Download pptx - Panahon ng amerikan

Transcript
  1. 1. 1
  2. 2. Kaligirang Pangkasaysayan Sa halos tatlong daang taon na pananakop ng mga dayuhang Kastila sa Pilipinas. Naiwagayway natin ang ating bandila sa bayan ng Kawit, Cavite noong ika-12 Hunyo, 1898 sa pamumuno ni Hen. Emilio F. Aguinaldo, noon bilang unang pangulo ng unang Republika ng Pilipinas. Subalit ang kasarinlang iyon ay naging panadalian lamang sapagkat lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Maraming Pilipino ang nagsalong ng sandata at muling nanulat, sapagkat ang diwa at damdaming makabayan ng mga kababayang ito ay hindi nakuhang igupo ng mga Amerikano, bagkus ay lalong naging maalab pa. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng lathalain, kwento, dula sanaysay, nobela at iba pa. Maliwanag na mababasa sa mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan. 2
  3. 3. MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO 3
  4. 4. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) - itinatag ni Sergio Osmea noong 1900. Makalawang pinatigil ng mga sensor na amerikano ang paglalathala nito at binalaan si Osmea at ang mga kasamahan na ipapatapon dahil sa lathalaing makabayan. 4
  5. 5. El Grito Del Pueblo (Ang Sigaw Ng Bayan) itnatag ni Pascual Poblete noong 1900. 5
  6. 6. El Renancimiento (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900. 6
  7. 7. Walang Sugat ni Severino Reyes Kahapon, Ngayon at Bukas- sinulat ni Aurelio Tolentino. Naglalahad ito ng panlulupig ng mga Amerikano at ang tangka nila na manakop sa Pilipinas. Tanikalang Ginto ni Juan Abad Malaya ni Tomas Remegio 7
  8. 8. Mga Katangian ng Panitikan sa Panahong Ito Tatlong pangkat ng mga manunulat ang kumatawan sa panitikan Pilipino nang panahong ito: Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng wikang Kastila. Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng wikang Tagalog. Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng katutubong wika sa mga lalawigan. 8
  9. 9. A. Panitikan sa Kastila Naging inspirasyon ng ating mga manunulat sa Kastila si Rizal hindi lamang sa kanyang pagiging makabayang lider kundi dahil pa rin sa kaniyang naisulat na dalawang nobelang Noli at Fili. Sinasabing ang dalawang nobelang ito ang nagtataglay ng pinakamahusay na katangian sa lahat ng naisulat na nobelang pampanitikan, maging sa Ingles at Pilipino. 9
  10. 10. Mga Manunulat Sa Panitikan Sa Kastila 10
  11. 11. - ay may mga tulang handog kay Rizal, Jacinto, Mabini at halos sa lahat ng mga bayani ng lahi, ngunit ang kaniyang tulang handog kay Rizal ang ipinalalagay na pinakamainam ng tulang papuri sa dakilang bayani ng Bagumbayan. Cecilio Apostol 11
  12. 12. Fernando Ma. Guererro -ipinalalagay na kasukob ni Apostol sa paghahari ng balagtasan sa kastila noong kanilang kapanahunan. Sumulat din sya ng mga tulang handog kay Rizal, ngunit ang kanyang mga pinakamagagaling na tula ay tinipon niya sa isang aklat na pinamagatang Crisalidas (Mga Higad). 12
  13. 13. Jesus Batikuling Balmori -naging kalaban ni Manuel Bernabe sa balagtasan sa Kastila sa paksang El Recuerdo Y El Olvido. Nahirang syang poeta laureado dahil sa tinalo niya sa labanang ito si Bernabe. 13
