Transcript
Page 1: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

ADAMSON UNIVERSITY

COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTATION

MANAGEMENT AND MARKETING DEPARTMENT

ANG PAGSUSURISA PANITIKANG PILIPINO

sa Panahon ng Kontemporaryo

Ipinasa nina:

Castro, Jillienne DL.Clara, Roilo

Dacillo, Al Vincent M.Domingo, Dennimar O.

Hernandez, Jillian Ayn Sophia P.Macasaquit, Ryan D.Panser, John Stevhen

Querimit, Coleen Janine SG.Quiroz, Justin

Santiago, Camille Apple C.Suba, Risaflor A.

Ipinasa kay:

Professor Violeta Dulatre

Page 2: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Nilalaman

I. Panimula

II. Talalambuhay ng Manunulat Aniceto F. Silvestre Rogelio Sikat Genoveva E. Matute Amado V. Hernandez Lualhati Bautista Alejandro G. Abadilla Lamberto E. Antonio Patrocinio V. Villafuerte Robert Ong Efren Abueg

III. Mga Akda at Pagsusuri Tuluyan

Ang Ibong Mandaragit (Castro, Jillienne DL.) Bangkang Papel (Clara, Roilo) Sa Lupa ng Sariling Bayan (Dacillo, Al Vincent M.) Impeng Negro (Domingo, Dennimar O.) Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

(Hernandez, Jillian Ayn Sophia P.) Luha ng Buwaya (Macasaquit, Ryan D.) Sa Bagong Paraiso (Panser, John Stevhen) Ang Kwento ni Mabuti (Querimit, Coleen Janine SG.) Batik ng Buwan (Quiroz, Justin) Tata Selo (Santiago, Camille Apple C.) Gapo (Suba, Risaflor A.)

Patula Patnubay (Castro, Jillienne DL.) Kalayaan (Clara, Roilo) Manipesto ng Isang Dayo (Dacillo, Al Vincent M.) Ang Pagbabalik (Domingo, Dennimar O.) Ang Panday (Hernandez, Jillian Ayn Sophia P.) Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan

(Macasaquit, Ryan D.) Isang Dipang Langit (Panser, John Stevhen) Ako ang Daigdig (Querimit, Coleen Janine SG.) Pamana ng Lahi (Quiroz, Justin) Bagong Taon (Santiago, Camille Apple C.) Lilik at Pluma (Suba, Risaflor A.)

Panimula

Page 3: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Sa panahon ng kontemporaryo, ang mga manunulat na sina Rogelio Sicat, Rogelio

Ordones, Efren Abueg, Virgilio Almario, Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho,

Clemente Bautista, at iba pa ay naglantad ng mga totoong pangyayari upang mapayani ang realismo.

Inilarawan sa kanilang mga akda ang mga pangit at magandang nangyayari sa lipunan.

Buong tapang nilang inilantad ang mga kabulukan ng pulitika, ang pamahalaan, ang

paghihirap ng mga mamamayang biktima ng karahasan at kahirapan, ang pagtaas at pagbaba ng krimen,

prostitusyon at eksploytasyong ng mga kabataan. Nagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalathala ng

mga akdang likha ng ating manunulat, lalo't higit pa iyong mga nagsisimula pa lamang sa larangang ito

ng pagsulat. Maging ang mga komiks magasin ay nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang porma at

nilalaman at umayon sa hinihingi ng mga simulain ng Bagong Republika. Nagpatuloy ang pagpapayaman

sa ating wika lalong higit nang ipalabas ng Pangulong Aquino ang Executive Order No. 335 noong

Setyembre 1988. Ito ay nag-uutos sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at iba pang sektor sa lipunan na

payamanin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng tahasang paggamit nito sa mga liham na

korespondensiya, memorandum, mga pulong at maging sa sesyon ng Senado at Kongreso. Ito ay ibinatay

ng pangulo ayon sa isinasaad ng Bagong Saligang Batas na niratipika ng mga PIlipino noong 1987.

Samantala, ang Carlos Palanca Memorial Awards ay nagpatuloy sa pagkilala sa mga manunulat ng ating

bayan sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng mga gawad taun-taon. Gayundin ang ginagawa ng

Cultural Center of the Philippines at mga iba pang nananatiling patron ng panitikang Pilipino. Maging sa

mga paaralan, mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo ay nagkaroon ng sigla ang larangan ng

panitikan sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga literary contest. Sa ganitong paraan maraming mga

kabataang may potensiyal ang natutuklasan na susunod sa mga yapak ng ating magigiting at masisining

na alagad ng sining ng panitikan.

Page 4: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Talalambuhay ng Manunulat

Aniceto F. Silvestre

Si Aniceto F. Silvestre ay ipinanganak sa San Mateo, (na sa ngayo'y Lalawigan ng

Rizal) noong Abril 17, 1898.

Bagama't di nagkaroon ng pormal na pag-aaral sa pagsusulat, siya ay

nakapagsulat at nakapag-ambag sa panitikang Pilipino ng magagandang tula, maikling kuwento,

nobela at sanaysay.

Ang kanyang mga tula na natipon sa katipunang Kalikasan ay pinagpangkat-

pangkat sa walo: Malaya, Maalindog, Larawan ng Buhay, Pintig ng Pag-ibig, Tatag ng

Pananalig, Tanda ng Pag-asa, Bukas sa Landas ng Kadakilaan at Dugo sa Ningning ng Araw.

Ang mga karangalang nakamit ni Aniceto F. Silvestre sa pagsusulat ng tula ay

apat na Unang Gantimpala (bago magkaroon ng digmaan); isang Ikatlong Gantimpala (panahon

ng Komonwelt na pamahalaan); isang Unang Gantimpala (ika-10 taon ng Republika ng

Pilipinas); at isang Unang Gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong 1969.

Page 5: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Rogelio Sikat

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang

Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao

Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva

Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na

may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA

sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay

tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong

1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway,

isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga

kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia

Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik

sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na

isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok

na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang

nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus

Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998,

bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng

isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

Page 6: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Genoveva Edroza-Matute

Si Genoveva Edroza-Matute ay isang premyado at kilalang manunulat. Siya ay

nagtapos sa University of Santo Tomas kung saan din siya nagkamit ng Ph. D. Nagturo siya ng

46 na taon sa mga paaralang bayan at nagretiro bilang dekana ng pagtuturo sa Pamantasang

Normal ng Pilipinas. 

Sa karera niya bilang manunulat, nakatanggap siya ng maraming parangal  mula

sa Palanca, PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo Tomas College of

Education at marami pang iba. Natamo niya ang unang Gawad Palanca para sa Maikling

Kuwento sa Filipino noong 1951, para sa kwentong Kwento ni Mabuti. Nagwagi rin ng Gawad

Palanca ang kanyang kwentong Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at

ang Parusanoong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP para sa Sining/Panitikan noong taong

1992.

Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling

Kuwento" ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University

Press at ang "Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National

Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa

panitikang Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Page 7: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Amado Vera Hernández

Si Amado V. Hernandez ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala

rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong

manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap

sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa

mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong

panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy, Bulacan, ngunit lumaki

sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa

Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932,

napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka

anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng

Sining si Hernandez para saPanitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at

Tugtugin.

Page 8: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang mga akda ayDekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.

Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Nakapagtapos siyang elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at sekondarya sa Torres HighSchool noong 1962. Siya ay pumasok sa Lyceum University of the Philippines sa kursong journalism ngunit nag-drop bago pa man matapos ang kanyang unang taon.

Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa kanyangmakatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng mga babaengFilipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae na may mahirap nasitwasyon sa bahay at sa trabaho. 

Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) pata sa nobelang Gapo, Dekada 70 atBata, Bata Paano ka Ginawawa?, mga nobelang naglalarawan nang kaapihan ng mga kababaihannoong panahon ni Marcos.

Dalawa sa maikling kuwento ni Bautista ay nagkamit din ng Palanca Awards ang "TalongKuwento ng Buhay ni Juan Candelabra"(unang gantimpala, 1982) at "Buwan, Buwan, Huluganmo Akong Sundang"(ikatlong gantimpala, 1983).

Hindi rin matatawaran ang kanyang husay sa pagiging script writer. Ang kanyang unangscreenplay ay ang Sakada, 1976 na nagpapakita ng kalagayan ng mga magtutubo. Ang kanyangikalawang pelikula ay ang "Kung Mahawi Mang ang Ulap" noong 1984 na nominado sa FilmAcademy. Ginawa rin niya ang Bulaklak ng City Jail base sa kanyang nobela tungkol sa mgakababaihang nakulong. Nahakot nito halos lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro ManilaFilm Festival.

Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center noong 1986, nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno ng Kapisanan ng mgaManunulat ng Nobelang Popular.

Siya lang ang natatanging Filipino na kasama sa libro ng International Women Writers nanilimbag sa Japan.

Page 9: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Alejandro G. Abadilla

Sumilang si AGA sa Salinas, Rosario, Cavite noong 10 Marso 1906. Kahuhuli pa

lamang noon kina Heneral Macario Sakay at Col. Lucio de Vega, na siyang nagpatuloy sa

rebolusyon laban sa hukbong Amerikano pagkaraang sumuko si Aguinaldo. Patuloy pa rin ang

gerilyang pakikidigma ng mga kawal ng Republika tulad ni Felipe Salvador (nahuli at

pinarusahan noong 1910), nina Papa Isio sa Negros, at mga pulajanes sa Cebu (Constantino

1975). Pagkatapos ng haiskul sa Cavite City, nagtrabaho si AGA sa isang imprenta sa Seattle,

Washington, USA. Pinamatnugutan niya ang seksiyong Filipino sa magasing Philippine Digest.

Naging editor din siya ng Philippine-American Review at nagtayo ng Kapisanang Balagtas

upang itaguyod ang wikang Tagalog sa mga kababayan roon. Bumalik si AGA sa Pilipinas,

natapos ang BA sa pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas, at naging konsehal sa Salinas,

Cavite, hanggang 1934, bago nabuo ang Philippine Commonwealth. Bukod sa nagsilbing ahente

ng Philippine-American Life Insurance, si AGA ay kumita ng kabuhayan bilang katulong sa

pangasiwaan sa iba’t ibang pahayagan at magasin. Nakalikom siya ng maraming antolohiya ng

tula, kuwento, sanaysay, atbp., na siyang ipinagtawid sa buhay at kalusugan ng asawa’t walong

anak.

Nabanggit din sa mga tala na naging gerilya si AGA noong panahon ng

pananakop ng Hapon, at nakaranas siya ng pagmamalupit ng Hapon, kaya siya nabingi. Di

kaipala’y bayani rin ang makata sa panahon ng karahasan, kung saan ang mamamayang

tumututol sa poder ng status quo ay kabilang sa kolektibong lakas ng bansa, bagay na dapat

mapaglirip upang hindi manatili ang maling pasiya na ang indibidwalismo ng makata ay walang

kaugnayan sa kalagayang panlipunan. Sinapantahang iyon ay pansariling udyok o hilig na hindi

maipapaliwanag sa paraan ng agham-panlipunan o agham-pampulitika. Kung hindi, paano

maiintidihan ang programang “sining-para-sa sining” nina Oscar Wilde, Walter Pater at

Theophile Gautier kung hindi ipapasok ang argumento na iyon ay reaksiyon nila sa

utilitaryanismo at moralistikong puritan na laganap sa kapaligiran? Kailangan ang konteksto,

lumulukob na balangkas, at pagkakaugnay-ugnay ng bawat sangkap at bahagi sa totalidad/larang

(“field,” ayon kay Bourdieu [1993]) ng diskursong tinatalakay upang magkaunawaan at

magkapagpalagayan.

Page 10: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Lamberto E. Antonio

Si Lamberto Antonio ay ipinanganak sa Cabiao, Nueva Ecija noong ika-9 ng

Nobyembre, taong 1946. Ang manunulat na ito ay ang panganay na anak nina Felipe Antonio at

Salud Esmeralda. Si Lamberto ay mas kilala sa palayaw na “LABING” na itinatawag sakanya ng

kanyang mga walong kapatid.

Siya ay isang makata, manunulat ng panitikan at scriptwriter ng pelikula.

Nagtapos siya ng BA Political Science sa University of the East noong 1969 . Siya ang naging

editor-in-chief ng Dawn, ang opisyal na pahayagan ng UE at pangulo ng KADIPAN. Editor siya

ng Aklat Adarna proyekto ng Children's Communication Center.

Karamihan ng tula ni Antonio ay tungkol sa mga mahihirap at mga naaaping

magsasaka na kanyang nakilala noong kabataan niya. Lagi niyang tinatalakay ang mga isyung

panlipunan sa kanyang mga gawain. Ang kanyang mga tula ay pinagsama-sama sa

Dalawampung Tula, 1971: Hagkis ng Talahib, 1980 at Pagsalubong sa Habagat, 1986. Ilan din sa

kanyang mga tula ay isinama sa mga antolohiyang tulad ng Manlilikha, Talaang Ginto sa tula,

Parnasong Tagalog at New Poems sa Pilipino. Ang kanyang mga sanysay at maikling kuwento

ay pinagsam-sama sa Rebanse, taong 1991. Kasama siya sa sumulat ng Insiang, noong 1970. Ito

ang unang pelikulang Pilipino na inimbitahan sa Cannes Film Festival. Siya din ang manunulat

na nanalo sa Palanca Awards ng sampung beses.

Page 11: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Patrocinio V. Villafuerte

Nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may

sertipikong gradwado, Masterado sa Sining ng Pagtuturo sa Philippine Normal College si

Villafuerte. Siya rin ay may titulong Masterado sa Sining sa Filipino, Gawad Merito, na

kaniyang natamo mula sa Manuel Luis Quezon University. Si Villafuerte ay guro ng Filipino sa

lahat ng antas—elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Siya rin ay manunulat na may 145 aklat,

na ang karamihan ay teksbuk at sangguniang aklat, sa Filipino. Isang manunulat, makata,

komposer, aktor,lider, guro.

Kasalukuyan Associate Professor III sa Phil. Normal University. Naging pangulo

ng Pambansang Kapisanan ng Propesor sa Filipino, Pambansang Samahan ng mga Edukador sa

Pilipinas.Naging Board of Director ng BUKLOD ng mga manunulat sa Pilipinas at ingat Yaman

ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino.

Pangunahing aktor sa dulang Pamana ng Lahi, Pamanhikan, Kintin, Aidao, May

isang Almat at sa ngalan ng amA. Kompositor ng Himno ng San mATeo at Sustagen Jingle.

Apat na ulit nang Nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at

apat na beses din naging hurado sa pagsulat ng maikling kwento, at pitong ulit ginwaran ng

Gawad Surian.

Nakapgsulat ng 136 na aklat sa lahat ng antas bilang awtor at ko-awtor, mahigit na 150 tula, sanaysay at maikling kwento na naipalathala sa mga aklat,pahayagan at magasin. sumulat din siya ng dulng "Sa Mahal kong bayan" na naitanghal sa iba't ibang rehiiyon ng Pilipinas at sa U.S.A.

Page 12: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Robert Ong

Bob Ong o Roberto Ong, ay ang sagisag panulat ng isang contemporaryong Pilipinong

manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at

sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino.

Mula sa isang kritiko :

" Biling-bili ng mga Pinoy ang mga akda ni Bob Ong dahil may halo mang pagpapatawa

ang karamihan sa kanyang mga libro, ito ay prinisinta sa paraang nagrereplika pa rin ng

kultura at gawing Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung kaya't ang kanyang mga naunang

inilathalang libro - pati ang mga susunod pa, ay matuturing na ring totoong Pinoy classics."

Ang anim na aklat na kanyang inilathala ay may mahigit sa isa-ika-apat na milyong

kopya sa kasalukuyan.

Madalas akalain na si Bob Ong at ang Filipino-Chinese na manunulat na si Charlson Ong

ay iisa. Subalit, ayon sa nabanggit ni Bob Ong sa kanyang aklat na Stainless Longganisa, siya ay

hindi talaga Filipino-Chinese. At hindi rin nya totoong apelyido ang "Ong." Ang apelyidong

"Ong" ay nangmula lamang sa pangalan ng kanyang website na BobOng Pinoy. Inakala din noon

na ang manunulat na si Paolo Manalo ay si Bob Ong, ngunit itinanggi niya ito. Ang mga aklat ni

Bob Ong ay kadalasang nakakatawa kaya ang mga ito ay nakakaaliw at paboritong libangan ng

mga mambabasa.

Isa pang haka-haka ang nagsasabi na ang tagatanggap ng parangal na Carlos Palanca

Memorial para sa Panitikan na si Eros S. Atalia, nagtapos sa Philippine Normal University at

ngayon ay nagtuturo sa University of Santo Tomas, ay si Bob Ong. Siya ay naglathala din ng

dalawang aklat na may pamagat na "Peksman, Mamatay ka Man Nagsisinungaling Ako" at

"Lapit na me, Ligo na u". Ang paraan ng pagsusulat ni Atalia ay maihahantulad sa paraan ng

pagsusulat ni Bob Ong.

Page 13: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Efren Abueg

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay,

at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang

kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang

gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at

1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro

G. Abadilla (1973).

Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards

for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang

gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969);

Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat

sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).

Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit

hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya,

sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa

mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.

Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng

wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), Philippine College of

Commerce(1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila

University (1977–1978), at De La Salle University (1979–2006). Naging pangulo siya ng

Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–1988; Linangan ng Literatura ng

Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society.

Page 14: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Mga Akda at Pagsusuri

Tuluyan at Patula

(Castro, Jillienne DL.)

Ang mga Ibong MandaragitAmado V. Hernandez

Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa

Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya.

Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa

panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.

Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo

at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy

upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si

Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si

Mando Plaridel.

Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan

niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at

dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan

sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa

karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang

si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay

tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.

Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don

Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang

ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si

Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.

Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang

handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente.

