Transcript
Page 1: Yunit 3  istruktura ng wika

Ponolohiya - makaagham na pag-aaral ng ponema

Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita

Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap

Semantika - ang pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika

YUNIT III:

ISTRUKTURA AT KALIKASAN

NG WIKANG FILIPINO

Page 2: Yunit 3  istruktura ng wika

PONEMAPONEMA- makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita.

Halimbawa:maestro- maestraabogado – abogadatindero – tinderaAngelito – Angelita

Page 3: Yunit 3  istruktura ng wika

Ang wikang Filipino ay binubuo ng :2 uri ng Ponema

1. Ponemang Segmental

2. Ponemang Suprasegmental

Page 4: Yunit 3  istruktura ng wika

15 katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l , r, y, k, g, ŋ, w, ˀ /

/ ˀ / -pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin

/ ŋ / - kumakatawan sa titik na /ng /

Ang Filipino ay may…

21 Ponemang Segmental

5 patinig - /a, e, i , o, u/

Page 5: Yunit 3  istruktura ng wika

2. Ponemang Suprasegmental

1. TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.

Halimbawa:

Ikaw. – (may katiyakan)

Ikaw? –(hindi sigurado/nagtatanong)

3 Uri

Page 6: Yunit 3  istruktura ng wika

2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang

salita.

Halimbawa:

BUkas - buKAS

PIto - piTO

SAya - saYA

Upo - uPO

Page 7: Yunit 3  istruktura ng wika

3. ANTALA- ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang ipinahahayag.Halimbawa:Bigkasin at huminto kapag nakita ang / .

•Si Mark Anthony / at ako //

•Si Mark / Anthony / at ako //.

Page 8: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa:

Hindi siya si Jomar //

Hindi / siya si Jomar //

Hindi siya / si Jomar //

Hindi ako ang gumawa. //

Hindi / Ako ang gumawa. //

Page 9: Yunit 3  istruktura ng wika

- alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.

- ang mga diptonggo sa Filipino ay

/y / - ay, ey, oy, uy /w / - aw, ew, iw, ow, uw

DIPTONGGO

Page 10: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa: /aw /

agaw dalaw ibabaw lugaw ginaw kalabaw nakaw sabaw takaw dilaw halimaw palayawanahaw hikaw sabaw tanawapaw galaw hilaw sitawaraw bughaw langaw ayaw ihaw sigaw tunaw ikaw ligaw uhaw ginaw ilaw litawhataw kalabaw

Page 11: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa:

/ iw /

aliw sisiw baliw

giliw paksiw

Page 12: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa: /ay /

bahay buhay tulaysabay palay tunaygulay kulay awaybagay itay/inay pandayalay akbay patnubaypaypay hukay lagaysaklay pilay tangaytibay pantay lakbayhusay sampay patay

Page 13: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa:/oy /

kahoy tuloy langoydaloy abuloy baboy kasoy palaboy taboyapoy simoy tukoyamoy langoy unggoybiloy

Page 14: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa:

/ey / /uy / reyna aruy keyk baduy

beyk beysbol

Page 15: Yunit 3  istruktura ng wika

Mga Tulang may DiptonggoIbig kong marating ang abot ng tanaw,Ibig kong maabot ang langit na bughawLupang malalawak sana ay malakbay,Dagat na malalim ay mapaglanguyan.

Kaluluwa nati’t buhaySa Diyos natin iaalayNang tayo ay makinabangNang lubos na katuwaanDoon sa langit na bayan.

Page 16: Yunit 3  istruktura ng wika

Paalam na sintang lupang tinubuanBayang masagana sa init ng arawEdeng maligayang sa ami’y pumanawAt perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Page 17: Yunit 3  istruktura ng wika

Kambal-Katinig /KLASTER

- ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig.

- ito ay maaaring makikita sa unahan, sa gitna o sa hulihang pantig ng salita.