  14. 14. Manuel Bernabe -isang makatang liriko at ang sigla ng kaniyang damdaming makabayan ay hindi nagbabago sa alin mang paksang kaniyang sinusulat. Sa pakikipagbalagtasan niya kay Balmori, higit siyang naging kaakit-akit sa madla dahil sa melodiya ng kaniyang pananalita. Ipinagtanggol niya ang Olvido na nangangahulugang limot. Narito ang taludtod na kanyang binigkas: Gumugunita! Kaawa-awang kaluluwang may gunita! Ang pagkadurog na dinanas ng tagimpan Ang gunita ay halimaw na sumila Sa kaawa-awang puso. 14
  15. 15. Claro M Recto -isang siyang matayog at dakila sa pananalita at pamamakas sa panitikang Kastila. Tinipon nya ang kanyang mga tula sa aklat na pinamagatang Bajo los Cocoteros (Sa Ilalim ng Niyugan). Narito naman ang ilang bahagi ng kanyang isinulat para kay Rizal na pinamagatang Ante El Martir Tagalog na manunubos! Ang banal na isip Na ipinunla mo sa kaluluwang Pilipino Ay matipuno nang pananim ngayon Na ninibol sa bawat dibdib at lumalaki Pinamumulaklakan ng mga simulaing makabayan. 15
  16. 16. Mga Iba pang Manunulat sa Wikang Kastila Isidro Marpori -napatanyag siya dahil sa kanyang apat na aklat na pinamagatang Aromas de Ensueno 16
  17. 17. Adelina Gurrea - kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila. Nagkamit siya ng gantimpalang Premyo Zobel sa kaniya tulang El Nido 17
  18. 18. Macario Adriatico -sumulat ng magandang alamat ng Mindoro na pinamagatang niyang La Punta de Salto Ang Pook na Pamulaan 18
  19. 19. Epifanio De Los Santos nakilala sa tawag na Don Panyong. Ipinapalagay siyang magaling na mamumuno, at mananalambuhay sa buong panitikang Kastila. 19
  20. 20. Pedro Aunario sumulat ng Decalogo Del Protocionism o. 20
  21. 21. Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar at ang Urbana at Felisa ni Modesto De Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog. 21
  22. 22. Panitikan sa Tagalog Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar at ang Urbana at Felisa ni Modesto De Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog. 22
  23. 23. Tatlong URI NG MAKATANG TAGALOG ayon kay Julian Cruz Balmaceda A. Makata ng Puso C. Makata ng Dulaan Lope K Santos Aurelio Tolentino Inigo Ed. Regalado Patricio Mariano Carlos Gatmaitan Severino Reyes Pedro Gatmaitan Tomas Remegio Jose Corazon De Jesus Cirio H Panganiban Nemecio Carabana Mar Antonio B. Makata ng Buhay Lope K Santos Jose Corazon De Jesus Florentino Collantes Patricio Mariano Carlos Gatmaitan Amado V Hernandez 23
  24. 24. Sa panunulat naman ng mga maiikling katha na magpasimulang lumabas sa mga pampitak ng PANANDALIANG LIBANGAN at DAGLI, nahanay rito ang mga pangalan nina Lope K. Santos, Patricio Mariano, Rosauro Almario, Teodor Gener, Cirio H. Panganiban, Atbp. Naging tanyag namang nobelista o mangangathambuhay sina Valeriano Hernandez Pena, Lope K Santos, Inigo Ed. Regalado, Faustino Aguilar, Atbp. 24
  25. 25. Lope Taga-Pasig K. Santos -isang nobelista, makata, mangangatha, at mambabalarila sa tatlong panahon ng panitikang Tagalog: Panahon Ng Amerikano, Hapones at Bagong Panahon. Kung si Manuel L. Quezon ang Ama Ng Wikang Pambansa, si Santos naman ang Apo ng mga Mananagalog. Ang Banaag at Sikat ang siyang pinalalagay niyang pinaka-obra maestra. Ang tulang Pagtatapat ang malimit niyang bigkasin sa tuwing hihingan ng tula. 25
  26. 26. Mga Akda: Banaag at Sikat Alas ng kapalaran Ang Selosa Ang Pangginggera Puso at Diwa Mga Hamak na Dakila Sino ka.Akoy Si. Pagtatapat Sa Harap ng Libingan Kadaki-dakilaang Asal 26
  27. 27. Jose Corazon Huseng Batute De Jesus -tinaguriang Makata ng Pag-ibig noong kanyang kapanahunan. Ang Isang Punong Kahoy na tulang elehiya ang kanyang pinaka-obra maestra. -Mga Akda: - Mga Dahong Ginto - Sa Dakong Silangan - Itinapon ng Kapalaran - Ilaw sa Kapitbahay -Ang Pamana - Ang Pagbabalik - Isang Punongkahoy - Ang Bato - Halamanan ng Diyos -Maruming basahan 27
  28. 28. Florentino Kuntil Butil Collantes -isa ring batikang duplero tulad ni Batute. Siya ang unang makatang tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang pampolitika sa panahon ng mga Amerikano. Ang kanyang obra maestra ay ang Lumang Simbahan 28
  29. 29. Amado Makata Ng Mga Manggagawa V. Hernandez sa kanyang mga tula masasalamin natin ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Para sa kanya, ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim, aliw-iw. Ang panitik ay makapangyarihan at ayon sakanya pati hari ay mapapayuko ng panitik. Marami siyang akdang naihandog tulad nang: Isang Dipang Langit, Mga Ibong Mandaragit, Luha Ng Buwaya, Baying Malaya, Ang Panday, Munting Lupa, Atbp. Ngunit ang pinakaobra mestra niya ay ang tulang Ang Panday 29
  30. 30. ANG PANDAY Kaputol na bakal na galing sa bundok. Ang lumang araro'y pinagbagang muli sa dila ng apoy kanyang pinalambot; atsaka pinanday nang nagdudumali sa isang pandaya'y matyagang pinukpok naging tabak namang tila humihingi, at pinagkahugis sa nasa ng loob. ng paghihiganti ng lahing sinawi! Walang ano-ano'y naging kagamitan, Kaputol na bakal na kislap ma'y wala araro na pala ang bakal na iyan; ang kahalagahan ay di matingkala Ang mga bukiri'y payapang binungkal, ginawang araro: pangbuhay ng madla nang magtaniman na'y masayang tinamnan. ginawang sandata: pananggol ng bansa! Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, at ang boong bayan ay bulkang sumubo, bakal na hindi man makapagmalaki; tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo subali't sa kanyang kamay na marumi pagka't may laban nang nag-aalimpuyo! ay naryan ang buhay at pagsasarili! 30
  31. 31. Valeriano Kintin Kulirat Hernandez Pea -kilala siya sa tawag na Tandang Anong at ang kanyang pinaka-obra ay ang Nena at Neneng. 31
  32. 32. Inigo Ed. Odalager Regalado -anak siya ng isang tanyag na manunulat noong panahon ng Kastila. Pinatunayan niya na hindi lamang siya nanalunton sa dinaanan ng kanyang ama, kundi nakaabot pa sya sa karurukan ng tagumpay o sumpong sa panitik. Naging tanyag din siyang kuwentista, nobelista, at peryodista. Ang kalipunan ng kaniyang tula ay pinamagatang Damdamin 32
  33. 33. Ang Dulang Tagalog Sa pagpasok ng panahon ng mga Amerikano, sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan ay nagsimula ng kilusan laban sa moro-moro at nagpilit na magpakilala sa mga tao ng mga lalong kapakinabangang matatamo sa zarzuela at tahasang dula. 33
  34. 34. Severino Reyes -Ama ng Dulang Tagalog at Ama ng Sarswelang Tagalog. - unang patnugot ng lingguhang Liwayway kayat tinawag din ng ibang manunulat ng Ama ng Liwayway. - dahil sa kanyang mga akdang Mga Kwento ni Lola Basyang ay tinawag siyang lola Basyang. -Akda: -Walang Sugat - Puso ng isang Pilipina - Ang Kalupi - Bagong Fausto - Cablegrama Fatal - Alma Filipina - Los Martires dela Patria - Tatlong Babae -Filipinas para los Filipinos - Mga Pusong Dakila - Mga pusong Dakila - Minda Mora - Opera Italiana - Filotea 34
  35. 35. Video Footage ng WALANG SUGAT by Tanghalang Ateneo 35
  36. 36. Aurelio Tolentino - ang ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapangpangan. Kabilang sa kanyang sinulat ay ang Luhang Tagalog na tinagurian niyang obra-maestra at ang Kahapon, Ngayon At Bukas na siya niyang kinabilanggo. 36
  37. 37. Hermogenes Ama ng Zarsuelang Tagalog Ilagan nagtayo ng isang samahang Compana Ilagan na nagtatanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon. -Kilala sa tawag na Ka Mohing -Mga Akda: - Dalagang Bukid - Dalawang Hangal - Biyaya ng Pag-ibig - Ilaw ng Katotohanan - Kagalingan ng Bayan - Punyal de Rosas - Wagas na Pag-ibig - Ang Mangkukulam - Ang Buhay nga Naman 37
  38. 38. Patricio Mariano -Tinawag siya ni G. Artigas y Cuerva na anak ng pahayagang Tagalog - tinawag din syang puno ng mandudulang Tagalog -Mga Akda: - Ang Sampaguita -Tulisan -Luhat Dugo -Silanganan -Ang Unang Binhi - Ang pakakak -Akoy Iyo pa rin - Ang Dalawang Pag-ibig - Deni -Lakambini -Nena at Neneng - Ang Anak ng Dagat 38
  39. 39. Julian Cruz Balmaceda sumulat ng Bunganga Ng Pating. Ito ang nagbigay sakanya ng karangalan at kabantugan. - Sagisag Itang Badbarin Mga Akda: - Sugatang Puso - Piso ni Anita - Sa Bunganga ng Pating - Higanti ng Patay - Dahil sa Anak - Sankwalatang Abaka - Heneral Gregorio del Pilar - Kayamanang lumilipad - Budhi ng Manggagawa - Kaaway na Lihim 39
  40. 40. Ang Nobelang Tagalog Maganda rin ang naging kalagayan ng nobelang tagalog nang panahon ng Amerikano. Bukod kina Lope K. Santos. Valeriano Hernandez Pena, naging dakila rin namang nobelista sina Faustino Aguilar at Inigo Ed.Regalado. 40
  41. 41. Ang Maikling Kwentong Tagalog Dalawang aklat na kalipunan ng mga kwento ang napalathala noong panahon ng mga Amerikano. Unay ang Mga Kwetong Ginto na napalathala noong 1936, at ang ikalaway ang 50 Kuwentong Ginto Ng 50 Batikang Kuwentista noong 1939. Ang una ay inakda nina Alejandro Abadilla at Clodualdo Del Mundo na naglalaman ng 25 ng pinakamabuting kuwento, ayon sa kanila. At ang ikalawang ay kay Pedrito Reyes. Ang Parolang Ginto ni Del Mundo at ang Talaang Bughaw ni Abanilla ay nagpatanyag din nang panahong ito. 41
  42. 42. Ang Tulang Tagalog Lahat halos ng mga manunulat natin sa tagalog nang panahon ng Amerikano ay nakalikha ng magagandang tula na sadyang napakahirap tarukin kung alin ang pinakamaganda. Palibhasa na kahit na sintanda na ng kasaysayan ang pitak panulaan, sa tuwing itoy lilitaw ay nagpapakita parin ito ng katamisan, kagandahan at kalamyuan. 42
  43. 43. Panitikang Ilokano Pedro Bukaneg -Ama Ng Panitikang Iloko sa pangalan niya hinango ang salitang bukanegan na nangangahulugan sa tagalog ng balagtasan. 43
  44. 44. Claro Caluya Prinsipe ng mga Makatang Ilukano kilala siya sa pagiging makata at nobelista. 44
  45. 45. Leon Pichay Pinakamabuting Bukanegero isa rin syang makata, nobelista, kuwentista, mandudula, at manananaysay. 45
  46. 46. Panitikang Kapampangan Juan Crisostomo Soto Ama ng Panitikang Kampangpangan ang salitang Crisotan na nangangahulugan ng balagtasan sa tagalog ay hinango sa kanyang pangalan. 46
  47. 47. Aurelio Tolentino -ang may-akda ng Kahapon, Ngayon At Bukas, na ginawan nya ng salin sa kapampangan na pinamagatang Napon, Ngeni At Bukas. -Unang gumamit ng salitang dula upang irumbas sa drama. Isang salitang Bisaya ang dula - Mga Akda: - Kahapon, Ngayon at Bukas - Luhang Tagalog - Germinal - Bagong Kristo - La Rosa - manood Kayo - Sinukuan at Sinumpaan - Lagrimas - Neneng - Filipinas at Espanya 47
  48. 48. Panitikang Bisaya Eriberto Gumban Ama Ng Panitikang Bisaya nakasulat siay ng zarsuela, moro- moro at mga dula sa Bisaya. 48
  49. 49. Magdalena Jalandoni nag-ukol naman sa panahon sa nobelang bisaya. Isinulat niya Ang Mga Tunuk San Isa Ca Bulaclac. 49
  50. 50. PANITIKANG FILIPINO SA INGLES Noong 1900, sinimulang ituro sa mga paaralang Filipino ang asignaturang Ingles. Mula sa taong ito hanggang 1903 ay maraming naisulat na mahahalagang sanaysay, maikling kwento, at mga tula. Ang ilan sa mga sanaysay ay madaling unawain dahil pawing mga katatawanan subalit ang iba namay nauukol sa mga paksang pormal tulad ng tungkol sa edukasyon, kasaysayan, pulitika at mga suliraning panlipunan. Kadalasan tungkol sa pag-ibig ang mga paksa at pangyayari ay pawing mga ginaya lamang. Sa larangan naman ng tula, pinunang pawing mga mukhang artipisyal ang gayon sa paglalarawan ng mga makatang Amerikano. Sa madaling salita, walang orihinalidad ang mga akdang pampanitikang naisulat noong panahon ng Amerikano. 50
  51. 51. Jose Garcia Villa -Doveglion pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles sa larangan ng maikling katha. 51
  52. 52. Jorge Bocobo isang mananaysay at mananalumpati. Ilan sa kaniyang mga sinulat ay ang Filipino Contact With American, A Vision Of Beauty at College Education. 52
  53. 53. Zoilo Galang - sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang A Child Of Sorrow. 53
  54. 54. Angela Manalang Gloria umakda ng April Morning nakilala siya pagsulat ng mga tulang liriko sa panahon ng Komonwealth. 54
  55. 55. Zulueta De Costa - nagkamit ng unang gantimpala sa kaniyang tulang Like The Molave sa Commonwealth Literary Contest noong 1940. 55
  56. 56. Nestor Vicente Madali Gonzales may-akda ng My Islands at Children of the Ash Covered Loom. Ang huli ay isinalin sa ibat- ibang wika sa India. 56
  57. 57. Estrella Alfon - ipinalalagay ng pinakapangunahing manunulat na babae sa ingles bago magkadigma. Siya ang sumulat ng Magnificence at Gray Confetti. 57
  58. 58. Arturo Rotor may-akda ng The Wound and the Scar na siyang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Philippine Book Guild. 58
  59. 59. 59
  60. 60. PANAHON NG HAPON 60
  61. 61. Kaligirang Kasaysayan Ang panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941-1945 ay nabalam sa kaniyang tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muling sakupin ng isa na namang dayuhan mapaniil - ang mga Hapones. Natigil ang panitikang Ingles. Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga Hapones. Naging maganda naman ang bunga nito sa panitikang Tagalog. Patuloy na umunlad ito sapagkat ang mga dating sumulat, sa Ingles ay bumaling sa pagsulat ng Tagalog. Si Juan Laya na dating manunulat sa Ingles ay nabalng sa pagsulat ng Tagalog, dahil sa mahigpit na pagbabawal ng pamahalaang hapon tungkol sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles. Ang lingguhang liwayway ay nilalagay ng mga Hapones sa mahigpit na pagmamatyag hanggang sa ipabahala ito sa isang Hapong nangangalang Ishikawa. Sa madaling salita, nabigyan ng puwang ang panitikang tagalog ng panahong ito. Marami ang mga nagsisulat ng dula, tula, maikling kwento, at iba pa. ang mga paksain ay pawang natutungkol sa buhay lalawigan. 61
