Transcript
Page 1: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

MGA KABIHASNAN SA SILANGANG ASYA

Page 2: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Ang mga hun at xiongnu Ang Hun at Xiongnu ay estadong pantribo.

Namayani ito noong Panahong Neolitiko hanggang kalagitnaan ng ika-12 siglo. Ang Hun at Xiongnu ay mga nomadikong pastoral na pangkat at paminsan-minsan ay nagtatanim din ng butil. Nanirahan ang Xiongnu sa Hilagang bahagi ng China. Ang kanilang sistemang politikal ay nakabatay sa katapatan sa kanilang pinunong mandirigma. Halimbawa ng kanilang mga dakilang hari ay sina Maodun at Attila.

Page 3: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kabihasnang TSINO

Page 4: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Nagsimula ang natatanging kabihasnan sa Silangang Asya sa pag usbong ng mauunlad na pamayanan sa lambak-ilog Huang He.Ang pamumuhay ng mga Tsino sa mga panahong ito’y nagdulot ng malaking impluwensiya sa mga karatig bansa ng China tulad ng Korea at Japan.

Page 5: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

HUANG HE

Page 6: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

KABIHASNANG TSINO Mailalarawan sa paulit-ulit na

pagtatag at pagbagsak ng mga diyastiyang namahala sa bansa.

Malaki ang bahaging ginampanan ng mga pinuno ng bawat diyasita sa pagbuhog sa pampolitikal, panlipiunan at pangkulturang aspekto ng buhay ng mga sinaunang Tsino.

Page 7: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

DINASTIYANG ZHOU Namahala mula 1046 B.C.E hanggang 256

B.C.E Dinastiya na may PINAKAMAHABANG TAON ng

PAMAMAHALA sa kasaysayan ng China. Sentralisado ang pamamahala nito.

Unang itinatag ang kabisera sa XI’AN at paglaon ay sa HAOJING at LUOYANG.

Panahon kng saan nabuhay ang mga pilosopong sina CONFUCIUS, LAOZI, at MENG ZI

Page 8: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Confucius, Laozi, Meng Zi

Page 9: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Sa panahaon na ito umusbong ang kaisipan ng MANDATE OF HEAVAN. Dito nag ugat ang DYNASTIC CYCLE.

Page 10: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

1

• Itinatag ang bagong dinastiya.• Taglay ng mga pinuno ang mandate

of heaven.

2

• Naging mabuti ang pamamahla ng dinastiya. Matagumpay nitong napaunlad ang kabuhayan ng kaharian. Naging mapayapa ang pamumuhay ng tao.

3

• Sa pagdaan ng panahon, tumaas ang populasyon at naging talamak ang korupsiyon.

• Dumanas ang kahrian ng mga kalamidad, tagsalat, paghihirap at kahuluhan.

• Naging hudyat na nawala na ang mandate of heaven sa pinuno.

4

• Nagsagawa ng rebelyon ang mga mamamayan laban sa pinuno.

• Napatalsik ang dinastiya at naluklok sa kapangyarihan ang pinuno ng pamilyang nanguna sa rebelyon.

Page 11: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pamumuhay sa Ilalaim ng Zhou Nagpatuloy ang sistema sa pagmamay-ari ng

lupa ng Dinastiyang Shang. Naging mahalagang produkto ang seda sa

pakikipagkalakalan, na karaniwang ginagamit sa paggawa ng damit at pambalot sa katawan ng mga yumao.

Nagsimula ang malamim na pagpapahalaga sa pamilya.

Naging tanyag ang mga pilosopong sina Confucius, Laozi at Meng Zi.

Page 12: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pagbagsak ng Zhou Noong 475 B.C.E sumiklab ang mga digmaang

sibil sa pagitang ng pitong maliit na estado- ang QI, CHU, YAN, HAN, ZHAO, WEI, at QIN. Tinawag it na “PERIOD OF WARRING STATES”.

Natigil ang digmaan nang ganap na makontrol nf estadong QIN ang buog kaharian. Ito ang nagwakas sa pamamahala ng Zhou at nagtatag sa bagong pamunuan, ang sinastiyang QIN.

Page 13: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

DINASTIYANG QIN Namahala mula 221 B.C.E

hanggang 206 B.C.E Tinawag din bilang CH’IN Dinastiyang nagtatag ng kauna-

unahang imperyo Kabisera nito ang XIANYANG Ito ang pinagmulan ng salitang

CHINA.

