Transcript
Page 1: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Gabay

ALERTO: Manatiling Maingat

Alinsunod sa mga rekomendasyon ng Estado, magbubukas na ulit ang San Francisco sa Orange na Tier ng Estado simula sa Marso 24, 2021. Binabalanse ng pagpapasya kaugnay ng muling pagbubukas ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng pagkalat ng COVID-19 at ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng mga problema sa ekonomiya at kalusugan ng pag-iisip.

Kahit bumaba na ang mga rate ng kaso ng COVID-19, at mas marami nang tao ang nababakunahan, mayroon pa ring posibilidad na may COVID-19 ang mga taong nakaka-ugnayan mo. Ang karamihan sa mga impeksyon sa COVID-19 ay dulot ng mga taong walang sintomas ng sakit. Nakumpirma rin naming may mga bago at mas nakakahawang variant ng virus sa San Francisco Bay Area at malamang ay magdulot ng malubhang sakit at pagkamatay ang ilan sa mga variant na ito sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal. Hindi pa natin alam kung paano makakaapekto ang mga variant na ito sa bisa ng bakuna, pero ayon sa mga klinikal na pagsubok at real-world na datos, eepekto pa rin ang mga ito gaya ng inaasahan. Ang pagbubukas ng mga sektor ay hindi ganap na nangangahulugang “ligtas” ang mga aktibidad na ito.

Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya upang makagawa ng gabay na makakatulong sa mga aktibidad at sektor na ito na makapagbigay ng mga mas ligtas na kapaligiran para sa mga manggagawa at sa publiko. Gayunpaman, kailangang gawin ng lahat ang kanilang bahagi para magawang ligtas ang mga aktibidad na ito hangga't posible, kabilang ang pagsusuot ng mga mask na sakto ang fit, na tumatakip sa iyong bibig at ilong lalo na kapag nagsasalita, pag-iwas sa mga indoor na setting hangga't posible, pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang layo sa mga taong hindi mo kasama sa bahay, pagpapasuri at pag-isolate kung ikaw ay may sakit, at pagsunod sa mga karagdagang protokol na pangkalusugan na iniaatas sa mga bukas na negosyo. Ang mga taong may posibilidad na magkaroon ng matinding karamdaman dahil sa COVID-19 — gaya ng mga hindi pa nababakunahang nakatatanda at hindi pa nababakunahang indibidwal na may mga panganib sa kalusugan — at ang mga nakatira o nag-aalaga sa kanila ay hinihikayat na huminto sa paglahok sa mga aktibidad kasama ang ibang taong hindi nila kasama sa bahay, kung saan mahirap ang pagsasagawa ng mga pamproteksyong hakbang na pagsusuot ng face mask at social distancing, lalo na indoors o sa matataong lugar.

Kung ganap ka nang nabakunahan (ibig sabihin, 14 na araw na ang lumipas matapos ang huli mong bakuna), mas makakampante ka na sa iyong mga panganib sa kalusugan kapag nakibahagi ka sa mga aktibidad na pinapahintulutan ng mga departamento sa kalusugan ng ating estado at lokal. Gayunpaman, isaalang-alang ang posibleng panganib na puwedeng dalhin ng pagkakalantad mo sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na sa mga kasama mo sa bahay at hindi pa nababakunahan, kapag nakibahagi ka sa mga aktibidad kasama ng mga taong hindi bahagi ng iyong sambahayan.

Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo o BCAT Iniatas ng Opisyal sa Kalusugan na suspindihin o paghigpitan ang mga limitasyon sa kapasidad ng mga aktibidad na ipinapakita sa talahanayan. Sususugan ng mga pagsuspinde o paghihigpit na ito ang anumang kaugnay na utos, direktiba, o gabay. Inaatasan ang lahat ng apektadong indibidwal na sumunod sa mga bagong limitasyong ito, at patuloy na subaybayan at sundin ang lahat ng naaangkop na Utos sa Kalusugan at Direktiba.

Sumangguni sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo (Business Capacities and Activities Table, BCAT) (Ingles, Chinese , Spanish , Tagalog , Vietnamese , Russian) para sa lahat ng kasalukuyang paghihigpit, limitasyon, at pagsuspinde.

Page 2: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 1 ng 20

Pansamantalang Gabay: Mga Gym at Fitness Center (Indoor at Outdoor)

Sa Panahon ng Pandemya ng COVID-19

NA-UPDATE NOONG Marso 23, 2021

AUDIENCE: Mga Gym at Fitness Center na nagpapatakbo indoors at/o outdoors, at ang kanilang mga kliyente. Kailangang basahin ito ng mga kliyente ng mga Gym at Fitness Center dahil binabanggit nito ang mga panganib na nauugnay sa indoor na pag-eehersisyo kung ihahambing sa outdoor na pag-eehersisyo, at naghahatid ito ng mga pinakamahusay na hakbang upang panatilihing malusog at ligtas ang mga kliyente at Tauhan.

PAUNAWA: Ang sumusunod na gabay ay binuo ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH) para gamitin ng mga Gym at Fitness Center, at ipo-post ito sa http://www.sfcdcp.org/businesses. Maaaring baguhin ang gabay sa dokumentong ito dahil sa mga pagbabago sa tier ng antas ng panganib ng COVID-19 para sa San Francisco ayon sa itinalaga ng California Department of Public Health. Pakitingnan ang mga nauugnay na pagbabago sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo (Business Capacities and Activities Table, BCAT) sa itaas ng dokumentong ito: mao-override ng anumang pagbabagong gagawin sa Talahanayan ang magkasalungat na impormasyon sa dokumentong ito.

BACKGROUND: Pinapayagan ng Kautusang Manatiling Mas Ligtas sa Bahay (Stay Safer at Home Health Order) (C19-07l) ang mga Outdoor na Gym at Fitness Center at Indoor na Gym at Fitness Center na magbukas. Kailangang gawin ng mga Outdoor at Indoor na Gym at Fitness Center na sumunod sa mga alituntuning ito at subaybayan ang mga paparating na Kautusan at Direktiba sa Kalusugan na naka-post sa https://www.sfdph.org/healthorders at https://sfdph.org/healthdirectives.

Buod ng Mga Pagbabago mula sa Bersyon noong 3/2/2021

• Hindi na pinagbabawalan ang mga batang wala pang 18 taong gulang sa pagbisita sa gym o fitness center.

• Pinapayagan ang mga indoor na aerobic na klase sa fitness nang may mga paghihigpit.

• Pinapayagang magbukas ang mga locker room sa Orange nang may mga paghihigpit.

• Pinapayagang magbukas ang mga kainan sa loob ng mga pasilidad ng gym nang may mga paghihigpit.

Mga Nilalaman MAHAHALAGANG IMPORMASYON ........................................................................................................ 3

Paano Kumakalat ang COVID-19?......................................................................................................... 3

Pag-iwas sa COVID-19 .......................................................................................................................... 3

Mga bakuna para sa trangkaso ............................................................................................................ 4

Narito na ang bakuna laban sa COVID-19! ............................................................................................ 4

CA Notify – isa pang paraan para mapigilan natin ang hawahan ........................................................... 4

Mga Karagdagang Ipinag-aatas para sa Mga Gym/Fitness Center ......................................................... 5

PAGPAPLANO – Naaangkop sa Mga Outdoor at Indoor na Establisamiyento ........................................... 5

Page 3: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 2 ng 20

Metering System - Magpatupad ng Mga Limitasyon sa Kapasidad ........................................................ 6

MGA IPINAG-AATAS NA MANDATORYONG KARATULA .......................................................................... 8

Mga Indoor na Gym/Indoor na Fitness Center ..................................................................................... 8

MGA TAKIP SA MUKHA ........................................................................................................................... 9

Dapat ipabatid ng karatula tungkol sa kalidad ng pantakip sa mukha ang sumusunod........................ 10

MAPAPABABA NG MAGANDANG BENTILASYON ANG PAGKALAT NG COVID-19 .................................. 10

Ang Layunin ng Bentilasyon ............................................................................................................... 10

Gumawa ng Mga Kinakailangang Pagpapahusay sa Bentilasyon, Kung Posible, Kabilang ang: ............. 11

Contact Tracing ................................................................................................................................. 12

PAGTAGUYOD NG ESPASYO .................................................................................................................. 12

Physical Distancing para sa Mga Indoor na Gym................................................................................. 12

Physical Distancing para sa Mga Outdoor na Gym at Fitness Center ................................................... 13

Mga Tip para sa Pagpapanatili ng Physical Distance sa Mga Gym at Fitness Center ............................ 13

Mga Karagdagang Regulasyon sa Mga Gym ....................................................................................... 14

Mga Pagsasaalang-alang sa Aktibidad at Espasyo ............................................................................... 14

Self-directed na fitness .................................................................................................................. 14

Mga Climbing Wall ......................................................................................................................... 14

Mga Panggrupong Klase ................................................................................................................. 15

Mga Amenidad .............................................................................................................................. 16

MGA PAG-SCREEN NG KALUSUGAN NG MGA KLIYENTE ....................................................................... 18

PAG-SANITIZE AT PAG-DISINFECT ......................................................................................................... 18

MGA MADALAS ITANONG .................................................................................................................... 19

Paano kung magpositibo sa pagsusuri sa COVID-19 ang isang tao sa aking Gym o Fitness Center? ..... 19

Gumagamit ang ilan sa ating mga kliyente ng mga guwantes para sa weightlifting at iba pang aktibidad

sa pag-eehersisyo. Pinapayagan ba ang mga ito? ............................................................................... 19

Paano naman ang mga tuwalya?........................................................................................................ 19

Dapat ba naming hikayatin ang paggamit ng mga face shield? ........................................................... 19

MGA MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON ....................................................................................... 20

Page 4: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 3 ng 20

MAHAHALAGANG IMPORMASYON

Ang dami ng mga tao sa loob ng isang gym ay limitado sa kapasidad na nakalista sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo (BCAT).