Page 15: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na

ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na

laban sa administrasyon ang Kampilan.Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang

katiwala ni DonSegundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang

ipinalit ng Don kay Tata Pastor. Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda.

Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong

at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka

at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at

ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at

nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan.

Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.

Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa

Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong

kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak.

Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.

Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga

pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni

Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa

siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin

iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.

Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni

Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni

Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa

maipabilanggo niya si Don Segundo.

Page 16: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUAN

Hinanap at natagpuan ni Mando – mula sa karagatan sa may Atimonan -

ang kayaman ni Simoun sa tulong ng mapang ipinagkaloob ni Tata Matyas. Ngunit, sa

kabila ng kabutihang palad na ito, namatay sina Karyo at Martin. Sinalakay si Karyo ng

isang pating, samantalang si Martin naman – dahil sa pagkanais na masarili ang

natuklasang kayaman - ay namatay sa pamamagitan ng mga kamao ni Mando.

Nang matapos ang digmaan ay nagbalik nga ang kapayapaan, ngunit

nagbalik din ang mga dating pamamalakad ng mga mayayaman at maylupa. Kung kaya’t

hindi nawala ang paksang panlipunang iniharap sa pamahalaan, sa mga asendero at sa

mangagalakal ng mga samahan ng mga magsasaka sa bukirin at ng mga manggagawa sa

lungsod.

Nangibang-bayan si Mando upang ipagbili ang mga kayaman at nang

maging salapi, sapagkat bago siya umalis ay nagtatag siya ng isang pahayagan, ang

Kampilan. Dahil sa kaniyang paglisan mula sa Pilipinas, ipinagkatiwala niya ang

pagpapalakad ng Kampilan kay Magat, na isa ring dating kagerilyero. Tatakbo ang

imprenta sa tulong din ang iba pang dating mga naging gerilya, katulad nina Tata

Matyas, Andres, Rubio, at Dr. Sabio. Si Dr. Sabio naman, na dating guro, ay nangako

kay Mando na paiinamin ang mga bagay na itinuturo sa paaralang Freedom University

(Pamantasan ng Kalayaan), na itinatag din ni Mando, para sa ikabubuti ng kabataan.

Ang huli ay isa rin sa mga tagubilin ni Mando, bago maglakbay sa Europa at Estados

Unidos.

II. TAUHANSi Mando Plaridel

Si Mando “Andoy” Plaridel ang pangunahing tauhan sa nobelang ito. Ang

tunay na pangalan niya ay Alejandro Pamintuan. Ngunit nang sumapi siya sa kilusan ng

mga gerilyero ay ginamit niya ang pangalang Mando. Naging gerilyero si Mando nang

ipagkanulo siya sa mga Hapon ng amo niyang si Don Segundo Montero, isang

mayamang asendero at kolaborador na nakatira sa Look ng Maynila. Dating pinag-aaral

si Andoy ng mangangalakal na si Don Segundo, na ang tanging pasuweldo lamang ay

ang pantustos sa pag-aaral.

Page 17: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Si Don Segundo Montero

Bilang mayamang may-lupa at may pagpapahalaga sa pagpapanatili ng

katayuan sa lipunan – sa panahon man ng kapayapaan o digmaan – nakipagkasunduan si

Don Segundo Montero sa mga bagong mananakop na mga Hapones. Ginamit niya ang

kaniyang pananalapi, mga pag-aaring bagay, mga kamaganak at mga tauhan. Maging

ang anak niyang si Dolly ay ginamit ang kakanyahan bilang babae at ang pamukas na

“pag-ibig” sa pakikisama sa mga Hapon, at nang lumaon, sa mga opisyal na Amerikano

rin.

III. BANGHAYIsang alila si Andoy na ipinahuli ni Don Segundo Montero sa mga

Hapones sa kadahilanang isa raw itong gerilya. Sa kabundukan siya napunta at nakitulog

siya sa bahay ni Tata Matias. Si Tata Matias ang nagturo kay Andoy sa Dagat Pasipiko

na Pinagtapunan ni Padre Florentino sa kayamanan ni Simoun.

Sa tulong ng dalawang gerilya na sina Karyo at Martin, nakuha ni Ando

yang kayamanan. Sa lkasawiang palad , namatay si Karyo dahil sa kagat ng pating.

Upang masolo ni Martin ang kayamanan,tinangka niyang patayin si Andoy ngunit di

siya nagtagumpay. Nataga ni Martin si Andoy sa pisngi kaya iyon ang dahilan kung

kaya't tinago siya sa katauhang Mando Plaridel.

Nagtatag si Mando ng kampilan at ang namumuno ay ang kanyang

kaibigan si Magat (Editor ng kanyang pahayagang kampilan.) Nakabili ng bahay si

Mando at dito ay pinatira niya si Tata Matias. Walang kamalay-malay si Tata Matias na

siya si Andoy.Sa Paris,nagkita si8 Mando at Dolly Montero na anak nina Donya Julia at

Don Segundo na dati niyang mga amo. Nagkalapit sina Mando at Dolly na muntik na

itong halayin at ipinagtanggol ito si Mando. Minsan inalok ni Dolly Na dumalo si

Mando sa isang handaan at ipinakilala niya ito sa mga panauhin at isa doon ang

Presidente. Nagkaroon ng mga komentaryo ukol sa lampilan at ito raw ay laban sa

administrasyong nunit ay ipinagtanggol ni Mando,sinabi niya na ang kanyang pahayagan

ay nagsasabi lamang ng pawing katotohanan.

Sa asyendang nagkaroon ng isang pulong at kabilang dito ang mga

magsasaka.Naging tagapagsalita nila si Mando,Tata Pastor at Senador

Page 18: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Maliwanag.Nasunog ang asyenda,walang ibang pinagbintangan kundi ang mga

magsasaka na nagging tagapagsalita nila.

IV. TONOAng tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

V. PUNTO DE VISTA

Nagsimula ang unang kabanata sa paglubog ng araw sa kagubatan.

Narating ni Mando Plaridel - at ng dalawang pa niyang kasama - ang bahay-kubo ni

Tata Matyas na nasa bulubundukin ng Sierra Madre. Si Tata Matyas ay isang dating

rebolusyonaryo na nakibaka laban sa mga Kastila at Amerikano. Ang mga kasama ni

Mando ay sina Karyo at Martin, na mga kapwa gerilyero rin. Tumakas sila mula sa isang

bigong pakikipagtunggali laban sa mga sundalong Hapones na lumusob sa kampo nila sa

Sampitan. May mga tatlo o apat na buwan na ang nakaraan ng huling dumalaw si Mando

sa tirahan ni Tata Matyas. Noong huling pagbisita ni Mando kay Tata Matyas ay

nakapagpalitan sila ng mga usapin hinggil sa kanilang mga sariling suliranin, at maging

tungkol sa simulain nila sa kilusan. Napagusapan din nila ang Noli Me Tangere at El

Filibusterismo ni Jose Rizal, lalo na ang kinahinatnan ng kayamanan ni Simoun (ang

pangunahing tauhan sa El Filibusterismo) matapos na itapon ang mga ito ni Padre

Florentino (isa pang tauhan sa El Filibusterismo). Ayon kay Tata Matyas, magagamit

sana ang kayaman ni Simoun bilang panustos sa mga pangangailangan ng mga gerilya.

Naniniwala si Tata Matyas na totoo ang mga tauhan sa mga nobela ng bayaning si Jose

Rizal, sapagkat kilala ng kaniyang mag-anak ang tunay na “Padre Florentino”. Kung

bata pa lamang siyang katulad ni Mando ay sisisirin niya ang dagat para hanapin ang

nawawalang kahang-bakal ni Simoun. Naniniwala rin si Tata Matyas na ang lahat ng

mga bayani – bukod pa kina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini – ay

dapat na maging huwaran ng mga mamamayang Pilipino.

VI. PAKSA O TEMAPaksang Pangngalan Gumuguhit ng larawan ang alila  Paksang Panghalip

Tayo ay dapat magbigkis ng magpakumbaba .  Paksang Pandiwa mahusay na alila . 

Paksang Pang-uri dinadakila ang makabayan.  Paksang Pang kabundukan siya napunta

Page 19: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

at nakitulog siya sa bahay ni Tata Matias ang bahaging pinagtututan ng pansin o

pinaguusapan sa pangungusap. Ito ay maaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na

nagsisilbing pokus ng diwang isinasaad sa pandiwa. May anim uri ng paksa-

pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa at pawatas. 

VII. TEORYA/DULOGTeoryang Sosyo-Politikal 

VIII. REAKSYON/KOMENTOSa nobelang ito ay natuto ako na wag maging mapag sarili at matutong

magbigay sa ibang tao.

Page 20: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

PatnubayAniceto F. Silvestre

Makapal na ulap:mataas na bundok ang nakakatulad,di mapaglagusan ng dating liwanag.

Matang naghahanap,ang animo’y bulag:

guniguni lamang ang nagpapaningas,at sikdo ng dibdib ang nakakausap.

Ngunit kung pasilayang kahit iisang bituin man lamang,

ang bituing yao’y nagiging patnubay.Parang inilagay

ng banal na Kamay:(O, dilag ng langit!) ang hanging amihan,

nagiging harana ng nahintakutan.Ang sa ibang dusa:

madalas mangyaring nagiging balisang nangaghahanap ng bagong ligaya.

Ngunit pag nagbata,bukas-makalawa,

nagiging patnubay ng madlang pag-asa,langit man, sa luha’y buong nakikita.

Sa hangi’y langhapinang singaw ng lupa, tubig at pananim,

at diya’y may bango sa madlang panimdim.Di dapat limutin

na patnubay natin:kahit ang anag-ag ng munting bituin,

patak man ng luha, bakas man ng lagim.Ang sinag ng tala,

bayaang patnubay ng paningi’t diwa;at ang agos namang lumuwa-sumuba,

bayaang magbadhang kahit himala

ng matatalunton ng madlang pithaya

Page 21: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULA

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Ang tugma ay pagkakapareho. Maaring pagkakapareho ng ugali o gusto.

Kung sa tula, ang tugma ay pagkakapareho ng tunog sa dulong bahagi ng

taludtod. Tulad ng lap,lad,nag,nap,lag. Sa una at ikalalawang taludtod ay mga

patinig sa ikatlo naman ay mga katinig ang ginamit ng manunulat at sa uling

taludtod ay patinig.

II. SUKATAng sukat ng tula ay tumutukoy sa bilang ng pantig (syllables) sabawat taludtod

(stanza). Ang karaniwang sukat ng isang tula ay wawaluhin at lalabindalawahin.

Ginamitan ito ng 6:12-12, 6:6:12-12. Ito ay tradisyunal na anyo ng tula. Ang cesura

nitoay pandaliang pinapahinto kapag binibigkas ang tula.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULAPara sakin ang PATNUBAY ay gabay na makatutulong sa mga pagsubok

na tatahakin lalo na sa isang paglalakbay. Sa paglalakbay ay kailangan ng gabay

na tutulong sayo upang ika'y makaligtas at mapagtagumpayan ang iyong mithiin. 

Gaya ng iyong mga magulang, sila ang ating gabay upang tayo ay makapagtapos

ng ating pag-aaral at magtagumpay sa buhay

IV. TALINGHAGAMaraming kaisipan ang taglay ng Tulang Patnubay ni Silvestre. Isa itong

maikling salaysay na bunga ng anyong na malimit nangangaral o nagpapayo

hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o

relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na

tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at

nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong

naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang

Page 22: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni

Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWAGinamit dito na halimbawa ang mga likas na yaman, tayong mga tao ay

nagbubulag-bulagan sa ating mga nakita at kinatatayuan.

VI. ALIW-IWTradisyunal ang pagbigkas nito, taglay ng tulang ito ang maindayog na

pagbigkas. Halimbawa sa Unang taludtod Makapal na ulap, dito parang gusting

sabihin ni Silvestre na tayo ay nagbubulag-bulagan.

Page 23: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Clara, Roilo)

Bangkang PapelGenoveva Edroza-Matute

Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing

nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang  papel. Isang batang lalake ang

nagising sa malakas na dagundong at nakasisilaw na liwanag subalit napagtanto niyang walang

pumapatak sa kanilang bubungan. Hinanap niya ang kanyang ama sa kanyang ina ngunit

pinatulog lamang siya nito sapagkat magpapalutang pa siya ng bangkang papel bukas..

Subalit hindi niya napalutang ang mga bangkang papel dahil paggising niya

kinabukasan ay nakita niya ang kanyang inang nakalugmok sa sahig habang hinahaplos-haplos

ang buhok ng kanyang kapatid na si Miling. Napakaraming tao sa paligid at wala ni isa man sa

kanila ang nagpaliwanag sa kanya sa nangyayari. Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang

mga residente sa ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro. Napag-alaman ng batang lalake na ang

kanyang ama ay kasama sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong- bayan.

Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng mga sundalo ang kanyang ama ngunit

hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot sa kanyang tanong dahil sa parehas nilang hinahanap

ang kasagutan.

Page 24: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANAng tagpuan ng kwentong “Bangkang Papel” ay sa bahay lang mismo ng

pamilyang nangulila dahil sa pagpanaw ng kanilang padre de pamilya kaya pala

nagtataka at nangangamba sila nung una pala kung bakit di pa ito umuuwi sa kanilang

bahay.

II. TAUHANAng mga tauhan ay ang batang lalaki na mahilig gumawa ng bangkang

papel at paanurin sa baha, ang kanyang ina na nag aalaga sa kanilang magkapatid, at ang

kapatid niya.

III. BANGHAYNapakaraming tao sa paligid at wala ni isa man sa kanila ang

nagpaliwanag sa kanya sa nangyayari. Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang mga

residente sa ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro. Napag-alaman ng batang lalake na

ang kanyang ama ay kasama sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong-

bayan. Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng mga sundalo ang kanyang

ama ngunit hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot sa kanyang tanong dahil sa parehas

nilang hinahanap ang kasagutan.

IV. PUNTO DE VISTAAng panauhan ng kwento ay ang mga ng tao na humihingi ng

KALAYAAN sa kanilang sarili at sa bayan dahil alam naman nating isa sa mga

karapatan natin ang maging Malaya ata gawin ang mga gusto natin gawin sa buhay.

V. TONOLungkot ang namumutawi sa kwentong ito dahil hindi birong mawalan ng

mahal sa buhay kahit sabihin mong wala ka pa sa tamang pag-iisip. Iba pa rin kapag

kasama mo ang pamilya mo ng buo at nakasanayan mo sa pang-araw araw na buhay mo.

Kailangan nating tiising ang sakit at lungkot dahil sa pagkawala ng ating mahal sa buhay.

Page 25: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VI. PAKSA O TEMAAng tema o gustong pakahulugan ng kwento ay hindi mo alam ang

pwedeng mangyari bawat oras na dumadaan sa buhay mo, mapa sa ibang tao man, sa

paligid o kahit sa mga bagay na di mo inaasahan.

VII. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit sa kwento ay Teoryang Bayograpikal dahil ang

manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa

kanyang paligid . Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o

impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay.Ito'y namayagpag sa Kasalukuyan.

VIII. REAKSYON/KOMENTONakakalungkot ang nangyari sa bata , sa kanyang ina at kapatid na walang

kamalay malay na kaya pala hindi pa umuuwi ang kanyang ama ay dahil napatay na ng

mga kalaban.

Page 26: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

KalayaaanPatrocinio V. Villafuerte

sa balintawak ang gumising ay isang sigaw 

bumalik ang sagot na tila alingawngaw 

KALAYAAN 

at sa bawat lugar ay mauulinig 

ang dala ng hanging may saliw na awit 

KALAYAAN 

narinig namin doon sa taniman 

narinig namain sa mangangalakal 

narinig namin hanggang doon sa karagatan 

KALAYAAN 

bawat makata awit ang nalilikha 

at ang mga titik apoy ang ibinabadya 

KALAYAAN 

narinig namin sa manggagawa ng niyugan 

narinig namin sa mangingisda ng karagatan 

naring namin sa manininda ng pondohan 

KALAYAAN 

lahat ng Tao iisa ang sigaw 

kahit ang kapalit ay kanilang buhay 

KALAYAAN 

sa puntod ng alipin at punong mga angkan 

iisa rin ang tinig na itinitighaw 

KALAYAAN 

Page 27: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

sa ituktok ng bundok hanggang sa kapatagan 

palakas ng palakas palakas ng palakas ang mapapakinggan 

KALAYAAN

Narinig naming sa magwawalis na dukha

Narinig naming sa mgahahabing maralita

Narinig naming sa panday nsa yaman ay wala

KALAYAAN

Mula sa Templo,Mula sa Pook dalangina

Ang Kris at Gulok nagtagis parang kidlat

Kasabay ang sigaw na ang Hudyat

KALAYAAN

Narinig namin sa mga hikbi,hinagpis at panaghoy

Narinig naming sa Pulong di matalunton

Narinig naming hanggang sa Dakong Paroroon

KALAYAAN

Page 28: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULATulang Liriko o Tulang Damdamin

Ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Ang tugma ng tula ay salitang pag gamit ng katanig at patinig. Sa unang

saknong ay puro katanig at sa susunod ay patinig naman salitan lamang ang

katinig at patinig sa bawat isang saknong.

II. SUKATAng tula ay may sukat na labing dalawa at labing isa.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULAAng tinutukoy ang paksa sa tula ay ang mga ng tao na humihingi ng

KALAYAAN sa kanilang sarili at sa bayan dahil alam naman nating isa sa mga

karapatan natin ang maging Malaya ata gawin ang mga gusto natin gawin sa

buhay at dahil na din ang bansa natin ay isang malayang bansa.

IV. TALINGHAGAAng tulang “Kalayaan” ay binuo ng mga salitang di gaano kalalalim kaya

madali maintindihan at makuha kung ano ang gustong ipahiwatig at iparating sa

mga makakabasa nito.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWASa tulang ito naipakita ang kagustuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng

Kalayaan sa sarili nila at sa bayang kanilang ginagalawan.

Page 29: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VI. ALIW-IWSa pagsusuring nagawa ay may indayog na ginamit sa tula. Magpapatunay

dito ay ang pag gamit ng tulang ito sa sabayang pagbigkas para ilaban sa isang

kompitisyon at iba pa.

VII. TONOAng tono sa tula ay nagpapakita ng pagpurisigi sa karapatan ng mga

Pilipino na magkaroon ng kalayaan.

VIII. PERSONAAng persona sa tula ay para sa ating mga Pilipino na gutom sa kalayaan na

hinahanap pa din ang sarili at pagkakakilanlan sa sariling bayan.

IX. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit ay Teoryang Eksistensyalismo. Ito’y dahil ang tula

ay nakatuon sa buhay ng manunulat at sa buhay ng mga taong katha lamang.

Malinaw din dito ang proseso ng pagiging at hindi pagkakaroon ng tamang

sistema ng paniniwala tulad ng relihiyon at moralidad ang dapat bigyang pansin

ng tao upang mamuhay siya ng tunay. Laban din ito sa establisimiyento, at di-

kompormista, at sa huli isang teorya ng pagiging tunay na tao sa kabila ng

masasabing impluwensya at pananakot ng relihiyon at moralidad ng bawat tao.

X. REAKSYON/KOMENTOAng tinutukoy sa tula ay ang mga ng tao na humihingi ng KALAYAAN

sa kanilang sarili at sa bayan dahil alam naman nating isa sa mga karapatan natin

ang maging Malaya ata gawin ang mga gusto natin gawin sa buhay at dahil na din

ang bansa natin ay isang malayang bansa.

Page 30: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Dacillo, Al Vincent )

Sa Lupa ng Sariling BayanRogelio R. Sicat

Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang

tiyuhin na si Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang

Amain. Kaya't siya'y nagsumikap Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya

sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang sa

makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang tanyang na abugado sa

Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City. At napangasawa niya si

Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan

ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na

nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya

pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa

isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi

naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo. 

Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang

kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman.

Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman

niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at

napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang kanyang

katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing. 

Page 31: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANSan Roque, Quezon City, San Fernando,

II. TAUHAN Layo - Atty. Pedro Enriquez

- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot

na Amain na

kapatid ng kanyang Ama.

- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.

Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo

Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio

Ising - Ang asawa ni Layo

Fe - Ang Anak ni Layo at Ising

Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag

ampon sa kanya.

Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay –ari ng isang poultry.

III. BANGHAYNaulila si Layo mula ng kanyang pagkabata at siya'y inampon ng kanyang

amain na si Tata Indo. Kinamuhan nya ito dahil sa kanyang kalupitan at nadala nya ang

pagkamuhing iyon hanggang sa kanyang paglaki. Nakapag-aral sya ng abogasya at

naging kilalang abogado sa Maynila, naging matagumpay sya at nagkaroon ng maraming

pag-aari pati sa ibang lugar. Nilapitan si Layo ng kumpare ni Tiyo Julio para

magpatulong sa isang kaso sa manahan at simula nun ay nagkikita na sila. Naging

malapit sila Tiyo Julio at Layo sa isa't-isa; sya na lamang ang taga-San Roque na

tinuturing na kadugo ni Layo, kasama ang kanyang anak na si Ben. Nang malaman

nilang may kanser si Layo, madalas syang dinadalaw nila Tiyo Julio at Ben. Binilin ni

Layo sa kanyang asawa na si Ising na sa Maynila nya gustong mailibing, pero sa San

Roque (kung saan sya nagmula) sya inilibing nang sya ay pumanaw na.

IV. PUNTO DE VISTASa bawat takbo at yugto ng buhay ay ikaw ang gumagawa. Kaya't marapat

lamang itong pagbutihin at dapat ay maging handa sa lahat ng pagsubok na haharapin.

Page 32: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

V. TONODamdamin ng katapatan at pagmamahal sa sariling bayan at pagmamalki

sa kultura at kasaysayan nito.

VI. PAKSA O TEMAPagtanaw sa Pinanggalingan- Kahit gaano kalayo pa ang iyong marating, sa bandang

huli ay babalik at babalik ka rin sa kung saan ka galing dahil dun ka nabuo at parte na

yun ng katauhan mo habang buhay.

Kakayahang Magpatawad- Isipin na lamang na kung ano man ang naranasan mong

kalupitan ng kahit sino sayo bilang aral na nagpatatag ng iyong katauhan. Ang tao ay

walang karapatan na hindi magpatawad ng kahit na sino.

Pag-abot ng Pangarap- Sa kwentong ito, nagsimula si Layo bilang isang ulila.

Pagkatapos ng ilang taon, sya ay naging abogado at kinilala ng maraming tao.

VII. TEORYA/DULOGTeoryang Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay

binibigyangtuonang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento

atbp.

VIII. REAKSYON/KOMENTOSa akdang ito, nararamdaman ko ang impresyon ni Layo na parang gusto

niyang maghiganti sa mga taong nagpahirap sa kanya. Gusto niyang ipamukha sa kanila

na “Heto nako Ngayon” Ngunit hindi niya ito magawa dahil kahit papaano ay utang

parin niya sa kanyang Amain ang kanyang buhay sa pagkupkop sa kanya. Ginawa na

lamang niya itong inspirasyon upang umunlad ang kanyang buhay.

Page 33: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Manipesto ng Isang Dayo

Pat V. Villafuerte

1.nakahihirin ang bawat paglunok ng laway na sinaid ng mga pagbilin at pagpapaalala

habang ang bawat bisig at mga labi ay nag-iiwan ng bakas ng pangungulila.di mahawan ang sapot ng pagluha na binikig

ng putul-putol na pangangaral at paninisi,ng pangangatuwiran at pagtanggap,

ng pagbabalik-loob at pagpapatawad.sa nalalapit kong paglisan, kayraming nag-ugat na samu’t saring alalahanin

na parang asidong tumutunaw sa aking puso at kaluluwa:doon, sa establisyementong ang naghahari’y kapangyariha’t dolyar ay naroon sila’t tila mga rebultong

di mapagtanungan, walang tamis ng pagtanggap,silang nangabulag sa aking papel,

silang nangapipi sa aking dokumento,silang mga umalipusta sa aking diploma,silang mga nangiligkig sa aking serbisyo,

mula ulo hanggang paa,ang pagkakatitig nila’y sumusunog sa aking puso’t utak.

hinalay ako ng kanilang maaanghang na salitaniluray ako ng kanilang matatalim na tanong

dinurog ako ng kanilang di-masikmurang pamumuna.habang doon, sa dako pa roon

sa lugar naming tanging sikat ng araw ang nabubuhayay limang bibig ang sa aki’y naghihintay at umaasam.

ay, wala na.wala nang bisa ang pakiramdaman

wala nang ritmo ang awit ng aking pagsusumamo.

sa gabi, at bukas ng gabi,at sa susunod pang mga gabi . . .

habang binabagabag ako ng pudpod na puwit ng saingan at atungal ng aking bunso -ang binabanig ko’y lungkot, ang inuunan ko’y hapis, ang kinukumot ko’y luha

habang sa aking tabi, ang aking asawa’ynangingiki sa lagnat at pagkalam ng sikmura.

ay, ano’t di ko mayakap ang buwangayong nakamatyag sa akin sa buong magdamag?

ay, ano’t di ko mahagkan ang hangin gayong idinuduyan akongmay pagsuyong ganap?kayat nagpasya ako –

nasa paglisan ang ulap, nasa pagtakas ang langit,

Page 34: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

nasa pagpapaampon ang kaluwalhatian.

2.kayrami naming tumawid-dagat sa silong ng mga bituin

bawat buntung-hininga’y isang usal na dalangin,bawat ubo-dahak-dura’y isang awit ng paghiling,bawat araw ay isang siklo ng pakikipagtunggali,

bawat oras-minuto-segundo’y isang sipol ng pag-asam.

at isang bagong daigdig ang kumupkop sa akin -binago ako ng kanyang kultura’t sibilisasyon,

ng kanyang saloobin at mithiin.binuhay ako ng munting negosyong pausad-usad matapos makipagkalakalan,

habang sa nilisang bayan ay naibubulong sa akin ng hangin -

ang maraming pagsabog, ang lantarang katiwalian, ang dayaan sa eleksyon,ang pagmamaltrato sa mga bata, babae, matanda’t kasambahay;

ang abot-langit na pamumulitika, ang labanang muslim at militar, ang pagbagsakng ekonomiya’t ang pagkalagas ng mga militanteng bayani ng lansangan.

paulit-ulit.paulit-ulit.paulit-ulit.

ay, salamat sa pagkupkopsa walang kaseguruhang pag-ampon na hininog ng maraming pag-aalinlangan.

dito, ang dayuhang tulad ko’y iginagalangdito, ang dayuhang tulad ko’y may laya’t karapatan

dito, ang dayuhang tulad ko’y pinahahalagahan.

ay, salamat sa pagkupkopsalamat sa mayroon nang kaseguruhang pag-ampon

na hininog ng maraming pangako.

3.isang pahina ang idinagdag sa kasaysayan ng pandarayuhan.

maghahatinggabi, malalaking yabag ang tila bumiyak sa namamahingang lupasaliw ng mga iyak, hikbi, atungal, ungol, sigaw, panangis at panaghoy.

isang grupong unipormado ang sumuyod sa aming komunidad –hinahanap ang isang kapirasong papel

itinatanong ang legalidad ng aming panananahan.ginagalugad ang aming mga ari-arian.

para kaming mga bubuwit na naghahanap ng mapaglulunggaanalumpihit, nagsusumiksik sa isang sulokupang makaiwas sa maraming paghataw

tulak dito, tulak doon . . . hataw dito, hataw tdoon . . .

Page 35: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

kayrami naming hinubdan ng laya’t karapatan – lalaki’t babae,kahit matanda na’y may iisang kahatulan:

lpiit ang mga ilegal na naninirahan!ito ang dikreto. ito ang kapasyahan. ito ang kahatulan.

4.isang manipesto ang aking inihanda na isinulat ko sa dugo at luha,

ngalan ng dalawang daan at labing anim na kaluluwang ligaw ang nakatala -hinihingi nami’y kalayaan at katarungan, katarungan at kalayaan.

ngunit . . .may lambong ang ulap na hatid ng langit,may takip na anino ang mukha ng buwan,

parang kamatayang di napaghahandaan ang aking naranasan.mangyari,

lupig ako ng isang sistema,supil ako ng isang ideolohiya,

kontrolado ako ng politika.bansa sa bansa, asyano sa asyano, tao sa tao.

bansa,asyano,

tao.

isang dilema ang pagpili:rehas na bakal o bansang nilisan . . . piitan o balik-bayan?

may pagkakataon palang kailangang kainin ang suka’t inumin ang lawayat ipagpikit-mata ang isang pagpapasya.ngayo’y babalikan ko ang nilisang bayan

na humalay sa akin, lumuray sa akin, dumurog sa akin.ay, isang pagpapatiwakal ang gagawin kong pagbabalik.

ang pagbabalik ay isang pagpapatiwakal.huwag naman sanang sa pagbabalik ko, ang sumalubong sa akin ay angmaraming pagsabog, ang lantarang katiwalian, ang dayaan sa eleksyon,

ang pagmamaltrato sa mga bata, matanda’t kasambahay, ang abot-langit napamumulitika, ang labanang muslim at militar, ang pagbagsak ng ekonomiya’t

ang pagkalagas ng mga militanteng bayani ng lansangan.dahil kapag ito ang naganap, kapag ito ang aking nasaksihan,

isang bagong manipesto ang maidaragdag sa kasaysayan.

Page 36: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULATulang Liriko- Nagpapahayag ito ng mga saloobin at pakiramdam ng makata.

Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na

naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa,

ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Ito ay walang tugma. Ito’y walang tugma dahil ito ay nasa

malayang taludturan. Kung saan nakasaad na ang malayang taludturan ay walang

sukat at tugma bagkus ito’y kinapapalooban ng kaisipan at talinghaga.

II. SUKATIto ay nasa isang malayang taludturan o free verse. Ito’y dahil wala

itong sukat at tugma ngunit ito ay kinapapalooban ng kaisipan at talinghaga.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULAAng tula ay tungkol sa mga kababayan natin na gusting mangibang

bansa upang matugunan ang pangangailangan ng pamily at makaahon sa hirap.

IV. TALINGHAGAAng tulang ito ay masasabi kong malaman at malalim ang mga

salitang nagbigay ng kahulugan sa katatagan nating mga Pilipino at kung paano

tayo hindi sumusuko sa bawat hamon ng buhay.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWANaipakita ng tula ang tunay na ugali at karakter ng mga Pilipino sa

pagmamahal at pagmamalasakit para makaahon sa hirap at magkaroon ng magandang buhay.

VI. ALIW-IWSa pagsusuring nagawa ay may indayog na ginamit sa tula.

Magpapatunay ditto ay ang pag gamit ng tulang ito sa sabayang pagbigkas para

ilaban sa isang kompitisyon at iba pa.

Page 37: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VII. TONOAng tono sa tula ay nagpapakita ng paghihirap at kahit papaano ay

pagkadismaya sa mga kamalasan na nangyayari sa pagtawid nila sa ibang bansa o

ang mga paghihirap na dinadanas nila

VIII. PERSONAAng persona sa tula ay ang ating minamahal na mga “OFWs” na

nagpapakahirap sa ibang bansa para sa atin. Kasama rin ang mga Pilipino sa mga makabagong panahon ang tinutukoy sa tula.

IX. TEORYA/DULOGTeoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang

tao ang sentro ng mundo; ay binibigyangtuonang kalakasan at mabubuting

katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

X. REAKSYON/KOMENTOAng masasabi ko sa tula at sa may akda ay mahusay ang mga

salitang kanyang ginamit at nagawa niya ng maayos ang gusto niyang iparating sa

mga mambabasa. Ang sumulat ng tulang ito ay binigyan ng empasismo ang

kahalagahan at paghihirap n gating mga kababayang nangingibang bansa upang

magtrabaho.

Page 38: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Domingo, Dennimar)

Impeng NegroRogelio Sukat

Sa isang iskwater ay naninirahan si Impen at ang kanyang ina at kapatid. Sa

tuwing aalis ng bahay si Impen bilang isang agwador ay lagi siyang pinagbibilinan ng

kanyang ina na umiwas sa pakikipagaway lalo na kay Ogor.

Si Ogor ang siga sa lahat ng agwador sa kanilang lugar. Madals nitong tuksuhin si

Impen sanhi panlabas na anyo nito. Anak siya ng kanyang ina sa isang negrong

amerikano . Meron siyang kapatid na anak naman ng kanyang ina sa isang Amerikanong

puti kaya ganon na lamang ang pagtukso sa kanya ng mga tao.

Isang araw sa kanyang pagiigib ay muli na naman siyang sinubukan ni Ogor. Pilit na

isiningit ni Ogor ang kanyang balde nito kahit na si Impen pa ang nasa pila. Nakiusap si

Impen kay Ogor na hayaan na lamang siya matapos ngunit hindi ito pumayag kaya naisip

na lamang niyang umuwi.

Subalit sa kanyang paglakad ay pinatid siya ni Ogor at tumama ang pisngi niya sa

nabitiwang baldeng tubig. Dahil sa dugong dumaloy sa kanyang pisngi ay agad nitong

tiningala ang kaaway at tinawag ang pangalan nito. Nagulat si Ogor at mabilis siya nitong

sinipa. Nagpambuno ang dalawa. Subalit bigla ang paglakas ni Impen. Natalo at

napasuko niya si Ogor. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng mga kapwa niya

agwador. Sa pagkakataong ito, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga iyon. 

Page 39: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANAng pinangyarihan ng kwento ay sa may gripo, dito naganap ang tunggalian ng

kwento. Hindi inilarawan mabuti ng akda kung ano ang itsura ng tagpuan ngunit isinaad

niya kung saan nangyari ito. Nakatulong ito sa paglikha ng kinakailangang emosyon sa

kapaligiran dahil sa lugar na ito ay ipinakita ni Impen (pangunahing tauhan) ang kanyang

poot na mula pa noo’y nadarama niya kay Ogor. Angkop na angkop ang lugar na napili

ng akda dahil sa lugar na ito’y maraming tao ang nag-iigib na nakasaksi sa pangyayari.

Malaking pagbabago ang naganap matapos mangyari sa lugar na ito ang pagpatol ni

Impen kay Ogor. Nakaramdam ng kapangyarihan si Impen matapos niyang mapasuko si

Ogor.

II. TAUHANImpen

Ang pangunahing tauhan sa maikling kwento ni Rogelio Sikat. Inilarawan siya

bilang isang maitim o negro, sarat ang ilong at may makapal ang labi. Base sa kwento,

siya lamang ang natatanging negro sa magkakapatid. Pinaniniwalaan niya na ang

kanyang ama ay isang sundalong negro na matapos siyang ipanganak ay iniwan ang

kanyang ina. Siya ay nagtitimpi sa mga pang-aasar na kangyang natatanggap mula kay

Ogor at sa iba pang kagrupo neto ngunit ang huling away nila ang nakapagpabago ng

buong kwento.

Ogor

Ang antagonista sa maiklling kwento. Siya ang hinihirang na hari ng kanilang

grupo kung saa’y mahilig mangutsa kay Impen. Hindi naman maiging nailarawan si

Ogor sa kwento. Nabanggit lamang na siya’y isang hari ng mga agwador. Base sa aking

obserbasyon, makikitang siya ay mapangutyang tao mahilig niyang kutyain si Impen

dahil sa balat nitong maitim at dahil na rin sa nanay nito. Siya ay gumanap bilang isang

matinding kaaway ni Impen na nagdulot ng pagkakaroon ng tunggalian sa kwento.