  62. 62. Ang pangunahing paksa sa panahon ng mga Hapones ay tungkol sa bayan o pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay lalawigan o nayon, pananampalataya, at sining. Mga Uri ng Tula 1. Haiku- isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan ng mga Hapones. Itoy binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod nito ay may limang pantig, ang pangalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlo ay may limang pantig ang una. Maikli lamang ang haiku ngunit nagtataglay ng masaklaw at matalinghagang kahulugan. 2. Tanaga- tulad ng haiku, itoy maikli ngunit may sukat at tugma. Ang bawat taludtod ay may pitong pantig. Nagtataglay din ng mga matatalinhagang kahulugan 3. Karaniwang anyo 62
  63. 63. Tutubi ni Gonzalo K Flores Hila moy tabak Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo 63
  64. 64. PALAY ni Ildefonso Santos Palay siyang matino Nang humangiy yumuko Ngunit muling tumayo Nagkabunga ng ginto. 64
  65. 65. PAG-IBIG ni Teodoro Gener Umiibig ako at ang inibig Ay hindi dilag na kaakit-akit Pagkat kung talagang gandalang ang nais Hindi ba nariyan ang nunungong langit? Lumiliyag ako at ang nililiyag Ay hindi ang yamang pagkariliag-rilag Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad Di bat masisisid ang pusod ng dagat? Umiibig ako at sumusintang tunay Di sa gandat sa gintong ni yaman Akoy umiibig sapagkat may buhay Na di nagtitikim ng kaligayahan. Ang kaligayahan ay wala sa langit Wala rin sa dagat ng hiwang tubig Ang kaligayahay nasa iyong dibdib Na inaawitan ng aking pag-ibig. 65
  66. 66. Nagkaroon ng puwang ang dulang Tagalog sa panahon ng Hapones dahil napinid ang mga sinehang nagpapalabas ng mga pelikulang Amerikano. Ang mga malalaking sinehan ay ginawa lamang tanghalan ng mga dula. Karamihan sa mga dulang pinalabas ay salin sa Tagalog mula sa Ingles. Ang mga nagsipagsalin ay sina Francisco Rodrigo, Alberto Cacnio, At Narciso Pimentel. Sila rin ang nagtatag ng isang samahan ng mga mandudulang Pilipino na pinangalanang Dramatic Philippines. Ilan sa mga naisulat na dula ay ang mga sumusunod: Panday Pira ni Jose Ma. Hernandez Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc. Rodrigo Bulaga ni Clodualdo Del Mundo Sino Ba Kayo?, Dahil Sa Anak at Higanti Ng Patay ni Julian Cruz Balmaceda 66
  67. 67. Naging maunlad ang larangan ng maikling kwento noong panahon ng Hapones.Maraming mga nagsisulat ng maikling kwento. Kabilang dito sina Brigido Batungbakal, Macario Pineda, Serafin Guinigundo, Liwayway Arceo, Narciso Ramos, Nvm Gonzales, Alicia Lopez Lim, Ligay Perez, Gloria Guzman, atbp. Ang pinakamahusay na akda ng taong 1945 ay pinili ng lupon ng mga inampalan na binubuo nina Francisco Icasiano, Jose Esperanza Cruz, Antonio Rosales, Clodualdo Del Mundo, at Teodor Santos. At ang 25 maikling kwentong pinili ay pinasuri naman kina Lope K. Santos, Julian Cruz Balceda, at Inigo Ed. Regalado. ang kinawakasan ng pagsusuri ay nagsasabing ang mga sumusunod ang nagkamit ng unang tatlong gantimpala: Unang Gantimpala: Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes Ikalawang Gantimpala: Uhaw Ang Tigang Na Lupa ni Liwayway Arceo Ikatlong Gantimpala: Lunsod Nayon At Dagat-Dagatan ni NVM Gonzales 67
  68. 68. Panitikang Filipino sa wikang Ingles Kung baga sa langit, naging makulimlim ang panitikang Filipino sa wikang Ingles noong panahon ng Hapon dahil sa mga mahigpit na pagbabawal ng mga hapones ng pagsulat at pagtatanghal ng akda sa Ingles. Ilan lamang ang naglakas loob sumulat nito at kabilang sa mga nagsipagsulat ay sina Salvador Lopez, Francisco Icasiano, Federico Mangahas, Manuel Aguilla, Carlos P. Romulo, At Carlos Bulosan. 68