Paano Kumakalat ang COVID-19?

Ayon sa aming kasalukuyang nauunawaan, kadalasang naikakalat ang COVID-19 mula sa isang tao patungo sa isa pa sa hangin sa pamamagitan ng mga droplet na may virus ng isang taong may COVID-19. Sumasama ang mga droplet na ito sa hangin sa tuwing humihinga ang isang tao. Mas marami pang droplet ang maaaring sumama sa hangin kapag nagsasalita, kumakanta, umuubo, o bumabahing ang mga taong may impeksyon. Posibleng walang sintomas ang mga taong may COVID-19 at nakakapagbuga pa rin sila ng mga droplet na may virus na posibleng makahawa sa iba. Maaaring mangyari ang transmisyon sa pamamagitan ng:

• Mas malalaking droplet. Kung minsan, tinatawag na “ballistic droplet” ang mas malalaking droplet na ito dahil ang mga ito ay kumakalat sa mga tuwid na linya at hinihila pababa ng gravity. Mahahawahan ang mga taong nasa malapit, na karaniwang nasa loob ng 6 na talampakan, kapag nalanghap nila ang mga droplet na ito o kapag napunta ang mga droplet sa kanilang mata, ilong, o bibig.

• Mas maliliit na droplet o nakakahawang particle. Maaaring lumutang sa hangin ang mga ito sa loob ng isang partikular na panahon at/o maaari itong kumalat nang lampas sa 6 na talampakan sa mga daloy ng hangin sa loob ng mga gusali, lalo na sa mga kulob na lugar na may hindi magandang bentilasyon. Nahahawahan ang mga taong nasa iisang lugar kapag nalanghap nila ang mas maliliit na droplet at particle na ito o kapag napunta ang mga droplet o particle sa kanilang mata, ilong, o bibig – kahit na mahigit 6 na talampakan ang layo nila sa isa't isa. Kung minsan, tinatawag na “aerosol” o “bioaerosol” ang mga droplet na ito.

Maaari ding kumalat ang COVID-19 kung hahawakan ng isang tao ang kanyang mata, ilong, o bibig pagkatapos humawak sa kontaminadong surface (na kilala din bilang fomite), gayunpaman, hindi ito gaanong pangkaraniwan.

Pag-iwas sa COVID-19

• Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Kung walang magagamit na sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% ethanol o 70% isopropanol.

• Iwasan ang Malapitang Pakikipag-ugnayan. Sa abot ng makakaya, magpanatili ng hindi bababa sa anim na talampakang social distancing sa pagitan mo at ng ibang taong hindi nakatira sa iyong Sambahayan.

• Magsuot ng Pantakip sa Mukha. Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang Pantakip sa Mukha kapag nasa mga pampublikong lugar at kapag nakikipag-ugnayan sa mga taong hindi nakatira sa iyong Sambahayan.

• Palagiang linisin at i-disinfect ang mga surface na madalas hawakan.

• Subaybayan ang Iyong Kalusugan Araw-araw. Maging alerto para sa mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, pangangapos ng hininga, o iba pang sintomas. Kung nararanasan mo ang alinman sa mga sintomas na ito, manatili sa bahay at magpasuri.

Page 5: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 4 ng 20

Mga bakuna para sa trangkaso

Mahalaga ang mga bakuna para sa trangkaso sa laban kontra COVID-19 dahil (1) napapanatiling malusog ang mga manggagawa at komunidad at (2) nababawasan ang kinakaharap ng ating pangangalagang pangkalusugan at mga sistema ng pagsusuring tumutugon sa COVID-19. Lubos na hikayatin ang lahat ng Tauhang magpabakuna. Magpaskil ng karatula para hikayatin ang mga kliyente, bisita, atbp. na magpabakuna para sa trangkaso.

Narito na ang bakuna laban sa COVID-19!

Ang bakuna ang isa sa mga pinakamahalagang paraan upang mawakasan ang pandemya. Sinuri ng FDA, CDC, at ng sariling Scientific Safety Review Workgroup ng California ang datos mula sa mga klinikal na pagsubok upang matiyak ang kaligtasan at pagiging mabisa ng mga bakuna laban sa COVID-19. Lubos naming hinihikayat ang lahat ng taong magpabakuna. Ang mga unang bakunang naaprubahan sa US ay humigit-kumulang 95% mabisa sa pagpigil sa sakit na dulot ng COVID-19, gayunpaman, hindi natin alam kung gaano kahusay na mapipigilan ng mga ito ang mga impeksyong hindi nagdudulot ng mga sintomas. Nangangahulugan itong hindi natin alam kung gaano karaniwan para sa isang taong nagpabakuna na magdala ng virus at maipasa ito sa ibang tao, kabilang ang mga taong may mas mataas na panganib na magkaroon ng malubhang sakit o pagkamatay. Samakatuwid, napakahalaga pa rin para sa mga nabakunahan, at para sa natitirang populasyong naghihintay para sa kanilang mga bakuna, na magpatuloy sa paggamit ng lahat ng tool na available upang makatulong na mawakasan ang pandemyang ito: pagsusuot ng mask na tumatakip sa iyong bibig at ilong kapag nasa labas ng iyong bahay, pag-iwas sa mga pagsasama-sama/pagtitipon, pag-iwas sa pananatili sa loob ng mga gusali kasama ang mga taong hindi mo kasama sa bahay, pagpapanatili ng 6 na talampakang layo sa ibang tao, at paghuhugas ng iyong mga kamay pagkatapos hawakan ang mga bagay na ginagamit din ng iba o pagkatapos hawakan ang iyong mukha. Matuto pa tungkol sa bakuna, kabilang ang kung saan at kung kailan ito makukuha sa: sf.gov/covidvax.

Kung nagpabakuna ka na laban sa COVID-19, magbasa pa tungkol sa kung kailangan mo pang mag-quarantine sa: www.sfcdcp.org/quarantineaftervaccination.

Kung nagpabakuna ka na laban sa COVID-19, magbasa pa tungkol sa mga mas ligtas na pakikipag-ugnayan sa: www.sfcdcp.org/lifeaftervaccine.

CA Notify – isa pang paraan para mapigilan natin ang hawahan

Ang CA Notify (canotify.ca.gov) ay isang app na maaari mong idagdag sa iyong smartphone. Gumagamit ito ng teknolohiya ng Bluetooth upang malaman kung malapit ka at ang iyong telepono sa ibang taong mayroong COVID-19 upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng virus sa ating komunidad.

Kung gumagamit ka ng CA Notify at nagpositibo ka sa iyong pagsusuri, hindi ibabahagi sa ibang tao ang iyong diagnosis. Gayunpaman, kung naka-enroll din sa app ang ibang taong nagkaroon ng close contact sa iyo, ipapaalam sa kanilang nalantad sila. Ipapaalam sa kanila ang petsa ng pagkakalantad, ngunit hindi ang oras, lokasyon, o pagkakakilanlan.

Kung gumagamit ka ng CA Notify at nalantad ka sa isang taong nagpositibo sa pagsusuri at inilagay niya ang kanyang resulta sa app, ipapaalam sa iyo ang petsa ng pagkakalantad, ngunit hindi ang oras, lokasyon, o pagkakakilanlan.

Available ang CA Notify sa pamamagitan ng Apple at Google. Tingnan ang canotify.ca.gov para sa karagdagang impormasyon.

Page 6: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 5 ng 20

Mga Karagdagang Ipinag-aatas para sa Mga Gym/Fitness Center

Sa mga indoor na aktibidad kasama ng mga taong hindi bahagi ng iyong sambahayan, mas malaki ang posibilidad na mahawaan ka at ang iyong komunidad ng COVID-19, kaysa sa mga outdoor na aktibidad. Dapat mong isaalang-alang ang epekto ng mas malaking panganib na ito para sa iyong sarili at sa iyong komunidad. Ang mga Gym at Fitness Center ay lubos na hinihikayat na isaprayoridad at gamitin ang outdoor na espasyo hangga't maaari at puwedeng gamitin ang outdoor AT indoor na espasyo hangga't pinapahintulutan ng mga kundisyon sa ilalim ng kasalukuyang Kautusan.

Pakitingnan ang Indoor na Panganib Sa Panahon ng Pandemya ng COVID-19 sa https://www.sfcdcp.org/indoorrisk

• Pinapataas ng pag-eehersisyo ang rate at lakas ng pagbuga ng hininga, at ang panganib ng paghawa ng virus. Para sa ANUMANG aktibidad na maaaring magpataas ng rate at/o lakas ng paghinga (kabilang ang pero hindi limitado sa mga cardio/aerobic na aktibidad o pagbubuhat); kailangang tiyakin ng mga pasilidad na ang mga indibidwal ay may layong hindi bababa sa 12 talampakan mula sa iba habang isinasagawa ang mga aktibidad na iyon kapag indoors at hindi bababa sa anim na talampakan ang layo kapag outdoors. Mas ligtas kapag mas malaki ang espasyo sa pagitan ng mga kliyente na humihinga nang mabigat.

• Magpanatili ng hindi bababa sa anim na talampakang distansya para sa mga nakapirming aktibidad na hindi nagpapataas ng rate o lakas ng paghinga, gaya ng stretching, gentle yoga o meditation.

• Tiyaking ang lahat ay may suot na takip sa mukha sa lahat ng oras maliban na lang kapag umiinom nang may normal na lakas ng paghinga.

• Panatilihing malinis ang espasyo gamit ang mga pinahusay na pamamaraan sa pag-disinfect at pag-sanitize.

Posibleng payagan ang mga Fitness Center at Gym nang may mga limitasyon (sumangguni sa BCAT) at dapat sumunod ang mga ito sa mga ipinag-aatas na nakasaad sa gabay na ito. Ang mga gym sa mga lokasyon gaya ng mga gusali ng apartment, condominium, o opisina ay maaaring magpatakbo kung magkakaroon ng sapat na tauhan ang mga ito para matiyak ang pagsunod sa lahat ng protokol sa indoor na gym at dapat sumunod ang mga ito sa mga kasalukuyang paghihigpit na nakalista sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad sa Negosyo.

PAGPAPLANO – Naaangkop sa Mga Outdoor at Indoor na Establisamiyento

Dapat punan ng Mga Indoor at Outdoor na Gym at Fitness Facility ang naaangkop na Plano sa Kalusugan at Kaligtasan na nagbabalangkas sa kung paano gagawin ng pasilidad para maipatupad ang mga iniaatas sa gabay na ito at ang anumang nauugnay na Direktiba o Kautusan ng Opisyal sa Kalusugan. Dapat ibahagi ang planong ito sa mga Tauhan, kliyente, at iba pang miyembro ng pasilidad. Dapat kumumpleto at magpaskil ng Plano sa Kalusugan at Kaligtasan ang mga Gym at Fitness Facility para sa bawat espasyong ginagamit. Makikita ang Mga Plano sa Kalusugan at Kaligtasan sa https://www.sfdph.org/dph/alerts/coronavirus-health-directives.asp#31

• Ipaskil ang Plano sa Kalusugan at Kaligtasan sa isang madaling makitang lokasyon para sa mga Tauhan at kliyente

Page 7: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 6 ng 20

• Kabilang sa lahat ng pagbanggit ng "Tauhan" ang, pero hindi limitado sa sinusweldohan at orasang tauhan, at mga independent na vendor at contractor

• Dapat ding i-post sa pampublikong website ng anumang gym o fitness center ang Plano sa Kalusugan at Kaligtasan.

• Ihanda at ipaskil ang Protokol sa Pagdistansya sa Isa't Isa (tingan ang Appendix A ng Kautusang Manatiling Mas Ligtas sa Bahay, na naka-post sa www.sfdph.org/healthorders).Dapat ding i-post sa pampublikong website ng anumang gym o fitness center ang Protokol sa Pagdistansya sa Isa't Isa.

• Magtalaga ng tauhang tagapag-ugnay para sa COVID-19 na siyang magiging natatanging naka-duty na taong makakaugnayan sa bawat site para sa mga tanong o alalahanin tungkol sa mga kagawian, protokol, o potensyal na pagkakalantad. Magsisilbi ring tagapag-ugnay sa SFDPH ang taong ito.

• Magtakda ng nakatalagang tagasubaybay sa kaligtasan ng lugar para matiyak ang pagsunod ng mga customer sa lahat ng aspeto ng Plano sa Kalusugan at Kaligtasan at sa gabay na ito, gaya ng pagsusuot ng mga mask, pagsubaybay sa mga limitasyon sa kapasidad ng espasyo, pag-iwas sa pagtitipon-tipon o pagsisiksikan, at pagpapanatili ng pagdistansya sa iba sa pangkalahatan. Kapag hindi naka-duty ang nakatalagang Tagasubaybay ng Kaligtasan sa Lugar ng Trabaho (naka-leave, may sakit, o nasa bakasyon), magtalaga ng ibang miyembro ng tauhan para tiyakin ang pagsunod.

• Lubos na inirerekomendang magtatag ng sistema ng pagpapareserba upang mapahalaan ang kapasidad para sa access sa gym at mga kagamitang madalas gamitin. Kailangang tukuyin ng mga pasilidad nang maaga kung paano nila babantayan nang real time ang kapasidad sa loob ng pasilidad, at ang mga hakbang na gagawin upang matiyak na hindi ito malalampasan.

• Lagyan ang front desk area ng Plexiglas o iba pang hindi natatagusang harang, kung maaari, upang mabawasan ang interaksyon sa pagitan ng mga reception worker at kliyente.

• Magpatupad ng virtual at touchless na mga tool sa pag-check in, kung posible, nang sa gayon ay hindi na kailangang gamitin ng mga kliyente ang espasyo ng reception.

• Sanayin ang mga tauhan sa mga kagawian sa kalusugan at kaligtasan na kailangang sundin. Magbahagi ng impormasyon tungkol sa COVID-19, kung paano maiiwasan ang pagkalat nito, at kung aling mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring nagdudulot sa mga indibidwal na madaling mahawaan ng virus.

• Ang lahat ng Tauhan ay kailangang magsuot ng pantakip sa mukha SA LAHAT NG ORAS habang nasa gym at/o fitness center. Tingnan ang Kautusan sa Kalusugan hinggil sa Pantakip sa Mukha Blg. C19-12c.

• Kailangang ma-screen ang lahat ng Tauhan bago pumasok sa pasilidad araw-araw. Tingnan ang www.sfcdcp.org/screening-handout.

Kailangang magpanatili ang lahat ng Tauhan ng pisikal na distansyang hindi bababa sa anim na talampakan mula sa ibang hindi nag-eehersisyo, at 12 talampakan mula sa mga kliyente na nagsasagawa ng anumang indoor na aktibidad na nagpapataas ng kanilang rate o lakas ng paghinga.

Isaalang-alang na gawin ang lahat ng pagpupulong sa personal na development ng mga tauhan nang malayuan sa pamamagitan ng paggamit ng mga electronic na paraan, gaya ng email at teleconferencing, hangga't maaari.

Metering System - Magpatupad ng Mga Limitasyon sa Kapasidad

Magpatupad ng Mandatoryong Metering System upang matiyak na hindi malalampasan ang mga

Page 8: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 7 ng 20

maximum na Antas ng kapasidad na tinutukoy sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo.

• Bumuo at magpatupad ng nakasulat na pamamaraan upang masubaybayan ang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas sa pasilidad upang matiyak na nasa o mas mababa sa pinapayagang kapasidad ang bilang ng mga tao.

• Isaalang-alang ang pagtatalaga ng mga tauhan upang masubaybayan ang kapasidad ng pasilidad.

• Isaalang-alang ang pagdaragdag sa bilang ng mga tauhan sa site upang maiwasan ang mga pagdumog ng tao sa mga abalang panahon.

Ang mga indoor na espasyo ng retail, cafe, o kainan sa isang indoor na fitness center ay limitado sa mga kasalukuyang limitasyon sa paggamit at kapasidad. Tingnan ang mga paghihigpit sa BCAT. Bukod pa rito, ang lahat ng protocol na nakadetalye sa Direktiba ng Opisyal sa Kalusugan 2020-17 ay dapat sundin. Maaaring gamitin ang anumang indoor na lugar ng trabaho gaya ng mga opisina o break room ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad (kung pinapayagan ng mga kasalukuyang paghihigpit), ngunit kailangang sundin ang lahat ng protokol na idinetalye sa Direktiba ng Opisyal sa Kalusugan 2020-18. Ang lahat ng tungkulin sa opisina na magagawa nang malayuan ay dapat na patuloy na gawin nang malayuan hanggang sa abot ng makakaya. Ang bilang ng mga manggagawa ay nabibilang sa limitasyon sa kasalukuyang kapasidad para sa pasilidad. Tingnan ang mga paghihigpit sa BCAT.

Mga Indoor na Espasyo ng Kainan gaya ng mga restaurant o café, Kung may restaurant o café ang gym o fitness center, maaaring magbukas ang espasyong iyon nang napapailalim sa Direktiba ng Opisyal sa Kalusugan Blg. 2020-16 (Pagkain) hangga't mayroong 12 talampakang distansya sa pagitan ng espasyo ng kainan at mga kliyente o iba pang hindi kumakain. (Halimbawa, maaari lang magbukas ang isang restaurant katabi ng isang hallway o lobby kung ang mga taong gumagamit sa hallway o lobby ay makakapagpanatili ng 12 talampakang distansya mula sa mga nakaupong kumakain). Hindi nalalapat ang 12 talampakang buffer, kung ang restaurant o café ay nasa sarili nitong hiwalay na kwarto na nasasarahan ng mga dingding mula sa mga hindi kumakain. Dapat matugunan ng espasyo ng kainan ang isa sa mga kinakailangan sa bentilasyon para makapagbukas.

