Transcript
Page 1: Paraan Sa Paggawa Ng Compost

PARAAN SA PAGGAWA PARAAN SA PAGGAWA NG COMPOSTNG COMPOST

Page 2: Paraan Sa Paggawa Ng Compost

MGA GAMIT NA KAILANGANMGA GAMIT NA KAILANGAN

Dayami, damo, sapal ng tubo, tangkay at busal ng mais, at iba pang labi ng halaman

Halamang mayaman sa nitroheno (ipil-ipil, azolla, sesbania, munggo, mani, kakawate, cowpea, soybean, at iba pa)

Tuyong dumi ng hayop (manok, baboy, kalabaw o baka)

Tricho (5 pakete o botelya kada isang toneladang bubulukin)

Page 3: Paraan Sa Paggawa Ng Compost

Mga hakbang na dapat sundin:1. Ihanda ang mga kailangan. Basain

ang mga tuyong dahon ng damo at iba pang halaman.

Page 4: Paraan Sa Paggawa Ng Compost

2. Isalansan ang mga bubuluking bagay at iba pang gamit sa loob ng 2 x 6 metrong parisukat. Gumawa ng anim na suson na 25 sentimetro ang bawat isa (3 bahaging dayami/damo/dahon, 1 bahaging dumi ng hayop at dahon ng halamang mayaman sa nitrogen).

Page 5: Paraan Sa Paggawa Ng Compost

3. Diligan ang bawat suson ng kinanaw na tricho, sapat lamang para mabasa ang mga ito.

Page 6: Paraan Sa Paggawa Ng Compost

4. Takpan ng dahon, plastic o sako ang nayaring salansan (1.5 metrong taas).

5. Haluin pagkalipas ng 2 linggo.

Page 7: Paraan Sa Paggawa Ng Compost

6. Anihin ang compost pagkaraan ng 4 na linggo