Page 14: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

SHI HUANGDI

Page 15: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

SHI HUANGDI Namuno sa tunay na imperyo, nga

nagpahayag sa sarili bilang emperador na taglay ang mandate of heaven.

Bumago ng sistema ng pamamahala sa china at binatay sa Legalism.

Pinangasiwaan niya ang imperyo ng malupit. Para sa kanya, makakamit ang kaayusan sa pamamagitan ng mahigpit na pamamahala.

Page 16: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

SHI HUANGDI Hindi tinaggap ang mga aral at katuruan ni Confucius.

Ipinagutos niyang supilin ang Confucianism. Ipinatupad niya ang isang matatag na

sentralisadong pamahalaan kung saan siya ang may ganap na kapangyarihan.

Hinati ang imperyo sa 36 na lalawigan at sa mas maliit na distrito.

Bumuo rin siya ng lupong tagasuri sa pagganap ng mga opisyal ng lalawigan at distrito.

Page 17: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Sapilitang pinatira ang mga maharlika sa Xianyang upang humina ang kanilang impluwensiya.

Hinangad ni Shi Huangdi na tuluyang mwala ang ugnayan ng mga maharlika at mga magsasaka upang hindi makapag-alsa ang mga ito laban sa kaniya.

Page 18: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

KOWTOW Pagluhod sa harap ng

emperador at pag-dampi ng noo sa sahig ng tatlong ulit upang bigyang galang ang emperador ng China.

Page 19: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mga ambag ni Shi Huangdi sa Kabihasnang Tsino

Ang Pinag-isang China

-Ipinag-utos niya na magkaroon lamang ng issang wika at sistema ng pagsulat ang kaniyang imperyo. Nagtalaga rin siya ng iisang sistea ng panlalapi, timbangan at sukatan.

Page 20: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Ang Great WallAng banta ng pananalakay ng mga

namadikang tao sa timog ng Gobi at Desert at isa pang mananakop at ang nagbunsod sa paggawa ng tanyag na Great Wall of China.

Page 21: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Ang Maringal na Libingan

Bilang isang malupit na pinuno, maraming mga kalaban ang nasupil at napaslang ni Shi Huangdi. Dahil sa pangamba na maaari siyan sundan sa kabilang buhay, ipinagutos niyang gumawa ng mahigit 6000 lifesize na estatwang sundalo na yari sa luwad at 14000 na chariot na nakapaligid sa kaniyang puntod na siyang dedepensa at magtatanggol sa kaniya.

Page 22: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pagbagsak ng Qin Umabot lamang ng 15 na taon ang

naturang dinastiya dahil binawian ng buhay si Shi Huangdi.

Nagsagawa ng mga rebelyon ang mga magsasaka at maharlika.

Pagkatapos ng apat na taon, napatalsik ang dinastiyang Qin.

Page 23: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Noong 202 B.C.E, nagtagumpay na maluklok sa kapangyarihan si Liu Bang, ang nagpatatag ng bagong dinastiya, ang Han.

Page 24: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Han Namahala mula 202 B.C.E hanggang

221 B.C.E Pinakamakapangyarihang imperyo sa

Asya sa panahong ito. Naghatid ng ginintuang panahon ng

kapayapaan, mataas na antas ng pamumuhay at kaunlaran sa China.

Isang maipagmamalaking dinastiya ng mga Tsino kung kaya’t nais kilalanin ang sarili bilang “mga anak ng Han”

Page 25: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mga Dakilang Pinunong Han

Gaozu Namahala mula 202 B.C.E-195 B.C.E Kahulugan ng pangalan ay “great founders

of Han” Dating pangalan ay Liu Bang Isang magsasakang naging emperador Ipinatupad ang pinagsamang kaisipan ng

Legalism at Confucianism Itinakwil ang mararahas na batas at

malulupit na parusa.

Page 26: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Wudi Namahala mula 140 B.C.E- 87 B.C.E Chang’an ang kabisera ng imperyo “warlike emperor” Pinalawak ang teritoryo ng

Imperyong tsino sa tulong ng 300,000 na mandirigma.

Sinimulan ang civil service examination

Nagbigay-daan sa pagkaroon ng Pax Sinica o kapayapaang tsino

Page 27: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pamamahala ni Wudi

Si Wudi (Wu Ti) ang isa sa maiimpluwensiyang emperador ng dinastiyang Han. Sa kaniyang panahon lumawak ang nasasakupan ng imperyo. Idinagdag niya ang katimugang rehiyon sa ibaba ng Yangtze River na kasalukuyang hilagang Vietnam. Nakontrol din niya ang hilaga ng imperyo patungong Manchuria.

Page 28: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pamamahala ni Wudi

Pinatatag ni Wudi ang kaniyang pamamahala sa pamamagitan ng sistemang serbisyo sibil. Tumutukoy ito sa pangaraw0araw na pagsasagawa ng tungkuling pamamahalaan. Yaong mga nagnais na makapaglingkod o maging opisyal ng imperyo ay kailangang pumasa sa civil service examination. Kabilang sa pagsusulit ang kaalaman sa mga aral at katuruan ni Confucious, kasaysayan at mga batas ng imperyo. Sa sistemang serbisyo sibil, nakabatay ang pagpili ng magiging opisyal ng imperyo sa kaalaman at hindi sa pagmana ng posisyon mula sa pamilya.

Page 29: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pamamahala ni Wudi

Nakamit sa panahon ni Wudi ang matagalang kapayapaan at kaayusan sa buong imperyo. Sa kaniyang pagkamatay noong 87 B.C.E., nagpatuloy ng halos 150 taon ang kapayapaan sa imperyong Han. Ito ang panahong kilala bilang Pax Sinica o Kapayapaang Tsino.

Sa ilalim ng dinastiyang Han nakamit ng mga Tsino ang isa sa “Ginintuang Panahon” ng China.

Page 30: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kalakalan sa Silk Road

Sa panahong Han naging aktibo ang pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa labas ng imperyo. Noong 106 B.C.E., naglalakbay ang kauna-unahang caracan o pangkat ng mga mangangalakal na Tsino na sakay ng mga kamelyo patungong kanluran. Dala-dala nito ang mga produktong seda na ipagbibili sa mga dayuhang mangangalakal.

Page 31: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kalakalan sa Silk Road

Paglaon, ang rutang nilakbay ng naturang mga mangangalakal na Tsino ay tinatawaf na Silk Road. Ang rutang ito ay tinatayang may habang 8000 kilometro mula China hanggang sa rehiyong Mediterranean sa kanluran ng Asya.

Page 32: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Ruta ng Silk Road

Page 33: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pagbagsak ng Han

Kalaunan, humina ang kapangyarihan ng Han. Ilan sa mga dahilan nito’y ang mahinang pamamahala at katiwalian ng mga sumunod na emperador, paglakas ng mga maharlika, at pananalakay ng mga nomadikong dayuhan mula sa hilagang China.

Page 34: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pagbagsak ng Han

Noong 189 C.E.,matagumpay na sinakop ng mga rebeldeng mandiriga ang Chang’an. Pagdating ng mga taong 220, tuluyan nang sumiklab ang mga digmaang sibil at bumagsak ang dinastiyang Han.

Page 35: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Sui

Ito ay isang dynatisya sa kabihasnang Tsino na naging makapangyarihan dahil sa pamumuno ni Yang Chien ang hilaga at timog ay napag-isa. Upang mapag-isa ang hilaga at timog ng Tsina, ipinag-utos ni yang chien ang pagpapagawa ng grand canal na nagdudugtong sa ilog Huang Ho at Yangtze. Bukod dito ipinatupad niya rin ang walang katapusang paggawa ng gusali at palasyong ikinagagalit ng kanyang mga nasasakupan.

Page 36: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mapa ng Dinastiyang Sui

Page 37: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Great Canal sa China

Page 38: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Tang Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil

ginamit silang manggagawa sa proyekto ng Sui.

· Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang dinastiyang Tang.

· Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong.

· Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China.

· Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing. At napabilis angpaggawa ang mga kopya ng anumang sulatin.

Page 39: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mapa ng Dinastiyang Tang

Page 40: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Woodblock Printing

Page 41: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Song Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang

Tang.

· Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song.

· Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin.

· Nag patuloy ang pagsalakay ang pagsalakay ng pangkat-etniko sa Hilangang Asya.

· Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng sining at panitikan.

· Naimbento ang gun powder.

· Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga babae.

· Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi.

Page 42: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Foot Binding

Page 43: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mapa ng Dinastiyang Sung

Page 44: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Heneral Zhao Kuangyin

Page 45: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Yuan

· Daidu ang naging kapital ang Yuan – unang banyagang dinastiya ng China.

· Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan.

· Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya.

· Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol.

· Nagkaroon ng maraming manglalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo.

Page 46: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Yuan(1278-1368 C.E.)

Kublai KhanMarcoPolo

Page 47: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mapa ng Dinastiyang Yuan

Page 48: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Ming

· Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai Khan.

· Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuan ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming.

· Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China.

· Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa kanilang bansa.

Page 49: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mapa ng Dinastiyang Ming

Page 50: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kabihasnang Korean

Page 51: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

KOREA Matatagpuan sa Silangang Asya, sa

Peninsula o Tangway na nakadikit sa Hilagang Silangan ng China.

Ang Kasaysayan ng Korea ay nagsimula sa alamat ni Dangun o Tangun, anak ng diyos ng kalangitan na si Prinsipe Hwanung

Page 52: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

• Sinaunang Kasaysayan

Tangun Wanggeom 3 KaharianKulturang

Tsino

• Dinastiyang Goryeo

Wang GeonImperyong

MongolYi Seong-

gye

• Dinastiyang Joseon

JoseonSejong

Pagtatangka ng mga

Hapones at Manchu

2333 B.C.E. Ika-10 Siglo

935-1392

1392- Ika-17 siglo

Page 53: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Goryeo

Umabot sa halos apat at kalahating siglo ang pamamahala ng dinastiyang Goryeo sa Korea. Tulad ng China, ipinatupad din ng mga pinuno rito ang sentralisadong pamahalaan at ang pagkuha ng civil service examination. Sa kabila nito, nanatili pa rin sa pamahalaan ang mga maharlika at namamana pa rin ng kanilang mga anak ang mga posisyon.

Page 54: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Goryeo

Sa pagitan ng taong 1231 at 1259, naglunsad ang mga Mongol ng sunod sunod na kampanya sa Korea at hiningan ang mga pinuno ng Goryeo ng mabigat na tributo tulad ng 20 000 kabayo, damit para sa milyong mandirigma at mga aliping Korean.

Page 55: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiyang Goryeo

Sa pagbagsak ng Imperyong Mongol, lumaanap ang iba’t ibang rebelyon kaban sa mga maharlika ng Korea. Noong 1392, sa pamumuno ng mandirigmang si Yu Seong-gye ay muling napagisa ang Korea sa ilalim ng bagong dinastiya, ang Joseon

Page 56: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kaharian ng Joseon

Isa sa mga hiwa-hiwalay na Estadong pamayanan sa Korea na lumitaw noong Panahon ng Bronse (3000 BCE- 300 BC)

Ito ang pinakamalakas na Estado sa lahat ng hiwa-hiwalay na Kaharian. Itinatag ito ni DANGUN. Mula sa isang maliit na estado, ito ay naging isang kaharian.

Page 57: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kaharian ng Joseon

Sinalakay ng Han ang Korea noong 109 BCE at nasakop ang Gojoseon, Matapos mapasailalim ay naglagay ang China ng apat na Commandery sa Korea at pinamahalaan ito hanggang noong 108 BCE na nagtagal hanggang 313 AD.

Page 58: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kaharian ng Joseon

Nanatiling hawak ng han ang hilagang teritoryo ng korea hanggang noong 313 ce maliban sa timog na bahagi nito.

Nanatiling malaya ang timog ng korea mula sa china at mula rito ay lumitaw ng paunti- unti ang tatlong kaharian na nagbigay –daan sa pagpasok ng panahon ng tatlong kaharian.

Page 59: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kabihasnang Hapones

Page 60: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kabihasnang hapones

Iniuugnay ang Japan sa pagkat Iniuugnay ang Japan sa pagsikat ng araw. Ito ay dahil angbansa ay nasa bahagi ng daigdig kung saan mistulang sumisikat ans araw. Ayon naman sa tradisyong Hapones, nagmula ang kanilang lahi kay Amaterasu, ang diyosa ng araw.

Isang kapuluhan ang Japan. Nahahati ito sa apat na malalaking pulo- ang Hokkaido, Honshu, Shikoku, at Kyushu. Sa Honshu matatagpuan ang Tokyo, ang kasalukuyang kabisera ng bansa.

Page 61: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kabihasnang hapones Dakong 30,000 B.C.E.- ipinapalagay na nanirahan ang

mga sinaunang tao sa Japan na nakarating sa kapuluan sa pamamagitan ng tulay na lupa na nagdurugtong sa Japan at pangkontinenteng Asya. Tinagurian ang mga unang katutunong Hapones na Ainu. Karaniwan silang mapuputi, mabubuhok, at hindi katangkaran.

Dakong 10,000 B.C.E- Umunlad abg kulturang Jomon na binuo ng mga katutubong mangangaso. Ang kanilang mga dinisenyuhang palayok ang ilan sa pinakamatandang nagawang palayok sa daigdig. May mga kasangkapan din sila sa bato at buto ng hayop.

Dakong 300 B.C.E- Umusbong ang kulturang Yayoi. May kaalaman sa metalworking, paggawa at paggamit ng pottery wheel, at sistema ng patubig ang mga katutubong Hapones. Nagsimulang maging makapangyarihan ang mga angkang may kontrol sa kani- kanilang teritoryo.

Page 62: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Kabihasnang hapones

Banga mula sa kulturang Jomon.

Page 63: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Sinaunang Ksaysayan

Nakasandig sa alamt at tradisyon ang simula ng kasaysayan ng Japan. Ang mga salaysay sa Kojiki ( 712 C.E.) at Nihongi ( 720 C.E.), at ang tala ng mga Tsino (dakong 300 C.E.) ang mga unang batayan ng sinaunang kabihasnang Hapones.

Mula sa timog ng Kyushu, nakarating ang mga katutubong Yayoi sa Honshu at nanirahan sa kapatagan ng Yamato. Nahati ang mga Yayoi sa iba’t- ibang tribo n may kani- kaniyang pinuno. Paglaon, nakamit ng pinuno ng Yamato ang pagiging makapangyarihan sa iba pang tribo.

Sa mga unang taon ng ikapitong siglo C.E., kinaharap ng mga tribo ang banta ng pagsalakay ng mga Tsinong Tang. Dahil ditto, ninais ni Shotoku Taishi, pinuno ng Yamato, na magkaisa ang mga tribo ypang maging handa sa anumang pagsalakay.

Page 64: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Ilan sa mga Nagawa ni Shotoku

Nagpadala ng mga iskolar sa China upang pag- aralan ang sistemang political ng dinastiyang Tang at ireporma ang pamahalaang Hapones.

Binuo ang tanyag na Seventeen- Article Constitution na nagtakda ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pinuno, pagpili ng mga opisyal batay sa kanilang kakayahan at nagawa, at pagpapanatili ng kabutihan ng mga Hapones.

Tinanggap ang Buddism at Confucianism sa kaniyang panahon.

Page 65: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Impluensiyang Tsino

Dito nakabatay ang malaking bahagi ng pamumuhay ng mga sinaunag Hapones. Simula noong 500 C.E., nagging madalas ang ugnayan ng mga katutubong Hapones at Tsino sa pamamagitan ng tangway ng Korea. Naimpluensiyahan ng mga Tsino ang mga Hapones dahil na rin sa pagdagsa ng mga katutubong Korean sa Japan.

Page 66: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Nara at Heian

Pagkaraang mamatay ni Shotoku Taishi, ay pinalitan naman ito ng pamilya Fujiwara upang ipagpatuloy ang reporma ni Shotoku.

Noong 710, itinatag ang Nara, ang bagong kabisera na itinulad sa dakilang lungsod ng Chang’an sa China. Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng kapatagan ng Yamato. Ipinatupad ng pinunong Yamato ang mandate of heaven na katulad sa China.

Noong 1794, inilipat ni Emperador Kammu ang kabisera sa Heian (kasalukuyang Kyoto).

Tuluyang humina ang sentralisadong pamamahala ng emperador dahil sa pagkontrol ng mga maharlika sa kani- kanilang lupain. Pinalakas ang pwersang military upang mapangalagaan ang kanilang interes.

Page 67: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Shogunate

Sa pagtatapos ng ika- 12 siglo, tumundi ang paglalabanan ng mga pamilyang maharlika na humantong sa pagsiklab digmaang sibil. Isang pamilya, sa pamumuno ni Minamoto Yoritomo (1142- 1199), ang lumupig sa iba pang nag- aalitang angkan at itinatag ang sentro ng pamahalaan sa tangway ng Kamakura na nasa timog ng kasalukuyang Tokyo. Ito ang simula ng mas sentralisadong pamahalaan, ang Kamakura shogunate.

