Transcript

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

Bilang tugon sa RA 9485. . .

Barangay MaypulotBayan ng infanta, quezon

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

Talaan Ng Mga Nilalaman

I. Panata Ng Barangay (Pledge)

II. Vision at Mission

III. Pamantayan sa Uri Ng Paglilingkod ng Barangay

(Service Standards)

IV. Mga Pangunahing Serbisyo ng Barangay(Frontline Services)

V. Pamamaraan sa Pag-alam sa Tugon ng Publiko

(Feedback Mechanism)

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

Ang Panata Ng Barangay

Kami, bilang mga lingkod ng Barangay Maypulot, mga lalaki at babaeng sinanay sa tapat na pamamahala ay buong pusong namamanata na maglilingkod sa lahat ng uri ng tao na naghahangad ng pambublikong serbisyo, na may kapakumbabaan, paggalang at may kaakibat na husay at bilis, na maihatid ang makatuwirang serbisyo at paglilingkod sa abot ng aming buong makakaya.

Ang Pananaw at Misyon ng Barangay

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

Pananaw (Vision)

“ Continually provide and enhance the basic services and necessities of our constituents.”

Misyon (Mission)

“Bring to realization the visions in an enriching environment of trust, cooperation and mutual respect and through the grace of God Almighty. ”

Pamantayan Sa Uri ng Paglilingkod Ng Barangay

Tumugon agad sa lahat ng lumalapit na may nais itanong tungkol sa serbisyo o patakaran sa barangay sa loob ng dalawang (2) minuto.

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

Tumugon sa mga natanggap na sulat sa loob ng dalawang (2) araw.

Ihatid o iindorso ang mga sulat sa mga kinauukulan sa loob ng isang (1) araw.

Itala ang mga pormal na reklamo ng sinumang lumalapit sa logbook sa loob lamang ng limang (5) minuto.

Maglaan ng komportableng mauupuan para sa mga babae, bata at matatanda na dumudulog sa barangay sa anumang kadahilanan.

Maglaan ng malinis na palikuran sa lahat ng dumarating at gumagamit ng Barangay Hall.

Magtalaga ng magagalang na tauhan na tumatanggap ng may ngiti sa sinumang dumarating sa Barangay Hall.

Isang Barangay Hall na ligtas-sa-usok ng sigarilyo. (Smoke-free Bgy Hall)

Magbigay ng sertipikasyon na kinakailangan sa loob ng labinlima hanggang dalawampung (15-20) minuto.

Maglaan ng alalay sa matatanda, may kapansanan o buntis sa pag-akyat o pagbaba ng hagdan.

Maglaan ng malinis na kapaligiran sa buong nasasakupan ng Barangay Hall.

Magtakda ng appointment sa mga taong lumalapit kung kakailanganin ang paghihintay ng mahigit sa tatlumpong (30) minuto.

Maglaan ng maiinom gaya ng kape o tsaa sa mga bisita na kailangang maghintay ng mahigit sa labinlimang (15) minuto.

Ang mga berbal na reklamo ay tutugunan sa loob ng limang (5) minuto ng Officer of the Day o ng sinumang Tanod na nakatalaga sa araw na iyon.

Ang mga nasusulat na reklamo ng sinuman ay kinakailangang dapat na i-address kay:

Kgg. MIGUEL C. ESCUETA, JR.Punong Barangay

Barangay Maypulot

Bayan ng Infanta

Mga Pangunahing Serbisyo ngBarangay

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

SERBISYO : PAGKUHA NG SEDULA

TUNGKOL SA SERBISYO : Ito ay isang buwis na nasa kapangyarihan ng pambayang pamahalaan. Binibigyan lamang ng kapangyarihan ang Barangay ng pambayang pamahalaan sa pagkolekta na kung saan ay ang kalahati ng bayad dito ay magiging pondo ng barangay. Ang nasabing sedula ay kailangan ng pangkalahatang publiko sa pakikipagkalakal sa iba’t ibang tanggapan pampubliko man o pampribado.

