Upload
faythsheriegne-godoy
View
1.596
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
Lodlod National High School
(SY: 2016-2017)
ARALING PANLIPUNAN IV:
PAGSUSURI NG SULIRANING
EKONOMIKO
Ipinasa ni:
Jovelyn Grace V. Godoy
G10 Narra
November 2, 2016
Lipa City
I. ANG SULIRANIN
Kalagayan ng Impormal na
Sector ng Bansang Pilipinas at
ang Epekto nito sa
Pagkonsumo
II. PANIMULA /INTRODUKSYON
Layunin ng ating bansa ang na lumago ang Pilipinas, lumago at maging angkop na lugar para
pamuhayan ng mga pinoy na tulad natin. Ngunit kung pagmamasdan mo ang bansang ating sinilangan
makikita mo ang mga musmus na batang nakikipagsabayan sa mga kaskaserong jeep, sumasabit para
lang abutan ka ng isang gusut gusut na envelope para lang makahingi ng kaunting limos ng sa gayon ay
makaraos ng isang araw. Pinili nila ang maagamg maghanap buhay sa paraang sa tingin nila ay bubuhay
sakanila kaysa sa pumasok sa eskwela para gumastos upang bumili ng uniporme, papel at lapis. Sa
kabilang dako makalampas sa madilim na iskinita makikita mo naman ang masalimuot na kalagayan ng
isang malaking pamilya na kumakain ng pagsa sarap sarap, nagmamadali at nagaagawan sa kakarampot
na pagkaing pinagsamasama na galing sa basurang iyong pinagtapunan ng pagkaing iyong sinasayang.
Nakakita ka na ba ng mga basurerong natutulog sa gilid ng kalye katabi ang nilalangaw ng bundok ng
basura na sya mo lang lalampasan ng di man lang nagbibigay ng atensyon? Iyan ang dati pa at
kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Matuturing bang salot sa lipunan ang mga taong palaboy laboy
dahil sa wala silang tahanang mauuwian? Bagama’t di kaaya ayang makita ang malungkot nilang
kalagayan ngunit isipin mo eto nga ba ang lugar na yong sinilangan? Nasaan ang pagunlad na sinasabi ng
mga opisyal? Nakakalungkot mang isipin subalit ito ang realidad at ang bilang ng mga ganitong tao ay
napaka dami at nakakalungkot.
Narinig mo nab a ang kwento ng isang magsasaka na sa oras ng pagkain ay saging na saba ang
hinahain sa hapag kainan? Alam mo na ba ang kwento ng isang karpintero na gumagawa ng magaganda
at kaaya ayang tahanan subalit ang kanyang bahay ay pinagtagpi tagping yero at kahoy lamang na kung
saan ang buo niyang pamilya ay naninirahan at nagsisiksikan na para bang mga sardinas. Nakapanood ka
na ba ng balita patungkol sa isang manggagawa na naaksidente dahil saw ala silang proteksyon sa
pagtatrabaho. Nakakita ka na ba ng isang mangagawa na puno ng galos sa katawa at may sunog na balat
dahil sa kumakayod parin sya habang tirik na tirik ang araw. Habang trapik nakarasan mo na bang may
kumatok sa bintana sa kotseng sinasakyan mo at bubungad ang isang matandang lalaki na nagaalok na
bumili ka ng basahan sakanya. Nakanasan mo narin bang kumain sa isang karinderya sa isang squatter
area habang may isang batang pinapanood ang bawat pagsubo mo? Eh naranasan mo nabang bumili ng
mga fishball, dugo, isaw at palamig sa isang naglalakong lalaki na walang pernamenteng lugar.
Napakasarap at mura nito kung kaya’t napapabili ka sakanya na mauulit pa ng ilang beses. Ilan lamang
sila sa mga taong nasa madilim na kalagayan at marami pa ang tulad nila na nakikipag sapalaran. Illegal
man ang kanilang ginagawa subalit ang ganong paraan ay ang bumuhay sakanila, di lang sila ang kundi
ang buo na nilang pamilya.
Sa ekonomiks tinalakay ang ibat’ ibang sector ang agrikultura, industriya, at paglilingkod at bawat isa sa
kanila ay may ginagampanan na tungkulin na sya namang ikinalalago ng ating bansa. Subalit kung
pagbabatayan ang naunang teksto nasaan ang ba ang paglago? Mayroon bang aksyon na naisasagawa
para mabigyan sakatuparan ang layunin na lumago? Ang mga nabangit sa itaas ay mga kabilang sa
impormal na sektor. Sa ekonomiks kasama ang mga agrikultura, industriya, at paglilingkod pinagaralan
rin ang Impormal na sektor. Ang impormal na sektor ay sumasaklaw sa produksiyon at kita na hindi
naiuulat sa pamahalaan at hindi nabibilang sa pambansang kita. Ibig nitong sabihin di talaga natin
masabing ang economiya ng bansa ay sya nga talagang lumalago dahil ang kita nila ay hindi kasama sa
bilang ng pambansang kita. Kumbaga di nakakatulong ang mga kinikita ng mga nasa Impormal na sektor
sa paglago ng ekonimiya ng ating bansa. Sa pagaaral na ito tinatalakay nito ang Kalagayan ng Impormal
na Sector ng Bansang Pilipinas at ang Epekto nito sa Pagkonsumo. Laganap na ang impormal na sektor
sating bansa kung kaya’t dapat na pagtuunan ang ganitong issue upang tayo ay mamulalat na totoong
kalagayan ng ating bansa.
Mga iba’t ibang hanapbuhay at negosyo na kabilang sa impormal na sector ay ang mga
nagtitinda ng sigarilyo sa lansangan ,nagtitinda ng sari- sari store ,karinderya,newspaper
vendor,tubero,manghihilot ,nagpapasada ng pedicap, namamasukang taga pag-aalaga ng bata,
naglalako ng gulay o isda at iba pa.Ang Impormal na sector ay paraan ng pag-angkop ng mga
mamamayan lalo na ang mga tinaguriang “isang kahig, isang tuka “. Sa tuwing panahon ng
pangangailangan o kagipitan maaaring sabihin na ang malaking bilang ng impormal na sector sa bansa ay
salamin ng laganap na kahirapan at kawalan ng sapat na oportunidad .Maraming mamamayan ang
pumapasok sa impormal na sector dahil karaniwang nangangailangan lamang dito maliit na capital. Ang
paglaganap ng impormal na sector ay maaring ituring manipestasyon ng pagiging maparaan ng Pilipino
lalo na sa harap ng krisis ng buhay . Ipinapakita rin nito ang kanilang katatagan sa pagharap ng mga
suliraning pangkabuhayan tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho , maliit na
pasahod , mababang antas ng produktibidad at ibapa.Dapat maunawaan na hindi lamang mahihirap na
mamamayan ang pumapaloob sa impormal na sector. May mga lehitimong negosyo ang mayayaman at
panggitnang uri (middle class ) na paminsan – minsan ay nagsasagawa ng mga operasyon ng ganitog
katangian.May mga pagkakataong din katuwang na legal na negosyo at Gawain.
Na pili ko ang ganitong isyu dahil sa madaming nakakapaloob sa sektor na ito, oo nakakatulong
ito ngunit sa nakikita ng dalawa kong mga mata na masyodo na itong laganap. At ang paglagap nito at
ang pagtaas ng bilang ng mga nakapaloob nito at masyado ng nakaka alarma. Makikita sa pagaaral na ito
kung bakit nga nakaka alarma ang Impormal na sektor? kung ano at sino sino pa ang maaapektuhan ng
nasabing sektor at higit sa lahat tatalakayin nito kung ano nga ba ang kalagayan ng Impormal na sektor
sa ating bansa? Gaano na ba ito kalala? Maapektuhan ba nito ang pamilihan upang naman ay sa gayon
ay paapektuhan ang pagkonsumo? Ano naman ngayon kung maapektuhan ang pagkonsumo? Bakit
maaari namang mabuti ang epekto nito hindi ba? Ngunit maaari ring masama dahil hindi naman lahat ng
tungkol sa impormal na sektor ay masama, ngunit ano nga ba talaga?
III. KAUGNAY NA MGA LATHALAIN
Sinabi ni Sicat, G. P. (2011) na ang impormal na ekonomiya ay labas na sa orginisadong paraan
sa pagnenegosyo sa nasyonal na modernong sektor ng ekonomiya at Ito ay meron na bago pa gamitin
ang katagang underground economy. Ang mga mga nagpartisipa sa nasabing impormal na sektor ay ang
mga taong hindi nakakahanap ng ng magandang pamumuhay sa orginisadong ekonomiya. Sinabi nya pa
na sa pamamagitan ng trasaksyon ay nauugnay tayo sa mga vulnerable workers.
Sinabi sa Philippine Statistic Authority (2009) Mayroong 10.5 milyon impormal na sector operators ang
natukoy sa 2008 Informal Sector Survey (2008 ISS) of the Philippines. Isa itong nationwide survey na
isinagawa ng National Statistics Office sa tulong ng United Nations Economic and Social Commission for
Asia and the Pacific (UN ESCAP).
Ayon pa dito ang ang informal sektor operators ay maaring temporal lamang at hindi sumasahod o kaya
naman ay nag tatrabaho sila sa negosyo na siyang pinapatakbo ng kanilang pamilya. Ang mga self-
employed na mga ito at bumibilang ng 9.1 million habang ang mga employer naman ay bumibilang 1.3
million
66.67% ng impormal na sektor ay mga lalaki. 75% ng IS operators ay humihigit sa 35 na taong gulang,
ang pinaka mataas na bilang ay nasa grupong 35-44 (27.5%). Samantalang (5.2%) naman sa grupong 15-
24.
Apat sa sampung IS operators ay nakatapos lamang ng elementarya. Sa mga nakatapos naman ng high
school ay pumapatak sa 36.2 % habang 17.7% naman ang nakapagtapos ng kolehiyo. Mga na 66.67%
naman ng IS operators ay household head.
Higit 40% ng IS operators at nagtatrabaho sa lupain. Mga 16.5% operators ang nagtatatrabaho sa bahay
kung saan ang bahay na nila ang lugar kung saan sila nagtatrabaho
Ipinakita rin dito ang job satisfaction, anim sa sampong IS operators ang sumagot na’ satisfied’ sila sa
trabaho/negosyo na mayroon sila. At 1.7 na porsyento lamang ang sumagot na ‘very unsatisfied’ sila sa
trabaho/negosyo na mayroon sila.
Kabilang sa mga iba't-ibang mga grupo ng trabaho, mga operator nagtatrabaho bilang magsasaka,
panggugubat manggagawa at mangingisda ay binubuo 47.4 porsiyento ng kabuuang informal sector.
Yaong na kabilang sa grupo ng managing proprietors ay ang ikalawang pinakamalaking grupo accounting
para 31.2 porsyento.
Sa 10.5 million IS operator na nabilang sa 2008, 41.3 porsyento ay nakatuon sa agrikultura, pangangaso
at panggugubat. IS operator sa wholesale at retail trade ay isina-alang para sa higit sa isang apat (29.6
porsiyento) ng kabuuang IS operator habang ang mga sa transportasyon, imbakan at mga
komunikasyon, ay umabot ng 10 porsyento.
Higit sa sampung porsiyento (11.1%) ng IS operator ay sa CALABARZON sinusundan ng IS operator sa
Central Luzon at Western Visayas na may 8.3 porsiyento at 8.1 porsiyento, habang ini-report ng CAR ang
pinaka maliit na proportion ng IS operators (1.5%).
Ipinakita sa The ‘informalization’ of Philippine workers ni Bernabe, K. (2014) na sa impormal na sector
ang kawalan ng benipisyo na sya dapat na tinataglay ng mga mangagawa tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-
Ibig at mga bonus. At dahil nga sa ang impormal na sector ay hindi hindi nakapaloob sa legal at pormal
na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo ang sweldo na natatanggap ng mga
mangagawa ay at mababa sa minimum wage.
Sinabi ni Roland na kabilang sa impormal na sector na minsan sa kalagitnaan ng gabi ay nagtatrabaho
sya dahil nga sa sila ay kilala bilang “On-call Troubleshooter”. Pinakita rin sa artikulo ang kwento ng
isang kumunidad ng mga mangagawa na hindi makagawa ng sarili nilang tahanan, ang pagtrabaho kahit
na overage na, ang di pag kain ng isang maggagawa para lang makauwi ng pera para sa kanilang pamilya,
at ang pag lagay ng mga vulnerable workers sa buhay nila sa alanganin o kapahamakan.
“Growth is unequal ang exclusivist” ibig sabihin ang sinasabing pag lago ay hindi nararanas ng lahat.
Hindi ito nagpapakita ng pagkakapantay patay sapagkat ang sinasabing paglago ay hindi pang lahat.
“Trabaho ng impormal na sector ang pasustento sa araw araw na pangangailangan kahit gaano kababa
ang kinikita bilang responsibilidad ng informal economic” sabi ni Ofreneo sa kanyang “Precarious
Philippines: Expanding Informal Sector, ‘Flexibilizing’ Labor Market” (2013).
Ang impormal na sector ay di nangangilangan ng mga papeles, walang informalities at walang social
protection galing sa gobyerno.
Sinabi rin ni Ofreneo na sinusubukan ng gobyerno na tulungan ang mga nasa impormal na sektor subalit
mukang wala etong nagawa upang maibsan ang krisis.
At dahil sa kwento na katulad ng kay Ronald kung kaya’t nag karoon ng Magna Carta na syang mag po-
protekta sa sa mga mangagawa.
Ayon pa kay Ofreneo Hindi lang edukasyon kailangan para masolba ang krisis, kailangan din ng tulong ng
gobyerno na makagawa ng “enabling environment” para sa mga manggagawa.
Ayon naman kay Caraballo, M.U. (2016) ang Philippine banking industry ay may roong malaking espasyo
na maaaring mai-develop para sa mga susunod na taon, subalit dapat na mag laan ng panahon sa mga
maliliit at impormal na sektor .
“Sa pilipinas, imakikitang mayroong opurtunidad dahil sa maliit lamang ang asset st ang kabuoang asset
sa GDP ay maliit ibig sabihin may lugar sa paglago” sabi ni Mylenko sa The Manila Times’ 4th Business
Forum na ginanap sa Marriott Hotel Manila, sa Pasay City.
Ayon pa kay Pascual, A. (2016) Ang impormal na sektor ay binubuo ng mga independent at maliliit na
negosyante na gumagawa at naglalako ng produkto at serbisyo.
Karaniwang walang social protection ang mga informal workers, at marami sa kanila, ay nasa mga
bulnerableng uri ng trabaho. Ang impormal na sektor ay binubuo ng mga independent at maliliit na
negosyante na gumagawa at naglalako ng produkto at serbisyo. Karaniwang walang social protection
ang mga informal workers, at marami sa kanila, ay nasa mga bulnerableng uri ng trabaho. Ang isang
araw na kawalan ng kita ay isang araw din ng gutom. Dahil dito, limitado rin ang options nila o
pagkakataon para sa paglilinang ng kasanayan na maaring tumulong sa pagsulong ng kanilang
enterprises.
Ipinakita sa maga naunang artikulo ang kalagayan ng impormal na sector sa ating bansa at bilang isang
mamayan ng bansang pilipinas ano ba ang epekto nito saating mga konsymer na tumatangkilik sa mga
impormal na sektor?
Ayon kay Jocson, M. at Navales, R. (2012) Nakasaad sa Department Order No. 52, inaatasan nito ang
mga school division at regional heads na striktong ipatupad ang Food Safety Guidelines ng
kagawaran.Isa rito ay ang pagkakaroon ng business at sanitary permit ng bawat canteen at health
certificate ng mga nagtitinda sa loob ng paaralan.Ngunit isa sa pinangangambahan ng kagawaran ay ang
mga street food na mabibili ng mga bata sa labas ng eskwelahan.Ayon naman kay Dr. Amelita Mirasol,
Chief Consultant ng Health and Social Services Foundation, delikado para sa mga bata na kung saan-saan
lamang bumibili ng pagkain.“Sell those things on a place where it is safe around the vicinity of the school
perhaps, and where there are no flies, because flies are very conducive to any infection there is,” ani Dr.
Mirasol.Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kailangan nilang ipagbawal ang pagtitinda ng
maruruming pagkain sa daan para ma protektahan ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
IV. KAUGNAY NA MGA PAG-SASALIKSIK
Ipinakita ni Arivas, R. et. al. (2014) na ang impormal na sektor ay sektor ng industriya na hindi
nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo at
hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo. Ilan
sa mga kabilang sa impormal na sector ay ang mga walang sapat na edukasyon ay kasanayan.
Sa pamamagitan ng impormal na sektor ,nabibigyang pagkakataon ang maraming pilipino na
makapaghanap buhay at dahil dito nagpupunta ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa
pagsara ng kompanyang kanilang pinapasukan. Ayon kay Tumampil, F. F. (2016). Sinasalo nito ang mga
mamamayan na hindi makapasok na regular na empleyado sa isang kompanya, nabibigyan ng
pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay, nabibigyan ng karagdagang kita sa mga
mamamayan, nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan, malaki ang
naiitulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang halaga kaya naman ay masasabing
mayroong kahalagahan ang impormal na sector sa bansang Pilipinas. Ayon sa Impormal na sektor at
ekonomiya ni Arguilles, M. O. ang resulta ng kawalan ng sapat na regulasyon mula sa pamahalaan ay ang
Paglala ng mabagal na daloy ng trapiko, Pagdami ng mga basura sa paligid,Pagbabara sa kanal at
estero,Paglala ng polusyon sa hangin at Paglala ng kaso ng kriminalidad tulad ng snatching at iba pa
Ayon pa kay Arivas ang Impormal na sector bilang tugon sa hindi mabuting epekto ng
globalisayon.Sinasalo nang impormal na sector ang biktima ng globalisayon ang ilan sa pansamantalang
hanap buhay ng mga nawalan ng trabaho ay ang pagpasok sa negosyo ng buy and sell, pagiging
trabahador sa kontruksyon, kahalili o karelyebo sa pamamasada ng sasakyan, pagtinda ng mga lutong
bahay at iba pa . bagamat hindi nagbabayad ang ilan sa kanila, maituturing patin silang kabilang sa
impormal na sector
Pangangailangang mabuhay, hangaring kumita, kawalan ng malaking puhunan , kahirapang
makarehistro ng negosyo sa pamahalaan at ang pangalawa ay upang makaligtas sa pagbayad ng buwis
sa pamahalaan , upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksyon sa pamahalaan o tinatawag na bureaucratic red tape, upang makapaghanapbuhay
na hindi kakailanganin ang masyadong malaking puhonan o capital at upang mapangibabawan ang
matinding kahirapan.
Bagama’t mayroon ngang kahalagan at kagandahan ang impormal na sektor para sa mga mamayan ng
ating bansa di parin mapagkakaila na mayroon din etong epekto sa ekonomiya ng ating bansa ayon kay
Tumampil nagreresulta eto ng pagbaba ng halaga ng nililikom na buwis ng pamahalaan , sa makatuwid
malaking kabawasan ito sa maaaring kitain ng pamahalaan na magagamit upang pondohan ang
maraming programa at proyekto nito. Nagkakaroong rin ng ng banta sa kapakanan ng mga
mamimili ,dahil hindi sakop ito sa pamahalaan,maaaring ang mga produkto o serbisyo nito ay hindi ligtas
gamitin ng publiko. Ilan sa halimbawang masamang epekto ng kakulangan o kawalan ng mabisang
quality control ay ang mga kulang sa timbang o dami ng produkto,depektibong produkto, hindi
malinis ,at maingat na paghahanda o pagpoproseso ng produktong pagkain, maling pagpakete,
mababang kalidad o serbisyo at kulang o hindi sumalalim sa masusing pananaliksik tungkol sa
masasamang epekto ng produkto at serbisyo sa kapaligiran at kalusugan ng mamimili. Ayon sa Ano ba
ang meron sa Street Foods. (2008)Sa kabila ng lahat ng ito, marami pa rin ang mga kumakain ng mga
'street foods'. Ayon sa iba, ang pagkain ng mga ito ay depende naman sa sikmura ng tao. Kung hindi
matibay ang sikmura ng tao o hindi siya sanay na kumain ng mga ganitong klaseng pagkain, ay maaaring
magkasakit siya. Pero kung sanay naman at matibay ang sikmura ng taong kumakain maaaring hindi siya
magkasakit. Pero dapat pa ri nating isipin na kahit na mura at masarap ang mga 'street foods' ay
kailangan pa rin nating isaalang-alang ang ating kalusugan. At dahil nga sa hindi ito hawak ng
pamahalaan ay posible ang ang paglaganap ng mga illegal na gawain tulad ng pagmimirita .
Mayroong Panganib sa impormal na sector, maaaring walang sapat na proteksyon sa katawan ang mga
manggagawa habang nagtratrabaho. Panganib sa mga naglalako (ambulant vendors) ang kalsada sa mga
rumaragasang sasakyan.Bukod parito ang malalang polusyon sa hangin at maingay na kapaligiran.
Kalimitan ay hindi sila sakop sa insurance dahil sa kawalan ng nasusulat na kontrata ay maaaring
lumaganap ang mga kaso ng paglakbay sa kasunduan . sinabi ni Menzi, M. E. (2014). Kung mahihihayat
lang ng gobyerno ang mga vulnerable workers sa pormal na sector mabibigyan tayo ng income na syang
kailangan natin para sa economic progress.
V. PRESENTASYON NG ISTADISTIKA
Philippines GDP 1960-2016
Ipinakita sa grapiko na tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) sa Pilipinas na nagkakahalagang
291.97 billion US dollars noong 2015 kumpara sa 2006 na may pinaka mababang halaga. Makikitang
hindi consistent ang pagtaas ng GDP dahil makikita sa taong 2009 ang GDP ay bumaba kumpara sa 2008
ngunit tumaas naman ng 199.59 USD galling sa 168.33 USD.
Philippines Employment Rate 1991-2016
Sa taong 2014 ang employment rate ay bumaba galing 93.5 sa 92.5 na sya namang bababa ulit pero
tataas ulit. Sa taong 2016 tumaas ang employment rate sa 94.6. Makikita sa grapiko na unti lang ang
deperensya sa pag taas at pagbaba kung kaya’t masasabing di ganun kalaki ang pagbabago sa
employment rate.
Philippines Average Nominal Wages 2001-2016
Ang sweldo kada buwan simula 2006 at patuloy na tumataas. Galing 6831 PHP/ month tumaas eto sa
6955 php/ month at patuloy parin na tumataas hanggang 2011 na nagging 8280 php/ month.
Philippines Job Vacancies 1987-2016
Sa taong 2007 natala ang pinaka mataas na bilang ng job vacancies na nasa bilang na 220000 at taong
2008 naman natala simula January hanggang January 2009 ay walang job vacancies ngunit sa taong rin
na iyon ang job vacancies at tumaas sa 200000 .
Philippines Consumer Spending 1998-2016
Makikitang consistent ang pagtaas ng consumer spending sa tatlong taon simula sa 2013 hanggang
2016.
INFORMAL SECTOR SHARE IN GDP IN SELECTED ASIAN COUNTRIES
Source: Charmes 2000, BLES, 2007
Ipinakita sa table na sa taong 1995 ang kabuuang pesyento ng GDP sa bansang pilipinas ay 25.4
habang ang posyento ng Non- Agricultural GDP sa parehong taon ay nasa porsyentong 32.5 na syang
pangalawa sa pinaka mataas sa percent of non-agricultueal GDP. Sa taong 2001-2006 naman nasa 20-30
percent ang total GDP at wala naming natala sa porsyento ang non-agricultural GDP.
Countries (years) Percent of Total GDP Percent of Non-Agricultural GDP
Philippines (1995) 25.4 32.5
Philippines (2001-2006) 20-30 -
Korea (1995) 15.9 16.9
Indonesia (1998) 25.2 31.4
Pakistan (1997) 21.2 28.7
India (1990-91) 32.4 48.1
Percent Distribution of informal sectors workers, 2002-2007
Ipinakita sa table na taong 2002 hanggang 2007 ang porsyento ng corporate executive,
managers proprietors at supervisors ay di consistent ang pagtaas kung saan ang 2001 to ang may pinaka
mababa at 2004 ang may pinaka mataas. Sa professionals naman kung saan may roong pinaka
mababang porsyento na kung saan 0.5% ang pinakamataas sa taong 2002. Ang iba pang klasipikasyon ng
trabaho ay nasa porsyentong di tataas sa 6.5% dahil ang pika mataas na porsyento ay nasa klasipikasyon
ng Farmers, Forestry Workers at Fishermen na mayroong 35.7% sa taong 2003 habang ang
pinakamababa nito ay nasa 34% na nasa taong 2007.
Distribution by Educational Attainment of Informal Sectors
Masasabing sa natapos na pag aaral ng mga nasa impormal na sector ay hindi maganda dahil sa
ang taas ng porsyento ng hindi nakapagtapos ng pagaaral dahil ang pinaka mataas na porsyento ng
nakapagtapos lamang ng kolehiyo ay nasa 16.3% lamang sa taong 2006 .di man ganun katas pero nasa
4.2% ang dina sa taong 2001 ang di nakapagaral. Mahihinuhang nasa klasipikasyon ng nakatapos ng
elementarya ang may pinaka mataas na porsyento na kung saan 46.1% ang pinakamataas s taong 2001
habang ang pinaka mababa nito ay nasa 43.7% sa taong 2006.
Percent of Informal Sector Workers to Total Employment by Region 2002-2007
.
Makikita na nasa ARMM region ang may pinakamataas na porsyento na Informal Sector Workers
to Total Employment na nasa 84.6% sa taong 2004 habang nasa CALABARZON naman ang may pinaka
mababang poryento dahil wala silang naitala sa taong 2002 habang lang 17% sa taong 2002 at hanggang
2007 nanatili silang nasa mababang porsyento. Mababa rin ang naitala sa NCR dahil sa anim na taon
hindi na lumalagpas ang kanilang porsyento sa 25%.
Table 1. Results of the Mapping of Informal Settlers in the Philippines
550,771 August 2007 ang natalang informal setlers at ayon sa grapiko nasa Quezon City ang
may pinaka mataas na bilang na nasa 90K households habang ang Rizal at davao naman ay nasa 20
thousand households sa informal sectors.
Table 2. Comparison of Estimated Number of Informal Settlers in Metro Manila, 2007
Masasabing sa taong 2007 sa isang buwan lang (august-september) ang laki ng itinaas ng bilang
ng impormal na settlers (households) makikitang ang naitala sa buwan ng august ay mahigit sa doble ang
naitala sa buwan ng septyembre. Makikitang nasa NCR ang ang may pinaka mataas na bilang habang sa
parehong buwan at nasa West sector naman ang may pinaka mababang bilang sa buwan ng august na
nasa 23, 710 habang sa buwan naman ng septyembre nasa South sector ang may pinaka mababang
bilang na nasa 109,
VI. PAGLALAHAT
Mahihinuha sa pag aaral na ang impormal na sektor at isang hindi legal sa batas subalit
makikitang napakaling bilang ng tao ang nakapaloob dito. Muka mang negatibo ang impormal na sektor
subalit malaki rin ng naitutulong nito satin dahil sinasalo nito ang mga taong hindi kayang makapasok sa
orginisadong sektor. Ang kalagayan nito ay di hawak ng pamahalaan ang impormal na sektor na paka
dali para satin ang makapasok dito dahil madali ang dadaanang proseso, walang pormalidad ito, walang
mga papeles na dapat asikasuhin. Buhat nito ang epekto nito ay ang sweldo na natatanggap ng mga
vulnerable workers ay kadalasang mababa pa sa minimum wage na dapat nilang matanggap. Kumbaga
nakaka lungkot mang isipin subalit ang pagtaas ng nominal wage ayo sa grapiko ay hindi nakakarasan ng
mga manggagawa sa impormal na sektor. Ang kasalukuyang kalagayan ng impormal na sektor sa ating
bansa ay walang benepisyong nakukuha ang mga manggagawa at kadalasang on-call troubleshooter
lamang sila kung kaya’t dahil ditto nagkaroon ng magna carta na syang ng bibigay proteksyon sa mga
manggagawa na nasa impormal na sektor.
Sa impormal na sektor ang mga edad na nararapat na din a at hindi pa nagtatrabaho ay ta-
trabaho at mga nasa 35 na edad ang may pinaka mataas na bilang na nakapaloob sa impormal sa sektor.
Ayon sa table mataas ang bilang ng nasa impormal na sektor na din aka pag tapos ng pagaaral at pinaka
mataas sa di nakapag tapos ng elemtarya. Nakakalungkot mang malaman subalit ayon sa survey mas
mataas ang bilang ng sumagot ng satisfied sila sa kanilang kalagayan. Ayon pa sa table na nakalap
madaming Farmers, Forestry Workers at Fishermen ay nasa impormal na sektor. Ang CALABARZON at
NCR ay may mababang naitala na nahikayat ng impormal na sektor na lumipat sa pormal na sektor
habbang nasa ARMM naman ang may pinaka mataas. Sa quezon city ay mayroong pinaka mataas ng
bilang ng impormal settlers.
Kasama sa GDP mayroong naiambag ang impormal na sektor kung kaya’t ang pag taas nito ay
may kinalaman sa impormal na sektor. Natala sa employment rate na 94.6 lamang ang employed
habang may mataas parin na na bilang ang job vacancies ibig sabihin ang kalagayang impormal na sektor
sa bansa ay mayroon silang malaking lugar sa pormal na sektor subalit hindi sila pwede dahil sa
education ngunit ayon sa pagaaral di lang kailangan din nila ng maayos na kapaligiran upang iyon ay
maisakatuparan.
Sa taon na ito tumaas ang consumer spending ibig sabihin ang mga na impormal na sektor na
nakakatanggap ng mababa na sweldo ay na ngangailangan ng tulong dahil maiipit sila sa kasalukuyang
kalagayan ng ekonomiya.
Ang impormal na sektor naman ay nakakaapekto sa pagkonsumo dahil sa apektado nito ang
mga mamayan na sya namang nag kokosumo. Makikita sa pag aaral na dahil sa di nga hawak ng
pamahalaan ang impormal na sektor hindi nito na mo-monitor kung pasado ba sa pamantayan na
binibenta ng mga nasa impormal na sektor . dahil dito nagkakaroon ng banta sa mga mamimili at
maapektuhan na ang pag konsumo.