Page 40: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

III. BANGHAYNaghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng

kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing

basag ang mukha.

Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang

kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador

ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya

dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding

manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na

karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong.

Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si

Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong

tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang

si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na

umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.

Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama

ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa

pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si

Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko

siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na

magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila

ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng

kapangyarihan.

IV. PUNTO DE VISTAAng naglalahad sa kwento ay nasa ikatlong panauhan dahil ang may-katha ang

nagsasalita sa kwentong ito. Ang pagsasalaysay ay nagkaroon ng pagbabago matapos

mangyari ang rurok ng kwento, ang pagsuko ni Ogor sa kanilang suntukan.

Page 41: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

V. TONOAng emosyon na nagdala sa kwentong ito ay ang galit o poot. Matagal ng

nagtitimpi si Impen sa pangungutya ni Ogor. Ang mga salitang ginamit sa istoryang ito

ay magaan na tama lamang upang maintindihan ng mga normal na magbabasa. Ang istilo

ng paglalahad ay angkop lamang sa kilos na nilarawan. Ang tono ng nagsasalita ay

sadyang epektibo upang maintindihang mabuti ng mga mambabasa ang kwento.

VI. PAKSA O TEMAAng layunin ni Rogelio Sikat sa maikling kwentong ito ay matuto tayong lumaban

at harapin ang takot sa anumang hamon ng ating buhay. Base na rin sa aking pagsusuri,

Makikita rin natin sa kwento ito na si Impen ang nagtatrabaho para sa pamilya niya. Ito

ay ang responsibilidad ng mga lalaki. Sila ang dapat na nagpapakain at ang bumubuhay

ng pamilya. Sumunod dito ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang kulany ng tauhan. Si

Impen bilang Negro at si Kano bilang maputi, ipinapakita rito ang pagkakaiba-iba ng

mga tao. Iba iba man tayo, hindi ito hadlang upang lagpasan ang ating mga problema.

Ang huli ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob ni Impen na ipagtanggol ang kaniyang

sarili. Hindi dapat tayo magpaalipin sa mga takot na ating nararamdaman. Kailangan

natin silang harapin at hindi pagtaguan o kaya’y takbuhan. Hindi habang buhay ay

makakatakbo tayo sa bagay na ating kinakatakutan.

VII. TEORYA/DULOGRealismo

Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong

pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,

kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.

Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga

pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.

Sa maikling kwento ito, pinapaksa ng manunulat ang diskriminasyon na

kalimitang makikita sa iba’t ibang lugar. Madalas itong mangyari sa labas ng bahay,

eskwelahan at sa lugar ng pinagtatrabahuan. Sa kwentong ito, patuloy na kinukutya ni

Ogor si Impen hanggang sa napuno na si Impen at nag-amok kaya nagkaroon ng away sa

pagitan nila.

Page 42: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VIII. REAKSYON/KOMENTOAng storyang Impeng Negro ay isang mahalagang storya na nagtuturong maging

mabuti at huwag manakit sa nanakit sa iyo. Si Impen ay niloloko lagi ni Ogor at sinasabi

lagi ng nanay ni Impen na huwag lumaban pabalik at umalis na lamang. Laging niloloko

at ipinagtatawanan si Impen dahil sa kakulayan niya at pati na rin ang pagkatao ng nanay

nina. Si Impen ay isa sa mga pinakaitim sa pamilya niya. Siya’y maitim dahil ang tatay

niya an isang Negrong galing sa Estados Unidos. Ang nanay naman niya ay

pinagtatawanan din ng iba dahil siya’y tinatawag na parang “whore” dahil sa paging

babae na nakakakuha ng para sa pagbibigay ng “pleasure” sa iba’t ibang lalaki. Si Impen

ay laging niloloko ni Ogor dahil sa kalagayan ng kanyang pamilya at pagkatao ni Impen.

Ang storyang ito ay nagtuturo na maging mas abutting tao at huwag gumawa ng di’ tama

o patulan ang nanloko sa iyo.

Page 43: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Ang Pagbabalik Rogelio Sikat

Babahagya ko nang sa noo ay nahagkan,

sa mata ko'y luha ang nangag-unahan,

isang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan!...

Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,

nalulumbay ako't siya'y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas,

pasigaw ang sabing "Umuwi ka agad,"

ang sagot ko'y "Oo, hindi magluluwat...!"

Nakangiti ako, luha'y nalalaglag!

At ako'y nagtuloy, tinunton ang landas,

na kabyak ang puso't naiwan ang kabyak...

Lubog na ang Araw, kalat na ang dilim

at ang Buwan nama'y ibig nang magningning;

makaurasyon na noong aking datnin

ang pinagsadya kong malayong lupain;

k'wagong nasa kubo't mga ibong itim

ang nagsisalubong sa aking pagdating!

Sa pinto ng nar'ong tahana'y kumatok,

ako'y pinatuloy ng magandang loob;

kumain ng konti, natulog sa lungkot,

na ang puso'y tila ayaw nang tumibok;

ang kawikaan ko, pusong naglalagot,

tumigil kung ako'y talaga nang tulog!

Nang kinabukasang magawak ang dilim,

Araw'y namintanang mata'y nagniningning,

sinimulan ko na ang dapat kong gagawin:

Page 44: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Ako'y nag-araro, naglinang, nagtanim,

nang magdi-Disyembre, tanim sa kaingin,

ay ginapas ko na't sa irog dadalhin!

At umuwi akong taglay ko ang lahat,

mga bungangkahoy at sansaknong bigas,

bulaklak ng damo sa gilid ng landas

ay sinisinop ko't panghandog sa liyag,

nang ako'y umalis siya'y umiiyak,

O! ngayon marahil siya'y magagalak!

At ako'y nagtulin, halos lakad-takbo!

Sa may dakong ami'y may'ron pang musiko,

ang aming tahana'y masayang totoo

at ang panauhin ay nagkakagulo!

"Salamat sa Diyos!" ang naibigkas ko,

"nalalaman nila na darating ako!”

Ngunit, O! tadhana! Pinto nang mabuksan,

ako'y napapikit sa aking namasdan!

apat na kandila ang nangagbabantay

sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,

mukhang nakangiti at nang aking hagkan

ang parang sinabi'y..."Paalam! Paalam!"

Page 45: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A. URI NG TULASa tulang “Ang Pagbabalik” ni Rogelio Sikat ay nasa uri ng tulang

liriko na siyang pumapaksa sa damdamin ng persona. Ito ay

sumasailalim sa Elehiya sapagkat nagpapahayag ito ng damdamin o

ang paggugunita sa taong sumakabilang-buhay na.

Sa aking pagsusuri, makikita naman na ang kaniyang kabiyak ay

namatay na ng siya’y nagbalik at nang kanyang hagkan ay parang

kanyang sinabi’y, paalam. palaam.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Ang tulang “Ang pagbabalik” ay nakapaloob sa

makabagong kayarian ng tula na walang sukat at tugma. Ito ay

tinatawag na malayang taludturan o free verse. Sa panahon ng

kontemporaryo, marami ang nailathalang tula na hindi sumunod

sa tradisyunal.

II. SUKATAng tulang ito ay walang sukat dahil na rin ito ay

nakapaloob sa malayang taludturan kung saan ay kabaligtaran

ng tradiyunal na pagsusulat ng tula.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULAAng tulang ito ay naglalaman ng lungkot sa kadahilanang

sumakabilang buhay na ang kanyang mahal sa buhay. Ito’y

naglalarawan ng damdamin ng isang lalaking namatayan ng

mahal sa buhay.

IV. TALINGHAGA

Sa pagbabasa ng tulang "Ang Pagbabalik" ni Rogelio Sikat, masasabing

ito'y nagtataglay ng talinghaga. Ito'y dahil napagalaw nang husto ng may-akda

ang guni-guni o isipan ng mambabasa. Isang patunay dito, napa-isip ang

Page 46: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

mambabasa kung ano ang tinutukoy na "pagbabalik". Sa puntong ito, masasabing

napagalaw ng mambabasa ang kanyang guni-guni.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWASa aking pagsusuri, masasabi kong ito ay nagtataglay ng

pagpapagalaw ng kaisipan ng mambasa dahil na rin sa

kakayanan nitong bumuo sa isipan ng mga mambabasa ang

tunay na sitwasyon sa tula. Ang pangyayaring aking sinasabi ay

ang araw ng kanyang pagbalik, kung saan nakita niyang

nahihimlay sa kabaong ang kanyang iniirog.

VI. ALIW-IWSa aking pagsusuri, masasabi kong hindi tinataglay ng

tulang ito ang pagiging maindayog marahil na rin sa

kadahilanang hindi ito sumunod sa tradisyunal na pagkakasulat.

VII. TONOAng tono ng tulang ito ay nalulungkot. Hinagpis ang

nadarama niya sapagkat sa kanyang pagbalik ay nakita niya ang

kanyang irog na siyang nakalatay sa loob ng kabaong. Hindi niya

inakala na sa kanyang pagbabalik, mawawala na ang kanyang

minamahal sa buhay.

VIII. PERSONAAng persona ng tula ay ang taong nawalan ng minamahal

sa buhay. Siya ang nagkkwento kung ano ang huling nangyari

bago siya umalis at ang pangyayaring nadatnan niya ng siya ay

dumating sa kanilang tahanan.

IX. TEORYA/DULOGTeoryang Romantisismo

Maituturing na ito ay nasa ilalim ng teoryang romantisismo

dahil ito ay naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa

Page 47: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

pang-araw araw. Higit na pinapahalagahan dito ang damdaming

namumutawi sa persona na siyang nararamdaman ng mga

mambabasa

X. REAKSYON/KOMENTOAng tulang “Ang Pagbabalik” ay isa nga namang

napakagandang tula. Napapagalaw niya ang imahinasyong ng

mga mambabasa na syang nagpapaganda at lalong

nagpapaintindi pa ng tulang kanyang naisulat. Ang mga salitang

ginamit dito ay mababaw lamang na siyang nagpanatili ng

interes ng mga mambabasa.

(Hernandez, Jillian Ayn Sophia)

Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

Robert Ong

Sa unang bahagi ng libro sinalaysay ng manunulat ang mga nakagawian niya

noon at ilang kultura at nakasanayang gawin ng mga Pilipino. Nariyan nang ikwento niya ang

mga hilig niya gaya ng pakikinig ng radio. Ang pagkwento niya sa mga larong madalas niyang

nilalaro pagkalabas niya mula sa skwelahan. Marami pa siyang kinuwento gaya ng mga

kakaibang pangalan ng mga kalye, mga uri ng ‘jeepney driver’, nakakatawang mga pangalan ng

negosyo at kung paano mo malalaman kung isa kang ‘martial law baby’. Ang bahaging ito ng

libro ang pinaka nakaka-aliw para sa akin. Dahil habang binabasa ko ito ay napapadalas ang

aking pagtawa.

Ang introduksyon ng libro ay matatagpuan sa kalagitnaan na ng libro. Ang

introduksyon ay nahahati sa apat na bahagi, ang introduksyon sa internet, sa Bobong pinoy, sa

kwentuhang barbero at ending ng introduksyon. Sa bahagi ring ito ng libro lumitaw ang mga

puna ng manunulat. May oras na napapangiti ako sa bahaging ito, ngunit ang madalas na naging

reaksyon ko ay pagsang-ayon sa mga nabasa ko.

Page 48: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Sa bandang dulo ng libro binahagi naman ng manunulat ang mga liham o mga

akda ng mga bisita ng website na Bobong Pinoy. Dito naman lumitaw ang mga opinion ng ibang

lahi o kahit mga Pilipino. Sa ilang mga liham o akda ay nakakatuwa dahil nagpapakita ito ng

paghanga sa ating pagkain at kaugalian. Ngunit hindi naman lahat ay maganda. Merong ilan ay

tila nasobrahan sa alab ng damdamin kaya nasobrahan din sa kanyang mga sinabi. Sa huling

parte ng libro ay tila nagpapahatid ng mensahe ang manunulat. Nais ng manunulat na maging

mulat ang bawat makakabasa nito sa mga magagandang bagay sa pagiging isang Pilipino. Galit

at kalungkutan ang naramdaman ko sa bahaging ito ng libro, galit dahil sa mga akdang walang

sapat na basehan pero sobra kung makapaghusga sa mga Pilipino. At nalulungkot dahil sa ilang

mga Pilipinong ikinakahiya ang kanilang pagiging Pilipino, mga Pilipinong walang pagmamahal

sa kanilang lupang sinilangan.

I. TAGPUAN

Maraming tagpuang binanggit sa libro, pero ang pinakamadalas na tagpuan ay sa Maynila. Ang pagkakalarawan ng libro sa Maynila ay isang syudad na maraming mahirap, laganap na prostitusyon at marumi. Meron ding tagpuan sa skwelahan, dito, sinalaysay ng manunulat ang mga larong madalas niyang laruin noon. Naging tagpuan din ang sementeryo, nang ikwento ng manunulat ang araw ng pagdalaw niya sa puntod ng lolo niya. Sa bahay, nang minsang may nangangaroling sa tapat ng kanyang bahay. Binanggit din ang isang tindahan dahil naalala ni Bob Ong ang mga panahon na may tindahan sila. Sa Quezon city naman, binigyang pansin ang mga kakaibang pangalan ng mga kalye doon. At sa Amerika naman ikinwento ng manunulat ang isang barbero na libre ang serbisyo.

II. TAUHAN

Ang librong nabasa ko ay walang ispesipikong tauhan. Kaya naman ang mga tagapagsalaysay lang ang pangunahing tauhan nito. Isa sa mga nagsasalaysay sa libro ay ang mismong manunulat nito. Isinalaysay ng manunulat ng libro ang mga kulturang Pilipino, pati ang mga karanasan niya noon pa man.

Ilan pa sa mga naging tagapagsalaysay dito ay si Teresita Bacolcol, isinalaysay niya ang karaniwang tingin ng ilang taga-ibang bansa sa mga Pilipino. Isa pa ay si Herdy Yumul sa sinulat niyang “Who wants to be a Filipino?” Si Barth Suretski, isang Amerikano kung saan sinalaysay niya ang ilan sa mga napapansin niya kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas. Ang “The Parable of the Mountain Bike” na sinulat ni Orion Perez Dumdum kung saan ikinwento niya ang pagkakaibigan ng isang Amerikano at isang batang Pilipino. Mga Pilipinong ‘kulang sa malasakit sa bayan’ at ilang Pilipino

Page 49: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

naman na ‘matindi ang malasakit sa bayan’ ang binigyang pansin ni Joaquin Sy sa kanyang sanaysay na “Bago Maging Kulelat”. Sa “The Starbucks Principle” naman ni Nick Garcia, tinalakay naman niya kung gaano ba ka espesyal ang kape mula sa ’Starbucks’, at kung bakit giliw na giliw dito ang mga pa sosyal na Pilipino. Ang “A Matter of Taste” at “A Rhose by Any Other Name” ni Matthew Sutherland na tungkol sa pagkain at kakaibang mga pangalan ng Pinoy. At si Mack P. Magno na sumulat tungkol din sa pagkain ng mga Pilipino.

III. BANGHAY

Sa unang bahagi ng libro sinalaysay ng manunulat ang mga nakagawian niya noon at ilang kultura at nakasanayang gawin ng mga Pilipino. Nariyan nang ikwento niya ang mga hilig niya gaya ng pakikinig ng radio. Ang pagkwento niya sa mga larong madalas niyang nilalaro pagkalabas niya mula sa skwelahan. Marami pa siyang kinuwento gaya ng mga kakaibang pangalan ng mga kalye, mga uri ng ‘jeepney driver’, nakakatawang mga pangalan ng negosyo at kung paano mo malalaman kung isa kang ‘martial law baby’. Ang bahaging ito ng libro ang pinaka nakaka-aliw para sa akin. Dahil habang binabasa ko ito ay napapadalas ang aking pagtawa.

Ang introduksyon ng libro ay matatagpuan sa kalagitnaan na ng libro. Ang introduksyon ay nahahati sa apat na bahagi, ang introduksyon sa internet, sa Bobong pinoy, sa kwentuhang barbero at ending ng introduksyon. Sa bahagi ring ito ng libro lumitaw ang mga puna ng manunulat. May oras na napapangiti ako sa bahaging ito, ngunit ang madalas na naging reaksyon ko ay pagsang-ayon sa mga nabasa ko.

Sa bandang dulo ng libro binahagi naman ng manunulat ang mga liham o mga akda ng mga bisita ng website na Bobong Pinoy. Dito naman lumitaw ang mga opinion ng ibang lahi o kahit mga Pilipino. Sa ilang mga liham o akda ay nakakatuwa dahil nagpapakita ito ng paghanga sa ating pagkain at kaugalian. Ngunit hindi naman lahat ay maganda. Merong ilan ay tila nasobrahan sa alab ng damdamin kaya nasobrahan din sa kanyang mga sinabi. Sa huling parte ng libro ay tila nagpapahatid ng mensahe ang manunulat. Nais ng manunulat na maging mulat ang bawat makakabasa nito sa mga magagandang bagay sa pagiging isang Pilipino. Galit at kalungkutan ang naramdaman ko sa bahaging ito ng libro, galit dahil sa mga akdang walang sapat na basehan pero sobra kung makapaghusga sa mga Pilipino. At nalulungkot dahil sa ilang mga Pilipinong ikinakahiya ang kanilang pagiging Pilipino, mga Pilipinong walang pagmamahal sa kanilang lupang sinilangan.

IV. PUNTO DE VISTA

Page 50: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Ang akdang aking nabasa ay lubos kong masasabing makabuluhan. Sapagkat nasasalamin nito ang tunay na mga pangyayari sa ating paligid. Nagbibigay rin ito ng karagdagang mga impormasyon. Ito rin ay napapanahon dahil ilan sa mga suliraning tinalakay sa akda ay problema parin ng ating bansa hanggang ngayon.

