Click here to load reader

Ekonomiks aralin 5 and 6

  • View
    1.165

  • Download
    23

Embed Size (px)

Text of Ekonomiks aralin 5 and 6

ARALIN 5ANG IMPORMAL NA SEKTOR: MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA

PANIMULAAng pagkamit ng pambansang kaunlaran ay hinahangad ng bawat mamamayan. Ang hangaring ito ay makakamit lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ng ekonomiya at ang pamahalaan ay magtutulungan.

ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG1 Economic Development Model ni W. Arthur Lewis Impormal Na Sector uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). 1970s pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. International Labour Organization (ILO)sinang-ayunan ng International 2 First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972 Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas. Ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor. 15th International Conference of Labor Statisticians noong Enero 19-28, 1993 sa Geneva, SwitzerlandILO: ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng: mababang antas ng organisasyon hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at pamantayan napakaliit na antas ng produksiyonAng mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan.

3 Noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office (NSO) ng Informal Sector Survey (ISS). Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong katao.

Noong Abril 2008, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito, 2/3 ay mga kalalakihan o 75% ay nasa 35 gulang pataas.

4 Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development Authority (NEDA) The Informal Sector and Non-Regular Employment in the Philippines, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.

5 Congressional Planning and Budget Department (House of Representatives) noong Nobyembre 2008. Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%.

6 IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na isang kahig, isang tuka upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.

7 Sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy.

Halimbawa Ng Mga Kabilang Sa Sektor Na Ito: mga nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor) pedicab driver karpintero mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum)

Kabilang Din Sa Sektor Na Ito Ang Mga Gawaing Ipinagbabawal Ng Batas: Prostitusyon ilegal na pasugalan pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD) at digital video disc (DVD)

Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor: Hindi nakarehistro sa pamahalaan; Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.

Sa pangkalahatan, hindi lamang sa ating bansa mayroong impormal na sektor. Ito ay nagaganap kahit sa iba pang bansa sa daigdig.

8 Hedayet Ullah ChowdhuryAssistant ProfessorKazakhstan Institute of Management, Economics, and Strategic ResearchSa kaniyang papel na nailathala sa Philippine Journal of Development, ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Ang pag-iral nito sa ibat ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba-iba nito ayon sa lawak, dami, at pangkalahatang sistema ng operasyon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan.

Dahilan at Epekto ng Impormal na Sektor sa EkonomiyaSinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya. Ilan sa mga dahilan: Ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay Hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa

Ayon sa aklat na Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon (2012) nina Balitao et al.,

DAHILAN KUNG BAKIT PUMAPASOK ANG MGA MAMAMAYAAN SA IMPORMAL NA SEKTOR: Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan; Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic red tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan; Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos; Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan; at Mapangibabawan ang matinding kahirapan.

Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod ay isa ding dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang impormal na sektor.

Ang paglaganap ng impormal na sektor ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang mapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matatag laban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon.

EPEKTO SA EKONOMIYA NG IMPORMAL NA SEKTOR: Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis Dahil ang mga kabilang sa impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis. Banta sa kapakanan ng mga mamimili Dahil ang mga bumubuo sa impormal na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas tungkol sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines, kung kayat ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan. Paglaganap ng mga ilegal na gawain Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas. Halimbawa: Prostitusyon Pagbebenta ng ipinagbabawal na gamo Ang pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan Pamimirata partikular na ang software piracy

Ayon sa Microsoft Corporation, ang software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga computer software na kung saan nilalabag ng isang tao ang karapatang pagmamay-ari ng lumikha o orihinal na nagmamay-ari nito (Intellectual Property Rights---IPR).

MGA BATAS PANG-EKONOMIYA KAUGNAY SA IMPORMAL NA SEKTOR

1. REPUBLIC ACT 8425: Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997. Nilagdaan: Disyembre 11, 1997 Ipinatupad: Hunyo 3, 1998

Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal.

Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 8425 MGA BUMUBUO SA BASIC AT DISADVANTAGED SECTORS NG LIPUNANG PILIPINO: Magsasaka Mangingisda Manggagawa sa pormal na sector Migrant workers (OFW) Kababaihan Senior citizens Kabataan at mga mag-aaral (15-30 taong gulang) Mga bata (minors - 18 taong gulang pababa) Urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang kita ay lubhang mababa) Mga manggagawa sa impormal na sector Mga katutubo Mga may kapansanan (differently-abled persons) Non-governmental organizations (NGOs) Mga kooperatiba

2. REPUBLIC ACT 9710: Magna Carta of WomenNilagdaan: Agosto 14, 2009 Ang National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) ay naging Philippine Commission on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdig