Transcript
Page 1: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

The Green Room

Page 2: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 2

The Green Room Veterans Building, 2nd Floor 401 Van Ness Avenue San Francisco

NILALAMAN

3 Panimula4 Kapasidad at Floor Plan5 Mga rate ng renta6 Mga Bayarin at gastusin7 Kagamitan8 Mga tagubilin sa Pagbu-

book9 Pelikula at Photography

10 Mga Madalas itanong11 Mga Panuntunan at

regulasyon13 Mga Direksyon at

Paradahan

MGA PAGRENTA

Mariebelle Hansen green room Manager email: WMPac-greenroom@ sfgov.orgtelepono: 415.554.6313San Francisco War Memorial & Performing arts center 401 Van ness avenue, room 110 San Francisco, ca 94102 Pangunahing telepono: 415.621.6600www.sfwmpac.org

Page 3: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 3

Nagho-host ng mahigit 200 pagtitipon at 40,000 bisita bawat

taon, kilala ang The Green Room sa kapansin-kapansin nitong

kulay, mataas na kisame at loggia na may tiles na kulay russet.

Ang kamakailang ni-renovate na kwartong ito ay bumabagay sa

magandang arkitekturang Beaux-Arts ng tahanan nito, ang Veterans

Building, at nagtatampok ng bagong pintura at gold leaf, mga

bagong kurtina, karagdagang palikuran at modernong kusinang

pang-catering.

Ang The Green Room—mainam para sa mga salu-salo, pagtuturo,

reception at pagdiriwang—ay nagbibigay rin ng magandang lokasyon

para sa mga event na idinaraos kasabay ng mga pagtatanghal sa

Herbst Theater at War Memorial Opera House. May limang chandelier

na may 24 na lamp, malawak na bukas na palapag, built-in na wet

bar, at mga bintanang floor-to-ceiling na may karugtong na outdoor

loggia kung saan matatanaw ang San Francisco City Hall, ang The

Green Room ay isang maganda at nakakaangkop na espasyo para sa

event para sa mga grupong hanggang 500.

Page 4: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 4

kapasidad at mga floor plan

BALCONY SECTION NG HERBST THEATER

THE GREEN ROOM

PANLABAS NA LOGGIA

BAR

PAMPA-MILYANGADA NABANYO

PAMBABAENGADA NABANYO

BANYO

ELEVATOR ELEVATOR

138’

PASUKANG RAMP

MG

A K

AR

AG

DA

GA

NG

BA

NYO

SILID NGKAGAMITAN

ELEVATORNG FREIGHT

KUSINA PARASA CATERING

SILID NGSUPORTA

97’4”

63’4”

13’4”

20’6”

13’4”

32’2”

PANGUNAHING LUGAR: 2,020 TALAMPAKANG KUWADRADO

MGA LUGAR NG VESTIBULE: 350 TALAMPAKANG KUWADRADO BAWAT ISA

10’6” NA ESPASYO SA ILALIM NGMGA CHANDELIER SA LOOB

MG

A K

AR

AG

DA

GA

NG

BA

NYO

Nakatayo lang: 500 Nakaupo sa mga lamesa: 250 Kasal: 150-200 Nakaupong pang-teatro: 200-250

Page 5: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 5

Ang mga rate ng renta ay para sa walong oras na pag-access, na kinabibilangan ng tatlong oras na pag-set up, 3.5 oras na event at 1.5 oras na pag-load out.

Hindi kasama sa renta ang mga tauhan, kagamitan o insurance. Tingnan ang Mga Bayarin at Gastusin para sa higit pang impormasyon.

PANGKARANIWANLunes – Huwebes $2000Biyernes – Linggo $2250Mga Kasal (Hulyo at Agosto lang) $2500

NONPROFITLahat ng araw $1000

MGA KARAGDAGANG BAYARIN SA RENTAKaragdagang oras o bahagi ng isang oras bago ang hatinggabi $125

Karagdagang oras o bahagi ng isang oras pagkatapos ng hatinggabi $250

Mga Pagrenta sa Holiday magdagdag ng $500

MGA PAGTAAS NG RATEAng lahat ng rate ng renta ay maaaring tumaas bawat taon sa Hulyo 1.

MGA PAGKANSELAMananatili sa SFWMPAC ang kabuuang bayarin sa renta maliban kung mapaparentahan ang petsang iyon sa isa pang partido. Kung mapaparentahan ang petsang iyon, magpapanatili ang SFWMPac ng administratibong bayarin na $150.

MGA KASAL AT PRIBADONG KASIYAHANTumatanggap kami ng mga pribadong kasiyahan, pagdiriwang ng anibersaryo, at seremonya at reception ng kasal sa mga buwan lang ng Hulyo at Agosto. Ang lahat ng booking ng kasal ay dapat pamahalaan ng isang wedding planner.

MGA EVENT NA PANGKABATAANBilang lugar na maraming gamit, hindi namin mapapahintulutan ang mga event na pangkabataan, gaya ng mga prom, sayawan, bar/bat mitzvah, debut, kotilyon o quinceañera.

mga rate ng renta

tanawin mula sa panlabas na loggia

Page 6: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 6

TAUHANUpang makagawa ng pagtatantya ng dami ng tauhan, kakailanganin namin ang iyong kumpletong timeline, inaasahang dami ng dadalo at mga gustong serbisyo para sa bisita. Ang lahat ng event ay nangangailangan ng Mga Event Manager ng SFWMPAC. May makukuhang karagdagang tauhan, kasama na ang mga coat checker, tauhan sa pag-set up, tagakuha ng mga ticket at seguridad. Kinakailangang kumuha ng engineer ng gusali kapag magsisimula ang access bago ang 8:00 am o matatapos ito pagkalipas ng hatinggabi.

INSURANCEKinakailangan ng Certificate of Insurance (Sertipiko ng Seguro) na may kasamang Additional Insured Endorsement (Karagdagang Nakasegurong Pag-endorso) para sa lahat ng event at pagtatanghal. Kasama dapat sa insurance ang saklaw sa Kabayaran sa Mga Manggagawa, saklaw sa Pampublikong Pananagutan na $1 milyon, at saklaw sa Pinsala sa Ari-arian na $1 milyon. Mayroon ding insurance na makukuha sa pamamagitan ng SFWMPAC. Iba-iba ang mga gastusin batay sa bilang ng bisita at uri at tagal ng event.

KAGAMITANNakadepende ang mga renta ng kagamitan sa mga pangangailangan ng bawat event. Bubuo ng mga pagtatantya sa panahon ng pag-book. Tingnan ang Kagamitan para sa imbentaryo.

PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALAKinakailangan ng nare-refund na depositong $300 para sa lahat ng event.

BOND NG PAGTATANGHALAng Bond ng Pagtatanghal ay depositong ibinabayad upang saklawin ang lahat ng tinatantiyang gastusin para sa tauhan, kagamitan at insurance, gayundin ang anumang iba pang gastusing hindi kasama sa renta. Gagamitin ito upang saklawin ang lahat ng gastusin at ire-refund ang anumang hindi nagamit na bahagi sa oras ng settlement.

AVERAGE NA GASTOSAng average na gastos sa isang event ay batay sa pinagsamang renta at Bond ng Pagtatanghal. Bagama't malaki ang pagkakaiba-iba ng mga gastusin, ang average ng karamihan ay mula $4500 hanggang $5500 para sa mga karaniwang event at kasal, at mula $2500 hanggang $3000 para sa mga nonprofit na event.

SERBISYO NG CATERING AT BARPuwede kang gumamit ng sinumang lisensyadong caterer na iyong pipiliin, basta't mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan at Regulasyon, at magsasagawa ng pagbisita sa site bago ang event.

mga bayarin at gastusin

Page 7: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 7

Ang mga presyo ng kagamitan ay nakalista bawat item.

MGA LAMESA AT UPUANMga stack chair na may berdeng padding sa likod at upuan (300 available): $.50

Mga 6' at 8' na Parihabang lamesa 30" ang lapad, ¾" ang lip (16 bawat sukat): $5

Mga 6' at 8' na Parihabang lamesa 18" ang lapad, ¾" ang lip (10 bawat sukat): $5

Mga 60" na Pabilog na lamesa (16): $10

Mga 60" na Pabilog na lamesa na may gulong (9): $10

Mga 48" na Pabilog na lamesa na may gulong (10): $10

Mga 30" na Pabilog na lamesa (18): $5

Mga 30" na Pabilog na lamesa ng kiosk (11): $10

4' na Two-tier na lamesa (2): $12

6' na Two-tier na lamesa (1): $15

KAGAMITAN PARA SA TUNOG AT KAGAMITANG ELECTRICAL9' Baldwin concert grand piano na may tuning: $200

Sound system (4 na speaker at 2 mikropono): $125

Mga mikropono (bawat karagdagan): $5

CD player: $25

Mga music stand: $2

Mga lamp ng music stand: $2

KAGAMITAN SA ENTABLADOLectern, 4' ang taas na may 6" na fold-out step at gooseneck para sa mikropono: $25

Mga staging section na may carpet sa ibabaw, skirting at isang hanay ng mga hagdan 4' x 8' na bahagi, 2’ na taas (8): $30 bawat isa

13' Natutuping partition screen: $25

20' Natutuping partition screen: $35

Mga rubber interlocking matting na bahagi (25): $1

Mga 3' x 5' na rug mat (3): $3

KARAGDAGANG KAGAMITANMga easel: $2

Mga coat rack na may mga hanger: $10

Mga salamin: $3

Mga stanchion: $3 (chrome o brass)

Mga velvet na lubid: $2 (silver, itim o dark blue)

pinaparentahang kagamitan

Page 8: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 8

1. UNANG PAGTATANONGMakipag-ugnayan sa amin upang malaman ang availability ng (mga) petsang gusto mo. Limitado ang mga makukuhang petsa, kaya maghanda ng mga alternatibong petsa at ng malinaw na impormasyon tungkol sa iyong event at sa timeline nito. Kung mukhang bakante ang (mga) petsang gusto mo at tugma sa lugar ang iyong event, puwede kang magtakda ng pansamantalang pagkuha.

Tumatanggap kami ng mga seremonya at reception ng kasal sa mga buwan lang ng Hulyo at Agosto.

2. PAMAMARAAN SA PAGHAMONKung may pansamantalang pagkuha ang ibang partido sa petsang gusto mo, puwede mong hamunin ang kanilang pagkuha sa pamamagitan ng pagsusumite ng kinumpletong aplikasyon at tseke para sa kabuuang bayarin sa renta. Pagkatapos nito, may dalawang araw ang hinahamong partido upang bayaran ang renta o pakawalan ang pinagtatalunang petsa. Iisang pansamantalang pagkuha lang ang puwedeng hamunin sa bawat pagkakataon. Kung nagtagumpay ang iyong paghamon, hindi mare-refund ang deposito sa renta.

3. APLIKASYONKapag nakumpirma na ang iyong petsa, magsumite ng kinumpletong aplikasyon kasama ang deposito sa renta (kalahati ng renta).

4. KASUNDUAN SA LISENSYAMaglalabas kami ng Short Term License Agreement (STLA, Panandaliang Kasunduan sa Lisensya). Mga susunod na hakbang:• Lagdaan at ibalik ang STLA.

• Bayaran ang balanse ng renta.

5. EVENT AT PAGBISITA SA SITEBago ang iyong event:• Apatnapu't limang araw bago ang iyong

event, magsumite ng floor plan at ng isang kinumpletong Appendix C, na nagdedetalye sa timeline ng iyong event, mga teknikal na elemento at kinakailangang kagamitan.

• Kumpirmahin ang mga gustong serbisyo para sa bisita, mga kinakailangan sa pagkain at inumin, at anumang karagdagang pangangailangan.