Ang mga pangyayari at mga isyung tinalakay sa libro gaya ng mga suliranin sa kalinisan, kahirapan, diskriminasyon at marami pang iba ay maituturing kong naaangkop at makatotohanan dahil nakikita, nararanasan o kaya naman ay nababalitaan natin ito.

Samantala, dahil nagmumulat sa katotohan at maaaring magamit sa araw-araw ang mga kaisipang pinalutang sa akda. Naging makabuluhan at kapaki-pakinabang ito sa libro. Nagdagdag ito ng interes sa libro.

Realismo ang sa tingin ko ay maaring ilapat na teoryang pampanitikan sa akda dahil ito ay tumutukoy sa tunay na buhay. Ang akda ay tumutukoy sa mga pangyayaring maaaring maganap sa buhay ng sinoman. Gaya na lamang ng ilang mga gawain ng manunulat na sinalaysay niya sa unang bahagi ng akda. Nariyan ang paglalaro niya noong kabataan niya, mga karanasang maaari ding maranasan ng ibang tao at marami pang iba.

V. TONO

Ang damdamin/tono ng nilalaman ng teksto ay may halong negatibo at may halong pagkatuwa. Una, may halong negatibo sapagkat nilalaman nito ang paglalahad sa mga maling gawain na Pilipino na paulit-ulit na ginagawa. Pangalawa, may halong pagkatuwa sapagkat ginagawaang katuwaan nalang ng ibang Pilipino ang pagkakamaling nagagawa nila sa kanilang araw-araw na buhay.

VI. PAKSA O TEMA

Ang paksa ng libro ay nakatuon sa kultura ng mga Pilipino. Tinuon ng manunulat ang paksa ng libro sa mga kasanayan, paniniwala at ilang nakakatuwang bagay sa pagiging isang Pilipino. Sa ilang bahagi naman ng libro, naging paksa ang mga suliranin sa ating bansa. Dito tinalakay ng manunulat ang karaniwang mga problema sa ating mga Pilipino.

VII. TEORYA/DULOGAng teoryang maaaring ituon sa Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino

ay Humanismo. Ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Kung saan ang sentro ng akda ay ang tao. Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito. Siya lamang ang makagagawa ng paraan upang siya ay umunlad at ikatatagumpay niya. Siya rin ang nakagagawa ng ikababagsak at ikalalagapak ng kanyang buhay. Pwedeng gamitin ng sanaysay dito. Gaya ng sa teksto, ang Pilipino ay gumagawa ng paraan sa ikakabagsak

Page 51: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

ng kanilang pagkatao at sa pagpapababa ng pagtingin ng ibang lahi sa kanila ng dahil sa kanilang maling mga gawain.

VIII. REAKSYON/KOMENTO

Bilang isang mag-aaral, masasabi ko naman na maganda ang maidudulot ng akda para sa akin. Bukod kasi sa mga opinyon ng manunulat, naglalaman din ng karagdagang kaalaman ang libro. Dahil din sa akda, nalaman ko rin ang kahalagahan ng pagbabasa. Para naman sa ibang tao at lipunan ay masasabi ko ring maganda ang maidudulot nito. Maraming tao ang walang alam sa ilang mga suliraning panlipunan sa sarili niyang bansa. Kumbaga may nangyayari na sa sarili mong bahay ay wala ka paring alam. Ang libro ay nagbibigay ng ideya sa kung ano ang tunay na nangyayari at kung ano ang tingin ng ibang lahi sa atin. Kung lahat siguro ng Pilipino ay makababasa nito, magkakaroon na ang lahat ng kaalaman tungkol sa ating lipunan.

Ang bawat bahagi ng libro ay nakakapukaw ng intensyon at nakaka-aliw. Sa paraang ito ng manunulat naging mahusay ang pagkakalikha ng akda. Sa ilang bahagi ng akda ay naibigan kong lubos ang bahagi na kung saan nagtala ang manunulat ng ilang pangalan ng mga negosyong ginawa ng mga Pilipino. Nakakatawa ito dahil sa kakaibang pagkakabuo ng mga pangalan.

Ang librong “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” ay inirerekomenda kong tangkilikin ng iba lalo na sa mga estudyante at lingkod bayan. Sa mga estudyante upang maaga silang mamulat sa magagandang bagay sa pagiging isang Pilipino. Ito rin ay upang ipagmalaki nilang lubos ang Pilipinas gaya ng may akda. Para naman sa mga lingkod bayan, ito naman ay para malaman nila ang ilan sa mga suliraning wala pa ring solusyon. Malaman din sana nila sa pamamagitan ng libro ang opinyon ng ibang lahi sa atin. Kung gaano tayo kinukutsa at hinuhusgahan dahil sa kagagawan ng ilan sa kanila.

Kung ako ay mapagbibigyang dagdagan o isaayos ang akda ay hindi ko na ito tatanggapin. Para sa akin, ang libro ay naisaayos na. Lubos akong nagandahan sa libro kaya naman nais ko itong manatili sa orihinal nitong ayos. Naniniwala akong may sapat nang kakayahan ang manunulat upang makabuo ng isang magandang libro. Isang librong naaangkop sa anumang edad at estado sa buhay. Isang librong napapanahon dahil sa mga paksang tinalakay. Ang librong “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” ni Bob Ong ay isang librong kapupulutan ng aral, magiging dahilan ng iyong pagngiti at pagtawa, magbibigay sa iyo ng impormasyong kasasang-ayunan at kagagalitan mo dahil totoo, at higit sa lahat, magbibigay sa iyo ng mga dahilan kung bakit masarap maging Pilipino at kung bakit ka baliktad magbasa ng libro.

Page 52: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino
Page 53: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Ang Panday 

Amado V. Hernandez

Kaputol na bakal na galing sa bundok. 

sa dila ng apoy kanyang pinalambot; 

sa isang pandaya'y matyagang pinukpok 

at pinagkahugis sa nasa ng loob. 

Walang ano-ano'y naging kagamitan, araro na pala ang bakal na 

iyan; Ang mga bukiri'y payapang 

binungkal, nang magtaniman na'y masayang 

tinamnan. 

Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo 

at ang boong bayan ay bulkang sumubo, 

tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo 

pagka't may laban nang nag-aalimpuyo! 

Ang lumang araro'y pinagbagang muli 

atsaka pinanday nang nagdudumali, 

naging tabak namang tila humihingi, 

ng paghihiganti ng lahing sinawi! 

Kaputol na bakal na kislap ma'y wala, 

ang kahalagahan ay di matingkala, 

ginawang araro: pangbuhay ng madla ginawang sandata: pananggol 

ng bansa! 

Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, 

bakal na hindi man makapagmalaki; 

subali't sa kanyang kamay na marumi 

ay naryan ang buhay at pagsasarili!

Page 54: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULAAng isang epiko ay ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan

na kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian, huwaran at sukatan

sa buhay na 'di kapanipaniwala.

Sa tulang Ang Panday, Ito ay tungkol sa pagsasalaysay sa isang

tila bayani-- ang Panday. Ang Panday ay may isang hindi

pinahahalagahan ng ibang tao ngunit ang ka yang trabaho ay

kailangan dahil sa kanyang mga nagagawa. Isang bayani ng

matuturing ang isang Panday.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Walang tugmaan sa tulang Ang Panday dahil ang tunog ng

mga huling pantig ay walang Pagkakapareho.

II. SUKATAng sukat ng tula sa unang saknong ay 18:15:14. Ito ay

wala ring pareho ng sukat sa mga sumunod pang mga saknong.

Dahil sa walang Tugma at sukat ang tula sa mga saknong at

taludtod nito, Ito ay isang halimbawa ng tulang may malayang

taludturan.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULAAng Panday ay isang tula na naglalarawan at

nagsasalaysay ng paghihirap ng isang Panday sa paggawa ng

iba't ibang uri ng bakal na ginagamit sa pang-Araw-Araw at

maging sa pakikipagdigmaan na ginagamit na sandata. Marami

ang hindi nakakapagpahalaga sa Gawain niyang Ito na siya

namang tunay na mahalaga.

IV. TALINGHAGA

Page 55: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Napukaw ng may-akda ang mga mambabasa sa kanyang

talinghagang inilagay sa tulang Ang Panday. Malaman ang bawat

saknong at taludtod na nag-iwan ng pagtataka sa kahalagahan

ng isang Panday.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWABati ng tula na ipakita ang kahalagahan ng Panday na

isang tunay na mahirap na trabaho dahil kinakailangan ng Tao

ang isang Panday sa paghulma ng mga bakal upang maging

Sangkap sa pang-Araw-Araw at pakikipaglaban o pag-aalsa.

VI. ALIW-IWAng tula ay isang halimbawa ng may malayang taludturan

kaya sa Kung ang usapin ay Aliw-iw, walang masyadong

alindayog ang tula.

VII. TONOAng tono ng tula ay puno ng pait dahil sa kulang na

pagpapahalaga sa isang Panday.

VIII. PERSONAAng persona ng Ang Panday ay isang Panday na

naglalahad ng kanyang saloon in at hinanakit sa

pagpapasawalang-bahala ng tao sa kanyang Gawain at trabaho.

IX. TEORYA/DULOGAng teorya sa tulang Ang Panday ay pamilyar. Ito ay

pamilyar sapagkat ang pagpapasawalang-bahala at pag-

babaliwala ng Tao sa mga trabaho ng iba ay karaniwan ng

nangyayari. Ito ay nangyayari sa mga Gaya ng drayber o

dyanitor. Sila ay nagtatrabaho para mag-serbisyo sa ibang Tao at

Page 56: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

sa pera ngunit ang karamihan ay hindi nadarama ang ka ilang

kahalagahan.

X. REAKSYON/KOMENTOAng aking reaksyon sa tulang Ang Panday ay sana

pahalagahan ng Tao ang trabaho ng kapwa nila, at bigyang-

respeto nalang ang bawat isa dahil pare-pareho lang tayo nagta-

trabaho para sa ikabubuhay ng pamilya at sarili at maging ang

serbisyo sa nakakarami.

(Macasaquit, Ryan)

Luha ng BuwayaAmado V. Hernandez

Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. 

Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung

Page 57: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

Page 58: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANAng tagouan ng kwentong Luha ng Buwaya ay sa isang maliit na bayan na

matatagpuan sa Gitnang Luzon, ito ay ang Sampilong. Sinasabing ang pangalan ng

bayan na ito ay hang okay San Teofilo (San Pilo) ngunit may magsasabi rin na ito ay

galling sa pagsampal ng isang prayleng puti sa ilong ng isang hangal na Indiyo.

Ang Sampilong ay napapalibutan ng mga lupaing sakahan na pag-aari ng iba’t

ibang tao. Ngunit ang pinakamalaking bahagi ng lupain ay nakapangalan sa mga grande.

II. TAUHANBandong Cruz

Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- guro ng

isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila,

kaya’t siya’y kinupkop ng kanyang tiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, at

mapagkakatiwalaan kaya’t palagay sa kanya ang mga mahihirap at ordinaryong tao sa

Sampilong.

Don Severo at Doña Leona Grande

Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang mga trabahador at sa mga

nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silang dalawang anak na

nagngangalang Jun at Ninet. Madalas silang magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at

gahaman. Maaaring mahalintulad sa matakawa na buwaya.

Dislaw

Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ng

mga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Palagi

siyang may dala-dalang rebolber nab aril saan man magpunta.

Pina

Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at

Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinaka siyang

gahasain ni Dislaw pagkat di niya ito makuha sa santong dasalan.

Andres

Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan

siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni

Sedes at mayroon silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang

Page 59: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

tagapagmana ng malaking lupain ni Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting

kabesa noon.

Tasyo

Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at

kay Dislaw dahil nais niyang protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan at

mabigyan ng hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap.

III. BANGHAYUmiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari

ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon

matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro

Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston

muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan

sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong,

bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay

umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay

lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na

ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga

nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng

kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang

magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang

kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang

maysakit na asawa.

Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na

magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang

mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong

nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga

mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang

kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang

mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang

mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang

karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng

Page 60: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni

Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano

at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang

problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil

sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon

ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na

si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng

hustisya.

IV. PUNTO DE VISTAKung uuriin nang mabuti’y malalim ang pinag-uugatan ng sinasabing “luha” at

mahihinuhang hindi dapat iyon itumbas sa gaya ng “luha ng buwaya” na may bahid ng

pagtataksil at panloloko. Mahalaga kahit ang “luha” at hindi dapat inaaksaya iyon sa

gaya ng paiyak-iyak na pag-arte mula sa isang tao na laki sa layaw. Kagulat-gulat din

ang “pagluha” ng mga alon, at sa iba’y higit na pipiliin ang pagluha ng “lawa” o

“dagat.” Gayunpaman, sa nobela ni Amado V. Hernandez, ginamit nito ang luha ng

buwaya bilang sakit na nararamdamn sa kadahilanan ng pagtataksil.

V. TONO

Ang tono ng nobelang ito ay galit sa kadahilanang pagtataksil.

VI. PAKSA O TEMASa aking palagay, ang Luha ng Buwaya ay napapalooban ng dalawang

pangunahing paksang diwa. Una na rito ay ang kasakiman ng isang mayamang angkan

ng Sampilong. Pangalawa naman ay ang pagkakaisa ng mga magsasaka at iskuwater

tungo sa pagbabago.

VII. TEORYA/DULOGTeoryang Markismo

Si Ka Amado ay kilalang sumusuporta sa kilusang Komunismo at makikita sa

kanyang mga nobela. Maraming ideolohiya ng kilalang Ama ng Komunismo na si Karl

Marx ang naging mahalagang element ng Luha ng Buwaya.

Page 61: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

“Ya’y sa kanila dapat sabihin, Alkalde,” balik ni Tasyo. “Kami po’y nakalugmok

na ang tanging gusto’y makabangon.”

Ang nasa itaas ay isang sipi mula sa nobela, pahina 207. Base sa sipi na ito,

mapapatunayan natin ang kagustuhan ng mga iskuwater at magsasaka na makaalis sa

hikahos ng buhay na idinulot sa kanila ng pang-gigipit at panlalamang ng mag-asawang

Grande.

VIII. REAKSYON/KOMENTOAng pangaapi sa kapwa ay hindi tama dahil sila ay may karapatan at damdamin.

Kung ayaw nating may masamang karanasan na mangyari sa atin dapat hindi tayo

nananakit ng tao. Lahat tayo ay pantay pantay lamang sa mga mata ng Diyos. Walang

nakakahigit o nakakalamang.

Page 62: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking BayanAmado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluhaang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:

ang bandilang sagisag mo'y lukob ng dayong bandila,pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika;ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,sa libingan ng maliit, ang malaki'y may libangan;

katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;

walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakopna sa iyo'y pampahirap, sa banyaga'y pampalusog:

ang lahat mong kayamana'y  kamal-kamal na naubos,ang lahat mong kalayaa'y sabay-sabay na natapos;

masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo'y nakatanod,masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,

kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,

lumuha ka nang lumuha't ang laya mo'y nakaburol.

May araw ding ang luha mo'y masasaid, matutuyo,may araw ding di na luha sa mata mong namumugto

ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,samantalng ang dugo mo ay aserong kumukulo;

sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong suloat ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo!

Page 63: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULA

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

II. SUKAT

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA

IV. TALINGHAGA

V. IMAHEN O LARAWANG DIWA

VI. ALIW-IW

VII. TONO

VIII. PERSONA

IX. TEORYA/DULOG

X. REAKSYON/KOMENTO

Page 64: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Panser, John Stevhen)

Sa Bagong Paraiso Efren Abueg

Isang maikling kuwento kinatha ni Efren Reyes Abueg. Ito ay kuwento ng dalawang batang sa simula ay nalunod sa pagkalito, at di pagka-unawa sa mga pagbabagong nangyayari sa kanila; sa emosyonal, pisikal, at maging sa mental.

Gayunpaman, ay ipinaglaban nila ang isa't isa bagaman hindi nila lubusangnaunawaan ang mga salitang "Tukso", "at huwag na huwag kayong magkikita..."Sa huli ay nakagawa sila ng isang kasalanang hindi nila maaring takasan, bagkus

ay dapat panindigan.Itinuturo sa atin ng maikling-kuwento na ito na "Ang tunay na pag-ibig ay

nakapaghihintay..."Ang storyang "Sa Bagong Paraiso" ay isang maikling kwento na nagtatalakay sa

pagmamahal ng dalawang kaibigan na nung bata pa naging "close" - sina Ariel at Cleofe. Dati ay nakatira sila sa probinsya (hindi sinabi kung ano ang specific na lugar), ngunit ang storya ay nagtapos sa Maynila (may sinabi na sila ay nasa isang maliit na "village" ng Maynila). Ang storya ay pinakita ang kanilang buhay; mula noong walong taong gulang palang sila hanggang sa maging mga estudyante sa kolehiyo na (mga mid-20s). Dito ipapakita ako ang isang maliit na buod ng storya at sana'y maintindihan niyo ang mahirap-hirap na storyang ito.

Nagsimula ang storya sa isang "field" sa probinsya, kung saan isang batang lalake at isang batang babae ay naglalaro. Parehong walong taong gulang sila, at sinasabi na sila ay sobrang "close" na sinasabi ng kanilang mga kapitbahay na sila ang magkakatuluyan kung sila'y malaki na. Iba't ibang laro ang ginagawa nila: minsan ay naghahabulan sila; minsan ay naliligo sa dalampasigan; minsan ay umaakyat sa isang puno at papanoorin ang langit, at natutulog sila dun ng magkayakap; atbp.

Minsan ay merong nag-alaska (tease) sa kanila at sinabi na sila'y "kapit-tuko" (ang tuko ay isang "leech" na parating kumakapit sa iyo para makainom ng iyong dugo. eww). Umiyak ang batang babae, ngunit lumaban ang batang lalake at sinuntok niya ang bata. Narinig ito ng buong pamayanan, at sila'y nag-"wonder" kung ano ba ang relasyong ng dalawang batang ito.