MGA KLIYENTE : PANGKALAHATANG PUBLIKO

MGA KAILANGANG DOKUMENTO : LUMANG SEDULA (KUNG WALA, AY PERSONAL NA IMPORMASYON

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

BAYAD : DEPENDE

TAGAL NG SERBISYO : 12 MINUTO

MGA HAKBANG:HAKBANG AKSYON NG TANGGAPAN ORAS MAY

PANANAGUTAN1. Pumunta sa Ingat-Yaman ng Barangay

Tingnan ang lumang sedula ng kliyente (Kung wala ay alamin ang mga impormasyon sa kliyente)

1 minuto Ingat-Yaman ng Barangay

2. Pagbabayad ng kaukulang halaga

Paglalagay ng impormasyon sa sedula

10 minuto Ingat-Yaman ng Barangay

3. Pagkuha ng sedula Pagbibigay ng sedula sa kliyente

1 minuto Ingat-Yaman ng Barangay

SERBISYO : PAGKUHA NG BARANGAY CLEARANCE

TUNGKOL SA SERBISYO : Ang Barangay Clearance ay kailangan sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng sa pagnenegosyo, pamamasukan, pagtatayo ng gusali, pagbabakod o pagpapader, pag-utang ukol sa kalamidad, tricycle franchising, police clearance, kawalang kaya sa buhay, at paghingi ng tulong pinansyal sa pagpapalibing ng patay (funeral assistance).

MGA KLIYENTE : MGA MAMAMAYANG NANINIRAHAN SA BARANGAY

MGA KAILANGANG DOKUMENTO :

BARANGAY BUSINESS CLEARANCE – BUSINESS CLEARANCE AT SEDULA BARANGAY EMPLOYMENT CLEARANCE – PANINIRAHAN SA BARANGAY BARANGAY BUILDING CLEARANCE – LOT PLAN, BUILDING PLAN BARANGAY FENCING CLEARANCE- LOT PLAN, LAND TITLE BARANGAY CLERANCE FOR CALAMITY LOAN – PANINIRAHAN SA BARANGAY, SEDULA BARANGAY CLEARANCE FOR TRICYLE FRANCHISING – SEDULA, CERTIFICATE OF

REGISTRATION, OFFICIAL RECEIPT BARANGAY CLEARANCE OF NO DEROGATORY RECORDS – PANINIRAHAN SA

BARANGAY, SEDULA BARANGAY CLEARANCE FOR INDIGENCY – CERTIFICATION FROM DSWD BARANGAY CLEARANCE FOR COLLECTION/ISSUANCE OF BUSINESS TAX RECEIPT –

SEDULA, RESIB0 NG HULING PAGBABAYAD BARANGAY CLEARANCE FOR FUNERAL ASSISTANCE – DEATH CERTIFICATE

BAYAD : MAY BAYAD (MALIBAN SA FUNERAL ASSISTANCE)

TAGAL NG SERBISYO : 20 MINUTO (MALIBAN SA FUNERAL ASSISTANCE)

MGA HAKBANG:HAKBANG AKSYON NG TANGGAPAN ORAS MAY

PANANAGUTAN1. Pumunta sa Tanggapan ng Punong Barangay at ibigay ang mga kaukulang dokumento

Tingnan ang mga dokumento kung tama at sapat.

5 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

2. Pagbabayad ng kaukulang halaga

Pagbibigay ng kaukulang resibo

5 minuto Ingat-Yaman ng Barangay

3. Pagpapakita ng resibo at pagkuha ng kaukulang

Paghahanda at pagbibigay ng kaukulang clearance

10 minuto Punong Barangay, Kalihim ng

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

clearance Barangay o Officer of the Day

SERBISYO : PAGKUHA NG SERTIPIKASYON NG PANINIRAHAN (CERTIFICATE OF RESIDENCY)

TUNGKOL SA SERBISYO : Ang Sertipikasyon ng Paninirahan (Certificate of Residency) ay kailangan sa pakikipag transaksyon sa iba’t ibang tanggapan pampubliko man o pampriba.

