11

Alamat ng langaw

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alamat ng langaw
Page 2: Alamat ng langaw

Alamat ng Langaw

MNHS Grade 9- DaltonGuro: Alice B. Maglinte

Page 3: Alamat ng langaw

Ang

Alamat ng

Langaw

Page 4: Alamat ng langaw

Noong unang panahon may isang insektong mas maganda kumpara sa pinakamagandang paru-paro. Siya ay ang insektong nagngangalang Lang. Si Lang ay hinahangaan ng kanyang mga kapwa insekto, dahil sa kanyang magandang anyo at pakpak at kanyang talento sa pagkanta. Ngunit, salungat sa kanyang taglay na kagandahan ang kanyang pangit na pag-uugali na kinaiinisan ng karamihan.

Isang araw, namasyal si Lang sa hardin. Sa ‘di kalayuan ay namamasyal doon ang isang napakagandang insekto na nahihigitan pa ang kagandahan niya. Nakita niya ito. Kaya nang magkasalubong ang dalawang insekto hindi niya ito binigyang pansin sapagkat alam naman niyang hindi nito mahihigitan ang kaniyang kasikatan.

Page 5: Alamat ng langaw

Dumaan ang ilang araw, nagkaroon ng isang paligsahan ng kagandahan sa gubat. Sumali siya sa paligsahan ng may lakas na loob dahil alam niya na siguradong mananalo siya. Ang hindi niya alam ay sumali rin ang insektong nakasalubong niya sa hardin.

Dumalo si Lang sa paligsahan na taon-taong ginagawa ng mga hayop. Gaya ng palaging nangyayari, binati at pinuri siya ng mga kapwa insekto at ilang hayop. Ngunit nang magsimula ang paligsahan nahati ang atensyon ng mga hayop sa kanya at sa ibang mga kalahok. Ayos lang kay Lang ang pagkahati sapagkat sa kanya naman ang mas malaking atensyon. Ang ikinagalit niya ay nang dumating ang insektong kanyang nakasalubong sa hardin. Ito ang umagaw sa atensyon ng mga hayop na nakapalibot. Hindi na si Lang ang nanalo sa paligsahan kundi ang isang insekto.

Page 6: Alamat ng langaw

Nagalit si Lang, nagselos. Kaya kinabukasan pumunta siya kay Bathala upang humiling na siya ay pagandahin pa nito.

Noong una hindi pumayag ang Bathala dahil wala siyang mahanap na dahilan upang ito ay lalong pagandahin. Ngunit pinilit ito ni Lang hanggang sa pumayag ang Bathala. “Papagandahin kita higit pa sa ganda mong taglay. Ngunit may kondisyon. Hindi ka maaaring gumawa ng mga bagay na makakasama sa loob ng kapwa mo insekto at ibang mga hayop. Mayroon ka lamang tatlong pagkakataong magkamali. Kapag naubos mo ang tatlong pagkakataong binigay ko sa iyo ay ipapataw ko na sa iyo ang aking mga kondisyon. Ngayon, tatanungin kita. Handa ka bang harapin ang pwedeng mangyari sa iyo?” ani ng Bathala. Tumango si Lang at pinaganda pa siya lalo ng Bathala. Umalis kaagad si Lang pagkatapos magpasalamat sa Bathala.

Page 7: Alamat ng langaw

Umuwi kaagad si Lang sa kanyang tirahan. Hindi naman napigilan ng iilang nakakita sa kanya ang humanga sa kanyang taglay na kagandahan. Kinabukasan, agad siyang namasyal sa hardin at pinakita sa lahat ang kanyang pagbabago. Naging mas masungit,mapagmataas at mas hambog siya kaysa dati. Bawat madaraanan niya ay kung hindi nilalait ay kanyang iniirapan.