Page 18: Yunit 3  istruktura ng wika

Hal : (Kambal-Katinig / Klaster Unahan Gitna Hulihan drama iskwater rekord blusa eskwela tayp klerk biskwit nars krema kongklusyon kart gripo sumbrero beys dyaryo klima kard plano pilantropo relaks

Page 19: Yunit 3  istruktura ng wika

Pares - Minimal

- pares ng salitang magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang pinagkaiba ng kanilang kahulugan.

- ginagamit ito upang maipakita ang pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig ngunit magkaiba ang ponem at kahulugan.

Page 20: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa: Pares-Minimal

misa – mesa tila – tela

oso – uso titik – titig

Selya – silya Pepe – pipi

ilog – irog iwan- ewan

Page 21: Yunit 3  istruktura ng wika

Ponemang Malayang Nagpapalitan

- ito ang mga ponemang e, i, o, u na maaaring

magkapalit ng gamit ngunit walang nagbabago sa kahulugan.

Page 22: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa: Ponemang Malayang Nagpapalitan

e – i o - ubabae – babai uso - usulalake – lalaki guro – gurubibe – bibi baso – basu

bobo – bobu pito – pitu

sampo – sampu

Page 23: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa: Ponemang Malayang Nagpapalitan

d – rmadami – marami

doon – roonmadamut – maramot

dito – ritomadungis - marungis

Page 24: Yunit 3  istruktura ng wika

  l r w y mb blusa        

d          

f          

g          

h          

k    krus      

l          

p   prutas      

r          

s          

t          

n          

Page 25: Yunit 3  istruktura ng wika

MORPOLOHIYA- pagsusuri sa mga paraan ng

pagbuo ng mga salita sa isang wika.

- pag-aaral ng morpema /morfim

Page 26: Yunit 3  istruktura ng wika

MORPEMA /Morfim- ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan

Halimbawa:

makahoy–(2 morpema)

ma(ang pagkakaroon) at kahoy

Page 27: Yunit 3  istruktura ng wika

Mga Anyong Morpema / Morfim

1. Binubuo ng isang ponema. Ang ponemang a ay nauukol sa babae. Gayundin, ang ponemang o ay nauukol sa lalaki. Ang morpema ay maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.

Page 28: Yunit 3  istruktura ng wika

Halimbawa:

doktor–doktora senador- senadora dekano- dekana senyorito – senyorita

Taliwas: ang mga ito ay para sa babae o lalaki:

artista bata manggagawa manghuhula

 

Page 29: Yunit 3  istruktura ng wika

2. Binubuo ng salitang-ugat.

-ito ay mga salitang payak gaya ng ganda, buhay, isa. Ito ay tinatawag ding malayang morpema sapagkat may sariling kahulugan at makatatayong mag-isa.-mga payak itong salita dahil walang panlapi.

Page 30: Yunit 3  istruktura ng wika

3. Binubuo ng panlapi. -maaaring unlapi, gitlapi o hulapi.

-ang mga panlapi ay may sariling kahulugan kayat bawat isa ay isang morfim /morpema. 

Page 31: Yunit 3  istruktura ng wika

Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginagamit sa mga sumusunod na halimbawa:

minata, matahin, mapangmatanagpayong, nagpayungan, pinayunganpagurin, ikinapagod, napagodtumaas, taasanbatuhin, nagbatuhan, binato

Page 32: Yunit 3  istruktura ng wika

Ang morpema ay maaari ring:1. May Kahulugang Leksikal – kung

ang salita ay pang nilalamanHalimbawa:Pangngalan: aso, tao, sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag); (mosque, Tausug)Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo, tayo, kami, sila

Page 33: Yunit 3  istruktura ng wika

Pandiwa: mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin, umalisPang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami, makapal, masipag, mapagmahalPang- abay: kahapon, kanina, doon, diyan, madalas, araw – araw, bukas, madaling araw, takipsilim

Page 34: Yunit 3  istruktura ng wika

2. Pangkayarian - walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Halimbawa:Pang-angkop: na, ngPangatnig: at, o saka, at iba paPang-ukol: tungkol sa/kay, ayon saPananda: ang, sa, si/sina, ni/nina,

kay / kina 

Page 35: Yunit 3  istruktura ng wika

Wastong Gamit ng mga Salita

Page 36: Yunit 3  istruktura ng wika

may- ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nasa pangngalanHal. May kompyuter sa kanilang bahay.