At sila'y tumungong hayskul. Magkaibigan parin sila, at magkasama, ngunit meron na silang iba't-ibang nadiskubre tungkol sa kanilang sarili. Ang lalake'y nakita ang mga ibang kapwa-lalake na may pinagaabalahan sa isang "alley", at noong tinanong niya iyon sa kanyang tatay, sinabi'y "balang-araw ay mangyayari rin sayo iyon". Tinutukoy dito ang "circumcision" ng lalake, at noong isang araw nga'y ginawa na ito sa kanya.

Ang babae naman ay nadiskubre ang "menstruation", at bawat buwan ay hinuhugasan niya ang isang maliit na piraso ng damit pagkatapos siya magkaroon ng kanyang

Page 65: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

"period". Noong makita ito ng nanay niya, sinabi niya na hindi na kailangang hugasan yan, at hindi na kailangang itago, dahil normal lang iyan sa lahat ng nagdadalagang babae.

Isang araw, noong maglalaro sana ang babae't lalake, sinabi ng babae na hindi na dapat sila naglalaro, dahil sila'y binata't dalaga na. Kahit malungkot sila na hindi na sila magkikita ng "often", tinanggap ito ng dalawa at sila'y naging mas-seryoso na.

Noong nakapag-"graduate" na sila ng hayskul, sila ang "date" ng isa't-isa sa kanilang "graduation prom". Sila'y sumayaw, isang nakakamanghang "experience", at ang puso nila'y kumukutob. Meron na silang nararamdaman sa isa't-isa na higit pa sa simpleng pagiging magkaibigan.

Parang sila'y nagmamahal sa isa't-isa.Ito'y napansin kaagad ng magulang ni Cleofe (ang babae), kaya't sinabi nila kay

Cleofe na hindi na silang maaaring magkita ni Ariel (ang lalake). Sinabi nila ang lalaki ay masama, at ito ay dumikit sa utak ni Cleofe. Ito raw ay makakasama sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo sa Maynila. At si Cleofe ay lumuwas patungong Maynila.

Pinagbawalan rin ng magulang ni Ariel ang makipagkita kay Cleofe. Sinabi nila na ang babae ay tukso, at dapat raw iwasan ni Ariel ito. Ito raw ay makakasama sa kanyang pag-aral ng kolehiyo sa Maynila. At si Ariel ay lumuwas rin patungong Maynila.

Maraming buwan (baka'y umabot na sa taon) ang pagkakahiwalay ng dalawa, ngunit hindi-sadyang nagkita ulit sila habang bumibili ng gamit pang-paaralan. Sila'y nagtitigan lang sa isa't-isa ng mga ilang sandali, at kahit uminbita ang lalakeng kumain, nagtitigan parin sila. Noong tapos na sila sa pagtitig, kumain na sila at naalala nila ang mga "experience" ng nakaraan.

At kahit pinagbawalan sila, nagkita parin sila ng maraming beses sa iba't-ibang lugar sa Maynila. Noong nalaman ng mga magulang nila ito, pinagbantaan nanaman sila at sinabi ng ama ni Cleofe na luluwas sila sa ibang bansa. Ngunit hindi na nila sinundan ang kanilang magulang at tumakas sila sa isang maliit na "village", sa isang bangketa. Doon sila tumira, at doon sila nagtalik. Sila'y nag pre-marital sex (PMS).

Noong isang araw habang umuulan, nagkaroon ng "morning sickness" ng babae. Noong na-"realize" niya ang sitwasyon, bigla na siyang umiyak.

Ang babae ay buntis na.

Page 66: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANAng tagpuan ay sa isang lugar na itinuturing nilang isang paraiso o Bgong Paraiso.

II. TAUHAN Ariel

Cleofe

Mga magulang ni Ariel

Mga magulang ni Cleofe

Mga guro.

III. BANGHAYAng kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-Malay

ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang

kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang

maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang

kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay Hindi

nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit

na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala

silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang

dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga

hanggang sa hapon.

Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at

malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak

ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay

nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay Hindi nila iniinda,

patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal

ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran,

at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang

langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha.

Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita

nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit Hindi sapagkat ang

langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng

matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa

Page 67: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan

naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha

ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay

magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay

magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa

damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan

sa kapaguran, magkatabi at Hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga

binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan.

IV. PUNTO DE VISTAAng naglalahad sa loob ng kwento ay nasa ikatlong panauhan. Sa

pagkakasuri, masasabi o mahihinuha dito na konsistent ang pagsasalaysay ng kwento.

Subalit, hindi naman gaanong konsistent ang karakter ng ibang tauhan.

V. TONOAng kwento ay masaya at may halong lungkot. Naipakita ng mga tauhan

ang kanilang damdamin sa tulong ng mga paggamit ng angkop na mga salita. Isa pang

nakatulong dito’y dahil angkop ang kilos ng mga tauhan sa kung paano sila inilarawan.

Kung susuriing mabuti, tama lamang ang tonong nakita sa kwento sa mga pangyayari.

VI. PAKSA O TEMAAng maikling kuwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na

magkaibigan simula pagkabata. Ang tinuturing nilang paraiso ay ang malawak na

damuhan at ang dalampasigan. Nang sila'y tumanda ay higpit na pinagbibilin ng kanilang

mga magulang na huwag muna silang magkikita kung gustong makatapos ng kolehiyo.

Ngunit sinuway nila ito. Pumunta sila sa isang lugar na tinuturing nilang "bagong

paraiso" kung saan walang hahadlang sa kanila. Sa huli ay nalaman ng babae na siya'y

nagdadalantao.

VII. TEORYA/DULOGRomantisismo - nagpakita ng pagmamahalan para sa isa't isa sila Ariel at Cleofe.

Nagpatangay sila agos ng kanilang mga damdamin. 

Page 68: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Realismo - ang ginawa nila Ariel at Cleofe bilang magkasintahan ay isa na sa

katotohanan ng buhay sa ngayon, pinakita lamang nila kung gaano kapusok ang mga

kabataan lalo na kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. 

Simbolismo - ang babae ay isang tukso. 

Feminismo - masama at isang tukso ang tingin sa babae. 

Modernismo - pinaglaban nila Ariel at Cleofe ang kanilang damdamin kahit na ito'y

labag sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. 

Idealismo - pinakita dito na mas maigi na iwasan muna ang "tukso" habang Hindi pa

nakakatapos sa pag-aaral. 

Klasisismo - si Ariel at Cleofe laban sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Iba ang

sinasabi ng kanilang puso sa dinidiktang gawin ng kanilang isip. Nanaig ang kanilang

damdamin at sila nga ay nagpatangay sa kanilang mga nararamdaman.

VIII. REAKSYON/KOMENTOIsang napaka-gandang kwento ang “ Sa Bagong Paraiso” ni Efren Abueg.

Isa, sa mga aral dito ay dapat ay isipin muna ang kahihinatnan, kung ito ba ay

makakabuti o makakasama, bago ito pasukin. Ipinakita dito ang isang pangyayaring

karaniwang nangyayari sa mga kabataan sa ngayon. Nagiging prayoridad nila ang pag-

ibig kaysa sa pag-aaral. Mas nanaig ang kanilang puso/damdamin kaysa sa kanilang

isipan

Page 69: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Isang Dipang LangitAmado V. Hernandez

Ako'y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko'y piitin,

katawang marupok, aniya'y pagsuko,

damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi't walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad,

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Page 70: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang

sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;

kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -

bilangguang mandi'y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita'y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandipang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng tagumpay...

layang sasalubong ako sa paglaya!

Page 71: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULATulang Elihiya, dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungklutan.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

katinig at patinig.

II. SUKAT 1st-3rd tayutay: 12

4th: 14 at 12

5th: 12

6th-7th: 12 at 13

8th: 10 at 12

9th : 12 at 13

10th: 12

11th: 11 at 12

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA Karanasan ng mga kinukulong

Pingadadaan ng mga bilanggo sa araw-araw

Matutong ipaglaban ang iyong karapatan

IV. TALINGHAGAAng isang dipang langit ay mas tumatalakay sa bibyolohikal na anyo.

dahil dito, ito ay nagbibigay pansin sa totoong nangyari sa buhay ng may akda.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWA Imahen o larawang diwa

Puno - pagkakasala

Kuta - kulungan

Dungawan -bintanang rehas 

Tanikala - kadena

Birang - itim na panakip sa ulo

Page 72: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VI. ALIW-IWNaging maindayog ang pagbigkas ng tula.

VII. TONOSa pagsusuring nagawa, masasabing Pagdurusa at paghihinagpis ang

damdaming nakapaloob sa tula.

VIII. PERSONAAng mismong akda na si Amado V. Hernandez.

IX. TEORYA/DULOGAng isang dipang langit ay mas tumatalakay sa bibyolohikal na anyo.

dahil dito, ito ay nagbibigay pansin sa totoong nangyari sa buhay ng may akda.

X. REAKSYON/KOMENTOIpinapakita ng tulang ito ang kalungkutan na nadarama ng nagsasalita

dahil sa kanyang pagkabilanggo. Ipinararamdam ng tula ang hirap na dinaranas ng

isang bilanggo at ang kanyang hangaring makalaya.

Dahil sa pagpapakita nito sa kahirapan ng pagiging isang bilanggo,

nagbigay ito ng mensahe na ayusin ang ating mga ugali o kilos dahil hindi

makakabuti sa atin ang kasamaan. Ipinahiwating ng tula na dapat tayong gumawa

ng mabubuting asal para sa kapakanan ng ating pamilya lalo na sa atin, at sa ating

mga gusto pang gawin sa buhay.

Nagbigay ito ng mensahe na ayusin ang ating mga ugali o kilos dahil hindi

makakabuti sa atin ang kasamaan. Ipinahiwating ng tula na dapat tayong gumawa

ng mabubuting asal para sa kapakanan ng ating pamilya lalo na sa atin, at sa ating

mga gusto pang gawin sa buhay.

Page 73: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Querimit, Coleen Janine)

Ang Kwento ni Mabuti Genoveva E. Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.

“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang

kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak

Page 74: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Page 75: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha

habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may

kaarawan.Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon

na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. 

Page 76: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANAng tagpuan ay sa isang paaralan. Paaralan na walang pinta. Doon kung saan sila unang

nagkita. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag. Sa itaas ng lumang hagdang

umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na

tubig ng isang estero.

II. TAUHANMabuti - isang guro sa pampublikong paaralan. Hindi “Mabuti” ang tunay niyang

pangalan , naging Mabuti lamang ang tawag sa kanya sapagkat ito ang palagi

niyang sinasabi sa klase sa simula at katapusan. Kung minsan ay sinasabi niya rin

ang salitang mabuti kapag wala na siyang masabi o nalilimutan niya ang dapat

niyang sabihin. Si Mabuti ay isang lapad na tauhan dahil hindi siya nagbabago ng

katauhan.

Fe – ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti

sa sulok ng silid- aklatan. Si Fe ay isang bilugang tauhan. Sapagkat, dati ay

negatibo siya mag-isip, simpleng problema pakiramdam niya siya na ang may

pinakamabigat na problema sa buong mundo. Ngunit nang makilala niya si Mabuti,

naging positibo na ang paningin niya sa buhay.

III. BANGHAYIsang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod

dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga

mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-

aklatan dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at

pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon.

Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon

ngunit hindi siya nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng

matinding damdamin sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.

Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa

susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang

Page 77: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng

dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”. Tumakas ang dugo sa

mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at

sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay

nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng

kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit

bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.

Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang

nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.

Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang

lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

IV. PUNTO DE VISTAAng panauhan ng kwento ay nasa unang tauhan sapagkat inilagay ng may-akda na

si Genoveva Matute ang kanyang sarili saisa sa mga tauhan at ito ay si Fe. Bilang

patunay ito ang unang pangungusap sa akda ´Hindi ko na siya nakikita ngayon”.

V. TONOAng kwento ay ma-emosyon. Naipakita ng mga tauhan ang kanilang damdamin sa tulong ng mga paggamit ng angkop na mga salita. Isa pang nakatulong dito’y dahil angkop ang kilos ng mga tauhan sa kung paano sila inilarawan. Sa huling bahagi, ang tonong nangibabaw ay malungkot. Kung susuriing mabuti, akma lamang ang tonong nakita sa kwento sa mga pangyayari.

VI. PAKSA O TEMAIyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim

na kaligayahan

Sa kabila ng dinadala ni Mabuti ay patuloy pa rin niyang inuusad ang kaniyang

buhay. Hindi niya ipinapakita sa iba ang kaniyang pinagdaraanan pagkat alam niyang

siya lamang ang pinaka-makatututlong sa sarili niya. At dahil nga sa ganitong paghawak

niya sa kaniyang sitwayson ay masasabing namulat rin siya sa mga lihim na kaligayahan.

Alam niyang mayroon pa rin siyang dapat ipaglaban sa buhay na ito--ang kanyang anak.

Page 78: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VII. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit sa kwento ay Teoryang Humanismo. Ito’y sa kadahilanan

na ipinapakita rito ang kabutihang tinataglay ni Mabuti sa kabila ng kanyang mga

problema.

VIII. REAKSYON/KOMENTOIsinulat ang ''KWENTO NI MABUTI'' upang malaman natin na ang kwentong ito

ay maaaring maging inspirasyon upang tayo ay maging mabuti/mabait sa ating kapwa

gayundin alam natin na isa ang kwentong ito kung bakit may mabait pa rin sa mundong

ating ginagalawan bagkus may mga tao pa rin na hindi mabait o may kasamaan ngunit

lahat ng yun ay may hangganan tanging tiwala sa sarili at wag kalimutan ang pananalig

sa maykapal. Isang napaka-gandang kwento ang “Kwento ni Mabuti”.

Page 79: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Ako ang Daigdig Alejandro Abadilla

Iako 

ang daigdig

ako ang tula

ako ang daigdig

ng tulaang tula

ng daigdig

akoang walang maliw na ako

ang walang kamatayang akoang tula ng daigdig

IIako

ang daigdig ng tulaako

ang tula ng daigdig

ako ang malayang akomatapat sa sarilisa aking daigdig

ng tula

akoang tulasa daidig

ako ang daigdig

ng tulaako

IIIako

ang damdamingmalaya

Page 80: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

akoang larawang

buhay

ako ang buhay

na walang hanggan

akoang damdamin

ang larawanang buhay

damdaminlarawanbuhaytulaako

IVako

ang daigdigsa tula

akoang tula

sa daigdig

ako ang daigdig

akoang tula

daigdigtula

     ako....

Page 81: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A. URI NG TULAAng tulang “Ako ang Daigdig” ay nasa uring tulang patnigan. Sapagkat, ito’y

nagbibigay linaw tungkol sa isang paksa. Malinaw na naipahatid ng manunulat na

sinasabi niyang “siya, ang daigdig, at ang tula ay iisa”.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Ang tulang “Ako ang Daigdig” ay walang tugma. Ito’y walang tugma

dahil ito ay nasa malayang taludturan. Kung saan nakasaad na ang malayang

taludturan ay walang sukat at tugma bagkus ito’y kinapapalooban ng kaisipan at

talinghaga.

II. SUKATAng tulang “Ako ang Daigdig” ni AGA ay nasa isang malayang taludturan

o free verse. Ito’y dahil wala itong sukat at tugma ngunit ito ay kinapapalooban

ng kaisipan at talinghaga.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULAAng paksa o kaisipan ng tula ay may kinalaman sa mga personal na pantao

at pansining na kapaniwalaan at karanasan ni Abadilla. Ito’y nagpapahiwatig din

ng mga makabagong ideya.

IV. TALINGHAGAMasasabing napagalaw ng husto ang guniguni ng mambabasa. Patunay

dito ang iba’t-ibang reaksyon ng mga tao. Isa pa, dahil sa komento ng mga kapwa

manunulat ni Abadilla.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWAMasasabing mayroon nito ang tulang “Ako ang Daigdig”. Patunay dito

ang isang sabi na, gaya ng isang ibon na malayang lumipad at naging hari ng

himpapawid ng kanyang buhay, si Alejandro G. Abadilla ay naging kilala rin sa

pagpapakilala ng sariling paraan ng pagsulat sa kanyang natatanging akda na

“Ako ang Daigdig”.

Page 82: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VI. ALIW-IWSa pagsusuring nagawa, masasabing hindi naging maindayog ang

pagbigkas ng tula. Una, dahil hindi ito taglay ng tula. At huli, wala ito sa uring

tradisyonal ng tula.

VII. TONOSa pagsusuring nagawa, masasabing masaya ang damdaming nakapaloob

sa tula. Nasabi ito dahil, naipakita niya ang kagandahan ng kanyang likha sa

pagsasabing siya ay malaya at matapat sa sarili, kahit ano pa man ang sabihin ng

mga kritiko. Ipinakita din niya ang pagkakaisa ng kanyang pagkatao, damdamin

at paniniwala sa tula ng kanyang daigdig.

VIII. PERSONAAng persona sa tula ay ang mismong awtor nito na si Alejandro G.

Abadilla ( AGA ). Dahil ito’y galing mismo sa kanyang karanasan.

IX. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit ay Teoryang Eksistensyalismo. Ito’y dahil ang tula

ay nakatuon sa buhay ng manunulat at sa buhay ng mga taong katha lamang.

Malinaw din dito ang proseso ng pagiging at hindi pagkakaroon ng tamang

sistema ng paniniwala tulad ng relihiyon at moralidad ang dapat bigyang pansin

ng tao upang mamuhay siya ng tunay. Laban din ito sa establisimiyento, at di-

kompormista, at sa huli isang teorya ng pagiging tunay na tao sa kabila ng

masasabing impluwensya at pananakot ng relihiyon at moralidad ng bawat tao.