VII. KONKLUSYON
Napagtantong natin na sa pag aaral na ang kalagayan ng impormal na sektor s bansang pilipinas
ay hindi nasa magandang kalagayan at nakaka apekto pa ito sa mga mamimili na tulad natin na kung
saan ay nagbibigay banta. Ang mga tao na ang kumakakain ng street foods ay maaaring magdulot sa
kanila ng sakit. Maaaring maging reperensiya sa tamang paraan ng paghahanda ng pagkain. Pwedeng
maging gamit ito para maipaalam sa mga tao na hindi purkit mura at masarap ang mga pagkain ay sulit
na sulit na ito, dahil ang pagkain ng street foods ay maaaring makapaglagay sa tao sa tiyak na
kapahamakan. Hindi lahat ng pagkain ay maaari nating kainin at at hindi rin lahat ng binibenta sa
pamilihan ay ligtas at angkop na bilihin. Dapat tayo ay maging matalinong mamimili para saating
kaligtasan dahil hindi lahat ng produkto ay aprobado ng pamahalaan. Ayon saaking pagsasaliksik may
panganib sa mga naglalako (ambulant vendors) ang kalsada sa mga rumaragasang sasakyan. dapat pa rin
nating isipin na kahit na mura at masarap ang mga 'street foods' ay kailangan pa rin nating isaalang-
alang ang ating kalusugan.
Masasabi din natin na ayon sa isinagawang pagsasaliksik nakita natin ang masalimuot na
kalagayan ng mga nasa impormal na sektok sa bansang pilipinas. Mataas ang bilang ng mga nasa
nasabing sektor. Dahil sa walang pomalidad ang impormal na sektor madaming illegal na Gawain ang
pumapaloob dito. Ang wala pa at wala na sa tamang edad ay nagtatarabaho para lang sa mabuhay.mas
malaking banta ang binibigay nito sa mga manggagawa dahil sa wala naman itong proteksyon, supporta
at maintenance na natatanggap. Kadalasang di nakakatanggap ng sapat na kita ang mga nasa uri ng
sektor at higit sa lahat wala silang benipisyo tulad ng SSS na natatanggap. Madaming ring hindi pa
nakapagtapos ng pagaaral ang nasa sektor na ito na sa kung saan ang mga nasa impormal na sektor ay
nanatiling nasa impormal na sektor. Napakahirap ng kalagayan ng mga nasa impormal na sektor dahil sa
on-call troubleshooter lamang sila.nagkakaroon lamang sila ng trabaho kapag may tumatawag sakanila.
Ibig nitong sabihin ay ang trabaho na mayroon sila ay hindi regular. Madami nga ang makapasok sa
impormal na sektor subalit napaka hirap naman ng kalagayan nito dahil napaka lapit nito sa pahamak.
Ngunit hindi naman ganun kasama ang impormal na sektor. Kahit na malaki ang potensyal
nitong dalhin ang isang indibidwal sa panganib mayroon parin naman etong mabuting naidudulot.
Sinasalo nito ang mga taong di makapasok sa isang pormal na trabaho. Isang trabaho na sa kung saan
may roong mga benepisyo, seguridad at orginisadong paraan. Isang trabaho na malayo sa trabahong
makukuha lamang sa impormal na sektor. Kahit na di kagandahan ang nasa impormal na sektor
nabibigyan parin nito ng hanapbuhay ang mga taong walang sapat nakakayahan. Nagiging pag asa ito
para sa mga taong nasa paghihirap. Hindi man sapat ang nakukuha nila dito natala namang satisfied ang
mga nasa sektor sa kanilang kalagayan.
Maiikonklud din natin na sa pagtaas ng GDP nag karoon ang impormal na sektor ng bahagi dito
kung kaya at masasabi nating hindi peste o salot ang impormal na sektor sa ekonomiya bansa dahil sa
nakakatulong rin eto sa mga mamimili at ekonomiya. Sa pag aaral na ito ay nakikita natin ang
employment rate at job vacancies na ibig sabihin ay ang mga nasa impormal na sektor ay may roong
malaking lugar sa formal na sektor. Sinasalo nang impormal na sector ang biktima ng globalisayon ang
ilan sa pansamantalang hanap buhay ng mga nawalan ng trabaho ay ang pagpasok sa negosyo ng buy
and sell, pagiging trabahador sa kontruksyon, kahalili o karelyebo sa pamamasada ng sasakyan, pagtinda
ng mga lutong bahay at iba pa. Pangangailangang mabuhay, hangaring kumita, kawalan ng malaking
puhunan. kahirapang makarehistro ng negosyo sa pamahalaan at ang pangalawa ay upang makaligtas sa
pagbayad ng buwis sa pamahalaan. upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso
ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan o tinatawag na bureaucratic red tape. upang
makapaghanapbuhay na hindi kakailanganin ang masyadong malaking puhonan o capital at upang
mapangibabawan ang matinding kahirapan.
Dahil sa impormal na sektor hindi natin masasabi kung umuunlad nga ang ekonimiya ng bansang
pilipinas. Subalit makikita naman natin sa ating paligid kung ano ang epekto ng impormal na sektor
madami ang natutulungan nitong tao. Subalit madami rin etong nabigyan ng kapahamakan dahil ang
impormal na sektor ay walang kasiguraduhan. Madami rin ang naloloko sa sektor naito at mga gawaing
di magaganda. Ang mga naimpor mal na sektor ay hindi dapat hinahayaan lang dapat bigyan parin eto
ng aksyon. Ang kasalukuyang kalagayan ng mga nasa impormal na sektor ay hindi nasa magandang
kalagayan. Kailangan natin silang tulungan dahil kung atin silang hinayaan katulad sa taong 2007 sa isang
buwan ay malaki an gang inilaki ng impormal na settlers. At kung hahayaan pa nga natin eto maaaring
mas lumaki pa ito na syang nakakaalarma dahil kung lalaki ang bahagdan ng impormal na sektor bababa
ang ekonomiya ng ating bansang pilipinas. Dapat tayo ay magkaisa bilang Pilipino na maspagandahin pa
ang baying ating sinilangan. Kung magtutulungan lang tayo, ang gobyerno at mga kabilang sa impormal
na sektor posibleng maibsan at malunasan ang krisis na ating kinahaharap.