Kailangang sundin ng mga serbisyo sa personal na pangangalaga, gaya ng massage therapy, ang lahat ng protokol na idinetalye sa Direktiba ng Opisyal sa Kalusugan Blg. 2020-30.

Page 9: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 8 ng 20

MGA IPINAG-AATAS NA MANDATORYONG KARATULA

Mga Indoor na Gym/Indoor na Fitness Center

Simula Nobyembre 17, 2020, ang lahat ng negosyong nagpapatakbo indoors ay dapat:

• Tingnan ang Gabay sa Bentilasyon ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (SFDPH) sa https://www.sfcdcp.org/COVID-ventilation at magtago ng kopyang may mga tala. Maaaring gamitin sa halip ang gabay sa bentilasyon mula sa mga kinikilalang awtoridad gaya ng Centers for Disease Control, Samahan ng Mga Engineering sa Heating, Refrigerating at Air-Conditioning ng America (American Society of Heating, Refrigerating and Air-Conditioning Engineers, ASHRAE), o ang Estado ng California.

• Ang mga Indoor na Gym at Fitness Center ay dapat malinaw na nakapaskil ang karatula, kasama ang lahat ng pangunahing pampublikong pasukan at break room, na isinasaad kung aling mga sistema sa bentilasyon ang ginagamit sa pasilidad:

o Pinapanatiling bukas ang lahat ng available na bintana at pintong accessible sa preskong outdoor na hangin

o Mga ganap na tumatakbong HVAC system

o Mga portable na air cleaner na may naaangkop na laki sa bawat kuwarto

o Wala sa itaas

Hindi kasama ang mga Pinto at Bintanang kinakailangang manatiling nakasara para sa sunog/kaligtasan ng buhay. Halimbawa, kailangang manatiling nakasara ang mga pinto para sa sunog. Tiyaking hindi gagawa ng mga panganib ng pagbagsak ang mga nakabukas na bintana lalo na para sa mga bata.

Makikita ang mga template para sa karatula sa: https://sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-covid-19

• Ipaskil ang lahat ng naaangkop na karatulang nauugnay sa COVID-19 sa establisamiyento tulad ng iniaatas ng Seksyon 4.g at 4.h ng Kautusang Manatiling Mas Ligtas sa Bahay. Gumagawa ang County ng mga available na template para sa karatula na available online sa https://sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-covid-19. Makikita dito ang partikular sa industriyang karatula para sa mga gym at fitness center: https://sf.gov/resource/2020/reopening-guidance-gyms-and-fitness-centers.

• Magpakita ng hanay ng malilinaw na nakikitang panuntunan para sa mga kliyente at Tauhan sa pasukan na magiging kondisyon para makapasok. Dapat kasama sa mga panuntunan ang mga tagubiling magsuot ng mga pantakip sa mukha sa lahat ng oras maliban na lang kapag umiinom; magpanatili ng 6 na talampakang distansya, at hindi bababa sa 12 talampakang distansya sa sinumang nag-eehersisyo indoors; bawal kumain; maghugas ng mga kamay o gumamit ng hand sanitizer; i-disinfect ang kagamitan; at umuwi kung may sakit ka. Kapag posible, dapat available din ang mga panuntunang ito sa pampublikong website.

• Magpaskil ng karatula sa mga break room o iba pang lugar na maraming gumagamit na Tauhan na nagpapabatid sa mga Tauhan na maaari nilang kumpidensyal na iulat ang mga paglabag sa mga kautusan sa kalusugan sa pamamagaitan ng pagtawag sa 3-1-1.

Page 10: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 9 ng 20

MGA TAKIP SA MUKHA

Pinapataas ng malalim na paghinga ang panganib ng pagkalat at pagkahawa ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Pinoprotektahan ng mga pantakip sa mukha ang nagsusuot nito AT ang mga nakapaligid sa kanya at lubos itong mahalaga sa Mga Gym at Fitness Center.

Napipigilan ng mga face mask at iba pang telang pantakip sa mukha ang mga taong maikalat ang virus sa ibang tao sa pamamagitan ng pagpigil sa mga respiratory droplet bago sumama sa hangin ang mga ito. Ayon sa pinakabagong pananaliksik, pinoprotektahan DIN ng mga pantakip sa mukha ang nagsusuot nito sa pamamagitan ng pagpapababa sa dami ng virus na nakakarating sa nagsusuot at kung kaya't napapababa ang panganib ng malubhang sakit para sa nagsusuot nito. Ang mga pantakip sa mukha ang isa sa mga pinakamahalagang hakbang para protektahan ang mga tauhan at kliyente sa COVID-19.

Ang lahat ng kliyente ay DAPAT magsuot ng mga pantakip sa mukha SA LAHAT NG ORAS habang nasa gym at/o fitness center maliban na lang habang umiinom nang normal ang paghinga. Tingnan ang Kautusan sa Kalusugan hinggil sa Pantakip sa Mukha Blg. C19-12. Ang mga gym ay dapat magpaskil ng karatula na pinaalalahanan ang mga kliyente na dapat silang sumunod sa mga sumusunod na panuntunan. Available ang halimbawang karatula sa https://sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-covid-19 .

• Labis na pagpapagod. Dapat iwasan ng mga kliyente ang labis na pagpapagod hanggang sa puntong gusto na nilang hubarin ang kanilang pantakip sa mukha. Dapat patuloy silang makapagsuot ng pantakip sa mukha habang nag-eehersisyo at dapat silang payuhang magtanong sa kanilang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan kung hindi sila sigurado kung anong mga aktibidad ang ligtas nilang magagawa habang patuloy silang nagsusuot ng pantakip sa mukha.

• Pag-inom. Dapat pabagalin ng mga kliyente ang kanilang paghinga sa regular na intensidad bago nila pansamantalang alisin ang kanilang pantakip sa mukha para uminom at pagkatapos ay dapat nilang palitan kaagad ang kanilang pantakip sa mukha, at hugasan o i-sanitize ang kanilang ang mga kamay kung hahawakan nila ang kanilang mukha.

• Pagkain. Hindi pinapayagan ang pagkain sa gym o fitness center dahil nagdadala ito ng karagdagang oras kung saan maaaring hubarin ng mga kliyente ang kanilang pantakip sa mukha na nagdudulot ng mas matinding panganib sa mga nakapaligid sa kanila.

• Pagpapalit ng mga maruming pantakip sa mukha. Irekomenda sa mga kliyenteng magdala ng pamalit na pantakip sa mukha kung sakaling mabasa o marumihan ang kanilang pantakip sa mukha. Pinapayagan lang ang mga kliyente na alisin at palitan ang kanilang mga pantakip sa mukha sa labas at dapat nilang hugasan o i-sanitize ang kanilang mga kamay pagkatapos.

Ang mga gamit nang takip sa mukha ay dapat itapon sa may takip na lagayan o hindi nabubuksang bag tulad ng nakaselyo/may tali na plastic bag.

• Hindi pinapahintulutan ang mga pantakip sa mukha na may mga vent. Dapat isaad ng pasilidad sa kanilang Plano sa Kalusugan at Kaligtasan kung paano nila sasanayin ang mga Tauhang sumubaybay at tumugon sa mga kliyenteng nagsusuot ng mga pantakip sa mukhang may mga vent.

Isaalang-alang na maghanda ng mga libre o mabibiling pantakip sa mukha para sa mga kliyente.

Page 11: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 10 ng 20

Dapat ipabatid ng karatula tungkol sa kalidad ng pantakip sa mukha ang sumusunod

Pinakamahusay na proteksyon o Surgical mask o maraming patong na telang mask o Kung gumagamit ng maraming patong na telang mask, dapat ay maayos itong natahi o

marami ang hiblang bulak o may halong bulak o Kasya – tiyak na natatakpan ang ilong, bibig, at ilalim ng baba

Mahusay na proteksyon o Isang patong na telang mask o Dalawang patong na neck gaiter

Hindi inirerekomenda o Mga mask na hindi maayos ang pagkakatahi/gantsilyo, itinuping bandana, isang patong

na neck gaiter o Materyal na hindi napapasukan ng hangin gaya ng plastik o leather o Materyal na masyadong malalaki ang butas gaya ng nylon o lana o Hindi kasya – hindi maayos na natatakpan ang ilong, bibig, at ilalim ng baba

MAPAPABABA NG MAGANDANG BENTILASYON ANG PAGKALAT NG COVID-19

Ang Layunin ng Bentilasyon

Dapat sumunod ang lahat ng indoor na gym at fitness center sa mga protokol sa bentilasyon sa Seksyon 4.i ng Kautusang Manatiling Mas Ligtas sa Bahay. Basahin ang gabay ng SFDPH para sa mas pinahusay na bentilasyon na available sa: https://www.sfcdcp.org/COVID-ventilation.

Mahalaga ang bentilasyon upang maiwasan ang paghawa. Pinagbabawalan ang mga kwarto o espasyong alam na may mahinang bentilasyon, gaya ng mga squash court. Magagamit lang ang mga indoor na court at mga fitness room para sa mga aktibidad na kasalukuyang pinapahintulutan sa indoor na setting ng gym KUNG mapapanatili ang mga ipinag-aatas sa physical distancing sa lahat ng oras, patuloy na nakasuot ang mga takip sa mukha, ang kwarto ay hindi kilalang may mahinang bentilasyon, at nakalista bilang pinapayagan sa kasalukuyan sa BCAT. Ang bawat hiwalay na kuwarto ay dapat sumunod din sa kasalukuyang pinapayagang kapasidad at mga pagbubukod. Ang pagkakaroon ng mahinang bentilasyon sa isang nakabahaging espasyo na ginagamit para sa pag-eehersisyo, kahit na hindi aerobic ang ehersisyo, ay maaaring lubos na magpataas sa panganib ng paghawa.

