23
MGA SINAUNANG TAO SA DAIGDIG

2. mga sinaunang tao sa daigdig

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

MGA SINAUNANG TAO SA DAIGDIG

Page 2: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

EBOLUSYONG KULTURAL Tumutukoy sa proseso ng pag-unlad sa

paraan ng pamumuhay ng mga unang tao dulot ng pakikiayon sa mga pagbabagong naganap sa kanilang paggawa ng kasangkapan, panirahan, at sa uri ng kanilang kabuhayan.

Karaniwang nahahati sa dalawang malalawak na kultura: Panahong Paleotiko (Panahon ng Lumang Bato) Panahong Neolitiko (Pananhon ng Bagong Bato)

Page 3: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

Samantala, may ilang bansa sa Asya, tulad ng Japan, na dumaan sa Panahong Mesolitiko o transisyonal na panahon sa pagitan ng Panahong Paleolitiko at Panahong Neolitiko.

Page 4: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

PANAHONG PALEOLITIKO Nagsimula may 2.5 milyong taon na ang

nakakalipas at tumagal hanggang noong 8500 B.C.E.

Nagmula ang salitang “paleolitiko” sa pinagsamang salitang Greek na palaois na nangangahulugang “luma”, at lithos, na nangangahulugang “bato”.

Page 5: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

PARAAN NG PAMUMUHAY Lubhang umaasa sa kanilang kapaligiran.

Nakukuha nila mula sa kalikasan ang mga pangngailangan nila.

Pangangaso at pangangalap ang mga pangunahing gawaing pangkabuhayan ng mga tao.

Ang pangkat ng mga kalalakihan ang karaniwang nangangaso samantalang ang kababaihan ang nangangalap ng pagkain at kumakalinga sa kanilang mga anak.

Page 6: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

Bumuo ng tribo ang mga unang tao. Karaniwang may 50 hanggang 100 na kasapi ang bawat tribo.

Nagkaroon ng paghahati ng tungkulin ang mga kasapi nito. Lalaki ang kalimitang pinuno ng tribo. Ang

pinakamalakas mangaso ang itinuturing na pinuno.

Ang mga babae na nangangalap ng pagkain at sila rin ang nagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng tribo

Page 7: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

Malaki ang bahaging ginagampanan ng pinuno sa tribo. Siya ang napasiya kung paano haharapin ng mga

tribo ang mga pagsubok mula sa ibang tribo at panganib mula sa kapaligiran tulad ng mga kalamidad.

Siya rin ang nagpapanatili ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng distribusyon ng mga imbak na pagkain.

Page 8: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

LAGALAG o NOMADIC, dahil walang permanenteng tirahan, ang mga sinaunang mga tao.

Malimit silang sumilong sa mga yungib tuwing sasapit ang gabi, tuwing umuulan, at sa panahon ng taglamig.

Page 9: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

MGA KASANGKAPAN NOONG KULTURANG PALEOLITIKO Gumagamit ng kagamitang bato ang mga

sinaunang tao.

Inilarawan ito bilang “magaspang na bato” sapagkat hindi pulido o makinis ang pagkakagawa ng kagamitan.

Ginawa ang mga kagamitang ito sa pamamagitan ng pagtapyas ng bahagi ng malaking bato.

Page 10: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

PAGTUKLAS NG APOY Itinuturing na isa sa pinakamahalagang

tuklas ng unang tao.

Ayon sa isang teorya, natuklasan ng unang tao ang apoy sa pagtama ng kidlat sa isang punong kahoy. Nagliyab ito at nabuwal sa isang mabangis na hayop. Nang matikman nila ang lasa ng lutong karne ay nagustuhan nila ito at nagsimulang gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng bato. Kinalaunan ay natutuhan na rin nilang gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng kahoy.

Page 11: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

PAGLALARAWAN SA PAGGAWA NG MGA UNANG TAO NG APOY Ginamit ito upang lutuin ang kanilang

pagkain

Nakatulong ito upang maibsan ang lamig ng kapaligiran

Nagsilbi itong proteksiyon laban sa mababangis na hayop

Nagbigay-liwanag ito sa madidilim na yungib

Page 12: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

PANAHONG NEOLITIKO Tinatayang nagsimula noong 7000 hanggang

3000 B.C.E.

Nagmula ang salitang “neolitiko” sa salitang Greek na naois na nangangahulugang “bago”, at lithos na nangangahulugang “bato”

Sa panahong ito higit na umasa ang mga sinaunang tao sa kanyang kakayahan kaysa sa kaniyang kapaligiran.

Naging sedentary o may permanenteng tirahan ang mga sinaunang tao.

Page 13: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

MGA KASANGKAPAN NOONG PANAHON NG NEOLITIKO Napaghusay ng mga unang tao ang kanilang

kasangakapan.

Gumamit sila ng makikinis na kagamitang bato.

Gamit sa paggawa ng mga kasangkapang ito ang matigas na bato tulad ng jade.

Ginamitan na rin ng ibang materyales ang mga kasangkapan upang higit na mapaghusay ang paggamit ng mga ito.

Page 14: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

PAGSISIMULA NG AGRIKULTURA Sa pag-init ng temperatura ng daigdig,

natunaw ang yelo na bumabalot sa daigdig, nalantad ang lupang dating nababalutan ng yelo, at nabuo ang mga ilog at batis.

Naging angkop din ang temperatura ng daigdig para sa pagtatanim.

Dahil sa pagdami ng tao, umigting ang kompetisyon para sa limitadong pagkain.

Page 15: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

Kinailangan ng unang tao na humanap ng iba pang mapagkukunan ng pagkain.

Page 16: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

NEOLITHIC REVOLUTION Isang rebolusyong agrikultural.

Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain ay natuto ang mga unang tao na magtanim at magsaka.

Karaniwang nagsaka ang mga unang tao sa pamamagitan ng pagkakaingin.

Natutuhan din nilang magpaamo ng mga hayop tulad ng tupa, kambing kamelyo, baka, manok, at baboy

Page 17: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

Ang araro ang isa sa mga kontribusyon ng mga unang Asyano sa agriklutura.

Bunsod sa pag-usbong at pag-unlad ng agrikultura, nagkaroon ng seguridad sa pagkain ang mga sinaunang tao.

Hindi na nila kailangang magpalipat-lipat ng tirahan upang mangaso at mangalap ng pagkain. Nadagdagan din ang mapagpipilian nila ng nakakain.

Page 18: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

Dahil sa seguridad sa pagkain ay nalinang ng mga unang tao ang iba pang mga kabuhayan.

Halimbawa nito ang paggawa ng mga imabakan, tulad ng palayok, upang gawing sisidlan ngkanilang sobrang suplay ng pagkain.

Page 19: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

URBAN REVOLUTION Dulot ng mga pagbabago sa kanilang

kabuhayan ay nagsimulang magtayo ng permanenteng tirahan ang mga unang tao.

Page 20: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

KAUGNAYAN NG NEOLITHIC REVOLUTION AT URBAN REVOLUTION Sa pagkakatuto ng tao sa pagsasaka at

pagpapaamo ng hayop ay kinailangan niyang magtayo ng tirahan malapit sa kaniyang mga pananim. Ito ay upang mabantayan niya ang mga ito mula sa mababangis na hayop at mula sa iba pang tribo. Kalaunan ay naitatag ang mga pamayanan ng mga unang tao

Page 21: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

KAHALAGAHAN NG NEOLITHIC REVOLUTION AT URBAN REVOLUTION Mahalagang yugto ng kasaysayan ang

Neolithic Revolution at Urban Revolution. Ang mga pagbabagong ito ang nagsilbing tulay mula sa panahong rehistoriko tungo sa panahong historiko. Gamit ang kanilang mga natutunan ay higit na napaunlad ng mga tao ang antas ng kanilang pamumuhay tungo sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Page 22: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

ISIP, HAMUNIN Tukuyin ang konsepto o kaalaman na

inilalarawan sa bawat bilang1. Paraan ng pamumuhay ng mga unang tao

sa daigdig noong Panahong Paleolitiko.2. Nagsimula ang panahong ito noong 3000

B.C.E. sa pagkaimbento ng tao sa sistema ng pagsulat.

3. Tawag sa pagpapalipat-lipat ng tirahan ng mga unang tao.

4. Pagbabagong naganap noong Panahong Neolitiko kung kailan nagsimulang magtayo ng bahay ang mga unang tao.

Page 23: 2. mga sinaunang tao sa daigdig

5. Itinuturing itong isa sa pinakamahalagang tuklas ng tao noong Panahon ng Paleolitiko.

6. Panahon kung kailan gumamit ng “magaspang na bato” ang mga unang tao.

7. Tawag sa proseso kung saan ay natutong magtanim at magpaamo ng hayop ang mga unang tao

8. Salitang Greek na nangangahulugang “bato”9. Sa panahong ito gumawa ang mga unang

tao ng makinis na kagamitang bato.10. Sumasaklaw ang panahong ito mula 2.5

milyon hanggang 8000 B.C.E.