• Magsagawa ng pagbisita sa site kasama ang iyong caterer. Kailangang magpa-appointment para sa mga pagbisita sa site, Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 am hanggang 4:30 pm.

6. BAYARAN ANG BOND AT INSURANCE NG PAGTATANGHALHindi bababa sa apat na linggo bago ang iyong event, magbigay ng patunay ng insurance at bayaran ang iyong Bond ng Pagtatanghal, na binabayaran upang saklawin ang kabuuang tinatantyang gastos sa pagpapatrabaho at kagamitan. Tingnan ang Mga Bayarin at Gastusin para sa higit pang impormasyon.

mga tagubilin sa pagbu-book

7. SETTLEMENT

Pagkatapos ng iyong event, makakatanggap ka ng buong settlement at refund ng hindi nagamit na bahagi ng Bond ng Pagtatanghal. Karaniwang tumatagal nang dalawang linggo ang prosesong ito.

TUNGKOL SA SFWMPACPinagdarausan ng maraming pinakamasisiglang performing arts presenter ng Bay Area, ang San Francisco War Memorial and Performing Arts Center (SFWMPAC) ay isang kilalang institusyon ng kultura na pagmamay-ari at pinapatakbo ng Lungsod at County ng San Francisco.

Page 9: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 9

pelikula at photographyAng mga natatanging lugar at bakuran ng SFWMPAC ay mainam para sa pelikula at photography, at nakapaglingkod na sa mga kliyenteng kumpanya gaya ng Ford, American Express at Eileen West, at naging lokasyon ng eksena para sa malalaking pelikula, kasama ang The Right Stuff, Milk at Steve Jobs ni Danny Boyle.

MGA RATE NG RENTAKasama sa mga rate ng renta ang pag-set up at rehearsal sa parehong araw, ngunit hindi kasama rito ang pagpapatrabaho, kagamitan, insurance o mga karagdagang araw ng rehearsal o pag-set up. Maaaring magkaroon ng mga karagdagang singilin sa mga renta tuwing holiday.

PAGKUHA NG PELIKULA Minimum na renta (may apat na oras) $500 Bawat oras pagkatapos ng apat na oras $200

STILL PHOTOGRAPHY Minimum na renta (may apat na oras) $400 Bawat oras pagkatapos ng apat na oras $100

AHENTE SA PAG-BOOKSharon Walton Communications and Events Manager Email: [email protected] Telepono: 415.554.6321

Page 10: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 10

mga madalas itanongPuwede ba akong gumamit ng sarili kong caterer?Oo. Puwede kang gumamit ng sinumang lisensyado at naka-insure na caterer na iyong pipiliin, basta't susunod sila sa aming Mga Panuntunan at Regulasyon at magsasagawa ng pagbisita sa site bago ang event. May makukuhang listahan ng mga vendor na nagtrabaho sa The Green Room kung hihilingin.

Anong kagamitan ang magagamit?Tingnan ang Kagamitan para sa imbentaryo.

Kinakailangan ba ng insurance para sa aking event?Oo. Tingnan ang Mga Bayarin at Gastusin.

Kailan nakatakdang ibigay ang mga bayad?Babalangkasin sa Short Term License Agreement (STLA, Panandaliang Kasunduan sa Lisensya) ang mga deadline para sa pagbabayad ng Renta at Mga Bayarin.

Saan kami magpaparada ng mga sasakyan para sa mga tauhan ng event, pag-load at pag-unload?Walang magagamit na paradahan sa mga gusali. Ginagawa ang lahat ng pag-load at pag-unload sa pamamagitan ng mga elevator sa lobby ng Veterans Building. Limitadong bilang ng mga sasakyan ang makakagamit sa white zone sa Van Ness Avenue upang maghatid at magsundo ng mga kagamitan at supply. Walang dock para sa pag-load, kaya dapat ay mayroong ramp o lift gate ang mga delivery truck. Tingnan ang Mga Direksyon at Paradahan para sa higit pang impormasyon.Saan magpaparada ang mga bisita ng event?Tingnan ang Mga Direksyon at Paradahan. Walang magagamit na paradahan sa site.