*ginagamit din sa pandiwaHal. May naglilinis sa labas.

*ginagamit din sa panghalip na paari (akin, kanila)

Hal. May lalaking naghihintay sa akin sa labas.

1. may / mayroon

Page 37: Yunit 3  istruktura ng wika

mayroon - kapag ang sinusundang salita

ay panghalip na palagyo Hal. Mayroon kaming palaisdaan sa

Bulacan. Mayroon siyang kotse.* kung sinusundan ng kataga o ingklitikHal. Mayroon ba siyang pasalubong?

Page 38: Yunit 3  istruktura ng wika

2. Ng / Nang ng (of) – gamit bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa

Halimbawa: Ang dahon ng kahoy ay malago. Nagsipilyo siya ng ngipin bago matulog.

Page 39: Yunit 3  istruktura ng wika

Ginagamit na pang-ukol na tagaganap ng pandiwaHalimbawa: Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.

Ginagamit na pananda sa tuwirang layon na pandiwang panlipatHalimbawa: Nag-aral siya ng leksyon para sa nalalapit na pagsusulit.

Page 40: Yunit 3  istruktura ng wika

nang- “when”

Hal: Kumakain kami ng hapunan nang dumating ang mga panauhin.

Katumbas na so that o in order to sa InglesHal: Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo ay makapasa

Magsikap ka nang ang buhay mo ay guminhawa.

Page 41: Yunit 3  istruktura ng wika

3. Na + ng / nang

Hal: Kumain na ng lugaw ang batang maysakit.

Kapag napapagitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa

Hal: takbo nang takbo ; sulat nang sulat, kain nang kain

Page 42: Yunit 3  istruktura ng wika

4. daw/din at raw/rindaw/din – kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa malapatinig ma (y at w).Hal: May pangarap daw siyang makapagtrabaho sa Canada.

Page 43: Yunit 3  istruktura ng wika

raw/rin -kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at (y at w).

Hal: Sasakay raw sila sa eroplano. Buhay raw ng asawa niya ang

nakasalalay dito.

Page 44: Yunit 3  istruktura ng wika

5. Kung/ Kong

Kung – ginagamit sa pangatnig na pasubali at karaniwang ginagamit sa hugnayan na pangungusap.

Hal: Kung aalis ka sasama ako. Matutulog ako kung papatayin mo ang ilaw.

Page 45: Yunit 3  istruktura ng wika

kong – panghalip na panao

Hal : Gusto kong manood ng sine. Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.

Page 46: Yunit 3  istruktura ng wika

6. Pahiran/Pahirin Pahiran – lagyanHal: Pahiran mo ng langis ang kanyang paa.

Pahirin - alisin o tanggalin (wipe off)Hal: Pahirin mo ang mga luha sa iyong mata.

Page 47: Yunit 3  istruktura ng wika

7. Operahan / OperahinOperahan – tumutukoy sa tao hindi sa bahagi ng katawanHal: Siya ay ooperahan sa paggamutan.Operahin - tumutukoy sa tiyak na

bahagi ng katawanHal:Ang bukol sa kanyang dibdib ay ooperahin. 

Page 48: Yunit 3  istruktura ng wika

 8. Subukan/ SubukinSubukan- malihim na pag-oobserba (to see secretly)Hal: Subukan nating tikman ang

kanilang pagkain.

Subukin- pagsisiyasat sa lakas (to test or try)

Hal: Subukin mong gamitin ang kutsilyong iyan kung matalas.

Page 49: Yunit 3  istruktura ng wika

9. Walisan/Walisin

Walisan- lugarHal: Walisan natin ang ating

silid-aralan.Walisin - tumutukoy sa bagay

na aalisinHal: Walisin mo ang alikabok. 