MGA KLIYENTE : MGA MAMAMAYANG NANINIRAHAN SA BARANGAY

MGA KAILANGANG DOKUMENTO : Impormasyon sa paninirahan sa barangay

BAYAD : PHP 100.00

TAGAL NG SERBISYO : 20 MINUTO

MGA HAKBANG:HAKBANG AKSYON NG TANGGAPAN ORAS MAY

PANANAGUTAN1. Personal na magtungo sa Tanggapan ng Punong Barangay

Kausapin ang kliyente upang malaman ang detalye ng paghingi ng nasabing sertipikasyon

10 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

2. Pagkuha ng kaukulang sertipikasyon

Paghahanda at pagbibigay ng kaukulang sertipikasyon

10 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

SERBISYO : PAGHAHAIN NG SUMBONG SA KATARUNGANG PAMBARANGAY (LUPONG TAGAPAMAYAPA)

TUNGKOL SA SERBISYO : Sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay, ang may sumbong ay dapat maghain ng sumbong sa Lupong Tagapamayapa at pagbabayad ng kaukulang halaga.

MGA KLIYENTE : MGA MAMAMAYANG NANGANGAILANGAN NITO

MGA KAILANGANG DOKUMENTO: Nakasulat na sumbong o kaya ay pagbibigay ng impormasyon ukol sa sumbong

BAYAD : PHP 100.00

TAGAL NG SERBISYO : 30 MINUTO

MGA HAKBANG:HAKBANG AKSYON NG TANGGAPAN ORAS MAY

PANANAGUTAN1. Personal na magtungo sa Tanggapan ng Punong Barangay

Kausapin ang kliyente upang malaman ang detalye ng sumbong. Itala ang mga detalye sa isang logbook

15 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

2.Pagbabayad ng kaukulang halaga

Pagbibigay ng kaukulang resibo

5 minuto Ingat-Yaman ng Barangay

3. Pagkuha ng kaukulang kasulatan ng Sumbong

Paghahanda at pagbibigay ng kasulatan ng Sumbong.

10 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

SERBISYO : PAGKUHA NG SERTIPIKASYON UKOL SA KATARUNGANG PAMBARANGAY (KP CERTIFICATION)

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

TUNGKOL SA SERBISYO : Sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay, may kaukulang sertipikasyon na ibinibigay sa may-sumbong o sa ipinagsusumbong upang makadulog sa hukuman pagkalipas na hindi maayos ang alitan ng magkabilang panig sa nalolooban ng 45 araw.

MGA KLIYENTE : MGA MAMAMAYANG NANGANGAILANGAN NITO

MGA KAILANGANG DOKUMENTO: Nakasulat na sumbong o kaya ay pagbibigay ng impormasyon ukol sa sumbong

BAYAD : PHP 100.00

TAGAL NG SERBISYO : 30 MINUTO

MGA HAKBANG:HAKBANG AKSYON NG TANGGAPAN ORAS MAY

PANANAGUTAN1. Personal na magtungo sa Tanggapan ng Punong Barangay

Repasuhin ang talaan ng nasabing sumbong at mga pagdinig na naisagawa ukol dito at alamin ang mga detalye ukol dito at tingnan kung maaari nang magbigay ng setipikasyon ukol sa pagdulog sa hukuman.

15 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

2.Pagbabayad ng kaukulang halaga

Pagbibigay ng kaukulang resibo

5 minuto Ingat-Yaman ng Barangay

3. Pagkuha ng kaukulang sertipikasyon

Paghahanda at pagbibigay ng sertipikasyon

10 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

SERBISYO : PAGKUHA NG BARANGAY PROTECTION ORDER (BPO)

TUNGKOL SA SERBISYO : Sa mga kaso ng Karahasan sa mga Kababaihan at Kabataan, ang (mga) biktima o kamag-anak nito o mga taong may malasakit ukol dito ay maaaring humingi ng Barangay Protection Order upang mailayo ang (mga) biktima sa (mga) suspek mula sa paghahain hanggang sa pagdinig ng kaso sa hukuman.

