Transcript
Page 1: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

Kagawaran ng Edukasyon

MTB-MLE 3 Panghalip na Pananong

Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Donna Jill R. Ledesma

Manunulat

Rowena R. Dulay Mercedes H. Austria

Mary Ann O. Wijetunge

Mga Tagasuri

Nelia G. Abejar

Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

2

Ginawa ang araling ito para sa iyo. Ito ay makatutulong upang

linangin ang iyong kakayahan sa pakikipagtalastasan sa Wikang

Filipino. Sinasaklaw ng aralin na ito ang kasanayan na magagamit sa

iba’t ibang sitwasyon. Ang mga pananalitang ginamit ay naaayon sa

iyong pang-unawa. Ang mga aralin ay nakaayos sa wastong

pagkasunud-sunod batay sa aklat na iyong gagamitin.

Ito ay tumatalakay sa;

● Aralin 1 – Pagtukoy sa Panghalip na Pananong

Pagkatapos ng araling

ito, inaasahang:

1. Natutukoy ang mga panghalip na pananong

(MT3G-IIa-b-2.2.3)

2. Nakikilala ang wastong panghalip na pananong sa

pangungusap

3. Nagagamit ang mga panghalip na pananong sa pagbuo ng

pangungusap na nagtatanong

Page 3: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

3

Panuto: Salungguhitan ang wastong panghalip na pananong sa

Pangungusap.

1. (Sino, Saan, Ano) ang pupunta sa simbahan?.

2. (Ano, Ilan, Sino) ang alaga mong aso?

3. (Ano-ano, Kani-kanino, Sino-sino) ang mga kasama mo sa

bahay?

4. (Saan-saan, Sino-sino, Ano-ano) kayo namasyal kahapon?

5. (Sino, Saan, Kailan) kayo namasyal sa Luneta?

Panuto: Pangkatin ang mga karaniwang ngalan ng tao, bagay,

hayop at lugar. Ilagay sa tamang pangkat.

Tao Bagay Hayop Lugar

tinidor papel unggoy sapa

bahay kumot gagamba doktor

Page 4: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

4

tigre klinika tiyo guwardiya

A. Panuto: Kilalanin ang mga salitang may salungguhit sa

dayalogo.

Bagong Kaibigan

Unang araw ng klase. Masaya ang bawat estudyante sa

pakikipag-usap nila sa mga bagong kaklase. Nais ni Romel na

makipagkaibigan sa batang nasa kaniyang likuran.

Romel: Magandang umaga sa iyo! Ako nga pala si Romel. Ano ang

iyong pangalan?

Jan: Ako nga pala si Jan. Bago lang ako dito sa paaralan.

Romel: Saang probinsya ka nanggaling?

Jan: Sa Batangas, kasama kong lumipat dito ang aking buong

pamilya.

Romel: Ay, ganoon ba? Pareho pala tayong Batangueno. Kailan

kayo dumating dito?

Jan: Noong nakaraang Sabado lamang kami dumating.

Romel: Sino sa iyong mga kapatid ang kasama mo dito sa paaralan

natin?

Jan: Ang aking kapatid na babae ay dito na rin mag-aaral, siya ay

nasa ikaanim na baitang.

Romel: Ah ganun ba? Ikinagagalak kitang makilala Jan.

Jan: Salamat sa iyo, halika na at pumasok na tayo sa ating silid-

aralan. Magsisimula na ang ating klase.

Page 5: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

5

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

_________________________________________________________

Ito ba ay tumutukoy sa tao, bagay o lugar?

__________________________________________________________

B. Panuto: Bilugan ang panghalip na pananong sa bawat

pangungusap.

1. Sino-sino ang magsisimba bukas?

2. Kanino ang bag sa ibabaw ng mesa?

3. Sino ang nanalo sa paligsahan?

4. Kailan ka ipinanganak?

5. Saan tayo magkikita pagkagaling ko sa Monumento?

6. Ilan kayong pupunta sa Cebu?.

7. Kanino ang lapis na iyan?

8. Magkano ang isang tumpok ng kalamansi?

9. Ano ang pangalan ng ate mo?

10. Bakit hindi kayo pinalalabas ng bahay?

A. Panuto: Piliin mula sa tsart at isulat sa linya ang tamang

panghalip na pananong na bubuo sa diwa ng

pangungusap.

Page 6: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

6

1. Si Ana, Alex at ako ay mabubuting mga anak. ______ ang

pangalan ng mga kapatid ko?

Sino-sino Sino Ano-ano

2. Maganda ang damit kong bigay ni nanay. _______ ang

ibinigay ni nanay sa akin?

Sino Ano Ilan

3. Ang mga magulang ay dapat bigyan ng paggalang at

pagmamahal. _______ kailangang mahalin ang mga

magulang?