• Ang mga Outdoor na Gym ay maaaring, mapailalim sa anumang naaangkop na ipinag-aatas sa pahintulot, isagawa ang kanilang mga pagpapatakbo sa ilalim ng tolda, canopy, o iba pang silungan laban sa araw o lagay ng panahon, pero hangga't hindi mahigit isang bahagi ang sarado, na nagbibigay-daan sa pagpasok ng sapat na hanging galing sa labas. Bentilasyon ang susi sa pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19

Sa pamamagitan ng magandang bentilasyon, nakokontrol ang mga droplet at particle na may nakakahawang sakit upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng:

• pagpapalabas ng hanging may mga droplet at particle mula sa kuwarto,

• pagpapalabnaw sa konsentrasyon ng mga droplet at particle sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sariwa at hindi kontaminadong hangin,

• pag-filter sa hangin sa kuwarto na nag-aalis ng mga droplet at particle sa hangin.

Page 12: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 11 ng 20

Gumawa ng Mga Kinakailangang Pagpapahusay sa Bentilasyon, Kung Posible, Kabilang ang:

• Magbukas ng mga bintana para pahusayin ang natural na bentilasyon sa pamamagitan ng outdoor na hangin kapag hindi magiging banta sa kalusugan at kaligtasan. Kung puwede, isaalang-alang ding iwanan ang mga pinto nang bahagyang nakabukas para pumasok ang sariwang hangin sa indoor na espasyo.

Huwag harangan o ipitan ang mga fire exit. Patuloy na sundin ang mga ipinag-aatas sa kaligtasan sa sunog at gusali.

Kung magkakaroon ng banta sa pagkahulog para sa mga bata ang mga bukas na bintana, gumamit ng mga kandado ng bintana para hindi magbukas ang mga bintana nang lampas 4 na pulgada, o ng iba pang pangkaligtasang device para maiwasan ang pagkahulog.

• Kung may HVAC system (na kung minsan ay tinatawag na mechanical na bentilasyon, forced air, o central air) ang iyong programa, sundin ang mga rekomendasyon sa Gabay sa Bentilasyon ng SFDPH. Bigyang-priyoridad ang pag-maximize sa intake ng outdoor na hangin at i-minimize ang nagpapaikot-ikot na hangin sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID19. Kasama sa mga rekomendasyon ang:

o Tiyaking sinusuri ng propesyonal ang HVAC system at na gumagana ito nang maayos.

o Buksan ang mga air damper sa labas at isara ang mga damper para sa muling pagpapaikot (“mga economizer”) Ima-maximize nito ang dami ng outdoor na hangin na nasasagap ng HVAC system at imi-minimize nito ang dami ng indoor na hangin na pinapaikot ulit.

o Kung puwede kang gumamit ng mga air filter na may mas mataas na efficiency nang hindi nababawasan ang airflow o nasisira ang iyong HVAC system, gumamit ng mga air filter na may rate na MERV13 o higit pa.

o Huwag paganahin ang ”mga kontrol sa bentilasyon batay sa pagkontrol ng demand” para patuloy na tumakbo ang mga fan kahit hindi kailangang i-heat o i-cool ang isang kuwarto.

o Panatilihing tumatakbo ang HVAC system kahit na hindi ginagamit ang gusali, kung puwede. Kung may timer ang iyong HVAC, itakda na tumakbo ito, sa minimum, nang 1-2 oras bago magbukas ang gusali hanggang sa 2-3 oras pagkaalis ng lahat sa gusali, kasama ang mga custodial na tauhan.

• Isaalang-alang na gumamit ng mga portable na air cleaner (mga “HEPA filter”).

• Kung gumagamit ang establisyimento ng mga nakatayong bentilador o bentilador na nakakabit sa pader, isaayos ang direksyon ng mga bentilador upang mabawasan ang pag-ihip ng hangin mula sa espasyo ng isang indibidwal papunta sa espasyo ng ibang tao.

• Kung nagpapatakbo ng anumang indoor na restaurant, café, locker room o shower area, dapat ipatupad ng Gym ang isa sa mga sumusunod na tatlong hakbang sa bentilasyon:

a) Pagbubukas ng mga bintana o pinto (o mas mainam kung pareho);

b) Paggamit ng HVAC system na nagpapasok ng outdoor na hangin at/o nagpapaikot ulit ng na-filter na hangin sa pamamagitan ng angkop na filter; o

c) Paggamit ng mga air purifier na may naaangkop na filter.

Page 13: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 12 ng 20

• Dapat magpaskil ang Gym ng karatula sa labas ng pasukan sa locker room o pasilidad ng shower na nagpapakita kung aling mga hakbang sa bentilasyon ang ginagamit. Responsibilidad ng Gym na tukuyin kung ligtas bang maipapatupad ang anumang hakbang sa bentilasyon. Kung dahil sa mga panganib sa kaligtasan, usok, o iba pang kundisyon ay hindi maipapatupad ng Gym ang alinman sa mga hakbang na ito kaugnay ng indoor na locker room o shower area, dapat pansamantalang isara ng Gym ang indoor na locker room o shower area sa loob ng panahon kung kailan hindi maipapatupad ng Gym ang alinman sa mga hakbang na iyon.

I-email ang mga tanong tungkol sa Bentilasyon sa: [email protected]

Contact Tracing

Ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco, kasangga ang komunidad, pati na ang mga gym at fitness center, ay tumutulong sa pagtukoy ng mga taong nagkaroon ng malapitang pakikipag-ugnayan sa sinumang may COVID-19. Maaaring maipasa ng mga tao ang virus 48 oras bago pa sila magkaroon ng mga sintomas. Ang ilang tao ay hindi nagkakaroon ng mga sintomas at maaari pa ring makapagpasa ng virus. Maaari tayong makatulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng contact tracing na nakakatulong na matukoy ang mga taong posibleng nalantad dito at pagtulong sa kanila na mag-quarantine upang hindi nila aksidenteng maikalat ang sakit. Ginagawa namin ito sa tuwing may outbreak ng mga nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, para protektahan ang kalusugan ng komunidad.

Tumulong na tiyakin ang kalusugan ng iyong mga Tauhan, kliyente, at ating komunidad. Panatilihin ang attendance/mga iskedyul ng lahat ng tauhan sa iyong organisasyon sa loob ng hanggang tatlong linggo. Inirerekomendang magpanatili ang mga organisasyon ng listahan ng mga kliyente na pumapayag na boluntaryong ibigay ang kanilang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga layunin ng contact tracing. Hindi na dapat gamitin ang anumang listahan pagkatapos ng tatlong linggo. Hindi inaatasan ang mga Kliyente na magbigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan.

Kung may Tauhan o kliyenteng magpopositibo sa COVID-19, dapat tulungan ng organisasyon ang Departmento ng Pampublikong Kalusugan sa pagtukoy sa iba pang Tauhan o kliyenteng posibleng nalantad.

Takpan ang iyong mukha, magpasuri nang maaga, at mag-trace! Alamin ang higit pa sa https://covid19.ca.gov/contact-tracing.

PAG-SET UP NG ESPASYO

Dapat sundin ang Gabay sa ibaba para sa Indoor AT Outdoor na pasilidad maliban na lang kapag malinaw na nakasaad. Suriin ang BCAT kapag inihahanda ang iyong espasyo. Sumangguni sa talahanayang ito dahil ina-update ito habang sinusunod natin ang Blueprint para sa Mas Ligtas na Ekonomiya ng Estado.

Physical Distancing para sa Mga Indoor na Gym

Ang pisikal na exertion mula sa pag-eehersisyo ay puwedeng magpataas sa rate at intensity ng pag-exhale, kaya talagang mas nagiging mahalaga ang physical distancing para mapababa ang mga panganib ng pagkalat ng virus na nagdudulot ng COVID-19.

• Ipinag-aatas ang 12 talampakang minimum na distansya sa mga kliyente na nagsasagawa ng anumang aktibidad na nagpapataas sa rate at intensity ng paghinga para sa indoor na ehersisyo (kasama ang mga indoor na klase sa fitness).

Page 14: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 13 ng 20

• Anim na talampakan ang minimum na distansyang kinakailangan sa pagitan ng mga hindi nag-eehersisyo na nagpapataas sa rate o intensity ng paghinga.

• Hangga't posible, lakihan ang distansya.

• Ang maximum na bilang nga tao, kabilang ang mga Tauhan at Kliyente, na pinapayagan sa loob ng indoor na pasilidad sa anumag oras ay limitado sa kapasidad na nakalista sa BCAT, o sa bilang na kayang magpanatili ng hindi bababa sa anim na talampakang pisikal na distansya sa lahat ng oras AT 12 talampakang pisikal na distansya sa paligid ng mga nag-eehersisyong kliyente, alinman ang mas kaunti.