Anong oras kami puwedeng mag-load in at mag-set up?Ang mga oras ng pag-access ay tutukuyin sa oras ng pag-book. Nakaantabay dapat ang mga tauhan ng SFWMPAC sa lahat ng oras na nasa gusali ang Licensee at kanilang mga tauhan, performer, boluntaryo at bisita.

Mapupuntahan ba ng mga may kapansanan, o sumusunod ba sa ADA, ang gusali?Ang The Green Room ay mapupuntahan gamit ang elevator at ramp na sumusunod sa ADA. Matatagpuan malapit sa pasukan ng The Green Room ang mga banyong madaling puntahan.

Magkakaroon ba kami ng access sa mga support room at mga amenity na may istilong tulad sa conference center?Dahil kami ay isang performing arts center, walang support room, Wi-Fi o maraming iba pang amenity ang aming pasilidad na karaniwang makikita sa mga conference center.

Puwede ko bang ipagdiwang ang aking kasal o anibersaryo sa The Green Room?Tumatanggap kami ng mga pribadong kasiyahan, anibersaryo, at seremonya at reception ng kasal sa mga buwan lang ng Hulyo at Agosto.

Puwede bang magdaos ng mga kasiyahang pangkabataan sa The Green Room?Dahil isa kaming lugar na maraming gamit, hindi namin mapapahintulutan ang mga event na pangkabataan, gaya ng mga prom, sayawan, bar/bat mitzvah, debut, kotilyon o quinceañera.

Page 11: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 11

PAG-ACCESSAng mga oras na tinukoy sa Short Term License Agreement (STLA, Panandaliang Kasunduan sa Lisensya) ay ang mga tanging oras na puwedeng i-access ng Licensee at kanilang mga tauhan, vendor, performer, boluntaryo at bisita ang The Green Room o ang mga pansuportang espasyo nito. Nakaantabay dapat ang mga tauhan ng SFWMPAC sa lahat ng oras. Dapat matapos ang mga event ayon sa nakatakda sa STLA, maliban kung binigyan ng paunang pag-apruba ng SFWMPAC.

PAG-SET UP AT PAGLILIGPITResponsibilidad ng Licensee ang lahat ng pag-set up at pagliligpit sa The Green Room, at ang wastong paglilipat at pag-iimbak ng lahat ng kagamitan. Kung kailangang maglipat ng kagamitan habang nagsasagawa ng event, paalisin ang mga bisita sa lugar kung saan nangyayari ang trabaho. Ang anumang kagamitan at supply ng Licensee na iiwan para sa pagsundo sa susunod na araw ay dapat agad na ilipat sa imbakan ng The Green Room pagkatapos ng event. Dapat iwan ang mga upuan sa The Green Room at muling pagpatung-patungin nang tigwawalo. Puwedeng kunin ang mga tauhan ng SFWMPAC upang gawin ang trabahong ito. Dapat iwang malinis at walang kagamitan ang The Green Room o maglalapat ng mga karagdagang bayarin sa paglilinis.

PAGKAIN AT INUMINMga lisensyado at nakasegurong caterer lang ang puwedeng magbigay ng serbisyo ng pagkain at inumin sa The Green Room. Dapat ay may manager sa site ang mga caterer sa lahat ng oras.• Ang pagkonsumo ng mga pagkain at inumin

ay pinapahintulutan lang sa The Green Room at sa loggia nito.

• Pinapahintulutan lang ang pagbebenta ng mga pagkain o inumin kapag may paunang pahintulot ng SFWMPAC at nangangailangan ito ng mga naangkop na lisenya at insurance.

• Dapat ay may mat ang mga lugar ng serbisyo sa pagkain at inumin. Dapat ihatid at ilipat ang yelo nang nakalagay sa mga plastic tub.

• Yelo at mga likido lang ang puwedeng itapon sa mga lababo (bawal ang mga giniling na kape o tirang pagkain). Huwag itapon ang yelo sa mga lababo ng banyo, kubeta o sa damuhan.