Sino Gaano Bakit

4. Si Bb. Ledesma ay isang guro sa Alabang Elem. School.

________ nagtuturo ang guro?

Saan Kailan Ano

5. Binili ng Nanay ang bagong sapatos para sa anak?

_______ ibibigay ng nanay ang sapatos

Kailan Saan Kanino

Tandaan na ang panghalip na pananong ay ginagamit sa

pagtatanong tungkol sa mga tao, lugar, bagay, panahon, katangian

o pangyayari.

Page 7: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

7

Halimbawa: sino, saan, kailan, bakit, paano, ilan, ano, kanino, alin,

magkano, gaano

Sino at Kanino – Ito ay ginagamit para sa tao.

Sino ang kukuha ng modyul sa paaralan?

Kanino mo ibibigay ang bulaklak na iyan?

Ano – Ito ay ginagamit para sa hayop, bagay, katangian,

pangyayari, at ideya.

Ano ang ibinigay ni Roman sa’yo bilang regalo?

Ano ang pagdiriwang bukas?

Kailan – Ito ay ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at panahon.

Kailan uuwi si Tatay?

Kailan magbibigay ng pagsusulit ang guro?

Saan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar.

Saan pupunta ang mag-amang Mang Terio at Felimon?

Saan mo ipadadala ang pasalubong?

Bakit – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan.

Bakit mo pinayagang umalis si Cardo?

Bakit hindi agad nakarating si Pilar?

Page 8: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

8

Paano -Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan.

Paano niya tinanggap ang pagkatalo sa labanan?

Paano lulutuin ang adobo?

Ilan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang.

Ilang supot ng asin ang ipinapabili ng nanay?

Ilang piraso ng lapis ang binili mo?

Alin – Ito ay ginagamit sa pagpapapili.

Alin ang gusto mo, ang relo o ang sapatos?

Alin sa kambing at baboy ang nais mong ihain sa mga bisita?

Magkano – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga ng

pera.

Magkano ang ibinigay sa iyo ng nanay na baon?

Magkano ang bawat piraso ng Yakult?

Page 9: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

9

A. Panuto: Pillin ang wastong panghalip na pananong sa kahon

upang mabuo ang talata.

kailan, saan, ano, bakit, kanino,

Isang tanghali, umuwing malungkot si Albert. “_____ ka

malungkot Albert?” Tanong ng nanay.

“Masakit po ang aking tuhod dahil sa sugat,”sagot ni Albert sa

kaniyang nanay. “______ ang nangyari sa tuhod mo?” tanong ng

tatay.

“______ at ______ ka nasugatan?”tanong ng nanay. “Nadapa

po ako habang tumatakbo papunta sa kantina kaninang recess.”

Tugon ni Albert.

“_______ ang binili mong pagkain at nagmamadali ka.” ang sabi

ng tatay. Mag-iingat ka sa susunod.

Page 10: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

10

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang angkop na panghalip na pananong upang

mabuo ang pangungusap.

1. Ang aking tatay ay isang bayani para sa akin. _______ ang

itinuturing niyang bayani?

A. Ilang

B. Sino

C. Ano

2. Kay Gab ang pulang bag sa ibabaw ng mesa. _______ ang

bag sa ibabaw ng mesa?

A. kanino

B. Sino

C. Ilan

3. _______ may kanya-kanyang kuwento ang buhay ng tao?

A. Ano

B. Kailan

C. Bakit

4. Dan at Den, ______ ba ang mga tsinelas na yan sa palengke?

A. Kanino

B. Magkano

C. Sino

Page 11: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

11

5. Ako at ang aking pamilya ay magbabakasyon. ______ kayo

magbabakasyon?

A. Saan

B. Paano

C. Sino

Sanggunian

Kagamitan ng Mag-aaral sa Mother Tongue 3 Yunit 2 pahina 185-189

Pinagyamang Pluma, Wika at Pagbasa para sa Elementarya,

Phoenix Publishing House, pahina 128-131

https://philnews.ph/2019/07/20/panghalip-pananong-mga-

halimbawa-gamit-ng-bawat-isa/

Unang Pagsubok

1.Sino

2.Ilan

3.Sino-sino

4.Saan-saan

5.kailan

Balik-tanaw

TAO BAGAY HAYOP LUGAR Tiyo tinidor tigre bahay Doctor kumot unggoy klinika

Guwardiya papel gagamba sapa

Page 12: Panghalip na Pananong Ikalawang Markahan

12

Pagpapakilala ng Aralin

B.

1. Sino-sino 6. Ilan

2. Kanino 7. Kanino

3. Sino 8. Magkano

4. Kailan 9. Ano

5. Saan 10. Bakit

GAWAIN:

1. Ano-ano 2. Ano 3. Bakit 4. Saan

5. Kanino

Pag-alam sa Natutuhan:

1.Bakit

2.Ano

3.Kailan maaaring

4.Saan magkapalit

5.Kanino

Pangwakas na Pagsusulit

1. B 2.A 3. C 4. B 5. A