X. REAKSYON/KOMENTOSa unang pagbasa ko ng tulang ito, hindi ko ito naintindihan pero nung

basahin ko uli ay nalaman at naintindihan ko na ang nais nitong ipahayag.

Sobrang naiiba ito sa ibang tradisyonal na tula. Halos tatlong salita lamang ang

ginagamit at ito’y paulit-ulit pa. Sa kabila nito, para sakin ito ang pinaka-

magandang tula at ito ang may pinaka- makahulugan. Isang magaling na

manunulat talaga si Alejandro G. Abadilla.

Page 83: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Quiroz, Justin)

Batik ng BuwanLualhati Torres Bautista

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-

gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin

angmga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga

bituin salabis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit

sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming

damit.Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang

lalapitan angmga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan

niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik

at hindi siya nakatiisna hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon

ng maliliit na bituin nangmadikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi na ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot

ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang

maliliitkaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang

mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kang

magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong

saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyangkasalanan.

Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili

saasawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa

nukhang buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng

Page 84: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

buwan. Hinabolng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at

hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

Page 85: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANAng tagpuan ng kwentong “ Batik na buwan” ay sa ilog kung saan doon ay

maglalaba si buwan.

II. TAUHANAng mga tauhan ay sina buwan at araw.

III. BANGHAYHindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang

isangpunong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyangkasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili saasawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukhang buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan.

IV. PUNTO DE VISTAAng layunin ng may akda ay maipakita ang pagsasakripisyo ng isang bagay para

sa ikabubuti ng iba.

V. TONOAng tonong gustong ipakita sa kwento ay may pagaalala at pagkagalit dahil sa

mga linya ng mga karakter sa istorya.

VI. PAKSA O TEMAAng tema o gustong pakahulugan ng kwento ay may mga bagay na hindi natin

pwedeng makuha kahit gaano pa natin ito gusto o kamahal. May mga bagay na dapat ay

pinapakawalan na lang para sa ikakabuti nito.

VII. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit ay teoryang naturalism dahil ang pagsusuri ng akda batay sa

damdamin ng namayani sa tauhan, nagbigay-puri at naglalahad ng kagalingan ng tauhan ay

teoryang naturalismo.

VIII. REAKSYON/KOMENTOAng masasabi ko sa istoryang ito ay malinaw na naipakita ng akda ang gusting

malaman ng mga mambabasa nito. Makabuluhan at may saysay ang mga salitang at ikot

ng istorya nito.

Page 86: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Pamana ng Lahi Patrocinio V. Villafuerte

Page 87: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULATulang Liriko o Tulang Damdamin

Ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang

kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang

mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi

nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at

aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang

kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Ang tugma ng tula ay salitang pag gamit ng katanig at

patinig. Sa unang saknong ay puro katanig at sa susunod ay

patinig naman. Salitan lamang ang katinig at patinig sa bawat

isang saknong.

II. SUKATAng tula ay may sukat na labing dalawa.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULAPaksa ng tula ay ang papakita ng kalakasan at katibayan

ng loob ng mga Pilipino na kahit anong dumaang kalbaryo sa atin

ay kayang kayang harapin at kung paano ito naipasa at

naipaalam sa mga makabagong henerasyon sa pag lipas ng

panahon.

IV. TALINGHAGAAng tulang “Pamana ng lahi” ay masasabi kong malaman

at malalim ang mga salitang nagbigay ng kahulugan sa

kalakasan at katibayan ng loob ng ating lahi. Ipinakita din sa tula

kung paano ipakita ang isang tulang liriko o damdamin.

Page 88: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

V. IMAHEN O LARAWANG DIWANaipakita ng tula ang tunay na repleksyon ng mga Pilipino

sa pagpapahalaga sa ating bayan at kung paano natin

pahalagahan ang ating kultura. Mapapatunayan ito sa mga

salitang ginamit sa tula.

VI. ALIW-IWSa pagsusuring nagawa ay may indayog na ginamit sa tula.

Magpapatunay ditto ay ang pag gamit ng tulang ito sa sabayang

pagbigkas para ilaban sa isang kompitisyon at iba pa.

VII. TONOAng tono sa tula ay nagpapakita ng pagpuri at

pagmamalaki sa ating lahi. Nagpapakita ito ng pagasa sa mga

mambabasa at pagpuri sa ating mga kultura.

VIII. PERSONAAng persona sa tula ay ang ating mga ninuno at kanilang

mga pamana sa ating lahi. Kasama rin ang mga Pilipino sa mga

makabagong panahon ang tinutukoy sa tula.

IX. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit sa tulay ay humanismo dahil

binibigyang pansin ng may akda ang magagandang saloobin ng

ating lahi at ng ating mga ninuno. Itinataas din ang karangalan

ng tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang

saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda.

X. REAKSYON/KOMENTOAng masasabi ko sa tula at sa may akda ay magaling ang

mga nagamit niyang salita at nagawa niya ng maayos ang gusto

niyang iparating sa mga mambabasa. Ang sumulat ng tulang ito

Page 89: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

ay binigyan ng empasismo ang kahalagahan ng mga Pilipino sa

ating mga kultura.

Page 90: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Santiago, Camille Apple)

Tata SeloRogelio Sikat

Isang matandang magsasaka, si Tata Selo, ang hinuli at ikinulong sa isang istaked o istasyon ng pulis dahil sa pagpatay nito kay Kabesang Tano. Si Kabesang Tano ang kasalukuyang nagmamay-ari ng sakahan ni Tata Selo. Nagpunta ito sa sakahang kinaroronan ni Tata Selo upang bawiin na ang sakahan. Ibig sabihin, pinapaalis na si Tata Selo sa sakahan upang iba na ang magsaka nito.

Dating kina Tata Selo ang sakahan. Nagkasakit ang asawa niya kaya't naisanla ang lupa kay Kabesang Tano upang may maipangpagamot. Hindi nabayaran ni Tata Selo ang pagkakautang kaya't kinukuha na ang sakahan sa kanya.

Ang dahilan ni Tata Selo kaya napatay niya ang Kabesa'y dahil binabawi na nito ang saka. Siya diumano'y nagmakaawa na ngunit ang isinagot ng Kabesa'y ang panunukod sa ulunan ni Tata Selo. Nagkasugat-sugat ang ulunan ni Tata Selo dahil dito. Napatay niya ang Kabesa.

Walang gustong maniwala sa napabalitang ginawa ni Tata Selo. Lahat ng kababayan niya'y nais makita ang matanda sa istaked. Lahat ay namamangha sa nangyari. Sinubukan niyang magpaliwanag sa mga pulis ngunit hindi siya pinapansin ng mga ito. Sinubukan din niyang magpaliwanag sa isang bata—sa isip ni Tata Selo ay kapwa niya magbubukid ang bata kaya't maiintindihan siya nito.

Kamakalawa bago maganap ang pagpatay sa Kabesa, umuwi si Saling kina Tata Selo matapos ang paninilbihan sa bahay ng Kabesa sa loob ng tatlong buwan. Sinasabi ni Tata Selo habang kausap ang alkalde—tinatawag niyang presidente—na si Saling ay may sakit.

Nagpunta si Saling sa opisina ng alkalde. Ipinatawag ng alkalde si Tata Selo. Nang makaharap ni Tata Selo si Saling, sinabihan niya itong Umuwi ka na, Saling. Bayaan mo na... bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi... Ibig sabihin, may ipinapahiwatig na may nangyari kay Saling, kaya umuwi ito matapos ang tatlong buwang paninilbihan sa Kabesa, kaya namumutla ito, kaya ayaw na itong pagsalitain pa ng kanyang ama.

Maaaring lagumin ang sinapit ng pamilya ni Tata Selo batay sa huling pangungusap sa kuwento: Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa kanila.

Page 91: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANSakahan/Bukid.

II. TAUHANTata selo- isang magsasaka

Kabesang tano- Kolektor ng lupa

Saling- anak ni Tata Selo

III. BANGHAYPunong-puno ng tao sa bakuran ni Tatasela. Halos lahat ng tao ay di-

makapaniwala sa ginawa ni Tataselo. Nagulat pati ang kanyang kaibigan, sa pagpatay ni

Tataselo sa Kabesa.

Dinakip ng mga pulis si Tataselo at dinala sa istaked o prisinto. Jyak ng iyak si

Tataselo at sobrang higpit sa kapit ng rehas. Isang binata ang tinanong si Tataselo, kung

bakit nya pinatay ang kabesa. Hindi makapagsalita si Tataselo. Hindi narin nakatiis si

Tataselong sabihin sa binata ang lahat, pilit nitong sinasabi na malakas pa sya at kaya pa

nyang magsaka wag-lang ialis sa kanila ang bukid, Talagang sa kanya ang sakahan

ngunit isinanla ito may-sakit ang kanyang asawa.

Kinabukasan alas-dose na ngunit hindi pa sya dinadala sa hukuman. Pamayamaya

tinawag narin sya ng isang pulis at sinamahanito. At tinanong sya kung ano ang dahilan

ng pagpatay sa kabesa. Halos hindi makapag-salita si Tataselo dahil sa takot. Tinanong

ulit ito, at sinabi ulit ni Tataselo na kayalang nya napatay ang kabesa dahil kinukuha pilit

ang kanilang sakahan.

Pagkatapos ay tinawag sya ng mas mataas na hepe at tinangkang suntukin ito sa

tiyan batukan ito sa lamesa. Kinabukasan dumating ang kanyang anakna si saling at

halatang nangungulila sa ama.

Sinabi ni Tataselo na wag nang sabihin ang lahat ng alam wagnang magsumbong.

Kaya't ibinalik sya sa istaked at nakita nya ang batang nakausap nya. Kaya't nakaisip ng

paraan si Tataselo na magsulat ng liham sa hepe. Kagulatgulat na hindi tinanggap ng

hepe ang sulat. Kaya't sinabi nito sa sarili na kinuha na ang lahat sa kanila.

Page 92: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

IV. PUNTO DE VISTAAng Iayunin ng may-akda ay ibigay aug kahulugan ng isaug akda ay wala sa

akda, kundi nasa isipan ng mambabasa.

V. TONOAng istilo ng pagsulat ng akda ay akmang-akma lang sa lahat ng mababasa at

merong pagkakaayos ang mga letra, tumutugma sa sinasabi ng bawat karakter na

gumaganap.

VI. PAKSA O TEMASinasabi lang dito na hindi tama ang pumatay sa kapwa

VII. TEORYA/DULOGAng teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng

tauhan sa kwento. Ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa

lipunan. Sa kwentong "TATA SELO" ni Rogelio sikat ay masasalamin ang aktwal na

pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang

uri.

VIII. REAKSYON/KOMENTO

Nakakaiyak ang storyang ito. Hindi ko aakalain na mas pipiliing patayin ni Tata

Selo si Kabeserang Tano kaysa sa kanilang Alkalde o ang Hepe. Sana pumayag nalang si

Saling na pagsamantalahan siya ng Alkalde noong hinubaran na siya. Alam kong nabitin

si Saling pero hindi parin niya itinuloy ang pakikipagtalik sa Alkalde dahil inabutan siya

ng regla. Pero kahit ganoon pumayag parin si Saling na kainin ang pagkalalaki ng Hepe,

inggit na inggit ang Alkalde kaya pinakain niya ang sa kanya kay Tata Selo. Kawawa na

talaga si Tata Selo, kaya naman, pinutol niya ang sandata ng Alkalde at linunok. Ngayon

ay nakagandti na siya at handa ng magsarili.

Page 93: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Bagong TaonAlejandro Abadilla

I.Bagong sigla,

Bagong sigla ng pag-asangKung sa daho’y lantang dahon at tuyo na.

Bagong Taon,Sa pagdatal mong mukha ay masaya,

Sumariwa itong pitaPagkaraka!

II.Bagong diwa,

Bagong diwa ng makatangKung sa bati ay batisang walang tula.

Bagong Taon,Pag ngiti mo, ang batisa’y nagkamutya’t

Nang kumanta’y walang sawa—Bakit kaya?. . .

III.Bagong balak,

Bagong balak ng pangarapAy musmos pa’t walang kayang makalakad,

Bagong Taon,Nang ang bata’y mahagkan mo ay lumakas,

At sa gayon, ang hinanap,Kanyang palad!

IV.Bagong aliw,

Bagong aliw ng mithiingKung sa puso’y kuyom-kuyom ng hilahil.

Bagong Taon,Nang lumapit ka sa kanyang may paggiliw,

Nahango mo sa tiisingMaglilibing!

V.Bagong taon,

Bagong taong muli ngayonAt ng bawat tao’y tila mayr’ong layon,

Bagong Taon,Ikaw baga’y magbabalik kay Kahapon

Natigmak na sa linggatong?Huwag gayon!

Page 94: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULAPasalaysay sapagkat ang tulang “Bagong Taon” ni Abadilla ay nagsasaad ng

pangyayari o may kwento sa tula.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Ang tulang “Bagong Taon” ay walang tugma. Ito’y walang tugma

dahil ito ay nasa malayang taludturan. Kung saan nakasaad na ang malayang

taludturan ay walang sukat at tugma bagkus ito’y kinapapalooban ng kaisipan at

talinghaga.

II. SUKATAng tulang “Bagong Taon” ni Abadillo ay nasa isang Malayang

taludturan o free verse. Ito’y dahil wala itong sukat at tugma ngunit ito ay

kinapapalooban ng kaisipan at talinghaga.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULASa tula, ang bagong taon ay nagbabadya ng “bagong sigla,”

“bagong diwa,” “bagong balak,” “bagong aliw,” at “bagong taon.” Mahahalata na

tantiyado ng makata ang pagkatalogo o paghahanay ng mga katangiang maaaring

taglayin ng sinumang tao. Sa pagbabago ng panahon, nababago rin ang pananaw,

kalooban, at lunggati ng mga tao na parang nagpapaalingawngaw sa matandang

kasabihan ng Maranaw: “Mia-alin so mosim na kaonton so tao” (Nagbago ang

taon, tao ay nagbago). Sa mga Ilokano, ang pagbabago ng taon ay pagbabago rin

ng ugali (Iti baro nga tawen/ Bago nga ugali).

IV. TALINGHAGAMasasabing napagalaw ng husto ang guniguni ng mambabasa.

Patunay dito ang iba’t-ibang reaksyon ng mga tao. Isa pa, dahil sa komento ng

mga kapwa manunulat ni Abadilla.

Page 95: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

V. IMAHEN O LARAWANG DIWAIpinakikita rin sa tula ni Abadilla na ang panahon ay hindi estatiko,

bagkus ito’y umaandar at sa ayaw man o sa gusto ng tao ay mapipilitan siyang

tangayin ng agos ng pagbabago. Ang transpormasyon ng mga pangyayari ay hindi

lamang matatagpuan sa bawat seksiyon ng tula. Nalalagas ang mga tuyot na

dahon at mapapalitan ng sariwang dahon, na pagsasadula ng siklo ng buhay at

resureksiyon. Nagpapabukal ang bagong panahon ng sariwang diwaing walang

pagkasaid. Nagkakaroon ng gulugod ang mga balak at natutupad ang pangarap sa

tumpak na panahon. Napapalitan ang lungkot at humahalili ang kasiyahan. Ngunit

ipinagugunita rin ng tula na huwag nawang magbalik pa sa nakalipas na “tigmak

sa linggatong” (i.e., hilahil at ligalig) na animo’y walang kalutasan kapag inisip.

Kapag pinag-ugnay ang bawat seksiyon, makabubuo ng isang buo’t pambihirang

katangian ng Bagong Taon, at ito ang dapat pahalagahan ng lahat.

VI. ALIW-IWSa pagsusuring nagawa, masasabing hindi nagging maindayog ang

pagbigkas ng tula. Una, dahil hindi ito taglay ng tula. At huli, wala ito sa uring

tradisyonal ng tula.

VII. TONOSa pagsusuring nagawa, masasabing masayaang damdaming

nakapaloob sa tula. Nasabi ito dahil, naipakita niya ang kagandahan ng kanyang

likha sa pagsasabing siya ay malaya at matapat sa sarili, kahit ano pa man ang

sabihin ng mga kritiko. Ipinakita din niya ang pagkakaisa ng kanyang pagkatao,

damdamin at paniniwala sa tula ng kanyang daigdig.

VIII. PERSONAAng persona sa tula ay ang mismong awtor nito na si Alejandro G.

Abadilla.Dahil ito’y galling mismo sa kanyang karanasan.

Page 96: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

IX. TEORYA/DULOGREALISMO

Sa teoryang ito higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan . May mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at kapaligiran.

Ang mga akdang nasa ilalim nito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at iba pang katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami rin ang tagpuan. Ito'y na mayagpag sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon.

X. REAKSYON/KOMENTOMagandang bigkasin ang tulang ito ni Abadilla. Maaaring bigkasin

ito ng isa o limang tao na waring nagsasagutan, at bawat bumibigkas ay may kani-kaniyang himig. Maaari ding lapatan ng musika ang tula, dahil ang repetisyon ng mga salita at diwain ay madaling masasagap ng makaririnig. Ano’t anuman, ipinakikita lamang ni Alejandro G. Abadilla na kahit noon ay sinimulan na ang paghahanap ng bago hindi lamang sa tula, kundi maging sa ating pagsagap ng mga bagay-bagay na malimit kinakaligtaan, kung hindi man pinahahalagahan, sa ating paligid o daigdig.

Page 97: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

(Suba, Risaflor)

GapoLualhati Bautista

Nagsisimula ang kwento sa Freedom Pad, isang night club sa Olongapo. Doon

kumakanta si Michael Taylor Jr., at madalas ang kanyang mga kinakanta na mga kanta ay may

anti-American message pero dahil Tagalog nag wika na gingamit niya sa pagkanta ay hindi

nagagalit ang mga ‘kano na pumupunta doon, at sa halipay tumatawa pa ng mga ito dahil sa

nakikisabay sila sa mga tawa ng ka-table nila na hostess.