MGA KLIYENTE : MGA MAMAMAYANG NANGANGAILANGAN NITO

MGA KAILANGANG DOKUMENTO : Notarized/Under-Oath Written Application for BPO

BAYAD : WALA

TAGAL NG SERBISYO : 25 MINUTO

MGA HAKBANG:HAKBANG AKSYON NG TANGGAPAN ORAS MAY

PANANAGUTAN1. Personal na magtungo sa Tanggapan ng Punong Barangay at ibigay ang kaukulang dokumento

Kausapin ang kliyente upang malaman ang detalye at masuri ang nilalaman nito

15 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

2. Pagkuha ng kaukulang Barangay Protection Order

Paghahanda at pagbibigay ng Barangay Protection Order

10 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

of the Day

SERBISYO : PAG-ARKILA NG MGA PASILIDAD O MGA KAGAMITAN NG BARANGAY

TUNGKOL SA SERBISYO : Ang barangay ay may mga pasilidad at kagamitan na maaaring arkilahin ng mga mamamayan na may kaukulang bayad.

MGA KLIYENTE : MGA MAMAMAYANG NANGANGAILANGAN NITO

MGA KAILANGANG DOKUMENTO : PERSONAL NA PAKIKIPAG-USAP

BAYAD : DEPENDE SA KAGAMITAN O PASILIDAD (NAKASAAD SA KODIGO NG PAMUWISAN NG BARANGAY)

TAGAL NG SERBISYO : 20 MINUTO

MGA HAKBANG:HAKBANG AKSYON NG TANGGAPAN ORAS MAY

PANANAGUTAN1. Personal na magtungo sa Tanggapan ng Punong Barangay

Alamin sa kliyente ang detalye ng pangangailangan nito sa pasilidad o kagamitan ng barangay.

5 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

2.Pagbabayad ng kaukulang halaga

Pagbibigay ng kaukulang resibo 5 minuto Ingat-Yaman ng Barangay

3. Pagkuha ng kaukulang kagamitan o kapahintulutan ukol sa paggamit ng pasilidad

Paghahanda ng kasulatan ukol sa pagpapaarkila ng kagamitan o pasilidad. Pagbibigay ng kagamitan o kapahintulutan ukol sa paggamit ng pasilidad

10 minuto Punong Barangay, Kalihim ng Barangay o Officer of the Day

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

PAMAMARAAN SA PAG-ALAM SA TUGON NG PUBLIKO

(Feedback Mechanism

PUNA NG MAMAMAYAN

Dahil nais naming kayong paglingkuran ng buong kagalingan at katapatan, kaya malugod naming hinihingi ang inyong mga puna ukol dito upang lalo naming maisaayos at mapagbuti ang aming paglilingkod. Narito ang mga bagay na kailangan ninyong sagutan ukol dito:

1. Pangalan _______________________________________________________

2. Tirahan _______________________________________________________

3. (Mga) Serbisyo na Kinuha _______________________________________________________

A. TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY OO

HINDI4. Malinis at maayos ba ang lugar?

5. Naging komportable ba ang inyong pagpunta dito?

6. Marami bang mga kliyente maliban sa iyo?

B. MGA OPISYALES NG TANGGAPAN

7. Maayos ba ang pag-asikaso sa iyo?

8. Nasa tanggapan ba ang mga opisyales na kailangan mo?

9. Maganda, maayos at mabilis ba ang pagbibigay nila ng serbisyo?

10.Naging patas ba ang pakikitungo nila sa lahat ng kliyente?

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

K. IBANG MGA PUNA, SUHESTIYON AT REKLAMO, KUNG MERON:

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MARAMING SALAMAT!

Republika ng PilipinasLALAWIGAN NG QUEZON

BAYAN NG INFANTABarangay MAYPULOT

oOo

Sipi sa Katitikan ng Pagpupulong ng Sangguniang Barangay ng Barangay , Maypulot, Infanta, Quezon na ginanap noong ika- 7 ng Mayo, sa Bahay Pulungan ng barangay.