Page 68: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

PANAHONG SHOGUNATE

Bakufu- (tent government) isang sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng pinonong military na tinawag na shogun.

Page 69: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Noong 1268, ipinag- utos ni Kublai Khan ang sapilitang pagbayad ng buwis ng Japan sa Imperyong Mongol.

Pagkaraan ng anim na taon, nauwi sa pagsalakay ng mahigit 30,00 mandirigmang Mongol ang pagtanggi ng mga Hapones na magbayad ng buwis.

Nakaligtas ang Japan sa pananakop ng mga Mongol dahil sa malakas na bagyo.

Noong 1281, muling tinangka ng mga Mongol na sakupin ang Japan at nagpadala ng malaking hukbo na umabot sa halos 150,000 na mandirigma.

PANAHONG SHOGUNATE

Page 70: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Shogunate

Muli silang nabigo dahil sa mas malakas n bagyong ikinasira ng mga barkong pandirigma ng mga Monggol.

Pagkaraan ng dalawa pang ng dalawang pagtatangkang ito, hindi na muling binalak ba sakupin ng mga Mongol ang Japan.

Dahil sa pag pagkakaligtas ng Japan mula sa bantang pananakop ng mga Mongol, itinuring ng mga Hapones na banal ang bagyo at tinawag nila itong Kamikaze o banal na hangin.

Page 71: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Humina ng Kamakura shogunate dahil sa pagkaubos ng kaban ng yaman at pagkawala ng katapatan ng mga samurai sa pamahalaan.

Noong 1333, pinatalsik ni Emperador Go- Daigoang Kamakura at inihayag ang kaniyang pamumuno sa Japan na tinatawag na Kemmu Restoration.

Pagkaraan ng limang taon, kinalaban siya ng isang maimpluensiyang angkan sa pangunguna ni Ashikaga Takauji at nagtatag ng bagong shogunate, ang Muromachi.

PANAHONG SHOGUNATE

Page 72: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Naging sentro ng pamamahala ng Ashikaga ang lungsod ng Kyoto.

Hindi ganap ang pagiging sentralisado ng pamahalaang Ashikaga.

Nagpatuloy ang digmaang sibil at kaguluhang political mula 1467 hanggang 1568, ito ay tinawag na Sengoku o panahon ng naglalabanang mga estado.

PANAHONG SHOGUNATE

Page 73: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Shogunate

Noong 1568, nagtagumpay ang makapangyarihang daimyo n si Oda Nobunaga na magapi ang iba pang daimyo.

Hindi tuluyang napag- isa ni Nobunaga ang Japan.

Pagkamatay ni Nobunaga, pinalitan siya ni Toyotomi Hideyoshi, ang kaniyang pinakamahusay na heneral .

Noong 1590, kontrolado niya ang malaking bahagi ng Japan. Ito ay tinawag na Azuchi- Momoyama na batay sa mga lalawigan kung saan itinatag ng dalawang pinuno ang kanilang kaharian.

Page 74: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

toyotomi hideyoshi

Page 75: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

tokugawa Ieyasu

Page 76: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Oda Nobunaga

Page 77: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Shogunate

Hangad din ni Hideyoshi na mapasakamay ang China. Dahil ditto, tinangka niyang sakupin ang Korea ngunit nabigo ito.

Pinigilan niya ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng pagbabawal na tangkilikin ito.

Namatay si Hideyoshi noong 1598.

Page 78: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Isa sa malalakas na kaalyado daimyo ni Hideyoshi si Tokugawa Ieyasu.

Matagumpay niyang pinagkaisa ang Japan.

Niluping niya ang kaniyang mga kalaban sa Digmaan sa Sekigahara noong 1600.

Pagkaraan ng tatlong taon, inutusan niya ang emperador naideklara siya bilang shogun.

Ito ang simula ng pamamahala ng Tokugawa shogunate na nagtagal ng halos 265 taon.

Nakamit ng Japan ang pagkakaisa at kapayapaan sa panahon ng Tokugawa shogunate.

Tumagal ito ng mahigit 200 taon.

PANAHONG SHOGUNATE

Page 79: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Shogunate

Ang mga samurai lamang ang gumagamit ng sandata

Page 80: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Shogunate

Tinanggalan ng pagmamay- aring lupain ang mga kamakalabang maharlika sa Tokugawa. Ipinagkaloob naman ang mga lupain sa mga tapat na tauhan ng Tokugawa.