• Nalalapat ang limitasyon sa kapasidad sa magkakahiwalay na espasyo sa loob ng pasilidad. Halimbawa, ang 25% kapasidad ng gym para sa buong pasilidad ay maaaring 25 tao, ngunit ang 25% kapasidad para sa mas maliit na kwarto o espasyo sa loob ng gym ay maaaring dalawa o tatlong tao lang.

Physical Distancing para sa Mga Outdoor na Gym at Fitness Center

Suriin ang outdoor na espasyo para tukuyin ang bilang ng mga tao (kasama ang mga kliyente at Tauhan) na ligtas na magkakasya sa Outdoor na bahagi ng Gym.

• Dapat panatilihin ng mga kliyente ang physical distancing na hindi bababa sa anim na talampakan mula sa mga tao sa labas ng kanilang sambahayan SA LAHAT NG ORAS. Gumamit ng karatula, tape sa sahig, at/o may direksyong gabay upang makatulong na matiyak ang physical distancing habang gumagalaw ang mga Tauhan at kliyente sa buong espasyo.

Mga Tip para sa Pagpapanatili ng Physical Distance sa Mga Gym at Fitness Center

• Gumamit ng karatula at on-going na pagsubaybay upang matiyak na ang mga indibidwal na kwarto at espasyo sa loob ng pasilidad at outdoor na espasyo ay hindi lalampas sa kapasidad ng mga ito.

• Isaayos ang espasyo at/o bumuo ng mga proseso upang subaybayan at panatilihin ang kinailangang physical distancing sa lahat ng oras. Isaalang-alang ang isa o mahigit na pamamaraan sa ibaba:

• Paglayu-layuin ang kagamitan nang hindi bababa sa anim na talampakan ang layo (halimbawa, para sa stretching o outdoor na ehersisyo) o 12 talampakan ang layo (halimbawa, para sa indoor na paggamit ng stationary bike) kung saan kinakailangan ayon sa indoor na aktibidad.

• Isaayos ang kagamitan sa "X" na pattern upang magbigay ng mas malaking pagdidistansya.

• Harangan ang bawat pagitang makina o ilipat ang kagamitan nang sa gayon ay mas malayo ang mga ito.

• Bumuo ng plano sa pagsubaybay para sa kung aling mga makina ang ginagamit sa anumang oras upang mapanatili ang 12 talampakang distansya kung saan kinakailangan para sa mga indoor na establisamiyento at anim na talampakan para sa mga outdoor na establisamiyento. Magpatupad ng sistema ng pagreserba o pag-sign up para sa mga indibidwal na makina.

• Makakatulong ang mga pisikal na harang upang mabawasan ang pagkakalantad sa pagitan ng mga kliyente at Tauhan, o upang paghiwalayin ang mga lugar sa pag-eehersisyo, ngunit hindi dapat lubhang mahaharangan ng mga ito ang kabuuang daloy ng hangin sa espasyo.

Page 15: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 14 ng 20

Mga Karagdagang Regulasyon sa Mga Gym

Dapat gawin ng mga outdoor na gym na tugunan ang mga potensyal na panganib at sumunod sa mga pang-estado at lokal na batas, regulasyon, at ipinag-aatas sa pagpapahintulot.

• Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-set up ng iyong outdoor na espasyo, pakibisita ang Programa ng Shared Spaces ng San Francisco sa https://sf.gov/shared-spaces.

• Dapat sumusunod ang mga Outdoor na Gym sa Gabay ng Cal/OSHA sa Kaligtasan sa Kuryente at sa Mga pamantayan ng Cal/OSHA para sa pag-iwas sa sakit sa init.

• Maaaring magsagawa ang mga kliyente ng fitness na nakadirekta sa sarili. Halimbawa, maaaring indibidwal na gumamit ang mga kliyente ng libreng weights o iba pang kagamitan sa fitness. Ang mga daanan ng kliyente mula at papunta sa mga kagamitan ay dapat magbigay-daan na mapanatili ang kinakailangang pisikal na distansya sa lahat ng oras (halimbawa, 12 talampakang distansya ang kinakailangan para sa daanan na dadaan sa isang cardio machine para sa indoors at anim na talampakan para sa outdoors).

• Pinapayagan ang One-On-One na Personal na Pagsasanay kapag mapapanatili ang hindi bababa sa anim na talampakang physical distancing, o 12 talampakan kung nagsasagawa ng anumang indoor na aktibidad na nagpapataas ng rate o lakas ng paghinga. Tingnan ang mga kasalukuyang paghihigpit sa BCAT.

• Hindi pinapayagan ang mga kliyente na magsagawa ng mga aktibidad na kinakailangan ang iba sa loob ng 6 na talampakan para sa kaligtasan, gaya ng spotting habang nagbubuhat.

Mga Pagsasaalang-alang sa Aktibidad at Espasyo

Self-directed na fitness

Para sa mga kliyente na gumagamit ng kagamitan sa fitness na nakadirekta sa sarili (hindi kasama ang mga climbing wall na napapailalim sa mga hiwalay na ipinag-aatas sa paglilinis na nasa ibaba), kailangang malapit at available ang mga disinfectant spray at pamunas para sa mga kliyente upang punasan ang kagamitan sa pagitan ng bawat paggamit ng mga kliyente (tingnan ang seksyon ng Pag-sanitize at Pag-disinfect sa ibaba). Magsagawa ng mga hakbang upang matiyak na hindi gagamitin ng ibang kliyente ang kagamitan sa fitness na nakadirekta sa sarili bago ito ma-disinfect. Kailangang subaybayan ng mga tauhan ang pagsunod sa pag-disinfect ng kagamitan sa fitness na nakadirekta sa sarili at ang pagiging available ng mga supply sa pag-disinfect. Kailangang mabigyan ang mga kliyente at Tauhan ng impormasyon, sa pamamagitan ng karatula o iba pang paraan, tungkol sa kung paano magpaalam ng mga alalahanin sa kaligtasan nang real time sa nakatalagang tagasubaybay sa COVID-19 ng pasilidad.

Hinihikayat ang mga gym at fitness studio na maglaan ng mga espasyo o oras ng paggamit para sa mga miyembro ng komunidad na nasa malaking panganib sa pagkakaroon ng hindi magandang kalusugan dulot ng COVID-19.

Mga Climbing Wall

Posibleng payagan ang Mga Climbing Wall nang may mga karagdagang ipinag-aatas na nakalista sa ibaba. Tingnan ang mga kasalukuyang paghihigpit sa BCAT.

Page 16: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 15 ng 20

• Dapat gawin ng mga kliyenteng maghugas ng kanilang mga kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo o gumamit ng hand sanitizer na naglalaman ng hindi bababa sa 60% ethanol o 70 % isopropanol bago at pagkatapos ng bawat pag-akyat (Hindi kailangang maghugas o mag-disinfect ng mga kamay ang mga kliyente kapag aakyat ulit kung walang sinumang hindi kasama sa kanilang Sambahayan ang gumamit sa mga parehong hawakan o kagamitan bago ang bawat pag-akyat)

• Dapat paghiwa-hiwalayin ang mga climbing wall sa pamamagitan ng tape o iba pang visual na palatandaan para makapanatili sa kanilang mga "linya" at makapagpanatili ng kinakailangang anim na talampakang distansya ang mga umaakyat

• Bawal maghiraman ng chalk

• Pinapayagan ang pagpapaarkila ng kagamitan sa mga kliyente. Dapat maingat na linisin at i-disinfect ang lahat ng kagamitan sa bawat paggamit sa pamamagitan ng mga pamamaraang epektibo laban sa Novel Coronavirus SARS-CoV-2 alinsunod sa mga alituntuning makikita sa Seksyon 5 ng Apendise C-1 ng pinakabagong update sa Kautusang Manatiling Mas Ligtas sa Bahay (Kautusan sa Kalusugan C19-07), na maaaring baguhin ng Opisyal sa Kalusugan dahil nagkakaroon ng bagong impormasyon

• Hikayatin ang mga umaakyat na limitahan ang kanilang mga kasama sa pag-akyat sa iilan lang

• Lubos na irekomenda sa mga kasama sa belay o spotter na magsuot ng proteksyon sa mata at hikayatin ang mga pasilidad na magbigay nito at mag-sanitize sa bawat paggamit. Maaaring humiling ng libreng PPE mula sa Lungsod ang maliliit na negosyo. Tingnan ang link na ito para sa karagdagang impormasyon: https://oewd.org/free-ppe-available I-sanitize ang mga climbing wall nang madalas hangga't maaari.

Mga Panggrupong Klase

Pinapayagan ang mga panggrupong cardio/aerobic na klase sa fitness (gaya ng spinning, kickboxing, atbp.) sa panahong ito nang may mga paghihigpit. Tingnan ang mga kasalukuyang paghihigpit sa BCAT. Ang mga aktibidad na nangangailangan ng malapit na proximity na mas mababa sa labindalawang talampakang layo ay hindi pinapayagan maliban na lang kung pinapahintulutan sa ilalim ng Utos na Manatiling Mas Ligtas sa Bahay. Kabilang dito ang mga aktibidad gaya ng mga panggrupong sporting event, organisadong intermural na aktibidad, pick-up basketball, handball, o organisadong karera.

• Ang Mga Tao (kasama ang Mga Tauhan) na lumalahok sa mga panggrupong klase sa fitness ay inaatasang magsuot ng pantakip sa mukha sa lahat ng oras.