• Kung may tumulo o matapon, agad na linisin ang mga ito.

• Responsibilidad ng mga Licensee at ng kanilang mga caterer na alisin ang lahat ng yelo at basura sa The Green Room pagkatapos ng event.

KAPASIDADHindi papapasukin ang mga taong lampas sa inaprubahang kapasidad sa panahon ng pag-book.

(magpapatuloy sa susunod na pahina)

mga panuntunan at regulasyon

Page 12: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 12

PANGANGALAGA AT PROTEKSYONDapat magbigay ng espesyal na pangangalaga upang mapanatili at maprotektahan ang mga sahig, dingding, elevator at kagamitan. Gumamit ng mga cart at dolly na may mga rubber na gulong upang maiwasang magasgasan ang mga sahig. Iwasang maghila o magpagulong ng mga metal na item, at mga item na may mga metal na gilid, base o glide. Hindi puwedeng gumamit ng tape, staple, tack o pako upang magdikit ng mga materyales.

IMBAKANMay limitadong imbakan ang The Green Room para sa mga pinaparentahang item at supply. Dapat paunang iiskedyul ang lahat ng paghahatid. Walang responsibilidad ang SFWMPAC para sa mga inimbak na kagamitan o supply. Dapat banlawan nang mabuti ang tableware, glassware at mga plato na iiimbak nang magdamag.

MGA KANDILA AT DEVICE NA PAMPAINITHindi pinapahintulutan ang bottled gas. Ang paggamit ng mga kandila, apoy, sterno at electrical equipment ay dapat paunang aprubahan, at dapat matugunan ng mga candleholder ang mga kinakailangan ng San Francisco Fire Code (ibig sabihin, dapat ay 2" ang taas ng mga candleholder mula sa apoy).

MGA ITEM NA HINDI PINAPAHINTULUTANBottled gas sa anumang anyo, kagamitang gumagawa ng “makapal na usok,” mga mylar na lobo, birdseed o bigas para sa pagsasaboy, keg beer, confetti, glitter o mga hiwa-hiwalay na talulot ng bulaklak.

PREP ROOM NG KUSINAKasama sa pagrenta ang paggamit ng modernong kusina para sa catering. Dapat iwang malinis at walang kagamitan ang kusina o maglalapat ng mga karagdagang bayarin.

PAGGAMIT NG ESPASYOAng licensee ay hindi puwedeng gumamit ng mga lugar sa labas ng The Green Room nang walang paunang pag-apruba, kasama na ang mga katabing pasilyo, kwarto at iba pang lugar.

MGA LEVEL NG INGAYDahil kami ay isang lugar na maraming gamit, hindi namin puwedeng pahintulutan ang mga bandang may amplifier. Dapat manatiling sarado ang mga pinto sa The Green Room sa tuwing may tumutugtog ng musika o nagpapalabas sa The Green Room o sa Herbst Theater. Sa mga pagtatanghal sa Herbst Theater, dapat panatilihing mahina ang ingay sa pasilyo hangga't maaari upang hindi maantala ang kanilang mga manonood.

PAGPAPASKIL NG MGA PANG-DISPLAY NA MATERYALAng paggamit ng mga lugar ng display ay isang hindi eksklusibong karapatan at hindi magpapaskil o papahintulutang magpaskil ang Licensee ng anumang mga karatula, card o poster sa mga gusali, maliban kung paunang inaprubahan.

PANINIGARILYOIpinagbabawal ng batas ang paninigarilyo sa loob ng Veterans Building at dapat itong limitahan sa loggia ng The Green Room.

PAG-RESTORE Kapag tapos nang mag-load out, sasamahan ng Licensee o ng kanilang itinalagang kinatawan ang Event Manager ng SFWMPAC sa pagsisiyasat sa lahat ng lugar na ginamit para sa event. Puwedeng hindi ibigay ang Deposito sa Paglilinis kung:• Hindi tinapos ng Licensee ang pagliligpit at

pag-restore ng kwarto.• Lumampas ang mga oras ng pag-access ng

event kumpara sa tinukoy sa STLA.• Nagkaroon ng pinsala sa pasilidad o mga

kagamitan nito.• Kinakailangan ng mga karagdagang pondo

para sa renta, mga bayarin sa tauhan o mga renta sa kagamitan.

