57

Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Pag-unlad ng Maikling Kuwento sa Pilipinas sa Iba't ibang Panahon

Citation preview

Page 1: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Page 2: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Maikling kuwento o Maikling katha

naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa

Page 3: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

A. Ang Mga Bahagi ng

Maikling Kuwento:

Page 4: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

1. Simula- Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:a. pagpapakilala sa tauhanb. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan.c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento.d. paglalarawan ng tagpuan

Page 5: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

2. Tunggalian- ang pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari

3. Kasukdulan- sa bahaging ito unti-unting naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay

Page 6: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

4. Wakas- naihahatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito. sa wakas ng kuwento.  

Page 7: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

B. Sangkap ng Maikling Kuwento:

Page 8: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

1. Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. 2. Tauhan- ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.

Page 9: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

3. Banghay- ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Bahagi ng Banghaya. simula b. suliraninc. saglit na kasiglahan d. kasukdulan e. kakalasan f. wakas

4. Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda.

Page 10: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

C. Uri ng Maikling Kuwento:

Page 11: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

1. Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.2.Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang kawilihan o interes sa kuwentong ito. 3. Kuwento ng Kababalaghan- mga di- kapani-paniwalang bukod pa sa mga katatakutan ang siyang daan ng kuwentong ito.

Page 12: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

4. Kuwento ng Tauhan- ang interes ng diin ay nasa pangunahing tauhan.5. Kuwento ng Katatawanan- ang diin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang aliw ang mga mambabasa.6. Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ang katambal niyang tauhan

Page 13: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

7. Kuwento ng Kapaligiran- ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan, kadalasan patungkol sa kalikasan.

Page 14: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO

Page 15: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

A. Bago Dumating Ang Mga Kastila

Page 16: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala..

Page 17: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

B. Panahon ng Kastila

Page 18: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa mga bata

• kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo.

• Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.

Hal. Ang Mabuting Samaritano

Page 19: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

C. Panahong Post Kolonyal ( Panahon ng Amerikano)

Page 20: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli -maikling- maikling

salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.

Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay

Page 21: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.

Page 22: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros:"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba."Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila."Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig."At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

Page 23: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

pasingaw- patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa.

Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag panulat.

Page 24: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910, nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.

Page 25: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Mga Samahang Pampanitikan

1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon.

2. Ang “ Ilaw at Panitikan”

(popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino.

Page 26: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Page 27: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

3. Parolang Ginto ni Del Mundo-katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw.

4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang pinalagay na hindi panitikan.

 

Page 28: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa panitikan sa Wikang Ingles.

Page 29: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Alejandro G. Abadilla

The father of modern Filipino poetry.

Page 30: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Page 31: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Aklat- Katipunan o Antolohiya ng Maikling Kuwento

1.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “ kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del Mundo

2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual.

Page 32: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Page 33: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Mga Unang Kuwentong May Banghay

Taong 1920, ang mga kathang Tagalog ay nagkaroon ng banghay at ang karamihan nito ay nalathala sa mga babasahin sa Maynila. Dito unang namayani sina Deogracias A. Rosario, Amado V. Hernandez, Jose Esperanza Cruz, Rafael Olaya, Teofilo Sayco atbp.

Page 35: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis, mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang paksa’y pag-ibig na inaaglahi, hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930.

Page 36: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

D. Panahon ng Hapon

Page 37: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Gintong Panahon ng Maikling Kuwento

Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya’t biglang nakapasok ditto ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin.

Page 38: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog.• Nagdaos ng timpalak ang

Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943.

Page 39: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.:  Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa –“ Uhaw Ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda

Page 40: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Kabilang sa mga bagong pangalan sina Liwayway A. Arceo, Amado Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga nanguna sa kanila, nakilala sina Teodora Agoncillo, Gemilliano Pineda at Serafin Guinigundo atbp.

Page 41: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Liwayway Arceo

Page 42: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

E. Panahon ng Kalayaan

Page 43: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950

Page 44: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU.• ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo

Page 45: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles

• Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968

Page 46: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera.

• Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “ Si Ambo at Iba Pang Kuwento”.

 

Page 47: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa-awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.

 

Page 48: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

F. Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar)

Page 49: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang-aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito.

Page 50: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin.Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat.

 

Page 51: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan.

• Nakilala sa panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.

 

Page 52: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975.

 

Page 53: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong “ ni Reynaldo Duque.

Page 54: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

G. Kasalukuyang Panahon

Page 55: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga manunulat ng kuwentong ngayon pa lang sumisibol.Maraming kuwentong nailathala ng mga pagbabagong naganap sa bansa pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito ang mga kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin, at paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon.

Page 56: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

• Nagkaroon ng iba‘t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito‘y tinawag na kontemporaryong maikling kwento.

Page 57: Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Maraming Salamat Po sa Pakikinig