• Mangyaring sumangguni sa BCAT para sa mga limitasyon sa kapasidad. Limitado ang klase sa fitness (1) ayon sa laki ng indibidwal na kwarto na ginagamit para sa klase at (2) ayon sa kakayahan ng lahat ng tao na magpanatili ng 12 talampakang physical distancing mula sa ibang tao sa lahat ng oras.

Halimbawa. Kung ang iyong Gym ay may kabuuang kapasidad na 400 tao at may kasamang 3 espasyo ng panggrupong klase sa fitness na may kapasidad na 100 tao bawat isa, at ipagpalagay na mapapanatili ang hindi bababa sa 12 talampakan ng physical distance sa pagitan ng mga tao sa lahat ng oras, maaari kang magkaroon ng hindi hihigit sa 100 kliyente, anumang oras, sa iyong buong pasilidad (25% ng 400) at hindi hihigit sa 25 kliyente sa bawat isa sa mga espasyo ng klase sa fitness na may 100 tao (25% ng 100).

Page 17: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 16 ng 20

Mga Amenidad

• Access sa mga espasyo ng childcare, indoor na palaruan, at/o sensory wall/istasyon/lamesa ay napapailalim sa mga naka-post na limitasyon sa BCAT

• Kung saan posible, maglagay ng mga touchless at awtomatikong dispenser ng tubig para gamitin sa mga personal at reusable na bote ng tubig, o pang-isahang gamit at disposable na basong papel. Magpakita ng karatulang nagpapaalala sa mga Tauhan at kliyente na hindi dapat madikit ang bote o mga baso sa dispenser ng tubig. Kung hindi kaya ang pagkakaroon ng touchless na dispenser ng tubig, ipaalala sa mga manggagawa at kliyente na hugasan ang kanilang mga kamay o gumamit ng naaangkop na hand sanitizer bago at pagkatapos hawakan ang release button ng tubig sa mga drinking fountain.

• Mangyaring sumangguni sa BCAT para sa mga limitasyon sa kapasidad at mga pangunahing paghihigpit kasama na ang para sa mga locker room, at shower. Dapat manatiling sarado sa panahong ito ang mga sauna, hot tub, steam room at iba pang amenidad. Hinihikayat ang mga negosyo na subaybayan ang paggamit ng mga banyo sa pamamagitan ng pangangailangan ng susi

upang ma-access o pagtatakda ng attendant ng restroom/locker room sa malapit.

• May mataas na panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa mga locker room, shower, at changing room ngunit maaari itong magbukas nang napapailalim sa mga sumusunod na paghihigpit:

o Ang mga tao ay lubos na hinihikayat na maligo at magpalit ng damit sa bahay sa halip na

gumamit ng mga indoor na shower at locker room o changing area.

o Ipinagbabawal ang mga amenidad o appliance gaya ng mga hairdryer, blowing hand dryer, at swimsuit dryer at dapat na alisin o huwag paganahin. Dapat alisin sa locker room ang kagamitan sa pag-eehersisyo, kasama na ang para sa stretching. Ang mga personal na serbisyo, gaya ng mga facial o massage therapy, ay dapat gawin sa isang hiwalay na kwarto mula sa locker room at dapat itong sumunod sa hiwalay na direktiba ng Opisyal sa Kalusugan sa mga personal na serbisyo.

o Dapat bawasan ng Gym ang kapasidad ng mga indoor na locker room at pasilidad ng shower sa mas mababa sa: (1) 25% ng maximum na kapasidad para sa bawat area o (2) ang bilang ng mga tao na palaging makakapagpanatili ng hindi bababa sa anim na talampakan ng physical distance sa lahat ng oras. Dapat mahigpit na ipatupad ang mga limitasyon sa kapasidad. Ipinagbabawal ang mga pagpupulong ng grupo o pangkat sa mga locker room.

o Sa ilalim ng mga alituntunin ng Estado, maaari lang magbukas ang mga indoor na locker room at pasilidad ng shower kung posible ang wastong distancing at naglagay ng mga harang o nagpaskil ng mga karatula upang tukuyin ang mga kinakailangan sa physical distancing. Dapat tiyakin ng Gym na bibigyang-daan ng layout ng mga locker o shower ang wastong physical distancing sa lahat ng oras.

o Dapat magsagawa ang Gym ng mga pisikal na pagbabago sa locker room at mga pasilidad ng shower upang matiyak na makakapagpanatili ng hindi bababa sa anim na talampakang physical distance ang mga kliyente sa lahat ng oras. Ayon sa iniaatas ng mga alituntunin ng Estado, paghiwa-hiwalayin ang mga available na locker, lababo, at shower, gaya ng sa pamamagitan ng paggamit ng karatula, mga pisikal na harang, o pagwawalang-bisa sa ilang partikular na locker o showerhead.

Page 18: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 17 ng 20

o Gayundin, maaari lang magbukas ang mga indoor na locker room at pasilidad ng shower kung gagamit sila ng hindi bababa sa isa sa mga sumusunod na hakbang sa bentilasyon sa mga nasabing lugar (hiwalay sa mga pangkalahatang kinakailangan para sa pangkalahatang Gym): (1) pagbubukas ng mga bintana o pinto (o mas mainam kung pareho); (2) paggamit ng HVAC system na nagpapasok ng mga outdoor na hangin at/o nagpapaikot ulit ng na-filter na hangin gamit ang naaangkop na filter; o (3) paggamit ng mga air purifier na may naaangkop na filter. Dapat magpaskil ang Gym ng karatula sa labas ng pasukan sa locker room o pasilidad ng shower na nagpapakita kung aling mga hakbang sa bentilasyon ang ginagamit. Responsibilidad ng Gym na tukuyin kung ligtas bang maipapatupad ang anumang hakbang sa bentilasyon. Kung dahil sa mga panganib sa kaligtasan, usok, o iba pang kundisyon ay hindi maipapatupad ng Gym ang alinman sa mga hakbang na ito kaugnay ng indoor na locker room o shower area, dapat pansamantalang isara ng Gym ang indoor na locker room o shower area sa loob ng panahon kung kailan hindi maipapatupad ng Gym ang alinman sa mga hakbang na iyon.

o Ang mga taong papasok sa locker room o shower area ay dapat magsuot ng Pantakip sa Mukha sa lahat ng oras maliban kung ginagamit nila ang shower o maliban kung na-exempt sa pagsusuot ng Pantakip sa Mukha ayon sa Utos na Magsuot ng Pantakip sa Mukha. Dapat magsuot ng mga Pantakip sa Mukha papunta at paalis sa shower area, ngunit hindi inirerekomenda habang naliligo. Dapat ibalik ng sinumang gumagamit ng shower ang kanilang Pantakip sa Mukha sa lalong madaling panahon pagkalabas sa shower stall. Dapat hikayatin ng Gym ang mga kliyenteng nagpaplanong gumamit ng mga shower na magdala ng karagdagang malinis na Pantakip sa Mukha para gamitin pagkatapos nilang maligo.

o Magbigay ng hand sanitizer para sa Tauhan at ibang tao sa lahat ng pasukan at labasan sa mga locker room at pasilidad ng shower. Magdagdag ng karatula na humihiling sa mga kliyente at Tauhan na gumamit ng hand sanitizer o hugasan ang kanilang mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo pagkapasok sa locker room o pasilidad ng shower. Tiyaking mananatiling gumagana ang mga pinapayagang bilang ng lababo na may distansya sa isa't isa at patuloy na may stock ng mga supply sa paglilinis ng kamay sa lahat ng oras. Magbigay ng karagdagang sabon, mga paper towel, at hand sanitizer kung kinakailangan. Kapag posible, mag-install ng mga hands-free o touchless na device para sa pag-dispense ng mga produkto.

o Dapat madalas linisin at i-disinfect ang mga surface na madalas hawakan sa mga locker room at shower, gaya ng mga gripo, banyo, counter, hawakan ng pinto, at switch ng ilaw alinsunod sa mga pamantayan sa industriya at sa Protokol sa Pagdistansya sa Isa't Isa gamit ang mga disinfectant na nakarehistro sa EPA na inaprubahan para sa paggamit sa SARS-CoV-2 (COVID-19) virus.

o Gumawa at magpaskil ng iskedyul ng paglilinis at sign-off sheet sa pasukan ng anumang locker room o pasilidad ng shower upang masubaybayan kung gaano kadalas nililinis ang mga pasilidad at upang malaman ng mga kliyente kung kailan nila magagamit o hindi magagamit ang pasilidad. Dapat isara sa publiko ang mga locker room at pasilidad ng shower habang ginagawa ang proseso ng paglilinis at pag-disinfect.

Page 19: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 18 ng 20

o Hikayatin ang mga kliyente na magdala ng sarili nilang mga tuwalya. Kung nag-aalok ang establisamiyento ng serbisyo ng tuwalya, dapat ilagay ang mga nagamit nang tuwalya sa isang lalagyang may takip o kaya naman ay hindi nabubuksang lalagyan, at dapat labhan ang mga tuwalya alinsunod sa mga tagubilin ng manufacturer. Gamitin ang pinakamainit na naaangkop na setting ng tubig at ganap na patuyuin ang mga item bago i-restock ang mga ito para sa paggamit.