Mga Dumalo:

Kgg. MIGUEL C. ESCUETA, JR. - Punong Barangay Kgg. LEOVIGILDO V. POTESTADES - Kagawad Kgg. ADELO A. RAMIREZ - Kagawad Kgg. ARIS R. ATENDIDO - Kagawad Kgg. LOPE A. RUZOL, JR. - Kagawad Kgg. ALEXCER R. MORILLA - Kagawad Kgg. DINA A. CORPUZ - Kagawad Kgg. LEANDRO A. COMBALICER - Kagawad Kgg.

JHONDELLE G. RAMIREZ- Tagapangulo ng SK

ORLANDO A. CORPUZ - TreasurerBERNADETH T. COMBALICER - Secretary

KAPASIYAHANG BLG. 00 T- 2011

PAGPAPATIBAY SA BARANGAY CITIZENS CHARTER NG BARANGAY MAYPULOT BILANG PAGSUNOD SA ITINATADHANA NG BATAS REPUBLIKA 9485 NA LALONG KILALA SA TAWAG NA “THE ANTI-RED TAPE ACT OF 2007”

SAPAGKAT, ang Batas Republika 9485 ay inuutusan ang mga pamahalaang local mula sa barangay hanggang lalawigan na magsagawa ng Citizens Charter upang maging gabay na dokumento upang maayos at mabilis na mapaglingkuran ang mga mamamayan sa pagkakaloob nito ng mga pangunahing serbisyo at mga pasilidad;

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

SAPAGKAT, ito rin ay isa sa mga dapat na mapagtuunan ng pansin upang mabawasan kundi man tuluyang mawala ang “graft and corruption sa pamahalaan at maging mabisa ang paglilingkod sa mga kabarangay;

DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgg. Alexcer R. Morilla, na pinangalawahan ni Kgg. Leandro A. Combalicer at kinatigan ng lahat, na

IPINASIYA, NA DITO’Y IPINAPASIYA, na pagtibayin ang katatapos na Barangay Citizens Charter upang ito ay mailimbag at maihayag sa publiko at maging gabay nila sa pag-aabyad ng mga serbisyo at pasilidad sa barangay;

IPINASIYA PA RIN, na bigyan ng sipi si Kgg. Punong Bayan FILIPINA GRACE AMERICA at si Kgg. Pangalawang Punong Bayan RICARDO MACASAET at ang bumubuo ng Sangguniang Bayan, para sa kanilang kabatiran at pagpapahalaga.

PINAGTIBAY: Ika – 7 ng Mayo, 2011

Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nasabing Kapasiyahan.

Bernadeth T. CombalicerKalihim ng Barangay

PATOTOO: Miguel C. Escueta, Jr. Punong Barangay

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

Republika ng PilipinasLalawigan ng Quezon

Bayan ng InfantaBARANGAY Maypulot

ORDINANSA BLG. 00

ISANG ORDINANSA NA KUMUKUPKOP SA “CITIZEN’S CHARTER” NG BARANGAY, NA ANG LAYUNIN AY MAPAIBAYO ANG PAKIKIISA NG PAMAYANAN SA LOKAL NA PAMAMAHALA

Isinasabatas ng Sangguniang Barangay, na: SEKSYON 1. - PAMAGAT. – Ang Ordinansang ito ay makikilala bilang "Isang Batas na

Kumukupkop sa “Citizen’s Charter” ng Barangay Maypulot, Bayan ng Infanta. SEKSYON 2. – LAYUNIN. – Ang Ordinansang ito ay isinabatas upang mapabilis ang

makahulugang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala ng barangay sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng “Citizen’s Charter” na tumitiyak sa malinaw na pamamahalang lokal at pagpapasiya, at mahikayat ang mga mamamayan na pumuna at magbigay ng kaukulang mga mungkahi sa ikagagaling ng pamamahala ng barangay.