Page 81: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Panahong Shogunate

Pinanatili ang mga maharlika sa Edo (kasalukuyang Tokyo), kabisera ng Tokugawa shogunate, sa loob ng dalawang taon. Sa kanilang pagbisita sa kanilang lupain, kailangang iwan ang kanilang pamilya upang matiyak ang kanilang pag- babalik sa Edo.

Page 82: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pagsasara ng japan

Ang pagdating ng mga Portugese noong 1543 ang hudyat ng sunod- sunod na pagdating ng mga Kanluranin sa Japan.

Nakarating ang mga misyonerong Katoliko sa pangnguna ng paring Jesuit na si St. Francis Xavier. Nagtagumpay siyang palaganapin ang Kristiyanismo sa bansa ng makuha niya ang kalooban ng maraming daimyo.

Noong 1587, ipinagbawal ni Hideyoshi ang Kristiyanismo dahil pinaniniwalaan niya na hindi mabuti ang dulot nito sa mga Hapones.

Page 83: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pagsasara ng japan

Ikinabahala rin ni Ieyasu ang paglaganap ng Kristiyanismo kaya;t nagpasiya ang Tokugawa shogunate na ipatupad ang Act of Seclusion of 1636 sa bansa na nagtakda ng pagbawal sa lahat ng Hapones na umalis ng bansa, pagtutol na makipagkalakalan sa mga dayuhan maliban sa mga Tsino at Dutch sa Nagasaki at sapilitang pagpapaalis ng mga misyonero at Kristyanong Hapones.

Page 84: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pagsasara ng japan

Noong 1639, tuluyan ng isinara ng Tokugawa shogunate ang Japan sa ibang bansa at tumagal halos ng 200 taon. Noong una, nagdulot ito ng kapayapaan sa Japan ngunit kinalaunan ay kinakitaan ng kahinaan dahil sa katiwalian at mahinang pamumuno. Humina din ang ani sa mga sakahan na ikinagalit ng mga magsasaka. Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng pinunong Tokugawa ang pagsasara ng Japan.

Page 85: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mga kabihasnang nagmula sa hilagang asya

Sa kasalukuyan, ang Mongolia ay ibinibilang na bahagi ng Silangang Asya. Ito ay dahil ang Inner Mongolia ay nasa ilalim ng China. Subalit sa kasaysayan, ang Mongolia ay kabilang sa Hilagang Asya. Kakaiba ang kultura at takbo ng kasaysayan ng mga Mongol kung ihahambing sa mga Tsino, Hapones at Korean.

Ang hilagang asya ay tirahan ng mga nomadikong pastoral na pangkat na pangkat ng tao simula pa noong panahong neolitiko. Dahil sa partikular na kapaligiran nito, lumitaw ang kulturang mandirigma. Pananakop ang batayan ng pagbuo ng estado sa hilagang asya. Militarisado ang kabihasnan dito at talamak ang labanan.

Page 86: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Mga kabihasnang nagmula sa hilagang asya

Sa kabila ng mga nabanggit ay bukas ang loob at mapagtangkilik sila sa impluwensya ng kabihasnan. Halimbawa nito ang pagyakap nila sa Islam ng Kanlurang Asya at Buddhism ng Timog Asya habang patuloy pa rin ang katutubong relihiyon, ang shamanism. Nakasentro sa relihiyong ito ang Shaman may angking mahika ang shaman na kaniyang ginagamit sa pagpapagaling ng maysakit at pagkontrol ng mga pangyayari.

Page 87: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Maodun-Ipinatupad ang masalimuot na herarkiya ng hukbo na pinamunuan ng 24 na aristokratikong opisyal. Ang bawat opisyal ay mat 10 000 na mandirigma.

Attila-Nilusob ang Iran at silangang Europe. Pinangunahan ang pagsalakay sa Greece, Germany at Italy at naging banta sa Imperyo ng Rome noong ika-5 siglo C.E.

Page 88: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Ang imperyong Mongol

Sa mga huling dekada ng ika-12 siglo, ang mga Mongol ang pinakamalakas na pangkat-nomadiko sa gitnang Asya. Nagmula ang mga ito sa Mongolia na may mga hiwa-hiwalay na kagubatan at steppe sa hilagang kanluran ng China.