• Magpatupad ng mga estratehiya para bawasan ang tagal ng oras na inilalaan ng mga kliyente sa locker room at mga pasilidad ng shower. Pagbawalan ang mga kliyente sa pagsasagawa ng mga hindi kinakailangang personal na aktibidad sa paglilinis ng katawan sa mga locker room at shower area, gaya ng pag-aahit, pagsisipilyo ng mga ngipin, o paglalagay ng makeup. Upang makatulong na maiwasan ang pagtambay at pagtitipon-tipon sa mga locker room, hindi pinapayagang gumamit ng telebisyon o mga katulad na programa sa mga locker room o pasilidad ng shower sa oras na ito. Ipaskil ang sumusunod na kinakailangang karatula: (1) isang poster na hindi naghihikayat sa paggamit ng locker room, na nagpapaalala sa mga kliyente na i-minimize ang kanilang oras sa mga locker room at pasilidad ng shower, nag-aatas ng pagsusuot ng mask maliban habang naliligo, at mahigpit na naglilimita sa kapasidad at (2) isang checklist ng bentilasyon na nagpapakita ng pagsunod sa bentilasyon. Mahahanap ang sample na poster sa locker room sa https://sf.gov/file/locker-room-poster at mahahanap ang checklist ng bentilasyon sa https://sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-covid-19

MGA PAG-SCREEN NG KALUSUGAN NG MGA KLIYENTE

• Dapat suriin ng mga pasilidad ang lahat ng kliyenteng papasok sa indoor at/o outdoor na pasilidad gamit ang mga tanong tungkol sa sintomas ng COVID-19 at pagkakalantad sa COVID-19. Dapat itanong ng mga pasilidad ang mga ito at ipaabot ang impormasyong makikita sa: https://www.sfcdcp.org/screeningvisitors

Hindi dapat papasukin ng mga pasilidad ang mga taong sasagot ng oo sa alinman sa mga tanong sa form sa itaas.

PAG-SANITIZE AT PAG-DISINFECT

Dapat gawin ng mga Gym at Fitness Center na bumuo ng plano at magpatupad ng mga ipinag-aatas sa sanitasyon na humihigit sa mga karaniwang ipinag-aatas sa industriya. Dapat kasama sa mga protokol ang, pero hindi limitado sa mga sumusunod:

• Dapat hugasan o i-sanitize ng lahat ng Tauhan at kliyente ang kanilang mga kamay bago sila pumasok sa indoor at/o outdoor na pasilidad. Dapat hugasan o i-sanitize ng mga kliyente ang kanilang mga kamay bago at pagkatapos gamitin ang nahihiram na kagamitan.

• Dapat maghanda ang mga pasilidad ng istasyon ng paghuhugas, hand sanitizer, o mga pang-sanitize na pamunas para sa mga kliyente at Tauhan.

• Atasan ang mga Tauhang palaging linisin at i-disinfect ang mga bahagi at lugar na madalas hawakan, gaya ng mga pihitan ng pinto, hawakan, baranda, bukasan ng ilaw, banyo, lababo, kubeta, bangko, front desk, keyboard, computer, telepono, makina sa fitness, gear, aksesorya, istasyon ng sanitasyon, at iba pang kagamitan sa buong araw alinsunod sa mga alituntunin ng CDC na makikita sa: https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/organizations/cleaning-disinfection.html

Page 20: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 19 ng 20

• Atasan ang mga kliyenteng i-disinfect ang anumang makina sa fitness, aksesorya, o iba pang kagamitan bago at pagkatapos gamitin ito. Magpaskil ng karatula para paalalahanan ang mga kliyente tungkol sa atas na ito (hindi kasama ang mga climbing wall). Maghanda ng mga magagamit na disinfectant spray at pamunas para sa mga kliyente sa mga madaling makitang lokasyon. Tiyaking may magagamit na mga may plastik sa loob at hindi hinahawakang basurahan.

• Kung hindi mapupunasan/madi-disinfect ng kliyente ang kagamitan pagkatapos niyang mag-ehersisyo, magbigay ng mga tag na "Handa Nang Linisin" na ilalagay ng mga miyembro sa kagamitan pagkatapos itong gamitin para alertuhin ang mga Tauhan na dapat i-sanitize ang kagamitan bago ito magamit ng susunod na kliyente.

• Magsagawa ng mga hakbang upang matiyak na hindi gagamitin ng ibang kliyente ang kagamitan sa fitness na nakadirekta sa sarili bago ito ma-disinfect. Kailangang subaybayan ng mga tauhan ang pagsunod sa pag-disinfect ng kagamitan sa fitness na nakadirekta sa sarili at ang pagiging available ng mga supply sa pag-disinfect. Kailangang mabigyan ang mga kliyente at Tauhan ng impormasyon, sa pamamagitan ng karatula o iba pang paraan, tungkol sa kung paano magpaalam ng mga alalahanin sa kaligtasan nang real time sa nakatalagang tagasubaybay sa COVID-19 ng pasilidad.

• Dapat aprubahan ang paggamit ng mga produktong pang-disinfect laban sa COVID-19. May makikitang inaprubahang listahan sa: https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/organizations/cleaning-disinfection.html

MGA MADALAS ITANONG

Paano kung magpositibo sa pagsusuri sa COVID-19 ang isang tao sa aking Gym o Fitness Center?

Posibleng maipasa ng mga tao ang virus 48 oras bago pa sila magkaroon ng mga sintomas ng COVID-19. Ang ilang tao ay hindi nagkakaroon ng mga sintomas at maaari pa ring makapagpasa ng virus. Tingnan ang gabay ng SFDPH tungkol sa kung What to do if Someone at the Workplace Has COVID-19 (Ano ang dapat gawin kung ang Isang Tao sa Lugar ng Trabaho ay May COVID-19) na makikita sa: www.sfcdcp.org/covid19-positive-workplace.

Gumagamit ang ilan sa ating mga kliyente ng mga guwantes para sa weightlifting at iba pang aktibidad sa pag-eehersisyo. Pinapayagan ba ang mga ito?

Maaaring suotin ng mga kliyente ang kanilang mga guwantes habang nag-eehersisyo, pero dapat silang paalalahanan tungkol sa pagdidisimpekta at paghuhugas ng kamay. Hindi napapalitan ng mga guwantes ang pagdidisimpekta, paghuhugas ng kamay, o iba pang protocol sa pag-sanitize.

Paano naman ang mga tuwalya?

Hikayatin ang mga bisitang magdala ng sarili nilang mga tuwalya. Kung magpapasya ang iyong establisimyentong magbigay ng magagamit na tuwalya, kakailanganing iimbak ang mga nagamit na tuwalya sa may takip na lalagyan. Labhan ang mga aytem ayon sa mga tagubilin ng nagmanupaktura. Gamitin ang pinakamaligamgam na angkop na setting ng tubig at patuyuing mabuti ang mga aytem. Ang mga tuwalya, ibinibigay man ng establisimyento o dinadala ng mga bisita, ay hindi pamalit sa ipinag-aatas na idisimpekta ang mga makina sa fitness, aksesorya, o iba pang kagamitang ginagamit ng mga kliyente.

Dapat ba naming hikayatin ang paggamit ng mga face shield?

Lubos na inirerekomenda para sa mga kasama sa belay o spotter na gumagamit ng mga climbing wall. Sa

Page 21: Setyembre 16, 2020...ng mga empleyado na pisikal na bahagi ng pasilidad, at kinakailangan upang patakbuhin ang pasilidad, ngunit kailangang sundin ang lahat ng protocol na idinetalye

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 20 ng 20

kasalukuyan, walang rekomendasyong magsuot ang pangkalahatang publiko ng proteksyon sa mata para sa karamihan ng pang-araw-araw na aktibidad. Gayunpaman, ayon sa teorya, ang iyong mga mata ay maaaring mapasukan ng COVID-19. Ang isang face shield o mga goggle (pero hindi mga regular na salamin) ay maaaring makapagbigay ng proteksyon laban sa mga uri ng pagkakalantad na ito. Kung kaya't, ang mga indibidwal, lalo na iyong mga mas mataas ang panganib na malantad o sa malalang sakit mula sa COVID-19, ay maaaring magpasyang magsuot ng proteksyon sa mata, dagdag pa sa pantakip sa mukha bilang dagdag na patong ng proteksyon laban sa pagkakahawa ng COVID-19.

MGA MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON Manatiling may alam. Mabilis na nagbabago ang impormasyon. Makikita ang mga kapaki-pakinabang na mapagkukunan sa:

• Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH)

https://www.sfcdcp.org/covid19

• Napi-print na resource mula sa SF.GOV para sa mga negosyo, Kasama ang karatula

https://sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-covid-19

• California Blueprint for a Safer Economy (Plano ng California para sa isang Mas Ligtas na Ekonomiya) na inilabas ng Estado ng California

https://covid19.ca.gov/safer-economy/#reopening-data

• Gabay sa Industriya para sa Mga Pasilidad ng Fitness ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health, CDPH)

https://files.covid19.ca.gov/pdf/guidance-fitness.pdf

• Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (Centers for Disease Control and Prevention, CDC)

Listahan ng mga dokumentong nagbibigay ng Gabay (puwedeng mahanap) https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/communication/guidance-list.html

Paggamit ng Mga Gym, Fitness Center, o Studio https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/daily-life-coping/personal-social-activities.html#gyms


Recommended