SEGURIDADResponsibilidad ng Panseguridad na Tauhan ng SFWMPAC ang seguridad ng gusali. Puwedeng magsaayos ang SFWMPAC ng karagdagang pribadong seguridad kung kinakailangan. Ang Veterans Building ay bukas sa publiko at kinalalagyan ng iba't ibang hanay ng nagrerenta. Ang mga partikular na pangangailangan sa seguridad ng event ay dapat sabihin sa oras ng pag-book.

mga panuntunan at regulasyon (ipinagpatuloy)

Page 13: The Green Room · PAGLILINIS AT DEPOSITO PARA SA PINSALA Kinakailangan ng nare-refund na depositong ... mayroon silang wastong lisensya at insurance, susunod sa aming Mga Panuntunan

San FranciSco War MeMorial & PerForMing artS center | the green rooM 13

The Green Room Veterans Building, 2nd Floor 401 Van Ness Avenue (sa McAllister Street)

MGA DIREKSYON SA PAGMAMANEHO

MULA SA SOUTH BAY O PENINSULA1. Dumaan sa 101 North at lumabas sa

9th Street2. Kumaliwa sa 9th Street3. Sa Market Street, kumanan sa Larkin

Street4. Kumaliwa sa McAllister Street5. Kumaliwa sa Van Ness Avenue

MULA SA EAST BAY1. Dumaan sa I-80 West at tumawid sa

Bay Bridge2. Dumaan sa 9th Street/Civic Center exit

at manatili sa kanan3. Kumaliwa sa Harrison Street4. Kumanan sa 9th Street5. Sa Market Street, kumanan sa

Larkin Street6. Kumaliwa sa McAllister Street7. Kumaliwa sa Van Ness Avenue

MULA SA NORTH BAY1. Magmaneho papuntang Timog sa

Highway 101 at tumawid sa Golden Gate Bridge

2. Sundin ang mga karatula papuntang Downtown sa pamamagitan ng Lombard Street

3. Kumanan sa Van Ness Avenue4. Tumuloy sa McAllister Street

mga direksyon at paradahan

FULTON

MCALLISTER

GOLDEN GATE

GO

UG

H

OC

TAV

IA

FR

AN

KLIN

PO

LK

LAR

KIN

HY

DE

VA

N N

ES

S A

VE

NU

E

CITY HALLCIVIC

CENTERPLAZA

NOURSEAUDITORIUM

ASIAN ARTMUSEUM

PUBLICLIBRARY

HERBSTTHEATERAT GREEN

ROOM

WARMEMORIAL

OPERAHOUSE

ZELLERBACHREHEARSAL

HALL

GROVE

HAYES

FELL

MISSION10 TH

11 TH

9 TH

8 TH

MARKET STREET

OAK

DAVIESSYMPHONY

HALL

PP

P

P

P

P

CIVIC CENTER

CIVIC CENTERMUNI

VAN NESSMUNI

MUNI

PARADAHAN

PERFORMING ARTS GARAGE 360 Grove Street | 415.252.8238

CIVIC CENTER PLAZA GARAGE 355 McAllister Street | 415.863.1537

Karagdagang paradahan

TRANSIT

511.ORG Telepono: 511 | TDD: 711

BART www.bart.gov 415.989.2278 | TDD: 510.839.2220

MUNI www.sfmta.com415.701.2311 | TDD: 415.701.2323

AC TRANSIT www.actransit.org 510.891.4700 | TDD: 800.448.9790

CALTRAIN www.caltrain.com 510.817.1717 | TTY: 650.508.6448

GOLDEN GATE TRANSIT www.goldengatetransit.org415.455.2000 | TDD: 711

SAMTRANS www.samtrans.com 510.817.1717 | TDD: 605.508.6448

P1

P2

P

P1

P2


Recommended