Tulad ng ibang nomadikong pangkat, nahati ang mga Mongol sa mga angkan. Noong dakong 1200, matagumpay na napag-isa ng pinunong Mongol ang mga angkan ng kanyang pamamahala. Siya si Temujin na naging Genghis Khan o “pinunong pandaigdig noong 1206. Sa loob ng 26 na taon, pinangunahan niya ang pagsakop sa malaking bahagi ng Asya.

Page 89: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Nang mamatay sa Genghis Khan noong 1227 dahil sa karamdaman, ipinagpatuloy ng mga sumusunod na pinuno ang pagpapalawak ng teritoryo ng Imperyong Mongol. Mula sa China ay umabot hanggang sa Poland sa Europe ang lawak ng imperyo.

Ipinagpatuloy ni Ogedei (Ogodei), anak ni Genghis Khan ang pamamahala sa imperyo mula 1229 hanggang 1241. Pagkaraan nito, hinati ang Imperyong Mongol sa apat na bahagi na tinawag na khanate.

Sapagdaan ng panahon, naimpluwensiyahan ang mga Mongol ng pamumuhay ng mga tao na kanilang sinakop. Halimbawa nito ang pag-aangkop ng sitemang politikal ng China sa Great Khanate, at pag-anib sa Islam ng mga Mongol sa Ilkhanate at Golden Horde.

Mula sa kalagitnaan ng ika-13 hanggang ika-14 na siglo, napanatili ang kaayusan at kapayapaan sa imperong Mongol. Ligtas ang paglalakbay, aktibo ang kalakalan, mapayapa ang lipunan sa malaking bahagi ng imperyo

Page 90: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Pananalakay ni Timur

Nagmula sa Khanate of Chagadai ang pamilya ni Timur. Tinangka niyang bumuo ng bagong imperyo. Nasakop ni Timur ang Persia at Mesopotamia. Tinalo niya ang Golden Horde na nasa Timog ng Russia at sandaliang nasakop ang India.

Malupit si Timur sa pagsalakay. Sinira ng kanyang hukbo amg mga paaralan, palasyo, at iba pang mahahalagang gusali. Iniutos niyang pagpatungin sa isang malaking piramide ang may isang libong ulo ng mga pinaslang na biktima. Susi sa kanyang tagumpay ang malakas na puwersang militar at mga espiyang nagbigay ng impormasyon hingil sa mga rutang tatahakin. Ang teritoryong nasakop ni Timur ay hindi nanatiling buo nang siya ay namatay noong 1405. Ito ay dulot na rin ng tunggalian at agawan sa trono ng kanyang mga anak at kamag-anak

Page 91: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Ang imperyong turk

Mula sa Hilagang asya ang mga Ottoman turk noong ika-10 siglo. Naglakbay sila patungo sa Persia at Mesopotamia at namalagi sa Anatolia (kasalukuyang Turkey). Tulad ng mga Mongol, pagpapastol din ang ikinabubuhay ng mga Turk. Nakatira sila sa mga toldang tirahan na tinatawag na yurt. Sa mahabang panahon na paglalakbay ay unti-unting nagbago ang kultura ng mga Turk. Tinanggap nila ang Islam at ilang bahagi ng kulturang Persian.

Noong 1299, itinatag ni Osman ang Ottoman Turk, isang maliit na estado na may malakas na hukbo. Binuo ito ng mga mandirigmang nagturingan bilang magkakapatid. Sa paglipas ng panahon ay lumakas ang estadong Ottoman at lumawak ang sakop nito.

Page 92: Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Natalo ng Imperyong Ottoman ang Imperyong Byzantine noong 1453 sa pamumuno ni Sultan Mehmed II. Sa panahon ni Suleiman naabot ng Imperyong Ottoman ang tugatog ng mabilis na paglawak at nasakop ang Egypt, North Africa, Syria at Arabia.

Umunlad at naging masagana ang pamumuhay ng mga tao sa ilalim ng Imperyong Ottoman. Bunsod ito ng pagiging aktibo ng kalakalan sa iba’t ibang dako ng imperyo. Nagtungo rin ang maraming tao sa kabisera ng imperyo, ang Istanbul. Nanatili itong sentro ng Ottoman hanggang 1918.

Sa relihiyon, ipinagkaloob sa mga jew, Kristiyano, at iba pang hindi Muslim ang kalayaan sa pagsamba. Sa arkitektura, nagpagawa ng iba’t ibang imprakstraktura sa Istanbul tulad ng mga moske at aklatan.