Page 50: Yunit 3  istruktura ng wika

10. Binasag/ Nabasag

Binasag - sinadyaHal: Binasag niya ang baso sa

sobrang galit.Nabasag - di sinasadyaHal: Nabasag ang salamin dahil sa away nila.

Page 51: Yunit 3  istruktura ng wika

11. Pinto/ PintuanPinto – “door”Hal: May kumakatok sa pinto.

Pintuan – “doorway” Hal: Huwag kayong magsisiksikan

sa pintuan.

Page 52: Yunit 3  istruktura ng wika

Sintaksis / Sintaks / Palaugnayan

-pagsasama- sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap.-pag-aaral ng palatanungan, palabuuan at talasalitaan;-mga pagsasanay tungkol sa pagpili ng maayos na pangungusap, na may isa lamang maliwanag na kahulugan.

Page 53: Yunit 3  istruktura ng wika

Pangungusap Ayon saTungkulin

1. Paturol o Pasalaysay / Declarative

- pangungusap na nagsasabi o nagpapahayag ng isang bagay na paturol o pasalaysay. Ito ay maaaring nasa karaniwang ayos na gaya ng mga pangungusap na sumusunod. Ang bantas na ginagamit sa pangungusap na pasalaysay ay tuldok (.).

Page 54: Yunit 3  istruktura ng wika

Hal:

a. Siya ay tanghaling dumating.

b. Maraming magagandang pook sa Pilipinas.

Paturol o Pasalaysay / Declarative

Page 55: Yunit 3  istruktura ng wika

2. Patanong/ Interrogative

– pangungusap na nagtatanong ng isang bagay o mga bagay.Gumagamit ng tandang pananong (?).Hal:

Kailan ang kaarawan mo?Saan nagtungo si Kaye?Dadalaw ka ba sa ospital?

Page 56: Yunit 3  istruktura ng wika

3. Pautos / Imperative

- pangungusap na nag-uutos upang gawin ang isang bagay. Ito ay may dalawang uri.

Hal:Pedro, tawagin mo si Nene.Samahan mo si Lea, Pat.

Page 57: Yunit 3  istruktura ng wika

Ang ikalawang uri ng pangungusap na pautos ay yaong nakikiusap na gawin ang isang bagay. Ang uri ng pauos na ito’y karaniwang gumagamit ng panlaping ipaki at ng salitang maaari.

Hal:

Pakibigay mo nga ang litratong ito kay Kathy.Maaari bang buksan mo ang pinto, Nelia?

Page 58: Yunit 3  istruktura ng wika

4. Padamdam / Exclamatory

-pangungusap na nagpapahayag ng di-karaniwang damdamin. Ang pangungusap na ito ay maaaring magpahayag ng malaking galak, takot, o galit, kaakit-akit. Ginagamitan ng tandang padamdam (!).Hal:Mayaman na ako ngayon!Nakamit ko na ang tagumpay!

Page 59: Yunit 3  istruktura ng wika

Mga Pangungusap

na Walang Paksa

Page 60: Yunit 3  istruktura ng wika

1.Pangungusap na Eksistensyal

- nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba pa.Pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Hal:May mga turista ngayon sa Baguio.

Page 61: Yunit 3  istruktura ng wika

2. Pangungusap na Pahanga

-nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.

Hal:Kay gara ng bago mong damit.Ang bait mo pala.

Page 62: Yunit 3  istruktura ng wika

3. Mga Maikling Sambitla

- tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Hal:Aray! Aruy! Ay!

Page 63: Yunit 3  istruktura ng wika

4. Mga Pangungusap na Pamanahon

- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Hal:

alas-tres malamig ngayon umaaraw tanghali na 

Page 64: Yunit 3  istruktura ng wika

5. Formulasyong Panlipunan

-mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Hal:

Magandang gabi po.Tao po.Mano po.Makikiraan po.

Page 65: Yunit 3  istruktura ng wika