30
ANG PAGSASALIT A “Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.”

[Fil] pagsasalita

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: [Fil] pagsasalita

ANG PAGSASAL

ITA“Ang isang taong epektib na

magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling

nakakakuha ng respeto ng ibang tao.”

Page 2: [Fil] pagsasalita

PAGSASALITAo Kakayahan at kasanayan ng

isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap

o Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas

Page 3: [Fil] pagsasalita

“Lahat ng mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng

daidig ay may mataas ng antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan

upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod.”

KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA

Page 4: [Fil] pagsasalita

KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA

Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita

Nagiging kasangkapan sa pagkaunawaan ng mga tao

Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig

Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan

Page 5: [Fil] pagsasalita

SALIK SA EPEKTIBONG PAGSASALITA

“Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki

sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang

impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong

proseso ng komunikasyon”.

Page 6: [Fil] pagsasalita

KAALAMAN“Upang maging isang epektib na

tagapagsalita, kailangang may sapat kangkaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.”

Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan.

Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika.

Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng iyong kausap.

Page 7: [Fil] pagsasalita

KASANAYAN“Ang pagsasalita ay isa sa apat na

makrong kasanayan kung kaya’t ito ayisang kasanayang maaaring linangin.”

Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.)

Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di-berbal.

Page 8: [Fil] pagsasalita

Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

Page 9: [Fil] pagsasalita

TIWALA SA SARILIAng isang taong walang tiwala sa

sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.

Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko.

Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe.

Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.

Page 10: [Fil] pagsasalita

MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

“Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng

kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y sa

kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig

sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang

tagapakinig sakanya”.

Page 11: [Fil] pagsasalita

TINIGPinaka mahalagang puhunan sa

isang nagsasalita.Kinakailangang ito ay

mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan.

May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig.

Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.

Page 12: [Fil] pagsasalita

Kaakibat ng tinig ay ang himig.

May himig na mabagal, may himig na pataas at mayroon ding pababa.

Katulad ng lakas kailangan ang himig ay angkop din.

Page 13: [Fil] pagsasalita

BIGKASNapakahalang maging wasto ang

bigkas ng isang nagsasalita.Kailangan ito ay mataas at

malinaw sa pagbigkas ng mga salita.

Ang maling pagbigkas ay maaaring magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig.

Lalo na’t ang ating wika ay napakaraming Homonimo.

Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito.

Page 14: [Fil] pagsasalita

Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin o stress sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.

Page 15: [Fil] pagsasalita

TINDIG Ang isang tagapagsalita lalo na sa

isang pagtitipon ay kailangan may magandang tindig.

Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang paa.

Hindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin.

Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugud-lugod hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig.

Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siya’y maging higit na mapanghikayat.

Page 16: [Fil] pagsasalita

KUMPAS

Kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita.

Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot.

Ngunit ang paglumpas ay kinakailangan maging angkop sa diwa o salitang binabanggit.

Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan.

Page 17: [Fil] pagsasalita

Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas.

Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas.

Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o alanganing kumpas ng kamay.

Page 18: [Fil] pagsasalita

KILOSSa pagsasalita, ang ibang bahagi

ng katawan ay maaaring gumalaw.

Mga mata, balikat, paa, at ulo. –ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.

Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap.

Page 19: [Fil] pagsasalita

Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya.

Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay hindi angkop kagaya ng pagtango o pagiling ay maaaring makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nagsasalit.

Ang labis na paggalaw o paglalakas naman ay pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.

Page 20: [Fil] pagsasalita

KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA

TAGAPAGSALITA Responsable Magiliw at kawili – wiling pakinggan Malawak ang kaalaman Palabasa Palaisip Mayaman ang koleksyon ng ideya May interes sa paksang tinatalakay Obhetibo May sense of humor

Page 21: [Fil] pagsasalita

Gumagamit ng mga angkop na salita

Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng tagapakinig

Sapat at angkop ang lakas ng tinig

Malinaw at wasto ang pagbigkas ng salita

Gumagamit ng angkop na kumpas at kilos

Hindi iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng tagapakinig

Maingat sa paggawa ng kongklusyon, paratang at batikos

Page 22: [Fil] pagsasalita

May panuunan ng paningin sa tagapakinig

Angkop ang kasuotan sa okasyonPinaniniwalaan at isinasabuhay

ang sinasabiWalang nakakadistrak na mannerisms

Mainam ang tindig o postyurMaayos at lohikal ang

presentasyon mula sa simula, gitna hanggang wakas

Iniiwasan ang mapalabok na pananalita

Page 23: [Fil] pagsasalita

Binibigyang-diin ang mahahalagang konsepto o kaisipan

Alam kung kailan tatapusin ang pagsasalita

Iniiwasan ang pagyayabang Mayaman ang bokabularyo Taglay ang mga angkop at inaasahang

gawi, personalidad at karakter

Page 24: [Fil] pagsasalita

MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA

Pakikipag-usap – pagpapalitan ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga salita.

Kahalagahano Sa pamamagitan ng pakikipag-

usap, ang isang tao’y maaaring:magkaroon ng mga kaibiganmakipagpalitan ng kuru-kuromatuto ng bagong kaisipan

makabuo ng paniniwala

Page 25: [Fil] pagsasalita

makabuo o makasira ng mabuting pagsasamahan

maaari namang makayamot at makapagpagalit sa kausap

o Ang karanasan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa isang tao upang aging matalas ang pakiramdam.

o Nagagamit ito sa pakikisalamuha sa lipunan.

Page 26: [Fil] pagsasalita

Pagtatalumpati – sining ng pasalitang pagpapahayag na may layuning makaakit at makahikayat sa mga nakikinig.

Layunin

magbigay ng katuwaanmagdulot ng impormasyonmagpahayag ng katuwiranmagbigay ng paliwanagmang-akit sa isang kilusan

Page 27: [Fil] pagsasalita

Paraan ng Pagbigkas

pagbasa sa isinulat na talumpatipagbigkas mula sa balangkas ng talumpatipagbigkas sa isinaulong talumpatipagbigkas nang hindi pinaghandaan

Bahagi Pambungad – inihahanda ang kaisipan ng mga

nakikinig. Layuning kawilihan ang mga nakikinig Paglalahad – katawan o pinakakaluluwa ng

talumpati. May kawastuhan, kalinawan, pang-akit Panindigan – pagpapatunay sa talumpati.

Layuning mapaniwala at mahikayat ang mga nakikinig

Page 28: [Fil] pagsasalita

Pamimitawan – huling bahagi ng talumpati. Nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng nakikinig

UriPanlibang – naririnig sa mga piging

at salusaloPampasigla – naririnig sa mga

anibersaryo, pagtatapos, pagtatalaga sa tungkulin, seminar at kumbensyon

Panghikayat – naririnig sa mga kampanya sa panahon ng eleksyon

Pangkabatiran – naririnig sa mga panayam at pagbibigay ng ulat

Page 29: [Fil] pagsasalita

Pagbibigay-galang – pagsalubong sa mga bagong kasapi ng isang samahan o pagtanggap sa isang bagong natalaga sa isang tungkulin

Papuri – pagbibigay ng parangal ang layunin nitoparangal – papuri sa isang namataypagtatalaga – binubuksang isang

paaralan, gusali, aklatan, atbppamamaalam – aalis sa isang tanggapan

at ililipat sa iba o ng isang magreretiro sa tungkulin

paghahandog – pagpahanga sa isang punong papaalis na sa tungkulin, paggawad ng medalya, katibayan ng pagkilala dahil sa mabuting paglilingkod

Page 30: [Fil] pagsasalita