SEKSYON 3. – PAGLALAHAD NG MGA PRINSIPYO. – Ang pagsasabatas ng Ordinansang ito ay nakabatay sa, at ang pagsasakatuparan nito ay papatnubayan ng mga sumusunod na mga prinsipyo: a. Transparency in government decision-making and administration requires information openness on matters involving the affairs of government; b. Information openness ensures transparency that effectively enforces accountability of public officers; c. Transparency in government administration and people's creative use of information generate broad-based support and stakeholdership that ensures the success and sustainability of government programs and projects; d. Broad-based support to, and stakeholdership of, government programs and projects is generated if the people are included not only in the implementation but also in the conceptualization, monitoring and evaluation thereof.

SEKSYON 4. - THE CITIZEN’S CHARTER: NATURE AND SCOPE. – The Citizen’s Charter, as prescribed by Republic Act No. 9485, or the Anti-Red Tape Act (ARTA) of 2008, is a mechanism by which government transparency is facilitated through information openness on matters affecting the affairs of government. As a mechanism, it facilitates the establishment of a government that is inclusive, interactive, and innovative. An inclusive and interactive government is one where the system of governance encourages participation of both individuals and groups by engaging them in continuing dialogue and productive partnerships towards the achievement of communal goals. An

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

innovative government is one where the system of governance is founded on a culture of excellence and thrives upon the unending challenge of greater creativity and continuing innovations.

SEKSYON 5. - THE CITIZEN'S CHARTER – The Citizen’s Charter is a handbook that contains a clear and comprehensive description of the services being rendered and provided by the Barangay Government of ____________________________, the time for delivery/response for each service, and the officers responsible to ensure that the services are provided.

The Handbook provides the list of requirements for availment of the service, maps, pinpointing the location of the different city offices and departments. A Feedback Form shall always be made available to all clients purposely to generate comments on the quality of the service being delivered and suggestions for improvement.

SEKSYON 6. - DECLARATION OF COMMITMENT AND DUTY. - The Barangay Government of ____________________________ hereby declares as its commitment and duty to bind itself to undertake the regular updating and reprinting of Citizen's Charter within one (1) year after every Barangay election.

SEKSYON 7. - PROCEDURE FOR REDRESS. - In case of failure of the Barangay Government or any of its officers to make accessible Citizen's Charter, any resident of this Barangay can serve a written notice to the Office of the Punong Barangay, requesting the performance thereof.

Within fifteen (15) days from receipt, the Punong Barangay, shall make a written reply indicating the reason for the failure, if any, and the timetable for the performance of the requested service. Failure of the Barangay Government to comply despite the Punong Barangay’ commitment within the duration provided, appropriate recourse to the proper court shall be available.

SEKSYON 8. - FUNDING AND APPROPRIATION. - The Barangay Government shall provide in its Annual Budget sufficient fund necessary to maintain, improve, and update the Citizen's Charter.

SEKSYON 9. – SEPARABILITY CLAUSE. - Should any portion of this Ordinance be declared unconstitutional or illegal by any court of competent jurisdiction, the portions not so declared shall remain in full force and effect.

SEKSYON 10. - REPEALING CLAUSE. - All ordinances, executive orders and administrative issuances or part or parts thereof which are inconsistent with this Ordinance are hereby repealed or modified accordingly.

SEKSYON 11. - EFFECTIVITY. - This Ordinance shall take effect fifteen (15) days upon its approval and the required posting.

ADOPTED: ______________________--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I HEREBY CERTIFY to the correctness of the foregoing Ordinance.

Bernadeth T. Combalicer Barangay Secretary

ATTESTED AND CERTIFIEDTO BE DULY ADOPTED:

Miguel C. Escueta, Jr. Punong Barangay

CITIZEN’S CHARTER NG BARANGAY Maypulot ,INFANTA, QUEZON(UNANG EDISYON 2011)

APPROVED:

Miguel C. Escueta, Jr.Punong Barangay

Leovigildo V. Potestades Adelo A. Ramirez

Kagawad Kagawad

Aris R. Atendido Lope A. Ruzol

Kagawad Kagawad

Alexcer R. Morilla Dina A. Corpuz

Kagawad Kagawad

Leandro G. Ramirez

Kagawad


Recommended