Una. Ito ang unang beses ng kanyang pagkakamali.Habang nawiwili siya sa pamamasyal. Hindi man lang sumagi sa isip niya ang mga kondisyon ng Bathala sa kanya. Ito’y tila ba walang siyang pakialam sa iba basta siya ang pinakamaganda sa lahat. Hanggang sa nakasalubong niya ang dating kinaiinisan. Ang insektong humigit sa kanya. Nilapitan niya ito at kinausap.“Siguro naman maiisip mo nang, ako ang reyna sa lugar na ito. At hinding-hindi mo ako mahihigitan.” aniya sa kausap.“Nagkakamali ka Lang sa kung ano man ang nasa isip mo. Kailanman, hindi ko naisip na higitan ka. At saka, pantay pantay tayong lahat sa lugar na ito.” sabi naman nito sa kanya. Ngunit sa halip na umalis, inaway niya ito dahil sa pinamukha nito sa kanya ang mali niya.

Pangalawa. Ito ang pangalawang beses ng pagkakamali ni Lang.Nang makuntento siya sa mga sinabi ay umalis siya sa hardin at umuwi. Kinagabihan, dumalo siya sa isang paligsahan ng kantahan. Nang makarating siya roon ay nagsimula na ang paligsahan. Umpisa sa simula ng paligsahan hindi man siya kasali sa mga hurado ngunit, panay ang komento at lait niya sa mga ito hanggang sa magtapos. Narinig ito ng karamihan roon pero mas pinili na lamang na huwag magsalita pa.

Pangatlo. Ang pangatlong beses ng pagkakamali niya.

Page 8: Alamat ng langaw

Nang matapos ang pagpaparangal sa mga nanalo, inimbitahan siyang kumanta sa harap. Ngunit, laking gulat ng lahat nang iba ang lumabas sa bibig niya. Sa halip na isang napakagandang boses ay isang nakabibinging ingay ang kanilang narinig. Sa kahihiyan, mabilis siyang umalis sa pinagdarausan ng paligsahan at umuwi.Nang makarating siya, napansin niyang parang may nagbago bukod sa boses niya. Agad siyang tumingin sa salamin at doon napagtanto kung anong nangyari sa kanya. Ngayon, habang tumitingin siya sa salamin nakita niya ang isang maliit na insektong palipad-lipad na may nakakairitang ingay na dala at ‘yun ay ang kaniyang sarili. Parang siya ay naumid at ‘di makapagsalita. Pumunta siya agad sa Bathala upang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya.

Page 9: Alamat ng langaw

“Naaalala mo pa ba ng kondisyong ibinigay ko sa iyo?” Nagtaka siya sa tinuran nito. At mukhang nahalata naman nito ang pagtataka sa mukha niya. “Mukhang nakalimutan mo na nga. Tapos na ang tatlong pagkakataong binigay ko sa iyo. At iyan ang parusa mo. Kaya kung gusto mong bumalik sa dati ay hanapin mo ang lahat ng nagawan mo ng kasalanan at humingi ng tawad sa kanila. Humayo ka na nang mapatawad ka agad nila. Kung ngayon ay magsisimula ka na tiyak madali ka lang matatapos.”Nanlumo siya sa narinig. Sa dami ba naman ng nagawan niya ng kasalanan ay hindi imposibleng matagalan siya. Pero para makabalik sa dati ay gagawin niya lahat ng makakaya niya. Simula noon, palagi itong dumadapo kung saan upang hanapin ang mga nagawan niya ng kasalanan. Maingay din ito dahil tinatawag niya ang mga ito upang magpakita sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanap ang mga ito at ang mas masaklap pa, lahat may ayaw na sa kaniya dahil sa takot na anumang gawin nito. Kaya, tuwing oras, araw, at buwan na may mga hayop na kaniyang nakakasalubong ay sumisigaw ng “Lumayo ka Lang” “Ayaw ko sa’yo Lang” “LANG!!” “AYAW” at hindi nagtagal naging “LANGAW”. Ngunit isa lang ang sigurado, hinding-hindi siya susuko.

-WAKAS-

Page 10: Alamat ng langaw

Ang Alamat ng Langaw

Ika-2 na pangkat

Page 11: Alamat ng langaw