Si Magda ay nakakilala ng isang ‘kano na nagngangalang Steve Taylor,

ipinakilala niya ito kay Mike at, sa laking tuwa niya, naging magkaibigan ang dalawang ito.

Si Modesto, na nagtatrabaho sa Base, ay madalas na tinatawag na “yardbird” o

patay gutom ni Johnson, isang ‘kanong sundalo. Hindi na nakayanan ni Modesto ang pangaabuso

ni Johnson at nakipagsagutan na siya, ito ay nauwi sa sapakan na ikinamatay ni Modesto.

Si Ali naman ay naging kasintahan ng isang ‘kano na nagngangalang Richard

Holloway. Sa umpisa ay mabuti ang dalawa sa isa’t isa, ngunit hindi pala totoo na mahal ni

Richard si Ali at gusto lamang nito nakawan ang bakla. Ninakawan niya si Ali kasama si Igna,

ang katulong ni Ali, at binugbog nila si Ali.

Dahil sa mga nangyari ay lalong naggalit si Mike sa mga ‘kano, pero dahil kay

Steve ay naniwala si Mike na nakatagpo na siya ng isang ‘kano na hindi tulad ng iba. Lahat ng

ito ay nagbago noong malaman niya na nabuntis nito si Magda, na hindi pala nito mahal si

Magda at may pamilya pala ito sa Estados Unidos. Ang masmasaklap pa ay gust nito na ipa-

abort ang bata. Dahil sa mga sinabi ni Steve ay naalala nito ang masakit na mga alaala niya

bilang isang GI baby na hindi nakakilala sa kanyang ama. Hindi na niya napigilan ang kanyang

sarili at hinataw si Steve hangang sa mamatay ito. Pagkatapos ay nakulong siya. Isang araw,

dinalaw ni Magda si Mike at pinagpaalam sa kanya na ang ipapangalan niya sa anak niya ay

Michael Taylor III. Dito nagwawakas ang istorya.

Page 98: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

I. TAGPUANAng tagpuan ng nobelang GAPO ay ginanap sa lalawigan ng Olongapo, kung

saan sumesentro ang nobela, isa sa mga tagpuan ng nobela ay ang Fredom Pad, bar na

pinagtatrabahuan nina Magda at Mike. Dito rin sa bar na ito nagkakilala sinaModesto at

Ali. Dito nakilala ni Magda si Steve, dito nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga Kano

atPinoy at marami pang iba na hanggang ang bandang dulong bahagi ng nobela na

maituturing naµpagkawala ng dambuhalang galit ni Mike sa mga Kano ay dito naganap.

Ang Freedom Pad ang siyangnaging piping saksi sa ibat ibang pangyayari sa buhay ng

mga pangunahing tauhan

II. TAUHANAng mga pangalan ng mga tauhan na ginamit ay walang nakakapaggunita sa

kasaysayan, at ang kanilang mgapaggalaw, pananamit at itsura, ay naaakma sa panahon,

sa kanialng propesyon at sa sakanilang mga mga ginagampanan na tauhan katulad na

lamang ni William Smith na responsableng kano sapagkat pinaksalan niya ang isang

pilipina ng ito ay kanyang mabuntis.

III. BANGHAYBlondeng diyos. Ito ang maikling diskripsiyon kay Michael Taylor Jr.,

dalawampung taong gulang,isang G.I. Baby na folk singer sa Freedom Pad sa Olongapo

na malaki ang galit sa mga Kano dahil sa ginawang pag-iwan ng mga ito sa kanyang

inang si Dolores kaya wala siyang kinalakhang ama. Magdalena naman ang pangalan ng

naging kaibigan ng kanyang ina na kinalaunay umaruga dito hanggang sa itoy mamatay.

Silaynamuhay na magkasama sa iisang bubong. At kabaligtaran ni Mike, si Magda na isa

ring hostess gaya niDolores ay malaki ang pagkahumaling sa mga produktong Kano at

sundalong Kano sa pag-asang makapunta saAmerika upang guminhawa ang buhay. Sa

Freedom Pad, nagkatagpo sina Alipio at Modesto na nauwi sa isanggabi ng romansa.

 Nagawa lamang ito ni Modesto dahil sa kanyang mapapait na karanasan sa loob

ng Base attanging alak lamang ang kanyang labasan ng sama ng loob. Si Ali naman, sa

kanyang paghahanap ngmakakatuwang sa pag-aaruga kay Jeffrey na kanyang

pamangkin, ay agad na nahulog ang loob sa nooynagpakilalang si Richard Halloway

nang sila ay nasa beach.

Page 99: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

 Nagpatuloy ang normal na pamumuhay ng mgatauhan sa maingay na siyudad ng

Olongapo hanggang sa makilala ni Magda si Steve Taylor na maituturing nakaiba sa

ibang Kano.

 Ngunit si Modesto na sa tuwinay mapagtimpi, ay sumabog nat sinubukang

lumaban samga sundalong Kano matapos malaman ng anak ang kanyang tunay na

sitwasyon. Lamang sana siya ngunitsiyas pinagtulungan, at nasawing-palad.Ang matamis

naman na pag-iibigan nina Ali at Richard ay balat-kayo lang pala µpagkat siyay

inisahannina Richard at Igna, ang kanyang boy sa bahay.

 Ninakaw ng mga ito ang kanyang pera at binugbog pa siya.Mabuti na lamang ay

nasakluluhan siya ni Mike. Samantala, masaya sana si Magda na siyay nagdadalang-

taona ngunit nang siya ay ayaw pananagutan ni Steve dahil siya ay may pamilya na sa

Amerika at nang malamanito ni Mike, isang paghulakbos ng damdamin ang naganap.

 Nang gabing iyon sa Freedom Pad, mataposkausapin ni Steve si Mike at sabihing

ipalaglag na lang ang bata, nagbalik sa alaala ni Mike ang kalupitan ngmga Kano sa

kanyang mga kaibigang sina Modesto, Ali at Magda. Sa isang iglap, pinaghahampas niya

ngkanyang gitara ang ulo ni Steve hanggang sa itoy mamatay.Sa wakas ng nobela,

nakulong si Mike at sa pagdalaw ni Magda sa kanya sa kulungan ay matatantong,

siMagda na dating nahuhumaling sa mga Kano ay tuluyan nang nagbago. Ipinagbigay-

alam niya kay Mike na papangalanan niya ang kanyang anak na Michael Taylor III.

Bilang pagtanggap ni Mike na siya na ang tatayongama ng bata, mahigpit niyang ginagap

ang kamay ni Magda sa rehas

IV. PUNTO DE VISTASa nobelang ito, masasabi kong ang nagsasalaysay ay ang pangatlong panauhin

kung saan kanyang inilalarawan ang pangyayari sa pagitan ng isang pilipinong may galit

sa mga kano dahil sa pagkakaiwan nito sa kanyang ina. Ang nobelang gapo ni Lualhati

Bautista ay may pagkakasalaysay na konsistent mula sa umpisa hanggang sa katapusan.

At sa nobelang din ito, konsistent din ang obserbasyon at nagsasalaysay mayroom ding

mga bagay na hindi dapat banggitin. Sa aking palagay, kung iba ang nagsasalaysay ay

magiging mas epektibo ito sa nobela dahil lubhang mararamdaman ng mga mambabasa

ang nobela kung ang unang panauhin ang nagsasalaysay.

Page 100: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

V. TONOAng gapo ay isang magandang nobela dahil sa mga sankap nitong umaakma sa

istorya ng nobel at isa na dito ang pagkakaangkop ng mga piling lenggwaheng ginamit

dito dahil ay nobelang nilikha ni Bautista ay lubhang pormal sa panaghon ng

kontemporary. At angkop din ang istilo ng tono ng paglalahad sa nobelang ito dahil kung

hindi ito angkop, lubhang maaapektuhan ang interpresasyon ukol sa kwento.

VI. PAKSA O TEMAAng obra maestra ni Lualhati Bautista na Gapo, bagamat kanyang pinaka-unang

nobelang ginawa, aytalaga namang matagumpay na naihain sa mambabasa ang

pinakadiwa ng akda, ang mapait na katotohanan samatamis na pagsasamahan ng

dalawang bansang naging magkaibigan µpagkat nagtulungan noon at matapos

angikalawang pandaigdigang digmaan ang Estados Unidos at ang Pilipinas.

Bata pa man tayo ay hindimaitatatwang napakaganda na ng imahe sa atin ng

alinmang bagay, produkto o dili kaya tao basta galingAmerika ito. Subalit sa nobelang

ito ay nabatid natin ang ilan sa mga bagay na oo, kapansin-pansin, subalit  bakit di batid

ng isa man sa atin. Sa sitwasyon ng mga pangunahing tauhan na sina Mike, Magda,

Modesto, Aliat nating mga Pilipino na di hamak na sangkot sa istoryang ito ay tila may

tumapik sa ating mga balikat, tilamay kumurot sa ating mga puso at ang ating datiy tila

napakatamis na panlasay tila pumait, umalat. Oo, puro pala tayo tila, hindi naman pala

tayo ganoon kasigurado dahil ang alam lang natin ay tanggapin ang lahat ng saatiy isubo.

Basta ang alam natin, sila ang mas may higit na karanasan, kaalaman at karapatan dahil

mga Pilipino lang tayo at sila ang mga dakilang nilalang sa mundo.

VII. TEORYA/DULOG

Para sa akin ay ibat ibang teorya ang maaaring iugnay sa nobelang GAPO dahil na rin sa

layunin nitongunti-unting gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa

bawat kabanata na nagpapakita ng magkakaibang katangian sa bawat isa subalit

nananatiling magkakaugnay. Ang mga sumusunod ay ilan sa mganakita kong teoryang

pampanitikan na napapaloob sa nobela:

Page 101: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

1. Teoryang Humanismo - Ang galing ni Mike sa pagtugtog ng gitara ay isa ng

patunay dito. At sa kabila ng masalimuot na pamumuhaysa Olonggapo at buhul-buhol na

kagaspangan ng ugali ng mga tagaroon dala na rin ng kahirapan ng buhay aymay parte pa

rin sa nobela na nagpapatunay na ang tao ay may itinatagong kabaitan. Ang pagtulong ni

Modestokay Mike nang siya ay hinahabol sa Jungle, ang pakikipagkapwa-tao at

pakikipagkaibigan din ni William Smithkay Modesto at miminsang tawanan at maayos na

samahan nina Magda at Mike sa Apartment ay ilan lamanghalimbawa nito.

2. Teoryang Realismo - Sa paunang salita ng may-akdang si Lualhati Bautista, kanyang

ibinahagi ang kanyang karanasan sa kanyang pananatili sa Olonggapo kasama ang

dalawang kapatid na sina Marie at Lumen at pinsang si Carding. Sakanilang pagpunta sa

isang bar doon ay nakakuwentuhan nila ang iba pang kasamahan ni Carding sa Base

ukolsa ilang mga lihim at mapapait na katotohan sa loob o labas man ng Olonggapo. Dito,

mapapatunayan na angnobelang Gapo ay nabigyang-buhay ng karanasang iyon.

3.Teoryang Feminismo - Ang may-akda ay isang babae at isa sa mga pangunahing tauhan na

si Magdalena ay babae.

Naipakita sa atin niLualhati na ang mga babaing tulad ni Magda ay may mga

pangarap din sa buhay, may dignidad na kadalasayipinagbabawalang-bahala na lang makamit lamang ang

kaginhawaan. Sa pagtatapos ng nobela ay napatunayan na siMagda ay isang babaing may pagmamahal sa

buhay µpagkat kanyang piniling huwag ipalaglag ang bata sa kanyangsinapupunan. Bagkus kanya itong

bubuhayin kasama ni Mike, siya ay handing matuto at pinatutunayan ito ng kanyanghanding pag-aaruga

kay Jeffrey habang nasa ospital pa si Ali.

4. Teoryang Arkitaypal- Napakaraming pangyayari sa nobela na sa unang basay hindi

masasabing isang simbolismo subalit sa iyong patuloy na pagbabasa hanggang sa huli ay

matatanto mong ang ilan sa mga ito ay may ipinahihiwatig na pangyayari sa atin.

Halimbawa ay ang pamimili ni Magda ng napakaraming produktong stateside noong una

at pagsasantabi ng mga produktong Pinoy. Subalit sa huliy kanyang piniling huwag kainin

ang Baby Ruth, itoy panahan ng kanyang pagdadalantao at kanyang naalala ang mga

sinabi sa kanya ni Mike na kanyang tinawanlamang noon. Ngunit, makikita nating si

Magda ay talaga naming nagbago na ng pananaw sa buhay bunga narin ng mapapait na

karanasan kina Sam at Steve.

Page 102: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

5.Teoryang Historikal - Sa nobela ay binigyang paliwanag ang ilan sa mga kadahilan ng

bagay-bagay at mahahalagang kasaysayan ng bansa. Isang halimbawa nito ay ang kuwento

ukol sa pagbomba sa Pearl Harbor at ang napakaraming kabuntotna epekto nito sa ating

bansa at ng bansang Amerika.

VIII. REAKSYON/KOMENTOSa unang tingin, hindi mo aakalaing ang isang maliit at tila pipitsuging

librong Gapo ni LualhatiBautista ay mayroong napakaraming bagay, aral, katotohanan at

kaisipan ang sa ating mambabasay ipapamana. Sa katotohanan, hindi ko intensiyong

magbasa ng isang nobelang Tagalog noong una sapagkat nasanay na akosa nobelang

isinulat sa wikang Ingles. Pero dahil kailangan, sinimulan kong basahin ang pabalat, sa

harap at salikod. Mukhang kakaiba ang tema nito ah. Sa isip ko. Kaya pagbuklat ko sa

unang pahina, tila ako namahika pagkat di ko na natigilan ang pagbabasa.

 Nagising ang natutulog kong diwa, damdamin at espiritung pagka-

Pilipino. Mapapansin mo naman sakabuuan ng pagsusuring ito ay tila pinapatutsadahan

ko ang bansang Amerika o ang Estados Unidos. Oo, totoo yun, bakit? Sa mas

sersoyosong usapan, naramdaman kong mahal ko pala ang bansa ko, ang kapwa ko at

angsarili ko. Kasi dati, basta gawang ibang bansa, pinapanginoon natin, pero dahil sa

akdang ito, mas nabigyangliwanag ang mga haka-haka. Oo, wala naman payak na

patunay si Lualhati maliban sa kanyang karanasan, sa eksperiyensa ng mga taong

biktima ng kanilang kabutihang-puso.Kung ang epekto nito sa ating bayan, sa palagay ko

ay wala hanggat hindi nakakapagbasa ng isangnobelang tulad ng Gapo. Marahil sa aming

mga mag-aaral na required na magbasa nito ay mayroon. Sana lang mabuti ito at magamit

sa tamang paraan at hindi lamang nalaman at wala na, ibinaon na sa kung saan

Page 103: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Lilik at PlumaLamberto E. Antonio

Makalawang na lilikAng buwan sa batisan

Nang bigla kong maisipAng plumang makalawang.

Page 104: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

A.URI NG TULAAng maikling tula na may pamagat na “lilik at PLUMA” ni lamberto ay isang uri ng

tulang liriko dahil ang tulang ito ay tumatalakay sa damdamin ng tao na pagkabigla sa kanyang

natuklasan.

B.SANGKAP NG TULAI. TUGMA

Pansinin na pinagsalit ng makata ang tugmaan: magkarima ang una at pangatlong

linya, gayundin ang pangalawa at pang-apat na linya.

II. SUKATAng maikling tula ni Lamberto Antonio na TANAGA ay may apat na linyang

binubuong 28 pantig, o tigpipitong pantig ang bawat linya.

III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA

Dalawang magkaibang bagay, na sa dakong huli ay lumitaw na magkahawig

pala. Ayon nga sa isang kritiko, napakaorihinal at napakaangkop ng naturang

pagtatambal.

IV. TALINGHAGA

Ang talinghaga ng tulang ito ay nakabatay sa paghahambing ng dalawang

daigdig: ang daigdig ng magbubukid at ang daigdig ng manunulat.

V. IMAHEN O LARAWANG DIWA

Malinaw ang imahen o larawang repleksiyon ng buwan sa tubig; ginamitan ito ng

tayutay (figure of speech) na metapora. Ang “lilik” ay kagamitan ng magsasaka kapag

nagdadamo o gumagapas ng palay. Angkop na sagisag ng buwang kakabiyak (crescent

moon).

VI. TONO

“pagkaBIGLA” ang pagkaunawa niya na may iba siyang mga binagay na

pinagkakaabalahan, kung kaya matagal niyang naisaisantabi ang pluma o panulat niya.

Page 105: Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

VII. PERSONASa tulang ito, amg tanging nagsasalita ay ang unang persona na

ininilarawan bilang isang magsasaka.

VIII. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit sa tulang ito ay sa pamamagitan ng TANAGA na may apat

na linyang binubuong 28 pantig, o tigpipitong pantig ang bawat linya. Dahil “makipot”

na behikulo ng tula ang tanaga, kailangan maging siksik ito sa mga pahiwatig upang

makita ay maramdaman ang kahulugan. Ang mahusay na tulang inilulan sa pormang

tanaga, kung gayon, ay matipid sa pananalita ngunit mayaman sa diwa

IX. REAKSYON/KOMENTOAng tulang lilik at pluma ay isang napakaikling tula ngunit may

pagkakumplikado ang talinghaga sapagkat pinaghambing niya ang dalawang

magkaibang bagay, na sa dakong huli ay lumitaw na magkahawig pala. Ayon nga

sa isang kritiko, napakaorihinal at napakaangkop ng naturang pagtatambal.


Recommended