VIII. REKOMENDASYON
Dahil sa pag aaral na ito makikita natin ang madaming suliraning kinahaharap ng mga nasa
impormal na sektor makikita na nagging malaking hadlang ang di nakapag tapos ng pagaaral ng mga
nasa impormal na sektor upang mapaliit ang malaking bilang ng mga mamayang nasa sektor. Nalaman
din natin na upang maiibsan ang krisis sa pamamagitan ng edukasyon dapat kumilos rin ang gobyerno at
hindi pabayaan ang mga taong nasa madilim na sulok na ito. Dapat rin na bigyan pansin na tao rin ang
mga nasa sektor na ito, tao sila na mayroong karapatan na makuha ang dapat na meron sila. Tulad ng
Magna Carta na iginawa para sakanila dapat ay ipatupad ito ng maayos ng upang sa gayon ang nasabing
batas ay di lang basta batas na nakasulat sa halip ay isa ring batas na isinasagawa para sa ikakabuti ng
mga mamayan ng ating bansa. Hindi rin naman tama na iasa ang lahat ng problema sa gobyerno dapat
rin na matututo ang mga nasa impormal na sektor na magsikap at magtyaga para sa ikakalago nila at
pati narin ng ating bayan. Ang ‘Growth’ na sinasabi ng mga opisyal ay hindi lang eksklusibo dapat ay ito
ay maging patas at para sa lahat. Dapat rin na eto ay maipadama sa lahat hindi lang basta naririnig ng
mga taong nakakarinig.
Para naman sa pagkonsumo dapat bigyan ng DOH at DepEd ng sapat na kaalaman ang mga
studyante at ang mamayan ng ating bansa ang posibleng mangyari kung sila ay magko-konsumo ng
produkto galing sa impormal na sektor. Dapat maging bukas ang pagiisip ng mga mamimili sa
pagkonsumo ng sa gayon ay maiwasan ang banta sakanilang buhay. Para naman sa mga nasa impormal
na sektor dapat silang maging malinis at ligtas ang produkto ang kanilang ibinebenta kung saan dapat
isaalang alang nila ang buhay ng mga taong bibili sakanila. Tulad sa pag aaral may malaking
responsibilidad ang impormal na sektor na dapat nya gampanan kung kaya’t aking nirerekomenda na
magandang pag pag aralan din ang responsibilidad ng impormal na ekonomiya.
IX. MGA SANGGUNIAN
Arguilles, M. O. Impormal na sektor at ekonomiya
Arivas, R. et. al. (2014).TERM PAPER IN ARALING PANLIPUNAN IV
Bernabe, K. et. al. (2014, May 2). The ‘informalization’ of Philippine workers. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/598935/the-informalization-of-philippine-workers
Blogspot. (2008). Ano ba ang meron sa Street Foods. Retrieved from http://g0rg30uzplaymat3z.blogspot.com/2008/03/i-introduksiyon_16.html
Caraballo, M. U. (2016, June 22). PH banks need to focus on informal sectors – WB. Retrieved from http://www.manilatimes.net/ph-banks-need-to-focus-on-informal-sectors-wb/269365/
Deped K to 12. (2016). ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG. Retrieved from http://depedkto12.blogspot.com/2016/02/ang-impormal-na-sektor-isang.html
Estimating Informal Settlers in the Philippines, 2010. (2012). Retrieved from https://djecexplains.wordpress.com/2012/10/13/38/
Jocson, M. at Navales, R. (2012, June 7). DepED, nagpaalala sa mga estudyante sa panganib ng pagkain ng mga street food. Retrieved from https://www.untvweb.com/news/deped-nagpaalala-sa-mga-estudyante-sa-panganib-ng-pagkain-ng-mga-street-food/
Labastida, S. C. L. (2014). Impormal na Sektor ng Ekonomiya. Retrieved from http://www.slideshare.net/seanclarkluinor/kabanata-11-impormal-na-sektor-ng-ekonomiya
Menzi, M. E. (2014). Underground Economy. Retrieved from https://prezi.com/rgjbqfelci1e/copy-of-copy-of-impormal-na-sektor/
Pascual, A. (2016, April 2). Impormal na Sektor. Retrieved from http://www.veritas846.ph/impormal-na-sektor/
Philippine Statistic Authority. (2009, January 14). Informal sector operators counted at 10.5 million (Results from the 2008 Informal Sector Survey). Retrieved from https://psa.gov.ph/content/informal-sector-operators-counted-105-million-results-2008-informal-sector-survey
Sicat, G. P. (2011, March 30). The informal economy, employment and development.Retrieved from http://www.philstar.com/business/670739/informal-economy-employment-and-development
Trading Economics (2016). Retrieved from. http://www.tradingeconomics.com/philippines
Tumampil, F. F. (2016). Impormal na Sektor. Retrieved from http://documents.tips/documents/impormal-na-sektor.html