumatanggap sa kilos ng pandiwa at tumutugonsa tanong na ano.Halimbawa:
Sumulat si Sally ng liham-pasasalamat sa kanyang tita.Si Ate ay nagbabasa ng libro
GAMIT NG PANGNGALAN SA PANGUNGUSAP
4. Di-Tuwirang Layon - Ito ay pinag-uukulan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.Halimbawa:Siya ay nag-abot ng pera sa mga pulubi.Si Juliana ay bumili ng gamot sa botika.
GAMIT NG PANGNGALAN SA PANGUNGUSAP
5. Panawag - Ito ay ginagamit na panawag sa pangungusap.Halimbawa:Gweneth, kumain ka na ba?Princess, halika na!
PANGKATANG GAWAIN
• Gumawa ng skrip ang bawat pangkat na naglalaman ng mga gamit ng pangngalan.
PAMANTAYANPanukatan Bahagdan
Paggamit ng Pangngalan sa pagsasatao
50%
Maayos na pananalita
25%
Pang-akit sa madla 25%
Kabuoan 100%
Panukatan Bahagdan PANGKAT 1
PANGKAT 2
PANGKAT 3
PANGKAT 4
Paggamit ng Pangngalan sa pagsasatao
50%
Maayos na pananalita
25%
Pang-akit sa madla
25%
Kabuoan 100%
TAKDANG ARALIN
A. Ibigay ang maylapi, inuulit at tambalang anyo ng mga payak na salita at gamitin ang lahat ng ito sa pangungusap.
PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN
1. Bahay
2. Dugo
3. Anak
4. Pantay
5. balita
TAKDANG ARALIN
2. Magbasa ng mga impormasyon tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal
3. Basahin at unawain ang isang pagsasalaysay na may pamagat na “Si Jose Rizal at ang Saranggola.”